Parehas kaming napatingin ni Jerome sa taong tumawag sa aking pangalan na si Kuya Carlo.
"Sige Jerome mauna na ako" ang nasabi ko na lang sa kanya.
Magkasabay kami ni Kuya Carlo sa pagpanik sa kanyang opisina. Habang nasa elevator ay wala kaming naging imikan. Nararamdaman kong nakatingin lang siya sa akin, waring naghihintay nang kung anong sasabihin ko. Pero ni isang salita ay wala akong masabi. Alam ko naman kasi ang lahat, hanggang sa makarating kami.
Buong umaga na iyon ay nakapokus lang ako sa trabaho, hindi nagsasalita o hindi man lang sumusulyap sa kanya. Hindi naman sa umiiwas ako pero ayoko lang makarinig pa ng kahit ano mula sa kanya. Parang hindi ko na siguro kakayanin pa ang kung anong ipapaliwanag niya.
Kung gaano ko ginagawang busy ang aking sarili ay siyang kabaliktaran ni Kuya Carlo. Nakaupo lang siya, Malinis ang mesa na halatang walang ginagawa, alam ko at nararamdaman ko rin nakatingin lang siya sa akin. Hanggang sa sumapit ang lunchbreak ay ganoon pa rin ang naging set-up namin.
Pansamantala ko munang iniwan ang aking ginagawa para kumain. Tumayo na ako at pormal na humarap sa kanya para magpaalam.
"Sir Carlo, baba na po ako" ang magalang kong pahayag. Nagtaka naman ako sa nakita kong itsura ng kanyang mukha. Ibang-iba siya, malungkot ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
"Sige Rico, mag-lunch ka na" ang nasabi lang niya sa akin.
Habang bumababa ako ng hagdan ay iniisip ko pa rin siya. Hindi ko mabatid kung ano ang nasa utak niya ngayon pero isa lang ang alam ko, ang kalungkutan niya. Naalala ko tuloy ang sinabi ng kanyang anak kanina bago ako pumasok. "Dad is waiting for you in the office and he is sad. Please make my daddy happy again Uncle Rico."
Bigla naman akong nakaramdam ng awa sa kanya. Siguro hindi ko na rin maiiwasan pa ito dahil sa nararamdaman ko para sa kanya. Pero sa ngayon ay wala na itong saysay pa dahil wala nang pag-asang maging kami.
Tulad ng pinag-usapan ay sabay kaming kumain ni Jerome. Dating gawi, nag KFC kami. Sinimulan ko na ang pagsasalaysay ng mga mangyari habang kumakain kami.
"So ano na ang balak mo ngayon?" ang tanong niya matapos pakinggan ang mga sinabi ko.
"Ewan ko, hindi ko alam, siguro kailangan ko na rin talaga mag move-on." ang malungkot kong sagot.
"Ganun ba, ito lang ang masasabi ko sa iyo Rico, na nandito lang ako para sa iyo" ang sabi niya sa akin.
"Maraming salamat." ang sagot ko.
"Yan din ang bilin sa akin ni Jason" ang sunod niyang pahayag na bahagyang ikinagulat ko.
"Talaga, si Jason, nakakapag-usap pala kayo"
"Oo, mga 3 beses sa isang linggo thru chat sa internet. Sinabi ko sa kanya na boss natin si Sir Carlo. Alam mo, hanggang ngayon sinasabi niyang mahal ka pa rin niya pero wala nang magagawa kasi hindi na siya makakabalik pa dito sa bansa. Marami na silang inaasikaso ni Tita doon."
Sa sinabing iyon ni Jerome nalaman ko ang tunay na pagmamahal sa akin ni Jason, naalala ko tuloy ang mga panahon na magkasama kaming dalawa.
"Kung gusto mo minsan sama ka sa amin para makausap mo rin siya."
"Oo sige para makamusta ko rin siya" ang aking pagpayag. Kahit papaano naman ay namimiss ko rin siya.
Matapos ang isang oras na break ay bumalik na kami sa trabaho. Bago kami maghiwalay ay sinabi ni Jerome na madadalaw na niya ako sa bahay sa mga susunod na araw. Siguroi kailangan ko na ring baliin ang pangako ko kay Kuya Carlo dahil sa ginawa niya sa akin.
