Friday, November 5, 2010

TUKSO Part 10

Pagkatapos kumain, sinamahan kami ni Yaya Rosie sa tutulugan naming silid. Kita ko ang pagkainis ni Mike dahil hindi kami magkahiwalay kami ng kwarto.

"Yaya Rosie, baka pwede namang magsama na lang kami ni Ric sa iisang kwarto" ang request ni Mike.
"Aba iho, iyan po ang sabi sa akin kanina ni Sir, mabuti pang siya na lang ang kausapin mo" si Yaya.
"Dito ka lang Ric, kakausapin ko lang si Allan saglit." si Mike.
"Teka iho. kakaalis lang ni sir, may binili yata." si yaya ulit.
"Ah ganun po ba sige hihintayin ko na lang siya, sa ngayon magpapahinga muna kami sa magkahiwalay na kwarto" ang naiinis na sabi ni Mike. Wala naman siyang magagawa dahil hindi naman siya may-ari ng bahay.

"Tama ka Mike, sige papasok muna ako para makapagshower" sabi ko sa kanya.


Habang nasa banyo, naiisip ko pa rin ang mga nangyari.Napakaraming mga tanong ang bumabagabag sa isip ko. Una, buo ang pagmamahal ko kay Mike pero bakit parang bigla na lang nabawasan ito ng nagbalik si Allan? Pangalawa ano kaya ang magiging reaksyon ni Mike kap-ag nalaman niya ito?  Hindi ko na alam ang iba pang tanong dahil sa gulung-gulo na ang isip ko. Nang makatapos magshower, nagbihis lanjg ako ng sando at nagsuot ng boxer shorts na pinahiram sa amin ni Allan. Dahil sa hindi pa ako nakakaramdam ng antok, naisipan kong puntahan si Mike sa kanyang kwarto.


"Mike, si Ric ito" ang sabi ko habang kinakatok ko siya sa pintuan. Halos 5 minuto na ako nagkakakatok at wala pa ring Mike na nagbubukas kaya naisipan ko na lang na buksan ito. Kaya pala hindi niya binubuksan, nakatulog na pala siya. Halatang pagod sa biyahe. Hindi ko namana maiwasang pagmasdan ulit siya sa kanyang posisyon. Naaaliw akong pagmasdan ang mala anghel niyang na mukha, bakat ang matipunong katawan sa suot niyang puting sando at nakabakat niyang pagkalalaki sa suto niyang short. Nakakatukso talaga. Bigla akong nakaramdam ng init sa kanya pero naisip kong hindi tama na gawin ko ito sa ibang bahay. Kaya nagpasiya na lang akong lumabas ng bahay para magpahangin. Nagpunta ako sa isang hardin sa likod. Napakasariwa talaga ang hangin dito kumpara sa Maynila kaya nakakarelax. Masaya kong pinagmamasdan ang mga bulaklak at halaman. Maya-maya isang boses ang tumawag sa pangalan ko. "Ricardo"



Napalingon naman ako sa tumawag na si Allan.
"Hello, nakarating ka na pala"bati ko.
"Oo bumili sana ako ng mga alak para makapag-inuman tayo, san nga pala si Mike" si Allan.
"Nakatulog na siya sa pagod" casual kong sagot sa kanya.
"Ganun ba sige tayong dalawa na lang tara doon tayo sa mesa." yaya ni Allan. Hindi na ako nakatanggi sa kanya.


"Ric, si Mike na ba ang bago mong pag-ibig?" tanong niyang nagpabigla sa akin. Napatungo na  lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon.
"Ganun ba, siya naman kasi talaga ang first love mo pero Ric kung alam mo lang ang mga pagdurusa ko nang maghiwalay tayo. Hanggang ngayon may galit pa rin ako as sarili ko sa biglaan kong pagkawala, kaya wala akong magagawa kung ihanay mo ako sa mga walang kwenta mong nakarelasyon. Pero handa akong magpaliwanag sa iyo" si Allan. Hindi ako nagsalita at tinuloy lang ang  pag-inom ng alak senyales ko ng pagpayag sa gagawin  niyang pagpapaliwanag. Hinawakan niya ang  mga kamay ko saka nagpatuloy.
"Ricardo, hindi ko ginusto ang paglayo nating dalawa. Masyadong naging kumplikado ang sitwasyon ko e. Tutol kasi ang aking mga magulang sa ganitong klaseng relasyon palibhasa inudyukan sila ng aming mayayaman at relihiyosong kamag-anak na nagpadala sa akin sa Amerika. Hindi ko na makuhang tumanggi sa gusto nila kasi malaki ang pagkakautang ng pamilya namin sa kanila. Simula noon pinangako ko sa sarili ko na magsusumikap ako nang sa gayon ay makaya ko nang mabuhay ng di nakadepende sa kanila at magawa ko na ang mga gusto ko. Ang paghanga ako sa iyo ang ginawa kong inspirasyon. Nagbunga naman ang mga paghihirap ko. Nagkaroon na ako ng sariling negosyo at nabayaran ko na ang pagkakautang ng aming pamilya kaya wala na silang karapatang pakialaman ang buhay ko." ang mahabang paliwanag ni Allan.
"Maniwala ka Ric na hindi nagbago ang naramdaman ko sa iyo sa halip mas lalong tumindi ito nang makita kita ulit. Ang totoo pinaghahandaan ko pa lang ang muli nating paghaharap. At dahil mas napaaga ito sa hindi sinasadyang pagkakataon sasabihin ko sa iyo na gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa akin" ang dagdag  niyang pahayag.
"Wala na akong nararamdaman sa iyo Allan tapos na tayo" ang deretsahan kong sabi sa kanya sabay alis ng kamay mula sa pagkakahawak.
"Hindi ako naniniwala Ric, sinasabi mo lang iyan dahil kay Mike. Alam ko na may nararamdaman ka pa sa akin at iyon ang gagamitin kong inspirasyon para maangkin ka." si Allan.


