Kahit nasa impluwensya ako ng alak, nararamdam ko ang kakaiba niyang paghalik sa akin. Oo, nagugustuhan ko ito pero sa pagkakataong ito ay hindi ko ito maisapuso, hindi ko lang alam kung bakit. Siya ang unang kumalas sa akin.
"Ano Ric, sino ang mas magaling humalik sa amin ni Allan?" si Mike na nakatngin sa aking mata. Nabigla naman ako sa sinabi niya.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo Mike" ang nasabi kong naguguluhan.
"Huwag ka nang magmaang-maangan pa kitang-kita ko ang ginawa niyong dalawa sa hardin" si Mike na medyo pagalit na.
"Mike magpapaliwanag ako" ang sabi ko sa kanya.
Bigla namang nagbago ang mood ng mukha niya at sinabing "Huwag kang mag-alala hindi naman ako nagagalit sa iyo, dahil in the first place ako naman talaga ang may kasalanan siguro kung hindi ako nawala nung mga panahong iyon, hindi kayo magkakalapit dalawa"
Umupo siya sa gilid ng kama at nagpatuloy " May kakumpetensya na pala ako sa iyo, tandaan mo to Ric na hindi ako magpapatalo sa kanya"si Mike.
"Hindi mo na kailangang kalabanin siya dahil inaw ang nasa puso ko" sagot ko sa kanya.
"Talaga edi babes na ulit ang tatawag ko sa iyo, basta tatandaan mo na mahal kita" ang masaya na niyang pahayag.
Nagtabi na kami ni Mike sa pagtulog nang gabing iyon. Kinabukasan, bumalik na kami ng Maynila. Hindi na kami nakapagpaalam kay Allan dahil maaga daw itong umalis ayon kay Yaya Rosie at may importante daw na pupuntahan.
"Mike, iuwi mo muna ako sa amin, magpapahinga muna ako ng isang araw pa bago bumalik sa trabaho" utos ko sa kanya. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko ng araw na iyon.
"Ok, teka nga pala babes mukhang matatagalan pa bago ko ibalik ang kotse mo" si Mike na nakangiti habang nagmamaneho.
"Sige gawin mo ang gusto mo, hindi naman ako mananalo sa iyo" sagot ko sa kanya.
"Mabuti na ang nakakasiguro baka mamaya may iba ka nang pasasakayin doon" si Mike.
"Napakaweird mo naman mag-isip" ang natatawa kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin.
Magtatanghali na nang makauwi ako sa aking bahay. Bago bumaba ng sasakyan, isang kiss ang iginawad ni Mike sa akin. Sa pagkakataong iyon nadama ko na ulit ang pagmamahal sa halik niya.
Nagpapahinga na ako sa aking kwarto nang may biglang nagdoorbell. Agad akong bumaba para harapin ang dumating.
"Hello friend" ang sabi ng tatlong bruhang dumating na sina Bea, Nica at Althea.
"O anong ginagawa niyo dito" sabi ko sa kanila.
"Teka lang parang wala ka sa mood ngayon ha, Aha! may naaamoy akong may kakaiba nangyari sa iyo friend" si Bea.
"Ano ba yang pinagsasasabi mo ha, aso ka ba at ang lakas ng pang-amoy mo? sabi ko sa kaniya.
"Bago ko sagutin yan pwede namang papasukin papasukin mo muna kami" si Bea. Nakalimutan ko na pala silang patuluyin dahil hindi na gumagana ang utak ko sa pagod. Nang makaupo na kami sa sofa, nagpatuloy na si Bea.
"Oo nagiging aso ako pagdating sa iyo kilalang-kilala na kasi kita, kaya huwag ka nang magdeny, ichika mo naman sa amin ang mga nangyari sa inyo ni Papa Mike sa Tagaytay" si Bea.
"Tama ka may nangyari nga si..." ang sasabihin kong biglang sumabat si Althea.
"OMG nagchurvahan na kayo! mabuti ka pa"
"Tumigil nga kayo, kababae niyong tao ang lilibog ng mga isip niyo" sagot ko sa kaniya.
"Tama girl kami pero ikaw pa-girl" si Althea ulit. Hindi ko na pinatulan pa ang sinabi niya at nagpatuloy na ako.
"Ok na sana kami ni Mike nang biglang may nagbalik" pagpapatuloy ko pero biglang sumabat ulit si Althea.
"Yan ka na naman si Mc Arthur na ba talaga iyan"
"Buang, pwede patapusin mo muna ako" sagot ko. Bago ako nagpatuloy huminga muna ako ng malalim.
"Nagkita ulit kami ni Allan" nakita ko ang gulat sa mukha nila maliban kay Bea.
