Monday, December 27, 2010

PANTASYA Part 16

Matapos ang isang oras na lunchbreak ay sabay kaming bumalik sa opisina. Sa nalalabing oras ng trabaho para sa araw na iyon ay ganoon pa rin si Kuya Carlo sa akin, nakatingin siya sa akin at kapag susulyapan ko siya ay ngingitian ako. Sa loob ko, di ko maiwasang kiligin. Sobrang nadadala ako sa mga ngiti niya sa akin. Mas sasaya sana ako kung malalaman ko ang totoong iniisip at damdamin niya para sa akin pero sa ngayon ay wala pa talaga akong lakas ng loob na itanong iyon.

Hanggang sa sumapit ang oras ng uwian, nag-aayos na ako ng mga papeles sa mesa nang lumapit siya sa akin.

Umubo muna siya na tila nagtatanggal ng bara sa lalamunan bago magsalita. "Rico, halika na sabay ka na sa akin, ihahatid na kita sa inyo. Dadalawin ko rin kasi si mama ngayon."
Nagulat man sa biglaan niyang offer, pumayag na rin ako. Siyempre makakatipid din ako sa pamasahe.

Sabay kaming lumabas ni Kuya Carlo papuntang parking lot. Habang naglalakad, nakatingin pa rin sa amin ang ibang mga empleyado doon. Nagtaka ako kung bakit hindi ko nakita si Jerome, inisip ko na lang na baka nauna itong umuwi dahil siguro sa pinag-usapang naming dalawa.

Sa loob ng kotse panay pa ang pagngiti niya sa akin, para bang hindi nakakaramdam ng pangangawit ng panga.
"Alam mo Rico, sobrang ganda ng araw ko ngayon, dahil pinasaya ako ng isang taong mahalaga sa akin" ang pagbubukas  niya ng usapan habang nagmamaneho.
"Ah eh ganoon po ba" ang naisagot ko lang sa kanya. Pero sa loob ko ay may kaunting sakit akong nararamdaman, malay ko ba kung ang asawa o anak niya ang tinutukoy niya. Hindi ko naman maassume na ako iyon.
"Teka bakit ganyan ang sagot mo, may mali ba sa sinabi ko?" ang tanong niya sa akin.
"W...wa..wala Sir, may iniisip lang ako" ang pag-aalibi ko sa kanya.
"Sigurado ka, alam mo Rico gaya ng sabi ko kanina kung involve ako sa mga iniisip mo, sana hayaan mong malaman ko ito. Sisikapin kong matulungan kita."

Siguro nga ay nakikiramdam na siya sa akin. Marahil ay hinuhuli lang niya ako na sabihin sa kanya ang lahat.
"Hindi po Sir, inaalala ko lang si nanay" ang nasabi ko sa kanya. Napapailing na lang siya sa akin. Halatang hindi kumbinsido sa sagot ko.

Magdidilim na nang makarating kami sa bahay. Sabay kaming bumaba ng kotse.
"Rico, see you mamaya, dadaanan kita bago ako umuwi" ang sabi niya sa akin bago pumasok sa bahay ng kanyang mama sa tapat.

"Uy, sabay sila ni Carlo, kita ko." ang agad na salubong ni nanay pagkapasok ko ng bahay.
"Ano ba kayo nay, sumabay lang siya sa akin, dadalawin lang niya si Tita Mely ano"sagot ko sabay mano sa kanya.
"Ito naman, kunwari ka pang hindi masaya dyan. Hoy, mula pagkabata mo kilalang-kilala na kita. Sus"

Tama si nanay, masaya nga ako pero gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko yun nararamdaman ng todo, parang kulang dahil may limitasyon ang samahan naming dalawa.
"Sige na nay, pasok na muna ako sa kwarto, medyo masakit ang ulo ko" ang paalam ko sa kanya.

Sa loob ng kwarto inumpisahan kong kalikutin ang binigay niya sa aking cellphone.Sobrang nag-eenjoy ako sa kakapindot. Maya-maya may dumating sa aking message.
"d2 na me sa tapat ng gate niyo, pagbuksan mo naman ako oh" ang sabi ng message na obvious namang si Kuya Carlo iyon.

Nabigla  naman ako sa nakita ko pagbukas ng gate. Isang hunk ang lumitaw sa aking harapan. Si Kuya Carlo ay nakasandong puti at boxe shorts na hapit sa kanya dahil sa laki ng kanyang katawan. Kahit alam kong na-achieve ko na rin ang ganoon ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha at magnasa. Gustung-gusto ko na nga siyang yapusin ng mga oras na iyon.Pero pilit kong pinipigilan ang aking sarili.

Marahil napansin niya ang pagtitig ko sa katawan niya. "Ehem, ehem may balak ka bang patuluyin ako" ang sabi niya sa akin. Isang ngiting animoy nanunukso ang nakita ko sa kanyang mukha.
"Pasensiya na po Sir, pasok na po kayo" sabi ko sa kanya.

Agad siyang sinalubong ni nanay sa sala. "Carlo, kamusta na, kumain ka na ba?" ang tanong ni nanay pagkaupo sa sofa.
"Ayos lang po ako. Tapos na ko maghapunan kay mama." sagot niya.
"Aba, masaya ka na ah. Mukhang naging effective" ang sabi ni nanay na nakapagpabigla sa akin.
"Nay ano ang ibig mong sabihin" ang agad kong tanong sa kanya.
Hindi agad nakasagot si nanay sa tanong ko na halatang nabigla rin. Nagkatinginan muna sila ni Kuya Carlo bago sumagot. "Wala yun anak."

Hindi na ako nagpumilit pa. Pero sa isip ko, alam kong may isang bagay akong hindi alam. Sa pagkakataong ito, hahayaan ko muna ito tutal ay malalaman ko pa rin naman ito.

"Carlo, salamat sa perang binigay mo, kahit papaano ay nakabawas ng utang" si nanay ulit na halatang iniba lang ang usapan.
"Si Rico po ang pasalamatan niyo dahil sa magandang performance niya sa kompanya." ang sagot ni Kuya Carlo na nakatingin sa akin.
"Sige maiwan ko muna kayong dalawa diyan at marami pa akong gagawin sa kwarto." ang paalam ni nanay.

"Halika sa kwarto mo", ang yaya niya sa akin.
"Naku Sir, baka gabihin po kayo at isa pa ay matutulog na ako. Di ba sabi mo may pupuntahan tayong meeting bukas." sagot ko.
"Wala nang meeting kinansel ko na for another day. Kung sasabihin mong matutulog ka na dahil maaga ang pasok mo bukas, wag kang mag-alala dahil excuse ka sa akin. Sige naman oh please."
Kita ko sa mukha niya na para siyang batang nagmamakaawa. Kaya napilitan akong pumayag.

"Ganoon pa rin pala ang kwarto mo parang walang nagbago" sabi niya pagkapasok sa loob. Walang sabi-sabing humiga agad siya sa aking kama.
Nakaramdam naman ako ng pagkailang sa ginawa niya. Siyempre matutulog na ako at hindi ako sanay ng may katabi ako kung may balak man siyang dito rin matulog. Isang parte naman ng isip ko ang nagtatanong kung bakit siya nandito kaya tinanong ko siya.
"Sir, bakit pa po kayo nandito, wala po ba kayong ibang gagawin?" ang casual kong tanong sa kanya habang nakatayo pa rin sa tapat ng kama kung saan siya nakahiga.
"Bakit ka nagtatanong ng ganyan, di ba dati pa naman ako nakakapasok dito sa kwarto mo, at saka wala naman akong gagawin sa pagkakatanda ko." ang sagot niya.

Hindi kaagad ako nakapagsalita nang mga oras na iyon nang mapatingin ako sa ibaba niyang bahagi ng katawan. Dahil nakahiga siya at nakaboxers, halatang-halata ang bukol sa kanyang harapan. Parang nag-init akong bigla at di ko rin naiwasang tigasan.Ewan ko ba parang tinutukso ako ng taong ito.
"Mali ito mali!" ang sabi ko sa aking sarili.

Bigla naman siyang umupo sa kama mula sa pagkakahiga at inabot ang aking braso para tumabi sa kanya. Madali niya akong napasunod dahilsa mga iniisip ko kanina.
"Rico, maraming salamat. Sana ganyan ka na palagi" ang sabi niya sa akin ng may ngiti.
Nagbalik na ang ulirat ko sa sinabi niya."Wala po iyon sir. Dapat nga ako pa ang magpasalamat sa binigay mong regalo sa akin."
"Kulang pa yan compared sa sayang binigay mo sa akin. Sobrang pinagaan mo ang kalooban ko Rico. Siyanga pala, diyan muna ako titira kay mama ng ilang araw."

Kinilig naman ako sa sinabi niya. Dahil mapapadalas na talaga ang pagsasama naming dalawa. Pero nagtaka ako kung bakit siya lang. Naisip ko na lang na baka hindi niya sinama ang kanyang pamilya para hindi ko makita.
Bigla naman niyang ginulo ang buhok ko at nagsalita. "Uy nag-iisip ka na naman diyan, sabihin mo na nga kasi sa akin kung ano ang bumabagabag sa iyo"
Ito na naman siya, ang mga pahiwatig niya. Ito na ba ang tamang oras para itanong sa kanya ang lahat. Para malaman ko na kung may magandang kahahantungan itong set-up naming dalawa. Unang araw pa lang kasi namin ay sobrang nag-eenjoy na ako at alam kong ganoon din siya.

Huminga muna ako ng malalim bago mag-umpisang magtanong sa kanya. "Sir Carlo, kung gusto mo po malaman ang totoo, sasabihin ko na po sa iyo."
"Yan, sige umpisahan mo na" ang may ngiti niyang pagsagot. Nakikita ko sa mukha niya ang pagkainteres na makinig sa aking sasabihin.
Uumpisahan ko na sanang magsalita nang biglang mag ring uli ang kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kama. Nang tignan niya kung sino ito, saglit siyang tumingin sa akin at sinenyas niya ang kamay na saglit lang at sasagutin ang tawag. Lumabas siya ng kwarto ko.

Ang napakasaya kong mood ay biglang napalitan ng lungkot at sakit. Siyempre asawa niya yon o anak ang tumawag. Obvious naman kasi ang paglabas niya para hindi ko siya mabuko o malaman ang pag-uusapan nila.

Dahil doon ay naisipan kong magtulog-tulugan na para tuluyan na siyang umalis. Kaya dali-dali akong humiga sa aking kama at tumagilid na nakalukbong ang unan sa mukha.

Makalipas ang sampung minuto nilang pag-uusap ay narinig ko ang tunog ng pagbubukas ng pinto. Alan kong pumasok ulit siya.
"Rico, Rico. Rico" sabi niya na habang niyuyugyog ako. Nagkunwari pa rin akong tulog.
"Alam kong gising ka pa, sige uuwi na muna ako. Maaga kitang dadaanan dito para sabay na tayong pumasok bukas. Bye." ang narinig kong sinabi niya sa akin bago tuluyang lumabas.

Hindi ko naiwasang maluha nang gabing iyon.

Itutuloy..............

Wednesday, December 22, 2010

TUKSO Part 16

Napagpasiyahan kong lumuwas muna ng Maynila at pansamantalang makituloy sa bahay ni Bea. Hinatid ako doon ni Allan. Nang makarating ay nagpaalam siyang uuwi muna at nangakong pupuntahan ako kinabukasan.