Dahil sa may tama na ng alak natulala na lang ako sa mga sunod na ginawa ni Allan. Unti-unti niyang nilalapit ang mukha sa akin at naramdaman ko na lang ang paglapat ng amin mga labi. Hindi na ko nakatanggi dahil sa tukso. Ramdam ko ang pagkasabik sa kanyang mga halik. Siya na rin ang unang naghiwalay noon.


"Alam kong never ka pang nakaranas ng halik sa mga nakarelasyon mo maliban kay Mike. At ngayon hinalikan kita upang mapatunayan ang pag-ibig ko sa iyo Ric. Pasensya ka na kung ngayon ko lang ito ginawa." si Allan.



Naging speechless ako sa ginawa niya. Maliban kay Mike, nagawa rin niya akong halikan. Ang galit ko sa biglaan niyang pag-iwan sa akin noon ay unti-unti nang nawala.
______________________________________________________________________

Naalala ko ang una niyang pagtatapat sa akin na mahal niya ako isang gabi sa aking kompanya. Inabot na ako ng gabi sa dami ng aking trabaho sa opisina nang kumatok siya upang dalhan ako ng kape.


"Sir, magkape po muna kayo" si Allan na sabay abot sa akin ng kape.
"Salamat ikaw tapos ka na yata sa trabaho mo pwede ka nang umuwi" sabi ko sa kanya.

"Opo pero di muna ako uuwi. Kung pwede sana samahan muna kita dito?" si Allan.
"Naku huwag mo na ako alalahanin, safe ako may mga security guard naman dito." pagtanggi ko sa kanya.

"Ok lang sir, nasisiyahan kasi akong nakikita ko ang taong gusto ko e." si Allan. Nabigla naman ako sa huli niyang sinabing gusto niya ako.
"Alam ko pong nabigla kayo at nagtaka sa mga sinabi ko. Mahal ko po kayo sir, bigla na lang ito umusbong dahil sa kabaitan niyong pinapakita sa akin at pamilya ko." ang pag-amin niya. Kita ko sa mata niya na totoo ang sinasabi niya. Doon nagsimulang lumambot ang puso ko para sa kanya.

Naging kami na ni Allan. Pakiramdam ko napunan niya ang uhaw kong pag-ibig sa mga nauna kong nakarelasyon. Napakasweet niya kasi sa akin, minsan hinahatid ko siya sa kanila. Binibigyan ko din ng pinansiyal na tulong ang kaniyang pamilya. Lumalabas din kami paminsan-minsan. Ganito ang naging set-up namin ng halos 4 na buwan. Akala ko magtutuloy-tuloy na ito pero di pala.  Bigla siyang naglaho. Nang puntahan ko ang tinitirhan ng kaniyang pamilya, nalaman kong nangibang bansa na sila. Muli naulit na naman ang mga pagdurusa ko. Isa rin pala siya sa mga gumamit sa akin. Matapos makuha ang aking pera ay bilang mawawala parang bula.
______________________________________________________________________
At ngayon makalipas ang tatlong taon, nagbalik siya upang ipaliwanag ang kanyang pagkawala at ibalik ang dati naming samahan.

Tuloy pa rin kaming nag-iinuman nang bigla kong narinig ang boses ni Mike."Allan  nandito lang pala kayo. Mukhang lasing na lasing na si Ric kaya iakyat ko na muna siya sa kwarto niya." si Mike.
"O..o..o..ok sige mabuti para makapagpahinga na siya ang narinig kong pautal na sabi ni Allan. Hindi ko mawari kung ano ang iniisip niya sa mga oras na iyon. Ang pakiramdam ko lang ay para siyang nilayuan ng kaligayahan base sa tono ng kanyang pagsagot kay Mike.


Inakay na ako ni Mike papunta sa tutulugan kong kwarto. Ihiniga niya ako sa kama. Naramdaman ko na lang na tinabihan niya ako at niyakap. Maya-maya bigla siyang pumatong sa akin at hinalikan ako.

Itutuloy............

No comments:

Post a Comment