Monday, November 8, 2010

PANTASYA Part 3

Kinabukasan, tulad ng parati kong ginagawa gumising ako nang maaga para makita ang akinmg pantasya. Pakiramdam ko kasing magkakasakit ako kapag di ko siya nasulyapan ng isang araw.  Pagkatayo ng higaan, naghilamos ako at nagsipilyo para mawala ang mga panis kong laway at mga namumuong muta sa mga mata ko, mahirap na baka ma turn-off sa akin si prince charming. Hindi ko yata kakayanin iyon, magpapakamatay na lang siguro ako.

Lumabas na ako at tumayo sa tapat ng gate namin. Kahit alam kong nakakahiya na ang ginagawa ko, GO pa rin ako, siyempre ayaw kong palagpasin ang pagkakataong makita si Kuya Carlo. Habang nakatayo, nakikita ko ang mga tingin ng mga taong dumadaan sa akin, nahahalata na siguro ang aking ritwal sa umaga pero wala akong pakialam sa kanila. Maya-maya narinig ko na naman ang makabasag eardrums na boses ng nanay ko.

"Rico, nandyan ka na naman, halika nga lintek na bata ka, bumili ka ng pandesal." ang sigaw niya sa akin.
"Teka lang nay" ang sagot kong pasigaw rin.
"Puro ka teka, humanda ka sa akin bata ka, may sorpresa ako sa iyo" si nanay. Hindi pa rin ako natinag sa pananakot niya, isang perfect score lang sa school ang ipapakita ko mamaya malulusaw na ang galit niya sa akin.

10 minuto na lumipas nang makarinig ako ng isang di kaaya-ayang boses, sino pa nga ba ang taong naninira ng araw ko si Jason. Nakabisikleta siya na huminto sa tapat ko.

"Good morning piggy boy" ang nakangiti niyang bati sa akin.
"Anong maganda sa umaga?" sagot ko sa kanyang nakasimangot. Siyempre hindi na gumanda ang umaga ko nang sumulpot ang ungas na ito.
"Cool ka lang piggy boy, dapat nga pasalamat ka kasi binati kita, ganyan ka ka-espesyal sa akin." si Jayson sabay kindat.
"Ay paganyan-ganyan pa siya, cute ka na ba niyan ha? At teka, ano na naman yang narinig kong bagong bansag mo sa akin?" tanong ko sa kanya.
Natawa naman siya at sinabing" Ikaw naman tinatanong pa ba ang obvious, at saka ung piggy boy, dapat lang yon sa iyo. Tignan mo nga ang katawan mo oh, parang aparador na dahil sa lapad."
Biglang nagpanting ang tenga ko sa narinig pero nagtimpi pa rin ako sa kanya at sinabing "pwede ba lumayas ka sa harap ko kundi baka mahampas kita nitong patpat e." ang pananakot ko sabay pulot ng isang mahabang patpat.
"Huwag po huwag po, aalis na ako" sagot niyang natatakot sa akin na  alam ko namang hindi totoo. Si Jayson pa ang galing magdrama ng ungas na yan.

Dalawampung minuto na ang nakalipas ay lumabas na ng bahay ang kuya ko. As usual ako na naman ang napansin niya.

"Ano Rico, hindi mo na ba aalisin yang kalandian mo ha? sabi niya sa akin.Alam naman niya kasing si Kuya Carlo ang inaabangan ko. Sasagot sana ako nang marinig ko ang pagbukas ng gate sa tapat namin at iniluwa ang isang adonis, ang aking prince charming na matagal kong pinagpapantasyahan. Ngumiti siyang lumapit sa amin.

