" Pat, let me explain." pagmamakaawa ko sa kanya.
" Ito ba Dave, pinagpalit mo na ako sa kanya, kaya pala umalis agad kayo sa amin at di mo ko magawang isama dahil sa kanila ka pala nakatira" si Pat na galit na galit.
" Hindi naman sa gano..." pagpapaliwanag ko sana nang magsalita siya ulit.
" Huwag muna ngayon, hayaan mo muna ako mag-isa, sasabihin ko na lang sayo kung kailan mo na ko pwede kausapin." si Pat sabay walk-out.
Habang nasa kotse pauwi sa amin di ko mapigilan ang maluha dahil na sangyari. Masakit dahil ito na yata ang simula ng pagkasira ng halos tatlong taong pagkakaibigan namin ni Pat.
" Umiiyak ka?" tanong ni Jake.
" Ah, hindi tumatawa ako oh." pagtanggi ko sa kanya.
" Alam ko may problema ka, yung tungkol ba kanina right?" si Jake.
" Di na lingid sa akin na may pagtingin siya sayo, gusto mo kausapin ko siya?" dagdag niya.
" Wag na baka lalo pang gumulo ang sitwasyon." sabi ko.
" Dont worry, ako ang bahala kaya itigil mo na yang drama mo ayaw kong nakakakita ng ganyan parang di ka lalaki niyan, ay oo nga di ka pala lalaki." si Jake sabay ngiti.
Hindi ko na pinansin ang pang-iinsulto niya dahil sa dami ng iniisip ko. Nang maka-uwi na kami ng bahay, kumain kami ng hapunan at nag-aral. Habang nagsasagot ulit ako ng mga exercises.....
" Dave, bukas ng uwian pupunta ako ng classroom niyo, kakausapin ko si Pat." si Jake.
" Alam ko nag-aalinlangan ka, basta trust me ok, sige na tapusin mo na yan." dugtong niya.
Kinabukasan, pagkatapos agad ng klase , biglang nagsigawan na naman ang estudyante dahil sa pagsulpot ni Jake sa classroom namin. Nakita ito ni Pat na iiwas din sana at di pagkikibo sa akin buong araw pero agad siyang nilapitan nito at binulungan.
" Patrick, usap tayo sa may parking lot ngayon ha"
Parang nag-aalinlangan pa ang mukhang nakita ko kay Pat at dahil sa di ko narinig ang binulong ni Jake, nagpasiya akong sundan na lang sila. Sa parking lot pala sila mag-uusap. Hindi ako makatiis kaya pinakinggan ko ang pag-uusapan nila.Habang pareho silang nakasandal sa kotse ni Jake......
" Buti naman at nakapunta ka. Alam ko ang nararamdaman mo para kay Dave. Huwag kang mag-alala, walang namamagitan sa amin. Huwag kang magalit kay Dave, di niya alam na ang magbestfriend ang mga tatay namin. Tinulungan lang ni Papa ang ama niya dahil sa utang na loob. Tapos yung tutorial namin, tulong ko lang iyon sa kanya para mapabuti ang pag-aaral niya. Hanggang doon lang yon." Pagpaliwanang ni Jake.
" Naiintindihan ko, hidi ko rin kasi maiwasan ang magalit sa nakita ko, mahal na mahal ko kasi si Dave e.Alam mo naman na may gusto siya sayo di ba. Sana nga nagpalit na lang tayo ng katauhan. Hindi ko alam kung anong mayroon ka na wala ako. Matagal na kaming magkaibigan pero kahit anong panunuyong gawin ko sa kanya, talagang di niya kayang tapatan ang binibigay kong pagmamahal."
" Wala ka dapat ipagselos, kilala mo naman ako di ba, hindi ako interesado sa mga gays. Sige para mabura na yang pag-aalinlangan mo, bumisita ka na lang sa bahay namin para lagi mo nang masubaybayan si Dave."
Bigla lungkot ko naman sa narinig ko kay Jake.Wala pala siyang nararamdaman sa akin, masyado kasi akong assuming sa pinakita niyang kabaitan. Akala ko nadedevelop na siya. Pero sa kabilang banda natuwa na rin ako na sa wakas wala na kong lihim na maitatago sa bestfriend ko lalo na sa nakita kong contentment sa mukha niya habang nag-uusap sila ni Jake.
