Monday, October 11, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 8

Ang sarap tignan ng mukha niya pala pag nakangiti. Meron siyang dimples at ang ngipin, ang puputi at pantay. Natulala talaga ako sa kanya ng bigla siyang magsalita ulit.

"Ayos ang mga grades mo, buti naman nagbunga ang mga pinaghirapan natin." si Jake na di pa rin inaalis ang ngiti sa akin.
" Maraming salamat sayo ha, tatanawin ko itong isang malaking utang na loob. Salamat talaga." maluha luhang kong sabi sa kanya.
"Hayaan mong ilibre kita ng meryenda ngayon treat ko, sige na pumayag ka please.." dagdag ko at wala sa loob kong nayakap ko siya.

Sa halip na magalit siya sa ginawa ko iba ang naging reaksyon niya. Habang nakangiti pa rin...

"Ikaw manglilibre hahahaha, sige pero sa susunod na lang, tatandaan ko iyan. Sa ngayon umuwi na muna tayo tiyak akong matutuwa ng husto si Mama, Papa at ang Tatay mo.Teka baka naman madurog na ang katawan ko sa higpit ng paglingkis mo." si Jake.

Biglang natauhan naman ako at lumayo sa kanya, naisip ko na nagalit na naman siya dahil sa pagkaallergic niya sa mga gays kaya agad akong nagsorry pero....

"Sorry na naman, tsk.tsk.tsk, ikaw talaga sabay ngisi, tara bilisan na natin. Buti na lang walang gaanong tao dito at di nila nakita ang ginawa mo." si Jake habang naglalakad.

Sobrang galak ko talaga di lang sa mga grades ko, pati na rin sa ibang pakikitungo ni Jake sa akin. Napagdesisyunan ko na pag-iingatan ko ang aking pagkilos para di na ulit bumalik sa dati ang ugali niya sa akin.

Sa bahay, tuwa ang naging reaksyon ng mga kasama namin doon.Kaya nagluto si Itay ng masarap na hapunan para sa aming lahat.

"Kita mo pare, nag-improve na ang anak mo sa school dahil sa galing ntiong anak ko." si Tito Eddie.
"Oo nga kaya bilang pasasalamat, Jake ibabalik ko na ang motor mo pero ang usapan pa rin natin ha sabay pa rin kayo ni Dave at tuloy pa rin ang tutorial." si Tita Edna.

"Talaga Ma, salamat. Don't worry depende na yun kay Dave kung gusto pa niya pagpatuloy" sabay tingin sa akin at ngiti.

Napayuko ako at napaisip dun sa huling sabi niya. Ibig bang sabihin naeenjoy na niya na kasama ako, yung ginagawa namin ah ewan. Kaya para malaman ang mga kasagutan, minabuti kong kausapin siya sa kwarto niya. Kumatok ako na agad niyang binuksan at pinapasok ako.

" Oh nandito ka pa pahinga ka na, wala muna tayong tutorial ngayon bukas na lang." si Jake na nakaupo sa kama habang nagbabasa ng magazine.
" Ah eh ok , may tatanong lang kasi ako sayo tungkol sa sinabi mong kaninang hapunan." tanong ko.
"Yun ba, ibig kong sabihin dun nasa iyo nakasalalay kung gusto mo pa o ayaw na ang set-up natin. Kung ano ang desisyon mo ok lang sa akin." si Jake.
" Ibig sabihin kung sabihin mong tuloy pa natin ang ganito, di ka na tututol", tanong ko.
" Hay naku, oo naman. Wala naman akong magagawa dun and besides pakiramdam ko ang sarap palang tumulong sa kapwa. Inaamin ko ung nagpasalamat ka sakin dun ko na realize na mabait ka pala." si Jake habang nakatingin pa rin sa magazine.

Nabigla talaga ako sa mga revelation niya. Parang sinapian ito ng isang espiritu na pinabago ang kanyang maitim na budhi. Sa kabilang banda natuwa rin ako at lalong tumindi ang nararamdaman ko para sa kanya. Kinabukasan binigay na ni Tita ang susi ng motor ni Jake na kinatuwa ng mokong. Tulad ng napagkasunduan sabay pa rin kami pumasok nitong ni Jake. Sa kotse habang nagmamaneho si Jake, naiisip ko pa rin ang mga kakaibang kinikilos niya sa akin.

" Ano ang iniisip mo?"  tanong niya nang mapuna ang pagninilay ko.
"Alam ko na naninibago ka lang sa akin. Parang tumindi na yata ang love mo sa akin ha" si Jake sabay ngsi ulit.
" Hindi yon ang iniisip ko, saka ako in love sayo? Dati yun ngayon hin..." pagtanggi ko na agad naputol dahil nagsalita siya ulit.
"Hindi na sus, sino niloko mo sarili mo? Di biro lang hehehe, pero alam mo marami na ring gays na nagsabi sa akin niyan, di ko lang napapansin dahil nakikita ko na sobra pa silang lumandi kaysa sa tunay na babae. Pero pakiramdam ko ngayon naiiba ka sa kanila." si Jake.

"Ano kaya ang nakain nito bakit ganito na siya kung magsalita?" natutulirong sabi ng utak ko.

Maya-maya nakarating na kami ng school at dahil may sasakyan siya deretso muna kami sa parking lot. Pagkababa ng kotse agad kaming naghiwalay para pumunta sa aming mga classroom.

Pagpasok ko, agad akong sinalubong ng bestfriend ko.

"Bestfriend, wala nang atrasan sasama na kami sayo sa tinitirhan mo sa ayaw mo't sa gusto." si Pat sabay tingin sa akin ng seryoso.

Nagkatinginan kami ni Erika. Kinabahan ako ng husto. Kaya napa Oo na lang ako. Pero naisip ko pa rin ang mabilisang pagtakas mamayang uwian dahil di pa talaga ako handa sa mangyayari.

Sumapit ang uwian, at dahil sa may kotse na si Jake duon na ko dumeretso sa parking lot. Pagdating ko nandun na pala siya sa kotse. Pagbukas ko ng pinto, narinig ko ang boses na talagang nagpakaba sa akin ng husto. Lumapit siya sa akin.

"Dave, ano ginagawa mo dito at kaninong kotse to? Tandaan mo sasama mo na ko sa bahay niyo" si Pat sabay akbay at ngiti sa akin.

Nablanko ulit ang utak ko, di makatingin sa kanya. Maya-maya binuksan na ang makina at nagsalita na ulit si Jake sa loob.

"Tagal mo naman Dave tara na." malakas niyang sabi sabay dungaw sa bintana.

Nakita ko ang biglang pagkawala ng ngiti ni Pat sa nakita.

"Ano ang ibig sabihin nito Dave?"

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment