Friday, October 29, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 18

"Ahm Dave, nandito ka pala, ano ginagawa mo dito?" tanong ni Mark nang makita ako.
"Ako dapat magtanong sa inyo. Bakit dito kayo nag-uusap?" ang nagtatakang tanong ko sa kanila.
"Wala, napag-usapan namin si Jake, di ba Mark?" si Cathy.
"O..oo nga hehehehe. Sinabi kasi ni Cathy na bumalik na siya sa bahay nila. Sige Cathy balik na kami sa room" si Mark.

Sabay na kaming bumalik ni Mark sa room. Habang naglalakad, naiisip ko ang ilang mga bagay na pumapasok sa isip ko tungkol kay Mark. Parang may kakaiba sa kanya. Una ang mga nakita kong mga simcards at papel sa armchair niya. Pangalawa ang seryosong usapan nila ni Cathy. Nang makarating na kami sa room,

"Dave, ayos na ba kayo ni Jake" agad na tanong ni Mark, pagkaupo pa lang namin.
"Hindi ko alam Mark, pero kahit nagbalik na siya buo pa rin ang desisyon naming umalis para dumistansya na sa kanya." seryoso kong sabi sa kanya habang nilalabas ang mga lecture notes ko sa bag.
"Huwag mo naman pahirapan ang sarili mo, nandito naman ako na handang magmahal sa iyo." biglang sabi ni Mark.

Naalaala ko naman ang pagyakap niya sa akin sa bahay nila habang nagtututorial kami at ang pag-amin ng nararamdaman niya sa akin. Inulit ko lang sa kanya ang sinabi ko noon na hindi pa ulit ako handa sa pakikipagrelasyon. Nanahimik na lang siya pero kita pa rin sa kanya ang pagkadismaya.

"Patawarin mo ako Dave sa ginawa ko sa iyo nung isang gabi" si Mark.
"Ayos lang sa akin iyon, nabigla lang naman ako sa iyo" sabi ko.
"Ibig sabihin hindi pa rin magbabago ang set-up natin" ang napalakas niyang tanong.
"Oo naman basta wala tayong pag-uusapang iba maliban sa pag-aaral" sabi ko.
"Salamat Dave, ang bait mo talaga" si Mark na akmang hahawak sa kamay ko pero agad ko itonjg iniwas. Naintindihan naman niya ito.

Natapos na naman ang klase namin sa araw na ito. Tulad ng napag-usapan ganun pa rin ang set-up namin. Sabay kaming naglalakad pauwi, magmeryenda sa Jollibee at ang tutorial. Sa bahay nila habang nagpapaliwanag sakin si Mark ng isang topic sa science. Biglang nagring ang phone ko. Si Itay pala. Sinenyasan ko si Mark na tumigil muna.

"O tay, bakit ka napatawag" tanong ko sa kanya.
"Dave anak,  anong oras ka ba uuwi, kanina ka pa hinihintay ni Erika dito" sagot niya. Bigla kong naalala na puputa nga pala si Erika sa bahay at pag-uusapan ang bahay na uupahan namin.
"Pasensiya na tay, malapit na kami matapos, uuwi na agad ako diyan sige bye." sagot ko.
"Mark bilisan na natin kasi kailangan na ako sa bahay e"
"Ganun ba sige, bukas na lang natin ituloy yung ibang subjects. Sige ayusin mo na ang mga gamit mo, Ibabalik ko lang itong mga encyclopedia at dictionaries sa kabilang  kwarto. Pwede ka nang mauna bumaba pagkatapos mo" si Mark.
"Ok. 

Pumunta na si Mark sa kabilang kwarto para ibalik ang mga ginamit namin sa pag-aaral. Ako naman inilagay ko na ang mga gamit ko sa bag. Habang nag-iimpake, isang tunog galing sa cellphone ang narinig ko. Agad kong hinanap ang kinaroroonan ng cellphone at nakita ko ito sa ibabaw ng drawer malapit sa kama. Umiral na naman ang pagkatsismoso ko kaya hinawakan ko ito. Nang tignan ko ang screen, nabigla ako sa caller. Si Cathy. Maya-maya narinig ko ang pagbukas ng pinto. Alam kong si Mark ito kaya agad kong binitawan ang cellphone.

"Mark may tawag ka sa cellphone mo oh" sabi ko sa kanya sabay turo ko. Agad siyang lumapit para kunin iyon. Nang mabasa ang caller, bigla siyang napatingin sa akin na animoy kinakabahan at may tinatago. Hindi niya ito sinagot.
"Wag mo tong intindihin ito hehehe. Tara na ihahatid na kita sa labas." si Mark.
"O....o.....ok" ang nasabi ko na lang.

Lalong nadagdagan ang mga pag-aalinlangan ko. Palaisipan pa rin sa akin ang mga nangyari ngayon. Ewan ko ba parang may hindi tama. Mayroon tinatago sa akin sina Mark at Cathy. Hanggang sa pag-uwi ko ng bahay iyon pa rin ang iniisip ko. Pagkapasok ko, nakita kong nakaupo lahat silang lahat sa sofa maliban kay Jake. Hindi ko naman magawang itanong kung nasaan siya.

"Anak, sa isang araw na tayo aalis, buti na lang at may mabait kang kaibigang tumulong sa atin hehehe" si Itay. Napapangiti na lang ako.
"Ok na rin yan para maibalik na ang pagiging masayahin ng friend ko" si Erika.
"Hay kakalungkot naman, hindi na ba kayo talaga mapipigilan pare" si Tito Eddie.
"Pare naman paulit-ulit mo na lang tinatanong sa akin yan, nag-usap na tayo di ba." si Itay.
"Oo nga, wala na kaming magagawa." si Tita Edna.

"Sige uuwi na ako Dave gabi na kaya" si Erika.
"Hatid na kita sa labas." alok ko.

Hinatid ko na siya sa sakayan sa kanto. Nang makasakay na siya, naglakad na ko pabalik ng bahay. Nang papalapit na ako sa may gate. Napahinto ako dahil nakita ko si Jake nakatayo at parang may hinihintay. Iiwas sana ako pero huli na dahil nakita na niya ako at dali-daling lumapit sa akin. Ako naman napapaatras hanggang mapasandal ako sa isang pader. Tinukod niya ang dalawang kamay dito malapit sa aking mga tainga.

"Dave, iiwas ka na naman, totoo bang aalis na kayo?" ang seryosong tanong niya sa akin.
"Oo para.." ang sagot ko nang bigla siyang nagsalita na medyo galit na.
"Ganun na lang ba iyon, iiwan mo na ako ha? Alam mo ba na dahil sa iyo, bumalik ako dito?" ang napalakas na niyang tanong. Nakaramdam na ako ng kaba. Pero nakuha ko pa ring sagutin siya dahil na rin siguro sa nararamdaman kong poot sa ginawa niya sa akin.
"Oo tama ka, gusto na kasi kitang makalimutan dahil hindi ko na kaya ang paninisi mo sa akin tungkol sa pagkatao mo at mga pang-iinsulto mo. At nasasaktan ako dahil ang taong gusto ko ay....." ang naiiyak ko nang sagot sa kanya nang biglang naputol dahil naramdaman ko ang paglapat ng labi ni Jake sa akin.

Itutuloy............

1 comment: