Monday, October 25, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 14

"Jake, tinutulungan ko lang si Cathy. Napapansin na kasi naming may kakaiba sa mga kinikilos mo eh. May problema ka ba? Kahit mahina ang ulo ko, sisikapin kitang intindihin at tulungan." sabi ko.
"Ano problema ko, tsk,tsk,tsk. Nagtatanga-tangahan ka ba o sadyang manhid ka lang" pabulyaw niyang sagot.
"Ano ibig mong sabihin? di kita maintindihan" agarang tanong ko sa kanya.
"Ewan ko sa iyo" si Jake sabay kuha ng bag at nag walk-out.

Bumalik ako sa room namin na nag-iisip. Pilit kong inaalam sa sarili ko ang kakaibang kinikilos ni Jake. Sa unang pagkakataon simula nang makilala ko siya, ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng husto at umiyak. Naglalakad ako nang wala sa sarili, hindi na tinitingnan ang mga taong nakakasalubong ko kung mababangga ko na sila. Pagdating sa room ,agad akong tinawag ni Mark.

"Ano na nangyari Dave? Sinabi ba ni Jake ang problema niya" tanong agad ni Mark pagkaupo ko.
"Hindi ko alam Mark, pati sa akin ayaw niyang sabihin e" sagot ko.
"Ganun ba, siguro obserbahan mo muna siya tutal madalas mo naman siyang nakakasama e." si Mark.
"Tama ka Mark, kapag nakita mo pala si Cathy mamaya, sabihin mo na lang sa kanya ang mga sinabi ko"
"Sige Dave."

Bumalik na sa upuan niya si Mark. Ako naman iniisip ko pa rin si Jake. Inamin ko sa sarili na may concern pa rin ako sa kanya kahit malamig ang naging pakikitungo niya sa akin. Pero ano magagawa ng pagkaconcern ko, nililihim niya sa akin ang mga problema niya.

Natapos ang klase namin ng araw na iyon, pinagpaliban ko muna ang pag-iisip kay Jake para mafocus ko ang sarili sa tutorial namin ni Mark para sa midterms. Tulad ng napag-usapan namin, sabay kami umalis ng school.

"Wala ka bang sariling kotse" agad kong tanong kay Mark habang naglalakad kami.
"Siyempre meron, napagdesisyuan ko munang hindi gamitin iyon para makasama kita nang matagal." si Mark.
"Ganon, paglalakarin mo ako" sabi ko.
"Hindi, magcocommute lang muna tayo." si Mark.
"Ok, sanay naman na ako sa ganun hehehehehe" sabi ko sabay ngiti.

Nabigla naman ako nang hinalikan ako ni Mark sa pisngi.

"Ano ba ginagawa ko Mark, nakakahiya nasa labas tayo oh baka may makakita sa atin" sabi ko.
"Wala naman nakakita oh, pasensya ka na, nanggigigil lang kasi ako sa iyo e ang cute mo kaya" si Mark.

Binalewala ko na lang yung ginawa niya. Ewan ko parang di ganun katindi ang impact sa akin ng ginawa niya. Sana kung si Jake pa ang gumawa baka nahimatay na ako sa kilig. "Ano ba yan siya na naman ang naisip ko?" sa isip-isip ko.

Nang makarating sa kanto, sumakay kami ng jeep, tapos MRT tapos jeep ulit papunta sa kanila. Kahit papaano ay nag-enjoy ako sa biyahe. Pagkarating sa bahay niya, doonj ko nalaman na medyo malapit lang pala ito sa tinitirhan ko. Mayaman din sila katulad ni Jake.

Pumasok kami ng gate nila, at dumeretso sa pinto. Kumatok si Mark at pinagbuksan naman siya ng isang babae na ang edad ay nasa 40 pataas, pero nandun pa rin ang angking kagandahan niya. Alam ko siya ang nanay ni Mark. Kaya pala may itsura tong si Mark dahil sa mama niya.

"Mark, siya ba ung kinukuwento mong bagong kaibigan?" salubong na tanong nung Mama niya kay Mark.
"Yes Ma, si Dave nga pala. Dave ito naman ang mama ko si Evelyn." pakilala ni Mark.
"Aba, gwapo rin pala ito, at mukhang mabait, Ah Dave puwde mo na kong tawaging Tita" sabi ng mama niya sabay nakipagkamay sa akin.
"Hindi naman po hehehehe" nahihiya kong sabi.
"Totoo yan Ma, kaya nga gustong-gusto ko siya e" si Mark.

Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Agad niyang dinuktungan ito.

"I mean, I like him to be my bestfriend." dagdag niya. Napatungo na lang ako.
"Tama yan anak, ang galing mong pumili bamuti pang magmeryenda muna kayo" si Tita Evelyn.

Bigla ko namang naalala yung sinabi ni Mark na kakain kami sa Jollibee. Babanggitin ko sana sa kanya ito nang unahan niya ako.

"Yes Ma, nakalimutan din naming kakain pala kami sa Jollibee."
"Sige, Dave upo ka muna, Mark, asikasuhin mo naman yang kasama mo" si Tita ulit.