"Im not surprised anymore Ricardo" ang agad niyang sagot matapos kong ikwento ang lahat ng mga nangyari.
"Ikaw naman Bea, parang wala ka naman pakialam sa akin." ang malungkot kong pahayag sa kanya.
"Aba, nagtampo ba daw sa akin. Alam mo, hindi na kasi yan bago sa akin. Bilangin mo nga kung ilang beses mo na sinasabi sa akin ang lahat ng mga kabiguan mo sa pag-ibig." si Bea ulit.
"Tama ka friend ewan ko ba, parang kakambal ko na talaga ang malas e. Siguro panahon na para baguhin ko na ang sarili ko"
" Hay naku ilang beses ko na narinig sa iyo yan.
"Hindi Bea, seryoso na ako. Sobrang nadala na kaya ako sa mga nangyari."
"So ano na ang mga plano mo ngayon ha?"
"Ang magsimula, ang ibangon ulit ang aking sarili. Gamit ang mga natitira kong pera ay magtatayo ulit ako ng negosyo."
"Ganun, pero teka nga balik tayo sa kwento mo, binigyan mo ba siya ng pagkakataong magpaliwanag. Baka naman kasi ay may ibang dahilan siya o di kaya'y mali lang ang naging interpretation mo sa mga nakita mo. Sa pagkakakilala ko kasi kay Mike, di siya ganoong tao."
"Hindi ko na alam friend, naguguluhan na rin ako. Sapat na yung nakita kong pagkasweet nilang dalawa para tuluyan na akong hiwalayan siya."

Sasagot pa sana si Bea nang biglang maudlot ng isang tawag mula sa kanyang cellphone.Nang sagutin niya ito ay tumingin siya sa akin. Doon ko nalaman na si Mike ang tumawag. Sinadya niyang i loud speaker ang phone para marinig ko ang kanyang mga sasabihin.Sinabihan ko siyang wag ipapaalam kung nasaan ako.

"Bea, nandiyan ba si Ric. Kanina ko pa siya hindi ma contact e?" ang unang pagtatanong ni Mike.
"Wala dito Mike, bakit mo siya hinahanap?  May problema ba kayong dalawa?" si Bea.
"Alam kong alam mo kung nasaan siya pero naiintindihan ko naman kung ayaw mong sabihin e. Kaya pakisabi na lang sa kanya na sana bigyan niya ako ng chance na magpaliwanag. Bea, hindi ko magagawang saktan siya. Mahal na mahal ko siya e. Sana matulungan mo naman ako."

Ramdam kong naiiyak na siya habang nagsasalita base sa tono ng kanyang boses kaya hindi ko na rin maiwasang maluha muli.
"Hayaan mo Mike, susubukan ko siyang kausapin. Sige Mike, marami pa akong gagawin."
"Salamat Bea" ang huling sinabi niya.

"Ano na ang gagawin mo friend, parang sincere naman siyasa mga sinasabi niya?" ang tanong niya sa akin matapos ang kanilang pag-uusap sa cellphone.
"Hindi pa ako handang harapin siya, siguro kailangan ko lang ng kaunting panahon" ang sagot ko sa kanya.
"Sige ikaw ang bahala. Pwede ba tumigil ka na nga sa kakaemote mo diyan. Malapit na ang Christmas dapat masaya ka. Ah alam ko na, tatawagan ko si Nica at Althea, mag- inuman tayo.

Pumayag na rin ako para naman mabawasan ang bigat ng aking nararamdaman. Napagdesisyunan naming mag Malate.

"Ricardo, wag ka ngang magmukmok diyan halika, sayawan tayo, let's party" si Althea.
"Sige kayo na lang, wala ako sa mood"
"Hayaan mo na nga siya, heartbroken na naman siya kaya tayo na lang tara!" si Bea.

Sa sobrang sama ng loob ko ay napadami ang aking inom. Sa tantya ko ay  naka 3 malalaking bote ng wine ang aking naubos. Dahil sa sobrang kalasingan ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Tuluyan na akong nakatulog.

Isang mukha ng lalaki na nakamasid sa akin ang agad kong nasilayan ng magising ako kinabukasan. Nang suotin ko ang aking salamin ay agad kong napagtanto kung sino ito, si Allan.

"Good Afternoon Ric" ang masayang bati niya sa akin.
"Ang aga mo naman" ang sagot ko sa kanya sabay bangon mula sa pagkakahiga.
"8am na kaya. Oh ano kamusta  ka na?"
"Eto, malungkot pa rin, mahapdi pa rin ang sugat sa nangyari kagabi"
"Ang lalim naman nun, halika mamasyal tayo." ang yaya niya sa akin.
"Hindi maganda ang pakiramdam ko Ric saka na lang siguro" ang pagtanggi ko sa kanya.
"Sayang naman itong binili ko" sabi niya sabay labas ng dalawang ticket mula sa kanyang bulsa.
"Enchanted Kingdom!" sabi ko nang makita ang inilabas niya.
"Oo, Christmas season na e kaya Tara na!"
Wala na akong nagawa kundi pumayag tutal makakatulong din naman ito para kahit papaano makapag-enjoy  ako.

Dalawa lang kaming bumiyahe papuntang Laguna. Nang makarating sa aming destinasyon, nabigla ako as sobrang dami ng tao. Ganito pala dito kapag magpapasko.

Medyo natagalan kami bago makasakay ng mga rides dahil sa haba ng pila kaya sa buong araw ay tatlong rides lang ang nasakyan namin. Ang roller skater, Anchors away at ang nakakalula at nakakahilong space shuttle. Bukod pa roon ay kumain din kami sa mga fastfood at stalls na naroon. Bumili muna kami ng Buko Pie bago umuwi.
"Mabuti naman at masaya ka na ulit" si Allan habang nagmamaneho ng kanyang kotse.
"Oo, maraming salamat sa iyo, sobrang nag-enjoy ako. Medyo nabawasan ang kalungkutan ko"
"Walang anuman basta ikaw, siyanga pala ano ang mga balak mo ngayong pasko?"
"Ako, ewan ko. Parang walang Pasko sa akin, alam mo namang nag-iisa lang kasi ako sa buhay." ang deretsahan kong sagot sa kanya na dinaan ko sa pagngiti. Pero sa loob-loob ko ay sobrang lungkot ang nararamdaman ko.
"Ahm, Ric kung pwede sana sa amin ka na lang mag Pasko, sumabay ka na sa aming pamilya sa noche buena. Gusto ka na kasi ulit makita ng pamilya ko"
"Salamat sa paanyaya pero, parang nakakahiya naman."
"Hindi ano, isipin mo na lang na bayad namin ito sa utang na loob na ginawa mong pagtulong sa pamilya ko noong naghihirap pa kami."
"Naaalala mo pa pala iyon. Pero natutuwa ako dahil ngayon lang ako nakakatanggap ng appreciation mula sa ibang tao."
"Kulang pa yan sa mga kabaitan mo sa amin" ang huling sinabi niya bago kami makarating sa bahay ni Bea kung saan ako pansamantalang tumutuloy.
"See you na lang sa christmas Eve." pahabol na pahayag pagkalabas ko ng kanyang kotse.
"Ok sige pasok na ko" paalam ko sa kanya.

Naging abala ako sa paglipas ng mga araw, dahil simbang-gabi, naisipan kong pansamantalang magtinda ng puto-bumbong sa isang simbahan malapit sa aking tinutuluyan. Tinutulungan naman ako ng aking mga kaibigan. Kahit papaano maykita ako kahit maliit lang.

At sumapit ang bisperas ng pasko. Tulad ni Allan ay niyaya rin ako ng aking mga kaibigan na magpasko sa kanila. Gusto ko man ay hindi ko sila napagbigyan dahil sa pangako ko kay Allan. Gaya ng napag-usapan namin ay sinundo niya ako.

Pagkarating ng Tagaytay, sinalubong agad kami ng kanyang ina.
"Ikaw na ba yan Sir Ricardo, naku parang walang nagbago sa iyo ah" ang masayang sabi ng kanyang ina nang makita ako.
"Wag niyo na po akong tawaging Sir, Ricardo na lang" ang sagot ko sa kanya.
O siya sige kung yan ang gusto mo. Halina kayo malapit nang mag alas dose.

Sabay-sabay kaming kumain ng noche buena, ako kasama at ang buong pamilya ni Allan. Nagkuwentuhan kami ng ilang mga masasayang bagay sa buhay nila.

"Alam mo Ricardo, kahit ganyan ang nangyari sa iyo na nawala ang lahat ng yaman mo, ang taas pa rin ng tingin namin sa iyo. Napakabait mo kasing tao. Ewan ko ba kung bakit nangyayari sa iyo ang mga ganoong bagay. Pero alam mo ikaw ang dahilan kung bakit naging matagumpay ang anak ko. Noon kasi, sunud-sunuran lang kami sa isa naming mayamang kamag-anak dahil sa laki ng pagkakautang namin sa kanila."
"Hindi naman po siguro. Nasa determinasyon lang po yan ni Allan."
"Totoo ang sinabi ni nanay. Hindi naman lingid sa aming kaalaman na may gusto sa iyo ang kapatid ko. Sabi nga niya sa amin na kapag nagkita kayo ulit ay hindi na niya hahayaang maghiwalay pa kayo." ang sabi naman ng kanyang kapatid na babae na ngayon ay dalagita na.

Napatingin naman ako kay Allan dahil sa aking mga nalaman. Nakangiti lang siya sa akin. Wala naman akong nasabi pa ng mga oras na iyon.

Pagkatapos kumain ay nagpasiya akong puntahan ang kanilang napakagandang hardin. Mas gumanda pa ito ngayon dahil nadagdagan ito ng ibat-ibang kulay ng ilaw galing sa mga chirstmas lights kasama na ang mga naggandahang mga dekorasyon. Abala ako sa pagmamasid ng paligid nang bigla lumapit sa akin si Allan.

"Merry Christmas" ang bati niya sa akin. Nginitian ko lang siya.
"Halika don tayo sa may mesa" ang yaya niya sa akin.
"Ricardo may ibibigay pala ako sa iyong regalo. Sana magustuhan mo ito" sabi nya nang makaupo kami sabay kuha ng isang maliit na kahon mula sa kanyang bulsa. Nabigla naman ako nang buksan ko ito. Isang mamahaling kwintas.
"Gusto ko isuot mo yan palagi."
"Salamat Allan, nagustuhan ko ito." ang masaya kong sinabi sabay suot nito sa aking leeg.

Maya-maya bigla naman akong nakaramdam ng pagkailang. Nakatitig kasi siya sa akin. Hindi ko mawari kung ano ang iniisip niya. Ilang minuto rin iyon nagtagal hanggang sa magsalita siya ulit.

"Ricardo mayroon pa sana akong sasabihin sa iyo eh"

Itutuloy............

Monday, December 20, 2010

PANTASYA Part 15

"Sige you may go back to work now" ang huling sinabi sa akin ni kuya Carlo matapos ang aming pag-uusap.

Sinimulan ko nang gawin aking trabaho. Dahil nasa loob na ako ng kanyang opisina ay hindi ko naiwasang mailang at kabahan. Siyempre magkalapit lang kaming dalawa, kaya lahat ng mga actions ko  ay mapupuna niya. Pero sa kabilang banda ay natutuwa ako at magiging ganado dahil buong araw ko na siya makikita.

Habang busy ako sa pagtatype ng mga documents sa laptop ay nararamdaman ko na nakatingin siya sa akin. Nang sipatin ko siya, nakumpirma ko ang aking hinala. Ang posing niya ay parang si Ninoy Aquino sa limandaan na nakangiti siya sa akin.

Maya-maya medyo nawirduhan na ako sa mga kinikilos niya. Sa ilang oras ko nang pagtatrabaho ay wala siyang ibang ginawa kundi ang titigan ako. Kung ice cream lang  siguro ako ay matagal na kong natunaw.

Hanggang sa sumapit ang oras ng breaktime ay ganoon pa rin siya. Hininto ko muna ang aking ginagawa. Akmang magpapaalam na sana ako sa kanya para kumain nang lapitan niya ako.

"Tara na Rico, sabay na tayong mag lunch" ang hindi ko inaasahang pagyaya niya sa akin. Hindi naman ako tumanggi bagkus ay nagugustuhan ko pa nga. "First date namin ito" ang sabi ko sa aking sarili.

Dere-deretso kaming lumabas ng building na magkasabay, walang pakialam sa mga taong nakatingin sa aming dalawa na animo'y pinag-uusapan kami.

