Sunday, September 30, 2012

CAMPUS TRIO (Last Part)


Sa mga oras na iyon ay gusto nang hatakin ni Bryan si Andrew sa labas ng kainan upang tanungin kung bakit siya nakakapagsalita siya ng ganoong klaseng bagay. At sa nakikita niya sa mukha nito na parang masaya pa siya sa kanyang pinagagawa sa kanila.

"May problema ba...Bryan?" ang tanong ulit ni Andrew sa kanya.

"Dapat ako ang nagtatanong niyan sayo." ang sabi niya sa kanyang sarili. Naguguluhan na siya sa mga oras na iyon.
__________
Sa totoo lang ay may bahagi sa isip ni Andrew na hindi nito gagawin ang kanyang pinapakiusap. Umaasa siyang tatanggi ito at sasabihin na hindi niya ito kaya dahil siya ang tunay na mahal nito.

Ngunit kabaliktaran ang nangyari. Hindi man pinahalata pero sobra siyang nasaktan sa kanyang nakita. Sa harap nilang dalawa ni Troy kasama nang iba pang mga tao na naroroon ay naging saksi kung paano hinalikan ni Bryan ang kanyang fiancee.

“Its over Andrew.” Ang sabi niya sa kanyang sarili. Ito na ang hudyat para tuluyan na siyang kumalas gaya ng kanyang naunang desisyon.
__________
Nagmamaneho ngunit tila wala sa sarili. Ito ang nakikita ngayon ni Sarah sa kanyang fiancee na si Bryan. Matapos ang naging usapan nilang apat ni Troy at Andrew ay mas naging kakaiba na ang kinikilos nito. Ni hindi na niya makausap pa ng maayos o ngumingiti man lang sa kanya.

Noon pa man ay napapansin na niya ang tila malamig na pakikitungo sa kanya ni Bryan. Alam naman niya ang dahilan nito kaya sinisikap niya na ibalik ang dating Bryan na kababata niya gaya na rin ng pinakiusap sa kanya ng ina nito.

Matapos ang naging usapan nila ay agad na itong nagyaya na umuwi at ihatid siya sa kanilang bahay kahit pa gusto pa niyang mamasyal sila. Wala na rin siyang magagawa pa. Naisip niya kasi na nakakawalang gana naman kapag ang isa mong kasama ay tila nagpapakita ng kawalang interes sa inyong ginagawa.

 Gayunpaman ay sinubukan pa rin niya na kausapin ito.
“Babe, wala pa naman tayong pasok bukas diba, what if kung ipasyal mo ako dun sa resthouse niyo sa Baguio” ang kanyang sinabi. Gusto na niyang makita ulit ang lugar na iyon.
“May gagawin ako bukas.” Ang simple nitong pagsagot na hindi man lang nililingon ang kausap.
“Hmmm... Ok, maybe kapag may free time ka na.”

Wala na siyang narinig pang pagtugon mula dito.

Samantala, patuloy pa rin si Bryan sa kakaisip nang tungkol  kay Andrew at sa mga nangyari ng paghaharap nilang apat ni Sarah at Troy. Hindi siya mapalagay, nagtataka sa mga pinakita ni Andrew. At siyempre hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niyang selos sa kanyang kaibigan na si Troy.

Pagkatapos nilang mag-usap ay niyaya na niya agad na iuwi si Sarah. Nang sa gayon ay makagawa siya ng paraan para makausap niya ng sarilinan si Andrew. Parang sasabog na kasi ang utak niya sa sobrang dami ng kanyang iniisip.

Ilang saglit pa ay narating na nila ang tirahan ng dalaga. Saglit siyang tumuloy sa loob ng bahay na iyon. May mga sinasabi pa si Sarah sa kanya ngunit tila nabingi na siya dahil sa dami ng mga iniisip niya. Pagkatapos ay agad na siyang nagtungo sa bahay ni Troy. Wala na siyang pakialam pa kung malaman ito ng kanyang ina.

Sa kanyang pagbuzzer ay bumungad sa kaniya ang ina ni Andrew na nagbukas ng gate.
“Magandang hapon po nay.” Ang nakangiti at magalang niyang pagbati.

Pero isang seryosong tingin ang pinukol nito sa kanya bago sumagot. Ibang-iba ang itsura nito ngayon kung ikukumpara sa mga pinakita nito sa kanya nung mga panahon na dinadalaw niya si Andrew sa dating tirahan ng mag-ina. 
“Magandang hapon din sayo iho. Wala pa ang anak ko, namasyal sila ni Troy.”
“Ahm, alam ko rin po yun nay. Nagkita po kami sa mall kanina. “                                       
 “Sa tingin ko iho wala na kayong dapat pag-usapan ng aking anak. At kung pwede sana ay tuluyan mo na siyang iwasan gaya ng ginagawa niya ngayon.”

Nabigla naman si Bryan sa kanyang mga narinig. Salungat ito sa nauna nitong sinabi sa kanya nung araw na pinagtapat niya ang kanyang nararamdaman sa anak nito.

“Nay... magpapaliwanag po ako... Sa totoo po gusto ko ring kausapin si Andrew para magkalinawan at maayos ang lahat.”
“Tama na iho. Tigilan mo na si Andrew. Masyado niyo siyang nasaktan. At ikaw, harap-harapan mong sinaktan at pinaglaruan ang kanyang damdamin sa mga ginawa mo nung inimbitahan niyo siyang mag-ina sa iyong kaarawan. ”

“Mali po ang interpretasyon niyo nay...”sinusubukan niyang tumanggi sa kausap.
“Hindi ako maaaring magkamali Bryan. Bilang ina ay masakit din para sa akin ang makita ang aking anak na malungkot at umiiyak.”
“Alam ko po ang nararamdaman niyo ni Andrew. Kaya nga po narito ako para iayos ang lahat.”
“Para ano pa. Wala ka nang magagawa pa. Huli na ang lahat. Kung plano mong ibalik ang dati niyong relasyon ng aking anak ay hindi na iyon mangyayari pa. Lantaran ang pagtutol ng ina mo sa inyo kaya nga pinahinto siya sa pagtutor diba at alam namin na inalis na niya ang scholarship nito.”

Naiintindihan naman ni Bryan kung bakit naging ganoon na lang ang naging pananalita sa kanya ng ina ni Andrew. Pero sinubukan pa rin niyang makumbinse ito.
“Patawarin po sana ninyo ako nay sa mga nagawa ko pati na rin ni Mama kay Andrew. Sana po maniwala kayo na hindi ko kagustuhan ang lahat ng nangyari. Mahal na mahal ko po si Andrew at gusto ko pong ayusin ang lahat.”
“Naikwento sa akin ni Troy ang mga nangyari nung kaarawan mo. Pinakilala ng Mama mo sa mga tao ang magiging fiancee mo at pinatamaan siya ng mga masasakit na salita. At nakita niya kung gaano ka kasaya at halata sa iyo na namiss mo siya. Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa sinasabi mong mahal mo si Andrew?”
“Totoo pong naging masaya ako sa pagbabalik ni Sarah dahil matagal kaming nagkahiwalay. Ngunit ang pagkamiss ko po sa kanya ay bilang kababata at kaibigan lang po. Aaminin ko pong nagkamali ako, sa mga oras na iyon ay nakalimutan kong naroon din si Andrew. Kaya humihingi po ako ng paumanhin sa inyo nay.”
“Alam mo Bryan, sa totoo lang kaya ako pumayag sa relasyon ninyo ni Andrew at naniwala sa mga sinabi mong pagmamahal sa kanya ay dahil sa kagustuhan kong mapasaya ang aking anak. Mahina na ako at bago man lang sana ako mamatay ay nais kong makita ni Andrew na makamtan niya ang lahat ng mga bagay na magpapaligaya sa kanya at maging maayos ang kanyang buhay. Nakita ko kasi na isa ka sa mga taong makakapagbigay nito sa kanya. Pero nagkamali ako. Naging miserable pa ang buhay niya.”
“Sana po nay, bigyan niyo pa po ako ng isang pagkakataon. Gusto ko pong bumawi kay Andrew. Papatunayan ko po sa inyo na ako ay karapat-dapat para sa kanya.”
“Hindi na talaga maaari pa. Mas mabuti siguro kung kayo na lang ng aking anak ang mag-usap.” Ang huli nitong sinabi sa kanya.

