Wednesday, October 6, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 1

Kriiiiiiiiinggggggg!!!!!

Isang malakas na tunog ng alarm clock ang nagpagising sakin. Kahit inaantok pa ay pinilit ko na ring bumangon. Sa araw na ito kasi  magsisimula ang bagong school year. Ewan ko ba, naghalong saya dahil makikita ko na ulit ang aking mga kamag-aral, kaba sa mga mangyayari sa akin sa school at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Agad akong nagtungo ng banyo para maligo.

Bago ang lahat, ipapakilala ko muna ang sarili ko. Ako si John David Rodriguez, 16 years old nasa ikaapat na taon na ako sa high school sa isa sa mga paaralan dito sa Maynila. May height na 5'8, average looking daw sabi ng iba. Inaamin ko na ako ay may kahinaan pagdating sa halos lahat ng bagay lalo na sa pag-aaral. Sa klase namin, isa ako sa pinakakulelat. Pero palakaibigan naman ako. Ngunit lingid sa kaalaman ng aking mga kamag-aral na ako ay isang paminta. Lalaking-lalaki kung kumilos pero sa loob ay may nagkakagusto sa kapwa.

"Dave anak, nandito na ang kaklase mo"ang narinig kong pagsigaw ng aking ama habang ako ay nagbibihis ng aking uniporme.
"Sige, tay pakisabi na patapos na ko" tugon ko.

Si Mariano Rodriguez, ang aking ama.  Simula ng mamatay ang aking ina, siya na ang nag-alaga sakin. Magaling siya sa larangan ng pagluluto. Ang kita mula sa aming negosyo na carinderia ay ginagamit sa pangtustos sa aking pag-aaral. Sobrang bait ng aking ama, dahil mapagmahal, maalalahanin at higit sa lahat tanggap ang aking pagkatao. Laking pasalamat ko na nagkaroon ako ng isang amang tulad niya.

"Bestfriend, tara na bilis sa school na lang tayo kumain", ang pasigaw na sabi ng bestfriend ko na si Pat.
"Oo na masyado naman ito excited." sagot ko sa kanya.

Si Patrick de los Santos o Pat ang pinakamatalik kong kaibigan at kaklase.Nagkakilala kami nung nasa first year  pa lang ako. Mas mataas ang height niya sakin, mga 5'9 sya, medyo maputi, maganda ang tindig, at may itsura. Masasabi ko na pwede siya ihanay sa mga gwapo. Hindi siya kasing hina tulad ko dahil ok naman ang performance niya sa school at magaling sa sports lalo na sa basketball. Hindi rin siya gaano katalinuhan.Tulad ng aking ama ay alam din niya ang aking sekswalidad.
_________
Naalaala ko pa kung paano kami nagkakilala at naging magbestfriends.  Unang araw ko bilang first year student, habang nag orientation ang aming teacher sa English bigla siyang sumulpot sa pintuan ng classroom. Siyempre agaw-pansin siya lalo na sa mga kaklase kong babae dahil sa angkin niyang kagwapuhan. Nalate siya dahil hinanap pa pala niya ang classroom namin. Sa unang tingin ko sa kanya, ay nayayabangan na ako at naisip ko na malabong kaibiganin ang isang tulad niya. Kapag nalaman niya ang totoong kong pagkatao ay aasarin niya lang ako kaya naisip ko na iwasan na lang siya.

Sa paglipas ng mga araw, nagpapakitang gilas si Pat sa mga teacher namin. Halos lahat ng mga kaklase namin ay naging malapit sa kanya dahil sa pagiging friendly nito. Ako na lang yata sa klase namin ang mailap sa kanya. Ganito palagi ang turing ko sa kanya ngunit bigla na lang ito nabago isang araw. Habang papauwi na ako may biglang nag text sakin.

"Dave, balik ka sa room saglit meron ka nakalimutan."