Nagulat ako sa pinagdalhan niya sa akin, walang iba kundi sa KFC.
"Dito tayo kakain, tara pasok na" ang sabi niya sa akin.
Hindi ko naman mawari kung bakit dito niya ako naisipang dalhin.

"Hanap ka na ng mapupwestuhan natin sa taas. Ako na ang oorder ng kakainin natin." ang utos niya sa akin bago siya pumila sa counter.

Ewan ko ba kung nagkataon lang, ang nahanap kong kakainan namin ay ang mesang minsan ay napwestuhan din namin ni Jerome. Naisip ko tuloy siya, kung ano na ang ginagawa niya sa mga oras na ito.

Matapos ang ilang minutong paghihintay ay dumating na siya kasama ang isang crew, dala ang napakaraming mga pagkain. Inipalag na nila ang halat ng iyon sa mesa.
"Kain na, wag ka nang mahiya" ang nakangiting alok niya sa akin.

Tila nagbalik ang lahat ng nakaraan sa akin. Naalala ko ang lahat ng ginawa niya sa akin noon, ang pagiging mabait at mapagbigay niya. Ang magiliw na pakikitungo sa akin. Sa nakikita ko ay masaya naman siya sa mga ginagawa niya as akin kaya hindi ko na siya kinokontra pa.

"Ang tahimik mo naman Rico, baka pwede namang magkwento ka" ang pagbubukas niya ng aming usapan habang kumakain.
"Ano naman po ang gusto niyong pag-usapan natin, wala po kasi akong maisip na sasabihin sa inyo" ang casual kong pagsagot sa kanya.
"Kahit ano?"
"Pasensya na po talaga Sir, wala talaga akong maikukuwento pa sa ngayon"
"Ok, siyanga pala, agahan mo ang pasok bukas, may importante tayong business meeting na pupuntahan"
"Sige po Sir" ang nakangiti kong sagot sa kanya.

"Yan, ang gusto ko. Alam mo, masaya ako ngayon dahil nakakangiti ka na ulit sa akin. Sana tuluy-tuloy na yan" ang pahayag niyang medyo nagpabigla sa akin.
"E sino naman po ang hindi sasaya nito, nakatanggap na po ng mamahaling cellphone, nakalibre pa ako ng lunch" ang may biro kong sagot sa kanya.

Tila nahipnotismo na naman ako sa naging reaksyon niya sa aking biro. Kita ko ang mapupungay niyang mga mata, ang dalawang biloy sa kanyang mga pisngi at  ang magaganda niyang ngipin habang tumatawa. "Nasa kanya na ang lahat" ang nasabi ko ulit sa aking sarili.

Pero agad akong natauhan nang biglang kong maalala ang gabing may kausap siya sa kanyang cellphone na tinawag niyang baby. Obvious namang anak niya iyon.Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng inggit sa kanyang asawa. Napakaswerte na isang napakagwapo at gentleman na lalaking tulasd ni Kuya Carlo ang napangasawa niya.

Tumigil siya sa kanyang pagtawa nang mapuna ang pagbabago ng aking mukha. " Oh bakit malungkot ka na naman, may problema ka ba?" ang tanong niya sa akin.

Gusto ko mang sabihin na ang totoo kong nararamdaman at iniisip ng mga oras na iyon ay di ko magawa. Natatakot ako sa kung anumang sasabihin niya. Hindi ko matatanggap ang mga magiging pag-amin niya. Nag-alibi na lang ako sa kanya.
"Wala, naalala ko lang si nanay" ang naisagot ko sa kanya.

Ngunit parang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Tumingin siya sa akin at hinaplos ng marahan ang aking mukha. "Rico, alam kong may iba kandinaramdam. Kung may kinalaman man ako sa mga iniisip mo, sana sabihin mo ito sa akin. Gagawin ko ang lahat para matulungan kita." ang sinsero niyang sabi habang nakatitig sa akin.

Pakiramdam ko'y alam na niya ang mga iniisip ko. Hinihintay lang niyang i-open ko ito sa kanya. Siya lang talaga ang maaaring makatulong sa problema ko. Pero ang tanong ay maaalis kaya niya ang kalungkutan ko gayong huli na ang lahat. Kailanman ay hindi na maaaring maging kami. Imposible namang iwanan niya ang kanyang pamilya para sa akin.

Sa pagkakataong ito ay nais ko na talagang bumigay, pero pilit akong nagpakatatag. Sinuot ang aking maskara. Ikinubli ang lungkot at nagpakita ng saya sa kanya. Inisip ko, dapat maging kuntento na lang ako sa set-up naming dalawa.

Itutuloy.................

PANTASYA Part 14

Mistulang naging estatwa ako ng mga oras na iyon. Hindi makagalaw dahil sa mga ginagawa niya sa akin, napapatulala sa kanyang kaakit-akit na mukha. Parang nasasarapan ako sa pagdikit ng kanyang mga kamay sa aking balat. Sa pagkakataong iyon ay hinayaan ko na lang siyang magpatuloy.

"Patawarin mo ako kung naging ganito ang inasal ko. Hindi kasi ako mapalagay kapag magkasama kayong dalawa" ang pahayag niya habang nakatingin pa rin sa akin.
Napaisip ako sa huli niyang sinabi na di daw siya mapalagay kapag magkasama kami. Tatanungin ko na sana siya kung ano ang ibig niyang sabihin nang magsalita siya ulit.
Hinawakan niya ang aking mga kamay. Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy. " Alam ko nagtataka ka, kita ko sa mga mata mo kaya tatapatin na kita. Tinanggal ko siya dahil gusto kong ipaglayo kayong dalawa. Hindi ko kasi kaya na nakikita ko kayong nagkakamabutihan. Sana maintindihan mo"

Hindi pa rin naging malinaw sa akin ang mga sinabi niya. Parang nakukulangan ako sa kanyang mga paliwanag. Ayaw ko namang mag-assume na nagseselos siya dahil wala naman siyang binabanggit na gusto niya ako, kung meron man, napakaimposible nun dahil sa pagkakaalam ko ay may pamilya na siya.

Kinalas ko na ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Tumayo na ako na sinundan niya.

"Sir, kung iniisip niyo na may relasyon kaming dalawa, nagkakamali po kayo. At saka kung meron man, hindi pa rin iyon dahilan para sesantihin niyo siya." ang deretsahan kong pahayag.
"Masyado na po yata kayong namemersonal. Kaya po gaya ng sinabi ko kanina ay magreresign nalang ako."
"Alam mo ba ang pinagsasasabi mo Rico. Sa pananalita mo pa lang, hindi mo na iniisip ang mangyayari sa hinaharap. Hindi mo ba alam kung gaano kahirap maghanap ng trabaho lalo na't hindi ka pa nakakapagtapos."

Sobrang nasapul ako sa mga sinabi niya. Tama siya. Kung tutuusin napakaswerte ko, nakakapagtrabaho kasi ako sa isang kompanya na mas mataas ang sahod sa minimum. Naisip ko si nanay, ang kanyang kondisyon. Dahil wala si kuya ay ako lang ang kanyang inaasahan. Wala kaagad akong naisagot sa kanya.

Napansin niya ang bigla kong pananahimik. " Am I right Rico? Nagmamalasakit lang ako sayo, sa pamilya mo. Pero naiintindihan kita kung bakit mo nasabi ang ganyang bagay.  Tama ka rin, dapat hindi ko hinahaluan ng mga personal na bagay ang trabaho. Hayaan mo bukas na bukas din ay pababalikin ko na si Jerome dito."

"Maraming salamat po Sir." ang bigla kong sambit ng marinig ang kanyang huling pahayag. Masaya ako para kay Jerome. Kahit papaano ay nasuklian ko ang lahat ng kabaitang pinakita niya sa akin sa pamamagitan nito.

"Walang anuman Rico. Dahil pinagbigyan kita e baka pwede naman sigurong ako naman ang humingi ng pabor sayo" ang sagot niya sa akin.
"Sige po kahit ano basta kaya ko"
"Ok. Rico, simula bukas ayoko nang makikipag-ugnayan ka pa sa kanya. Kung mag-uusap kayo ay tungkol lang ito sa trabaho. Ako lang ang dapat mong kasama. Kung iisipin mong pinipigilan ko ang pagkakaibigan niyo ay nagkakamali ka. Ayoko lang mauwi ulit ito sa mas mataas na level."

Isang palaisipan sa akin ang naging kondisyon niya lalo na yung huling pahayag niya. Kinutuban akong may nalalaman siya sa mga nangyari sa akin noon. Ibig  sabihin, naisip niya na baka magkadebelopan kaming dalawa. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto niya.

Pagkalabas ko pa lang ng kanyang opisina matapos ang aming pag-uusap ay agad kong tinawagan si Jerome para sabihin ang magandang balita.

"Talaga Rico, hindi ko alam kung bakit concern ka sa akin pero maraming salamat ha" agad niyang sagot sa akin matapos kong ipahayag ang balita.
"Ano ka ba, siyempre magkaibigan tayo, sinuklian ko lang ang kabaitang pinakita mo as akin. Isa pa pinaglaban ko lang ang tama" sagot ko sa kanya.
"Paano yan e di magkita na lang tayo bukas. Dating gawi na naman tayo niyan"
"Teka Jerome, parang malabo na yata mangyari yan, kondisyon kasi ni Sir Carlo na hindi na ako pwede pang sumama sa iyo."
"Ha!, pumayag ka naman?" ang tanong niya sa akin na halatang gulat sa sinabi ko.
"No choice kaya ako"
"Ganoon ba, E ano ba ang nararamdaman mo ngayon?"
"Medyo malungkot, ikaw na nga lang ang kaibigan ko tapos paghihiwalayin pa tayo"
"Ako rin, pero pwede pa naman tayong  magkita nang patago."

Kahit papaano natuwa ako sa sinabi niya. Oo nga naman, maaari pa naman kaming mag-usap nang hindi malalaman ni Kuya Carlo. Isa pa, sa trabaho lang naman iyon, pwede naman siyang pumunta sa bahay. Bakit hindi ko naisip yun?" ang tanong ko sa aking sarili.

At napag-usapan naming dalawa ang magiging set-up namin. Hindi na kami mag-uusap muna sa office, sa halip ay pupunta na lang siya sa bahay pagkatapos ng trabaho at kapag walang pasok ay lalabas kaming dalawa.

Sa sarili ko, iniisip at tinatanong ang aking sarili kung bakit naging ganito na lang ang pagpupursige ko para kay Jerome. Siguro ayoko lang mawalan ng kaibigan marahil sa pangungulila ko pa rin kay Kuya Carlo.

Kinabukasan, tulad ng napag-usapan ay nakabalik na si Jerome sa kompanya. Pagkapasok ko pa lang sa lobby ay nakita ko siya agad na kausap ang iba naming mga kasamahan. Nagpasiya akong hindi muna siya batiin, tutal ay mag-uusap naman kami mamaya. Agad na akong sumakay ng elevator paakyat sa taas.

Halos kararating ko lang sa aking mesa nang lumapit sa akin si Suzie.
"Good Morning po Sir Rico, inaantay po kayo ni Sir Carlo. Bilin niya sa akin na papuntahin kita sa office niya pagdating mo"
"Ah oo sige salamat" ang sagot ko sa kanya.

Agad akong pumunta sa opisina ni kuya Carlo, na clueless sa anumang sasabihin niya sa akin. Kakatok pa lang sana ako nang magbukas ang pinto at iniluwa ang kanyang katauhan, halatang hinihintay ang aking pagdating. Nabigla man ay casual ko pa rin siyang binati.

"Good morning po Sir Carlo"
"Good morning din Rico, halika pumasok ka at may importante tayong pag-uusapan." ang sagot niya sa akin.