Walang Kuya Carlo akong nakita pagkabalik ko ng opisina. Pero hindi ko na ito binigyang pansin pa at umupo na ako sa aking mesa para ituloy ang trabaho. Makalipas ang kalahating oras ay bumalik na siya. Pagkapasok niya sa loob ay agad siyang lumapit sa akin.
"Ang sweet niyo namang dalawa, ganyan ka na pala Rico"
"Anong ibig mong sabihin Sir?" ang agad kong tanong.
Tumayo siya sa harapan ko, malakas na tinukod ang mga kamay sa aking mesa. "Sinundan ko kayo kanina. Hindi ba may kasunduan tayong dalawa, baka nakakalimutan mo"
Tumingala ako para tignan siya at sumagot."Wala naman pong masama na magsabay kami sa lunch, at isa pa siguro hindi na kailangang ituloy pa nating ang kasunduan tutal...."
"na may anak ako ganun ba Rico" ang pagputol niya sa sinasabi ko na may kataasan ang tono ng boses.
Nagsisimula na namang tumulo ang aking mga luha pero pilit ko itong pinigilan para ipakita sa kanya ang aking katatagan. " Itigil mo na ang kahibangan mo sa akin sa halip ay ilaan mo na lang ang atensyon mo sa pamilya mo" sagot ko sa kanya.
"Hindi pwede, wala namang masama sa ginagawa ko"
"Wala, sigurado ka? nagpapatawa ka ba Sir Carlo."
"May dapat ba akong ikatuwa gayong hindi ako kaya tanggapin ng taong mahal ko"
Halos manlaki ang aking mga mata sa sobrang pagkagulat. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi.
"A...a...anong sabi mo, pwede ba wag kang magbiro ng ganyan?" ang nasabi ko sa kanya.
"Mukha ba akong nagbibiro Rico, uulitin ko ang sinabi ko, mahal kita Rico. Totoo yun."
Napatayo na ako sa aking kinauupuan."Ano sa tingin mo ang magagawa ng pagmamahal na iyan sa akin kung totoo man iyon. Wala! Wala! Kaya ako kahit mahal din kita ay pipilitin kong mag move-on.
"Bahagya naman siyang natuwa sa sinabi ko. Bakit naman, wala namang pumipigil sa atin, mahal kita, at ngayong inamin mong mahal mo din ako ay maaari nang maging tayo."
"Parang ganoon lang kadali sa iyo ang lahat ng bagay. Oo, gusto ko maging tayo dahil noon pa ay hinihiling ko na iyon. Pero iba na ngayon."
"Ah ganoon pala ha" ang sagot niya. Bigla naman niyang hinatak ang braso ko. Isinandal niya ako sa pader. Nagkatitigan kaming dalawa mata sa mata.
"Puwes baka dito ay magbago na ang pananaw mo, at handang pakinggan ang mga pakiwanag ko. Sobrang sabik na akong gawin sa iyo ito." dagdag niya.
Unti-unting nilalapit niya ang kanyang mukha sa akin. Pero sa halip na umiwas ay hindi na ako nakakilos. Mayamaya pa ay nagdikit na ang aming mga labi.
Ang sarap sa pala sa pakiramdam na halikan ka ng mahal mo. Umabot ito ng halos isang minuto. Siya ang unang kumalas.
"Ano na?" ang tanong niya sa akin. Pero halos napipi ako. Wala akong nasabi.
"Speechless?" dagdag niya. Pinakita niya sa akin ang pamatay niyang ngiti.
Parang naguluhan ang utak ko. "Hindi, hindi ito maaari. Mali ito, mali."sagot ko. Pwersahan ko siyang itinulak at mabilis na tumakbo palabas ng opisina. Agad akong pumunta ng CR.
Sa loob, hinawakan ko ang aking mga labi, habang nakatingin sa salamin. Napapangiti ako sa nangyari. Sa wakas sa loob, ng mahabang panahon ay natikman ko na ang halik ng aking pantasya.
w0w naman! nakakkilig... bitin na biin naman, can't wait sa mga susunod pa na mga pangyayari.. sana mangyari din sa akin to sa totoong buhay, ung malaman ko na mahal din ako ng taong mahal ko..
ReplyDeletehahaha,,.. kinikilig din ako...
ReplyDeletehahaha! ganun parin, assuming parin at dipa inaalam ang bumabagabag s isip nya.
ReplyDelete0309