"Ano ang ibig sabihin nito, bakit mo siya kasama at saan kayo nagpunta?" ang sunud-sunod na tanong ni Mike.
"Siya ang nagsundo sa akin sa opisina yun lang" ang casual kong sagot sa kanya.
"Kanina pa ba kayo magkasama kaya pala hindi mo sinasagot ang mga calls ko" si Mike.
"Halika na Allan, wala na akong balak pang magpaliwanag sa kanya." yaya ko kay Allan na pumasok sa aking tirahan. Aktong aakbayan na sana ako ni Allan papasok nang bigla siyang natumba sa semento. Tinulak pala siya ni Mike.
"Walang hiya ka, di ba nag-usap na tayo tungkol sa bagay na ito." galit na sabi ni Mike. Nilapitan pa siya nito at sinuntok ang mukha. Agad ko silang inawat.
"Pwede ba tumigil ka na Mike. Ano ba ang problema mo?" sabi ko. Tinulungan ko naman si Allan na makatayo.
"Dapat ako ang magtanong sa iyo niyan, bigla ka na lang nag-iba ngayon" galit na sagot ni Mike.
"Siguro Mike, palipasin muna natin ito, pagod na ako, gusto ko nang magpahinga"
"Magpapahinga ka kasama mo ang gagong ito, hindi ako papayag" si Mike.
"Hindi ko naman sinabing kasama ko siya sa pagtulog, bisita ko lang siya ngayong gabi." paliwanag ko sa kanya.
"Tama siya tol, sa katunayan nga sabay lang namin kakainin itong binili ko sa kanyang Jollibee." si Allan sabay kuha sa loob ng kotse ng pagkain.
"Ah ganun pala ha, sige aalis muna ako babalik agad ako" si Mike at sumakay sa loob ng kanyang kotse.
"Tara na Allan, kainin na natin ito sa loob kanina pa ko nagugutom." Pagkapasok sa loob, agad kaming pumunta sa mesa. Habang kumakain, biglang nagtanong si Allan.
"Ayos ka lang ba Ric, ang lalom yata ng iniisip mo?" ang concern na si Allan.
"Ayos lang ako, masyado lang akong pagod. Bilisan na natin para makapagpahinga na ako marami pa akong gagawin sa office bukas" sagot ko sa kanya.Bigla kong naalala ng binanggit ni Mike kanina na pinag-usapan nila kaya tinanong ko kay Allan kung ano ito.
"Allan, ano yung sinasabi ni Mike na pinag-usapan ninyo?" ang curious kong tanong sa kanya.
Bago siya sumagot ay kumain muna ng 2 pirasong french fries. " Yun ba sinabi niya sa akin na titigilan ko na ang panunuyo ko sa iyo. Nangako naman ako sa kanya na gagawin ko iyon pero hindi ko matiis e. Ang hirap kasing pigilan ang damdamin" si Allan habang ngumunguya."Ikaw naman ano ba ang problema sa inyo ni Mike?"
"Sa totoo lang naguguluhan ako ngayon. Maayos na sana ang relasyon namin ngunit may humahadlang. Yung major investor ko sa kompanya, ang ama niya, tutol siya sa amin. Alam mo naisip ko rin na isuko ko na lang siguro ang sarili kong kaligayahan, wag lang mawala ang lahat ng mga pinaghirapan ko pati na rin ang kapakanan ng aking mga empleyado. Kung aalisin ni Mr. Chua ang kanyuang suporta, sigurado akong marami sa kanila ang mawawalan ng trabaho, paano na lang ang pamilya nila di ba?" ang mahabang sagot ko kay Allan.
"Alam mo iyan talaga ang nagustuhan ko sa iyo, masyadong malawak ang pang-unawa mo kaya hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko" Si Allan na nakangiti.
Patuloy pa rin kami sa pagkain nang biglang may narinig akong pumasok ng pinto. Alam ko na agad na si Mike ito dahil siya lang ang taong malayang nakakapasok sa aking bahay. Hinihingal siya at dala-dalang pagkain galing sa Mc. Donalds.Dumeretso siya sa mesa kung saan kami kumakain, itinaboy ang mga kinakain namin at inilapag ang mga dala niya.
"Ano ginagawa mo kumakain kami?" ang tanong ko sa kawirduhang ginawa niya.
"E di kakain tayo, halika may dala akong spaghetti, chicken, cheeseburger at french fries.Sinamahan ko na rin ng sundae at coke folat para may dessert tayo. Tara kain na tayo" si Mike. Kinuha niya ang upuan at tinabi sa akin. Pagkatapos, nilayo sa akin ang kinakain kong chickenjoy at inihain ang mga dala niya. Sinubuan pa niya ako ng french fries. Napatingin naman ako kay Allan, kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya at pagtataka.
"Ano ka ba Mike, para kang bata sa mga ginagawa mo?" ang naiirita kong sabi sa kanya.
