"A..a...ano iyon Pat?", tanong ko na kinakabahan. Parang natutunugan na niya ang nangyari sa akin.
"Bakit di ka man lang nagparamdam kahapon, di mo ko tinext kung OK ka lang ba, kung ayos lang ang paglipat niyo?" si Pat.
"Sus nagtampo naman ang bestfriend ko, ang babaw mo naman, sige na sorry na po." akala ko kung ano na yung sasabihin niya buti na lang.
"Ok, di naman kita matitiis eh, teka saan ba yung nilipatan niyo? malapit ba dito sa school? mababait ba yung mga tao dun?malaki ba yung bahay?" sunod-sunod niyang tanong.
" Oo sobrang bait ng mga tao dun tapos ang laki ng bahay pang mayaman talaga saka ayos lang ako dun wag kang mag-alala sa akin". tugon ko sa kanya.
"Ah buti naman so mamaya sama kami ni Erika sa bahay niyo ah, di ba Erika?" si Pat
"Oo nga naman friend, mag party party tayo dun" si Erika.
Nabigla naman ako sa mga sinabi nila. Naalala ko yung sinabi ni Jake sakin na walang dapat makaalam na sa kanila kami nakatira kaya nag-isip ako ng alibi ko sa kanila.
"Ah eh... medyo magulo pa dun eh kasi kakalipat lang namin saka nakakahiya naman magdadala agad ako ng bisita dun basta promise ko sa inyo sasama ko kayo dun"
"Sige promise mo yan ah, ito pala ung mga notes namin kahapon oh kopyahin mo na bilis. Buti naman di nag quiz si mam kahapon." si Pat sabay abot sa akin ng kanyang notebook.
Natapos ang klase namim nang araw na iyon ng maayos. Sinabihan ko sina Pat at Erika na mauuna na ko dahil mayroon pa kong aasikasuhin. Pumayag naman sila pero ang totoo niyan nandun lang ako sa may puno sa labas ng gate, nagtatago at inaabangan ang paglabas ni Jake para sumabay sa pag-uwi. Nakaramdam ako ng inip dahil mag iisang oras na ko naghihintay di pa rin siya lumalabas ng gate. Maya-maya mga halos dalawang oras na nakita ko na siyang lumabas. Agad-agad akong lumapit sa kanya.
"Hoy ano ka ba lumayo ka bilis makikita tayo ng barkada ko, hindi ka talaga nag-iisip." ang inis na pahayag ni Jake.
"Di ba sabay tayo uuwi sabi ni Tita?" tanong ko.
"Umuwi ka muna mag-isa mayroon kaming lakad ng tropa, mauna ka na. Sige alis na" si Jake na parang pinagtatabuyan niya ako.
Labag man sa loob ko umuwi na ako mag-isa. Pagdating ko ng bahay agad akong sinalubong ni
Tita Edna nang may pagtataka kung bakit di ko kasabay si Jake. Sinabi ko na lang sa kanya na mayroon pa siyang ibang lakad na mahalaga.
Dalawang buwan na nakakalipas, na wala pa ring nakakaalam ng tungkol sa amin ni Jake, di pa rin niya ako sinasabay sa pag-uwi pero sabay naman sa pagpasok dahil nakabantay ang mga magulang niya. Simula na rin iyon ng aming First Periodical Exam. Tulad ng nakagawian nangunguna talaga sa ranking itong si Jake. Halos ma perfect na niya lahat. Si Pat , ayun nakapasa naman at ako as usual mababa na naman ang score ko.
Kinabukasan pagkatapos ng dalawang araw na exam pinaskil na sa bulletin board ang top20 students na nakakuha ng pinakamataas na score.Number 1 pa rin si Jake at halos lahat ng mga katropa niya nandun din sa rank.
"Friend ang galing talaga ng crush mo oh" si Erika habang nakatingin kami sa bulletin board.
"Hindi na kataka-taka yan ang talino niya eh..." sabi kong may pagkabilib sa kanya.
"Kaya wala tayong karapatan na maging kaibigan niya dahil wala pa sa kalahati ang IQ natin sa kanya," si Erika.
"Tama, buti naman alam niyo", biglang sabat ni Jake na ngayon ay nasa likuran pala namin.
Bigla namang hiyawan ng mga estudyanteng nasa paligid ang pagsulpot niya. At kami naman ni Erika ay agad na umalis doon para makaiwas sa kung anumang sasabihin pa ni Jake. Alam ko na puro pang-iinsulto lang kasi iyon.
