Monday, October 18, 2010

TUKSO Part 4

Mukhang naging effective ang ginawa ko sa kanya base sa nakikita ko sa mukha niya. "May Cynthia siya, dapat ako rin para fair di ba, hehehehe." sabi ng nademonyo kong utak.

"Totoo ba yang sinasabi mo, di ako naniniwala" pagmamatigas pa rin niyang sabi.
"Thats true, at wala ka nang magagawa doon," sabi ko.

Kita ko ang bigla niyang panglalambot at pagkalungkot. Medyo nakonsensya naman ako sa kasinungalingan ko pero pinanindigan ko ito para na rin maiwasan ang tukso.

"Ganun pala siguro ang dahilan kung bakit lumalayo ka na sa akin, pero di ako susuko Ric tandaan mo yan." sabi niya sabay umalis ng office ko.
"Salamat umalis na din makakapagtrabaho na ko nito ng maayos" pahabol kong sabi sa kanya habang binubuksan ang pinto palabas.

Kinagabihan, pumunta na ako sa bar para sa usapan namin ni Bea. Nakita ko silang lahat nandun na at ako na lang ang hinihintay.

"Ohhh, nandito na ang VIP, tara inuman na tayo" si Bea.
"Sorry, natagalan ako ang traffic kaya" sabi ko.
"Traffic, gabi na meron pa ba nun" si Nica
"Oo kaya sa EDSA parang di kayo dumadaan doon" sabi ko.
"O siya-siya tara cheers na" yaya ni Althea sabay taas ng aming mga baso.
"Ano na balita friend sa inyo ni Papa Mike." si Bea ulit.

Kinuwento ko naman sa kanilaang mga nangyari pati na ang ginawa kong pagbibiro sa kanya.

"Talaga, nagalit siya hmmmm, I smell something different sa kanya, baka naman in-love siya sa iyo" si Nica sabay kurot sa tagiliran ko.
"Ano ka ba hindi mangyayari iyon, alam ko ung Cynthia na narinig ko sa dad niya kanina ay yung girlfriend niyang sinundan sa Amerika." Impossible yang sinasabi mo.
"Uy nagseselos, ang haba ng hair mo kalbuhin kaya kita dyan" si Bea.
"Ikaw naman, masyado kang assuming pero tama na rin siguro yun para makasigurado para di na maulit ang mga nangyaring kamalasan sa iyo."si Althea.
"Ganun nga yun,sana lang tigilan na niya ako" sabi ko.
"Hay naku friend, para kayong mga teenagers sa pinaggagawa ninyo, FYI hindi na bagay sa inyo yan mga gurang na kayo." si Nica sabay tawa.
"Anong gurang 28 pa lang ako."
"Oo 28 years old na virgin" si Bea sabay tawanan nila.

Marami pa kaming napag-usapan sa gabing iyon kasama na ang tungkol sa bagong produkto ng aking kompanya. Pagkaraan ng halos 4 na oras na inuman...

"Ang dami mo na naman nainom, makakapagdrive ka pa ba niyan" si Nica na nag-aalala.
"Oo kaya ko pa dont worry dear" sabi  kong lasing na.
"Hindi mo na kaya, paano ka kaya makakauwi niyan, ah alam ko na pahiram muna ng cellphone mo." si Bea.

Binigay ko na rin ang cellphone ko. Alam ko na tatawagan niya ang yaya ko para ipasundo ako.Maya-maya nakatulog na ako dahil sa kalasingan. Hindi ko na alam ang mga sumunod  na nangyari.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa sobrang liwanag. Dahan-dahan kong minulat ang mga nasilaw kong mata. Binuksan pala ang bintana ko na di ko kailanman ginawa dahil may aircon naman ako sa kwarto.Nang mapalingon ako sa bandang kaliwa ng kama ko, bigla akong napabangon.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa lalaki.
"Babe, siyempre binantayan kita sa pagtulog mo, ako kaya ang naghatid sa iyo dito kagabi."
"Paano mo nalaman king nasaan ako ha? tanong ko na medyo naguguluhan.
"Tinawagan ako ni Bea at tinuro niya kung saan ka nakatira" si Mike sabay ngisi.
"Siyempre natuwa ako dahil hindi pala totoong may boyfriend ka kaya pumayag ako sa pakiusap niya" dagdag pa niya.

"Kaya pala niya hiniram ang cellphone ko kagabi, lagot ka sa aking bruha ka," sabi ng isip ko kay Bea.

