Thursday, October 21, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 11

Dumating na ang araw ng pasukan para sa kolehiyo. Dalawang buwan na ang nakalilipas nang iwanan ako ng aking pinakamamahal na bestfriend para ituloy ang pag-aaral sa Amerika. Pero hindi ko naman nararamdaman gaano ang pagkamiss ko sa kanya dahil halos twice a week kami kung mag-usap sa pamamagitan ng internet. Ginagamit ko ang laptop ni Jake sa kanyang kwarto.

Naipasa ko naman ang entrance exam para sa kolehiyo. Sa tulong na rin ng araw-araw na tutorial namin ni Jake. Sa nakikita ko sa kanya, medyo bumabait na siya sa akin pero bumabalik pa rin ang pagkamainitin niya ng ulo kapag hindi ko nakukuha ang mga itinuturo niya. Tinuloy ko talaga  ang naisip kong kurso, ang nursing ganoon din si Jake na medicine. Natural, hindi kami magkaklase pero sabay pa rin kami pumasok at umuwi alinsunod na rin sa utos ng mga magulang niya.

First day of classes, naghiwalay kami ni Jake sa lobby ng school para hanapin ang aming mga classrooms. Ayon sa aking registration card sa Rm. 211, nalaman ko na iyon pala ay sa second floor. Pagkatapos ng halos 5 minutong hanapan, nakita ko na ito. Bago ako pumasok, tinignan ko muna ang magiging kaklase ko. Marami-rami rin pala sila at halos puro lalaki. Pagkatapos, deretso na kong pumasok at umupo sa bandang likuran. Dahil sa wala pa akong kilala, siyempre tahimik lang ako, maya-maya nag ring ang cellphone ko.

"O Dave, kamusta na ang first day" si Erika na tumawag.
"Ito ok lang medyo naiilang ako kasi mukhang matatalino itong mga kaklase ko, ikaw ok ka lang ba?" sabi ko sa kanya.
"Oo naman, at saka alam mo friend, ang dami mga gwapo sa mga kaklase ko." si Erika.
"Ahh ganun ba, dito rin puro lalaki rin pero wala akong interes sa kanila" sabiko ulit.
"Kasi si Jake na naman ang nasa puso mo eh, tanggapin mo na friend na malabo maging kayo" si Erika ulit.
"Alam ko naman iyon, ok na sa akin ang set-up namin saka kung lalayuan ko siya ay malabo ring mangyari dahil nakatira ako sa kanila" ang mahabang sagot ko sa kanya.

"Basta tatandaan mo friend na mag-ingat ka at pag-isipan mo muna ang isang bagay bago mong gawin ha. Nandito lang ako kung kailangan mo ng tulong" si Erika.
"Oo alam ko naman iyon binilin naman sa akin ni Pat na ikaw ang magbabantay sa akin."
"O siya sige nandito na ang prof namin kita-kits na lang" si Erika.
"Ok bye." sabay baba ko ng phone.

Habang naghihintay pa rin sa pagdating ng aming prof para sa first subject, naisipan ko munang dukutin ang earphone ko sa bag at mag soundtrip gamit ang cellphone ko, siyempre para di ko rin marinig ang daldalan ng aking mga kaklase. Maya-maya, isang estudyante ang nakaagaw pansin sa akin na pumasok at saglit kong tinanggal ang earphone sa tenga. Sa nakikita ko, mukhang nagmamadali ito dahil pawis na pawis siya, gayunpaman humahalimuyak ang ginamit niyang pabango. Umupo siya sa katabi kong upuan sa kanan.

"Buti naman at hindi pa dumadating ang prof natin" sabi niya.

Hindi naman ako nagsasalita sa pag-aakalang di ako ang kausap niya kundi ang babae sa harapan niya nang kalabitin niya ako sa balikat.

"Hi!!! bati niyang nakatingin sa akin.

Napatingin naman ako sa mukha niya. Doon ko napansin na may itsura din pala ang taong ito. Maputi ang mukha niya, ang mata na medyo singkit, ang matangos na ilog at mapupulang labi, ang buhok na pang koreano ang style, maganda ang pangangatawan at matangkad.

"Sabi ko hi." sinabi ulit niya.
"Ah eh kwan, hello" sabi ko sa kanya.
"Mukhang natutulala ka yata sa akin, may dumi ba ako sa mukha?" tanong niya sabay punas ng panyo sa mukha.
"Ah wala naman, nabigla lang ako sa iyo akala ko kasi na hindi ako kausap mo e." sabi ko naman.
"Ganun ba, by the way ako nga pala si Mark Joseph." pagpapakilala niya sabay abot ng kamay para makipagshake hands.
"John David pala" sabi ko sabay abot din ng kamay.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nang magkamay kaming dalawa. Grabe ang lambot ng kamay niya at ang kinis. Agad naman akong bumitaw sa kanya.

