Inangat ko ang mukha ko para malaman kung sino ang nag-abot ng panyo. Si Mark pala ito.
"Akala ko ba may kasabay ka sa pag-uwi, bakit nandito ka pa at saka bakit ka umiiyak?" sunud-sunod niyang tanong saka tumabi sa aking pagkakaupo sa lilim ng puno.
"Wala to, hindi ako umiiyak oh" pagtanggi ko sabay punas ng kamay sa mata pero hindi ito pinaniwalaan ni Mark.
"Alam ko may problema ka, huwag mong kimkimin yan, nandito lang ako, pwede mong sabihin sa akin ang saloobin mo." si Mark.
"Mark, salamat ha, kahit ngayon lang tayo nagkakilala, naging mabait ka sa akin" pagpapasalamat ko sa kanya.
"Siyempre naman, nakikita ko naman sa iyo na mabait ka ring tao, wala akong rason para hindi ako maging mabait din sa iyo." si Mark.
"Alam mo Mark, nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon. Nasasaktan ako sa mga nangyayari sa paligid ko e. Pero di ko pa masasabi ang problema ko, hindi pa ako handa" humahagulgol ko pa ring sabi sa kanya.
"Naiintindihan kita Dave, basta kung kailangan mo ng karamay nandito lang ako ha. Ito lang masasabi ko sa iyo ngayon, alam ko na pag-ibig ang dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon. Tandaan mo na kapag nagmamahal ka, hindi pwedeng hindi ka masaktan, pagsubok kasi iyan upang malaman ang kapasidad ng isang tao, darating at darating iyan." mahabang paliwanang niya sa akin.
"Oo naiintindihan ko, alam mo dahil sa iyo, nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob para mabuhay. Simula kasi ng magkalayo kami ng bestfriend kom medyo bumigat na ang mga problema ko.
"Kayanin mo iyan, lumaban ka, wag mong ipakita sa taong iniibig mo na nasasaktan ka" sabi ni Mark.
Tama siya, dapat hindi magpakita ng lungkot, sa halip ay mag move-on. Dahil sa pag-uusap naming iyon, medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Agad naman akong nagpaalam sa kanya baka hinihintay na ako ni Jake sa kotse.
Pagdating ko sa lugar kung saan nakaparking ang kotse niya, nakita ko na si Jake, nahihintay sa loob.Binuksan ko na rin ang kabilang pinto at pumasok.
"Napatagal ka yata, kanina pa kong naghihintay dito" si Jake habang nagstart ng makina na kotse.
"Pasensiya ka na may ginawa lang kasi kami kanina"
"Ganun ba, teka nga pala Dave, simula bukas dito ka na sa kotse dederetso, wag mo na akong pupuntahan sa room" utos niya sa akin.
Sa sinabing iyon ni Jake, mas lalo akong nakaramdam ng lungkot. Pakiramdam ko bumalik na siya sa dati nitong pag-uugali. May punto naman siya, di nga naman tama na ang lalaki pimupuntahan o sinusundo ang kapwa lalaki sa room. Baka ikinakahiya niya ako sa bagong babae niya.
"Sige, simula bukas dito na lang ako maghihintay" maluha-luha kong pag-ayon sa kanya.
Wala kaming naging imikan ni Jake habang nagmamaneho siya hanggang sa makarating ng bahay. Kahit nalulungkot ako, pinilit ko pa rin maging masaya sa mga kasama ko sa bahay. Hindi na ako naghapunan dahil sa walang gana, deretso sa kuwarto at doon nagsimula muli akong lumuha.Naalala ko ang sinabi ni Mark na sa akin kanina. Tama hindi dapat ako magselos dahil wala naman kaming relasyon.
Lumipas ang isang buwan, ganoon pa rin ang set-up namin ni Jake. Hindi ko na rin pinupuntahan ang room nila kaya tinutuon ko ang oras ko sa pag-aaral ko at sa bago kong kaibigan. Si Mark, napakabait niya talaga halos sa akin lang siya nakikipag-usap sa araw-araw na nagkikita kami. Textmates din kami kapag gabi at sabay kung maglunch sa canteen. Minsan kasama rin namin si Erika. Dahil sa kanya, nagiging masaya ang bawat araw ko at hindi ko na naiisip ang mga masasakit kong karanasan kay Jake.
Isang gabi, nag-usap ulit kami ni Pat sa pamamagitan ng internet at nakikita ang isat-isa through webcam.
Pat: "Bestfriend mukhang masaya ka na ngayon ah di tulad ng mga nakaraan nating pag-uusap"
Ako: "Oo, masayang-masaya ako dahil kahit papaano mayroon akong bagong friend sa school"
Pat" "Iyon bang sinasabi mong Mark"
Ako: "Oo, alam mo ang bait talaga niya at napakamasayahing tao kaya di ko maiwasang mangiti at tumawa kapag magkasama kami. Hindi lang iyan, siya na ang tutor ko ngayon sa school."
Pat: "Mabuti naman, kahit papaano nakakadistansya ka na sa kanya, hindi ka na gaano masasaktan."
Ako: "Tama ka best, ikaw naman musta na dyan sa Amerika?"
Pat: "Ok naman, medyo sanay na saka marami na rin akong mga bagong friends dito."
Ako: "Good, at least di ka na nag-iisa dyan."