Siya ang unang nagsalita pagkaupo naming dalawa. "Tulad ng napag-usapan natin, nakita mo na ulit si Jerome dito. Tinuwid ko na ang aking mga pagkakamali. Siguro naman ay masaya ka na"
"Opo sir, salamat sa inyo." sagot ko sa kanya.
"Kaya its time para tuparin mo ang pangakong pagbibigyan mo ang aking pabor. Natatandaan mo naman siguro kung ano iyon di ba?"
"Yes Sir" ang sagot ko ulit.
"Mabuti naman. Kaya kita pinatawag ngayon ay para pag-usapan natin ang tungkol doon. May sasabihin lang ako sa iyong ilang mga paalala. bukod pa doon sa napagkasunduan natin kahapon.
 Tinango ko lang ang aking ulo tanda ng pagpayag ko na makinig ko sa mga sasabihin niya.
"Una, simula sa araw na ito, ay dito mo na gagawin ang iyong mga trabaho dito sa aking opisina. Pinaayos ko na kanina ang magiging mesa mo. Pangalawa, ikaw na ang lagi kong kasama sa lahat ng mga lakad ko. Pangatlo, kailangan mo nang palitan ang contact number mo."

Maya-maya may kinuha siyang isang itim na box sa loob ng kanyang bag. Sobrang nabigla ako sa laman ng buksan ko ito. Isang latest na brand new Apple I-phone!

"Yan ang magiging cellphone mo. May simcard na rin yan sa loob. Naka save na dyan ang cellphone number ko."

Todo ang naging kasiyahan ko sa natanggap ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nasa akin na ang isang bagay na minsan kong hiniling na bilhin sa sarili ko kapag nagkaroon na ako ng extra na pera. Panay nga ang tingin ko sa mga shops sa mall kapag namamasyal kami ni Jerome.

"Simula ngayon ay yan na ang gagamitin mo. Kaya i surrender mo na sa akin ang luma mong cellphone." ang sunod nioyang sinabi sa akin.
"Salamat po Sir. Pero kukunin ko pa po ang mga contacts ko dito"
"Hindi na kailangan, nakalagay na rin diyan ang number ng kuya mo pati ni Tita."

Ewan ko ba kung bakit hindi ako makaalma sa lahat ng mga ginawa niya pati na rin sa mga nauna niyang sinabing paalaala. Marahil sa kasiyahan ko sa binigay niya sa aking regalo kaya napasang-ayon na ako sa gusto niya. Inisip ko na lang na kailangan kong sanayin ang aking sarili sa bagong set-up na kasama si Kuya Carlo na magsisimula ngayong araw na ito.

Itutuloy..................

Tuesday, December 14, 2010

TUKSO Part 15

Sa halip na kunin ko ang inaalok niya ay niyakap ko siya habang humahagulgol. Sa oras na iyon, hindi ko na inisip ang biglaan niyang pagsulpot dito at kung paano niya nalaman ang lugar na ito. Ang mahalaga ay nandito siya, bilang kaibigan. Nagpapasalamat ako kahit papaano ay may karamay ako sa aking pagdurusa.

"Sige ilabas mo lang yan" sabi niya sa akin habang hinahagodang aking likuran.
"Bakit lagi na lang ganito ang nangyayari sa akin, Allan? Sa lahat ng relasyong pinasukan ko, ito ang pinakamasakit. Ang tanga-tanga ko talaga, masyado akong naging mahina, madaling matukso" ang umiiyak ko pa ring pahayag.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo, tao ka lang na nagkakamali rin at nagmamahal."
"Tama ka, isang malaking kahibangan ang pagpili ko kay Mike, ang ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya. Isinuko ko ang lahat ng aking pinaghirapan, tapos ito ang kapalit" Nakatingin lang siya sa akin.

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at nagpatuloy. "Alam mo sobrang nadala na ako. Hindi ko siguro na kakayanin pa sa susunod na mangyari ulit ang ganito."
Pinunasan niya ng dala niyang panyo ang mga luha sa aking mukha."Tama na yan, ayokong nakikita kitang ganyan. Nasaan na ang nakilala kong Ricardo na malakas, masayahin, may paninindigan at determinasyon."

Naisip ko na may punto siya. Hindi dapat ako nagkaganito dahil sa pag-ibig, kahit pang ilang beses na akong nabigo. Nasaan na ang pangako ko sa sarili noon na hindi na ako magpapatalo sa tukso.

"Salamat Allan, kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko." ang nakangiti ko nang sabi sa kanya. Sinalaysay ko sa kanya ang buong pangyayari na naging dahilan ng paghihinagpis ko.

Matapos ng mahabang usapan, nagpasiya na akong umuwi. Sinamahan ako ni Allan. Habang naglalakad kami pabalik, hindi ko maiwasang kabahan, para bang may hindi magandang magyayari. Napansin niya ang pagkabahala ko.
"Ayos ka lang ba?" ang tanong ni Allan sa akin.
"Huwag kang mag-alala OK lang ako."

Nang makarating, "Halika Allan, pasok ka muna. Pagtitimpla kita ng kape" ang pagyaya ko sa kanya.
Napansin ko namang wala si Mike. Hindi ko rin nakita ang kanyang kotse sa labas. Naisip ko na magkasama sila ni Cynthia. Kahit nasasaktan, pinakita ko naman ang maayos na pag-entertain ko kay Allan bilang bisita.

Ilang minuto pa lang kaming nag-uusap nang may marinig akong taong pumasok. Alam ko na agad na si Mike iyon. Kita ko ang pag-iba ng timpla ng kanyang mukha nang makita si Allan.

"Bakit ka nandito?" ang pagalit niyang tanong.
Sasagot na si Allan nang bigla akong nagsalita. "Bisita ko siya Mike."
"Bisita, hindi ako naniniwala, talagang sinusundan ka niyan. Ikaw naman Allan, di ba nag-usap na tayo na lalayuan mo na si Ricardo. Pero ngayon, sinusundan mo siya. Paano mo nalaman ang lugar na ito?" ang sunud-sunod niyang tanong.
"Hindi ko pa nakakalimutan ang kasunduan natin at nangako sayo na hindi na ako magpapakita sa kanya. Pero sa tingin ko tama lang na puntahan ko siya dito. Kailangan ni Ricardo ng karamay ngayon." ang sagot ni Allan.
"Karamay, a..a...ano ang ibig mong sabihin?" si Mike na medyo naguguluhan na.
Muli pumatak na naman ang aking mga luha ngunit nakaya ko pa ring makapagsalita sa kanya ng deretso. "Mike, tama si Allan. Nagpapasalamat ako at dumating siya. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko"

Biglang naglaho ang galit ni Mike nang makita niya ang aking pag-iyak. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa aking harap, palibhasa nakaupo ako. "May problema ka ba babes? Hindi mo na kailangang ipaalam mo pa ito sa ibang tao. Narito naman ako"

Akmang hahaplusin niya ang aking pisngi nang pigilan ko ito. Tinabig ko ang mga kamay niya. "Tama na Mike. Hindi ka makakatulong dahil ikaw! Ikaw ang problema ko." ang napalakas kong pahayag. Hindi ko na napigilan pa ang aking emosyon.
Tumayo ako at nagpatuloy. "Alam mo Mike, nagsisisi ako. Nagpakatanga ako. Hindi ko napanindigan ang pangako ko sa sariling hindi magpatalo sa tukso."
"Teka, hindi ko maintindihan" si Mike na tumayo na rin na nakaharap pa rin sa akin.
"Isang malaking pagkakamali ang ginawa kong desisyon, ang piliin ka, ang ipaglaban ang pamamahal ko sa iyo kapalit ng lahat ng mga pinaghirapan ko. Hindi naman lingid sa kaalaman mo ang mga masasakit kong karanasan sa mga nauna kong karelasyon. Isa ka rin pala sa kanila."
"Babes, kung tungkol ito kay Cynthia, magpapaliwanag ako. Please, pakinggan mo naman ako" si Mike na nagmamakaawa na.
"Ayoko na, masyado na akong nasaktan. Siguro, kailangan ko munang lumayo."
"Hindi!. Hindi! ako papayag. Pakiusap, pag-usapan natin ito. Alam kong maaayos natin itong dalawa." si Mike.
"Tama siya Mike, kailangan niyang lumayo para makapag-isip at para makapag move-on. Masyadong masakit sa kanya ang mga nangyari." ang pagsabat ni Allan.
"Huwag kang magsalita, hindi kita kinakausap!" ang galit na sabi ni Mike kay Allan.
"Pwede ba Mike, tumigil ka na. Allan, hintayin mo na lang ako sa labas. Mag-iimpake lang ako ng aking mga damit. Ilayo mo ako dito" sabi ko sa kanilang dalawa.

Agad akong pumunta ng kwarto. Habang nilalagay ko ang aking mga damit sa isang bag, hindi naman tumitigil si Mike na suyuin ako.
"Babes, please wag kang umalis. Hindi ko kaya na mawala ka. I love you" 
"I love you mo mukha mo! Hindi mo na ako mapipigilan pa. Ayaw mo ba nun, malaya na kayong magsasama ni Cynthia. Madalas na kayong makakapaglampungan sa gabi." ang pangbabara ko sa kanya.
"Hindi babes, sayo ako masaya. Mali lang ang naging interpretasyon mo sa mga nakita mo sa amin ni Cynthia kanina." ang pangangatwiran niya.
"Aba ako pa yata ngayon ang mali. Kung ikaw ang nasa katayuan ko ngayon, ano ang mararamdaman mo kapag nakita mo ang mahal mong may kasamang iba at sweet sa isat-isa, na masayang nagyayakapan."
Hindi siya agad nakasagot sa sinabi ko. Parang tinablan siya.
"Ano di ka makasagot? Tama ako di ba. Kaya pwede ba, wag mo akong pigilan"

Nang matapos sa pag-iimpake. Binuhat ko na ang aking bag. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kwarto nang bigla niya akong niyakap at hinalikan. Pilit nilalayo ko naman ang mukha niya sa akin sa pamamagitan nag pagtulak ko sa kanyang ulo. Ngunit sadya siyang malakas, di hamak na mas malaki ang pangangatawan niya sa akin kaya nagawa niya ang kanyang gusto. Wala na akong nagawa kundi tumugon.

Napaupo na lang kami sa kama. "Babes, please inuulit ko, wag kang umalis." sabi ni Mike matapos ang aming halikan.
"Mike saka pagbigyan mo muna ako sa aking kahilingan. Kung magpapatuloy pa ako dito, lagi kong maalala ang sakit, ang kalungkutan."
"Babes natatandaan mo ba ang nangako tayo sa isat-isa na hindi bibitaw na ipaglalaban ang ating pagmamahalan. Nasaan na ang pangako na iyon?" tanong ni Mike.
"Itanong mo yan sa sarili mo. Sige Mike, kailangan ko nang umalis." sabi ko sa kanya sabay takbo palabas ng pinto. Sakto namang nasalubong ko si Allan sa sala.
"Halika na, pupuntahan na sana kita e" si Allan.
"Sige tara na. Bilisan natin." sabi ko sabay  bigay ng bag. Nagmadali kaming lumabas at pumasok sa kanyang kotse.

Habang papalayo ang kotse, nakikita ko si Mike, na tumatakbong tinatawag ang aking pangalan. Nang tuluyang hindi makahabol, napaupo na lang siya sa kalye. Naluha muli ako marahil sa awa sa nakikita ko sa kanya. Pero kailangan kong panindigan ang aking desisyon.

Itutuloy......

Friday, December 10, 2010

PANTASYA Part 13

Kinabukasan, pumasok ako sa opisina nang normal, na tinatago ang nararamdaman kong kalungkutan. Mahirap kasi baka magkastress ako sa pagtatrabaho.Isang nakangiting Rico ang pinapakita ko sa aking mga kasamahan.

Halos tatlong oras na akong nagtatrabaho nang wala si Kuya Carlo. Mabuti  na rin iyon baka hindi ko mapigilan ang aking sarili kapag nakita ko siya. Hanggang sa sumapit ang lunchbreak nang hindi siya dumating.

