Sunday, January 2, 2011

TUKSO Part 17

"Time to relax." Ito agad ang naisip ko sa pagpayag sa hiling ni Allan na magcelebrate kami ng new year dito sa Boracay. Ito ang sinabi niya sa akin nung gabi ng araw ng pasko.

Makalipas ng  limang araw, agad kaming nagtungo doon. Sa pagkakita ko pa lang sa lugar, agad akong nakadama ng kasiyahan. Sobrang nagandahan ako sa tanawin, ang napakalinis na dagat at puting buhangin. Isama mo pa dyan ang ilang mga turistang naroroon mapa-Pilipino man o taga-ibang bansa. Nag-eenjoy din sila sa lugar tulad namin ni Allan.

Hapon na iyon, habang nakaupo ako sa buhanginan, lumapit sa akin si Allan na galing sa paglangoy sa dagat. "Ric, halika magswimming tayo"
"Sige ikaw na lang, hindi ako marunong lumangoy" ang pagtanggi ko.
"E di tuturuan kita sige na" ang pagpupumilit niya sabay hila sa braso ko para tumayo.
"Ikaw na muna, papanoorin na lang kita."
"Sige kung ayaw mo, di wag. Sasamahan na lang kita dito" si Allan na umupo sa tabi ko.

"Alam mo Ric, sobrang masaya ako dahil kasama kita ngayon" ang kanyang pagpapatuloy.
"Ganun din ako, at sobrang nag-eenjoy ako dahil kahit papaano ay nababawasan ang bigat ng damdamin ko" ang sagot ko.
"Sa ngayon ba Ric, may nararamdaman ka pa ba sa kanya?"

Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niyang iyon.
"Meron pa nga" siya na rin ang sumagot ng tanong ko. Alam kong nasasaktan siya base sa tono ng kanyang boses.
"Allan, hindi ka mahirap mahalin dahil sobrang mabait kang tao. Kung matuturuan ko lang at madidiktahan ang puso ko sana ikaw na lang ang minahal ko. Pero ganun talaga e, sobrang mahal ko pa rin si Mike" ang deretsahan kong pahayag. Ayaw ko na siyang paasahin pa.
"Alam ko Ric, alam ko" ang medyo naiiyak na niyang sagot.

Sa pagkakataong iyon ay niyakap ko na lang siya. Walang pakialam sa makakakita sa amin. Ito lang kasi ang maisusukli ko sa lahat ng kabaitan niya sa akin. Gusto ko ipakita sa kanya na nadito lang ako bilang kanyang kaibigan. Nararamdaman ko ang medyo mainit na likido sa aking balikat. Tuluyan na pala siyang umiyak.

"Huwag kang mag-alala, nandito lang ako para sa iyo. Makakakita ka rin ng taong karapat-dapat sa pagmamahal mo." ang sinabi ko sa kanya.
Kumalas siya sa pagkakayakap at tumingin sa akin. Basa pa rin ng luha ang kanyang mga mata. Tumango lang siya sa akin.

"Mabuti pa kumain na lang tayo, tara isa-isahin natin ang mga restaurant dito. Treat kita" ang paanyaya ko na lang sa kanya.
Ngumiti na siya sa akin. Pinunasan ang mga luha. "Ano ka ba, hindi ka pwedeng gumastos, ako kaya ang nagsama sa iyo dito" ang tila nagbagong mood ni Allan.

Kinagabihan, sabay kaming naghapunan sa isang restaurant doon, sobrang masasarap talaga ang mga pagkain. Habang kumakain ay nagkukuwentuhan kami.

Pagkatapos noon ay bumalik na kami sa hotel na aming tinutuluyan. May kani-kanya kaming kwarto.
"Good night tol" ang sabi ko kay Allan bago pumasok. Ngumiti siya sa akin.

Pagkabukas ko ng pinto ng silid ko ay agad kong pinindot ang switch ng ilaw. Nang bumukas ito, nagulat ako sa taong nakahiga sa aking kama. Unti-unting nanunumbalik sa akin ang galit sa kanya.

