Sunday, October 17, 2010

TUKSO Part 3

Pinalapit ni Mr. Chua ang kanyang anak at binulungan. Nakita ko lang ang pagtango ni Mike sa mga sinabi niya. Hindi ko na lang ito pinansin pa. Pagkaraan ng 5 minuto, nagsimula na ang meeting. Pinakilala ko sa kanila ang bagong produktong ilalabas sa merkado, isang shampoo na pambata. Pinag-usapan din namin ang magiging presyuhan nito sa mga supermarket at ang magiging profit namin dito. Pagkaraan ng mahigit isang oras natapos na ang meeting.

Habang may kausap akong isa kong ka meeting, bigla akong tinawag ni Mr. Chua at sinabing mag-usap kami sa aking opisina. Pagkabalik ko, nagulat ako dahil nandun na ang mag-ama.

"Oh Ric, ang tagal mo naman, inip na ko maghintay." si Mike na katabi niya ang tatay sa isang sofa sa bandang kanan ng mesa ko.
"Ricardo, magkaklase pala kayo nitong anak ko nung college, what a small world hahahaha" si Mr. Chua sabay halakhak.
"Y..y...yes sir." sabi ko sabay ngiti sa kanila at upo katapat nila.
"Alam mo Pa, he was very smart in our class that's why I like him." Si Mike sabay akbay sa ama at kindat sa akin.

Pinandilatan ko naman siya ng mata tanda ng di ko nagustuhan ang mga pinagsasabi niya. Baka kung ano pa ang isipin ng ama.

"Oo, you're right son kaya ako rin gusto ko siyang kasyoso sa negosyo, matutuwa ako kung magiging friends kayo" sagot ng ama.

"Yes Pa, noon pa man friends na kami, di ba Ric? at saka request ko Pa, na lagi akong pupunta dito ha"
"Oo naman, walang problema hehehehehe" si Mr Chua sabay tawanan ng anak niyang kumag.
"Narinig mo iyon Ric, so everyday na ako dadalaw sa iyo ha sabay ngiti sa akin"

Sa totoo lang natuwa at kinikilig ako dahil araw-araw ko nang makikita si Mike pero bigla itong napalitan ng inis nang.....

"Anak araw-araw baka di mo na mabigyan ng time si Cynthia magtatampo na sayo yun." 

Nakita ko ang pagkabigla ni Mike sabay tingin sa akin na medyo nalilito.Alam ko na napuna niya ang pag-iiba ng mood ko.

"Hindi naman Pa, dont worry ako ang bahala" nasabi ni Mike.
"O siya cge mga iho, aalis na ko" si Mr. Chua sabay tayo.

Tumayo na rin kami at inihatid siya sa pintuan. Pagkalabas ng pinto....

"O bakit nandito ka pa, wala ka nang kailangan sa akin sige na umalis ka muna pwede" sabi ko sabay upo sa may mesa ko.
"Yan ka na naman, nagtataka na ko kung bakit ang init ng ulo mo sa akin, wala naman akong ginagawang masama" si Mike na nagtataka sabay upo rin.
"Ako nagagalit, no way wala I have no reasons to get angry with you. all I want is to get rid of you. Pero tuloy-tuloy ka pa rin sa paglapit sa akin.Yun ang kinaiinis ko." sabi kong di nakatingin sa kanya at nagbubuklat ng mga files.
"Bakit gusto mong lumayo sa akin ha, hindi mo man lang iniisip ang damdamin ko, makasarili ka Ric tulad pa rin ng dati." si Mike na medyo tumataas na ang boses. Tama siya ganun pa rin ako sa kanya dati.
_______________________________________________________________________
Naalala ko, kahit alam ko na ang totoong saloobin niya sa mga ginagawa ko sa kanya noong college days namin sa pamamagitan ng pagpapanggap ko, di ko pa rin naipapakita sa kanya ang pagbabago. Marami kasing gumugulo sa isipan ko e. Una, di naman niya alam ang totoo kong pagkatao, sa nakikita ko sa kanya, lalaking-lalaki siya kumilos. Oo nga gusto niya ako naging friend what if na malaman niya na bakla ako, lalayuan ako for sure. Pangalawa, sinimulan ko na ang panloloko sa kanya, kapag nalaman niya na lalaki pala ang nagbibigay ng love letter sa kanya at ka chat sa YM, magagalit yun ng husto at baka kung ano pa ang gawin niya sa akin.

Simula nang magchat kami sa YM bilang Girly, kapag kami ay nasa classroom, madalas na siyang nakatingin sa akin, ako naman siyempre ilang kaya umiiwas. Sa totoo lang, kita ko sa mga mata niya ang sincerity sa pakikipag kaibigan sa akin.

Minsan ng matapos ang last subject namin, tulad ng ginagawa ko parati, minamadali ko ang pag-aayos ng gamit ko nang sa ganun makalabas agad ako sa room. Pero sa di sinasadyang pagkakataon habang nasa labas na ang lahat ng kaklase ko, sa pagmamadali ay napatid ang kanan kong paa sa isang upuan kaya nadapa ako, nahulog ang mga papel kong hawak at nagkalat sa sahig. Nang biglang may kamay na humawak sa akin at pinatatayo ako. Tinulungan din niya akong pulutin ang mga papel na nagkalat sa sahig.