Naghahanda na ako sa pagbaba para kumain nang puntahan ako ni Jerome. "Halika Rico, sabay ulit tayong kumain" ang yaya niya sa akin.
"Nakakahiya na sayo kasi nauubos ang pera mo kapag kasama mo ako"
"Ano ka ba? di ba magkaibigan na tayo kaya huwag mong kokontrahin ang mga ginagawa ko sa iyo" ang sagot niya na nakangiti na.
"Sige, tara na" Sabay na kaming bumaba gamit ang elevator.

Tulad kahapon, sa KFC pa rin kami naglunch.
"Rico, hindi papasok si Sir Carlo ngayon, sabi ng iba nating mga kasama nag indefinite leave daw siya." si Jerome habang kumakain kami. Medyo nakahingas naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Kahit papaano makakapagconcentrate ako sa trabaho at mababawasan ang aking kalungkutan. Pero sa kabilang banda ay nacurious ako sa dahilan ng biglaan niyang pagleave kaya tinanong ko si Jerome.
 "Biglaan naman yata, e baka may dahilan naman siya. Ano kaya iyon?"
"Sa pagkakaalam ko e tungkol ito sa family niya. Madalas kaya siyang nagleleave at iyon ang sinasabi nyang dahilan." sagot ni Jerome habang umiinom ng softdrinks.
Pumasok bigla sa isip ko na kasama niya ang kanyang asawa at anak. Wala naman kasi akong nababalitaan kay Tita Mely tungkol dito. "Baka nga siguro" ang nasabi ko na lang sa kanya.

Halos magdadalwang buwan nang hindi pa nga pumapasok si Kuya Carlo.  Kaya ang sistema, ako ang gumagawa ng kanyang mga trabaho. Minsan, dumadalo rin ako sa mga business meetings at personal na naglilibot sa mga stores para mag inspection. Kahit papano ay marami na rin ako natutunan sa pagpapalakad ng kompanya.

Dahil wala si Kuya Carlo,  malayang akong napupuntahan ni Jerome sa aking pwesto. Palagi kaming sabay kumain at umuwi. Madalas rin siyang bumibisita sa bahay. Sa totoo lang nag-eenjoy na talaga ako kapag kasama ko siya.

Araw ng linggo, personal akong pinuntahan ni Jerome sa bahay para yayaing mamasyal. Agad naman akong pumayag para kahit papano ay makapagrelax ang utak ko sa dami ng mga trabaho sa opisina. Nagpunta kami sa SM na malapit sa aming lugar. Maghapon kaming naglibot. Binibilhan niya ako ng mga pagkain, naglaro sa worlds of fun at nanood ng sine. Sobrang saya ko ng araw na iyon.

"Rico, salamat sa pagsama sa akin" si Jerome habang naglalakad kami sa kanto pauwi sa bahay namin.
"Ako ang dapat magpasalamat sa iyo, alam mo, sobrang nag-enjoy ako sa ginawa natin." ang paglalahad ko.
"Ibig sabihin kung yayayain ulit kita sa susunod ay sasama ka pa rin?" ang nakangitin niyang tanong sa akin.
"Oo naman, basta sa araw lang na wala tayong pasok ano" ang pagsang-ayon ko sa kanya.

Habang nakahiga sa aking kama ng gabing iyon, iniisip ko ang lahat ng mga nangyayari sa akin, ang tungkol kay Jerome. Inaamin ko sa aking sarili na magaan ang loob ko sa kanya dahil sa mga pinapakita niyang ugali. Gentleman, mabait, at may sense of humor kapag kausap. "Ito na kaya ang senyales na dapat ko nang kaluimutan ang first love ko at mag move-on na." ang sabi ko sa aking sarili.

Kinabukasan, pagkarating ko sa trabaho, nalaman ko sa ibang mga empleyado doon na pumasok na ulit si Kuya Carlo. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang balitang sinesante niya si Jerome. Agad ko siyang tinawagan para kumpirmahin ito.

"Jerome, totoo ba sinesante ka ni Sir Carlo" ang tanong ko agad nang sagutin niya ang tawag.
"Biglaan nga eh, hindi ko nga alam ang dahilan. Wala na akong magagawa. Wag kang mag-alala, makakahanap pa naman ako ng ibang trabaho" ang medyo malungkot niyang sagot base sa tono ng kanyang pananalita.
"Sumosobra na siya, hayaan mo kukumprontahin ko siya ngayon" sabi kong medyo may pagkainis. Parang nawala ang takot ko kay Kuya Carlo bilang boss ko.
"Huwag mong gagawin yan baka ikaw naman ang tanggalin niya, paano na lang ang nanay mo" si Jerome.

Natameme naman ako nang mga oras na iyon. Tama siya, paano na lang si nanay at ang mga utang namin kung mawalan ako ng trabaho. Hindi rin ako makakapag-ipon para sa aking pag-aaral sa susunod na taon.
Pero hindi kasi makatwiran ang ginawa niya. Concern lang naman ako kay Jerome. Tulad ko kailangan din niya ng trabaho.

"Salamat sa pag-alala mo sa akin tol. Alam ko na ngayon kung bakit ka nagustuhan ni Jason." sabi niya nang hindi ako nakapagsalita.
"Sige Jerome, kakausapin ko pa rin siya para sayo" ang sagot ko na lang sa kanya sabay end call.

Pumunta na ako sa kanyang opisina na inis pa rin at medyo kinakabahan sa maaring mangyari. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok, pumasok nang marinig ko ang kanyang boses na nagsabing tumuloy ako.

"Maupo ka" sabi niya nang makita ako.
Sisimulan ko na sanang magtanong sa kanya tungkol kay Jerome nang bigla siyang magsalita ulit. "Rico, maganda ang naging performance sa company habang wala ako. Keep up your good work. Hindi nga ako nagkamali sa paghire sa iyo dito. Hanggang ngayon, pinabibilib mo ako." sabi niya na nakangiti.

Parang nalusaw naman ang inis ko sa mga narinig ko sa kanya. Karapat-dapat naman talaga akong purihin sa mga paghihirap ko. Pero hindi ko pinahalata na natutuwa ako, siyempre baka kung ano ang isipin niya. Nanaig pa rin sa akin ang malaman ang dahilan ng pagtanggal niya kay Jerome. Kaya habang abala sa pagbubuklat ng mga papeles sa table niya ay tinanong ko siya.
"Sir Carlo, tungkol po kay Jerome, tatanong ko lang kung bakit mo siya tinanggal."
Tumingin naman siya sa akin, nagtanggal ng salamin at medyo sumimangot. "Nag-aalala ka ba sa kanya" ang sagot niyang patanong din.
"Hindi naman po kasi makatwiran yung ginawa mo sa kanya. Tulad ko, kailangan din niya ang trabahong ito"
Tumayo na siya sa kinauupuan niya, humarap sa bintana na nakatalikod sa kanyang mesa at sumagot. "Nararapat lang yon sa kanya. Hindi siya sumunod sa aming pinagkasunduan. Isa pa wala kang karapatang makialam sa mga desisyon ko, tandaan mo na ako ng boss dito"
"Alam ko po yun. Sige kung ayaw mong makialam ako sa iyo ay aalis na lang ako. Ayoko nang makita ulit ang mga mali mong ginagawa sa mga empleyado. Bukas na bukas din magpapasa ako ng resignation letter." ang wala sa loob kong nasabi marahil sa di nagustuhang pahayag niya.

Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. Lumapit siya sa akin. Palibhasa nakaupo ako, yumuko siya sa akin, nagtapat ang aming mga mukha, nagkatitigan at pigil ang galit na nagsalita. "Kung ganoon concern ka pala sa kanya. May nararamdaman ka na ba sa kanya ha? May namamagitan na ba sa inyong dalawa?"

"Bakit mo naman naitanong ang ganyang mga bagay?" ang sagot kong patanong din.
"Sa ginagawa mo, pinapakita mong pinagtatanggol mo siya. Ang swerte naman niya sa iyo. Samantalang ako,  hindi mo man lang ako nagawang pakinggan mga katwiran ko. Sarado ang puso at isip mo sa mga paliwanag ko."
"Naalala mo pa pala ang mga yon. At saka ibang sitwasyon iyon Sir kaya huwag mong babanggitin ang mga bagay na yan."
"Napakaunfair mo kasi." 
"Aba parang ako pa ang sinisisi mo niyan. Huwag mong ikumpara ang sarili mo kay Jerome. Hindi siya katulad mo. Mabait siya sa akin, lagi niya akong pinasasaya.  Ikaw, nagawa mo akong saktan. Sa tingin mo, tama bang ipahiya mo ako sa maraming tao. May kasama ka lang babae, nag-iba na ang pakikitungo mo sa akin. Wala naman akong ginawang masama sa iyo. Alam kong mababaw lang iyon pero ang lakas ng impact noon sa akin." nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

Ang galit sa kanyang mukha ay biglang naglaho at napalitan ng kung anong lungkot. Maya-maya pinunasan niya ang mga luha sa aking pisngi gamit ang kanyang mga daliri at hinaplos ang aking ulo.

Itutuloy...........

TUKSO Part 14

Masaya ako sa gabing iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, nalasap ko ang sarap ng pakikipagsiping na kailanman hindi ko naranasan sa  mga nauna kong nakarelasyon lalo na't galing iyon sa taong totoong nagmamahal sa akin. Buong-buo ko ibinigay sa kanya ang aking sarili.

Kinabukasan, nagising ako nang wala si Mike sa aking tabi. Agad akong tumayo para hanapin siya. Nakita ko na lang siya sa may bakuran na nakaupo lang. Nilapitan ko naman siya at tinabihan.

"Babes, gising ka na pala masarap ba ang tulog mo?" si Mike nang makita niya ako.
"Oo, at hindi lang yan yung nangyari sa atin kagabi" ang pabiro kong sagot sa kanya.
"Ikaw talaga, masyado kang malibog" ang matawa-tawang pahayag niya.
"Aba ako pa ang malibog e sino ba ang naunang gumawa ng move sa ating dalawa"
Umakbay siya sa akin. "Alam mo, nagpapasalamat ako sa pagpapaubaya ng katawan mo sa akin. Noon ko pa talaga pinagnanasaan yan. At saka yung ginawa mo sa akin, napaka heavenly ng feeling" seryosong paglalahad ni Mike.
"Tama na nga yan, baka kung saan na naman mauwi ito. Mabuti pa pagplanuhan natin ang itatayo nating negosyo." ang pag-iiba ko ng usapan.
"May naisip na ako, tutal malapit lang naman tayo sa dagat, magtinda tayo ng isda. Ako ang manghuhuli, ikaw naman ang magbebenta. Gagawa na lang ako ng bangkang gagamitin." suggestion ni Mike.
"Magandang ideya yan. Dapat mag-umpisa na tayo agad." ang pagsang-ayon ko sa kanya.

Habang kumakain kami ng agahan, may tumawag sa aking cellphone.
"Hello Bea"
"Ricardo, ano na balita saan na kayo nakatira ni Mike. Gusto naming bisitahin kayo diyan." sagot ni Bea.
"Oo ba. Nandito kami ngayon sa Batangas. Papasundo ko na lang kayo kay Mike."
"Ok friend, pupunta na kami diyan sige bye"

Matapos kumain, umalis na si Mike para sunduin ang aking mga kaibigan sa Maynila. Hapon na nang makarating sila.

"Wow, friend, ayos tong tirahan niyo ah, simple pero maganda." ang pagkamangha ni Bea nang makita ang bahay.
"Infairness ang galing ni Mike pumili ah, napakaswerte mo na sa kanya friend." si Nica.
"At kayo lang dalawa ang nakatira dito. Hmmm, aminin mo na friend, nagchurvahan na kayo." ang matawa-tawang pahayag ni Althea.
"Tumigil nga kayo diyan" ang nahihiya kong sabi sa kanila.
Nagulat naman ako nang yakapin ako ni Mike sa likod at sumabat sa usapan. "Bakit ka mahihiya kung totoo naman?"
"Oh My Gush friend, hindi ka na virgin. Congratulations sa iyo." si Bea.
"Pasok na nga kayo, naghanda na ako ng makakain niyo" ang pag-iiba ko nang usapan. Nangamatis na ang mukha ko sa sobrang hiya.