"Ano ang ginagawa mo dito?"ang matigas kong tanong.
Sa halip na sumagot ay mabilis niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit. "Miss na miss na kita babes" ang sagot niya sa akin.
Pilit ko siyang tinataboy palayo ngunit sadyang malakas siya. "Pwede ba Mike layuan mo nga ako!" ang naiirita kong sabi sa  kanya.
"Hindi ko kayang mawala ka sa akin kaya sinundan kita dito." sabi niya na nakayakap pa rin sa akin.
"Pwes ako kaya ko, tapos na tayo Mike at doon ka na sa Cynthia mo!" ang napapakalas ko nang pahayag.
"Alam ko babes, mahal mo pa rin ako at nararamdaman ko iyon. Please huwag mo nang pahirapan ang sarili mo."
"Pahirapan, di ba ikaw ang dahilan kung bakit nahihirapan ako ngayon." ang naiiyak ko nang sagot sa kanya.

Kumalas siya sa akin ngunit nakakulong pa rin ako sa kanyang katawan. Nakasandal pa rin ako sa pader kung saan nakatukod ang kanyang mga kamay.
"Patawarin mo ako babes kasalanan ko ang lahat, pero sana man lang pakinggan mo ang mga paliwanag ko." ang sabi niyang nakatitig sa akin.
"Hindi na kailangan pa Mike, tulad ng sinabi ko noon, sapat na ang nakita ko sa Batangas" sagot ko na pilit umiiwas ng tingin sa kanya.
"Wala kaming relasyon ni Cynthia!" ang bigla niyang sinabi. Pero hindi agad ako naniwala. Malay ko bang nagsisinungaling lang siya sa akin.
"Talaga lang ha, kaya pala ang sweet niyong dalawa."
"Magkaibigan lang talaga kami, magkababata pero hanggang doon lang iyon." si Mike.
"Sigurado ka e bakit kayo ipakakasal ng Dad mo ha?" tanong ko sa kanya.
"Pinagkasundo lang kami ng aming mga pamilya, Malapit na kaibigan ng Dad ko ang mga magulang niya."
"E bakit parang sinusundan ka niya?" ang tanong ko. Gusto ko ring malaman na ang dahilan ng pagpunta niya sa tinitirhan namin.
"Ang totoo niyan siya ang nagrekomenda sa akin ng bahay natin. Tinulungan niya ako na makahanap na tirahan para lumayo kay Dad."
"Ows, pwede ba Mike wag mo akong bolahin"
"Hindi ka pa ba naniniwala, sige ihaharap ko sa iyo si Cynthia para makapag-usap kayong dalawa."
"Huwag na Mike" ang sagot ko. Inisip ko na nagsabwatan silang dalawa.
"Pwede ba Ric, wag ka nang magpakipot pa. Ang tigas ng ulo mo. Alam ko namang namimiss mo na rin ako." si Mike na may ngiting parang nanunukso.

Sa loob ko ay tama siya. Sobrang namimiss ko siya at ngayong nakita ko na ulit ang kanyang gwapong mukha at mala-adonis na katawan ay tila nahuhumaling na naman ako sa kanya. Pero hindi ako nagpahalata.
"Tama na ang kahibangan mong ito Mike"
"Hindi ako titigil babes. Kilala mo naman ako diba. Lahat ng bagay na gusto ko ay pipiliting kong maangkin."

Totoo ang sinabi niya, college life pa lang ay ganito na talaga siya, ang pagkadesperadong makuha ang isang bagay na nais niya.
"At ngayong nakita na ulit kita ay hindi ko na hahayaang lumayo ka ulit sa akin." ang dugtong niya.

Tumingin ako sa kanya. Kita ko sa mga mapupungay niyang mata ang sinseridad, na totoo ang kanyang sinasabi. Ewan ko ba pero parang naniniwala na ako sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa.

Unti-unting nilapit ang mukha niya sa akin.  Alam ko na agad ang kanyang gagawin. Hindi na ako nakakilos pa sa halip ay tatanggapin ko na lang ito. Ang halik na hinahanap-hanap ko simula nang lumayo ako sa kanya.

Tuluyan nang naglapat ang aming mga labi.

Itutuloy........

1 comment:

  1. grabe!!
    kinikilig ako..

    ndi ko alam kung maluluha ako o sisigaw nalang sa pagka happy ng magkita ulit sila..pero paano na si Allan?? -hmm...by the way!! galing talaga!!

    -adrian from marikina

    ReplyDelete