"Lumayas ka, traydor! manloloko! mukhang pera. Matapos ng lahat ng kabaitan at pagmamahal na binigay ko sa iyo, ito pa ang igaganti mo." Mga pangungusap na paulit-ulit, nakakasawa, kulang na lang i record na sa radyo at i play na lang ito nang malakas para marinig ng mga walang kwentang lalaking minahal ko.
Ako pala si Ricardo, 28 years old, isang mayamang negosyante, matalino at magaling sa lahat ng bagay na nauukol sa negosyo. Sa kabila ng karangyaan at katanyagang tinatamasa ko ay ang tinatago kong sikreto, ang aking tunay na pagkatao. Ayaw ko kasi na pinagtatawanan o kinukutya ng iba. Sa loob ng 8 taon, 23 lalaki na ang naging karelasyon ko. Siguro masyado lang akong nangungulila sa pagmamahal ng isang pamilya. Buhat ng malaman nilang isa akong bakla, itinakwil nila ako at wala raw patutunguhan ang buhay ko kaya nagsumikap talaga ako para mapatunayan na hindi hadlang ang pagiging bakla para magtagumpay.
Ewan ko ba, kung gaano ako kagaling sa negosyo at makipagdeal sa mga tao ay siyang hina naman ng utak ko sa mga lalaki. Madali kasi akong matukso. Tama tukso na naging dahilan para mahalin sila. Lahat binigay ko, mga materyal na bagay tulad ng pera, alahas, cellphone at bahay wag lang nila akong iwan. Ang bait ko ano. Pero anong nangyari sa bandang huli, ako lagi ang talo. Nawala silang lahat at sinaktan ang damdamin ko. Biruin niyo, ni isa sa kanila ayaw ng sexual contact sa akin tapos mahuhuli ko na lango mababalitaan sa iba na nakikipagsiping sa ibang babae. Yung iba naman at maglalaho parang bula dahil sa nahuthot sa akin. Aminin na natin na talo talaga tayo kapag ang karibal ay babae.
Pero ngayon matapos ko uling sabihin ang mga pangungusap na iyon sa ika 24 na lalaking nakarelasyon ko, naisipan ko nang magbago. Sa dami ba naman at paulit-ulit na karanasan ko, wala pa ba akong natutunan. Nadala na ako, ayaw ko nang magpakamartir at magpakatanga sa lalaki. Binago ko ang image ko, binigyang focus ko na lang ang aking negosyo at higit sa lahat ang umiwas sa mga lalaking mapanukso. Sinabihan ko na rin ang mga tauhan ko na hindi na ako magtatanggap ng mga lalaking aplikante sa kompanya ko. Naniniguro lang baka isa sa kanila ang tukso. Hindi na ako iiyak gabi-gabi, makikijoin na lang ako sa mga kabarkada kong mga babae at kung anu-ano pang makakapagpasaya sa akin. Sisimulan ko nang gawing tama ang miserable kong buhay.
_______________________________________________________________________
"Sir, may importanteng meeting daw po si Mr. Chua kaya di siya makikipagkita sa inyo ngayon, pero papupuntahin po niya ang kanyang anak." sabi ng aking secretaryang si Jean.
"Ah ganun ba, sige anong oras ba siya makakapunta kasi maaga akong aalis ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Sir parating na po siya mga 20 minutes lang po" sagot ni Jean.
"Sige makakalabas ka na, ah teka nga pala dalhin mo dito ngayon ang monthly report of sales natin ngayong buwan ha." utos ko.
"Ok sir" si Jean sabay labas ng aking opisina.
Si Mr.Chua ay isa sa mga naka deal kong mag-invest sa aking kompanya. Malaki na ang naitulong niyaupang maisalba ito sa pagbagsak kaya ganun na lang ang importansyang binibigay ko sa mga mayayaman tulad niya.
Habang hinihintay ko ang pagdating ng aking magiging ka-meeting at inayos ko ang sarili ko. Pagkatapos, inikot ang upuan patalikod sa mesa at paharap sa bintana. Dinukot ang cellphone at tinawagan ang mga kaibigang babae para yayaing magjamming mamayang gabi.Matapos ang halos 30 minuto, kumatok ulit sa pintuan ang aking sekretarya.
"Sir, excuse me po, nandito na po ang anak ni Mr Chua, papapasukin ko na po ba?" tanong ni Jean.
"Sige papasukin mo na." sagot ko habang nakatalikod pa rin, hawak ang cellphone at kausap ang isa kong kaibigan.
"Sir pasok na daw po kayo, umupo muna kayo habang naghihintay may kausap po kasi siya e." narinig ko pang sagot ng aking sekretarya."
Maya-maya, naramdaman ko na ang pagpasok at pag-upo ng aking ka meeting kaya tinapos ko na ang usapan namin sa cellphone at inikot muli ang upuan paharap sa mesa at sa taong naghihintay sa akin. Nang makita ko kung sino ito.....
"Ikaw!"