Marami pa kaming napag-usapan habang kumakain. Kinuwento namin sa kanya ang lahat ng nangyari sa kompanya pati na rin ang mga plano na negosyo namin. Hanggang sa mauwi sa katuwaan at kaunting inuman. Pasado 10pm na nang umalis sila.

Isang buwan na ang lumipas, naging maayos naman ang set-up namin ni Mike sa aming bagong tirahan. Nagsisimula nang lumago ang aming negosyo. Pero kahit abala, hindi pa rin nawawala ang aming mga private moments tulad ng pamamasyal sa kabayanan at higit sa lahat ang sex.

Akala ko magtutuloy-tuloy na ito, nang may masagap akong balita mula sa isa sa mga bumibili ng isda sa amin.
"Ricardo, ang ganda pala ng kasintahan ng kasama mo. Sa tingin ko isa siyang mayaman. Parang sweet nga  kasi ang saya-saya nila."
Hindi ko siya agad pinaniwalaan. Ang alam ko kasi ay nangingisda siya ngayon. "Paano naman po kayo nakakasiguro sa sinasabi niyo sa akin?" ang paniniguro ko.
"Mukha ba akong sinungaling. Hindi ako pwede magkamali, kung gusto mo  tanungin mo ang mga kasama niyang mangingisda na naglalaway na rin sa babaeng kasama niya."

Nagsimula na akong nabahala. Parang alam ko na ang babaeng tinutukoy niya. Medyo nakaramdam rin ako ng selos sa mga oras na iyon. Kaya nang maubos ko ang aking mga paninda ay nagmadali akong umuwi para kumprontahin si Mike.

Papasok pa lang ako ng bakuran nang bigla akong mapahinto. Halos manigas ang buo kong katawan sa sobrang galit sa aking nakita. Si Mike, may kasama ngang babae at parang ang saya nilang nag-uusap. Magkatabi pa sila sa sementadong upuan malapit sa malaking puno ng mangga. May payakap-yakap ang babae sa kanya na parang ineenjoy pa nila.  Lumapit pa ako nang kaunti para kilalanin ang kung sino ang babaeng ito. Kumpirmado nga ang aking hinala na si Cynthia ito. Maraming tanong ang agad na pumasok sa isip ko. "Bakit siya nandito?" "Sila ba talaga ni Mike?" Inisip ko na rin ang posibilidad na baka matuloy na ang kasal nila. Hindi ko na nagawang lapitan pa sila bagkus, tuluyan akong tumakbo palayo doon hanggang sa makarating ako sa tabing-dagat. Doon ako nagsimulang humagulgol.

"Mauulit na naman ba, ang masaktan muli dahil sa pag-ibig. Wala na ba akong karapatang lumigaya? Kasalanan ko naman kasi, nagpatalo ako sa tukso. Ang tanga ko Mike, niloloko mo lang ako. Isinuko ko ang lahat ng karangyaan maipaglaban ang pagmamahal ko tapos ito pa ang gagawin mo."ang naiiyak ko nang sabi sa sarili ko. Naupo na lang ako sa buhanginan. 

Ilang minuto na akong humahagulgol habang sapo-sapo ng mga kamay ang aking mukha nang may humaplos sa aking ulo. Unti-unti kong inangat ang aking mukha para alamin kung sino iyon. Nagtama ang aming mata, nagkakatitigan. Maya-maya inabutan niya ako ng panyo.

Itutuloy.............

Wednesday, December 1, 2010

TUKSO Part 13

"Ayoko Dad, hindi ko siya pakakasalan." ang matigas na pagtanggi ni Mike. Tumingin siya sa akin. "Ric, hindi ito totoo, maniwala ka"
"Wala ka nang magagawa anak, naka set na ang kasal niyo in the next two months. Kahihiyan ito ng pamilya natin kapag hindi ito natuloy!" ang galit pa ring si Mr. Chua.
"Makasarili kayo Dad, puro pera at sarili mo lang ang iniisip mo, binabalewala mo na ako bilang anak mo. Basta walang kasalang magaganap" sagot ni Mike sa kanyang ama.

Lalong tumindi ang galit ni Mr. Chua base sa nakikita ko sa itsura ng mukha niya ngayon.
"Sige Michael, panindigan mo pa rin ang kabaliwan mo, tignan lang natin ang mangyayari sa mga susunod na araw." ang nagbabantang pahayag ni Mr. Chua sabay labas ng opisina kasama si Cynthia.
"Huwag kang matakot Ric, ako ang bahala, kahit anong mangyari ipagtatanggol kita" sabi ni Mike pagkaalis ng ama.
Halos naiiyak na akong yumakap sa kanya.
"Mike, salamat. Ngayon alam ko na kung gaano mo talaga ako kamahal at ngayon Its my turn naman para ipakita sa iyo na kaya rin kitang ipaglaban gaya ng ginagawa mo sa akin. Alam kong may masamang balak siya  sa akin pero pinapangako ko na buong tapang ko itong haharapin." sabi ko sa kanya. Kahit papaano, nagkaroon na ako ng lakas na loob na harapin ang problema dahil sa paninindigang pinakita ni Mike sa kanyang ama.
"Tama Ric, ganyan dapat, huwag kang mag-alala nandito lang ako palagi na susuporta at magmamahal ng buong puso sa iyo pangako" sagot niya na nakangiti. Kita ko sa mga mapupungay niyang mata ang katotohanan sa mga sinasabi nito.

Buong araw akong binantayan ni Mike sa opisina habang nagtatrabaho. Kapag oras ng break, siya ang nagkukusang bumili ng kakainin namin sa labas. Hindi ako nakakaramdam ng stress at saglit napapawi ang mga pangamba dahil kinukuwentuhan niya ako ng kung anu-anong kalokohan na dahilan upang matawa ako.

Halos dalawang linggo na ganito ang set-up namin ni Mike sa bahay at opisina. Kahit papaano nagiging masaya ako. Iniisip ko na nga na para talaga kaming mag-asawa. Doon pa rin siya tumutuloy at natutulog sa aking bahay pero hanggang doon lang iyon. Wala pa kasing nangyayaring sex sa amin. Minsan gumagala kami sa mall at nanonood ng sine. Siyempre hindi mawawala ang inuman kasama ang iba ko pang mga kaibigan na sina Althea, Nica at Bea.

Saktong sampung araw ang lumipas mula nang sumugod sa opisina si  Mr. Chua kasama si Cynthia nang makatanggap ako ng isang notice galing sa kanya. Binabawi niya ang lahat ng mga shares niya sa at ititigil na rin ang pag-invest sa kompanya. Inaasahan ko na rin na gagawin niya ito. Pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan na baka tuluyan nang bumagsak at mawala ang lahat ng aking pinaghirapan.

Ilang araw pa ang lumipas nang maramdaman ko na ang epekto ng ginawang niyang pagpaparusa sa akin. Wala nang mga bigating negosyante ang nag-iinvest at nagsponsor sa kompanya, marahil ay naimpluwensiyahan na sila ni Mr. Chua. Bumagsakat nalugi na rin ang sales.

Kahit ganito ang nangyari ay hindi ito naging hadlang sa pagmamahalan namin ni Mike. Kaya hindi pa rin ako sumuko. Isang araw, lakas-loob kaming nagpunta ni Mike para kausapin ang kanyang ama.

"Sir, mawalang-galang po, pero hindi naman po tama na idamay ninyo ang kompanya sa ginagawa ninyong pagpaparusa sa akin." ang matapang kong sinabi nang magkaharap kaming tatlo.
"Aba e sino ba ang may-ari di ba ikaw?" ang medyo natatawang insultong sagot niya sa akin.
"Ako nga po, ngunit hindi niyo po ba iniisip ang mangyayari sa mga empleyado. Kapag tuluyang na itong magsara paano na langpo sila, ang kanilang mga pamilya. Sana huwag mo na lang sila idamay kahit ako na lang"
"Alam mo naman pala iyon, e dapat sumunod ka sa gusto ko. Sana noon mo pa inisip yan" si Mr. Chua.
"Dad please naman, payagan niyo na po ang aming relasyon" ang pagmamakaawa na ni Mike.
"Shut up, alam mo ba na napahiya ako dahil sa iyo. Nag-iisa kong anak na lalaki, ay nagmahal ng kapwa Nakakadiri ka" ang pasigaw na niyang pahayag sa anak.
Kita ko kay Mike ang sobrang pagtitimpi. Alam kong pinipigilan lang niya ang sariling galit sa sinabi ng ama.

"Ricardo, kung iniisip mo ang kapakanan ng mga tauhan mo, may iba pa namang paraan, nakikita mo naman ang unti-unti nang pagbagsak ng kompanya kaya para hindi ito tuluyang magsara sa sobrang pagkalugi ay ibigay mo na lang ito sa akin." sinabi ulit ni Mr. Chua na nagpagulat sa akin.

Halos manghina na ako ng mga oras na iyon. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. Bigla namang nagsalita si Mike.
"Sumosobra na kayo Dad, kung iyang ang gusto mo, sige ibibigay na sai yo ni Ric ang buong kompanya pero ito ang tatandaan mo. Kahit ano pa ang gawin mo, hinding-hindi kami matitinag at walang sinuman ang makapaghihiwalay sa amin. Tara na Ric, umalis na tayo dito" Sunud-sunuran na lang ako sa kanya.

Sa kotse, "Mike, tama ba yung naging desisyon nating ibigay na lang ang pamamahala sa kompanya sa Dad mo. Parang hindi ko matatanggap na mabalewala ang lahat at mawala ang lahat sa akin." ang medyo naiiyak ko nang pahayag sa kanya.
Huminto siya sa isang gilid ng kalsada. Pagkatapos ay tumingin sa akin, pinahid ang mga munting luhang namumuo sa aking mga mata at hinawakan ang aking mga kamay. "Babe, huwag kang mag-alala, isipin mo na lang na isa itong pagsasakripisyo para sa kapakanan ng mga nakararami. Kapag si Dad na ang mamamahala, sigurado akong walang mawawalan ng trabaho. Alam kong maghihirap ka, pero nandito naman ako para tulungan kitang makapagsimula ulit. Dapat ipakita natin kay Dad na kaya nating bumangon"
"Maraming salamat" at tuluyan na akong humagulgol at yumakap sa kanya.

Ilang araw pa ang lumipas at tuluyan ko nang ibinigay ang pamamahala sa kompanya kay Mr. Chua. Binenta ko na ang aking bahay at humanap ng mas maliit na matitirhan para makatipid. Hindi naman kalakihan ang mga naipon kong savings at perang pinagbentahan ng bahay. Iniisip ko na rin ang gagawin ko para hindi agad ito maubos. Sa tulong ni Mike, nakahanap kami ng isang bahay sa probinsya. 

"Wow, ang ganda naman dito, hmmmmm ang sarap langhapin ng simoy ng hangin. Sa wakas naramdaman ko na ang kapayapaan" ang pagkamangha ko at pagkatuwa nang puntahan namin ang lugar.
"Salamat at natuwa ka, dito tayo magsasamang dalawa, at magsisimula ulit" sagot ni Mike, Inakbayan niya ako. Maya-maya niyaya na niya akong pasukin ang loob.
"Ano ayos lang ba ang bahay?" ang tanong niya sa akin.
"Tama lang ang laki nito para sa dalawang tao. Pero teka bakit isa lang yata ang kwarto"
"Isa rin ang kama na nasa loob. Siyempre magkatabi tayong matutulog. Hindi na kasi ako sanay na matulog ng walang kayakap sa gabi" si Mike na may nakakalokong ngiti.
"Sabihin mo, gusto mo lang akong tsansingan." biro ko sa kanya.
"Buti naman alam mo" ang natatawa niyang tugon.

Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. Binuhat niya ako na parang isang sanggol at pinasok sa kwarto. Sabay kaming bumagsak sa kama, ang resulta, napailalim ako sa kanya. Nagtapat ang aming mga mukha. Muli parang nahipnotismo ulit ako sa mga titig ng mga mapupungay niyang mata. Maya-maya hinubad niya ang suot na t-shirt. Nakita ko ulit ang kanyang matipunong katawan. Bigla naman akong tinigasan na agad niyang napansin dahil nakaumbok na ito sa aking suot na pantalon.

"Babe,alam kong matagal mo nang pinagpapantasiyahan ang katawan ko, kaya ngayon nandito ako sa harap mo at iyong-iyo, malaya mo nang magagawa ang gusto mo sa akin. Pero ako muna ang mauuna. Sobrang nanggigil na ako sa iyo." si Mike.
Bigla naman akong nag-init ng mga oras na iyon. Muli nakaramdam na naman ako ng libog sa katawan tulad sa mga dati kong nakarelasyon. Sa araw na iyon buong puso kong pinagkaloob sa kanya ang aking sarili.

Tuluyan nang hinubad ni Mike ang natitira pa niyang suot na pantalon. Kita ko na tigas na tigas na rin pala ang ari niya. Siya na ang naghubad ng lahat ng suot ko at napapapikit na lang ako sa ginagawa niyang pagroromansa sa akin.

Itutuloy........

Monday, November 29, 2010

PANTASYA Part 12

Binati ko siya ng maayos. "Hello po Sir, bakit po kayo nandito?"
"Ikaw bakit ka umalis nang hindi nagpapaalam, di ba pinagsabihan kita kanina?" medyo naiinis niyang tanong sa akin.
"Wala po kayo kanina at saka hindi na rin ako pwedeng maghintay ng matagal. Kailangan ko po kasing makauwi nang maaga dahil sa kondisyon ni nanay.
Magsasalita sana ulit siya nang marinig ko ang boses ni nanay. Nasa likod ko na pala siya nang hindi ko napapansin. "Carlo, ikaw ba yan, aba! ang laki na rin ng pinagbago mo, binatang-binata ka na. Matagal na kitang hinihintay na pumunta dito para makapagpasalamat sa tulong mo sa akin, halika pasok ka muna sa loob." ang derederetsong sabi ni nanay.
Halos natameme kaming dalawa ni Kuya Carlo at walang nagawa kundi ang sumunod.

Nang makaupo sa sofa, "Carlo, maraming-maraming salamat talaga sa mga tulong mo sa akin pati na rin sa pagtanggap as anak ko sa kompanya, malaking tulong iyon para mabayaran ang mga pagkakautang namin. Kasama na rin ang mga gastusin dito sa bahay. Naiintindihan mo naman siguro na hindi na ako pwedeng maghanap-buhay pa. Tapos yung panganay ko ay hindi pa agad makakapagpadala ng pera dahil mag-uumpisa pa lang siya sa pagtuturo sa Maynila. Huwag kang mag-alala, ung pera na pinangbayad sa ospital pati yung mga biniling gamot nung nandun pa ako ay babayaran namin nang paunti-unti sa magiging sweldo ni Rico." si nanay.
"Walang anuman po Tita. Hindi na po kayo iba sa akin, parang kapamilya na rin ang turing ko sa inyo." ang narinig kong sagot ni Kuya Carlo at hinawakan ang mga kamay ni nanay.
"Ang bait mo talagang bata ka, maganda ang pagpapalaki sa iyo ng mama mo. Oo nga pala tutal nandito ka na rin e  ikuwento mo naman sa akin ang mga nangyari sa iyo nung nangibang bansa ka, alam mo naman ang mama mo hindi gaano nagkukuwento sa akin"

"Emergency po yung pag-alis namin ng bansa, namatay na kasi ang totoo kong tatay. Kaya lahat-lahat ng mga pag-aari at negosyo niya ay ipinamana sa akin. Medyo bagsak pa ang kompanya nang ako ang namahala. Pero pinagsikapan ko talaga upang ibangon ulit ito."

"Carlo, anong masasabi mo ngayong nakita mo na ulit  itong si Rico" ang sunod na tanong ni nanay sa kanya  Napatingin na lang ako kay Kuya Carlo na parang nag-aabang sa isasagot niya. Tumingin din siya sa akin na nakangiti at nagsalita.
"Masaya po ako ngayon Tita. Kung nagustuhan ko ang pagkachubby niya noon, mas dumoble na ito ngayon. Ang laki nang ipinagbago sa itsura ng anak niyo, sana lang hindi kasama ang ugali."
Naging palaisipan sa akin ang mga sinagot ng taong ito."Sus ikaw nga ang biglang nagbago ang ugali sa akin e", ang bulong ko sa aking sarili.
"Narinig mo ba yun Rico, kaya dapat pakisamahan mo siya ng maayos" sabi sa akin ni nanay.
Sasabihin ko sana na noon pa man ay maayos na ang pakikitungo ko sa kanya nang magsalita si Kuya Carlo.
"Tita, madali lang naman pakisamahan si Rico e, at alam kong magiging maayos ang ugnayan naming dalawa. Gagamitan ko lang siya ng aking charisma." Tinignan niya ako at kinindatan.
"Ang yabang naman nito, charisma daw at anong pinagsasasabi mong ugnayan natin?" sagot ko sa sinabi niya. Pero deep-inside kinikilig na ako. Siyempre hindi ko ito pinahalata sa kanya baka lumaki ang ulo niya.
"Umayos ka nga Rico, kaunting respeto naman sa boss mo" si nanay na pinagsabihan ako.
Napakamot na lang ako sa ulong sumagot sa kanya "Opo nay".

Makalipas ang ilang minuto, nagpaalam na si nanay na magpapahinga kaya kaming dalawa na lang ni Kuya Carlo ang naiwan. Tahimik lang na nagsusulyapan kaming dalawa. Naghihintay kung sino ang unang magsasalita at ma-oopen ng pag-uusapan. Medyo naiilang na ako sa sitwasyon namin kaya isang paraan ang naisip ko.
"Hindi ka pa ba uuwi sir, masyado nang gabi"  una kong sinabisa kanya.
"No,no,no ayoko pang umalis. Mag-usap muna tayong dalawa." ang pailing-iling niyang sagot. Bigla siyang tumayo at umupo sa tabi ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko sa pagdidikit ng aming mga balat.
" Kailangan ko nang matulog sir, baka ma late ako bukas niyan e papagalitan mo na naman ako" ang pagtanggi ko sa alok niya.
"Dont worry, kung malate ka bukas kung ako naman ang dahilan. Siyempre excuse ka doon"ang nakangiting wika niya.
"Inaantok na rin ako sir, gusto ko nang matulog e" ang pagtanggi ko pa rin. Kunwari akong naghihikab.
Ang nakangiting mukha niya  ay biglang nagbago sa sinabi ko. "Inaantok ka ba talaga o umiiwas ka lang sa akin."
Medyo nabigla naman ako sa sinabi niya, parang nahulaan niya yata ang nasa utak ko.
"Hindi naman po sa ganoon Sir Carlo, bukas na lang po tayo mag-usap" ang nasabi ko na lang sa kanya baka sakaling makalusot.
Pero hindi niya ito kinagat. "Hindi ka naman ganyan kapag kasama mo si Jerome. Bakit ang lamig mo sa akin?"
"Kaibigan ko lang po si Jerome" katwiran ko sa kanya.

Isang ring mula sa cellphone ni Kuya Carlo ang nagpatigil sa kung anumang sasabihin niya sa akin. Tumayo siya at nagtungo malapit sa bintana para sagutin ito na hindi naman kalayuan sa kinauupuan ko.
"Sige baby uuwi na ako" ang narinig kong huling sinabi niya bago ibulsa ang phone.

Halos manlambot ang buo kong katawan sa mga narinig ko sa kanya. Ang lungkot at sakit na nararamdaman ko noon pa ay lalong nadagdagan. Ewan ko ba parang mas malala pa ngayon. Si Kuya Carlo na pinagpapantasiyahan at minamahal ko ay may anak na. "Baby" rin ang tawag niya dito tulad ng sinasabi niya sa akin noong bata pa ako. Meron na siyang sariling pamilya, hindi man lang pinaalam ni Tita Mely. Kasalanan ko naman kasi, umaasa lang ako sa wala. Pinipigilan ko ang sarili kong lumuha para hindi niya mapansin.

"Alis muna ako may importante lang akong aasikasuhin. See you at the office tomorrow." ang paalam niya sa akin. Ngumiti siya pero hindi ko ito nagawang suklian dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
"Ihatid mo naman akosa labas tulad ng ginagawa mo kay Jerome." dugtong niya. Hindi ko na nagawang patulan pa ang mga binanggit niya dahil sa dami ng mga iniisip ko.Wala ako sa sariling sinamahan siya sa labas.
Nang makaalis na siya, agad akong bumalik sa loob at dumeretso sa kwarto. Doon parang tanga kong kinakausap at kinukumbinse ang aking sarili."Ano ka ba Rico, bakit masyado ka namang affected, dapat ipakita mong matatag ka. Ito na ang tamang panahon para tuluyang makapag move-on. Tanggapin mo na lang ang katotohanang hindi na kayo pwedeng magkatuluyan ni Kuya Carlo."

Itutuloy..........

Sunday, November 28, 2010

PANTASYA Part 11

"Pasensiya na po sir" ang nakayukong paghingi ko ng tawad sa kanya. Kita ko ang pag iling-iling niya sa sinabi ko. Ang galit sa mukha niya ay parang napalitan ng kung anong lungkot.Tinakpan niya ng dalawang kamay ang mukha at nagsalita.
"Ayoko nang mauulit pa ito ha, at sa susunod ipapaalam mo sa akin ang mga lakad mo" ang mahinahon na niyang sabi sa akin. Kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag.
"Nginitian ko siya at nagpasalamat. "Salamat po sir, promise ko po na hindi ko na uulitin.
"Sige maaari ka nang lumabas" sabi niya habang tinatakpan ang mukha ng dalawang kamay.

Pagkabalik sa mesa, itinuloy ko na ang pagrereview sa mga files ng kompanya sa computer maging sa mga documents na nasa ibabaw ng aking mesa. Ilang minuto ang lumipas nang biglang lumapit sa akin si Suzie.

"Sir Rico, ano na po ang nangyari?" ang tanong niya.
"Ok na Suzie, sinigawan lang naman niya ako pero ayos na ang lahat basta hindi ko na uulitin ang ginawa ko sa susunod." sagot ko sa kanya.
Parang nabigla siya sa sinabi ko kaya tinanong ko siya. "Bakit ganyan ang reaksyon mo?"
"Nagtataka lang po ako kay Sir Carlo, kasi kapag may ganyang empleyado siyang nagkamali, agad niyang sinesesante pero ikaw pinagbigyan ka pa. Ang swerte mo naman Sir Rico" sagot ni Suzie.
"Siyempre first day ko pa lang" ang nasabi ko na lang kahit medyo naintriga ako sa sinabi niya.
"Sir may chika ako sa inyo kanina nga pala nung wala ka, dumating si Sir Carlo, may dala siyang lunch galing pizza hut tapos hinanap ka niya sa amin. May nagsabing isang employee dito na nakita ka daw niya sa KFC kaya agad siyang sumunod doon. Pero nakapagtatakang bumalik siya dito na galit na galit tapos pinatapos langs sa diyanitor yung binili niyang pizza. Grabe nakakatakot ang mukha niya kanina" ang mahabang pahayag ni Suzie.

