Napalingon naman ako sa aking likuran para malaman kung sino ang kumakalabit sa akin. Isa pala itong lalaki nasa tingin ko ay empleyado rin dito base sa kanyang suot na ID. May kagwapuhan siya at mas matangkad sa akin ng kaunti. Tulad ko ay may maganda rin siyang pangangatawan. Nagkangitian kaming dalawa.
"Hi, bago ka lang dito di ba?" sabi ng lalaki.
"Oo, kakasimula ko nga lang ngayon e" ang nakangiti kong tugon sa kanya.
"Ah, ikaw pala ang bagong pinasok ni Sir Carlo, usap-usapan ka kasi dito e. Alam mo maswerte ka nga dahil hindi na talaga nagtatanggap pa ng empleyado dito. By the way Im Jerome pala head ako ng accounting department dito sa company." sabi niya.
"Im Carlo." sagot ko at nagkamayan kaming dalawa.
"Matagal na kitang kilala. Parang mag-isa ka lang yata na kakain ng lunch, tara sabay na lang tayo" ang alok ni Jerome. Agad naman akong pumayag. Sino ba naman ang hindi makakatanggi sa alok ng isang gwapong nilalang tulad nito. Baka siya rin ang daan upang magkaroon naman ako ng mga kaibigan dito.
Sabay na kaming naglakad palabas ng building at dumeretso sa KFC dahil iyon lang ang fastfood chain malapit doon.
"Hanap ka na ng mauupuan natin sa taas, ako na ang oorder ng kakainin natin, ano ba ang gusto mo" si Jerome.
"Pwede na sa akin yung chicken with rice." ang sagot ko. Iyon lang kasi ang aabot sa dala kong pera. Sa totoo lang balak ko talagang sa isang karindeya lang ako kakain dahil mas mura. Dumukot ako ng pera sa bulsa at inabot sa kanya pero hindi niya ito tinanggap.
"Huwag na, ililibre na lang kita tutal ako naman ang nagdala sa iyo dito."
"Ano ka ba nakakahiya naman sige na idagdag mo na lang ito baka lumaki ang gastos mo" ang nahihiya kong sagot sa kanya sabay abot ng pera.
"Dont worry sige na simulan mo na lang ang paghahanap ng pwesto natin sa taas ok" ang nakangiting si Jerome. Napilitan na rin ako pumayag sa gusto niya. Ika nga sabi nila na ang grasya hindi tinatanggihan hehehe.
Nakahanap naman agad ako ng puwesto malapit sa may bintana. Umupo ako at hinintay na bumalik si Jerome. Makalipas ang halos 10 minuto, nakita ko na siyang papalapit sa akin. Nagulat ako dahil sa dami ng pagkaing inorder niya.
"Ang dami naman yan baka naubos na ang pera mo niyan" sabi ko pagkapalag niya ng mga pagkain sa mesa.
"Ok lang sa akin, sige na kumain ka na lang. O ito na yung chicken mo, tag-isa rin tayo ng krushers ha pati itong fries." si Jerome sabay abot sa akin ng mga pagkain. Napapangiti na lang ako sa hiya.
Habang kumakain kami naalala ko naman yung binanggit niya sa akin na matagal na niya akong kilala kaya tinanong ko siya. "Jerome paano mo ako nakilala, wala naman akong natatandaan na nagmeet tayo."
"Nakita na kita mga dalawang beses na nga e, hindi mo lang ako napapansin noon. Natatandaan mo ba nung araw na nagpustahan ng basketball, nandoon ako nun sa team ni Jason. Saka nung isang araw na pinagtripan ka niya, kasama ako dun" sagot niya habang umiinom ng krushers. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Matagal na pala niya akong kilala.
"E paano mo naman nakilala si Jason?" ang sunod kong tanong.
"Kaklase ko siya at kababata. Alam mo madalas ka niyang ikwento sa akin.Masaya nga siya kapag pinag-uusapan ka, kung alam mo lang na bata ka pa lang e may gusto na siya sa iyo. Dinadaan ka lang niya sa pangtitrip para mapansin mo siya." si Jerome.
"Oo, mabait nga siya sa akin, sayang lang at nasa ibang bansa na siya, hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang mga naitulong niya sa akin" sabi ko sa kanya.
"Tama ka, alam mo nung nakita ulit kita sa company, halos hindi ako makapaniwala sa laki ng pinagbago mo. Hindi mo lang alam kung gaano nagkakandarapa ang mga babaeng kasama ko sa department sa iyo." Napapangiti na lang ako sa sinasabi niya.
"Ako naman ang magtatanong sa iyo Rico, Paano ka naman napasok dito? nabalitaan ko kasi na matagal na kayong magkakilalang dalawa." tanong ni Jerome.
"Yung mama niya ang nagpasok sa akin. Sa totoo lang hindi ako makapaniwala na siya ang may-ari ng kompanya e kasi education naman ang kinuha niyang kurso sa college at magkaklase sila ng kuya ko. Magkapit bahay lang kaming dalawa noon." sagot ko sa kanya.
"Ganun pala, alam mo yung Daddy niya talaga ang nagmamay-ari nito. Pinamana lang ito sa kanya nang mamatay siya mga 5 years ago." Nagulat naman ako sa mga nalaman ko sa kanya. Ibig sabihin mayaman pala talaga ang pamilya nila. Hindi kasi halata sa kanila e. Kung sabagay wala naman akong naririnig kay Tita Mely tungkol sa tatay niya. Kaya pala siguro ay hindi niya itinuloy ang pagiging teacher.
Marami pa kaming napag-usapan ng mga oras na iyon. Kinuwento niya sa akin kung paano siya nakapasok doon pati na rin ang memorable moments nila ni Jason. Narealize ko na masaya pala itong si Jerome kausap. Dahil sa aliw ko sa kanya ay hindi ko namalayan ang oras.
"Naku Jerome kailangan na nating bumalik. Baka nandun na si Sir Carlo at abutan akong wala doon baka pagalitan ako nun. First day ko pa naman" ang sabi ko sa kanya.
"Oo nga, napasarap tayo ng kwentuhan sige bilisan na natin" ang sagot niya.
Binilisan na namin ang paglalakad pabalik ng kompanya. Pagkadating, nagpasalamat muna ako sa kanya bago kami maghiwalay.Nagbigayan din kami ng mga cellphone numbers. Masaya ako dahil nagkaroon agad ako ng friend sa unang araw ko.
Nagmadali na akong sumakay ng elevator paakyat sa taas. Medyo kinakabahan na ako dahil lumampas na ako ng 10 minutes. Nang makarating, sinalubong ako ni Suzie.
"Naku Sir Rico, bakit ngayon lang kayo dumating, kanina pa kayo hinahanap ni Sir Carlo. Pumasok na po agad kayo sa office niya."
Bigla naman akong kinabahan ng mga oras na iyon, baka kasi nagalit siya dahil sa pagkalate ko. Pero tatanggapin ko na lang kung ano ang mangyayari. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa kanyang opisina. Pinaghandaan ko na ang magiging tensyon pagharap ko sa kanya.
Pagkapasok ko, nakita ko siyang nakaupo, nakatukod ang dalawang kamay sa mesa at ang masamang tingin niya sa akin.
"Anong oras na!!!!" ang pabulyaw na tanong niya sa akin.
Itutuloy......
No comments:
Post a Comment