Nalaman agad sa bahay ang mga score namin sa exam. Kaya habang kumakain, pinagsabihan ni Tita si Jake.
"Ano ba sabi ko sayo anak, di ba tuturuan mo si Dave sa kanyang pag-aaral? Tingnan mo ang nangyari mababa tuloy ang mga score niya." si Tita Edna.
" Natural lang yan sa mga tangang tulad niya ang makakuha ng ganyang score, kahit turuan pa sya, di naman mag iimprove." pangangatwiran ni Jake.
"Anong klaseng sagot yan anak. Mali ang katwiran mo, matalino ka pa naman. Lahat ng tao may kakayahang iimprove ang sarili." si Tita.
Hindi na umimik pa ni Jake sa mga sinabi ni Tita. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sakin nag-aaway ang mag-ina.
Kaya kinagabihan sa aking silid, kinausap ako ng Itay ko.
"Anak, alam kong nahihiya ka na sa mga nangyayari pero kaunting tiis lang ha, Naghahanap ako ng bahay na lilipatan natin. Pero mukhang matatagalan pa kasi wala pa tayong budget. Pasensya na anak ha" si Itay.
"Ano ka ba tay, ayos lang ako wag mo muna ako isipin makakaraos din tayo" sabi ko.
Isang linggo mula ng first periodical exam binigay na ang aming report card. Bago ibalik ang card dapat may pirma ng magulang na nagpapatunay na nakita nila ito. Hindi na ko nabigla sa mga grado ko na puro palakol. Filipino-76 English-75, Math-76, Science-77, ung iba 78 na. Si Pat naman English at Math lang ang 79 niya ung iba puro 80 na.
"Parang ayaw ko umuwi sa amin, kasi sa mga grades ko buti pa si Pat medyo ok pa sa kanya." ang may pagkadismaya at hiyang sabi ko kay Erika.
"Friend ok lang yan first grading pa lang naman bawi ka na lang sa susunod." si Erika.
"Oo nga naman best kaya mo yan , hayaan mo tutulungan kita sa abot ng aking makakaya" biglang pagsabat ni Pat na animoy kuntento na sa mga grado niya.
Naisip ko na sana ganito rin kabait si Jake tulad ni Pat. Buti pa ang bestfriend ko nagboboluntaryo tumulong sa akin kahit na di sya ganun katalino kaysa naman sa isa na ubod ng talino pero saksakan ng kasamaan sa pag-uugali. Gayunpaman pa man crush ko pa rin siya kahit ganun ang ugali niya.
Pag-uwi ko ng bahay, nagulat ako ng nauna na palang naka-uwi si Jake. Pag-akyat ko papunta sa kwarto, narinig ko na pinagagalitan ni Tita Edna si Jake. Ang narinig ko na lang sa kanilang pagtatalo ang huling sinabi ni Tita.
"Simula bukas dapat 5pm pa lang nandito na kayo ng sabay, bawal ang lakwatsa at mag-aaral kayo ni Dave, kung ayaw mong sumunod di kita bibigyan ng baon, di ko ibabalik ang motor mo at grounded ka pa naiintindihan mo ha Jake?"
Lumabas na si Tita ng kwarto ni Jake at nakita ako. Agad niya akong kinausap. Tiniyak niya na simula bukas tutulungan na ko ni Jake sa pag-aaral ko. Nahahabag kasi siya sa mga nakuhang kong grado sa card.
"Ayos lang ako Tita, may mga matatalino naman akong kaklase na pwedeng kong hingian ng tulong." ang pagtanggi ko. Alam ko na mahihirapan lang si Jake na turuan ako kung napipilitan lang siya.
"Kinausap ko na ang aking anak. Pumayag na siya. Basta kung magkaproblema ako ang bahala OK?"
Wala na akong nagawa kundi pumayag. Napatango na lang ako sa sinabi ni Tita.
Pagkatapos ng usapan namin, pumasok na ko ng kwarto para magpalit ng damit at magpahinga. Maya-maya biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko ito at laking gulat ko na si Jake pala iyon at di maipinta ang mukha. Niyaya ko siyangtumuloy sa loob at nang makapasok ay agad siyang nagsalita.
"Dave may sasabihin ako sayo"
Itutuloy....................
No comments:
Post a Comment