Nagpasiya si Bryan na sa labas na lang ng bahay maghintay sa pagdating ni Andrew. At makalipas ang halos isang oras ay nakita niya ang paghinto ng kotse ni Troy sa tapat ng gate tanda ng kanilang pagdating.
__________
Nasa malayo pa lang ay naaninag na nina Andrew at Troy ang nakahintong sasakyan at si Bryan na nakatayo at nakasandal dito.

“Ilang araw na rin niya akong kinausap para magpatulong na makausap ka. At sa tingin ko ay hindi na rin siya nakatiis pa. Its time na siguro para makapag-usap kayo ng masinsinan.”
“Tama ka Troy, para na rin magkaroon ng pormal na closure ang kalokohang relasyon na ito.” Ang pagsang-ayon naman ni Andrew.”

Paglabas niya ng kotse ay agad niyang hinarap si Bryan.
“Alam ko ang pinunta mo dito at ito ay ang makausap ako. Sige pagbibigyan kita pero huli na ito.” Ang una niyang sinabi.

Nagpasya si Troy na mauna nang pumasok sa loob para makapag-usap sila ng sarilinan.

“Doon tayo.” Ang pagyaya nito kay Bryan sa isang bakanteng sementadong upuan malapit doon.
Pagkaupo nila ay agad nagsalita si Bryan.
“Thanks for the gift Andrew. Sobra akong masaya sa binigay mo. Alam mo bang gabi-gabi ko yun kayakap sa pagtulog?”
“Iyon lang ba? Kung walang kabuluhan lang ang sasabihin mo, mabuti pa at itigil na natin ito. Nagsasayang lang tayo ng oras. ”

Nabigla naman siya sa pambabara nito sa kanya. At doon niya napansin ang hindi nakasuot na kwintas sa leeg nito.
“Nasaan na ang kwintas?” ang tanong nito sa kanya.
“Naiwala ko. Hindi ko alam kung saan napunta.”

Hindi naniwala si Bryan sa naging sagot nito. Napapailing na lang ito.
“Huwag ka nang magpaligoy pa.” Ang pagpapatuloy nito.

Napabuntung-hininga si Bryan at saglit na sinulyapan si Andrew.
“Alam ko kung gaano katindi ang sama ng lob niyo ni nanay sa akin. Kaya ako nandito ngayon para linawin ang lahat.
“Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag.” Ang pagsingit ni Andrew. “Tama lang ang ginawa ni Mam Sebastian. Gusto lang niya na mapabuti ang buhay mo.”
“Andrew...”
“Ibaling mo na lang sa iyong fiancĂ©e ang iyong atensyon. Alam kong siya talaga ang mahal mo. Confused ka lang sa nararamdaman mo dahil sa akin. Kaya nakapagdesisyon na ako, Puputulin ko na ang pakikipag-ugnayan ko sayo. Nasabi na rin sayo ni Troy na aalis na kami ni nanay para makapagsimula ulit.”

Gustuhin mang pigilan ni Bryan ang pinaplano nito dahil sa hindi niya pangsang-ayon dito ay wala na siyang magagawa pa. Base sa tono ng pananalita nito ay talagang desidido na ito at hindi na mababago pa.

At ang sumunod na sinabi nito ang tuluyang pumiga ng kanyang puso.
“I admit na talagang pinagpantasyahan kita, dahil nasa iyo na ang lahat ng katangian ng isang ideal man. Pero never kitang minahal. Siguro naconfused din ako sa aking nararamdaman dahil sa mga pinakita mo kaya napilitan kitang sagutin sa mall. At base na rin sa nakita ko sa inyo ni Sarah kanina at sa pagsunod mo sa aking request ay masasabi ko na talagang bagay kayong dalawa. Mahal ka ni Sarah at ganoon ka din sa kanya.”

Kahit nasasaktan ay hindi pa rin magawang paniwalaan ni Bryan ang mga sinabi ni Andrew.

Nagpatuloy si Andrew. “Salamat, dahil sa iyo ay narealize ko na imposible talaga ang ganitong relasyon, na hindi ito permanente. Maraming tutol at mga humuhusga.”
“Kung ganoon ang desisyon mo, tatanggapin ko.” Ang naiiyak nang pahayag ni Bryan. “Salamat sa lahat Andrew na kahit sa sandaling panahon ay napasaya mo ako. Tulad mo ay marami rin akong natutunan. Narealize ko rin ang lahat ng aking pagkakamali tulad ng pangbubully sa ibang mga estudyante. Dahil sayo ay natuto akong makipagkaibigan at magpakumbaba.”

Sa mga oras na iyon ay namumuo na ang mga luha sa mata ni Andrew pero pinipigilan lang niya ito upang hindi makita ng kausap na masyado siyang naapektuhan  at nalulungkot.

Tumayo na si Bryan sa kanyang kinauupuan. 
“Sige Andrew aalis na ako.” Ang pagpapaalam nito sa kanya.
Tumango siya bilang pagsang-ayon. “Sige ingat ka.”

Habang papalayo ang sinasakyan ni Bryan ay isa-isa nang nagbabagsakan ang mga luha sa mata ni Andrew. At doon na siya tuluyang umiyak.

Kasabay ng kanyang paghihinagpis ang pagbagsak ng ulan. Tila nakikisimpatya sa kanyang nararamdaman. Hinayaan na lang niya ang kanyang sarili na mabasa nito.

Isa pa sa natutunan ni Andrew na hindi lahat ng love story ay may happy ending tulad ng nababasa sa mga fairy tales lalo na’t kung hindi pangkaraniwan at tanggap ng lipunan ang relasyon ng parehon kasarian.

Hindi man naging Masaya ang kanyang buhay pag-ibig ay hindi pa rin iyon naging dahilan upang siya ay sumuko at ikulong ang sarili sa kalungkutan.

“Move-on and start a new life.” Ang nabuo niyang motivation sa sarili.

“Thanks for everything and Goodbye.” Ang sabi niya ulit sa kanyang sarili patungkol sa kakalisan lang na si Bryan.

Wakas...

Sunday, September 23, 2012

CAMPUS TRIO Part 25

"Kamusta na ang aking pinakamamahal na apo?" ang malambing na pambungad na tanong ng lola ni Troy nang mag-usap sila sa pamamagitan ng skype sa gabing iyon.
"Ayos lang po ako." ang kanyang tugon. "Eh kayo po lola."
"Mabuti naman ako rito apo. Maganda naman ang takbo ng business natin dito, at may good news ako sa iyo, Makakapag export na rin tayo sa Europe."
"Talaga Wow, ang galing talaga ng lola ko." ang masaya niyang reaksyon sa balita.
"Oo. Siya nga pala apo, malapit nang matapos ang school year, baka gusto mong sumunod dito para naman makatulong ka sa akin dito. Isama mo na sina Andrew dito para makapagbakasyon na rin sila."

