"Ayoko Dad, hindi ko siya pakakasalan." ang matigas na pagtanggi ni Mike. Tumingin siya sa akin. "Ric, hindi ito totoo, maniwala ka"
"Wala ka nang magagawa anak, naka set na ang kasal niyo in the next two months. Kahihiyan ito ng pamilya natin kapag hindi ito natuloy!" ang galit pa ring si Mr. Chua.
"Makasarili kayo Dad, puro pera at sarili mo lang ang iniisip mo, binabalewala mo na ako bilang anak mo. Basta walang kasalang magaganap" sagot ni Mike sa kanyang ama.
Lalong tumindi ang galit ni Mr. Chua base sa nakikita ko sa itsura ng mukha niya ngayon.
"Sige Michael, panindigan mo pa rin ang kabaliwan mo, tignan lang natin ang mangyayari sa mga susunod na araw." ang nagbabantang pahayag ni Mr. Chua sabay labas ng opisina kasama si Cynthia.
"Huwag kang matakot Ric, ako ang bahala, kahit anong mangyari ipagtatanggol kita" sabi ni Mike pagkaalis ng ama.
Halos naiiyak na akong yumakap sa kanya.
"Mike, salamat. Ngayon alam ko na kung gaano mo talaga ako kamahal at ngayon Its my turn naman para ipakita sa iyo na kaya rin kitang ipaglaban gaya ng ginagawa mo sa akin. Alam kong may masamang balak siya sa akin pero pinapangako ko na buong tapang ko itong haharapin." sabi ko sa kanya. Kahit papaano, nagkaroon na ako ng lakas na loob na harapin ang problema dahil sa paninindigang pinakita ni Mike sa kanyang ama.
"Tama Ric, ganyan dapat, huwag kang mag-alala nandito lang ako palagi na susuporta at magmamahal ng buong puso sa iyo pangako" sagot niya na nakangiti. Kita ko sa mga mapupungay niyang mata ang katotohanan sa mga sinasabi nito.
Buong araw akong binantayan ni Mike sa opisina habang nagtatrabaho. Kapag oras ng break, siya ang nagkukusang bumili ng kakainin namin sa labas. Hindi ako nakakaramdam ng stress at saglit napapawi ang mga pangamba dahil kinukuwentuhan niya ako ng kung anu-anong kalokohan na dahilan upang matawa ako.
Halos dalawang linggo na ganito ang set-up namin ni Mike sa bahay at opisina. Kahit papaano nagiging masaya ako. Iniisip ko na nga na para talaga kaming mag-asawa. Doon pa rin siya tumutuloy at natutulog sa aking bahay pero hanggang doon lang iyon. Wala pa kasing nangyayaring sex sa amin. Minsan gumagala kami sa mall at nanonood ng sine. Siyempre hindi mawawala ang inuman kasama ang iba ko pang mga kaibigan na sina Althea, Nica at Bea.
Saktong sampung araw ang lumipas mula nang sumugod sa opisina si Mr. Chua kasama si Cynthia nang makatanggap ako ng isang notice galing sa kanya. Binabawi niya ang lahat ng mga shares niya sa at ititigil na rin ang pag-invest sa kompanya. Inaasahan ko na rin na gagawin niya ito. Pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan na baka tuluyan nang bumagsak at mawala ang lahat ng aking pinaghirapan.
Ilang araw pa ang lumipas nang maramdaman ko na ang epekto ng ginawang niyang pagpaparusa sa akin. Wala nang mga bigating negosyante ang nag-iinvest at nagsponsor sa kompanya, marahil ay naimpluwensiyahan na sila ni Mr. Chua. Bumagsakat nalugi na rin ang sales.
Kahit ganito ang nangyari ay hindi ito naging hadlang sa pagmamahalan namin ni Mike. Kaya hindi pa rin ako sumuko. Isang araw, lakas-loob kaming nagpunta ni Mike para kausapin ang kanyang ama.
"Sir, mawalang-galang po, pero hindi naman po tama na idamay ninyo ang kompanya sa ginagawa ninyong pagpaparusa sa akin." ang matapang kong sinabi nang magkaharap kaming tatlo.
"Aba e sino ba ang may-ari di ba ikaw?" ang medyo natatawang insultong sagot niya sa akin.
"Ako nga po, ngunit hindi niyo po ba iniisip ang mangyayari sa mga empleyado. Kapag tuluyang na itong magsara paano na langpo sila, ang kanilang mga pamilya. Sana huwag mo na lang sila idamay kahit ako na lang"
"Alam mo naman pala iyon, e dapat sumunod ka sa gusto ko. Sana noon mo pa inisip yan" si Mr. Chua.
"Dad please naman, payagan niyo na po ang aming relasyon" ang pagmamakaawa na ni Mike.
"Shut up, alam mo ba na napahiya ako dahil sa iyo. Nag-iisa kong anak na lalaki, ay nagmahal ng kapwa Nakakadiri ka" ang pasigaw na niyang pahayag sa anak.
Kita ko kay Mike ang sobrang pagtitimpi. Alam kong pinipigilan lang niya ang sariling galit sa sinabi ng ama.
"Ricardo, kung iniisip mo ang kapakanan ng mga tauhan mo, may iba pa namang paraan, nakikita mo naman ang unti-unti nang pagbagsak ng kompanya kaya para hindi ito tuluyang magsara sa sobrang pagkalugi ay ibigay mo na lang ito sa akin." sinabi ulit ni Mr. Chua na nagpagulat sa akin.