"Naku warlaloo na ito lalo na kapag nalaman ito ni Mike" si Bea.
"Alam na niya ang ugnayan namin" sagot ko.
"Ano reaksyon niya, nagalit ba siya?" sunod na tanong ni Bea.
"Hindi naman, may sinabi lang siya sa akin na gagawin niya ang lahat upang makuha ang pag-ibig ko.
"Aba teka kalbuhin na kaya kita nang tuluyan, para ka nang si Rapunzel sa haba ng buhok mo, daig mo pa kami na pinagaagawan ng dalawang lalaki? " si Bea.
"Kung ako sa iyo friend kay Papa Mike ka na lang dahil naibibigay niya ang mga bagay na hindi mo naranasan sa mga nauna mo" dagdag ni Bea.
"Pero hinalikan din ako ni Allan" ang sagot kong medyo nahihiya sa kanila.
"Ano! ibig sabihin mahal ka talaga niya. Sino ba ang mahal mo sa kanilang dalawa?' si Nica.
"Si Mike na ang mahal ko ngayon, pero natatakot lang ako na masaktan si Allan.
"Bakit ka natatakot, ibig sabihin may nararamdaman ka pa rin kay Allan?" si Nica.
"Ano ka ba wala" sagot ko sa kanila.
"Dapat maayos mo agad iyan." si Nica.
"Basta friend, uulitin namin ang lagi naming paalala sa iyo, sundin mo ang sinasabi ng puso at isip mo, huwag ka nang magpapadala sa tukso.Kung anuman ang desisyon mo susuportahan ka namin" si Bea.
Kinabukasan maaga akong pumasok ng office dahil sa dami ng mga nakabinbing kong trabaho doon. Naglalakad pa lang ako papasok sa aking opisina nang bigla akong salubungin ng aking sekretarya.
"Sir good morning po buti nakarating na kayo" si Jean. Napuna ko naman na parang balisa siya kaya tinanong ko siya agad.
"Bakit Jean may problema ba?" ang tanong ko sa kanya.
"Si Mr. Chua po kasi kanina ka pa hinihintay sa office niyo at parang galit yata" si Jean.
"Ah sige ako na ang bahala bumalik ka na sa trabaho mo" sabi ko sa kanya. Pumasok na ako sa aking office.
Pagkabukas ko nakita ko si Mr. Chua na nakaupo sa sofa at nakasimangot. Bilang paggalang binati ko siya.
"Good Morning po" bati ko at umupo sa sofang katapat ng inuupuan niya.
"Ricardo, alam mo naman siguro ang mangyayari sa kompanya mo kapag inalis ko ang aking suporta dito" si Mr. Chua.
"Yes sir, bakit po may nangyari bang problema?" ang nagtataka kong pagtatanong dahil sa kakaiba niyang kinikilos.
"Buti naman. kaya sana sundin mo ang aking papakiusap sa iyo. Layuan mo na ang anak ko, hindi ko papayagang masira ang pangalan ng aming pamilya dahil sa isang relasyong hindi tanggap ng lipunan. Iho, marami akong pangarap sa aking anak kaya sana lang putulin mo na ang kung anong meron sa inyo" si Mr. Chua.
Nagtaka naman ako kung paano niya nalaman iyon pero mas nangibabaw sa akin ang lungkot sa mga narinig ko sa kanya. Wala naman akong magagawa, alam ko kasing ang lalaki ay para talaga sa babae. Kahit mahal ko si Mike, magpapaubaya na lang ako, susundin ko si Mr. Chua. Isasakripisyo ko ang aking kaligayahan huwag lang mawala sa akin ang lahat ng pinaghirapan ko nang mahigit ilang taon.
"Ok po sir, lalayuan ko na po si Mike" ang nasabi ko na lang.
"Good, nagkakaintindihan tayo, sige lalakad na ko may importanteng meeting pa akong dadaluhan" si Mr. Chua.
Hindi ko inaasahan na may mangyayaring ganitong pagsubok sa aking buhay dahil first time kong makaranas nang ganito. Buong araw tuloy akong wala sa mood na nagtrabaho. Gabi na nang biglang may tumawag sa aking phone. Nang makita ko ang caller sa screen, naiyak na ako dahil simula ngayon, kahit labag sa loob ko iiwasan ko na siya nang tuluyan at hindi na siya kakausapin pa. Pinabayaan ko na lang na magring ang phone ko. Pagkalipas ng 20 minuto tumigil na rin ito sa pagtunog.
Halos 9:00 na nang gabi nang maisipang kong huminto na at umuwi. Sa mga oras na iyon bigla namang pumasok sa isip ko si Allan. Dati kasi hinihintay niya talaga akong matapos sa pagtatrabaho kahit gagabihin na siya. Kasama na ang mga di malilimuntang moments naming dalawa na kahit walang sexual contact ay masaya naman ako.Naisip kong bumalik ng Tagaytay para makausap siya.
Palabas na ako ng kompanya nang maalala kong wala pala akong sasakyan kaya naisipan ko na lang na magcommute. Habang naglalakad ako sa papunta sa kanto kung saan mag-aabang ng masasakyan nang may isang kotse ang huminto malapit sa akin. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Nararamdaman kong sinusundan niya ako sa likod kaya napalingon na ako sa kanya. Nakita ko ang isang lalaking nakangiti sa akin at may dalang plastic ng pagkain galing sa Jollibee.
"Ric kamusta ka na, mabuti naabutan pa kita. Pumunta ako sa office niyo kanina nakaalis ka na raw sabi ng guard. Dadalhan sana kita ng pagkain kasi alam kong nagugutom ka na" sabi ng isang nakangiting Allan sa akin.
Nakaramdam naman ako ng kasiyahan sa mga oras na iyon. Naiisip ko pa lang na pupuntahan siya sa Tagaytay pero nandito na siya ngayon sa harap ko. Parang nagbalik ako sa nakaraan sa ginagawa niya. Walang nagbago sa kanya tulad pa rin siya ng dati.
"Salamat Allan" ang sagot ko sa kanya.
"Teka nga pala bakit naglalakad ka lang, di ba may kotse ka?" ang nagtatakang tanong niya sa akin.
"Mahabang istorya " sagot ko sa kanya.
"Tutal wala ka na rin sa opisina niyo pwede bang ako na ang maghatid sa iyo sa bahay mo dun na rin nating kainin itong mga pagkain" offer niya sa akin.
"Sige medyo nagugutom na rin ako e" ang sagot ko sa kanya.
Habang nagmamaneho, napapansin kong panay ang tingin niya sa akin. Maya-maya bigla siyang natawa.
"Ano nangyayari sa iyo, pinagtatawanan mo ba ako?" ang nagtataka kong pagtatanong sa mga kinikilos niya.
"Hindi ah, naiisip ko lang kasi na bumaliktad na yata ang mundo ano. Tignan mo dati ikaw ang naghahatid sa akin pero ngayon ako na hehehehe" si Allan. Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Iyan, dapat lagi kang nakangiti, lumalabas kasi ang pagkacute mo niyan" si Allan sabay hawak sa pisngi ko.
"Tumigil ka nga diyan magfocus ka sa pagmamaneho baka mabunggo tayo." sabi ko sa kanya.
Papalapit na kami sa aking bahay nang may mapuna akong kotse na nakaparada sa tapat ng gate.Dahil medyo madilim, inakala kong isa sa mga kaibigan kong dumating pero habang papalapit na kami nakikita ko ang isang lalaki na nakatayo at nakasandal sa kotse. Medyo kinakabahan na ako dahil nakikilala ko na ang taong iyon na si Mike. Ganun din si Allan.
"Nakikita mo ang lalaking iyon si Mike" si Allan.
"Oo, sige deretso tayo haharapin ko muna siya." ang nasabi ko sa kanya.
Huminto na si Allan sa likod ng kotse ni Mike. Sinabihan ko siyang ako muna ang bababa para kausapin si Mike. Medyo naguguluhan naman siya sa mga ginagawa ko pero nagpasiya akong sasabihin ko na lang sa kanya ang lahat mamaya. Nang makita ni Mike ang paglabas ko, lumapit siya agad sa akin.
"Babes, ayos ka lang ba, pasensiya ka na hindi kita napuntahan sa office niyo. Kaya tinawagan kita pero di mo sinasagot, pinuntahan kita sa office niyo pero nakaalis ka na kaya inabangan na lang kita dito"si Mike na humawak sa kamay ko.
Kita ko ang pag-aalala sa mga mukha niya pero parang wala itong epekto sa akin dahil naalala ko ang mga pinag-usapan namin ng ama niya kanina. Bigla naman siyang napatingin sa kotseng sinakyan ko.
"Sino ang kasama mo at kaninong kotse ito?" ang tanong niya. Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang biglang lumabas si Allan sa loob. Nang makita siya ni Mike, ang pag-aalala sa kanyang mukha ay napalitan ng galit.
Itutuloy......
awwwwwwwwwww mukhang nagalit si papa mike huhuhuhuhu pero si ric naguguluhan narin kung susundin nya ba ang sinabi ng kanyang ama o hindi daredevil next chapter pls...
ReplyDelete