"Ayos ka lang ba, ano masakit sa iyo" sabi ng lalaki.
"Ok lang ako, sige ako na bahala dito, ang engot ko ano hehehehe" sabi ko sabay agaw ng papel na pinulot niya sabay kuha ng mga natitiran pa sa sahig.Hindi naman ako makatingin sa kanya.
"Buti naman at ok ka na, hayaan mong tulungan na kita dyan" sabi ng lalaki.

Napatingin naman ako sa mukha ng lalaking kausap ko. Sa kauna unahang pagkakataon, makalipas ang ilang buwan nag-usap na rin kami ni Mike. Napatingin ako sa mukha niya. Talaga palang gwapo ang lalaking ito. Wala ako masabi, perpekto, pati ang pangangatawan. Kumabog ang dibdib ko, nahipnotismo sa pagtitig niya sa akin. Pero ako na rin ang nagbawi ng tingin sa kanya, binilisan ang pagpulot ng mga natirang papel, at mabilis na lumabas ng room.

"S...s..sa...salamat ha, sige m..m..mauuna na ko sa iyo" nauutal kong paalam sa kaniya sabay labas nang hinawakan ulit niya ang kamay ko.
"Ricardo, sandali" pigil niya sa akin habang magkahawak kami ng kamay."
"A...a...anoooo yun?" tanong kong di makatingin.

Matagal siyang di nagsalita. Naisip ko na nahihiya pa rin pala ang mokong na ito sa akin. Isang minuto rin kaming walang imikan kaya ako na ang unang bumitiw mula sa pagkakahawak niya.

"Kung wala ka na sasabihin, mauuna na ko sa iyo,sige" paalam ko at naglakad ng mabilis palabas ng room.

Hindi ako nakatulog nung gabing iyon sa nangyari. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa akin nang maisip ko na i chat na lang siya sa YM para malaman ko ang saloobin niya. Binuksan ko ang laptop ko, nag log-in sa YM, buti na lang naka online siya.

"Girly musta na bakit wala na kong mga letter sa locker ko?"
"Ok naman ako  medyo busy lang ako kaya wala pa time sa paggawa"
"Ah ganun ba siyanga pala, nalaman ko kanina ang first encounter niyo ni Ricardo"
"Oo nga yan ang gusto ko pag-usapan natin ngayon"
"Kwento mo naman sa akin kung ano ang mga iniisip mo sa nangyari"
"Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko kanina. Alam mo ba yung kakaibang feeling na makita mo nang malapitan ang mukha ng isang tao. Ewan ko, parang nagugustuhan ko ung mukha niya."

Nabigla ako at the same time kinilig sa mga sinasabi niya.

"Ito pa ung hinawakan ko yung kamay niya, parang nakuryente, ang lambot ng kamay niya, parang gusto ko na siyang yakapin ng mga oras na iyon e."
"Yun lang, wala ka bang sinabi sa kanya ngayong nagkaharap na kayo ng malapitan?"
"Nais ko sanang sabihin sa kanya na gusto ko siyang maging kaibigan pero naunahan talaga ako ng hiya e"
"Ah, ganun ba?"
"Oo, medyo nasaktan niya ako dahil halata talagang iwas siya sa akin"
"Intindihin mo na lang ang tao, marami siya sigurong mga bagay na iniisip."
"Sana lang maging kaibigan ko siya kasi gusto ko siyang tulungan sa mga problema niya kung mayroon man, kaya may papakiusap sana ako sa iyo"
"Ano iyon Mike?"
"Pwede mo bang alamin ang problema niya, sisikapin kong lutasin ito, baka sa paraang ito makipagkaibigan na siya sa akin."
"Sige aalamin ko, sign-out na ko ha, marami pa kong gagawin e"
"Ok, oo nga pala yung promise mo sa akin ha, magpapakita ka na sa akin"
"Oo malapit na wait ka lang"
"Ok bye." sabay sign out.

Lalo tuloy naguluhan ang isip ko sa mga sinabi niya.
________________________________________________________________________
"Hoy, ano ba sagutin mo ang tanong ko, bakit ka ba laging galit sa akin?" si Mike na sumigaw na sa matagal kong pananahimik.
"Huwag ka ngang sumigaw, tandaan mo na nasa loob ka ng opisina ko, papatawag ko ang guard para palabasin ka." pananakot ko sa kanya ngunit di niya ito kinagat.
"Nananakot ka sige gawin mo, alam ko namang di mo magagawa iyon," si Mike sabay ngisi.
"Aba talagang sinusubukan mo ako ha teka nga" sabi ko sabay kuha ng telephone nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Sinagot ko muna ang tawag sa cell.

"Friend wanna join us pupunta kami Starbucks tonight." sabi ng tumawag na si Bea pala.
"Sure ako pa mawawala sige mamaya punta ako diyan"
"Ok see you bye." sabay baba ng cellphone.
"Sino yung tumawag ha, bakit ang giliw ng sagot mo?" si Mike na parang nainis yata sa narinig.

Bigla kong naalala yung nabanggit na Cynthia ng ama niya kanina na alam kong girlfriend niya, tutal naman na alam na niya ang totoo kong pagkatao  kaya naisip kong isagot ....

"Boyfriend ko bakit may problema?" sabi ko sa kanya
"ANOOOOOO?" pasigaw niyang sabi na halatang nagulat sa pagsagot ko.

No comments:

Post a Comment