"Pasensiya na po sir" ang nakayukong paghingi ko ng tawad sa kanya. Kita ko ang pag iling-iling niya sa sinabi ko. Ang galit sa mukha niya ay parang napalitan ng kung anong lungkot.Tinakpan niya ng dalawang kamay ang mukha at nagsalita.
"Ayoko nang mauulit pa ito ha, at sa susunod ipapaalam mo sa akin ang mga lakad mo" ang mahinahon na niyang sabi sa akin. Kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag.
"Nginitian ko siya at nagpasalamat. "Salamat po sir, promise ko po na hindi ko na uulitin.
"Sige maaari ka nang lumabas" sabi niya habang tinatakpan ang mukha ng dalawang kamay.
Pagkabalik sa mesa, itinuloy ko na ang pagrereview sa mga files ng kompanya sa computer maging sa mga documents na nasa ibabaw ng aking mesa. Ilang minuto ang lumipas nang biglang lumapit sa akin si Suzie.
"Sir Rico, ano na po ang nangyari?" ang tanong niya.
"Ok na Suzie, sinigawan lang naman niya ako pero ayos na ang lahat basta hindi ko na uulitin ang ginawa ko sa susunod." sagot ko sa kanya.
Parang nabigla siya sa sinabi ko kaya tinanong ko siya. "Bakit ganyan ang reaksyon mo?"
"Nagtataka lang po ako kay Sir Carlo, kasi kapag may ganyang empleyado siyang nagkamali, agad niyang sinesesante pero ikaw pinagbigyan ka pa. Ang swerte mo naman Sir Rico" sagot ni Suzie.
"Siyempre first day ko pa lang" ang nasabi ko na lang kahit medyo naintriga ako sa sinabi niya.
"Sir may chika ako sa inyo kanina nga pala nung wala ka, dumating si Sir Carlo, may dala siyang lunch galing pizza hut tapos hinanap ka niya sa amin. May nagsabing isang employee dito na nakita ka daw niya sa KFC kaya agad siyang sumunod doon. Pero nakapagtatakang bumalik siya dito na galit na galit tapos pinatapos langs sa diyanitor yung binili niyang pizza. Grabe nakakatakot ang mukha niya kanina" ang mahabang pahayag ni Suzie.
Medyo ikinatuwa ko naman ang mga narinig ko sa kanya. Kahit papano pala ay inaalala pala ako ni Kuya Carlo, sayang naman at hindi ko siya nakasabay sa lunch.
"Sige salamat Suzie bumalik ka na sa trabaho mo baka abutan ka ni Sir Carlo e kung ano pa isipin nun sayo" ang paalala ko sa kanya.
Halos 10 minuto lang buhat ng umalis si Zuzie nang lumabas si Kuya Carlo at lumapit sa akin. "Ahm Rico, pasensiya ka na kung nasigawan ulit kita kanina"
Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Biruin ba naman siya pa ang nagsorry sa akin."Sir hindi niyo po kailangang gawin yan, ako naman po talaga ang may kasalanan, dapat ako pa ang dapat nagpapakumbabang mag sorry sa inyo" ang nahihiya kong pahayag.
Nahalata ko sa mukha na medyo namula ito. Pero hindi niya ito pinahalata sa akin at nagpakaformal. "Ok, lalabas muna ako saglit" sabi niya.
Kahit nagtataka ako sa ginawa niya ay hindi ko na lang ito binigyang-pansin at itinuloy ko na lang ang ginagawa.
Sumapit na ang oras ng uwian, nang hindi pa nakakabalik si Kuya Carlo kaya hindi ako makapagpaalam sa kanya. Nagpasiya akong hindi na siya hintayin at umuwi na. Maiintindihan naman niya siguro ang aking pagmamadali dahil sa kondisyon ni nanay.
Nang matapos sa pag-aayos ng mga gamit, bumaba na ako sa lobby. Papalabas na ako nang lapitan ako ni Jerome, halatang inaabangan niya ako.
"Mag-isa ka lang ba uuwi Rico?" ang nakangiting si Jerome. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.
"Ganun ba, tutal mag-isa rin ako e pwede naman sigurong sabayan kita." ang walang kahiya-hiyang pahayag niya. Pumayag na rin ako sa gusto niya. Kita ko ang mga tilian ng mga empleyado doon pero hinayaan ko lang sila at nginitian.
Habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep, "Kita mo na kung paano ka pagpantasiyahan ng mga kasamahan natin doon" si Jerome.
"Sanay na rin ako diyan pati rin sa amin ganoon ang mga tao" sagot ko sa kanya.
"Hindi na piggy boy ang itatawag ko sa iyo kundi hunky boy" ang natatawang sabi niya.
"Ano ka ba meron bang ganun word?" natatawa na rin kong tanong.
"Ah eh Rico, bago sana tayo umuwi e magmeryenda muna tayo" si Jerome.
"Pasensya ka na, kailangan ko na talagang makauwi e, alam mo naman siguro ang konsisyon ng nanay ko." ang pagtanggi ko sa offer niya.
