Sunday, November 28, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Last Part

Agad pinaharurot ni Pat ang kanyang sasakyan papunta sa sinasabing ospital ni tita. Ang nararamdaman kong pag-aalala ay lalong lumala. Tuluyan na akong umiyak. "Best, hindi ko kakayanin kapag mawala siya sa akin" ang naluluha kong pahayag kay Pat.
"Huwag kang mag-alala, alam kong makakaligtas si Jake." sagot niya. Alam kong sinabi lang niya iyon para pakalmahin ako.

Nang makarating, dali-dali kaming nagpunta sa emergency room pero hindi namin siya nakita kaya nilapitan namin ang isang nurse na nasa information.
"Excuse me po may dinala po bang pasyente dito na ang pangalan ay Jake Montecarlo." ang natataranta kong tanong.
"Ah meron po, nandun na po siya ngayon sa Rm. 404 sa fourth floor." ang sagot ng nurse.

Nagmadali kaming umakyat sa sinsabing kwartong pinagdalhan kay Jake. Buti na lang at natyempuhan namin ang elevator kaya mabilis kaming umakyat. Pagkadating sa fourth floor, agad naming nilibot ang mga aming mga mata sa mga pinto doon. Maya-maya nakita na namin ito. Kumpirmado, nakalagay ang pangalan ni Jake sa pinto na iyon. 

Hindi ko agad nagawang buksan ang pinto. Parang hindi ko kasi kakayanin ang makikita ko sa loob.Pero mas nanaig sa akin ang pag-aalala sa taong mahal ko kaya nilakasan ko na lang ang loob ko. Naiiyak pa rin akong pinihit ang doorknob.

Nang makapasok sa loob, isang kahabag-habag na Jake ang nakita ko. May benda ang kanyang ulo braso at binti habang naka dextrose. Nilapitan naman ako ng mga magulang ni Jake pati na rin ni tatay na naroroon rin.
"Nakita na lang siya ng mga taong nakahandusay sa daan na duguan. Sabi ng mga nakasaksi na nahagip siya ng isang sasakyan habang naglalakad ng lasing. Tinakbuhan lang siya ng driver." si Tita na umiiyak na rin.
"Kamusta na po ang lagay niya?" ang sunod kong tanong sa kanila.
"Kritikal ang lagay niya. Himala na lang kung magkamalay siya kaagad" sagot ni Tito Eddie.
"Kasalanan ko ito, kung noon pa lang ay bumalik na ako sa inyo, hindi na ito mangyayari pa sa kanya. Alam ko masyado na siyang nasaktan sa mga ginawa ko" ang nauutal kong sabi kay Tita habang umiiyak din.
Hinaplos naman ni tatay ang aking likod. "Anak, huwag mong sisihin ang sarili mo, hindi mo kagustuhan ang nangyari. Hindi mo rin naman kasi alam pa ang totoo noon"

Umiiyak pa rin akong nilapitan si Jake at humawak. "Jake, bakit nangyari sa iyo ito?  Patawarin mo ako kung sinaktan ko ang damdamin mo. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari sa iyo ito e. Sana naman ay magising ka na. Gusto na kitang makitang maging masaya ulit lalo na sa magandang balitang sasabihin ko sa iyo. Promise ko sa iyo na hindi na kita iiwan muli. I love you so much Jake." Pagkatapos noon ay niyakap ko na siya at tuluyan nang humagulgol, ang lahat ng aking emosyon ay inilabas ko na. Basang-basa na ang suot niyang puting damit sa mga luha ko.

Ilang segundo rin ako na nasa ganoong sitwasyon nang biglang may humaplos sa ulo ko at nagsalita. "Promise mo yan ha"

Sobrang nagulat ako nang lingunin ko kung sino ito. Si Jake na nakangiti sa akin. Maya-maya narinig ko na ang mga tawanan ng mga magulang niya pati ni tatay.

"Galing ng eksenang ito, para akong nanonood ng teleserye." si tita.
"Ibig sabihin nito wala talagang nangyari sa iyo" ang nagtataka ko nang tanong kay Jake.
"Oo naman, tignan mo pa ang buong katawan ko" sagot niya sabay tanggal ng lahat ng mga nakalagay at nakakabit sa katawan. 
"Ikaw talaga, niloloko mo lang ako ha. ang nasabi ko na lang sa kanya.
"Pati kayo pinagkaisahan ninyo ako" ang medyo tampo kong baling kina tatay, Tita Edna at Tito Eddie.
"Ako ang nakaisip nito at natutuwa ako dahil sobrang effective. Pero yung sinabi mo ha promise mo yan sa akin" si Jake.
Maya-maya umupo siya, nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at binigyan niya ako ng isang smack sa labi.
"I love you Dave" ang nakangiti niyang sabi pagkatapos noon.
Niyakap ko na lang siya na naluluha pa rin. Pero this time tears of joy na ito.
"Hay ang saya naman nila" ang masaya nang sabi ni Tita.
"Oo nga kaya bukas na bukas din magcecelebrate tayo."si Tito Eddie.
"At magluluto ako ng mga masasarap na pagkaing ihahanda" si Tatay.