"Ok na ako, kaya makakaalis ka na" pagtataboy ko sa kanya.
"Iyan ka na naman, paborito mo talagang gawain yan, ang paalisin ako, alam mo nagtataka ako sa iyo dahil ikaw lang ang naglalakas loob na magpaalis sa gwapong ito" si Mike sabay papogi sign.
"Nyak pogi daw, kumain ka na ba, puro hangin na yata ang tiyan mo na napunta sa utak kaya kung anu-ano pinagsasabi mo" sabi kong napapailing dahil sa kayabangan niya.
"Bakit hindi ba totoo, at saka di pa ako kumakain, tara baba na tayo" yaya niya sa akin sabay tayo.
"Sasabay ka, tinanong mo na ba ako kung papayag ako" sabi ko.
"Alam kong di ka papayag kaya di na ko nagpaalam, at saka ako ang nagluto ng almusal natin,  si yaya pinag day-off ko muna" si Mike.
"Aba, aba di ka lang pala makulit, pakialamero pa. Hindi ka pa rin nagbabago, lahat ng gustuhin mo ginagawa mo."
"Oo naman and I'm happy na natatandaan mo pa iyon hehehe" sabi niya sabay smile. 

Wala na ako nagawa pa kundi ang bumaba at kumain ng breakfast kasama niya. Napapatingin ako sa mukha niya habang kumakain. Ang cute talaga niya saka ang bait, pinagluto pa niya ako ng breakfast.
___________________________________________________________________________________
Ang pinapakita niyang kabaitan ang dahilan upang mahulog ang loob ko sa kanya. Naalala ko isang araw nung college ang pagiging mabait niya ang naging dahilan para maging kaibigan ko siya. Dumating na kasi ung araw na nabuking niya ang mga sikreto ko. Isang araw na pasimple akong naglagay ng letter sa kanya sa locker dahil na rin sa namimiss na niya ang mga ito, nahuli niya ako.Nang isusuksok ko ang sulat sa gilid ng pinto ng locker bigla kong narinig ang kanyang boses at kinabahan.

"Ikaw pala si Girly ha" sabi niyang nakatingin sa akin. Kakatapos lang pala nila ng practice ng basketball.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa nerbiyos, napapaatras ako dahil lumalapit siya sa akin at ngayong napasandal na ako sa mga lockers lagot na, nakikita kong pinapatunog niya ang mga kamao tanda nang susuntukin niya ako. Nanalangin na ako sa lahat ng alam kong mga santo sa kahihinatnan ko sa kanyang gagawin.

"Matagal mo na pala akong niloloko kaya pala di ka makapagpakita sa akin", si Mike sabay suntok sa bahagi ng locker na malapit sa kanan kong tainga tanda ng pagdadabog.

Nanginginig na ang bibig ko at nagtutunugan na ang mga ngipin dahil sa takot lalo na nang kinuwelyuhan niya ako. Nagsalita siya ulit na ikinabigla ko at di inasahan.

"Ikaw nagpanggap ka pang babae para lang makipagkaibigan sa akin" Si Mike na galit pa rin ang itsura.
"Pero di mo na kailangang gawin iyon, pinahirapan mo lang ang sarili mo, approachable naman ako e" ang bigla niyang pagngiti at pagbabago ng tono ng boses.
"Sa totoo lang  kinutuban na rin ako na ikaw yung nagbibigay ng mga letters kasi yung handwritting. Kakatuwa ka talaga" sabi rin niya sabay pisil sa pisngi ko siguro sa gigil.

Nanlaki ang mata ko sa inasal niya. Akala ko talagang nagalit siya. Kaya pala namimiss niya ang mga letters. Bigla naman niyang hinawakan ang dibdib ko.

"O kinabahan ka ba sa akin, takot ka ano, iyan ang parati kong nakikita sa iyo noon pa. Sana man lang baguhin mo na iyan, wag ka namang ganyan sa akin" nakangiti na niyang tugon sabay haplos ng ulo ko. Hindi pa rin ako makapagsalita.
"Tutal alam mo na ang lahat ng saloobin ko sa ginagawa mo sa akin, sana man lang pagbigyan mo na ako maging friend mo" dagdag niya.
"Ah yun ba, sige walang problema friends na tayo" nakangiti kong tugon sa kanya.
"Wow salamat ha, ang tagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito, mababaw ba hehehehe? pero ito ang nararamdaman ko e" si Mike na tuwang tuwa. Kita sa mga mata niya ang kasiyahan.
"Woooooooooooooooh" sigaw pa niyang parang nanalo sa lotto.

Doon ko napatunayan na mabait pala siyang tao. Talagang friendly siya. Sa wakas natapos din ang problema ko noong panahong iyon.
___________________________________________________________________________________
Kabaitan, ganyan din ang pinakita ng mga nakarelasyon ko. Isang tukso na dapat kong iwasan. Hindi ako magpapadala sa mga gagawin niya dahil baka masaktan ulit ako sa huli. Hindi na ako bata para magpauto ulit.
Pangako ko sa sarili ko.

"Pagkatapos mong kumain, umalis ka na, maghahanda pa ako sa pagpasok sa opisina at ayaw kong makita ang mukha mo doon, naiintindihan mo ba ha?" sabi ko habang kumakain kami.
"No kahit kailan hindi ko maiintindihan ang pagtrato mo sa akin at wala ka palang choice, ihahatid kita ngayon at susunduin dahil hindi mo magagamit ang kotse mo kinumpiska ko muna" sabi niya sabay subo ng kinakain.
"Shit"

No comments:

Post a Comment