"Alam mo sa tingin ko mukhang mabait ka, kasi una palang pagkakita ko sa iyo e parang ang gaan-gaan ng loob ko, natutuwa ako dahil magiging magkaklase tayo ng apat na taon." sabi niya na ikinabigla ko.
"Hi..hindi naman masyado, ikaw naman ngayon mo pa lang ako nakilala e hehehehe" sabi kong medyo nahihiya.
"Basta iyon ang nararamdaman ko sa iyo, kaya sana maging friends tayo simula ngayon kung papayag ka" sabi niya.
"O..oo naman walang problema hehehe" sabi ko sa kanya.

Napaisip naman ako sa kanya. Parang ang bilis niya yata. Tapos sa lahat ng mga kaklase ko dito e sa akin pa siya unang makipag-usap. Magkaganun pa man natutuwa na rin ako kahit papaano dahil meron na akong naging friend agad.

Marami pa kaming napag-usapan ni Mark. Nalaman ko na mayaman din pala ang pamilya niya at nag-iisa rin siyang anak tulad ko. Valedictorian din noong high school. Sa pag-uusap namin, medyo nakagaanan ko na siya ng loob dahil masayahin siyang tao at palabiro. Hindi mo aakalaing isang henyo rin ito. Binanggit ko na rin sa kanya ang tungkol sa akin, na may pagkabobo ako, walang sariling tirahan at ang pagkaulila ko sa ina at bestfriend.
Labis kong ikinatuwa ang mga sinabi niya. Siyempre di ko sinabi ang totoo kong pagkatao baka layuan niya ako  agad.

"Tandaan mo Dave na walang taong bobo. Huwag mong ibaba ang sarili mo. Sa tingin mo ba na makakapag college ka ba kung mahina ang utak mo. Isa pa, kahit ganyan ka, huwag mong hayaan na maliitin o insultuhin ka ng ibang tao. Ipakita mo kung ano ang mga kakayahan mo na maaari mong ipagmalaki.Tungkol naman diyan sa pangungulila huwag kang mag-alala tutal e pumayag ka nang maging friend ko kaya sisikapin kong mapunan iyon." mahabang pangaral niya habang nakatingin lang siya sa akin.

Nabilib ako sa mga sinabi niya dahil first time kong makarinig ng mga ganoong pananalita sa ibang tao. Kasi nakasanayan ko na ang mga sinasabi sa akin ni Jake pati ng iba kong ka schoolmates noong high school. Sobrang tuwa ko sa kanya. Dahil doon lalong gumaan ang loob ko sa kanya.

Maya-maya dumating na rin ang mga prof namin. Dahil first day, puro orientation lang sa subject, pakilala sa sarili ang ginawa. Makalipas ng halos 6 na oras, natapos na rin ang klase.

"Dave, saan ka pala nakatira?" tanong ni Mike sa akin.
"Ah diyan lang sa may Mandaluyong sa Greenhills East." sabi ko habang nagliligpit ng mga gamit.
"Talaga, taga San Juan lang ako, pwede tayong magsabay sa pag-uwi." sabi niya.
"Hindi pwede dahil may kasabay na ko pauwi, yung isang kasama ko sa tinitirhan ko" pagtanggi ko sa alok niya.
"Ganun ba sayang naman, sige mauna na ako sa iyo kita kits na lang bukas" paalam niya sa akin.
"Ok bye."

Lumabas na rin ako ng classroom nang maisipan kong hanapin ang classroom ni Jake para makita siya doon. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil nasa fourth floor lang ito ng parehong building. Sinilip ko siya sa loob. Nabigla ako sa aking nakita. Sumikip ang dibdib ko at nakaramdam ng kung anong lungkot. Si Jake may kausap na babae at mukhang masaya silang nag-uusap. Maganda ang babae, kaya naisip ko agad  na bagay sila. Nakatingin lang ako sa kanila nang makita ko siyang lumingon sa akin. Agad kong nilisan ang lugar  na iyon para hindi niya makita ang kung anumang emosyong nararamdaman ko.

Pumunta ako sa isang puno na malayu-layo sa building ng school. Doon ko nilabas ang lahat ng luha ko sa nakita ko kanina. Maya-maya habang nagiiyak ako, may isang taong lumapit sa akin at nag-abot ng panyo.

Itutuloy.....................

No comments:

Post a Comment