"Good morining baby boy" ang nakangiting bati niya sa akin. Hay pakiramdam ko gumanda na ulit ang umaga ko na sinira nung ungas kanina.
"Good moring Kuya Carlo" nakangiting sagot ko sa kanya.
"Tara na nga Carlo, huwag mo na intindihin ang isang to nagpapapansin lang iyan sa iyo, at ikaw Rico puntahan mo na si nanay sa loob may inuutos yata sa iyo." si Kuya.
"Oo na, sige bye Kuya Rico" ang paalam ko sa kanya.
"Bye baby boy" sagot niyang nakangiti pa rin. Hinintay ko muna silang makasakay ng tricycle bago bumalik ng bahay. Hindi pa ko tuluyang nakakapasok nang biglang isang pak na naman ang naramdaman ko.

"Ikaw talagang bata ka, kanina pa kita inuutusan, mas inuuna mo pa iyang pagtambay mo diyan" ang galit na sabi ng inay.
"Sorry na po nay, may long quiz kami mamaya, magdadala ulit ako ng mataas na score" ang pang-uuto ko sa kanya.
"Oo na, hugasan mo na lang yung mga plato sa lababo at linisin mo ang kwarto mo ha" si Inay. Nagtagumay na naman ako sa pagtanggal ng galit niya.

Nang makaalis na si nanay, inumpisahan ko nang gawin ang mga pinapagawa niya sa akin, at kumain siyempre, diyan ako expert e. Pagkatapos ay pumasok sa school.

Habang naglalakad ako sa corridor papunta sa room namin, napasimangot na naman ako nang makita ko ang grupo ng mga ungas, si Jason at ang mga kaibigan niya.

"Look, there is a pig" sabi nng ksaing kasama niya sabay turo sa akin.  No choice ako kundi harapin sila dahil walang akong ibang dadaanan, di naman pwedeng umikot pa ako sa kabila. Lumapit sila sa akin.

"Musta na piggy boy!" si Jason sabay ngiti sa akin. Pero iniwasan ko siya ng tingin.
"Hello, may kausap ba ako" dagdag niya sabay tinignan ako sa mata.
"Pwede ba padaanin mo ako, malalate na ako eh, maghanap na lang kayo ng ibang pagtitripan"
"Tol pinagtitripan daw oh, maswerte ka nga sa kanya dahil sa lahat ng mga babae at baklang naglalaway sa kanya e ikaw lang ang pinapansin niya" ang sabat nung isa.
"Nagpapatawa ba kayo, baka naman minamalas" sagot ko.
"Aminin mo na kasi, na nagpapacute ka lang sa akin." si Jason.
"Hindi ah, saka hindi ka naman cute" sabi ko pero sa loob-loob ko totoo naman talaga nag sinasabi niya. Parehas lang sila ni Kuya Carlo nagkataon lang kay prince charming tumitibok ang aking puso.
"Nagdedeny ka pa sa akin piggy boy, aminin mo lang na type mo ako hindi na kita tutuksuin" si Jason. Alam ko naman na niloloko lang ako ng taong to.
"Unbelievable, at sasabihin ko sa iyo na hindi kita type, ang kapal naman ng mukha mo." sagot ko sa kanya.
"Uyyyyyyyyy!!!!!!" ang sigaw ng mga kasama niya.
"Magsitigil nga kayo at padaaanin niyo na nga ako baka malate na ako." ang inis kong sabi sa kanila.
"Tara na guys, nagpapakipot lang iyan, tignan lang natin" si Jayson. Napaisip naman ako sa huli niyang sinabi. Mabilis na ko naglakad papasok ng room.

Pagkatapos ng klase ay nagmadali akong umuwi ang dahilan siyempre ang makita ulit si Kuya Carlo. Pero nadismaya ako nang di ko siya nakita pagkauwi ko sa bahay. Nalaman ko na lang kay kuya na gagabihin sila dahil sa ginagawa nilang term paper. Nainis ako pero naiintindihan ko naman sila dahil graduating na.Sabado naman bukas at maghapon ko ulit siya makakasama.

Kinabukasan, maaga akong nagising hindi dahil sa aabangan ko ang paglabas ni kuya Carlo kundi ang sumama kay inay sa bahay nila para makasama siya. Tuwing weekends kasi nagsisideline ang nanay ko sa kanila.

