Parang nagbalik lahat sa akin ang nakaraan sa biglang pagsulpot ng isang bahagi nito, si Allan. Halos hindi ako makapaniwala sa laki ng mga pagbabago sa kanya. Sa itsura pa lang, mas lalo siyang naging makisig pero ganoon pa rin ang mata niyang naging dahilan para maakit ako sa kanya. Hindi ko akalain na ang dating empleyado ay isa na ngayong mayaman.
"Ric, parang natulala ka diyan, may problema ba?" si Mike na napuna ang sobra kong pagtitig sa kaibigan niya. Naupo naman kaming tatlosa sofa.
"Ah, wala naman hehehe" sagot ko sabay tawa para di mahalata na nagsisinungaling ako.
"Ok., by the way Ric, ito si Allan, Allan si Ricardo siya yung lagi kong kinukwento sa iyo." ang pagpapakilala sa amin ni Mike.
"Hello Ricardo nice to meet you," si Allan sabay nag-abot ng kamay. Nang magkamay kami, muli naramdaman ko ang lambot ng kanyang mga palad.Ngumiti naman siya sa akin.
"Allan, makikituloy sana kaming dalawa dito kahit ngayong gabi lang, ginabi kasi kami e" si Mike.
"Oo naman walang problema kahit ilang araw niyo pa gusto" ang sagot niya sabay tingin sa akin. Nabigla naman ako sa mga narinig kong pinagsasabi niya. Ano kaya ang ibig niyang sabihin?
"Hindi pwede e, kasi marami pang trabaho itong kasama ko bukas hardworking kasi siya , alam mo bang nagmamay-ari na siya ng isang kompanya sa Makati?" si Mike.
"Talaga, iyan ang gusto ko sa tao" si Allan na nakatingin sa akin. Ako naman umiiwas sa kanya para di makahalata si Mike. Ewan ko parang may patama ang mga sinasabi niya.
"Tama ka, kaya maswerte ako sa kanya, masaya ako dahil nakuha ko na ang loob niya sa wakas" si Mike sabay akbay sa akin. Kita ko ang biglang pagbabago ng mukha ni Allan.
Maya-maya tinawag na kami ni Yaya Rosie para maghapunan. Lahat naman kami ay pumunta na sa dining room. Habang kumakain biglang may sinabi si Allan sa akin ikinagulat ko.
"Ricardo, nagustuhan mo ba dito sa aking bahay? Alam mo ba na isa lang ito sa bunga ng aking mga pagsisikap, kaya laking pasasalamat ko sa aking inspirasyon. si Allan habang kumakain. Nasamid naman ako sa narinig sa kanya.
"Oh ayos ka lang Ric, ito tubig" si Mike.
"Oo, ayos lang ako naubo lang" sagot ko. Napatingin naman ako kay Allan at nakita ko ang seryoso niyang tingin sa amin. Tinuloy na namin ang pagkain.
"Allan, ano na balita sa iyo, nakita mo na ba kayo ulit ang iyong first love?" ang pangangamusta ni Mike habang kumakain. Nagkatinginan kami ni Allan sa isa't-isa.
"Oo, alam mo ba nung pagkakita ko sa kanya, lalong tumindi ang pagmamahal ko sa kanya" ang sagot niyang nakatingin sa akin. Sa sinabi niya pakiramdam ko nangamatis na ang mukha ko sa sobrang pamumula. Hindi ko na tuloy naayos ang aking pagkain. "Ano ba ang pinagsasasabi nito?" ang tanong ko sa sarili.
"Ahh, ayos iyan, so ano na ang balak mo? si Mike.
"Siyempre hindi ko na siya pakakawalan pa, at susuyuin ko ulit siya." sagot ni Allan na hindi maalis-alis ang tingin sa akin.
"Teka Mike, CR lang ako saglit" ang paalam ko sa kanya dahil sa hindi ko nakakaya ang mga sinasabi ni Allan. Sa loob ng CR, naghilamos ako ng mukha at tumingin sa salamin.
"Bakit ganito kung kailan nagsisimula nang maging maayos ang buhay ko? Saka babalik ang isang bahagi ng aking nakaraan na muling nagbibigay tukso na minahal ko rin dahil sa kanyang kabaitan, naguguluhan na ako!" ang sabi ko sa sarili.
___________________________________________________________________________________
Naalala ko ang unang araw nang makilala ko si Allan 5 years ago. Dahil sa bagong tayo ang aking kumpanya kaya naghire ako ng mga tauhan. Ako mismo ang nagiinterview sa kanila. Isang buwan, pagkahiwalay namin ng isa kong karelasyon, pumunta siya sa office ko upang mag-apply ng trabaho. Nang una ko siyang makita aaminin kong naakit ako sa kanya. Gwapo kasi ito sa kanyang suot na dark fit polo shirt at itim na pantalon. Lahat na yata ng katangian ng isang magandang lalaki ay nasa kanya na.Sayang nga lang at mahirap siya. May katamtamang pangangatawan siya at ang mga ngiti talagang magagayuuma kung sino man ang makakita sa kanya. Nang tignan ko ang kanyang resume at iba pang credentials, nabigla ako dahil isang dyanitor ang inaaplayan niya di angkop sa itsura niyang pangmodelo at artistahin ang dating at sa academic perfromance sa kolehiyo.
