"Ah Erika ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa taong lumapit sa akin.
"Dapat ikaw ang tanungin ko niyan bakit nandito ka at sino ba yung hinihintay mo?" sagot niyang patanong din.
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Nablanko ang utak ko kaya wala na kong nagawa kundi sabihin sa kanya ang lahat. Kinuwento ko ang tirahan ko, ang set-up namin ni Jake at ang dahilan ng pagpupuyat ko.
"What!!! ikaw friend at ang crush ng campus magkasama sa iisang bahay at magkasama sa pagpasok at pag-uwi.Unbelievable." sabi nyang di makapaniwala.
"At OMG nagtututor pa siya sa yo ah, di ba ayaw niya sa mga gays. Teka ano may nangyari na ba sa inyo?" dagdag ng bruha.
"Ano ka ba wala ano, yun pa e allergic siya sa mga katulad ko e saka ung tutorial naman e utos lang yun ng mga magulang niya." sabi ko.
"Paano ito pag nalaman ni Pat. Sigurado akong war ito." si Erika.
"Yun nga papakiusap ko sana sayo tutal alam mo na ang lahat ah eh kung pede sana ilihim muna natin sa kanya ito. Hahanap lang ako ng tiyempo." pakiusap ko.
"Ok, pero wag mo na patagalin pa. Kung alam mo lang kung gaano ka niya kamahal. Halos bukambibig ka na niya pag nag-uusap kami eh. Tulad kanina kinausap niya ako para humingi ng tulong kung ano na ang nangyayari sayo. Sobrang nag-aalala ang bestfriend mo. Tapos ito pala ang sagot, di pala niya magugustuhan. Kaya di muna natin ito papaalam sa kanya pero payo ko lang friend, gawan mo agad ito ng paraan bago pa lumala ang sitwasyon."
"Ok, ako ang bahala dito. Aayusin ko ito." pangako ko sa kanya.
"Sige mauna na ako sa iyo kita na lang tayo bukas ah, bye." paalam niya sabay alis.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa ngayon. ang pagmamahal na hinihiling ko, ibinigay na sa pamamagitan ni Pat pero ang nangyari hinahangad ko ito sa ibang taong malabong mahalin ang isang tulad ko. Pero wala ako magagawa e, di naman nadidiktahan ang puso. Ang pagmamahal ko kay Pat ay hanggang pagkakaibigan lang to the highest level.Nakokonsensiya tuloy ako sa bestfriend ko. Naisip ko na dapat ayusin ko agad ito sa lalong madaling panahon. Ayaw ko masira ang friendship namin ni Pat.
Napatunayan ko na rin minsan sa sarili ko na ang nararamdaman niya sa akin ay totoo. Naalala ko pa isang buwan mula ng nagtapat siya ng nararamdaman niya sa akin at sinabing di siya susuko na makuha ang pag-ibig ko. Pasikreto siyang naglalagay ng mga kung anu-ano sa bag ko tulad ng mga love letters at chocolates. Naapreciate ko talaga yun. Tapos nung birthday niya, walang kagatol gatol na deretsahan niyang inamin sa mga magulang niya ang sexual preference niya at ang pag-ibig para sa akin. Ang bait ng mga magulang niya, tanggap ng mga ito ang pagkatao ni Pat. Di lang sila makapaniwala sa umpisa dahil di halata sa mga kilos niya, lalaking -lalaki kasi siya umasta. Ako naman touched talaga ako sa nangyari at the same time naluha. Sa harap din ng mga katropa niyang laging kasabay sa pag-uwi pinakilala niya ako at sinabi ang nararamdaman niya nang walang hiya-hiya.Kinumpara ko ito sa taong lihim kong minamahal sa ngayon. Talagang salungat. Sana di ko na lang nakilala si Jake.
Si Jake, oo nga pala, naalala ko bakit ang tagal naman niya. Nagpasya pa akong hintayin siya ng ilang minuto. Sa wakas after ng isang oras na paghihintay, dumating na siya.
"O, nandito ka pa rin akala ko naka uwi ka na. Pasensiya na may importante lang akong inasikaso. Tara na uwi na tayo gabi na. Mag-aaral pa tayo." si Jake.
Habang naglalakad papuntang sakayan, di ko maiwasang mapatingin sa mukha niya at magtaka. Nagiging mahinahon na siya sa pakikipag-usap sa akin pero nandun pa rin ang pagiging terror niya tuwing nagkakamali ako sa tutorial namin. Mabuti na rin iyon para sa akin.
Kinagabihan nag-aral ulit kami.Isang buwan ang nakalipas hanggang sa isang gabi bago mag 2nd periodical Exam ganun pa rin ang ginagawa namin.
