Friday, October 22, 2010

TUKSO Part 6

Kahit nagugustuhan ko ang paghawak niya sa pisngi ko, agad kong inalis iyon. Pero tuloy pa rin ang pagtitig niya sa akin. Maya-maya nag ring ang cellphone ko.Pumunta ako sa may bintana ng office saka binunot ang phone sa bulsa.

"O friend, ano na balita sa inyo, goodbye virginity na ba?" sabi ng tumawag.
"Ano ba iyang pinagsasasabi mo, hindi mo alam kung anong gulo ang ginawa mo sa akin, lagot ka sa akin mamayang bruha ka" sabi ko kay Bea na medyo pagalit.
"Kunwari ka pang maggalit-galitan, aba pasalamat ka pa sa amin at siya ang napili kong maghatid sa iyo, no choice na kami e puro number ng clients ang naka register sa phone mo kaya." si Bea ulit.
"Ah basta, mamaya inuman ulit tayo dun ulit sa Starbucks, sabihan mo na ang buong tropa ha, marami pa tayong pag-uusapan" sabi ko sa kanya.
"Sure, sige see you later" si Bea sabay baba ng phone.

"Mag-iinom ka ulit mamaya?" biglang tanong ni Mike sa akin.
"Oo naman, at wala ka nang pakialam doon." sabi ko.
"Ah ok, sige sasama ako sa inyo mamaya, oooops hindi ka na pwede tumanggi" si Mike sabay wave ng isang hintuturo niya sa akin.
"May magagawa pa ba ako, tutal ayaw mong umalis dyan, bahala ka mainip" sabi ko.
"Ako maiinip, never yun mangyayari basta palagi kong makikita ang iyong mukha" si Mike.
"Bolero, tumigil ka na dyan, huwag kang maingay ha"

Nagsimula na ako sa pagtatrabaho. Habang nagbubuklat at nagsusulat sa mga papeles di ko naman maiwasan ang mata kong tumingin sa taong nakaupo sa sofa. Ang ginagawa niya, nakahiga lang doon, nakapikit ang mata at ang ulo ay nakapatong sa isa niyang braso. Buti naman sa isip-isip ko at least hindi maingay.

Maya-maya, gindi ko maintindihan ang sarili ko, parang namagnet itong papalapit sa kanya. Nang makalapit na ako sa kanya, isang kamangha-manghang mukha ang nakita ko. Para talaga siyang isang anghel na natutulog at ang labi, hay ang sarap halikan. Ewan ko ba pero sa puntong iyon habang napatitig ako sa kanya, naisip ko biglang samantalahin ang pagkakataon. Sinubukan kong ilapit ang mukha ko sa kanya at halikan. Dahan-dahan ko itong ginawa upang hindi siya magising. Palapit na nang palapit ang mukha ko at ang labi namin ay halos 5 sentimetro na lang ang pagitan nang bigla niyang idilat ang mata niya. Bigla ko namang layo ng mukha sa kanya at tumayo.

"O bakit mo tinigil, may sinabi ba ako sa iyo, sige na ituloy mo lang, hindi naman ako magagalit" si Mike na umupo na rin sa sofa at pangiti-ngiti.

Hindi talaga ako nakapagsalita, hindi ko alam kung anong dahilan ang sasabihin ko sa kanya. Naisipan ko na lang na bumalik sa aking ginagawa sa mesa.

"Ano, naiinis ka ba dahil hindi natuloy ang balak mong paghalik sa akin?" si Mike sabay lapit sa mesa ko at umupo sa isang upuan sa tapat ko.
"Alam mo, kung itinuloy mo iyon, masasabi mo sa sarili na ang labi ko ang siyang pinakamasarap halikan." dagdag niya.

"Ha.. ah...eh...kuwan...ano..hmm" kakainis, wala akong masabi.

Nagsimula na siyang tumawa nang tumawa. Ako namutla dahil sa kahihiyang ginawa ko sa kanya. "Bakit pa kasi nagpapakipot ka pa, tignan mo dahil sa pagpipigil mo, hindi mo na alam ang mga ginagawa mo Ric" sabi ko sa isip ko.

