Nabigla naman ang mga kaibigan ko sa pagsulpot ni Mike. Wala sa kanila ang makasagot ng tinanong niya. Ako naman tuloy pa rin sa paghikbi habang nakayakap kay Bea.
"Ano na Ric, sagutin mo ang tanong ko?" si Mike na medyo mataas naang boses. Dahil nasa labas kami nakaupo, di maiwasang magtinginan ang mga taong nakaupo rin at ang mga naglalakad.
"Althea, Nica, iwan ko muna sa inyo saglit si Ric, mag-uusap lang kami ni Mike sa labas." si Bea.
"Sige friend" pagsangayon nila.
"Halika Ric dito ka muna sa amin, kasi naman tong si Bea, sa susunod kasi kape na lang iinumin natin wala nang magdadala ng alak. si Althea.
"Sus kung makapagsalita ito eh umiinom din naman kayo. Tara na nga Mike, labas muna tayo, may pag-uusapan tayong mahalaga." yaya ni Bea kay Mike.
Hindi ko alam ang mga pinag-usapan ng dalawa. Inaalok din ako ng kape ng dalawa pero dahil na rin sa kalasingan, hilo at antok, nakatulog na ako.
Kinabukasan, nagising ako dahil may nakapa akong tao sa tabi ko. Nang idilat ko ang mata ko, napatayo ako dahil katabi ko si Mike, nakahubad pang-itaas at nakaboxer shorts. Mahimbing parin ang tulog niya. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi. Tama, nag-inuman kami magbabarkada tapos bigla siyang sumulpot. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
Hihikab-hikab akong tumayo sa higaan para maghanda sa pagpasok sa opisina. Pumunta ako ng banyo para maghilamos at magsipilyo nang mapatingin sa salamin, napasigaw ako. Iba na ang suot kong damit. Dahil doon nagising si Mike at kinatok ako sa banyo.
"Ric, ok ka lang, ano nangyari sa iyo, buksan mo ang pinto." si Mike.
"Wala ito, sige a....ayos lang ako." sabi ko.
"Sigurado ka, bababa lang ako para magluto ng breakfast natin" si Mike.
Hindi na ako sumagot sa kanya sa halip, tinuloy ko na lang ang aking ginagawa. Naisip ko na baka pinagsamantalahan ako ng mokong, tsinansingan ako. "Arrrrhhh, hindi iyon maaari straight siya" ang napailing-iling kong sabi sa sarili ko.
Pagkatapos, bumaba na rin ako para mag-agahan. Umupo muna ako sa sofa habang naghihintay ng pagkain. Habang nagluluto siya sa kusina, iniisip ko naman ang mga nangyari. Bakit katabi ko si Mike? Siya ba ang nagpalit ng damit sa akin? May Nangyari ba sa amin? Ah ewan. Kaya napagdesisyunan ko na tanungin siya . Makaraan ng halos 30 minuto, tinawag na niya ako para kumain.
"Ric, ok ka na ba?" si Mike na may tono ng pag-aalala habang kumakain.
"Ayos lang pero mas magiging ok ako kapag umalis ka na" sabi ko dahil sa naalala kong eksena kahapon.
Nahiwagaan ako sa mga sunod na ginawa niya, nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko naman magawang basahin sa mata ang mga iniisip niya. Maya-maya, huminga siya ng malalim at nagsalita.
"Alam ko ang iniisip mo. Yung pagtabi natin sa kama at ang pagpalit sa damit mo." Aaminin ko, ako ang nagpalit ng damit mo, nasukahan mo kasi ito e, hanggang doon lang, wala na ko ibang ginawa sa iyo." paliwanang niya.
"Buti naman kung ganoon" tugon ko sabay subo ng kinakain.
"Siyempre mataas ang respeto ko sa iyo. Gagawin ko lang ang bagay na iyon sa taong malakas ang loob ipagtapat ang tinatago nitong damdamin sa akin." si Mike.
Parang patama sa akin ang sinasabi niya pero di ko pinahalata na affected ako at tinuloy ang pagkain.
"Ric, alam ko na ang totoo sinabi na ni Bea ang lahat sa akin. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo." si Mike.
Bigla ulit akong naluha sa mga sinabi ni Mike. Naalala ko bigla ang lahat ng kamalasang nangyari sa akin.
"Ngayong alam mo na, dapat layuan mo na ako." sabi kong naluluha.
"Hindi, hindi ko gagawin iyon. Ric, alam kong natatakot ka lang masaktan kaya pinagtatabuyan mo ako. Pero sasabihin ko sa iyo, naiiba ako sa kanila. Puputulin ko na ang mga sunud-sunod mong kamalasan." sabi niyang naluluha na ikinagulat ko.
"Aaminin ko nung una nasasaktan na ako sa mga ginagawa mong pagdistansya sa akin. Hindi mo pinahahalagahan ang mga ginagawa ko sa iyo.At ngayong nalaman ko na ang lahat, naiintindihan ko na kung bakit mo ginagawa sa akin ito. Sana Ric, bigyan mo ako ng pagkakataong patunayan na di ako tulad ng mga nauna mong nakarelasyon." dagdag ni Mike sabay hawak sa kamay ko.
Gusto ko nang bumigay ng mga oras na iyon. Kitang-kita ko ang sincerity sa mga sinasabi niya. Hindi ko na talaga napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Tuluyang napahagulgol na ako sa mesa. Tumayo naman si Mike sa kinauupuan at lumapit sa akin. Napayakap ako sa kanya.
"Pasensya ka na sa mga nagawa ko, natatakot lang kasi akong masaktan ulit. Masyado na akong nadala e. Mahal Kita Mike." sabi kong habang umiiyak na nakayakap as kanya.