"Naiilang ka ba sa mga ginagawa ko sa iyo dahil nandito si Allan. Wala siyang pakialam dahil mag boyfriend tayo." si Mike na sinusuan pa ako ng hamburger.
"Baka naman maging babo na ako sa ginagawa mo" sabi ko sa kanya. Natawa lang siyang sumagot. "Mas maganda nga iyon para may lagi akong panggigigilan at malambot na mayayakap sa gabi."
"Tumigil ka nga diyan" Medyo napansin ko naman na parang na out of place si Allan. "Allan pasensiya ka na sa ungas na ito ha"
"Ok lang ako sige tutuloy na ako next time na lang ulit Ric" ang sagot ni Allan.
"Mabuti pang umalis ka na at anong pinagsasasabi mong next time, hindi na mangyayari iyon" si Mike. Bigla naman niya akong inakbayan habang pinapakain at patingin-tingin kay Allan na animoy nang-iinggit. Kita ko kay Allan ang pagpipigil ng kanyang emosyon.
"Sige Ric aalis na ako" si Allan. Tatayo sana ako para samahan siya palabas ng bigla akong niyakap ni Mike.
"Huwag mo na siyang ihatid, alam naman niya ang palabas dito. Kumain na lang tayo." ang nakangiti niyang sabi. Hindi ko na makuhang magmatigas.
Ewan ko ba dahil na rin siguro sa nararamdaman kong pagmamahal sa kanya ay hindi ko makuhang tanggihan at pigilan ang mga ginagawa niya. Pagkatapos namin kumain, niligpit na ni Mike ang mga kinainan. Ako naman ay nagpasiya nang pumunta sa kwarto. Paakyat na ako ng hagdan nang biglang sumabay sa akin si Mike sa hagdan at inakbayan muli papasok ng kwarto.
"Bakit hindi mo ako hinihintay, tabi tayong matutulog ngayon." si Mike.
Naalala ko naman ang mga sinabi ng ama niya kanina sa akin. "Hindi na pwede Mike"
"Anong hindi, lahat ng bagay sa akin pwede unless lang na ang reason mo ay valid." si Mike. Alam ko naman na hindi ako mananalo sa kanya kaya naisip kong tumakbo papasok at i-lock ang pinto. Pero useless din dahil naunahan niya akong makapasok sa kwarto na parang kuneho. Nakangiti siyang humiga ang kama na waring sumesnyas na humiga na rin ako sa tabi niya.
"Shower muna ako at saka sa sahig ako matutulog" pagtatanggi ko sa nais niyang mangyari.
"Ok, pero hindi ako papayag sa sahig ka. We will sleep together with his bed" sabi niya na may ngiting parang nanunukso.Hindi ko na siya pinansin pa, kumuha na ako ng twalya at pumasok na sa CR.
Sa totoo lang nakakaramdam ako ng kilig sa mga ginagawa niya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit tuluyang nahulog ang damdamin ko, ang pagiging sweet niya. Paglabas ko, nakita ko siyang nakapikit ang mata. Nakatulog na siguro siya. Mabuti na rin iyon para hindi niya malaman na sa sahig ako matutulog.
Nagbihis na ako ng isang sando at boxer shorts. Pagkatapos nilatag ang isang kumot sa sahig. Ilalapag ko na sana ang unan nang bigla may humila sa akin papunta sa kama. Napahiga na lang ako at pumaibabaw siya sa akin. Si Mike pala ito na nakangiti sa akin.
"Akala mo tulog na ako ano, sabi ko sa iyo na dito ka matutulog katabi ko, bakit ang tigas ng ulo mo?" si Mike.Halos Hindi ako nakapagsalita dahil sa anghel na mukhang nakikita ko. Parang nahipnotismo na naman ako.
"Hindi ka na makapagsalita. Good boy." si Mike. Maya-maya bigla na niya akong hinalikan.
Tila nakalimutan ko na ang mga sinabi ni Mr. Chua kanina. Tuluyan nang may nangyari sa aming dalawa. Inilabas naming dalawa ang init ng katawan at bugso ng aming damdamin sa isat-isa. Magkatabi na kaming nakatulog ng gabing iyon na walang saplot.
Kinabukasan, nagising ako nang wala si Mike sa tabi ko. Bigla naman akong nakaamoy ng pagkain. Naisip ko na pinagluto ulit ako ni Mike ng almusal. Napakasweet talaga niya grabe.
Nagbihis na ulit ako at bumaba. Nakita ko si Mike na nakaupo na at kumakain.
"Tara na babes kain na tayo, ihahatid na rin kita sa office niyo." ang nakangiting si Mike. Pinaghainan niya ako ng sinangag at bacon.
Bigla ko ulit naalala ang mga paalala sa akin ng ama niya kahapon. "Mike hindi mo na ako pwedeng ihatid simula ngayon sana maintindihan mo"
"Bakit si Allan na ba ang maghahatid sa iyo?" si Mike na may halong selos sa tono ng boses.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, medyo kumplikado lang ang sitwasyon" sagot ko sa kanya. parang hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang totoo.