"Ok, ganito na lang mag take-out na lang tayo ng pagkain sa KFC at ihahatid kita sa bahay niyo para doon na lang tayo kumain"
"Sa KFC na naman, baka maubos na ang pera mo niyan, nakakahiya naman sa iyo"
Umiiling siya na sumagot."Basta ako ang bahala, hindi naman ako nanghihinayang na maubos ang pera ko basta kasama kita"
Halos mamula na rin ang mukha ko at hindi makatingin sa sinabi niya pero hindi ko ito pinahalata. "Ang drama mo naman, sige na nga bumili na tayo, bilisan lang natin" ang pagpayag ko sa alok niya.
Agad kaming bumalik sa KFC. Ganun pa rin ang inorder niya, katulad ng mga kinain namin kanina pero dinagdagan pa niya ito para kay nanay. Pagkatapos ay dumeretso na papuntang sakayan. Nang makarating, umupo muna kami sa isang waiting shed habang naghihintay ng masasakyan jeep. Para hindi mainip nag-kwentuhan muna kaming dalawa.
Nasa kasagsagan kami ng masayang pag-uusap ng mapansin ko ulit ang magandang kotse na nakapark sa isang tabi sa kabilang bahagi ng kalsada. Pero hindi ko na ito binigyang pansin, marami naman kasing taong magkakaparehas ang sasakyan. Makalipas ang halos dalawang minuto, nakasakay na rin kaming dalawa.
Halos magdidilim na nang makauwi ako ng bahay. Dahil kasama ko si Jerome, niyaya ko siyang pumasok sa loob.
"Nay nandito na po ako" sabi ko sabay mano sa kanya habang nakaupo ito sa sofa.
"Mabuti naman iho at nakauwi ka na, teka sino ba itong kasama mo?" si nanay nang mapansin ang kasama ko.
Sasagutin ko sana nang biglang nagsalita si Jerome. Siya na ang nagpakilala sa kanyang sarili. "Ako posi Jerome kasama po sa trabaho ng anak ninyo" sabi niya at nagmano din.
"Ah, aba kagwapo ring bata ito at mukhang mabait. Natutuwa ako sa iyo anak dahil unang araw mo pa lang ay nagkaroon ka na agad ng kaibigan" natutuwang sabi ni nanay. Ngumiti lang kami.
"Tara kumain na muna tayo, habang mainit-init pa ang mga pagkain" yaya ko sa kanila.
Habang kumakain, kinuwento ko kay nanay na magkababata at magkaklase sila noon ni Jason.
"Iho, sa pagkakaalam ko e engineering ang kinuhang kurso ni Jason tapos ikaw ay head ng accounting sa trabaho. Paano nangyari iyon?" ang nagtatakang tanong ni nanay. Kahit ako rin hindi ko agad naisip iyon.
"Nung first year lang kami naging magkaklase. Nagshift lang po ako ng accountancy dahil medyo nahihirapan ako sa engineering" ang paliwanag ni Jerome.
"Ah ganun pala" si nanay habang tumatango-tango ang ulo.
"Ikaw naman anak, kamusta na ang unang araw mo sa trabaho"tanong sa akin ni nanay.
"Ok naman po nanay, medyo nangangapa pa rin ako" ang sagot ko.
"Sa umpisa lang yan, masasanay ka rin. E kayo naman ni Carlo kamusta na kayo" ang sunod niyang tanong.
"Ok rin po" \sagot ko.
"Pwede bang ipaabot mo sa kanya ang pasasalamat ko sa naitulong niya sa akin pagpasok mo bukas. Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakikita ng personal e, sana maisipan naman niyang duaman dito kapag dinalaw niya ang Tita Mely mo kahit saglit lang" pakiusap ni nanay.
"Sige po" ang nasabi ko na lang. Napapangiti na lang ako sa mga oras na iyon.
Pagkatapos kumain, masaya pa kaming nagkuwentuhan ng kung anu-ano na umabot ng halos isang oras. Pasado 8pm na nang magpaalam siya para umuwi. Hinatid ko siya sa labas.
"Sige Rico, see you tomorrow na lang" si Jerome.
"Ingat ka ha at salamat sa lahat" ang nakangiti kong sagot sa kanya.
Nang pagbuksan ko siya ng gate para makalabas ay napansin ko ulit ang magandang kotse na nakapark ulit sa tapat ng bahay ni Tita Mely. Marahil ay napansin na ni Jerome ang pagtataka ko kaya nagsalita siya.
"Di ba ganyan din ang nakita mo kanina sa sakayan, ang gandang kotse ano, bagong model ang sasakyan na iyan."
"Huwag na nga nating intindihin yan, mabuti pa at umuwi ka na masyado nang gabi baka hindi ka na makapasok bukas" ang pag-iiba ko ng usapan.
"Sige alis na ako bye" ang nakangiting si Jerome."
Hinintay ko lang na makalayo ng husto si Jerome bago ako bumalik sa loob. Nang hindi ko na siya nakikita ay pumasok na ako. Akmang isasara ko na ang gate nang makita kong nagbukas ang pinto ng kotse. Nabigla ako sa taong lumabas dito lalo na sa kakaibang aura ng kanyang mukha. Naglakad siya papalapit sa akin.
Itutuloy.....
No comments:
Post a Comment