Monday, November 29, 2010

PANTASYA Part 12

Binati ko siya ng maayos. "Hello po Sir, bakit po kayo nandito?"
"Ikaw bakit ka umalis nang hindi nagpapaalam, di ba pinagsabihan kita kanina?" medyo naiinis niyang tanong sa akin.
"Wala po kayo kanina at saka hindi na rin ako pwedeng maghintay ng matagal. Kailangan ko po kasing makauwi nang maaga dahil sa kondisyon ni nanay.
Magsasalita sana ulit siya nang marinig ko ang boses ni nanay. Nasa likod ko na pala siya nang hindi ko napapansin. "Carlo, ikaw ba yan, aba! ang laki na rin ng pinagbago mo, binatang-binata ka na. Matagal na kitang hinihintay na pumunta dito para makapagpasalamat sa tulong mo sa akin, halika pasok ka muna sa loob." ang derederetsong sabi ni nanay.
Halos natameme kaming dalawa ni Kuya Carlo at walang nagawa kundi ang sumunod.

Nang makaupo sa sofa, "Carlo, maraming-maraming salamat talaga sa mga tulong mo sa akin pati na rin sa pagtanggap as anak ko sa kompanya, malaking tulong iyon para mabayaran ang mga pagkakautang namin. Kasama na rin ang mga gastusin dito sa bahay. Naiintindihan mo naman siguro na hindi na ako pwedeng maghanap-buhay pa. Tapos yung panganay ko ay hindi pa agad makakapagpadala ng pera dahil mag-uumpisa pa lang siya sa pagtuturo sa Maynila. Huwag kang mag-alala, ung pera na pinangbayad sa ospital pati yung mga biniling gamot nung nandun pa ako ay babayaran namin nang paunti-unti sa magiging sweldo ni Rico." si nanay.
"Walang anuman po Tita. Hindi na po kayo iba sa akin, parang kapamilya na rin ang turing ko sa inyo." ang narinig kong sagot ni Kuya Carlo at hinawakan ang mga kamay ni nanay.
"Ang bait mo talagang bata ka, maganda ang pagpapalaki sa iyo ng mama mo. Oo nga pala tutal nandito ka na rin e  ikuwento mo naman sa akin ang mga nangyari sa iyo nung nangibang bansa ka, alam mo naman ang mama mo hindi gaano nagkukuwento sa akin"

"Emergency po yung pag-alis namin ng bansa, namatay na kasi ang totoo kong tatay. Kaya lahat-lahat ng mga pag-aari at negosyo niya ay ipinamana sa akin. Medyo bagsak pa ang kompanya nang ako ang namahala. Pero pinagsikapan ko talaga upang ibangon ulit ito."

"Carlo, anong masasabi mo ngayong nakita mo na ulit  itong si Rico" ang sunod na tanong ni nanay sa kanya  Napatingin na lang ako kay Kuya Carlo na parang nag-aabang sa isasagot niya. Tumingin din siya sa akin na nakangiti at nagsalita.
"Masaya po ako ngayon Tita. Kung nagustuhan ko ang pagkachubby niya noon, mas dumoble na ito ngayon. Ang laki nang ipinagbago sa itsura ng anak niyo, sana lang hindi kasama ang ugali."
Naging palaisipan sa akin ang mga sinagot ng taong ito."Sus ikaw nga ang biglang nagbago ang ugali sa akin e", ang bulong ko sa aking sarili.
"Narinig mo ba yun Rico, kaya dapat pakisamahan mo siya ng maayos" sabi sa akin ni nanay.
Sasabihin ko sana na noon pa man ay maayos na ang pakikitungo ko sa kanya nang magsalita si Kuya Carlo.
"Tita, madali lang naman pakisamahan si Rico e, at alam kong magiging maayos ang ugnayan naming dalawa. Gagamitan ko lang siya ng aking charisma." Tinignan niya ako at kinindatan.
"Ang yabang naman nito, charisma daw at anong pinagsasasabi mong ugnayan natin?" sagot ko sa sinabi niya. Pero deep-inside kinikilig na ako. Siyempre hindi ko ito pinahalata sa kanya baka lumaki ang ulo niya.
"Umayos ka nga Rico, kaunting respeto naman sa boss mo" si nanay na pinagsabihan ako.
Napakamot na lang ako sa ulong sumagot sa kanya "Opo nay".