Pat: "Oo, sige best, next time ulit marami akong ginagawa ngayon e."
Ako: "Sige goodnyt ingat ka"
Pat: "Ikaw rin basta wag mong kalilimutan mag-updates sa akin ha"
Ako:"Oo naman bye."
Pinatay ko na ang laptop at palabas na ng kwarto ng biglang nagsalita si Jake.
"Mukhang masaya ka na ngayon ah, ang laki ng epekto sa iyo ng bago mong FRIEND" si Jake na nakaupo sa kama na pinagdiinan ang salitang friend.
"Oo, naman kaya wala ka nang dapat ipag-alala dahil madidistansya ko na ang sarili ko sa iyo, hindi mo na rin kailangang turuan pa ako." sabi ko sa kanya.
"E di mabuti" tugon niyang walang kaemo-emosyon sa mukha.
"Saka nga pala, baka sa susunod hindi na rin ako makakasabay sa iyo sa pag-uwi dahil magkakaroon na kami ng tutorial malapit na kasi ang exam e." paalam ko sa kanya.
Nagtaka ako sa reaksyon niya, nagulat kasi siyasa narinig niya sa akin. Pero di ko na lang pinansin ito.
"Sige, balik na ako sa kwarto ko, magpapahinga na ako." sabi ko. Nang akmang bubuksan ko na ang pinto bigla siyang nagsalita ulit.
"Hindi pwede" pagtanggi niya.
"Anong hindi pwede, wala naman akong gagawin masama saka hindi naman ako nakakasagasa sa damdamin ng iba sa gagawin ko" matigas ko nang sagot sa pagtanggi niya.
"Sigurado kang wala" sagot niya ngayon ay nakatingin na sa akin.
"Oo wala, kung ang sinasabi mo ay ang pagsuway ko sa utos ng magulang mo, wag kang mag-alala, nagpaalam na ako sa kanila at naiintindihan nila ako" sabi ko sa kanya.
Nanlaki bigla ang mata ni Jake sa narinig niya. Biglang nagbago ang mukha niya. Medyo nakasimangot ito na malungkot. Nagsalita ulit siya.
"Sige magpahinga ka na" sabi niya sa akin sabay higa sa kama at tumagilid.
Lumabas na ako at pumasok sa kabilang kwarto ko. Humiga na rin ako sa aking kama. Naisip ko si Jake. Parang weird ang pinakita niya sa akin kanina. Pero hindi ko na lang din pinansin iyon. Bakit ko pa ba siya iisipin e kuntento na ako sa buhay ko ngayon.
Kinabukasan, sabay pa rin kami sa pagpasok ni Jake, sa uwian lang hindi. Wala kaming imikan sa loob ng kanyang sasakyan hanggang sa makarating na kami sa school. Naghiwalay rin ulit kami para pumasok sa kaniya-kanyang classroom.
"Dave ano, nagpaalam ka na ba sa inyo na sa amin ka muna dederetso mamaya para sa tutorial natin pag uwian?" tanong ni Mark na sumalubong sa pagdating ko sa pintuan.
"Oo, ayos na sa kanila" sagot ko.
"Yan mabuti naman, siya nga pala mamayang break dun tayo sa library, kukuha tayo ng mga references na gagamitin natin sa pag-aaral." sabi niya.
"Sige" pagsang-ayon ko sa kaniya sabay upo.
Sumapit na ang oras ng breaktime, tulad ng napag-usapan, dumeretso kami sa library ni Mark. Umupo kaming magkatabi sa upuan, tapos nagpaalam siya saglit upang maghanap ng libro sa shelves, hinintay ko na lang siya sa upuan. Maya-maya sa hindi inaasahan pumasok ang dalawang tao na naging sanhi ng pagkawasak ng damdamin ko, walang iba kundi si Jake kasama ang babae niyang classmate.
Masaya silang nag-uusap at magkatabing umupo sa may bandang dulo ng library. Naramdaman kong biglang bumalik na naman ang aking kalungkutan sa nakita at di ko maiwasang maluha na naman. Bigla naman akong tinapik sa balikat ni Mark na nasa likod ko na pala.
"Yan, malungkot ka na naman, sabi ko sa iyo dapat masaya lang, tatanda ka agad niyan sige ka" si Mark sabay tabi sa akin at lapag ng mga libro sa mesa.
"Ok lang ako, wag kang mag-alala." sabi ko abay punas ng luha.
"Sila bang dalawa ang tinitignan mo" si Mark sabay turo sa direksyon nina Jake at ng baba gamit ang bibig niya.
"Oo sila nga" sabi ko.
"Yung lalaki pala na iyon ang dahilan ng iyong kalungkutan" si Mark.
"Siya nga" sagot ko.
Mukhang natutunugan na nio Mark ang tinatago kong nararamdaman para kay Jake.
"Alam mo Dave, sana matauhan ka na, lalaki si Jake, natural lang na sa babae niya ilaan ang kanyang atensyon." Paalala ni Mark.
"Tama ka, tara na, magsimula na tayo sa paghahanap." sabi ko.
Sinimulan na namin ang paghahanap ng mga datos na gagamitin namin sa pag-aaral. Habang busy kami sa pagbubuklat ng mga aklat. Napatingin naman ako sa mga taong umupo sa tapat mismo namin ni Mark. Si Jake at ang babae niya.
Itutuloy.............
No comments:
Post a Comment