Napansin naman ng matanda ang biglang pag-iba ng mood ng kanyang apo.
"Troy apo, may problema ba?" ang nag-aalala niyang tanong. "Nagkaaway ba kayo ni Andrew?"
"Hindi po lola." Napabuntung hininga siya bago magpatuloy. "Aalis na sila ni Tita dito sa bahay at lilipat na rin ng school si Andrew sa darating na pasukan." ang malungkot niyang pagpapatuloy.
"Teka, bakit biglaan naman yata?" ang nagtatakang tanong ng matanda.

Malungkot na nilahad ni Troy ang lahat ng mga nangyari na naging dahilan sa desisyon na iyon ni Andrew. At habang nakikinig ang matanda sa kanya ay nakaramdam siya ng awa para rito. Mistulang naulit muli ang pagiging malungkutin nito nung mga panahon na yumao ang kanyang mga magulang.
Hindi muna siya nagsalita bagkus ay hinayaan niya lang ito na ilabas ang lahat ng kanyang saloobin.

"Nangako po ako sa kanila na tutulungan ko sila sa abot ng aking makakaya kapag umalis na sila dito." ang pagpapatuloy ni Troy. "Kahit sa ganitong paraan man lang ay maiparamdam ko na mahalaga siya sa akin, na mahal ko siya."

At sa puntong iyon ay nagsalita na rin ang kanyang lola. "Wala ka bang balak na sabihin man lang sa kanya ang nararamdaman mo? Malaman lang niya bago sila umalis ng kanyang ina."
"Kung pwede nga lang noon ko pa ginawa ang bagay na iyan lola. Alam ko kasing kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Si Bryan talaga ang mahal niya. Kaya nga nagdesisyon akong magparaya sa aking kaibigan dahil alam kong mahal din nito si Andrew. Gusto kong mapalapit pa sila sa isat-isa."
"Ngunit hindi nangyari iyon apo."
"Opo lola. Alam niyo po kung hindi ko lang kilala at matalik na kaibigan si Bryan at wala akong nalalaman, malamang ay nagalit na ako sa kanya dahil sa pananakit niya kay Andrew. Hindi rin po niya kagustuhan ang nangyari at alam kong nahihirapan din siya sa kanyang sitwasyon ngayon."
"Naiintindihan kita apo. Sayang lang at wala ako diyan upang yakapin at damayan ka. So ano na ang balak mo ngayon?"
"Tulad nga ng nabanggit ko kanina lola, tutulong po ako sa kanila. Ngunit naisip ko na kayo muna ang uunahin ko. Susunod po ako diyan sa bakasyon upang makatulong ako sa ating negosyo."
"Teka sigurado ka ba diyan apo, paano na sina Andrew?"
"Alam ko po iyon. Ilang linggo lang naman  tatagal iyon." ang naisagot lang ni Troy. Ngunit sa kanyang isip ay may iba pa siyang layunin sa kanyang desisyon na ito.
"Huwag ka nang mag-alala sakin apo. Kaya ko naman ito. Narito naman ang mga tauhan natin."
"Mahal na mahal ko rin po kayo lola kaya gusto kong tumulong sa inyo."
"Sige apo. Salamat naman at kahit papaano ay may makakasama ako dito. Ngunit kung magbago man ang pasya mo ay ipaalam mo agad ito sa akin. Hindi ako tututol."
"Salamat po lola."
_________
"Anak, may tawag ka." ang paggising ng ina sa natutulong pang si Andrew. Pupungas-pungas pa siyang bumangong upang sagutin ang tawag.
"Hello Dante? Ang aga mo naman mang-istorbo"
"Dante ka diyan? Dina pangalan ko ano."
"Sige Dina na eh bakit ang aga mo naman tumawag?"
"May problema kasi ako friend. Hindi tayo matutuloy ngayon. Nasa ospital kasi ngayon si Mama, inatake ng highblood. Nandoon lang ako maghapon para bantayan siya."
"Ganoon ba? Kamusta na siya ngayon." ang tanong ni Andrew. Kahit papaano ay nag-aalala rin siya para sa ina ng kanyang matalik na kaibigan.
"Ok na siya ngayon. Pero kailangan pa niyang magpahinga."
"Mabuti naman kung ganoon. Pero matutuloy pa rin ako ngayon Dina, kasama si Troy."
"Talaga friend. Sayang naman di ako makakasama kakainis."

Natawa lang si Andrew sa naging reaksyon ni Dina. Alam naman niya kasi ang pagkahumaling nito sa campus trio.
"Huwag ka nang manghinayang diyan."
"Hays sayang talaga kasi pero wala na akong magagawa. Sa ngayon kasi mas importante si Mama."
"Tama yun."
"O siya sige friend bye bye na. Dont forget to tell me ang mangyayari sa date niyo ha"

Natawa naman si Andrew. "Oo na bye."
_________
"Mabuti naman at naisipan mo nang i-date si Sarah." ang natutuwang pahayag ng mama ni Bryan na kasalukuyang nagsusuot ng gagamting sapatos.
"Oo. Yan naman ang gusto mo diba?" ang kanyang tugon na wala man lang emosyon.
"Ofcourse son. Noon pa man mga bata pa kayo, siya na ang gusto ko para sa iyo."
"Alis na ako Ma." ang pagputol ni Bryan. Ayaw na niyang marinig pa ang mga susunod pang sasabihin ng mama niya, na para sa kanya ay walang kabuluhan.

Sinundo muna ni Bryan si Sarah sa bagong bahay nito. Nang makarating doon ay nakita niya agad ito papasok ng kotse.
"Sarah" ang pagtawag ni Bryan sa dalaga. Nilingon naman agad ito ng huli.
"Babe! ang sambit ni Sarah at agad niyang pinagbuksan ito ng gate. "Ang saya-saya ko naman at sinundo mo pa ako dito."
"Ganoon naman talaga iyon di ba? Lalaki ang susundo sa kanyang ka date."
"Weee! kinikilig ako." Di na nakapagpigil ng emosyon si Sarah. Napayakap na siya kay Bryan.
"Ang swerte ko naman sayo babe. Gwapo na sweet pa."
 Napangiti lang ng bahagya si Bryan.

Ang kotse na ni Bryan ang kanilang ginamit papunta sa isang malaking mall kung saan ang date nila.
_________
"Kung hindi na natin makakasama ang kaibigan mo, saan mo na gusto pumunta?" ang tanong  ni Troy kay Andrew habang nagmamaneho papunta sa kanilang destinasyon.
"Hmmm... Sa totoo lang kung si Dina ang kasama ko ay hindi ko rin alam ang pupuntahan namin eh." ang pag-amin ni Andrew.
Natawa si troy. "Kung ganoon ako na ang bahala. Gusto mo ba manood muna tayo ng sine."
"Talaga. Wow, makakapanood na rin ako ng sine sa wakas. Alam mo naman ang buhay namin ni nanay. Madalang kaya ako makapunta sa mga mall."

Sa halip na matawa ay naging cute siya kay Troy nang lingunin niya ito.  Ang nakakahumaling nitong mukha lalo na ng nagniningning na mata sa tuwa ang kanyang napansin sa kausap.
"Ok. Mamaya pagdating natin ikaw na ang mamili ng papanoorin natin ha."

Makalipas ng ilang minuto ay narating na nila ang isang malaking mall. Pagkababa nila ng kotse ay agad napansin ni Andrew ang isang kotse na nakapark din katabi ng kay Troy.
"Parang nakita ko na rin itong kotse na to ah. Hindi ko lang alam kung saan." ang sabi ni Andrew sa kanyang sarili. Hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin.

Tulad kanina ay nakikita pa rin ni Troy ang kislap sa magandang mata ni Andrew nang mapasok na nila ang mall dahilan upang mapangiti siya.
"Nood na ba tayo ng sine o mag-ikot muna tayo dito."
"Ikaw ang bahala." ang sagot lang ni Andrew habang pinagmamasdan niya ang paligid. "Pasensya ka na. Ngayon lang ulit ako nakapamasyal sa mall eh. Nung huling punta ko dito ay yung kasama ko si..." hindi na natuloy ni Andrew ang kanyang sasabihin. Naalala kasi niya yung araw na ipinasyal siya ni Bryan. Ang araw din iyon ang siyang pinakamemorable sa kanya dahil dito sila nagkaaminan ng kanilang mga feeling sa isat-isa.

Napansin naman ni Troy ang biglang paglungkot ni Andrew. Inakbayan niya ito.
"Nandito tayo para mag-enjoy Andrew kaya itigil mo na yang kaka-emote mo."
"Oo nga. Pasensya ka na Troy."

Nagpasya si Troy na libutin muna nila ang buong mall.
_________
"Bagay ba sa akin babe?" ang tanong ni Sarah pagkabukas ng pinto ng fitting room. Nasa isang boutique sila ngayon ng isang mall. Bago sila magdate ay naisip ni Bryan na bilhan muna si Sarah ng bagong damit.
"Oo naman." ang simpleng sagot ni Troy. Lahat naman kasi ng damit na isuot nito ay bagay sa kanya. Sa totoo lang dahil sa angking kagandahan ay maaari siyang maging isang modelo o isali sa mga beauty pageant.

Matapos ang pagsusukat ay pumunta na ang dalawa sa counter upang bayaran ang damit. At sa kasagsagan ng pagpila rito ay nahagip ng mga mata ni Bryan na naka shades ang dalawang tao na masayang nag-uusap habang naglalakad. Nakaakbay ang isa sa kanyang kasama.
_________
"May isang oras pa tayo. Tara punta muna tayo sa taas Andrew." si Troy matapos makuha ang biniling ticket para sa papanoorin nilang palabas.
"Sige." ang simpleng tugon ni Andrew. At lingid sa kanyang kaalaman na may surpresang bibilhin sa kanya si Troy.

Habang naglalakad ay napapansin ni Andrew na papalapit sila sa mga tindahan ng gadgets. At pumasok sila sa bilihan ng mga cellphone.
"Good Afternoon Sir." ang nakangiting bati sa kanila ng saleslady.

Inilibot ni Troy ang mga mata nito sa mga nakadisplay na unit sa glass shelf.
"Ito Miss." ang turo niya sa isang touchscreen na cellphone.
"Ok po Sir wait lang."

"Nagustuhan mo ba yung pinili ko Andrew?" ang tanong ni Troy sa kanya nang pumasok ang saleslady para kunin ang stock ng unit na bibilhin niya.
"Bakit ka sa akin nagtatanong, ako ba gagamit niyan?"

At ikinagulat niya ang sinagot nito.
"Oo naman. Dahil bibilhin ko yun para sayo. Para naman kahit nasa ibang bansa na ako at kayo naman ay nakalipat na ay makakapag-usap pa rin tayo."

Lubos ang naging kasiyahan ni Andrew sa pinakitang kabaitan ni Troy sa kanya.
"Maraming salamat talaga Troy."
"Basta ikaw." ang nakangiting sagot nito sabay kindat.

Napakaswerte talaga ng taong mamahalin mo, dahil sobrang bait  mo." ang pagpuri ni Andrew kay Troy matapos bayaran ang biniling phone.
"Ikaw ang mahal ko Andrew, kung alam mo lang." ang sabi ni Troy sa kanyang sarili habang nakatingin sa kausap.
"Halika na baka kung saan pa mapunta ang usapan na yan." ang nasabi na lang ni Troy.
_________"Almost one hour pa ang hihintayin natin Babe." ang sabi ni Sarah nang basahin niya ang oras ng susunod na palabas. "What if na maglibot muna tayo?"
"Uy babe, nakikinig ka ba sa akin?" ang tanong ulit nito nang mapansin si Bryan na tila malayo ang iniisip.
"Ha... hmm... sure" ang simpleng tugon nito.


Habang naglalakad ay magkahawak sila ng kamay. Gayumpaman ay hindi na nakuha pang magsaya ni Bryan simula nang makita niya ang dalawang tao na kilalang-kilala niya kanina.

Sa kabilang banda ay hindi nakaligtas kay Sarah ang pag-iiba ng mood ni Bryan.
"May problema ba babe?" ang nag-aalala at nagtatakang tanong nito.
"Wala naman may naisip lang ako." ang sagot nito sabay ngiting pilit.
"Were here to enjoy. Kaya kalimutan mo na muna yang problema mo." si Sarah ulit sabay pulupot sa malalaking braso ni Bryan.

Limang minuto bago ang oras ng pagsisimula ng susunod na palabas ay bumalik na silang dalawa papunta sa sinehan ng mall.
_________
"Bago bumalik sina Andrew sa sinahan ay bumili muna sila ng kanilang kakainin tulad ng popcorn at canned softdrinks.
Napalaki na yata ng nagastos mo" ang nahihiyang sambit ni Andrew kay Troy
"Its ok Andrew." ang simpleng tugon ni Troy.
"Oo nga pala mayaman ka pala hehehe."
"Tsk... ikaw talaga so..." si Troy sabay tingin sa kanyang relo. "tara na."
________
Nakapwesto sina Bryan at Sarah sa bandang gilid kaya kita nila ang mga taong naglalakad papasok at palabas.
Habang naghihintay ay patuloy lang sa pagsasalita si Sarah na hindi na naintidihan pa ni Bryan dahil sa iniisip nito.

At ang mga taong nasa isip niya ngayon ay muling nagpakita sa kanya. Nahagip ng kanyang mga mata ang dalawa na umupo sa upuan sa bandang harapan nila. Pakiramdam niya ay para siyang naging tuod sa mga oras na iyon. Hindi makagalaw dahil sa pagkalito. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang marinig ang boses ni Andrew na humahalakhak at kasabay na iyon ay ang selos sa pagiging sweet ng dalawa.

Halos hindi na siya mapakali sa kanyang kinauupuan ng marinig niya ang mahinang pagtatawanan ng dalawa.

Nagtaka si Sarah sa nakikita niyang mga action ni Bryan.

"Whats the problem babe?"
Nilingkis muli ni Sarah ang kanyang mga kamay sa matipunong braso nito. Napakalma naman niya ito ngunit halata pa rin ang pagkairita sa mukha.

Habang hindi pa nagsisimula ang palabas ay inoobserbahan ni Sarah ang dalawang taong nasa harapan niya. Sa isip-isip niya, kung hindi kilala ang dalawang taong ito ay masasabi niyang magjowa ang mga ito. Hindi niya tuloy maiwasan na maalaala ang isa sa mga ito na si Troy. Ibang Troy ang nakikikita niya ngayon kumpara noon. Tatawa lang kapag kinakausap at higit sa lahat ang kapansin-pansin na pagpapahalaga nito sa isang tao na wala sa personalidad nito dati.