Lumapit si Pat sa amin at nagsalita. "Pare, pangalawang pagkakataon mo na ito. Sana hindi na maulit pang masaktan ang bestfriend ko sa iyo"
"Pangako pare, aalagaan ko at mamahalin ng buong puso ang bestfriend mo" sagot ni Jake. Nagkamayan silang dalawa.

Sinabi na rin sa akin ni Jake na alam na rin niya ang totoo. Nag-usap na pala sila ni Cathy nang gabi ring iyon. Kaya pala hindi siya kasama nina Mark at ng kapatid niya. Agad niya akong pinuntahan sa tinitirhan namin para sabihin ang magandang balita. Nalaman niya kay tatay na nagpunta ako sa kanila kaya dali-dali siyang bumalik sa bahay nila. Doon ikinuwento ng mga magulang niya ang lahat ng pinag-usapan namin. Dahil sa alam na naming pareho ang totoo ng mga oras na iyon, ito ang naisip na plano ni Jake. Siguro para mailabas ko ang lahat ng saloobin ko sa kanya pati na rin ang malaman niya ang mararamdaman ko kung sakaling tuluyan na siyang mawala.

Kinabukasan, agad nagdaos ng isang party ang pamilya nina Jake. Habang busy ako sa pag-eentertain ng mga bisitang inimbita ni Tito Eddie, nilapitan  ako nina Erika, kasama si Pat, ang kanyang partner pati si Mark. Nag-usap kami sa isang mesa.

"Buti naman at nakarating kayo, ikaw Mark bakit hindi mo kasama ang kapatid mo at saka nasaan si Cathy?" tanong ko agad.
"Ah magkasama na sila ngayong dalawa. Hindi ko alam kung saan nagpunta e" ang nahihiyang sagot ni Mark.
"Ah ok, salamat sa pagdalo Mark." ang nakangiti kong pahayag.
"Wow naman ang saya mo na ngayon friend, natupad na rin sa wakas ang pangarap mo. Napasaiyo na campus heartrob na pinagpapantasyahan mo noon pa." si Erika.
"Tama ka, sobra na ang kaligayahan ko ngayon, wala na akong maihihiling pa" ang nakangiti kong sagot sa kanya.
"Kaya magdo double honeymoon tayo." ang biglang sabat ni Jake na nasa likod ko pala. Yumakap siya sa akin nang patalikod.
"Anong sinasabi mong double honeymoon?" ang tanong ko na nagtataka.
"Idea ito ng bestfriend mo, ang maghoneymoon tayo sa Hawaii." si Jake. Napalingon naman ako kay Pat at sa partner niya.
"Tama siya, para na rin makapagpahinga ang utak ninyo. Aalis tayo sa friday, mga tatlong araw lang tayo doon para hindi kayo makapag-absent." si Pat.

Sasagot sana ako nang may lumapit sa aming mga grupo ng kalalakihan. Namukhaan ko ang mga ito. Mga kaklase pala ito ni Jake noong high school.

"Wow pare, congrats sa inyong dalawa" sabi ng isa.
Tumayo na siya mula sa pagkakayakap sa akin at hinarap ang mga bagong dating."Salamat mga pare"
"Pero alam mo hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa iyo. Akalain mo ba namang kayo pa ang nagkatuluyan." sabi ng katabi niyang lalaki.
"Ewan ko ba mga tol, talagang tinamaan ako dito kay Dave e hindi ko maipaliwanag." ang nakangiting sagot ni Jake.
Maya-maya tinawag na kaming lahat ni Tita para kumain.

Gaya ng napagplanuhan, tinuloy namin ang double honeymoon sa Hawaii. Namasyal kami sa magagandang tanawin at beaches na naroroon. Siyempre hindi mawawala ang aming mga private moments tulad ng "sex" hehehe.

Sa bahay na ulit kami ng mga Montecarlo nakatira dahil sa pamimilit ni Jake. Tatlong taon ang lumipas, dahil sa pagpupursige sa pag-aaral sa tuling ng tutorial namin ni Jake, natapos ko na ang kursong nuirsing at kasalukuyang naghahanda para sa board exams. Si Jake naman ay tuloy pa rin, tatlong taon pa siya bago makapagtapos. ang kurso kasi niya na pagdodoktor ay pitong taon.