"Hi Mr. Sandoval, naaalala mo pa ba ako?" tanong ng lalaking di ko inaasahan ang pagsulpot.
"A..a..a.a..eh... oo naman, sino ba naman ang hindi makakatanda sa mga taong mayabang katulad mo." nauutal kong sabi.
"Talagang wala ka pa ring pinagbago Ric. Hanggang ngayon ganyan ka pa rin. Kumusta ka na, nung sinabi ni Daddy na ikaw ang kasyoso niya sa negosyo nagulat ako at siyempre tuwang-tuwa kasi makikita na rin kita sa wakas." sabi niyang nakangiti sa akin. Natulala naman ako sa kanya.
Si Michael Chua ay kaklase ko nung college. Ang taong puro yabang ang nasa utak. Sa totoo lang mayroon naman talaga siyang maibubuga. Gwapo, matangkad, maganda ang katawan palibhasa half-chinese. Simula nang malaman niya ang totoo kong pagkatao, hindi na ako tinigilan niyan, lagi niya ako inaasar, nagpaparinig nang kung anu-anong pang-iinsulto kapag kausap niya ang mga kaibigan niya. Sa totoo lang crush ko siya at
naging first love.
Naalala ko pa nung college namin, simula nang mabisto niya na ako ang naglalagay sa locker niya ng mga love letter nagsimula na siyang dumikit sa akin, tapos kapag nakikita niyang umiiwas ako, lalapit na yan, aakbayan ako at sinasabing, wag ka na pumalag, gusto mo rin naman e.Kapag naglalaro sila ng basketball kasama ang mga team mates niya, di pwedeng di ako manood. Ang galing niya maglaro, pakiramdam ko na ako ang kanyang pampaswerte dahil nailalabas niya ang galing niya sa pagshoot ng bola. Kapag nakikita ko silang kumakain sa canteen tinatawag niya ako at papaupuin katabi niya. Hindi ko talaga siya maintindihan minsan kasi sweet siya, tapos sa ibang pagkakataon nang-aasar.Dahil sa ganiting pakikutungo sa akin, nakasanayan ko na rin ito pero nagbago ang lahat nang bigla siyang naglahong parang bula. Ayon sa mga bali-balita, sinundan niya ang sinasabing girlfriend niya sa Amerika. Nalungkot ako at nasaktan ng sobra, dahil iniwan na niya ako at minahal ko na rin siya.
At ngayon, hindi ko inaasahan ang kanyang pagbabalik. Ano kaya plano ng tadhana sa akin? Biglang pumasok ulit sa isip ko tuloy ang pangako sa sarili na iiwasan ko na ang mga lalaki. "Ano na naman to, panibagong tukso tapos iiwan din ako? Iniwan na niya ako dati para sa girlfriend niya, wag ka nang umasa" sabi ng isip kong tuliro. Dapat mag-ingat, tibayan ang loob wag magpakatanga, isa rin yang manloloko, di yan makikipagsiping at makikipaghalikan sayo, straight siya, hindi kayo magkakatuluyan.
"Ehem,ehem,ehem. bakit ganyan ka makatingin para mo kong kakainin niyan.Ano ba ang ibig sabihin niyan paghanga o pagmamahal?" pagputol ni Mike sa pag-iisip ko.
"Ako nakatingin sa iyo ang kapal mo naman bakit gwapo ka ba akala mo kung sino to" pagtanggi ko sa kanya.
Sa totoo lang, bumalik ang paghanga ko sa kanya tulad ng mga collge days namin. Walang nagbago sa kanya maliban sa buhok na naging spiky na dahil sa wax. Ang pag-uugali kaya nagbago na ba?
"Teka nga pala, ang pinunta mo dito ay ang meeting di ba, bakit kung anu-ano na ang sinasabi mo diyan" pag-iiba ko bg usapan.
"Oo nga pala, pasensya na sige simulan na natin."
Sinimulan na namin pag-usapan ang agenda ng meeting namin. Ito ay tungkol sa pondo sa paglabas ng bagong produkto ng kompanya, isang shampoo para sa mga bata at ang hatian ng magiging income. Naging maayos naman ang naging pag-uusap namin.
"Wala nang problema, ok na ang lahat so you may go now." sabi ko bilang pagtatapos namin ng meeting.
"Aba, pinapaalis mo agad ako?" si Mike.
"At bakit mayroon ka pa bang kailangan Sir Mike?" tanong ko.
"Wala naman, matagal na tayong di nagkita, tapos ngayon kung kailan nagkrus na ang ating landas saka ka nagkakaganyan, alam mo bang matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito."si Mike.
"Sa tingin ko may problema ka, pwede mo namang sabihin sa akin." dagdag niya.
"Kung mayroon man, its not your business." sagot kong medyo pagalit na.
"Sige kung ayaw mong sabihin fine, basta ito tatandaan mo, hindi mona ako matatakasan ngayon pa't nagkita na ulit tayo di na kita papakawalan, hahahaha! Bye." si Mike sabay alis ng opisina.