"Baka hindi ka na makapagtrabaho niyan, sige labas muna ako saglit, medyo nagugutom na ko e bye" sabi niya sabay tayo palabas ng pinto. Naririnig ko pa rin ang pagtawa niya sa labas habang naglalakad palayo.
"Ay salamat, makakapagconcentrate na rin ako" bulong ko sa sarili ko.

Naguluhan talaga ako sa sarili ko sa nangyari. Bakit ko ba ginawa iyon? Masyado na yata akong naaakit sa kanya. Arrrhhhh!!!hindi to pwede, hindi dapat ako mainlove ulit. Kasalanan naman niya kasi, nagpapacute siya sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya. Hindi. Dindi ito pwede, dapat makaisip agad ako ng paraan.

Tinuloy ko na ang pag-aayos ng mga papeles. Makaraan nang mahigit na isang oras, biglang bumukas ang pinto. Sino pa ba walang iba kundi si Mike pero may dala siyang pagkain galing Jollibee.

"Babe, stop ka muna diyan, tara kain na tayo, binilhan kita ng paborito mong chickenjoy" si Mike sabay abot sa akin ng pagkain.
_______________________________________________________________________
Bigla ko na namang naalaala ang jollibee. Simula kasi nang maging official friends kami, doon niya ako agad unang dinala para ilibre ng meryenda. Kita talaga sa kanya ang sobrang kasiyahan.

"Ricardo, tutal friends na tayo, pwede sigurong Ric na lang itawag ko sa iyo kasi nahahabaan ako sa name mo eh" si Mike habang naglalakad kami palabas ng gym nila.
"Oo naman" pagpayag ko.
"Salamat, so Ric dahil friends na tayo hayaan mong ilibre kita sa Jollibee" yaya ni Mike.
"Huwag na kakahiya naman sa iyo malapit na rin naman ang uwian sa amin na lang ako kakain hehehe" pagtanggi ko.
"Pumayag ka na plsss, bahala ka magtatampo ako sa iyo" si Mike na nagmamakaawa.
"Sige na nga" pagpayag ko na rin.
"Yehey, pumayag na rin siya, tara na bilisan na natin ang paglakad." si Mike.

Nang makarating kami sa Jollibee....

"Ric hanap ka na nang mauupuan natin ako na ang oorder. Ano nga pala ang gusto mo?" si Mike.
"Chickenjoy lang" sagot ko sa kanya.
"Ok wait for me" si Mike sabay pumila sa counter. Makalipas ang mahigit 5 minuto, bumalik na siya dala ang order namin..
"Aba, ang dami nito Mike mauubos ba natin ito" tanong ko.
"Ano ka ba celebration natin ito eh, the official day ng pagsisimula ng ating friendship. Sige na kumain ka na." si Mike.

Pagkatapos kumain, nagpaalam na ako sa kanya na uuwi na.

"Mike salamat pala sa treat ha, sige uuwi na ako" paalam ko sa kanya.
"Thanks sa friendship ha, di mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya, sige see you tomorrow" si Mike.
"Bye" sabay lakad ko papuntang sakayan.

Nakatingin lang siya sa akin habang naglalakad ako palayo. Nung nasa jeep na ako nakareceive ako ng message galing sa kanya, Naalala ko na ito palang number ko ang binigay ko sa kanya nung nagpapanggap ako.

"Thanks ulit Ric excited na ako bukas kasi simula iyon ng pagbabago.Ingat ka sa biyahe" text ni Mike.

Napangiti na lang ako. Tama siya, may malaking magbabago kinabukasan. Maging ako ay excited na.

Ang sarap talaga balikan ang nakaraan.
_______________________________________________________________________
"Uy kanina ka pa nakatunganga diyan, lumalamig na yung pagkain" si Mike habang kumakain ng hamburger.
"Hindi mo ba ito nilagyan ng gayuma ha" tanong ko.
"Hindi ko na kailangan pang gawin iyon dahil sa mga nangyayari, nagagayuma na kita. Kahit di mo aminin sobrang naaakit ka na sa akin" si Mike habang umiinom ng coke.
"Anong naaakit, hindi pwede mangyari iyon, masyado ka namang assuming diyan" pagtanggi ko.
"Sige tanggi lang bibigay ka rin someday" si Mike.
"Anong someday baka noway" sabi ko, Tumawa lang siya.