Hindi pa rin mawawala sa amin ang tampuhan. Pero agad namin pinag-uusapan ito para maayos agad. Minsan kapag alam niyang galit ako sa kanya, dinadaan niya ako sa pagkasweet niya. Nandiyan yung binibigyan niya ako ng chocolates, hinahalik-halikan at kinikiliti. siyempre ako naman bibigay agad dahil sa pag-ibig ko sa taong ito.

Pinangako namin sa isat isa na kahit anumang pagsubok ang darating sa amin ay lakas loob naming haharapin dahil ito ang susukat sa tatag ng aming pagsasamahan.  Pilit rin naming ipaglalaban ang aming pagmamahalan kahit mali ito sa pananaw ng lipunan. Ang mahalaga ay wala kaming nasasaktan o naaagrabayadong tao.

End of Series 1.

22 comments:

  1. whaahhaahhah !!!
    ang cute ng ending !!!




    KUDOS !!!!!

    ReplyDelete
  2. wow! bilib tlaga ako sau daredevil! :)) keep it up! nice ending.. nkakabitin ng lang ang sex scenes.. hehe :)

    ReplyDelete
  3. HAAAAAAAAAY KAKAKILIG :""""> wish I find my prince charming too :( :))

    ReplyDelete
  4. wow nice ang ending sarap basahin kahit puyat ako tinapos ko pag babasa sulit ang puyat ko...

    sana sa mga nag babasa tulad ko maka kuha kayo ng aral sa relasyon na ito...

    daredevill thank you sa blogs mo...

    jeo ksa
    04/21/2011

    ReplyDelete
  5. wow!!! nice story! na hook ako. bukod s true love pinapkita rin s story n ito ang tunay n pagkakaibigan. ngulat lng ako klagitnaan ng may sumulpot n tauhan n katukayo ko.
    -emjae-

    ReplyDelete
  6. BINASA KO ULIT!! HAYYYY <3 nu ba yan asan na ba yung jake ko!!!!!

    ReplyDelete
  7. sana may isang katulad ni Jake dto sa KSA.

    ReplyDelete
  8. kinilig ako te, para akong nanood ng movie.. as i imagine it...ang haba ng hair ni dave... sana makahanap ako ng jake ko charosss.....

    ReplyDelete
  9. E here!
    maganda tong gawing indie film.... naku daredevil e-copyright nato.. baka isang araw nakita mo na yong story sa indie... promise maganda.. kilig!!!

    ReplyDelete
  10. ` hahahha ang sarap mag.basa ung mga gimik parang isa ito sa mg kwento ni mikejuha na ang title ay "ANG KUYA KONG CRUSH NG BAYAN " sakto lhat nam eksena iniba lng ng konte !

    ReplyDelete
  11. Ang ganda ng kwento totoo naman nangyayari ang mga bagay bagay na ito sa isang tao inilalarawan lang ng kwento ang realidad ng buhay at sexuality ng isang tao ang twist na nangyayari sa buhay natin. Kung tutuosin magandang ihimplo sa mga kabataan ngayon ang aking nabasa at kasunod nito Ang mga paguugali ng mga magulang nila ang lalo sa akin ngpasaya sa pagiging maalalahanin at matulongin nito.

    Nariyan din ang emosyon mo na minsan nabibiak ang puso ko na parang ikaw ay nasasalaming mo sa kwentong binabasa. Gayun pa man bawat isa tayo ay may kwento na maisisiwalat. At masasabi sa madla.

    Masayang masaya ako sa aking nabasa
    Sa sumulat ng kwento o sa kung sino man sumasalaming sa katauhan ng mga tao sa kwento
    Sa panahon ngayon tanging kasiyahan ay dapat lubosin na natin.

    Nga pala isama nyo na din ako sa sumusoporta sa relasyong inyong sinuong basta masaya kayo nandito lang kami suporting everything on your way Good Luck and Good Bless!!!

    ReplyDelete
  12. Wonderful love story! It's great how you brought in different characters that increases the dynamics of the story. Hope all your stories get published in a book!

    ReplyDelete
  13. saang website pa po merong mga tagalog gay stories? :D ehe

    ReplyDelete
  14. wow! sana gnyan dn mngyari smin ng bf q ngauan!

    ReplyDelete
  15. super love ko ang story! haha =)

    ReplyDelete
  16. 3x ko na tong basa... kinilig pa din ako...
    hehehehehe
    thanks for the wonderful story...

    kudos author...

    ReplyDelete
  17. nice,,,,,its worth to read it!!!....
    really inspiring!!
    kudos to the writer!!!!

    ReplyDelete
  18. ang cute ng ending! omy god! grabe!!!!!!!

    ReplyDelete
  19. Nakakakilig..tapos ang ganda pa ng ending..
    Love it.
    Kudos sa author

    -Arvin-

    ReplyDelete
  20. Hay! <3 love is in this story. Hehe. Galing! Kudos! ;)

    ReplyDelete
  21. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  22. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete