Ano kaya ang motibo nito at bakit ako kinukulit ng taong to? Pero kahit ano pa man yan ay wala na ko pakialam. Paninindigan ko pa rin ang pangako ko sa sarili ko. Nireplayan ko siya.
"Pwede ba tigilan mo na ako, intindihin mo ang buhay mo saka, wag mo ko matawag- tawag na Babe ha"
"Nagtatampo ka yata sa akin, kung ang dahilan ay ang 2 months na di ako nagpakita sa iyo, willing ako mag explain sa iyo." si Mike.
"Last text ko na to sayo, I dont need your explanations, gusto ko lubayan mo na ako Ok?" sabi ko.
Ganoon pa rin ang nangyari, sunod-sunod na tumutunog cp ko pero hinayaan ko na lang ito hanggang sa makatulugan ko na.Kinabukasan, pagkapasok o sa main door ng lobby ng aking kompanya, parang nakaramdam ako ng hindi magandang mangyayari ngayong araw. At nang dadaan na ako sa table ni Jean,
"Sir, may naghihintay po sa inyo sa loob, ang kulit po kasi e, bigla na lang po pumasok. Sorry po" si Jean sabay yuko bilang paggalang.
"Its fine,sige ako na ang bahala dito balik ka na sa trabaho mo."
Aba sino na naman kaya itong hambog na pumasok sa office sa isip-isip ko. Nang binuksan ko na ang pinto, Biglang akyat lahat ng dugo sa ulo ko sa nakita. Si Mike nakaupo sa chair ko, hindi na nahiya sa sarili sa ginagawa.
_______________________________________________________________________
Naalala ko tuloy na ganito rin ang ugali niya nung college kami. Nung first day namin ng first year college, dahil sa di pa kami magkakakilala, nag-introduce kami ng aming mga sarili. Nung turn na ni Mike...
"Hi, I'm Michael Chua, 16 years old from Makati City. Sabi nila gwapo daw ako na obvious na obvious naman. Sa mga nagkakagusto sa akin, pasensya na kayo dahil taken na ko." pagpapakilala niya.
Nagulat ako kasi habang nagsasalita siya e nakatingin sa sa direksyon ko pero di ako sigurado kung ako nga iyon baka rin kasi yung katabi kong babae ang tinitignan niya. Pagkatapos niya magsalita, kumindat siya at ngumiting nakatingin pa rin sa direksyon ko. Medyo napangiti yung babaeng katabi ko kaya inassume ko na siya ang pinopormahan ng kumag. Nang ako na ang nagpakilala, medyo kinakabahan ako at ewan ko ba napako ang leeg ko sa kanan kasi di ko magawang tignan si Mike sa bandanmg kaliwa. para tuloy akong may stiff neck. Nang makatapos na ako at pabalik ng upuan napuna ko ang tawanan sa lugar nina Mike, alam ko pinag-uusapan nila ako. Medyo nailang talaga ako nun.
Pero inaamin ko may crush na ako sa kanya nung una ko pa lang siya makita. Ngunit sa pakiramdam ko mayabang ito at walang pag-asa na kaibiganin niya ako. Straight ito na di papatol sa mga katulad ko. Lumipas ang ilang araw, naging mailap ako sa kanya kasi nahihiya ako baka malaman niya ang tunay kong pagkatao at laitin niya ako. Pero na realize ko na kahit astigin at mayabang ang dating niya mabait pala ito at friendly. Lahat na yata ng mga ka block naming babae ay naging kaibigan na niya. Gustong-gusto ko na siya lapitan at makipagkaibigan pero naunahan talaga ako ng hiya, siyempre crush ko yung tao, natatakot na baka i reject niya ako kasi hindi rin niya ako pinapansin e. Kaya ang naisip ko ay ang magsulat ng letters sa kanya at magpakilala bilang isang babae dahil kung lalaki e baka itapon lang niya ito.
Hi Mike, isa nga pala ako sa mga masugid mong tagahanga. Alam mo crush na crush talaga kita ang gwapo mo kasi, sana maging friends tayo. Kahit yun lang masaya na ako.- Girly, your secret admirer.
