Thursday, October 7, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 2

Oras ng recess, nasa canteen ako na kumakain kasabay ang isa ko pang kaklase na si Erika nang biglang naghiyawan ang mga estudyanteng naroon. Ano pa nga ba ang dahilan, syempre ang pagpasok ng crush ko na si Jake na kasama ang kanyang mga barkada na pawang may itsura rin at astigin. Bumili sila ng kanilang kakainin at umupo sa kabilang mesa na katabi lang sa amin. Kami naman ay tuloy pa rin sa pagkain at kuwentuhan. 

"Friend, look oh si Jake nasa kabilang table, grabe ang gwapo talaga." ang may kilig na pahayag ni Erika.  Ako naman ay lumingon saglit sa kanila.

"Uyyyy kinikilig na naman siya sa crush niya " ang pangangantsaw sa akin ni Erika sabay sundot sa aking tagiliran.
"Shhhhh, huwag kang maingay baka marinig tayo nakakahiya" mahina at natatawang sagot ko sa kanya. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Siyempre malapitan kong nakikita ang aking ultimate crush.
"Ano ka ba lapitan mo oh pakilala ka, pagkakataon mo nang makausap siya dali!" si Erika.
"Hindi pwede ano papahiyain lang ako niyan lalo na kasama pa niya ang mga barkada niya". pagtanggi ko sa kanya. 

Marahil ay narinig ng grupo nila Jake ang pag-uusap namin kaya nagsalita ang isa sa kanila.
"Narinig mo ba yun Jake, isang stupid and idiot kakausapin ka. In his dreams." ang sabi ng isa nitong kasama.
"Saka may yata crush sayo tol, e may pagkaberde pala ang dugo nito haha." ang kantyaw naman ng isa pa.
"Asa naman yan, alam niyo naman na hindi ako nakikisama sa mga di ko kauri lalo na sa isang BAKLA!", pang-iinsultong sabi ni Jake. Nagtawanan naman ang mga estudyanteng nakarinig.

Nabigla naman ako sa aking mga narinig at naiiyak na dahil sa kahihiyan ngunit agad ko ityong napigilan para di makita ng iba. Napansin naman iyon ni Erika kaya niyaya na niya akong lumabas na at bumalik sa classroom.

"Dave, pasensya ka na sa ha kasalanan ko. Grabe naman sila ang sasama ng ugali lalo na yang Jake na yan, ang yabang pala niya." sabi ni Erika sakin habang naglalakad kami.

"Ineexpect ko nang mangyayari ito kaya hindi ko siya nilalapitan." sabi ko sa kanya. "Tama na nga wag na natin siyang pag-usapan."

Nang makabalik na kami sa loob ng classroom, nakita ko agad si Pat na nakaupo at tila hinihintay ako. Alam na pala niya ang nangyaring eksena sa canteen.

Agad naman niya akong nilapitan.
"Ayos ka lang ba Dave?" ang pag-aalala niyang tanong sa akin.
"Oo naman." ang tugon ko sabay ngiti sa kanya. "Parang yun lang, hindi dapat dinaramdam yun."
"Sa susunod Dave, dapat lagi mo na kong kasama at kapag naulit pa ang panglalait niya sa iyo ako na ang makakalaban niya." Bakas na sa kanyang boses ang galit.
"Cool ka lang Pat. Hindi na to mauulit." ang sabi ko na lang sa kanya.

Oras na ng uwian at sabay kaming umuwi ni Pat.  Naglalakad kami pauwi sa aming bahay nang may maaninag akong malaking usok. Bigla akong kinabahan kaya dali-dali akong nagtatakbo. At sumambulat samin ang malaking apoy na nangagaling sa aming carinderia. Nasusunog  ito at nadamay na rin ang aming bahay. Nakita ko naman si Itay na naiiyak na sa nangyari. Sumabog pala ang LPG tank at mabilis ang paglaki ng apoy. Nagpapasalamat pa rin ako at nakaligtas ang aking Itay sa nangyari.

"Anak, paano yan wala na tayong bahay at kabuhayan, ano na ang gagawin natin?" naiiyak na sabi ni Itay.
Sa nakikita ko sa kanya ay gusto ko na ring maiyak. Malaki talaga ang magiging epekto nito sa amin. 
"Hayaan niyo po, kakayanin nating bumangon muli, pagsubok lang po ito." pampalakas-loob kong tugon sa kanya. Masaklap man ngunit hindi ito dahilan para sumuko. Kumbaga habang may buhay may pag-asa.

Inalok kami ni Pat na sa kanila muna tumuloy habang wala pa kaming matitirhan. Pumayag naman kami ngunit pansamatala lamang. Nahihiya naman kami sa iisipin ng pamilya ni Pat kapag nagtagal kami doon sa kanila.

Hanggang sa isang araw may balitang sinabi si Itay sa akin.

"Dave anak, naalaala mo ba yung bestfriend ko nung nag-aaral pa ko. Inalok niya tayo na sa kanila muna manirahan. Ok lang ba sa iyo yun anak, nakakahiya na kasi kay Pat dahil masyadong maliit na tirahan nila para sa atin", si Itay.