At base sa kanyang nakita at naisip ay nakabuo siya ng isang conclusion na magagamit niya sa kanyang nais mangyari.

Samantalang halos sumabog ang utak ni Bryan sa kanyang naririnig na pagbibiruan ng dalawa. At ang lalong nagpainit ng kanyang ulo ay ang ginagawang pag-akbay ni Troy kay Andrew. Ni hindi man lang nagresist si Andrew sa ginagawa ni Troy sa kanya bagkus ay parang gusto rin naman nito.

Nabigla naman siya sa mga sumunod na nangyari.
"Hey guys!" ang pagbati ng kanyang katabi sa mga taong nasa harapan nila.

Halos sabay na lumingon sa likuran ang mga taong kanyang binati. Tulad niya ay nabigla rin ang mga ito sa kanilang nakita.

Sa kabila ng medyo my kadilimang sinehan ay naaninag pa rin ni Andrew ang gwapong mukha ni Bryan. Parang ang lahat ng sama ng loob niya para dito ay naglaho at napalitan nito ng matinding pagkasabik.
"Sabi ko na nga ba kay Bryan nga ang nakita kong kotse." sa agad na naisip ni Andrew.

"Oh Sarah, what a coincidence nandito pala kayo ni Bryan." si Troy.
"Yes, actually niyaya ako ni Bryan dito." ang nakangiting sagot ni Sarah.
"So you two are in a date?" tanong muli ni Troy.
"Yes!" "No" halos sabay na naging tugon nina Sarah at Troy.
"Ikaw talaga babe. deny ka pa diyan." ang pagpapatuloy si Sarah.

Naputol lang ang kanilang pag-uusap nang magsimula ang ang kanilang papanooring palabas.

Sa halip na magconcentrate sa ganda ng palabas ay nakafocus na ang atensyon ni Bryan ginagawa nina Andrew at Troy.Pasimple siyang umaangat ng upo para tignan kung nakaakbay pa rin si Troy kay Andrew o magkahawak sila ng kamay.

Tulad ni Bryan ay ganoon din si Andrew.
"Fiancee niya si Sarah kaya natural lang na idate niya ito. Talagang bagay silang dalawa." ang sabi ni Andrew sa kanyang sarili. "Mali itong nararamdaman ko. Dapat mag move-on."
_________
"Are you going home now?" ang tanong ni Sarah kina Troy at Andrew habang naglalakad sila palabas ng sinehan matapos ang palabas. Nakalingkis pa rin ito sa matipunong braso ni Bryan.
"Hindi pa. Kakain muna kami."
"Ow tamang-tama sabay na kayo sa amin di ba babe?"
"Ah...oo, para naman magkakwentuhan tayo." ang pagsang-ayon naman ni Bryan sabay ngiti ulit ng pilit.

Pinili nilang kainan ang isang mamahaling restaurant sa loob ng mall na iyon. Dumako silang apat sa table na pang-apatan ang upuan. Magkatabi sina Bryan at Sarah na katapat nito ay sina Andrew at Troy. Nilapitan naman sila ng waiter. Nang masabi na nila ang kanilang mga order at pagkaalis ng waiter saka nila itinuloy ang pag-uusap.

Habang hinihintay ang kanilang order ay pinagmamasdan ni Sarah si Andrew na halatang umiiwas ng tingin sa katabi niyang si Bryan.

Niisa na kanilang tatlo ay walang nagsasalita kaya siya ang nagbukas ng usapan.
"Ang tahimik naman yata ng kasama mo Troy." si Sarah.
"Ah oo, ganyan talaga siya medyo mahiyain." ang sagot naman ni Troy.
"Hmmm... Parang familiar ka sa akin. Nakita na kita sa birthday ng aking fiancee."

"Ah oo. Pero sandali lang ako doon." ang simpleng tugon ni Andrew.

At syempre alam ni Sarah ang dahilan nito. Nasabi na rin ito sa kanya ng mama ni Bryan, kaya hindi na siya magtataka sa isinagot nito sa tanong niya.
"Ok. By the way Im Sarah, the future wife of Bryan Luis Sebastian." ang kanyang pagpapakilala kay Andrew sabay ngiti sa kanyang katabi.

Sa ilalim ng mesa ay inabot ni Troy ang kamay ni Andrew at pinisil iyon. Hindi man pinapakita ng kasama ay alam niya ang nararamdaman nito.

"Ako naman si Andrew." ang pagpapakilala ni Andrew sa sarili sabay lahad ng isa pa niyang kamay. Tinanggap naman ito ng dalaga.
"Nice to meet you Andrew. Alam mo ba we are bestfriends simula mga bata pa lang kami. Magkakaibigan ang aming mga families. Walang araw na hindi kami nagbobonding."

Nanatili lang si Andrew sa pakikinig.
"Kapag may umaaway sa akin, siya ang aking tagapagtanggol. I remember na sinabi pa niya na walang sinuman ang pwedeng mang-api sa akin. Hay, noon pa lang talagang love ko na siya and I know na ganoon din siya sa akin di ba babe?" ang pagpapatuloy nito sabay lingon sa kanyang katabi na hindi na mapakali sa mga oras na iyon.

Tinignan ni Bryan si Andrew.
"Ah Oo." ang kanyang naisagot. Dala na rin siguro ng selos para sa kanila ni Troy ay iyon na nasabi niya. 
"See. Kaya nung sinabi ko sa kanya na mag magmirate kami sa US, ay talagang umiyak yan to the point na sinundan pa nila kami ni Tita sa airport. At dahil hanggang ngayon ay love ko pa rin siya kaya bumalik ako."

Sa mga pahayag na iyon ng dalaga ay unti-unti nang lumilinaw kay Andrew ang gustong iparating sa kanya ni Sarah. At ang sumunod na sinbi nito ang nagpatotoo sa kanyang iniisip.

"Mabuti na lang at napaaga ang aking pagbabalik kundi... tsk tuluyang na siyang nawala sa akin at naligaw ng landas. By the way after pala ng graduation ng aking babe ay magpapakasal na kami. At walang sinuman ang maaaring pumigil nito."

"Tama nga ang desisyon ko. Kailangan na talaga." ang sabi ni Andrew sa kanyang sarili matapos marinig ang mga pahayag ni Sarah. Kahit malungkot ay pipilitin niyang mag move-on.

At dumating na ang kanilang order.

Habang kumakain, Si Bryan ay pasimpleng sumusulyap kay Andrew. Napapansin niya ang hindi nito ganado sa pagkain tanda ng may malalim itong iniisip. Sa mga oras na iyon ay gustung-gusto na niyang lapitan nito upang aluhin kausapin at magpaliwanag. Alam niya kasi na nasaktan ito sa mga sinabi ni Sarah.

Maya-maya lang ay laking gulat niya sa ginawa ng kanyang katabi. Hinalikan siya nito sa pisngi sabay sabi ng "I love you babe."

Agad siyang natigilan at hindi alam ang gagawin. Tinignan niyang muli si Andrew na ngayon ay nakayuko habang pasimpleng hinihimas ng katabi niyang si Troy.

"Babe" ang pagtawag sa kaniyang pansin muli ni Sarah.
"I love you too." ang wala sa sarili niyang naibulalas.