Nakita kong galing ito sa isang unknown number kaya nagtaka ako kung sino at ano ang sinasabi niya na kinalimutan ko sa room. Agad kong tinignan ang aking bag kung meron nga. At doon ko nalaman na kulang pala ng dalawa ang aking libro. Naiwan ko ito sa ilalim ng aking upuan. Mabuti na lang at di pa ako nakakalayo kaya binalikan ko na agad ang mga ito.

Pagdating ko sa room, nagulat ako dahil nandoon siya na nakaupo sa isang teachers table at parang may hinihintay. Nang makita niya ako, ay tumayo siya at doon ko napansin na hawak na niya ang aking mga libro. Nilapitan niya ako at binigay ang mga ito sa akin.

"Salamat ha. Sige uuwi na ako." ang sabi ko sa kanya. Naglakad na ako palabas ng room.

Maya-maya lang ay naramdaman ko ang isa niyang kamay na humawak sa aking braso kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit?" ang naitanong ko sa kanyang ginawa.
 "Ganoon na lang iyon, aalis ka na agad." ang sagot niya sa akin.
 "Sorry kasi marami pa akong gagawin." ang pag-aalibi ko na lang. Nakakaramdam na kasi ako ng pagkailang.

At nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Hinatak niya ang aking braso at isinandal sa dingding. Nilapat niya ang magkabilang kamay dito na tila ayaw akong paalisin.
"May  galit ka ba sa akin kasi napapansin ko yung mga pag-iwas mo. Sa ibang mga kaklase natin di ka naman ganoon. May problema ba?" deretsahang tanong niya.

Tila nawala namn ako sa sarili ko sa pagtingin ko sa mukha niya. Makikita mo talaga ang kagwapuhyan niya sa malapitan at ang titig nia sa akin na tila nanghihipnotismo. Pero agad naman bumalik ang ulirat ko at sinagot ang tanong niya.

"Ah eh di naman kita iniiwasan." pagtanggi ko sa kanya. Medyo nakakaramdam na ako ng kaba sa mga oras na iyon.

"Hindi ako manhid Dave. Iba talaga ang pakikitungo mo sa akin. Ano bang mali sa akin? Hindi naman ako kumakain ng tao eh saka mabait naman ako nakikita mo naman di ba?" tanong ulit niya.

Ewan ko ba kung sasabihin ko sa kanya ang totoong dahilan o pipilitin ko pa ring umalis na lang para umiwas  sa issue. Kaya ang naisip ko na lang ay umalis ng room ngunit nabigo lang ako.

"Ano bang problema mo? Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo ah, sana naman bigyan mo ako ng pagkakataon. Papatunayan ko sa iyo na mabuti akong kaibigan".

Doon ko narealize ang pagiging seryoso niya sa pakikipagkaibigan sa akin. Kaya naisip kong pagbigyan na lang siya.

Simula noon, napansin ko sa kanya ang ilang mga pagbabago. Mas naging masayahin na siya kung ikukumpara sa dati. Palagi na siyang sumasama sa akin. Nililibre at binibigyan ako ng pagkain pag recess. Hinahatid sa amin at tinuturuan ako ng mga alam niya sa pag-aaral.   Hanggang sa isang araw, naisip  kong sabihin na sa kanya ang totoo kong pagkatao para malaman na rin niya at mabawasan ang pag-aalinlangan ko. Handa na ako sa kung anuman ang maging reaksyon niya.

"Ah Pat, may sasabihin sana ako sa iyo eh, matagal ko nang tinatago ito. Kung di mo ko matatanggap pag sinabi ko sayo ok lang sa akin ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa pagiging mabuting kaibigan sa akin." ang aking panimula habang naglalakad kami pauwi.

"Sige ano ba yun?"  ang interesado niyang tanong.

 "Isa akong bakla. Tinatago ko lang ito para di pagtawanan at laitin ng iba. Ito rin ang dahilan kung bakit umiiwas ako sa iyo noon." ang aking pag-amin. Napayuko na lang ako sa mga oras na iyon dahil sa hiya.

"Iyon lang ba Dave?"
"Ah eh oo. Kung nandidiri ka sige iwanan mo na ako. Kung iiwas ka na sa ok lang sa akin yun."

Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa aking baba at itinaas ang aking mukha.

"So what kung ganun ka wala namang problema di ba? Saka mas maganda yan dahil may pag-asa na palang magkagusto ka na rin sakin."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat.

"Parehas lang tayo Dave." ang natatawa niyang sambit.
"Noon pa lang may gusto na ako sayo eh kaya nga gumawa ako ng paraan para maging friends tayo. Inalam ko talaga mula sa mga classmates natin ang cellphone number mo pati address ng bahay niyo. Naalala mo ba nung araw na pinabalik kita sa room, pinagplanuhan ko talaga iyon. Kinuha ko yung dalawa mong libro sa ilalim ng upuan para may dahilan ako para pabalikin kita. Una pa lang kita nakita, ang cute mo na sa paningin ko."

Laking tuwa ko naman dahil sa pagtanggap niya sakin at sa kabilang banda naman ay pagtataka sa pag-amin niya ng nararamdaman sa akin. First time kasing may nagkagusto sa akin at nagsabi na cute daw ako. Sinabi ko naman sa kanya na kahit ganito ako hanggang matalik na kaibigan lang ang kaya kong maibigay sa kanya. Yun kasi ang naramdaman ko sa kanya sa mga oras na iyon. Makalipas ang tatlong taon ito magkaibigan pa rin kami. Hanggang ngayon ay patuloy siyang umaasa na mamahalin ko rin siya tulad ng pagmamahal niya sa akin.
__________
Sabay kami pumasok ni Pat. Habang nasa jeep kami, panay pa sweet niya sa akin. Nandyan ung pahawak-hawak ng kamay na siyempre inaalis ko agad dahil nahihiya ako sa mga makakakita. At binubulong niya ang palagi niyang sinasabi sa akin na "Balang araw, mamahalin mo rin ako, di ako susuko" na may kasama pang killer smile. tuwang-tuwa talaga ako sa kanya.

Nakarating kami sa school 5 min bago ang oras ng first subject. Habang naghihintay kami, biglang nagkagulo naman sa may corridor na nakaagaw ng pansin sa amin kaya sinilip namin para alamin ang dahilan.

"Si Jake! Si Jake!, Ay mas gwapo na siya ngayon!", sigaw ng isang estudyanteng babae.

Dumating na pala ang tinaguriang Campus heartrob ng school na si Jake Montecarlo. Crush ko na talaga siya simula nang mag transfer siya rito nung third year.Parehas lang kami ng year level pero nasa highest section siya. Bukod sa gwapo kasi matalino pa. Ang taas ng IQ level niya ayon sa mga naririnig ko at di lang yan mayaman ang pamilya nila.Pero kung gaano kaganda ang physical apprearance at mental abilities niya kabaliktaran naman sa pag-uugali. Likas na masungit ang taong ito at galit sa mga taong di niya kauri.

"Hoy sobra ka na makatitig sa kanya ah, bakit di ka ganyan sa akin ha?", pagbulyaw sakin ni Pat nag nagpabalik ng ulirat ko sa kakatingin sa dumaan.

"ah eh ano ka ba humahanga lang naman ako sa tao at alam ko naman na malayo ang agwat namin at malabong mapansin niya ako saka bakit parang nagseselos ka ha?", balik tanong ko sa kanya.

"Siyempre naman, bestfriend mo ko baka ipagpalit mo na ako sa kanya. Saka alam kong siya ang gusto mo. Sana sa akin mo na lang ilaan ang damdamin mo sa kanya, masusuklian ko pa yan ng tapat na pagmamahal." sagot ni Pat.

"Ang drama mo naman tara na nga upo na tayo baka dumating na yung teacher natin." ang nakangiti kong tugon sa kanya.Napakamot na lang siya ng ulo sa mga oras na iyon.

Naging maayos naman ang buhay-estudyante ko sa paglipas ng mga araw. Ganun pa rin kami ni Pat at nakikita ko pa rin sa campus ang crush ko pero di pa rin niya ako pinapansin.

At isang pangyayari ang magbabago sa aking buhay.

Itutuloy..........

No comments:

Post a Comment