Ito na naman ang tukso. Bakit ganito, di na ako nilubayan nito. Medyo kinilig ako sa mga sinabi at itsura niya pero hindi tama. "Hindi to pwede, ayaw ko nang masaktan. Ngayon pa lang dapat makagawa na ko ng paraan para makalayo sa kanya," ang kumbinsido kong sabi sa sarili.
Kinagabihan, gaya ng napag-usapan, nag jamming kami at nag-inumang magbabarkada sa isang bar sa MOA.
"Friend, ang dami mo na nainom ah baka di ka na makapagdrive pauwi." si Bea.
"Ano ka ba Bea, parang di ka na sanay sa kanya, siyempre may problema na naman siya sa lalaki." si Althea.
"Tulad ng inaasahan, iniwan ka na naman. Iyan ba ung si Guy # 25 na ni minsan di rin nakipagsex at nakipaghalikan sayo tulad ng mga nauna? my God nagpakatanga ka na naman friend" si Nica sabay tawanan ang iba.
"Siguro kapag naka 100 na lalaki ka na e ubos na yang kayamanan mo, ano ka charity?" dagdag niya.
"Ano ba kayo, hindi yun, meron kasi akong di inaasahan na nagyari sa office kanina."sabi ko sabay kuha ng basong may alak at ininom.
"Wow mukhang interesting yan ah, sige nga i chika mo naman sa amin" si Bea.
"Nagbalik na siya." sabi ko.
"Sino ba si Mac Arthur na nagsabing I shall Return" si Althea ulit.
"Tanga hindi, si..si..si Mike. sabi kong nauutal.
Si Mike, yung first love mo, yung dahilan ng paglalandi mo, yung lagi mong sinusulatan ng love letters na nagpapakilala ka pang babae dun, yung laging bumubuntot sa iyo at ang first major heartbreak mo nung college siya ba?" si Bea ulit.
"Oo siya nga, ang liit pala ng mundo ano, siya pala yung anak ni Mr. Chua. sabi ko.
"So ano na ang plano mo ngayon" si Nica.
"Hindi ko alam ,pero naisip ko na ituloy pa rin ang napanindigan ko sa sarili ko na pag off-limits sa mga lalaki gaya na rin ng payo niyo sa akin." sabi ko.
"Magulo nga ang sitwasyonh mo ngayon, pero teka akala ko ba nasa Amerika na siya at nagpakasal na sa girlfriend niya dun, ano kayta ang motibo niya sa pagbabalik sa Pilipinas? Kasama na niya siguro ang kanyang asawa at anak." si Althea.
"Ewan ko at wala na kong interes pang alamin ang dahilan ayaw ko munang pag-usapan yang ngayon dapat nag-eenjoy tayo tara cheers." yaya ko sa kanila para maibaang usapan sabay taas ng baso.
"Ok, pero ito ang saasbihin ko sa iyo, bilang kaibigan, pag-isipan mong mabuti ang mga magiging desisyon sa gagawin mo. Huwag kang mag-alala, nandito lang kami susuporta sa iyo." si Nica.
" Oo nga, kahit ikaw na lang ang virgin sa atin, di ka namin iiwan." si Bea sabay tawanan ulit ng barkada.
Nagpasalamat ako kahit papaano, nandiyan ang mga matalik kong kaibigan na handang damayan ako sa aking mga problema. Sila rin ang dahilan kung bakit patuloy akong nabubuhay sa kabila ng kabiguan ko sa pag-ibig.
Lumipas ang dalawang buwan na ganoon pa rin ang takbo ng aking buhay. Mabuti naman at hindi na nagpapakita sa akin si Mike, ang dad na niya ang nagpupunta sa mga business meeting namin. Tama na rin iyon para malayo ako sa tukso. Ngunit sa pag-aakalang magpapatuloy ang ganito, nagkamali ako dahil sa isang pangyayaring di ko inaasahan.
Isang gabi sa aking kuwarto, habang nagbibihis ng pantulog, biglang may nagtext sa akin.
"Hello Babe, d2 na ulit me, I miss u na, kaw ganun din b?
Naisip ko na isa ito sa mga dati kong nakarelasyon kaya di ko pinansin. Maya-maya tunog lang ng tunog ang cellphone ko sa mga sunud-sunod na text. Siguro sa di ko pagreply sa kanya.
"Babe, reply u nmn oh"
Ano ba to, ang kulit talagang di mo ko titigilan. Pero sa kabilang banda, na curious lang ako kung sino itong texter ko kaya nireplayan ko na rin.
"Ang kulit mo rin ano, cno ka ba ha?" text ko na agad niyang nagreply.
"Ano ka ba babe, si Mike to, remember ung sinabi ko sayo nung meeting natin sa office mo tutuparin ko na ngayon.
Nabitawan ko naman ung cellphone ko sa gulat, buti na lang sa kama ito bumagsak kaya di nasira. "Si Mike, ang tukso, tapos teka anong tawag niya sa akin BABE daw?"
Itutuloy....................
No comments:
Post a Comment