Sa loob ni Andrew ay labis siyang nasaktan sa kanyang nakita. Ngunit imbes na umiyak ay ipapakita niya sa kanila na hindi siya apektado tulad ng ginawa niyang pag-iwas kay Bryan ng ilang linggo.
"Sweet niyo naman tol." ang pagpuri ni Andrew sa kanilang ginawa habang nakatingin kay Bryan. "Ang swerte mo kay Sarah. Nasa kanya na ang lahat ng katangian ng hinahanap ng lalaki sa isang babae. Bagay na bagay kayo promise. I hope na maging masaya kayo.

Nakatitig lang sa kanya si Bryan na hanggang sa mga oras na iyon ay parang tuod na sa bilis ng mga pangyayari.

Samantalang si Sarah naman ang kinausap ni Andrew.
"Sa palagay ko hmmm..."saglit siyang tumigil a nilagay ang hintuturo sa sentido na tila nag-iisip. "Hindi naman naligaw ng landas si Bryan. Walang nagbago sa kanya, sa nararamdaman niya sa iyo."

Pagkatapos ay si Troy naman ang kanyang tinanong. "Ikaw Troy, di ba matagal mo na rin silang kilala? Kaya sasang-ayon ka sa akin na nagustuhan ni Bryan ang kiss ni Sarah."

Bahagyang natigilan si Troy sa tanong na iyon ni Andrew. Hindi niya inaasahan na makakapagsalita siya ng ganoon. "Ah... eh.... oo naman."
"Sa tingin ko ay wala nang makakapagpahiwalay o hahadlang sa kanilang pagsasama, dahil wagas ang pagmamahalan nila, di ba Troy?"

Napatango na lang ulit si Troy.

Sa mga oras na iyon ay may biglang pumasok sa isip ni Andrew. Ito ang kayang magiging basehan para sa magiging closure ng relasyon nila ni Bryan at magsimula ulit.

"May request sana ako kay Bryan" ang phayag ni Andrew. Tila nawala na ang kanyang hiya naglakas na siya ng loob.
"Ano yun Andrew?" ang tanong agad nito.

"Tutal mahal ka ni Sarah at mahal mo rin siya bilang fiancee. Gusto kong halikan mo siya ulit."

Sobrang nagulat si Bryan at di inaasahan na ipapagawa sa kanya ang bagay na iyon.





















Thursday, September 20, 2012

CAMPUS TRIO Part 24

Madaling-araw na ngunit hindi pa rin dalawin ng antok si Bryan.Habang yakap niya ang teddybear ay inaalala niya si Andrew. Hindi siya mapakali lalo na't alam niya na nasaktan ito sa nangyari.

Nais na niyang puntahan ito, para sabihin at ipaliwanag na ang Mama lang niya ang may pakana ng lahat. Na kahit masaya siya sa pagbabalik ni Sarah ay hindi iyon dahilan para mabago ang nararamdaman niya dito.

"Sobrang nagustuhan ko Andrew. Happy Valentines." ang kanyang sinabi matapos mabasa ang maikling note na nilagay ni Andrew sa teddy bear.
"Thanks for this gift." ang kanyang pagpapatuloy sabay yakap dito.

Sobrang siyang nalungkot lalo nat naisip na ang maaaring maging kahinatnan ng mga nangyari.
"Hindi ito pwede." ang sabi niya sa kanyang sarili sabay lakas loob na bumalikwas ng higa at nagpalit ng damit.

Matapos iyon ay nagmadali siyang lumabas ng silid at bumaba. At napahinto siya sa taong humarang sa kanya sa pinto.

"Hindi mo siya pwedeng puntahan anak."
"Gusto ko lang siya kausapin Ma."
"At ano naman ang sasabihin mo sa kanya? Are you going to tell him na plano ko lang ang lahat ng ito? Masaya ka naman sa ginagawa ko di ba?"
"Thank you sa ginawa mo. Pero si Andrew lang ang kukumpleto sa kasiyahan ko." ang deretsahang pahayag nito.
"Tumigil ka na sa kahibangan mo! Fiancee mo na si Sarah."
"Ikaw lang ang nagsabi niyan. Alam mo ba Ma, sawa na ako sa ginagawa niyong pagkontrol sa buhay ko. Malaki na ako at may sariling pag-iisip."
 "Aba sumasagot ka na ha. Nagiging bastos ka na. Hindi ka na marunong rumespeto. Iyan ba ang tinuro sa yo ng Andrew na iyon. O yan ang natutunan mo sa squatters na tinitirahan nila."
"You have no right na pagsalitaan siya ng ganyan!" tumaas na ang kanyang boses sa mga oras na iyon. "Nakakahiya ka Ma. Mataas ang pinag-aralan mo pero hindi mo naman ginagamit. Tama bang manghusga ng tao."
"Bryan!" napasigaw na ang kanyang ina.
"Totoo naman di ba. Alam mo bang siya ang nagpabago sa akin. Siya ang nakapagparealize sa akin ng mga maling bagay na ginagawa ko. Sa kanya akong naging masaya at natutong magmahal ng totoo."
"I cant believe this." ang nagtitimping pahayag ng kanyang ina.
"Ayoko nang makipag argumento sa iyo Ma. Please lang payagan niyo na ko."
"No!"

Napapailing na lang si Bryan na bumalik sa kanyang silid. Alam niyang hindi siya mananalo sa kanyang ina. Bukod sa magulang niya ito at mas matanda, nangangamba rin siya sa magiging epekto nito sa pagaaral ni Andrew, na baka tanggalin na nito ang kanyang scholarship.
__________ 
"Ngayon ko lang ulit nakita ang anak ko na sobrang malungkot matapos mamatay ang kanyang ama." ang sabi ng ina ni Andrew sa kakauwi lang na si Troy.
"Kanina lang kinausap ko siya at sinabi niya sa akin ang lahat. Masyado nang sinaktan ng mag-inang iyon ang damdamin ng aking anak!" ang naibulalas ng kanyang ina dahil na rin sa sama ng loob.
"Nung una ko pa lang siya makita sa totoo lang ay may pag-aalinlangan ako sa motibo ni Bryan. At sa paglipas ng mga araw ay nakuha niya ang loob ko kaya napapayag niya agad ako sa pagkakaroon nila ng relasyon. Inunawa ko na lang si Dr. Sebastian sa pagpapahinto niya kay Andrew. Pero iba na ngayon. Pinagplanuhan nila ang pagpapahiya at pinaglaruan lang ng kaibigan mo ang damdamin ng aking anak."

"Naiintindihan naman ni Troy ang mga sinabi ng ina ni Andrew. Bilang ina ay nasasaktan din ito sa nakikita niyang kalagayan ng kanyang anak.
"Alam ko po ang nararamdaman niyo Tita." ang tugon ni Troy. "Ngunit tulad po ni Andrew ay naging biktima rin si Bryan ng sitwasyon. Hindi rin niya inaasahan at nagustuhan ang mga nangyari." ang kanyang pagpapatuloy. Sinubukan niyang depensahan ang kaibigang si Bryan.
"Pasensya na Troy sa mga nasabi ko. Siguro tama ka pero hindi iyon dahilan para mabago ang tingin ko kay Bryan. Kaya nakapagdesisyon na ako. Hanggat nabubuhay ako ay ipaglalaban ko ang aking anak. Hindi ko na pahihintulutan pang lapitan ng kaibigan mo ang aking anak."

Kita ni Troy sa ina ni Bryan ang sobrang galit kahit pa na medyo nanghihina na ito. Kaya pinili na lang muna niya ang manahimik.

