Monday, January 24, 2011

PANTASYA Part 18

Hindi pa rin inaalis ni Kuya Carlo ang pagkakahawak sa aking mga kamay. Nakatingin siya sa akin, naghihintay ng susunod kong itatanong. Tutal ay nasimulan na ang kanyang pagpapaliwanag ay lulubusin ko na ito.

Huminga muna ako ng malalim bago magsimula. "Sir, ano kasi ahmmmm, hindi ko alam kung bakit tinatrato niyo ako nang ganito, binibigyan ng espesyal na atensyon at naghahabol sa akin. Naisip ko lang po na baka may napapabayaan na kayo." ang una kong sinabi sa kanya.

Tinanggal na niya ang pagkakahawak sa aking mga kamay at tinabihan ulit ako sa pagkakaupo sa kama.
"Ano ang ibig mong sabihin?" ang malumanay niyang tanong.

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko siya dederetsuhin, kinakabahan pa rin kasi ako. Kaya siya na ang nagsalita.

"Yung tinutukoy mo bang pinababayaan ko ay..." hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil sa isang katok na nagmumula sa pintuan ng aking kwarto. Hindi ko akalain na sa pagkakataong iyon malalaman ko na ang kasagutan.

"Sir Carlo?" ang narinig kong boses ni nanay. Agad ko naman binuksan ang pinto.

"Mukhang busy kayong dalawa ah, ano ginagawa ninyo ha?" ang tanong ni nanay sa amin.
"Wala po tita may pinag-uusapan lang kami." ang sagot ni kuya Carlo.
"O siya-siya itigil niyo muna yan. Sir Carlo, pinatatawag ka ni mare, nasa inyo na ngayon si Angel. Naku kay gandang bata pala niya ah at kay cute pa!"

 Tila isang napakalakas na bomba sa aking pandinig ang sinabing iyon ni nanay sa akin. Nakita agad ni Kuya Carlo ang aking reaksyon. Nakatingin siya sa akin pero hindi ko makuhang tignan siya. Unti-unting tumutulo na kasi ang aking mga luha.

Napansin ko naman ang biglang pagtakip ni nanay sa kanyang bibig na para bang nadulas siya sa kanyang pahayag. Agad naman niyang sinenyasang lumabas muna si Kuya Carlo. Sa tingin ko ay may pag-uusapan nila.

"Ok lang po Tita, sige mauna na po kayo" ang sagot ni Kuya Carlo kay nanay. Tumango lang si nanay saka lumabas ng pintuan.

Dahil na rin sa sobrang panlalambot ay napahiga na lang ako sa kama. Binalot  ang aking katawan ng kumot. Pinipilit kong pigilan ang paghikbi. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang aking ulo.

"Rico..." ang sabi niya ng putulin ko ito.
"Tama na ang paliwanag, sige umuwi ka muna baka hinahanap ka na ng anak mo" ang malakas ngnit pautal kong sabi sa kanya.
"Please naman makinig ka sa akin oh" ang pagsuusmamo niya.
"Okay lang ako sige na umalis ka po muna. Maya-maya maghahanda na rin ako sa pagpasok sa trabaho."
Wala na akong narinig na sagot sa kanya kundi angpagbukas at pagsara ng pintuan.

At nagsimula na akong bumigay. Inilabas ko na ang lahat ng sama ng loob sa pamamagitan ng pag-iyak. Napakasakit. Ang inassume kong magiging kami ni Kuya Carlo sa pagpapaliwanag niya sa akin ay naglaho na. Wala na akong magagawa pa kundi tanggapin ang katotohanan.



Ilang minuto rin ako sa ganoong sitwasyon nang may nagtext sa aking phone. "Rico, Im sorry pero sana pakinggan mo ulit ang aking mga paliwanag. Mamaya after office ay mag-usap tayo"

Pero hindi ko makuhang replayan ang text na iyon ni Kuya Carlo. Para saan pa, eh hindi na rin naman maaaring maging kami dahil nakatali na siya sa responsibilidad niya sa kanyang anak at asawa. Tatay na siya at ang pangit naman sa paningin ng lipinan kung makikisama siya sa kapwa lalaki.

Kahit mabigat ang aking kalooban ay pinilit ko pa ring maghanda sa pagpasok. Nagsimula na akong maligo at magbihis. Pagkatapos noon ay bumaba na ako para mag-almusal.

Habang kumakain ay may naririnig akong nagtatawanan sa labas kasabay pa ng matining na boses ng isang batang babae. Siyempre boses iyon nina nanay, Tita mely at ang anak ni Kuya Carlo. Alam ko nilalaro nila ang bata.

