Wednesday, October 27, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 16

Kinabukasan, nagising pa rin akong mabigat ang pakiramdam. Parang ayaw kong kumilos o pumasok sa school, gusto ko lang na nakahiga. Pero pinilit ko ang sarili ko dahil malapit na rin ang midterm exams. Pagbaba ko, nakita kong kumakain silang lahat ng agahan. Niyaya nila ako. Lalong bumigat ang kalungkutan ko nang malamang hindi na talag umuwi si Jake. Halos hindi ako nakakain nang maayos.

Dahil wala si Jake, mag-isa akong pumasok ng araw na iyon. Naalaala ko tuloy ang mga moments namin dalawa sa loob ng mahigit isang taon, ang mga ngiti niyang nakakapagpasaya sa akin, ang mga kulitan namin at mga panglalait niya sa akin.  Isang araw, mula nang pumasa ako ang kauna-unahang exams namin. Naalala ko ang kanyang first smile. Hanggang sa pag-uwi namin nandun pa rin iyon. Pero ngayon, nag-iba na ang takbo ng mundo, mas malala pa sa pang-iinsulto niya ang nangyari, tuluyan na niya akong kinasusuklaman. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa problemangdinadanas ng kanyang pamilya.

Nakarating na ako ng school. Saglit kong pinagpaliban ang kalungkutan para na rin makapagconcentrate ako.
Pagkapasok ng room, agad akong sinalubong ni Mark.

"Dave, anong nangyari sa iyo kagabi?" agad na salubong na tanong niya sa akin. Kinuwento ko naman sa kanya ang lahat.
"Dave, alam mo tanggapin mo na lang ang lahat. Makakapag move-on ka rin. Marami pa namang iba diyan na nagmamahal sa iyo ng totoo pero di mo lang nakikita. Idilat mo lang ang mata mo at buksan ang isipan para maliwanagan ka." pangaral ulit niya sa akin.
"Alam ko Mark, salamat ha at nandito ka" sabi ko sabay tingin sa kaniya nang nakangiti.ang Napansin ko naman sa  niya ang maraming papel at mga sim cards.
"Oh, ang dami mo yatang papel diyan at mga simcards, ano ba mga ito patingin nga?" tanong ko sa kanya sabay kuha ng isang  papel nang agad niya akong pinigilan.
"Wala ito, mga gagamitin natin sa tutorial mo, hindi mo pa pwedeng makita ano, itng mga simcards, matagal na itong di nagagamit, mga blocked na ito" ang nauutal niyang sabi sabay tago ng mga ito sa bag.

Kahit nagtataka ako sa kanya, hindi ko na lang ito binigyang-pansin. Mas nangingibabaw sa akin ang nararamdaman kong kalungkutan. Tuloy pa rin ang tutorial namin ni Mark.

Natapos na ang midterm exams na umabot nang mahigit isang buwan na hindi pa rin umuuwi si Jake sa bahay, pero pumapasok pa rin siya sa school ayon kay Erika. Nalaman ko rin na madalas na silang magkasama ni Cathy. Sa bahay naman, patuloy pa rig naghihinagpis ang mga magulang niya. Pakiramdam ko lalo akong naguiguilty habang tumatagal sa kanila. Napupuna na rin siguro ni Itay ang nararamdaman ko kaya isang desisyon ang sinabi niya sa akin nang mag-usap kami sa kwarto isang gabi.

"Anak, naaawa na ako sa iyo, bilang ama mo, nararamdaman ko ang mga hinanakit mo. Kaya anak, naisip ko tutal maganda na ang takbo ng ating negosyo, pwede na tayong umalis dito at maghanap ng mauupahan. Nakausap ko na ang mga magulang ni Jake, napilitan na silang pumayag kahit ayaw nila." si Itay habang hinahagod  ang likod ko.
"Tama ka tay, pakiramdam ko kasi na pabigat ako dito, mabuti na rin siguro ang pag-alis natin para maayos na ang pamilya nila. Kailan naman tayo aalis?" sabi ko.
"Sa sembreak mo na anak. Nagtatanong-tanong na ako sa mga suki ko sa canteen ng mga pwedeng matirhan." si Itay. Agad ko namang tinawagan si Erika para sabihin ito.