Nang pumunta na sa kusina si Tita Evelyn, agad nagpaliwanang si Mark sa akin.

"Pasensya ka na Dave, nakalimutan ko talaga, pero di bale, bukas doon tayo maglulunch" si Mark.

Tumungo na lang ako sa kanya. Makaraan ng halos 10 minuto, kumain na kami ng meryenda. Naalala ko tuloy si Tita Edna sa nanay ni Mark. Parehas kasing mabait at palakuwento. Pero si Mark, hindi ko maikumpara kay Jake, dahil opposite sila. Pagkatapos kumain, umakyat na kami sa kwarto niya, umupo sa kama niya. si Mark sabay labas lahat ng mga nakuha naming impormasyon kanina sa library.

Nag-umpisa na siya sa pagtuturo sa akin. Nabilib naman ako sa pagtuturo niya, ang resulta natutunan ko lahat. Masaya naman ako kahit papaano dahil mahinahon siya sa pagpapaliwanag sa akin kahit na nagkakamali ako. Pero pakiramdam ko sa sarili ko may kulang, parang may hinahanap pa ako. Bakit hindi kumpleto ang kasiyahan ko kay Mark. Bigla kong naalala ulit si Jake. Doon ko nabatid na mas totoo ang nararamdaman ko kapag si Jake ang kasama ko. Hindi ko naman ito pinahalata kay Mark na tuloy-tuloy lang sa pagtuturo sa akin. Alas dyes na ng gabi nang matapos kami sa unang araw ng tutorial. 

"Ayos ka naman pala, mukhang papasa ka na niyan sa midterms" si Mark.

Muli, naaalala ko, ganyan din ang mga sinasabi ni Jake sa akin nung high school kami. Lalo na nang makapasa ako, kita ko sa kanya na masaya rin siya sa akin. Napapangiti na lang ako sa pag-iisip.

"Mukhang masaya ka na Dave, alam mo ang cute mo talaga kapag nakangiti sana palagi ka nang ganyan" si Mark sabay pisil ng pisngi ko.

Niyaya na ako ni Tita Evelyn na maghapunan muna bago umuwi. Pumayag naman ako na sabayan ang mag-ina. Pero bago ako magsimula, biglang nagring ang cellphone ko. Si Erika pala ito.

"Hello Erika, bakit bigla kang napatawag?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Dave, tapos na ba kayo ni Mark?" si Erika.
"Oo, kakatapos lang namin pauwi na sana ako pero niyaya pa nila akong maghapunan dito" sabi ko.
"Dave mabuti pang bilisan mo diyan, sabi kasi ng isa kong kaklase na nakita raw nila si Jake na naglalakad sa kalsada nang mag-isa. Parang lasing nga e kasi iba ang ayos niya."
"Ha, sige pupuntahan ko siya, saan ba nila nakita?" napasigaw ako dahil sa pagkagulat. Napatingin naman sa akin ang mag-ina.
"Doon sa KTV bar malapit sa school natin." si Erika.
"Ok, pupuntahan ko na siya" sabay end call.
"Mark, Tita, alis muna ako may importante kasing nangyari e pasensiya na po salamat na lang po sa hapunan" paalam ko sa mag-ina.
"Dave, ano nangyari, gusto mo ihatid na lang kita, gagamitin ko kotse ko" si Mark.
"Wag na, maabala ka pa, magtataxi na lang ako, kita nalang tayo bukas tandaan mo ang Jollibee ko ha" pagtanggi ko sabay ngiti sa kanya.
"Sige ,ingat ka ha, bukas tutuparin ko na ang promise ko sa iyo " si Mark na nakangiti rin.

Nagmadali akong naglakad papunta sa labas nila. Buti na lang nakasakay agad ako ng taxi. Bumaba ako sa KTV bar na sinasabi ni Erika. Pinagtanong ko sa mga tao dun kung may estudyanteng lalaki silang nakita. Maya-maya isang babae ang lumapit sa akin at inabot ang mga bag ni Jake. Naiwan daw niya ito. Sabi nila umiiyak daw siya habang umiinom. Dahil sa pag-aalala, napagdesisyunan ko na siyang hanapin. Nagsimula na akong maglakad-lakad at ipagtanong sa mga taong nakakasalubong ko sabay pakita ng ID niyang naiwan sa bag.  Sa panganim na taong napagtanungan ko, tinuro niya sa akin na nakita daw niya ito na nakatayo malapit sa gate ng aming school na lasing. Nagtatakbo ako papunta doon. Lalong lumala ang pag-aalala ko sa kanya.

Nang makarating na ako sa school, nakita ko siyang nakaupo sa semento, nakasandal sa gate ng school at may hawak pang isang bote ng beer. Nilapitan ko siya. Doon nahabag ako sa ayos niya. Magulo ang buhok, at nakabukas ang polo shirt. Marahil naramdaman niyang may tao sa harap niya dahil sa anino kaya tumingin siya sa akin. Dahil sa ilaw ng poste, naaninag ko ang mukha niya. Muli, nakita ko na maga ang mata niya sa luha.

Itutuloy.......

No comments:

Post a Comment