Habang nag-uusap sina Troy at ang kanyang ina ay tuloy pa rin sa  pag-iyak si Andrew sa loob ng kanyang silid.
"Ngayon na lang ako iiyak. Hindi pwede na habangbuhay na lang ako magpaalipin sa kalungkutan dail lang sa nararamdaman ko kay Bryan. Dapat na akong magmove-on at magsimula ulit." ang sabi niya sa kanyang sarili.

Ilang minuto pa ang lumipas nang maisipan niyang lumabas ng silid. At doon nakita niya ang kanyang ina na natutulog sa sofa. Agad niyang nilapitan ito.

"Kamusta ka na anak?" ang nag-aalalang tanong ng kanyang ina nang magising ito.
"Ayos lang po nay. Huwag kayong mag-alala." ang kanyang tugon sabay ngiti.
"Mabuti naman kung ganoon. Ano na ngayon ang balak mo anak?"
"Sa totoo lang po ay sobrang nalulungkot p rin ako. Ngunit naisip ko na hindi dapat ito maging dahilan upang gawin kong miserable ang aking buhay. Ako na mismo ang gagawa ng paraan nay. Naisip ko po na tuluyan ko nang iiwasan si Bryan upang di na lumala pa ang sitwasyon. Puputulin ko na po ang aming relasyon"
"Paano mo naman sisimulan iyon anak?"
"Balak ko pong tapusin na lang ang school year nay."
"Teka ibig sabihin nito hihinto ka sa pag-aaral mo? Paano na yung scholarship mo?"
"Hindi po ako titigil nay. Lilipat na lang siguro ako sa isang state university. Tungkol po sa scholarship, may pangamba na akong maaapektuhan na ito lalo na ang Mama ni Bryan ang nagbibigay sa akin nito. Kaya naisip ko po na mag part-time job. At habang wala pa akong nahahanap ay babalik ako sa pangangalakal. Isasabay ko na rin ang paghahanap ng trabahong mas malaki ang sahod."

Agad niyakap ng ina ni Andrew ang anak sabay haplos ng ulo nito.
"Hindi madaling desisyon ang gagawin mo anak. Hayaan mo, narito lang ako para gabayan ka. Magtutulungan tayo anak, kakayanin natin ito." ang pagpapalakas ng loob ng ina ni Andrew sa anak.

Ang pag-uusap na iyon ng mag-ina ay pinakinggan lahat ni Troy. Lalo siyang humanga kay Andrew sa pinapakita nitong determinasyon at lakas ng loob bukod sa pagiging mabait nito. Hindi niya maiwasang mapangiti kaya pakiramdam niya ay mas lalong umusbong ang kanyang pagtingin dito. Tulad ng kanyang narinig sa ina ni Andrew, siya rin ay susuporta at tutulong din sa kanya sa abot ng kanyang makakaya.
_________
Isang linggo ang lumipas ay naging usapan pa rin sa buong campus ang mga kaganapan nung gabi ng selebrasyon ng kaarawan ni Bryan. At sa mga panahong iyon ay pilit iniiwasan ni Andrew si Bryan. Kabaliktaran naman nito si Bryan na gustung-gusto lapitan si Andrew upang kausapin ngunit hindi siya makakuha ng tyempo dahil sa higpit ng pagbantay ng kanyang mama. Dahil nasa iisang unibersidad lang sila nag-aaral ay di maiwasan ang madalas na pagkrus ng kanilang landas.  

Hanggang sa isang araw ay hindi na siya makatiis at nagpatulong na kay Troy. Kinausap niya ito sa tambayan.
"Gusto kitang tulungan tol, ngunit nagdesisyon si Andrew na hindi ka na niya kakausapin pa. Matindi ang sama ng loob nilang mag-ina sa ginawa niyo ni Tita."
"Hindi ko masisi si nanay kung magalit siya sa akin. Kaya nga gusto kong kausapin sila para magpaliwanag. Sasabihin ko rin kay Andrew na mali ang akala niya. Hindi ko gusto si Sarah, na kaibigan ko lang siya.  At hindi magbabago ang pinangako ko sa kanya. Pipilitin kong tuparin iyon."
"Gaya nga ng sabi ko kanina, nakapagdesisyon na siya tol. Balak na rin niyang tapusin itong taon at lilipat na raw siya ng school."
"What? Sa...saan naman siya lilipat? Kung aalis siya dito mawawalan sya ng scholarship, tiyak na mahihirapan siya."
"|Alam na niyang hindi na siya magiging scholar pa sa susunod na pasukan tol."

 Agad nakaramdaman ng ulit lungkot si Bryan sa kanyang mga narinig dahil ito na ang magiging hudyat ng paghihiwalay nila ni Andrew.  

"Hindi ito maari, nangako siya sa akin na hindi siya bibitaw. Ganoon na lang ba yun susuko na lang siya. At kung yan ang gusto niya wala na akong magagawa pa. Kaya please naman tol, huli na to, gusto ko lang siya talagang makausap tutal aalis na rin naman siya." ang muling pakiusap ni Bryan. Dahil sa kanyang mga narinig ay mas tumindi ang kagustuhan niyang makita ito at masabi ang lahat ng kanyang saloobin.

Sa mga oras na iyon ay pinagmamasdan ni Troy ang kanyang kausap. Kitang-kita niya ang malaking pinagbago nito sa pag-uugali. Unang pagkakataon kasing nagpakumbaba nang ganoon si Bryan. Madalas kasing kampante lang ito dahil sa lahat ng gusto nito ay nakukuha. Isa pa riyan ang lungkot sa mukha nito kabaliktaran ng pagiging presko nito na palaging nakangiti na may pagka astig. Talagang napakalaki ang naging impluwensiya sa kanya ni Andrew.

"Kung sa bagay may punto ka." si Troy. Tama naman siya, dalawang linggo na lang ang natitira at matatapos na ang school year.
"Sige tutulungan kita tol. Susubukan ko siyang kausapin mamaya. Sasabihan na lang kita kung papayag siya." ang kanyang pagpapatuloy.
"Salamat tol."
________
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" ang malungkot na tanong ni Dina kay Andrew matapos sabihin nito ang kanyang naging desisyon. Nasa corridor sila ngayong dalawa habang hinihintay ang kanilang professor sa huli nilang subject sa araw na iyon.
"Oo. Mawawala na kasi ang scholarship ko sa susunod na taon. Alam mo naman na mahirap lang kami at di na kaya ni nanay ang babayaraing tuition fee."
"Grabe na talaga yang si Mam Sebastian. Tama ba yung pati ang scholarship mo ay idadamay niya. Napaghiwalay na nga niya kayo ni Papa Bryan e."
"Hindi natin siya masisisi. Naninigurado lang naman siya. At mabuti na rin to. Para makapagsimula na lang ulit kami ni nanay."
"Nakakalungkot naman. Mawawalan na ako ng kaibigan dito."
"Hindi naman ako mawawala, lilipat lang kami ng ibang lugar. At saka maaari naman tayong magtawagan di ba?" 
"Oo. Sige good luck na lang sa iyo. Basta balitaan mo na lang ako sa mangyayari sa iyo. Huwag mo akong kalilimutan"
|Hindi mangyayari yun." ang nakangiting si Andrew.
_______
"Hi babe nandito na ako!" ang masayang bati ni Sarah pagkapasok nito sa tambayan. Isang ngiti lang ang isinukli ni Bryan sa kanya.
"Oh nagdala ako ng meryenda. Binigyan ko na rin nito si Tita kanina. Tara kain na tayo." ang masiglang pag-aalok ni Sarah. Kabaliktaran naman nito si Bryan na seryoso ang mukha.
"Ang lalim ng iniisip natin ngayon ah. Anong problema babe?" ang tanong nito sabay haplos sa pisngi ni Bryan.
"Wala ito. So hmmm.... nagugutom na ako tara kain na tayo!" ang nasabi na lang ni Bryan sabay ngiti.

