Katapat ko si Jake samantalang ang kasama niyang babae ay kay Mark. May dala rin silang libro. Wala kaming imikan, lahat busy sa pagbabasa. Si Jake na rin ang bumasag ng katahimikan.
"Cathy, papakilala ko lang sa iyo si Dave, ang kasama ko sa bahay" biglang pagpapakilala sa akin ni Jake.
"Dave, nice to meet you," si Cathy sabay nakipagkamay sa akin.
Doon ko napuna na may kagandahan pala ang babaeng ito. Mahaba ang buhok, may katangkaran, maputi at pang model ang dating. Hindi kataka-takang magkagusto si Jake sa kanya. Nakaramdam na naman ako ng lungkot. Hindi ito nakaligtas kay Mark.
"Dave, ok ka lang, gusto mo, lumipat tayo ng pwesto?" si Mark na napuna ang pagkabalisa ko.
"Ok lang ako, dito na lang tayo, bilisan na lang natin" pagtanggi ko sa kanya.
"Dave, hindi mo ba ipapakilala ang kasama mo sa amin" si Jake.
"Mark Joseph nga pala" ang pagsingit ni Mark sabay abot din ng kamay sa kanilang dalawa."
Nakakapagtakang si Cathy lang ang nakipagkamay sa kanya. Si Jake, nakatingin lang sa binabasang libro. Alam ko mayroong siyang iniisip sa mga kilos pa lang niya. Hindi ko na lang pinansin iyon. Pinagpatuloy na lang namin ang paghahanap ng mga impormasyong gagamitin namin ni Mark. Maya-maya biglang nagsalita ang kasama ni Jake na babae.
"Jake, mamaya sabay tayo maglunch, isama natin sila" si Cathy.
"Kung papayag sila bakit hindi" si Jake na nakatngin pa rin sa libro.
"Dave, Mark sama kayo sa amin mag-lunch" yaya ni Cathy sa amin.
"O....o...oo sige hehehehehe" pagpayag ko.
Pagkaraan ng halos 30 minuto, nakatapos na kami sa paghahanap. Sabay-sabay kaming lumabas ng library pauntang canteen para mag-lunch. Nakitang kong inakbayan ni Jake si Cathy na nakapagpalungkot ulit sa akin. Nang makarating, pumila sina Jake at Mark samantalang kami ni Cathy ay naghanap ng aming pupuwestuhan. Doon kami sa may bintana sa dulo umupo.
"Dave, ang gwapo talaga ni Jake ano, maginoo at matalino pa, alam mo una ko pa lang kita sa kanya, nagustuhan ko agad siya. Palagay ko bagay kami." si Cathy.
Nagulat naman ako sa mga sinabi ng babaeng ito. Lalong bumigat ang damdamin ko at halos maiiyak na ako. Tama nga naman siya, bagay sila. Gwapo si Jake at maganda si Cathy. Lalaki si Jake, babae si Cathy. Siyempre ang lalaki ay para sa babae hindi sa kapwa lalaki. Naisip kong kahit saang anggulo mo tignan, talo talaga ang mga katulad ko sa babae pagdating sa pag-ibig.
"Dave, ok ka lang, umiiyak ka ba?" si Cathy na nahalata siguro ang pag-iyak ko.
"Ok lang ako, napuwing lang" ang pagdeny ko sa kanya.
"Ah, akala ko kung ano na" si Cathy. Maya-maya sabay na bumalik ang dalawa dala ang order namin. Tumabi ulit si Jake kay Cathy at si Mark sa akin. Habang kumakain...
"Dave, gusto mo kuha ka lang?" pag-alok ni Mark ng ulam niya sa akin.
"Sige salamat ok na sa akin to" pagtanggi ko.
"Dave, tutal, sabay naman tayong uuwi mamaya, mag meryenda muna tayo sa Jollibee." si Mark.
"Oo, ba matagal na rin akong di nakakakain doon ng may kasama " pagpayag ko sabay ngiti. Mula kasi ng mawala si Pat, hindi ko na magawang kumain doon.
"Talaga, hayaan mo simula ngayon, ako na ang magiging kasama mo kumain sa labas, ang cute talaga kapag nakangiti ang bestfriend ko" si Mark sabay hawak sa ulo ko at haplos ng buhok.
Biglang naubo si Jake. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Jake, anong nangyari, o eto tubig" agad na saklolo ni Cathy sa kanya.
"Ok lang ako, nasamid lang" sabi niya sabay inom ng tubig.
Kataka-taka talaga ang mga kinikilos ni Jake ngayon, sa mga kakaibang pagtingin pa lang niya sa akin alam ko meron siyang iniisip. Binalewala ko na lang ulit iyon at tinuloy ang pagkain. Nang makatapos, bumalik na kami sa aming mga rooms. Habang naglalakad sa lobby paakyat ng hagdan bigla akong inakbayan ni Mark at nagsalita.
"Dave, alam mo excited na ako mamaya, siyanga pala, agahan natin mamaya, gusto kang makita ng mga parents ko, ipapakilala kita sa kanila" si Mark at ngumiti.
"Hindi ba kakain pa tayo sa Jollibee?" tanong ko.
"Oo naman, bilisan lang natin" si Mark ulit. Nginitian ko lang siya.
"Ca...ca...cathy mauna ka na sa room, p...p...punta lang ako ng CR saglit." si Jake na halatang may dinaramdam sa pananalita.
"Oo, bilisan mo ha." si Cathy.
Agad namang umalis si Jake na nakatungo ang mukha. Lalo tuloy ako nahiwagaan sa kanya. Marahil napuna na rin ni Cathy ang kakaibang pagkilos niya kaya pinakiusapan niya ako.
"Dave, parang may problema si Jake, mayroon bang nangyayaring hindi maganda sa bahay nila?" si Cathy.
"Wala naman, ako rin, kanina ko pang napapansin sa kanya yun eh" sagot ko.
"Siguro mabuting sundan mo muna siya para alamin kung ano yon may 30 minuto pa naman tayo para sa next subject." si Mark na tumingin sa relo niya.
"Tama, tutal, nakatira naman kayo sa isang bahay, baka sabihin niya sa iyo ang problema niya kung meron man" si Cathy.
Tututol dapat ako sa kanila at sasabihing sa bahay ko na lang siya kakausapin pero naisip ko na pagkakataon ko na ito para malaman ang bumabagabag sa kanya kung meron man.
"Ok, susubukan ko siyang kausapin, sige sundan ko muna siya." paalam ko sa kanila.
"Salamat Dave, sana maging maayos na siya mamaya. Mauna na ako" si Cathy.
"Ako rin, hihintayin na lang kita sa room natin" si Mark.
Agad naman akong naglakad papunta ng CR. Pagdating ko doon, nakita ko siyang nakaharap sa salamin at nakapatong ang dalawang kamay sa lababo. Naaninag niya siguro ako sa salamin kaya tumingin siya sa akin.
Pagharap niya, nagulat ako sa itsura ng mukha niya. Medyo namamasa ang mata niya ng luha na hinilamusan lang ng tubig. Halata ring nagpipigil siya ng galit sa nakikita ko sa kamao niya.
"Bakit mo ako sinundan dito?" pabulyaw niyang tanong sa akin.
Itutuloy.........................
No comments:
Post a Comment