Nilagay ko ito sa kanyang locker sa gym para naman mamaya pag maglalaro na sila ng basketball mapapansin niya ito. At di ako nabigo, binasa niya ang letter ko at nakita ko naka smile siya. Kilig to the bones ako. Naisip ko na kahit sa ganung paraan e makausap ko man lang siya kaya itinuloy ko na ang ginagawa ko.
Mike, grabe ang galing mo naman maglaro ng basketball, Lalo tuloy ako naiinlove sa iyo- Girly your secret admirer.
Umabot ng halos tatlong linggo at set-up namin. Binigay ko na rin ang aking cellphone number sa kanya, nagbabakasakaling i tetext niya ako kasi sa pagkakaalam ko ang mga girls lang ang binibigyan niya ng number. Ilang araw din ako naghintay para hintayin ang mga text niya at hindi ako nabigo, nagtext siya sa akin isang gabi.
" Good evening Girly, my secret admirer, how are u na?" text niya na nagpakilig sa akin ng husto.
"Im fine, how about you?" reply ko.
"Im ok, by the way thanks for the love letters." si Mike.
"Ako nga dapat magpasalamat sa iyo dahil nakikita ko ang iyong appreciation sa mga sulat ko."
"Of course, you know, i kept all of them." si Mike na ikinabigla ko.
"Why?" tanong ko.
"For inspiration, sa ganda ba naman ng mga message mo sa sulat e di ba ako maiinsipre niyan." si Mike.
"Hehehe, thanks for that." reply ko.
"May laptop ka ba diyan, kung pwede sana mag YM na lang tayo para deretso ang ating usapan" si Mike.
"Meron ,ok rin yan para makapag-usap tayo ng maayos" reply ko.
Nag-usap nga kami sa pamamagitan ng Yahoo Messenger. Sinamantala ko na ang pagkakataon na itanong ang tungkol sa buhay niya. Marami akong nalaman tungkol sa kanya. Maya-maya kinabahan ako sa message niya.
"Girly, , pwede ba tayong sabay maglunch bukas sa canteen, para na rin magkita na tayo ng personal."
"Ah e di ako available bukas e." alibi ko sa kanya.
"Ganun ba, sabihin mo na lang ang room mo para puntahan na lang kita dun"
Hindi agad ako nakasagot sa message niya, di ko alam ang isasagot ko. Matagal-tagal rin ako bago nakapagreply sa tanong niya.
"Hello nandiyan ka pa ba, may ka chat ka bang iba, nakakatampo ka naman" si Mike.
"Hindi nag CR lang ako saglit, tungkol nga pala sa tanong mo pasensya ka na hindi ko pa masasabi sa iyo ang room namin pero pangako next time magpapakita na lang ako sa iyo."
"Bakit natatakot ka ba sa akin? Alam mo nagtataka lang ako kasi friendly naman ako, pero may mga taong mailap pa rin sa akin tulad ng isa kong ka block na lalaki." si Mike.
Alam ko na ako ang tinutukoy niya kaya nagkaroon ako ng interes na buksan ang ganuong topic.
"Ah si Ricardo Sandoval ba yung tinutukoy mo?" tanong ko.
"Kilala mo pala siya"si Mike.
"Oo naman kilala kasi siya ng kaibigan ko e" pagsisiningaling ko.
"Ganun ba, oo siya nga ang tinutukoy ko, alam mo siya lang ang bukod tanging di lumalapit sa akin kahit na nakikita naman niya na mabait ako sa buong klase. Sa totoo lang nalulungkot ako dahil di ko man lang siya naging kaibigan."
"Bakit ka naman nalulungkot?"
"Ewan ko, di ko maintindihan ang sarili ko, kaya di ko na rin siya napapansin dahil sa nahihiya na rin ako sa kanya. Kung magiging friend ko lang siya , sobrang magiging masaya ako."
"Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya, palakaibigan din siya baka lang mayroong problema yun tao"
"Iyon na rin ang iniisip ko kaya gusto ko siya maging friend para kahit papaano matulungan ko siya"
Nagulat ako sa mga rebelasyon ni Mike. Medyo nakonsensya naman ako dahil di pala talaga siya mayabang.
Pero huli na ang lahat e, niloloko ko na siya sa mga ginawa ko, baka magalit siya pag nabukong di pala babae ang admirer niya kundi lalaki.
"Girly, tutal kilala mo naman si Ricardo sana tulungan mo naman ako makipagkaibigan sa kanya ha" si Mike.