Natapos din ang oras ng trabaho ko sa office. Dahil sa wala akong kotse, napilitan akong sumabay sa kanya pauwi. Nasa loob na kaming dalawa at handa na sana niyang istart ang makina nang biglang may tumawag sa kanya. Nang sagutin niya ito, bigla siyang napatingin sa akin na parang may tinatago at lumabas ng kotse para kausapin ang tumawag.

Ang daming pumasok sa isip ko sa ginawa niya. "Ayan, tumawag na ang girlfriend niya, paano ka na iiwanan ka na niyan, ikaw kasi dapat pinilit mo siyang umalis? Kita mo nasasaktan ka na naman. Hindi ka pa ba nadadala?" mga naiisip ko ng mga oras na iyon.

Mahigit isang minuto rin silang nag-usap. Maya-maya pumasok na ulit siya sa loob.

"Lets go. ihahatid kita sa inyo tapos uuwi  muna ako dahil may importante lang akong aasikasuhin" si Mike.

Ok na sana ang mood ko pero bigla itong nabago dahil sa isang tawag. Kaya hindi ko magawang humarap sa kanya habang nagmamaneho. Pero nararamdaman ko na  meron siyang tinatago kahit di ko nakikita ang mukha niya. Nakarating naman ako sa amin nang maayos. Kusa na akong bumaba at dumeretso agad papasok ng gate. Hindi ko na pinakinggan ang mga sinabi niya.

Pagpasok sa loob, agad akong umupo sa sopa. Ito na naman, hindi pa nga nagtatagal, nasaktan na ako muli. Kasalanan ko kasi, bumibigay agad ako sa tukso. Arhhhhh! ano ba itong nararamdaman ko? Dapat magpakasaya muna ako para makalimot. At bigla kong naalala ang inuman namin mamaya. Agad kong tinawagan si Bea.

"O friend, nasabihan ko na sila, pumayag sila." si Bea.
"Mabuti naman para na rin makamimot sa problema" sabi kong medyo matamlay.
"Ano na naman iyang problema mo friend, dont tell me na naulit na naman ang kamalasan mo?" si Bea.
"Mamaya na tayo mag-usap see you later na lang" sabi ko sabay lapag ng phone sa sofa.

Naisipan kong magshower para pantanggal stress. Pagkatapos, nagpahinga saglit sa kwarto at nang mag gabi, nagbihis na ako para sa inuman. Nagtaxi na lang ako papunta sa bar.

"As usual nahuli na naman ang VIP," si Nica.
"Kasalanan mo ito Bea dapat di mo na lang siya tinawagan" paninisi ko.
"Hindi ko maintindihan friend, ano ba ang nangyari sa inyo ni Papa Mike?"

Kinuwento ko na sa kanila ang lahat ng nangyari maghapon.

"Hindi namin alam ang iisipin sa mga nangyari sa iyo friend, ano na ang gagawin mo ngayon?" si Althea.
"Ewan ko, natatakot na akong masaktan muli di ko na alam kung ano ang gagawin ko e" sagot ko sabay tungga ng alak.
"Ngayon pa lang dapat makaisip na tayo ng paraan, for the meanwhile dapat magpakasaya muna tayo, kalimutan ang problema, mag-enjoy." si Nica.

Kahit nagkakasiyahan na sila, hindi ko makuhang makisali sa kanila. Naiisip ko pa rin ang nangyari kanina. Nakumpirma ko na sa sarili ko na mahal ko si Mike. Kaya siguro ako nakakaramdam ng ganito.

"Friend, smile ka naman dyan" si Bea.
Dahil na rin sa nainom at sa halo-halong emosyon, bumigay na ako. Lumabas na ang lahat ng hinanakit ko sa pamamagitan ng pag-iyak. Napayakap ako kay Bea.

"Friend mahal ko na siya, mahal na mahal, pero bakit ganito, laging pinagkakait sa akin ang maging maligaya sa pag-ibig" humahagulgol kong sabi. Nilapitan din ako nina Althea at Nica para yakapin.
"Tama na friend naiintindihan ka namin, sige ilabas mo lang iyan" si Bea.
"Sino yung mahal mo at bakit ka umiiyak?" ang tanong nang biglang sumulpot na tao sa amin.

Napatingin naman ako sa taong iyon.

"Mike!"

No comments:

Post a Comment