Nang mga sumunod na araw, madalas na bumibisita si Pat sa bahay, minsan kasama niya si Erika. Sumasabay rin siya sa pag-uwi namin. Kapag nasa bahay siya, napupuna ko ang pag-iwas at paglayo ni Jake. Inisip ko na lang na iyon ang paraan niya para mas maging malapit kami ni Pat. Sa school naman, tulad pa rin ng dati, sumasabay siya sa akin pag recess, at nanglilibre ng pagkain. Masaya ako dahil masaya rin ang bestfriend ko.
Pagkaraan ng anim na buwan, dahil na rin sa tulong ng tutorial namin ni Jake, sa wakas makaka graduate na ako. Isang araw sa canteen pagkatapos ng graduation rehearsals, nag usap-usap kaming tatlo.
" Ano ba ang kukinin mong kurso sa kolehiyo, Dave," tanong ni Pat.
" Sa totoo lang hindi ko pa alam" sabi kong medyo malungkot.
" I know, gagayahin mo ang kurso pati ang papasukang university ni Jake." si Erika.
" Hindi noh, di ko naman ka level ang utak niya" pagtanggi ko pero sa totoo lang dahil sa ayaw ko siyang malayo sa akin ay napag-isipan ko na rin ang bagay na yun.
" Alam mo bestfriend, sundin mo lang ang nasa puso't isipan mo. Dapat piliin mo kung saan ka magiging masaya di dahil sa dinidikta ng mga taong nasa paligid mo." si Pat.
" Tama ka best, salamat." pagpapasalamat ko.
" Ikaw naman Erika, anong gusto mong kurso sa college?" tanong ko.
" Ako, tourism kukunin ko, ikaw naman Pat?" sagot ni Erika sabay tanong kay Pat.
" Naisip ko na mag culinary dahil sa idol ko ang ama ni Dave"
" Ha, sigurado ka?" tanong ko.
" Oo, para na rin matuto ako ng maraming lutuin." si Pat.
Alam kong ako ang isa pa sa mga dahilan kung bakit napagdesisyunan ni Pat na kunin ang ganuong kurso. Naisip ko na suportahan na lang siya sa kung anong gusto niya.
Tatlong araw bago ang graduation, sinabi na ng admin ng school ang magiging valedictorian. Siyempre si Jake yun. Kaya sa bahay......
" Cheers" sabi ni Tito Eddie sabay taas ng aming mga baso habang naghahapunan bilang celebration kay Jake.
" Dave, napag- isipan mo na ba ang kursong kukunin mo sa college at kung saan ka mag-aaral? tanong ni Tatay sa akin habang kumakain.
" Oo nga pala Dave kasi tong si Jake baka medicine ang kukunin niya e." si Tita.
" Ah eh nursing po sana" ang agad kong naisip na sagot dahil sa kukuning kurso ni Jake.
" Maganda yan anak hayaan mong tutulungan ka ni Jake sa review mo para pumasa ka sa entrance exam. Dun ka sa rin Philippine State University mag take ng exam para parehas kayo ng school." si Tito Eddie.
Bago matulog, naisipan kong bumaba para uminom ng gatas. Nang pumunta na ako ng kusina, nakita ko si Jake na nakaupo at kumakain.
" Dave, bakit nursing ang napili mo, parang di bagay sa level ng utak mo. Alam ko gusto mo lang akong sundan e." si Jake sabay subo ng pagkain.
" Nursing talaga gusto ko saka masama bang sundan kita." defensive kong sagot. Alam ko na kasi ang ibig niyang sabihin.
" Hindi pa naman sure kung yun nga. Second option ko kasi yung law. Pero wala namang problema sa akin yun kahit saang university o anong course kunin mo wala akong pakialam. Susuportahan kita sa kung ano ang gusto mo." sabi ni Jake na sobrang ikinatuwa ko.
Dumating na ang araw ng graduation. Pumunta na kami sa kani-kanilang mga upuan. Nagsimula ito sa pamamagitan ng dasal, pagkanta ng pambansang awit, himno ng school, mga walang kwentang talumpati ng principal at iba pang personalidad. Sa wakas, dumating na ang pinakahihintay ko ang mensahe ng school valedictorian namin si Jake. Tinawag na siya sa stage para ibigay ang kanyang ginawang speech.
Nagsimula na akong makinig sa kanyang mga sasabihin. Maya-maya, nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa kanyang mga aksyon habang nagsasalita. Nabigla sa mga narinig ko sa kanya na naging dahilan para maghiyawan ang madla. Napatingin naman sa akin sina Erika, tatay, mga magulang ni Jake at Pat.
Itutuloy......................
No comments:
Post a Comment