Kahit hindi sinabi ni Bryan sa kanya ang problema nito ay alam na iyon ni Sarah. Nabanggit na rin sa kanya ni Dr. Sebastian ang lahat. Sa sarili niya ay nabigla siya. Hindi makapaniwala na magiging ganoon si Bryan. Tulad ng sabi ng mama nito, naniniwala siya na baka naguguluhan lang ang kanyang anak at naimpluwensyahan lang siya ng Andrew na iyon. At gagawin niya ang lahat upang mapabago ito at bumalik ito sa dati. At tulad ng gusto nito, paninindigan na niya ang pagiging fiancee ni Bryan.

Kapansin-pansin kay Sarah ang pananahimik ni Bryan habang kinakain ang kanyang dalang meryenda.  Naisip niyang magbukas ng topic para magkausap sila.
"Babe, ilang linggo na tayong magkasama pero hindi mo man lang ako yayain na lumabas?" Nilagyan niya nag kaunting himig ng paglalambing ang kanyang boses.
"Pasensya ka na. Sige saang lugar ba gusto mong puntahan natin?"  ang tanong ni Bryan. Sa sarili niya ay wala siyang interes sa bagay na ito dahil ang focus ng kanyang isip ay kay Andrew. Ngunit pinagbigyan na rin niya ang gustong mangyari ng dalaga.
"Gusto ko lang naman na ibalik ang pagiging close natin tulad ng mga bata pa tayo. Pwede tayong mamasyal sa mall o kaya ay mag date para makapagbonding na rin."
"Sure. Sige bukas." ang kanyang pagsang-ayon.
________
Katatapos lang ng klase ni Andrew sa araw na iyon nang puntahan siya ni Troy sa kanilang classroom. Simula ng mga nangyari nung selebrasyon ng kaarawan ni Bryan ay mas naging madalas na ang pagsama ni Troy sa kanya. Sabay sa pagpasok at pag-uwi palibhasa ay nakikituloy siya sa bahay nito.
"How's you day?" ang ngiting tanong sa kanya ni Troy.
"Araw-araw mo na lang tinatanong yan ah."
"Syempre naman. Gusto ko lang malaman kung ano na ang nangyayari sa iyo."
"Bakit naman?"
"Dahil... sabi ni Tita na bantayan kita at alamin lahat ng ginagawa mo." ang sagot ni Troy. Ngunit sa loob niya ay iba ang gusto nitong sabihin.
"Si nanay talaga hays. Pwede bang wag na kayong mag-alala pa sa akin ok na ako oh."
"Mabuti naman kung ganoon." Sa puntong iyon ay susubukan niya ulit na gawin ang isang misyon, ang kanyang pingangako sa kanyang kaibigan na si Bryan.
"So good mood ka ngayon. Pwede na sigurong..." ang kanyang pagpapatuloy na agad pinutol ni Andrew.
"Ooops! ayan ka na naman Troy. Ayoko na nga sabi." Alam na agad ni Andrew kung ano ang ipapaalam sa kanya ni Troy.
"Matatapos na ang school year tapos lilipat ka na ng school. Kaya siguro naman ay mapagbibigyan mo na siya. Kanina habang nag-uusap kami ay nagmamakaawa na siya sa akin."
"Troy naman. Sige kung papayag ako at makakapag-usap kami may mababago ba? Wala di ba! Sabihin mo na lang sa kanya na ituon na niya sa kanyang fiancee ang kanyang atensyon."
"Yan nagagalit ka na naman sa akin. Sorry na please."

Nakapagdulot naman talaga ng inis kay Andrew ang paulit-ulit na gawaing ito ni Troy. Ngunit agad na naglaho ito ng makita niya ang mapupungay na mata nito at ang nakakabighaning ngiti habang humihingi ng sorry sa kanya.
"Oo na. Huli na ito ah. Ayoko nang marinig sa iyo yan."
"Kung iyan ang gusto mo, sige na po."
_________
"Kamusta na ang pag-aaral mo anak?" ang tanong ng ina ni Andrew. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan.
"Ayos lang po. Medyo marami nang pinapagawa sa amin dahil malapit na nga matapos ang sem sabayan pa ng pagrereview ko para sa final exams."
"Kaya mo yan!" si Troy. "Matalino ka naman. Makakapasa ka sa lahat ng exams mo."
"Nambola na naman siya. Kumain ka na nga lang diyan." si Andrew.
"Tsk. Ano pa nga bang ginagawa ko?" ang pilosopo nitong sagot. "Talagang kakain ako lalo na si Tita ang nagluto." pangiti-ngiting turan ni Troy.
"Takaw mo talaga, tignan mo sarili mo mataba ka na."
"Ows di nga? Totoo mataba na ako?" ang kanyang tanong. "Hindi ako naniniwala." Sabay hubad ng kanyang shirt. "Ito ba yung mataba?"

Natigil si Andrew sa kanyang ginagawang pagbibiro kay Troy. Sa halip at natulala ito sa kanyang nakita. Sa totoo lang bilib siya ka Troy , kahit kasi matakaw itong kumain ay napapanatili niya ang ganda ng katawan nito.

Napangisi lang si Troy na nagpatuloy sa pagkain. Hindi nakaligtas sa kanya ang naging reaksyon ni Andrew. Bihira lang niyang gawin ang paghuhubad at pagpapakita ng katawan nito sa ibang tao ngunit kay Andrew ay nagagawa niya ito. Siguro nga ay dahil ito sa nararamdaman niya.

"Ah nay, siya nga pala bukas aalis kami ng kaklase ko, mamamasyal lang kami." ang pag-iiba ni Andrew ng usapan.
"Ganoon ba anak, mabuti kung ganoon. Aba matagal ka na ring hindi nakakapaglibang." ang pagpayag ng kanyang ina.
"Yup dahil masyado kang focus sa pag-aaral mo. Its time na makapagrelax ka. Si Dante este si Dina ba yung kasama mo?"
"Oo. Niyaya niya lang ako, gusto lang niyang makapagbonding kami. Alam niyo naman na ilang araw na lang tapos na ang sem."
"Oh i see. Pwede bang sumama ako sa inyo?" si Troy.
Napatingin si Andrew sa kanya.

"Malapit na kayong umalis dito ni Tita. Gusto ko rin sanang makibonding sa iyo hanggat nandito ka pa. Sulitin ko na ang mga huling araw na magkakasama tayo." ang pagpapatuloy ni Troy.

May nahimigang pagtatampo at lungkot si Andrew sa tono ng boses ni Troy. Kahit siya rin ay ganoon din ang mararamdaman lalo nat mahaba rin ang panahon ng kanilang pinagsamahan. 
"Sigurado ka ba? Baka mailang ka lang sa amin. Iba kami sa mga kaibigan mo... alam mo na... di ba?" ang tanong ni Andrew.

Nakuha naman ni Troy ang ibig sabihin ni Andrew.
"Hindi, as a mater of fact gusto ko rin namang maranasan ang sumama sa ibang tao." ang tugon ni Troy.
"Sige bahala ka." ang simpleng tugon ni Andrew.

Isang nakabibighaning ngiti ang isinukli ni Troy sa kanya.

Itutuloy...