"Alam kong may mas malalim pang dahilan babes, please sabihin mo naman sa akin oh" si Mike na hinawakan ako sa kamay. Napilitan na rin akong sabihin sa kanya ang lahat tutal malalaman pa rin niya ito.
"Ganito kasi Mike, tumututol ang Dad mo sa relasyon natin. Kung hindi natin ititigil ito, aalisin niya ang suporta sa kumpanya. Ayaw ko namang mangyari iyon na mawala ang lahat sa akin." ang pagtatapat ko sa kanya. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mike.
"Iyon pala ang dahilan, hayaan mo babes, ako ang mag-aayos ng lahat basta ipangako mo sa akin na hindi ka bibitiw sa relasyon natin, kasi ako kahit anong mangyari, hindi ko isusuko ang pag-ibig ko sa iyo" si Mike.
Na touch ako sa mga sinabi niya. Siya kasi, may lakas siya ng loob na ipaglaban ang pagmamahal niya sa akin di tulad ko na halos isuko ko na ang sariling kaligayahan.
Hinatid pa rin ako ni Mike sa kompanya nang umagang iyon. Sabay kaming umakyat patungo sa aking opisina. Habang naglalakad, sinalubong kami ng aking sekretarya.
"Good Morning po Sir, kanina pa po kayong hinihintay ni Mr. Chua sa loob. May kasama nga po siyang isang babae." sabi ni Jean.
Nakita ni Mike na bigla akong kinabahan. "Huwag kang mag-alala ako ang bahala, tara pumasok na tayo at harapin sila, ipakita mo na matatag ka" si Mike.
"Oo Mike sige" ang naisagot ko na lang. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Mr. Chua kausap ang isang magandang babae. Nasa makita niya kami agad siyang tumayo at nagsalita.
"Mabuti at nakarating ka na Ricardo at kasama mo pala ang anak ko ha. Talaga yatang may pagkamatigas ang ulo mo." si Mr. Chua na halatang inis sa tono pa lang ng boses.
"Dad, tigilan niyo na si Ric. Payagan niyo na po ang relasyon namin, mahal na mahal ko siya." ang biglang pagsasalita ni Mike.
Sumagot si Mr. Chua ng ubod ng lakas na halos makabasag ng eardrums. "Nahihibang ka na ba Michael, hindi mo alam ang mga sinasabi mo, nakakahiya naman kay Cynthia."
Sa sinabing iyon ni Mr. Chua, nalaman ko na siya pala yung Cynthia na binabanggit niya. Halos hindi na ako makapagsalita ng mga oras na iyon.
"Alam ko ang sinasabi ko Dad, at paninindigan ko ito." si Mike.
"Nagmamatigas ka pa ha, sige tignan lang natin kung ano ang mangyayari sa taong ito." si Mr. Chua na nakatingin siya sa akin.
Halos sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Para kasing kakainin niya ako sa mga titig niya. kaya ako na ang nagpakumbaba. "Pasensya na po kayo, hayaan niyo po ako na lang ang didistansiya sa kanya."
"Ric, ano ba yang sinasabi mo, nangako ka sa akin na hindi mo ako isusuko." si Mike.
"Tumigil ka nga Michael, tama siya, kailangan niyo nang dumistansiya sa isat isa lalo na at nalalapit na ang kasal ninyong dalawa." si Mr. Chua.
Tila isang bomba sa aking pandinig ang mga sinabi niya. Kita ko rin kay Mike ang sobrang pagkabigla.
Itutuloy.............
hayssst kakasad sabi ko na nga syota pala ni mike cynthia heheheeh ang tagal ko inantay itong story na ito ..pero paano c ric... magdudusa nmn ba cya uli mukhang si allan ba ang sasalo kay ric ? hmmppp mukhang kaabang abang itohh daredevil sana may updated na agad at i post narin agad heheh abusado .....bah hehehehe hmmp super kilig talga ako more power daredevil=)
ReplyDelete@pjaruel and rogie Llarin Tan
ReplyDeleteThanks for reading my stories, sana hindi kayo magsawa heheheh. I will post the other parts soon, medyo busy lang po. Ang dami ko kasing ginagawa sa school^^
grabe ilang araw na akkong nagbabasa d2 .. d ko mapigil .. sobrang ganda ng mga story ... habang iniintay ko update ng Campus Crsh , super kileg naman ako d2 sa mga storya na toh .... grabe sobrang ganda , s novel book lang ako kinikilig , d na ako nakakapagbasa ng novel ko dahil dito hahahaha
ReplyDeletemore ower daredevil ... pag natapos ko itong TUKSO .. hintay galore na ako hahahaha pero Patience is a Virtue hahaha
ay naku, hindi pwede sakin ang panakot ni Mr. Chua. Maraming bangko na nagpapautang. Maraming paraan. matalino si Ric dito s kwento at wag mo syang gawing tanga pagdating s negosyo. ok. Sa pagibig pwede mo syang gawing tanga.
ReplyDelete