"Ano anak sama ka ulit sa kabila" ang tanong sa akin ni Inay.
"Siyempre naman, boring kaya dito sa atin" ang sagot ko. Pero ang totoo na nasa utak ko ay gusto ko lang makasama si prince charming.

Pumunta na siya sa kabilang bahay at nag doorbell sa may gate. Pinagbuksan naman siya ni Tita Mely, ang aking magiging biyenan este nanay pala ng aking pantasya hehehehe. Pinapasok niya kami sa loob. Dumeretso na si nanay sa likod-bahay kung saan siya naglalaba samantalang ako naman ay naupo sa sofa habang hinihintay ang pagbaba ni Kuya Carlo. Makalipas ang mahigit 20 minuto nakita ko na siyang bumaba. Nabighani naman ako sa itsura niya. Kita ang pagkamakisig niya sa suot niyang white sando at boxer shorts. Hindi ko naman naiwasang sulyapan ang nakaumbok niyang pagkalalaki. Alam kong malaki iyon. "Kailan ko kaya matitikman iyon?" sabi ng malibog kong isip. Nang tumingin siya sa akin ngumiti siya.

"Goodmorning baby boy" si Kuya Carlo sabay upo sa tabi ko.
"Bakit ka ulit nandito? ang tanong niya sa akin. Sasabihin ko sanang "Siyempre gusto kita makita pero naisip ko na magsinungaling na lang baka kung ano pa ang isipin niya sa akin.
"Sinamahan ko lang si nanay" ang sagot ko sa kanya.
"Ah ganun ba ang bait mo naman" papuri nya sa akin. Ang sarap ng feeling ng mga sinasabi niya.
"Siya nga pala tol mamaya may laro kami ng basketball mamaya sa barangay court kasama ang kuya mo. Nagkayayaan kasi ng pustahan e. Nood ka ha" si Kuya Carlo.
"Yes kuya basta ikaw" ang sabi ko. Hay parang mamamatay na ako sa kilig nito.
"Ang cute mo talaga! si Kuya Carlo sabay kuro sa pisngi at braso ko.

Matapos makapagtanghalian ay umalis na kami nina Kuya Carlo at kapatid ko papunta sa court. Dinaanan muna namin ang iba pa nilang ka team mate. Nang makarating na sa court, humiwalay na ako sa kanila at umupo sa gilid.

Na curious naman ako kung sino ang magiging kalaban nila kaya tinanong ko ang katabi kong babae kung sino ang kalaban nila.

"Miss sino ba makakalaban nila bakit hindi ko pa nakikita?" ang tanong ko sa babae.
"Ah kalaban nila yung team na nanalo sa paliga nung isang tao, nagpustahan lang naman sila" sagot nung babae. Bigla naman ako kinabahan sa sinabi niya. Alam kong sina Jayson ang tinutukoy niya.
"Ganun ba sige salamat." sagot ko. Agad ko namang nilapitan sina Kuya Carlo para sabihing galingan nila. Pero napahinto naman ako nang makita kong dumating na ang mga grupo ng ungas.

"Mga Pare, kumpleto na ba ang team niyo" si Jayson na tinatanong si kuya Carlo.
"Oo tol sige goodluck na lang sa atin" si Kuya Carlo saka nakipagkamay sa kanya. Nauna nang pumunta ang grupo nila Kuya Carlo sa gitna ng court. Si Jayson naman ay tumingin sa akin at nagsalita.

"Oi piggy boy, alam ko na siya ang gusto mo kaya naisip kong makipagpustahan sa kanya para makita ko kung may ibabatbat yan sa akin" si Jayson sabay turo sa direksyon ni Kuya Carlo. Nagtaka naman ako kung paano niya nalaman pero hindi na iyon mahalaga. Sinigawan ko na lang sina Kuya Carlo na huwag silang magpapatalo.

Makalipas ng sampung  minuto  nag-umpisa na ang laban.

No comments:

Post a Comment