"Sige gagawin ko ang lahat."
"Salamat at sana magpakita ka na rin sa akin, di naman kita kakainin"
"Ok"
Gabi-gabi ganoon lagi ang set-up namin and at the same time, nilalagyan ko pa rin siya ng mga letters sa kanyang locker. Dahil dito, lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Sa classroom naman, panay na ang tingin niya sa akin pero nauunahan pa rin ako ng hiya, natatakot na malaman ang tunay kong pagkatao lalo na ang ginawa kong pangloloko sa kanya.
"Girly, mahigit isang buwan na pero di ka pa rin nagpapakita sa akin tapos yung pakiusap ko sa iyo tungkol kay Ricardo wala pa ring improvements. Alam mo ba sa tuwing lalapitan ko siya e di ako tinitingnan, umaalis, at umiiwas pa rin sa akin." si Mike isang gabi ng nag YM kami.
"Kaunting tiis pa naghahanap lang ako ng tiyempo, makikita mo na rin ang kagandahan ko." pagsisinungaling ko ulit sa kanya.
"Huwag mo na patagalin. Tungkol naman kay Ric sana naman magkaroon na ng pagbabago kasi pakiramdam ko di talaga kumpleto ang araw ko kapag may isang taong alam kong iba ang pakikitungo sa akin."
Sa isip-isip ko, kung alam mo lang na gusto na kitang lapitan kapag nasa room tayo pero iniisip ko na mag-iba ka sa akin kapag nalaman mo ang totoo, kaya natatakot pa rin ako.
_______________________________________________________________________
Napansin siguro ni Mike na natagalan ako sa pag-iisip kaya nagsalita siya.
"Ric, musta na kanina pa ko dito alam mo ba iyon" si Mike habang nakataas ang mga paa sa mesa ko at kumindat sa akin."
"Sino nagpahintulot sa iyo na basta-basta ka na lang pumasok sa office ko ha at pwede ba ibaba mo ang paa mo kala mo kung sino tong siga" nanggagalaiti kong turan sa kanya.
Tumayo siya sa upuan, lumapit sa akin hinawakan ang isa kong kamay at hinila papunta sa inupuan niya para paupuin ako. Parang nahipnotismo na naman ako sa ginawa niya tapos ang paghahawak ng aming kamay, parang kinilig ako. Tukso na naman ito. Bigla akong natauhan sa ginawa niya kaya pagkaupoko agad kong binitiwan ang kamay niya.
"Ano ba ginagawa mo dito, guguluhin mo na naman ba ang buhay ko?" pagalit ko pa ring sabi.
"Siyempre na miss kita, alam mo sa dalawang buwan na nawala ako, ikaw lang ang iniisip ko." sabi niyang nakatingin lang sa akin.
"Mas matutuwa ako kung di ka na bumalik, ayos na sana ang buhay ko e pero ngayong nandito ka ulit para na akong nasa impiyerno nito." sabi ko.
"Dont worry I'll make you happy just let me stay with you." sabi niyang nakangiti sabay hawak ulit sa kamay ko.
Hindi ako nakapagsalita sa ginawa niya. Natutukso na naman ako. Nablanko ang utak ko sa hipnotismo niya.
Bumalik lang ang ulirat ko nang biglang kumatok ang secretary ko.Kinalas ko ulit ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Mike.
"Sir, magsisimula na po ang meeting ninyo with the supermarket owners." si Jean.
"Ok I will go there." sabi ko sa secretary ko.
"Mabuti pang lumayas ka na, pupunta na rin dito ang dadmo baka mahuli ka nun dito e ano pa isipin niya." pagpapaalis ko sa kanya.
"Yan ka na naman paalisin mo na naman ako, I dont care kung mahuli niya akong nandito and besides wala naman tayong ginagawang masama" si Mike.
Tama nga naman siya, wala kaming ginagawang masama kaya wala dapat ika guilty. Hinayaan ko na lang siya dito. Makalipas ang 10 minuto, pumunta na kami sa conference room para sa meeting. Nandun na ang lahat ng mga ka meeting ko pati si Mr.Chua. Nakita ko ang pagkagulat ng ama niya sa pagpasok namin ng sabay.
Itutuloy.........
No comments:
Post a Comment