"Ah ok lang po sakin yun, walang problema.", pagsang-ayon ko sa kanya. Naisip ko kasi na di kami gaano mahihirapan dahil ayon kay Itay, mayaman ang bestfriend niya. Sinabi ko na rin kay Pat ang plano namin. 

"Best, ingat ha lalo ka na, pag may problema sabihan mo agad ako, tandaan mo nandito lang ako para sa iyo." si Pat.

"Salamat sa pagpapatuloy niyo samin dito sa inyo, nahihiya na nga ako sa iyo eh ang dami mo nang naitulong sa akin di ko na alam kung paano ko pa masusuklian ang kabaitan mo."

"Isa lang naman ang gusto ko eh ang makuha ang pagmamahal mo", ang deretsahang sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.

"Mahal naman talaga kita eh pero bilang isang bestfriend, sensya ka na kung di ko matapatan ang damdamin mo para sa akin." ang pagtatapat ko sa kanya. Mas mabuti nang sabihin ko ang totoo kaysa naman na patuloy ko lang siyang paasahin. Mas masasaktan ko lang siya kapag nagtagal pa ito. Alam ko matatanggap din niya ito at balang araw ay makakahanap din siya ng taong kayang suklian ng kanyang pagmamahal. Kaya kahit naluluha ngumiti pa rin siya sa akin.

Kinabukasan, di muna ako pumasok sa school para asikasuhin ang aming paglipat. Hindi naman kami nahirapan sa pag-empake dahil kakaunti na lang ang aming mga kagamitan dahil sa sunog.

Magtatanghali na ng marating namin ang nasabing bahay ng bestfriend ni tatay. Namangha talaga ako sa bahay dahil talagang malaki ito at pangmayaman. Sinalubong kami ng mag-asawang nakatira dito.

" Welcome to your new home Mariano hehehehehe." ang pambungad na bati ng kanyang bestfriend.
"Siya pala ang anak mo aba ang laki na pala ah at gwapo pa." 
"Good afternoon po." ang bati ko naman sa kanila.

"Mukhang mabait itong anak mo at magalang ha." ang pagpuri naman sa akin ng kanyang asawa.

Nginitian ko sila.
"Halina kayo at samahan niyo na kaming kumain."
 .
Habang kumakain ay pinakilala ako ni tatay sa kanila.
"Dave anak siya ang sinasabi kong bestfriend ko nung college, si Tito Eddie mo at siya naman ang asawa niya si Tita Edna."

Nakipagkamay ako sa kanila bilang paggalang. Masasabi kong mababait sila di tulad ng ibang mayaman.

Matapos ng tanghalian ay nilibot nila kami sa buong baha.

Halos di naman maawat sa kuwentuhan ng magbestfriend palibhasa ngayon lang sila nagkita kaya si Tita Edna ang nagsama sakin sa aking magiging kwarto.

"Ok na ba sayo itong silid Dave" tanong ni Tita ng makapasok na kami sa loob.
"Ah eh sobra po yata malaki to para sakin pede naman kahit sa guestroom lang pede na eh" nahihiya kong sabi sa kanya.
"Wag ka nang mahiya, ituring mo na itong sariling bahay, alam mo dito sana magiging kwarto ng isa ko pang anak na lalaki kung di siya namatay, kaya napagdesisyunan ko na ito ang magiging kwarto mo para na rin magkaroon pa ko ng isa pang anak" ang natutuwang pahayag ni Tita Edna.
"Salamat po talaga Tita"
"Youre welcome, ah siya nga pala alam mo ba parehas kayo ng school na pinapasukan ng panganay ko. Parehas kayong graduating ng high school."

Napaisip naman ako sa sinabi sa akin ni Tita.
Doon ang kwarto niya sa kabila. Naku mamaya nandito na yun hintayin mo lang, tiyak ko magkakasundo kayo. Sige ayusin mo na ang mga gamit mo bababa lang ako at maghahanda ng meryenda." sabi  ni Tita.
"Sige po salamat ulit."

Kinagabihan, sabay-sabay kami naghapunan. Kuwentuhan to the max pa rin sina Itay at Tito Eddie. Nalaman ko sa kanila na si Itay pala ang naging daan para magkakilala sina Tito Eddie at Tita Edna.

Habang busy sa pagkain at pakikinig sa usapan nila, may biglang nag doorbell.

"Oh ayan na ang anak natin honey, buksan mo na bilis para makasabay na sa hapunan." utos ni Tito Eddie kay Tita Edna.

"Kung si Dave na lang Pa, para na rin makilala na niya agad ang ating anak." ang sagot naman nito.

Nabigla naman ako sa aking narinig.
"Tama ka Ma. Sige Dave anak ikaw na ang sumalubong sa kanya." ang nakanigitng pag-utos sa akin ni Tito Eddie.

Agad akong nagtungo sa pinto para pagbuksan at salubungin ang sinasabing anak ng mag-asawa.

At lubos akong nabigla sa taong aking nakita. 

Itutuloy..........

2 comments:

  1. i know this is like super late comment.. pero i was curious sa story na to kaya sinimulan k na

    naeexcite ako sa mangyayari kc parang ito ung kwento ng "It started with a kiss" at "Playful Kiss" na mga asian drama series..

    wee excited na akong mbsa lahat

    ReplyDelete
  2. galing! =) ganda ng phasing ng story =)

    ReplyDelete