Ang gabi bago ang exam kinabukasan todo ang review na ginawa niya sa akin. Tiniis ko ang mga paninigaw niya sa kabilang banda natuwa na rin dahil wala nang panghahalong insulto ang mga sinasabi niya. Binigyan niya ako ng isang review test sa bawat subject. Maya-maya nakatulog ang dreamboy ko sa kakaantay sa akin sa study table.
First time kong masilayan ang mukha niya ng natutulog. Parang anghel talaga ito, gwapong gwapo ang dating. Pagkaraan ng tatlong oras na pagsagot natapos ko na rin pero tulog pa rin siya kaya naisip ko na titigan siya. Sa katagalan ng pagtitig ko sa kanya tila nahipnotismo ako at unti-unting nilapit ang mukha ko sa kanya. Mga 5 inches na lang siguro ang mukha ko sa kanya nang magulat ako sa biglang pagdilat ng mata niya. "OMG ano na ang gagawin ko" sabi ng utak kong natorete.
Nagtaka ulit ako sa reaksyon niya.Nakatingin lang din siya sa akin at di naman nagalit o nagulat. Pagkaraan ng isang minuto nagsalita siya.
"Tapos ka na pala, napahaba yata yung tulog ko matagal ka na ba naghihintay?" sabi niya sabay inat ng braso.
"Ah eh di naman kakatapos lang."
"Sige akin na check ko."
Matapos niyang i check ang gawa ko, "OK na score mo, masasabi kong handa ka na para sa exam bukas. Sige tulog ka na." si Jake.
Kinabukasan, habang naglalakad kami papuntang sakayan papasok sa school, biglang natuwa ako sa mga sinabi niya na nagbigay ng inspirasyon sa akin.
" Sa loob ng tatlong buwan na pag-aaral natin, siguro naman papasa ka na ha. Tandaan mo lang lahat ng pinag-aralan natin para makasagot ka sa exam. Alam kong kakayanin mo magtiwala ka lang sa sarili mo."
Pagdating sa school bago pumasok ng gate, "Goodluck sa exam" sabi ulit niya.
Nabuhayan ang loob ko sa mga sinabi niya. For the first time kasi buhat ng magkakilala kami ngayon lang siya nagbigay ng mga inspiring message sa akin, walang halong insulto. Ito ang ginamit kong lakas para makasagot sa exam.
Pagkatapos ng dalawang araw na exam. Binalik na ang mga test papers sa amin. Nabigla ang buong klase mga guro namin lalo na sina Pat at Erika sa mga score ko.
"Congratulations Mr. Rodriguez, ang taas ng mga scores mo. Keep up the good work." sabi ng isang teacher namin.
"Wow best sa wakas pumasa ka na sa exam" si Pat sabay akbay sa akin.
"Galing mo friend nataasan mo ng kaunti si Pat." si Erika.
"Wala akong pakialam kung mataasan niya ako , ok lang yun. Special naman siya sakin eh." Si Pat sabay ngiti.
"Tsamba lang yun nagkataong may inspirasyon lang ako." sabi ko.
"Ano yun inspirasyon, sino ba yan ha?" tanong ni Pat.
" Ah eh yung nangyari sa amin ng Itay ko para naman matuwa siya kahit papaano." sagot ko. Muntik na buti na lang nakapag-isip agad.
Kinabukasan naipost na ulit sa bulletin board ang top20 topnotchers. Sobrang tuwa ko dahil number 1 ulit si Jake sa ranking. Kinabahan din kasi ako na baka bumaba siya sa rank o mawala dahil sa di na siya nakaka review para sa sarili niya. "Ang galing talaga ng crush ko" sabi ng isip ko.
Pagkaraan ng isang linggo, binigay na ulit ang report card para sa second grading. Hindi ko muna tiningnan ito. Napagdesisyunan ko kasi na ipakita ko muna kay Jake ito para na rin sa mga effort niya sa akin.. Sinabi ko naman kay Pat at Erika na hindi ko muna ipapakita sa kanila ito at alibi ko na si Itay muna ang gusto kong unang makakita. Naintindihan naman nila.
Habang naglalakad na kami ni Jake pauwi, saka ko pinakita sa kanya ang card ko.
"Jake ito ung card ko oh di ko pa nakikita yan gusto ko ikaw muna ang una." sabi ko sabay abot ng card.
Tiningnan niya ito. Pagkaraan ng ilang segundo nabigla ako sa hindi sa grades ko kundi sa reaksyon niya. For the first time in history ngumiti na rin siya sa akin.
Itutuloy..................................
No comments:
Post a Comment