Ewan ko ba pero parang ayaw ko nang lumabas ng bahay at magmukmok na lang maghapon. Naisip ko namang bigla si Jerome. Oo nga pala, hindi siya nakadalaw sa akin kagabi. Naisip kong pumasok na lang para makausap siya. Sa kanya ko ilalabas ang lahat ng sama ng loob ko.

Matapos makakain ay lumabas na ako ng bahay. Nakita ko si nanay at Tita mely na masayang tinitignan ang paglalaro ng batang babae.

Nang sipatin ko ang bata ay nabatid kong napakaganda talaga nito. Napakakinis ang maputing balat at hawig talaga ni Kuya Carlo. Napatingin naman sa akin ang bata at nabigla ako sa paglapit nito habang hawak ang isang malaking manika.

"Hello po, kayo po ba si Uncle Rico" ang tanong ng bata sa akin. Nagtaka naman ako sa pagtawag niya sa akin ng uncle. Napangiti na lang ako sa kanya at tumango bilang pagsagot.

Niyakap ako ng batang babae. Napatingin naman ako sa direksyon ni nanay at Tita Mely. Nakita ko ang masayang reaksyon sa kanilang mga mukha.

"Dad is waiting for you in the office and he is sad. Please make my daddy happy again Uncle Rico." Bahagyang nagulat naman ako sa sinabing iyon ng bata na parang may alam siya.

Lumapit na sa akin si nanay. "Sige anak umalis ka na baka ma-late ka."
"Opo nay ang sagot ko." Nginitian ko na lang ang bata at hinaplos sa ulo saka naglakad papunta sa sakayan.

Habang naglalakad ako ay narinig ko ang malakas na sigaw ng bata. "Bye Bye Uncle." Nang sipatin ko ang bata ay nakita kong kinakawayan niya ako.

Sa biyahe, iniisip ko ang eksena kanina. Ewan ko ba pero parang gumaan ang loob ko sa bata. Sa tingin ko, mabait siya, parang isang anghel. Maganda ang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang. Hanggang sa makarating ako ng opisina.

Pagpasok ko pa lang sa lobby ay nakita ko agad si Jerome. Lumapit siya sa akin.
"Good Morning Rico, sorry ha kung hindi ako nakadalaw kagabi. Tinatawagan naman kita pero hindi ka macontact."
"Ok lang, nagpalit na kasi ako ng number eh." ang sagot ko. Pero ang totoo ay sapilitan ngang pinapalitan ni Kua Carlo ang number ko.

"Rico, ayos ka lang, bakit parang maga ang mga mata mo?" ang sunod niyang tanong. Inangat niya ang aking mukha.
"Jerome, mamaya sabay tayo mag-lunch pwede ba?" ang sagot kong patanong din. Tulad nga ng naisip ko kanina, sa kanya ako magsasbi ng aking sama ng loob.
"Sure, walang problema" ang masayang pagtugon niya. "Handa ako makinig sa iyo anytime. Sige akyat ka na baka hinhintay ka na ni sir" dugtong niya.


Akmang sasagot sana ako nang biglang may boses na tumawag sa pangalan ko. "Rico"

Nang tignan ko kung sino, si Kuya Carlo na nakatayo at nakatingin sa amin ni Jerome.

9 comments:

  1. awwww super tagal ko itong inantay ang chapter na toh naku naku super sad nmn ni rico na nkita nya yung anakn ni kua carlo nya awww matinding stress ito kay rico awwww sana may chpter 19 na awww=)

    ReplyDelete
  2. ang ganda ng story, the best talaga... masyado ako na eexcite sa mga susunod na mangyayari, sana po wag tagalan ang next na issue daredevil.. idol talaga kita.. mwaaah...

    ReplyDelete
  3. waaaaaaaaa..ayos!kelan pa next part?can't wait!

    ReplyDelete
  4. nakakabitin! ganda ng kwento.sana may kasunod kagaad to

    ReplyDelete
  5. wowwwwwwwww ang tagal kong hinintay ito....sulit nmn ang ganda kaso bitinnnnnnnnnnnnn... mr writer next chapter na po plsssssssssss.

    ReplyDelete
  6. oo nga po sana everyday may next chapter :)
    really like reading Pantasya :)
    and all ur stories ^_^

    ReplyDelete
  7. OMG ang ganda talaga ng storya, nakaka nlove :P sana sa totoong buhay din...

    ReplyDelete
  8. tagal ng next chapter...dapat tig dalawa kung matagal pa ang kasunod......hmmmmp...jox

    ReplyDelete
  9. assuming n nmn, ayaw n nmn makinig s paliwanag. another 5 years n nmn b iintayin mo bago ka makinig? hehe! masarap plang magbasa pag hindi ka updated. pero mas exciting nmn pag updating ka, panay ang tingin at abang s update. haha.

    0309

    ReplyDelete