Nang magising ako, at pinagmasdan ang paligid kung nasaan ako, napansin kong pamilyar ang lugar na ito sa akin. Tama, ito ang naging kwarto ko noon na naging saksi sa aking kabiguan sa pag-ibig. Maya-maya- isang lalaki ang pumasok sa kwarto na may dalang pagkain. Nang makita ko siya napansin ko ang pagpayat niya at malamlam na mata pero nandun pa rin ang kanyang kagwapuhan. Pinabayaan na niya yata ang sarili.
"Buti at gising ka na, ito kumain ka muna oh ako ang nagluto niyan" si Jake na nakangiti at sinubuan ako ng sopas.
"Bakit ako nandito?" tanong ko sa kanya.
"Dave please, ito lang ang naisip kong paraan para bumalik ka dito at makapag-usap tayo. Sana ka namang magalit" si Jake.
"Hindi ako galit Jake, dumidistansiya lang ako sa iyo"
"Hindi Dave, umiiwas ka sa akin, pakiusap huwag mo namang gawin sa akin ito, hindi ko kaya na mawala ka"
"Iyon ang dapat Jake, magkakaroon ka na ng pamilya"
"Papanagutan ko lang ang bata pero hanggang doon lang iyon, hindi ko mahal si Cathy."
"Pero paano ang pamilya ninyo, kung ipagpapatuloy pa nating ang ating relasyon sigurado akong maapektuhan ang negosyo at kabuhayan ninyo"
"Iyon ba ang inaalala mo, huwag kang mag-alala, makakabangon pa rin kami kahit alisin ng pamilya ni Cathy ang suporta sa negosyo ng Papa, maraming namang paraan" si Jake sabay at humawak sa kamay ko pero agad ko itong binitawan.
"Nahihibang ka na Jake, aalis na ako may naghihintay pa sa akin" sabi ko at dere-deretsong tinungo ang labas ng bahay. Umiiyak na hinahabol ako ni Jake pero patuloy pa rin ako sa paglalakad. Sinundan pa rin niya ako hanggang sa kanto. Hindi ko pa rin siya pinapansin. Nag-aabang na ako ng masasakyan pauwi nang may isang kotse ang huminto sa harap ko.Bumaba ang sakay nito at bigla na lang sinugod si Jake at sinapak ito sa mukha.
"Gago ka, matapos kong ipaubaya sa iyo si Dave, sasaktan mo lang siya, alam mo ba sinisisi ko ang sarili ko dahil isinuko ko ang pagmamahal ko sa kanya para lang sa iyo. Wala kang kwentang tao" ang nagagalit na si Pat. Hindi naman gumanti si Jake bagkus, nagpaliwanag siya na humahagulgol.
"Sorry Patrick, inaamin ko kasalanan ko ito, tutal wala namang kwenta ang buhay ko sige, bugbugin mo pa ako at patayin na lang" sagot ni Jake. Akmang susugurin ulit siya ni Pat nang awatin ko na sila.
"Tama na yan, wala namang magbabago kahit magpatayan kayo, nangyari na e kaya ang magagawa na lang natin ay tanggapin ang kapalaran." sabi ko sa kanila. Tila nahimasmasan naman si Pat sa sinabi ko.
"Taran na best uwi na tayo" sabi niya sa akin. Agad naman akong sumunod sa kanya dahil na rin sa mga taong nakapalibot sa amin. Kahit nasa loob na ako ng kotse, naririnig ko pa rin ang kanyang boses na sinisigaw ang pangalan ko. Nang sulyapan ko siya, kita ko ang nakakahabag niyang itsura kaya nakaramdam ako ng awa. Pero kailangan ko itong tiisin para na rin sa ikabubuti ng nakararami.
Napagdesisyuan muna naming dumeretso muna sa canteen ni Itay. Habang kumakain, nag-uusap kami ni Pat at Itay.
"Bestfriend, pwede bang kalimutan mo na ang walang kwentang taong iyon" si Pat.
"Oo nga anak. nahihirapan na kasi ako kapag nakikita kitang ganyan e" si Itay.
"Hindi ganoon kadali iyon best kasi hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin siya." malungkot kong sagot sa kanya.
"Naiintindihan kita hayaan mo tutulungan ka namin ni Erika na makapagmove-on" si Pat.
"Salamat maswerte ko talaga at nagkaroon ako ng mga kaibigang tulad ninyo" ang sagot ko. Ngumiti lang siya saka nagpatuloy sa pagkain. Maya-maya nagring ang cellphone ko. Akmang titignan ko kung sino ang caller nang biglang agawin ito sa akin ni Pat.
"Ang mama ni Jake,sasagutin mo ba?" si Pat. Tumingin muna ako kay Itay at nang makita ko ang pag tango niya bilang pag oo ay sinagot ko na ito.
"Hello po Tita, bakit kayo napatawag?"
"Dave anak, punta ka muna dito bilis may importante kaming sasabihin sa iyo" si Tita.
"Pwede po bang ngayon niyo nang sabihin kasi hindi na ko makakabalik pa diyan sa inyo" pagtanggi ko.
"Basta pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang please, nagmamakaawa ako" si Tita. Dahil na rin siguro sa kabaitang pinadama sa akin ni Tita nung nakatira pa kami sa kanila ay napilitan na rin akong magpunta.
Hindi ako mag-isang bumalik sa bahay nila. Kasama ko ang bestfriend ko para kahit papaano ay may umalalay sa akin baka kasi hindi ko na talaga kayanin pa ang mga susunod na eksena. Nang makarating, agad kaming kumatok sa pinto. Si Tita ang nagbukas nito.
"Mabuti naman Dave, bumalik ka at kasama mo pala ang bestfriend mo sige halika pasok kayo" si Tita.
Nang makapasok kami, nakita ko si Tito Eddie na may kausap na bisita. Nang makita ko ang taong ito,bigla akong nakaramdam ng kaba.
Itutuloy.........
No comments:
Post a Comment