Makalipas ang ilang minuto, nagpaalam na si nanay na magpapahinga kaya kaming dalawa na lang ni Kuya Carlo ang naiwan. Tahimik lang na nagsusulyapan kaming dalawa. Naghihintay kung sino ang unang magsasalita at ma-oopen ng pag-uusapan. Medyo naiilang na ako sa sitwasyon namin kaya isang paraan ang naisip ko.
"Hindi ka pa ba uuwi sir, masyado nang gabi"  una kong sinabisa kanya.
"No,no,no ayoko pang umalis. Mag-usap muna tayong dalawa." ang pailing-iling niyang sagot. Bigla siyang tumayo at umupo sa tabi ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko sa pagdidikit ng aming mga balat.
" Kailangan ko nang matulog sir, baka ma late ako bukas niyan e papagalitan mo na naman ako" ang pagtanggi ko sa alok niya.
"Dont worry, kung malate ka bukas kung ako naman ang dahilan. Siyempre excuse ka doon"ang nakangiting wika niya.
"Inaantok na rin ako sir, gusto ko nang matulog e" ang pagtanggi ko pa rin. Kunwari akong naghihikab.
Ang nakangiting mukha niya  ay biglang nagbago sa sinabi ko. "Inaantok ka ba talaga o umiiwas ka lang sa akin."
Medyo nabigla naman ako sa sinabi niya, parang nahulaan niya yata ang nasa utak ko.
"Hindi naman po sa ganoon Sir Carlo, bukas na lang po tayo mag-usap" ang nasabi ko na lang sa kanya baka sakaling makalusot.
Pero hindi niya ito kinagat. "Hindi ka naman ganyan kapag kasama mo si Jerome. Bakit ang lamig mo sa akin?"
"Kaibigan ko lang po si Jerome" katwiran ko sa kanya.

Isang ring mula sa cellphone ni Kuya Carlo ang nagpatigil sa kung anumang sasabihin niya sa akin. Tumayo siya at nagtungo malapit sa bintana para sagutin ito na hindi naman kalayuan sa kinauupuan ko.
"Sige baby uuwi na ako" ang narinig kong huling sinabi niya bago ibulsa ang phone.

Halos manlambot ang buo kong katawan sa mga narinig ko sa kanya. Ang lungkot at sakit na nararamdaman ko noon pa ay lalong nadagdagan. Ewan ko ba parang mas malala pa ngayon. Si Kuya Carlo na pinagpapantasiyahan at minamahal ko ay may anak na. "Baby" rin ang tawag niya dito tulad ng sinasabi niya sa akin noong bata pa ako. Meron na siyang sariling pamilya, hindi man lang pinaalam ni Tita Mely. Kasalanan ko naman kasi, umaasa lang ako sa wala. Pinipigilan ko ang sarili kong lumuha para hindi niya mapansin.

"Alis muna ako may importante lang akong aasikasuhin. See you at the office tomorrow." ang paalam niya sa akin. Ngumiti siya pero hindi ko ito nagawang suklian dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
"Ihatid mo naman akosa labas tulad ng ginagawa mo kay Jerome." dugtong niya. Hindi ko na nagawang patulan pa ang mga binanggit niya dahil sa dami ng mga iniisip ko.Wala ako sa sariling sinamahan siya sa labas.
Nang makaalis na siya, agad akong bumalik sa loob at dumeretso sa kwarto. Doon parang tanga kong kinakausap at kinukumbinse ang aking sarili."Ano ka ba Rico, bakit masyado ka namang affected, dapat ipakita mong matatag ka. Ito na ang tamang panahon para tuluyang makapag move-on. Tanggapin mo na lang ang katotohanang hindi na kayo pwedeng magkatuluyan ni Kuya Carlo."

Itutuloy..........

1 comment:

  1. awwww naku mukhang nalungkot c rico sa narinig nyang Baby .... kay kua carlo pero kakakilig super ang kwento na ito awwww

    ReplyDelete