"Ok, Mr. Buencamino I think that the position youre applying is not suitable for you." ang sabi ko sa kanya.
"I know that sir but I will take it as a challenge for myself" ang derestong sagot niya sa akin.
" I appreciate your determination. Ok Youre hired." ang nasabi ko agad sa kanya dahil na rin siguro sa awa sa kalagayan niya isa pa ang sagot na challenge sa kanya ang trabahong iyon.
"Thank you so much sir," ang nagagalak niyang pagpapasalamat sa akin. Nang magkamay kami, may bigla naman akong naramdamang kakaiba sa palad niya. "You may start tomorrow thats all" ang pagtatapos ko ng aming usapan.
Kinabukasan nagsimula na siyang magtrabaho kasama ang iba ko pang na hire na tauhan. Siyempre inoobserbahan ko sila. Napapansin ko ang pinapakitang kasipagan ni Allan sa trabaho. Nakakatuwa siyang tignan kasi kahit mahirap ang ginagawa niya nakangiti pa rin siya. Lalo namang tumindi ang nararamdaman ko sa kanya. Lumipas na ang dalawang buwan na ganoon pa rin siya sa trabaho.
Isang araw, pagkapasok ko ng office galing sa meeting ay nandun siya na naglilinis.
"Good Afternoon sir" ang nakangiti niyang bati sa akin. Medyo nabawasan naman ang pagod ko sa bati niya na nakangiti. Sinuklian ko naman siya ng ngiti rin. Dahil sa ginawa niya di ko maiwasang tignan siya. Nang mapansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya bigla siyang nagsalita.
"Sir baka naman malusaw na ako sa pagtitig niyo sa akin" ang natatawang sabi niya sa akin. Bigla ko namang binawi ang tingin ko dahil sa pagkapahiya. Binuklat ko na lang ang mga papeles ko sa mesa. Maya-maya nagulat ako sa mga sumunod niyang sinabi.
"Sir huwag po sana ninyong mamasamain, napapansin ko kasing malungkot kayo e kita sa mga mata ninyo." si Allan. Magaling pala itong manghula. Tama siya kahit pilit kong pinapakita na masaya ako nakikita pa rin ang aking pagkamalungkutin mula sa pagtatakwil sa akin ng pamilya, hanggang sa pag-iwan ng mga taong nakakarelasyon ko.
"Salamat, huwag kang mag-aalala sa akin ok lang ako. Sige tapusin mo na ang paglilinis" ang sagot ko sa kanya.
"Last na po ito sir. Alam ko pong tungkol sa pag-ibig ang problema ninyo base sa mga naririnig ko sa iba. "Nais ko lang pong sabihin na parte po ng pag-ibig ang masaktan dahil doon sinusukat ang katatagan ng isang tao. Pero huwag po kayong mawawalan ng pag-asa dahil darating din sa tamang panahon ang taon magmamahal ng tapat sa inyo, malay mo po nasa tabi-tabi lang siya" si Allan. Medyo naliwanagan naman ang isip ko sa mga sinabi niya. Kahit papaano nagkaroon ako ng pag-asang makakatagpo ng tunay na pag-ibig sa hinaharap.
"Salamat ulit sa mga sinabi mo Allan" sabi kong nakangiti sa kanya.
"Ako nga po dapat magpasalamat sa paghire sa akin dito, nahihirapan po kasi akong maghanap talaga ng trabaho e, first year college lang ang inabot ko hindi ko pa natapos dahil nahihirapan na si Inay. Hindi naman kami matulungan na ng mga maykaya naming kamag-anak dahil sa laki ng utang namin sa kanila. Saka iniidolo po kita dahil sa napakabata mong edad ay nakakapagmanage ka na ng isang kompanya." ang deretsahang sabi ni Allan. Hindi ko naman maiwasang maluha.
"Tama na iyan, baka mauwi pa ito sa iyakan" ang sabi kong nagpupunas na ng luha.
Doon pa lang sa sitwasyon na iyon ng pagpapakita ng kanyang positibong pananaw nabatid ko sa sarili na mahal ko na siya.
___________________________________________________________________________________
Nasa kasagsagan ako ng pag-aalaala sa nakaraan namin ni Allan nang biglang nakarinig ako ng pagkatok.
"Ric, ayos ka lang ba buksan mo ang pinto" boses ni Mike na nag-aalala na sa akin. Inayos ko na ang aking sarili at binuksan ang pinto para harapin siya.
"Tara na, nagbawas lang ako hehehe" ang nakangiti kong sagot sa kanya upang maitago ang totoo kong emosyon.
No comments:
Post a Comment