Halos manghina na ako ng mga oras na iyon. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. Bigla namang nagsalita si Mike.
"Sumosobra na kayo Dad, kung iyang ang gusto mo, sige ibibigay na sai yo ni Ric ang buong kompanya pero ito ang tatandaan mo. Kahit ano pa ang gawin mo, hinding-hindi kami matitinag at walang sinuman ang makapaghihiwalay sa amin. Tara na Ric, umalis na tayo dito" Sunud-sunuran na lang ako sa kanya.
Sa kotse, "Mike, tama ba yung naging desisyon nating ibigay na lang ang pamamahala sa kompanya sa Dad mo. Parang hindi ko matatanggap na mabalewala ang lahat at mawala ang lahat sa akin." ang medyo naiiyak ko nang pahayag sa kanya.
Huminto siya sa isang gilid ng kalsada. Pagkatapos ay tumingin sa akin, pinahid ang mga munting luhang namumuo sa aking mga mata at hinawakan ang aking mga kamay. "Babe, huwag kang mag-alala, isipin mo na lang na isa itong pagsasakripisyo para sa kapakanan ng mga nakararami. Kapag si Dad na ang mamamahala, sigurado akong walang mawawalan ng trabaho. Alam kong maghihirap ka, pero nandito naman ako para tulungan kitang makapagsimula ulit. Dapat ipakita natin kay Dad na kaya nating bumangon"
"Maraming salamat" at tuluyan na akong humagulgol at yumakap sa kanya.
Ilang araw pa ang lumipas at tuluyan ko nang ibinigay ang pamamahala sa kompanya kay Mr. Chua. Binenta ko na ang aking bahay at humanap ng mas maliit na matitirhan para makatipid. Hindi naman kalakihan ang mga naipon kong savings at perang pinagbentahan ng bahay. Iniisip ko na rin ang gagawin ko para hindi agad ito maubos. Sa tulong ni Mike, nakahanap kami ng isang bahay sa probinsya.
"Wow, ang ganda naman dito, hmmmmm ang sarap langhapin ng simoy ng hangin. Sa wakas naramdaman ko na ang kapayapaan" ang pagkamangha ko at pagkatuwa nang puntahan namin ang lugar.
"Salamat at natuwa ka, dito tayo magsasamang dalawa, at magsisimula ulit" sagot ni Mike, Inakbayan niya ako. Maya-maya niyaya na niya akong pasukin ang loob.
"Ano ayos lang ba ang bahay?" ang tanong niya sa akin.
"Tama lang ang laki nito para sa dalawang tao. Pero teka bakit isa lang yata ang kwarto"
"Isa rin ang kama na nasa loob. Siyempre magkatabi tayong matutulog. Hindi na kasi ako sanay na matulog ng walang kayakap sa gabi" si Mike na may nakakalokong ngiti.
"Sabihin mo, gusto mo lang akong tsansingan." biro ko sa kanya.
"Buti naman alam mo" ang natatawa niyang tugon.
Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. Binuhat niya ako na parang isang sanggol at pinasok sa kwarto. Sabay kaming bumagsak sa kama, ang resulta, napailalim ako sa kanya. Nagtapat ang aming mga mukha. Muli parang nahipnotismo ulit ako sa mga titig ng mga mapupungay niyang mata. Maya-maya hinubad niya ang suot na t-shirt. Nakita ko ulit ang kanyang matipunong katawan. Bigla naman akong tinigasan na agad niyang napansin dahil nakaumbok na ito sa aking suot na pantalon.
"Babe,alam kong matagal mo nang pinagpapantasiyahan ang katawan ko, kaya ngayon nandito ako sa harap mo at iyong-iyo, malaya mo nang magagawa ang gusto mo sa akin. Pero ako muna ang mauuna. Sobrang nanggigil na ako sa iyo." si Mike.
Bigla naman akong nag-init ng mga oras na iyon. Muli nakaramdam na naman ako ng libog sa katawan tulad sa mga dati kong nakarelasyon. Sa araw na iyon buong puso kong pinagkaloob sa kanya ang aking sarili.
Tuluyan nang hinubad ni Mike ang natitira pa niyang suot na pantalon. Kita ko na tigas na tigas na rin pala ang ari niya. Siya na ang naghubad ng lahat ng suot ko at napapapikit na lang ako sa ginagawa niyang pagroromansa sa akin.
Itutuloy........
awwwww super kilig at moments ako ditom a chpter na ito bagay handa mo nga iwan ang lahat para minamahal mo awwww nxt chapter pls =)
ReplyDeleteano nangyari? bkit binenta ang bahay ng ganun-ganun lang? kung binenta nya kumpanya, e di may milyones sya. para ytang di kapni-paniwla.
ReplyDeleteTo anonymus,
DeleteThanks for criticism...
Kung di kapani-paniwala ok lang sa akin...
Again, this is only a FICTION, if youre against the flow of my stories, youre free to create your own to express your own ideas. Lahat ng kapani-paniwala para sayo ay ilagay mo sa sarili mong gawa.
All my stories here are from my own imagination, just to entertain some readers. Kung against ka doon wala na akong magagawa pa.