Kinabukasan, binanggit ko na rin ito kay Mark habang naglalakad kami papunta sa kanila para sa tutorial.

"Talaga Dave, aalis na kayo mabuti naman" si Mark na halata sa mukha na nasiyahan.
"Oo, at teka bakit mas masaya ka pa sa akin?" ang bigla kong tanong.
"Wa...wa...la, ano ka ba, siyempre makakatulong iyon sa bestfriend ko na makapagmove on." si Mark sabay akbay sa akin.

Nakakapagtaka ang sobrang saya ni Mark sa mga sinabi ko, hanggang sa dumating kami sa kanila, hindi pa rin maalis ang ngiti niya.

"Mukhang masaya ang anak ko ha, may new love ka na yata" si Tita Evelyn na sinalubong ang pagdating namin.
"Hmmm, hindi ko pa siya nakukuha mom, pero malapit na" si Mark. Nahiwagaan naman ako sa sinagot niya.

Sa kwarto niya, habang sinasagutan ko ang mga exercises niya, bigla niya akong niyakap sa likod.

"Please, huwag kang papalag, hayaan mo muna ako gawin ito" si Mark.
"A...a...no ang ibig sabihin nito Mark?" ang nagtataka ko nang tanong sa kanya.
"Alam ko Dave, hindi mo pa rin nagagawang kalimutan si Jake. Tanggapin mo na lang na wala na siya sa buhay mo, nandito naman ako." si Mark.
"Ha! hindi, kita maintindihan" napasigaw ko nang sabi sa kanya.
"Dave, mahal kita nang higit pa sa isang  bestfriend." pag-amin niya.

Napatayo naman ako sa narinig ko sa kanya. Inalis ang kamay niya mula sa pagyakap sa akin.

"Mark, hin...hin...hindi pa ako ready na magmahal ulit sana maintindihan mo" ang nasabi ko na lang sa kanya.
"Alam ko, alam ko, at hihintayin ko ang panahonh iyon. Sana tanggapin mo ang pagmamahal ko sa iyo." si Mark sabay hawak sa mga kamay ko.
"Sige Mark, sa susunod na lang natin ituloy ang tutorial, uuwi na muna ako, sumakit bigla ang pakiramdam ko."

Kita ko sa mga mata ni Mark ang sobrang kalungkutan. Muli naalala ko na ganito rin ang naramdaman ni Jake. Pagkauwi ng bahay, nakita ko silang lahat na nag-uusap sa sala, kasama ang taong biglang nagbalik. Si Jake. Medyo nagbago ang itsura niya, mayroon na siyang bigote, medyo humaba ang buhok pero nandun pa rin ang kakisigan at kagwapuhan.Tumingin siya sa akin, isang titig na hindi ko mawari kung galit ba ito o kasiyahan.

"Ah Tita, Tito, pasok po muna ako ng kwarto, medyo di po maganda ang pakiramdam ko." nasabi ko na rin para makaiwas na kay Jake.
"Ganun ba, sige." si Tito.

Nang sipatin ko si Jake bago ako pumasok ng silid, nakita ko, tinakpan niya ng dalawang kamay ang mukha niya na animoy naiiyak. Hindi ko na muna ito binigyang pansin. Sa kwarto, nakahiga pa rin akong nag-iisip. Hindi pa nga ako ok sa pag-iwan sa akin ni Jake tapos bigla namang umamin si Mark sa akin ng nararamdaman niya , at ngayon lang pagbabalik  ni Jake. "Arrrhhhhh! mababaliw na ako" sabi ng utak kong tuliro.

Nasa kasagsagan ako ng pag-iisip habang nakatalukbong ng kumot nang biglang may pumasok sa kwarto ko.
Naramdaman kong umupo rin siya sa kama at tumabi sa akin. Nagulat ako nang mabosesan ko ito.

"Dave" 

Itutuloy..........................

No comments:

Post a Comment