"Ang sarap naman pakinggan. Mahal na mahal din kita, simula ngayon magiging masaya ka na" si Mike na medyo ngumiti na at hinaplos ako sa likod habang nakayakap sa kanya.
"Tama na yan parang nagiging korni na eh. Masyado na tayong matanda para magemote nang ganito." sabi kong nakangiti na rin. Kumalas na ako sa pagkayakap niya at nagpunas ng luha.
"Ikaw lang naman ang nag-eemote dyan." si Mike sabay batok sa akin.
"Bilisan na natin, malalate na ako sa work." sabi ko.
"Huwag ka munang pumasok ngayon. Tara pumunta tayo ulit ng Tagaytay." ang biglang pagyaya niya sa akin.
"Ngayon na ba, ang dami kong trabaho ngayon sa office e"ang pagulat kong tanggi sa kanya.
"Magpahinga ka naman, dapat binibigyan mo ng oras ang sarili mo na makapag-enjoy kahit minsan, lalo mo lang pinabibilis patandain ang sarili mo e dahil sa kakaisip sa trabaho." si Mike.
"Matanda ka diyan, hindi pa ano. Saka magkasing edad lang tayo? sabi ko sabay batok sa kanya para makaganti.
"Mas gwapo naman ako sa iyo" si Mike sabay kindat at pose ng papogi sign.
"Ay ang lakas ng hangin dito grabe" ang reaksyon ko sa kanya sabay paypay ng kamay.
"Ah basta sasama ka sa akin whether you like it or you like it." si Mike.
"Sige na nga sasama na ko" pagpayag ko narin. Alam kong hindi naman ako mananalo sa kumag na ito.
______________________________________________________________________
Sa totoo lang gusto ko na rin balikan ang isang magandang alaala, ang Tagaytay. Dito ako unang dinala ni Mike noong college days namin. Naalala ko, isang hapon oras ng uwian, sabay kaming umuwi gamit ang kanyang kotse. Nakatulog ako habang nagmamaneho siya at paggising ko ay nandun na kami.
"Saan mo ako dinala, hindi ito ang bahay namin" ang naiinis ko nang sabi kay Mike.
"Pwede bang huwag kang sumimangot, papangit ka nyan e. Tara baba ka na." si Mike.
Habang nakaupo sa damuhan, tumabi siya sa akin, inakbayan niya ako.
"Alam mo Ric, ikaw pa lang ang unang taong dinala ko dito. Alam mo paborito ko itong lugar. Dito ako nakakaramdam ng kasiyahan at kapayapaan." si Mike.
"Talaga, maniwala ako sa iyo kahit girlfriend mo, sa guwapo mong iyan? ang di ko naniniwalang sagot sa sinabi niya.
"Wala pa kong girlfriend, pero meron na kong napupusuan" seryosong sagot niya na nakatingin lang sa malayo.
"Sino naman iyon?" ang pagkacurious kong tanong.
"Hindi ko muna sasabihin baka kasi mabigla siya at lumayo kasi kakakilala pa lang namin" sagot niyang nakatingin na sa akin.
"Napakaswerte naman ng taong iyon" sagot ko.
"Mas swerte ako sa kanya, siya ang nagbigay ng sobrang saya sa akin" nakangti niyang tugon. Hay nakakatunaw na talaga ang ngiti niya pati ang mata grabe pero di ako nagpahalata.
"Ah ganun ba. Hmmm.... salamat nga pala at dinala mo ako dito. First time ko lang makapunta sa ganitong lugar." ang sabi ko na nakatingin lang sa kanya.
"Hayaan mo, babalik tayo dito sa susunod" si Mike na nakangiti pa rin.
"Alam mo Mike, hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na magiging close bestfriends tayo." ang bigla kong nasabi habang nagpupulot ng maliliit na bato at hinahagis palayo.
"Destiny sa atin iyon na paglapitin tayo" sagot niya.
"Naniniwala ka ba sa ganoon" tanong ko.
"Oo naman, at kita mo, compatible tayong dalawa" sagot niya.
"Compatible ka dyan, ahm Mike, may gusto lang ako itanong sa iyo. Bakit ang bait mo sa akin tapos sa dami ng mga tao sa paligid mo, ako ang napili mo maging bestfriend?"
"Sa totoo lang marami naman akong kaibigan, pero iba kasi ang dating mo sa akin, nabanggit ko na rin ito sa iyo sa chat natin nung nagpapanggap ka. Hindi ko maintindihan, basta ang gaan ng loob ko sa iyo." si Mike habang hinahaplos ang ulo ko.
"Ric pwede request" si Mike.
"Ano iyon?" tanong ko.
"Pwede bang pahiga ako sa hita mo sige na" si Mike.
"Iyon lang ba sige" pagpayag ko.
Humiga na siya sa damuhan na ang ulo ay nakapatong sa hita ko. Hinaplos-haplos ko naman ang buhok niya habang nakapikit siya. Kaming dalawa lang ang nasa lugar na iyon kaya pakiramdam ko solo namin ang daigdig. Doon ko nalaman sa sarili ko na mahal ko na siya. Ang tanong ganoon din kaya siya sa akin? Ako kaya ang sinasabing napupusuan niya?
______________________________________________________________________
At ngayon makalipas ang mahigit 8 taon niyang pagkawala, nasagot na ang matagal ko ang tanong na iyon. Mahal din ako ni Mike. Masaya ako dahil magkakasama ulit kami na babalikan ang magandang alaala, ang Tagaytay.
Itutuloy............
finally... naging officially sila na... galing mo mag kwento daredevil. idol kita. susunod ko na ang next chapter.... marathon ito eh... hehehe
ReplyDelete