Medyo ikinatuwa ko naman ang mga narinig ko sa kanya. Kahit papano pala ay inaalala pala ako ni Kuya Carlo, sayang naman at hindi ko siya nakasabay sa lunch.
"Sige salamat Suzie bumalik ka na sa trabaho mo baka abutan ka ni Sir Carlo e kung ano pa isipin nun sayo" ang paalala ko sa kanya.

Halos 10 minuto lang buhat ng umalis si Zuzie nang lumabas si Kuya Carlo at lumapit sa akin. "Ahm Rico, pasensiya ka na kung nasigawan ulit kita kanina"
Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Biruin ba naman siya pa ang nagsorry sa akin."Sir hindi niyo po kailangang gawin yan, ako naman po talaga ang may kasalanan, dapat ako pa ang dapat nagpapakumbabang mag sorry sa inyo" ang nahihiya kong pahayag.
Nahalata ko sa mukha na medyo namula ito. Pero hindi niya ito pinahalata sa akin at nagpakaformal. "Ok, lalabas muna ako saglit" sabi niya.

Kahit nagtataka ako sa ginawa niya ay hindi ko na lang ito binigyang-pansin at itinuloy ko na lang ang ginagawa.

Sumapit na ang oras ng uwian, nang hindi pa nakakabalik si Kuya Carlo kaya hindi ako makapagpaalam sa kanya. Nagpasiya akong hindi na siya hintayin at umuwi na. Maiintindihan naman niya siguro ang aking pagmamadali dahil sa kondisyon ni nanay.

Nang matapos sa pag-aayos ng mga gamit, bumaba na ako sa lobby. Papalabas na ako nang lapitan ako ni Jerome, halatang inaabangan niya ako.
"Mag-isa ka lang ba uuwi Rico?" ang nakangiting si Jerome. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.
"Ganun ba, tutal mag-isa rin ako e pwede naman sigurong sabayan kita." ang walang kahiya-hiyang pahayag niya. Pumayag na rin ako sa gusto niya. Kita ko ang mga tilian ng mga empleyado doon pero hinayaan ko lang sila at nginitian.

Habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep, "Kita mo na kung paano ka pagpantasiyahan ng mga kasamahan natin doon" si Jerome.
"Sanay na rin ako diyan pati rin sa amin ganoon ang mga tao" sagot ko sa kanya.
"Hindi na piggy boy ang itatawag ko sa iyo kundi hunky boy" ang natatawang sabi niya.
"Ano ka ba meron bang ganun word?" natatawa na rin kong tanong.

"Ah eh Rico, bago sana tayo umuwi e magmeryenda muna tayo" si Jerome.
"Pasensya ka na, kailangan ko na talagang makauwi e, alam mo naman siguro ang konsisyon ng nanay ko." ang pagtanggi ko sa offer niya.
"Ok, ganito na lang mag take-out na lang tayo ng pagkain sa KFC at ihahatid kita sa bahay niyo para doon na lang tayo kumain"
"Sa KFC na naman, baka maubos na ang pera mo niyan, nakakahiya naman sa iyo"
Umiiling siya na sumagot."Basta ako ang bahala, hindi naman ako nanghihinayang na maubos ang pera ko basta kasama kita"
Halos mamula na rin ang mukha ko  at hindi makatingin sa sinabi niya pero hindi ko ito pinahalata. "Ang drama mo naman, sige na nga bumili na tayo, bilisan lang natin" ang pagpayag ko sa alok niya.

Agad kaming bumalik sa KFC. Ganun pa rin ang inorder niya, katulad ng mga kinain namin kanina pero dinagdagan pa niya ito para kay nanay. Pagkatapos ay dumeretso na papuntang sakayan. Nang makarating, umupo muna kami sa isang waiting shed habang naghihintay ng masasakyan jeep. Para hindi mainip nag-kwentuhan  muna kaming dalawa.

Nasa kasagsagan kami ng masayang pag-uusap ng mapansin ko ulit ang magandang kotse na nakapark sa isang tabi sa kabilang bahagi ng kalsada. Pero hindi ko na ito binigyang pansin, marami naman kasing taong magkakaparehas ang sasakyan. Makalipas ang halos dalawang minuto, nakasakay na rin kaming dalawa.

Halos magdidilim na nang makauwi ako ng bahay. Dahil kasama ko si Jerome, niyaya ko siyang pumasok sa loob.

"Nay nandito na po ako" sabi ko sabay mano sa kanya habang nakaupo ito sa sofa.
"Mabuti naman iho at nakauwi ka na, teka sino ba itong kasama mo?" si nanay nang mapansin ang kasama ko.
Sasagutin ko sana nang biglang nagsalita si Jerome. Siya na ang nagpakilala sa kanyang sarili. "Ako posi Jerome kasama po sa trabaho ng anak ninyo" sabi niya at nagmano din.
"Ah, aba kagwapo ring bata ito at mukhang mabait. Natutuwa ako sa iyo anak dahil unang araw mo pa lang ay nagkaroon ka na agad ng kaibigan" natutuwang sabi ni nanay. Ngumiti lang kami.
"Tara kumain na muna tayo, habang mainit-init pa ang mga pagkain" yaya ko sa kanila.

Habang kumakain, kinuwento ko kay nanay na magkababata at magkaklase sila noon ni Jason.
"Iho, sa pagkakaalam ko e engineering ang kinuhang kurso ni Jason tapos ikaw ay head ng accounting sa trabaho. Paano nangyari iyon?" ang nagtatakang tanong ni nanay. Kahit ako rin hindi ko agad naisip iyon.
"Nung first year lang kami naging magkaklase. Nagshift lang po ako  ng accountancy dahil medyo nahihirapan ako sa engineering" ang paliwanag ni Jerome.
"Ah ganun pala" si nanay habang tumatango-tango ang ulo.
"Ikaw naman anak, kamusta na ang unang araw mo sa trabaho"tanong sa akin ni nanay.
"Ok naman po nanay, medyo nangangapa pa rin ako" ang sagot ko.
"Sa umpisa lang yan, masasanay ka rin. E kayo naman ni Carlo kamusta na kayo" ang sunod niyang tanong.
"Ok rin po" \sagot ko.
"Pwede bang ipaabot mo sa kanya ang pasasalamat ko sa naitulong niya sa akin pagpasok mo bukas. Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakikita ng personal e, sana maisipan naman niyang duaman dito kapag dinalaw niya ang Tita Mely mo kahit saglit lang" pakiusap ni nanay.
"Sige po" ang nasabi ko na lang. Napapangiti na lang ako sa mga oras na iyon.

Pagkatapos kumain, masaya pa kaming nagkuwentuhan ng kung anu-ano na umabot ng halos isang oras. Pasado 8pm na nang magpaalam siya para umuwi. Hinatid ko siya sa labas.
"Sige Rico, see you tomorrow na lang" si Jerome.
"Ingat ka ha at salamat sa lahat" ang nakangiti kong sagot sa kanya.

Nang pagbuksan ko siya ng gate para makalabas ay napansin ko ulit ang magandang kotse na nakapark ulit sa tapat ng bahay ni Tita Mely. Marahil ay napansin na ni Jerome ang pagtataka ko kaya nagsalita siya.
"Di ba ganyan din ang nakita mo kanina sa sakayan, ang gandang kotse ano, bagong model ang sasakyan na iyan."
"Huwag na nga nating intindihin yan, mabuti pa at umuwi ka na masyado nang gabi baka hindi ka na makapasok bukas" ang pag-iiba ko ng usapan.
"Sige alis na ako bye" ang nakangiting si Jerome."

Hinintay ko lang na makalayo ng husto si Jerome bago ako bumalik sa loob. Nang hindi ko na siya nakikita ay pumasok na ako. Akmang isasara ko na ang gate nang makita kong nagbukas ang pinto ng kotse. Nabigla ako sa taong lumabas dito lalo na sa kakaibang aura ng kanyang mukha. Naglakad siya papalapit sa akin.

Itutuloy.....

HALIK NG PAG-IBIG Last Part

Agad pinaharurot ni Pat ang kanyang sasakyan papunta sa sinasabing ospital ni tita. Ang nararamdaman kong pag-aalala ay lalong lumala. Tuluyan na akong umiyak. "Best, hindi ko kakayanin kapag mawala siya sa akin" ang naluluha kong pahayag kay Pat.
"Huwag kang mag-alala, alam kong makakaligtas si Jake." sagot niya. Alam kong sinabi lang niya iyon para pakalmahin ako.

Nang makarating, dali-dali kaming nagpunta sa emergency room pero hindi namin siya nakita kaya nilapitan namin ang isang nurse na nasa information.
"Excuse me po may dinala po bang pasyente dito na ang pangalan ay Jake Montecarlo." ang natataranta kong tanong.
"Ah meron po, nandun na po siya ngayon sa Rm. 404 sa fourth floor." ang sagot ng nurse.

Nagmadali kaming umakyat sa sinsabing kwartong pinagdalhan kay Jake. Buti na lang at natyempuhan namin ang elevator kaya mabilis kaming umakyat. Pagkadating sa fourth floor, agad naming nilibot ang mga aming mga mata sa mga pinto doon. Maya-maya nakita na namin ito. Kumpirmado, nakalagay ang pangalan ni Jake sa pinto na iyon. 

Hindi ko agad nagawang buksan ang pinto. Parang hindi ko kasi kakayanin ang makikita ko sa loob.Pero mas nanaig sa akin ang pag-aalala sa taong mahal ko kaya nilakasan ko na lang ang loob ko. Naiiyak pa rin akong pinihit ang doorknob.

Nang makapasok sa loob, isang kahabag-habag na Jake ang nakita ko. May benda ang kanyang ulo braso at binti habang naka dextrose. Nilapitan naman ako ng mga magulang ni Jake pati na rin ni tatay na naroroon rin.
"Nakita na lang siya ng mga taong nakahandusay sa daan na duguan. Sabi ng mga nakasaksi na nahagip siya ng isang sasakyan habang naglalakad ng lasing. Tinakbuhan lang siya ng driver." si Tita na umiiyak na rin.
"Kamusta na po ang lagay niya?" ang sunod kong tanong sa kanila.
"Kritikal ang lagay niya. Himala na lang kung magkamalay siya kaagad" sagot ni Tito Eddie.
"Kasalanan ko ito, kung noon pa lang ay bumalik na ako sa inyo, hindi na ito mangyayari pa sa kanya. Alam ko masyado na siyang nasaktan sa mga ginawa ko" ang nauutal kong sabi kay Tita habang umiiyak din.
Hinaplos naman ni tatay ang aking likod. "Anak, huwag mong sisihin ang sarili mo, hindi mo kagustuhan ang nangyari. Hindi mo rin naman kasi alam pa ang totoo noon"

Umiiyak pa rin akong nilapitan si Jake at humawak. "Jake, bakit nangyari sa iyo ito?  Patawarin mo ako kung sinaktan ko ang damdamin mo. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari sa iyo ito e. Sana naman ay magising ka na. Gusto na kitang makitang maging masaya ulit lalo na sa magandang balitang sasabihin ko sa iyo. Promise ko sa iyo na hindi na kita iiwan muli. I love you so much Jake." Pagkatapos noon ay niyakap ko na siya at tuluyan nang humagulgol, ang lahat ng aking emosyon ay inilabas ko na. Basang-basa na ang suot niyang puting damit sa mga luha ko.

Ilang segundo rin ako na nasa ganoong sitwasyon nang biglang may humaplos sa ulo ko at nagsalita. "Promise mo yan ha"

Sobrang nagulat ako nang lingunin ko kung sino ito. Si Jake na nakangiti sa akin. Maya-maya narinig ko na ang mga tawanan ng mga magulang niya pati ni tatay.

"Galing ng eksenang ito, para akong nanonood ng teleserye." si tita.
"Ibig sabihin nito wala talagang nangyari sa iyo" ang nagtataka ko nang tanong kay Jake.
"Oo naman, tignan mo pa ang buong katawan ko" sagot niya sabay tanggal ng lahat ng mga nakalagay at nakakabit sa katawan. 
"Ikaw talaga, niloloko mo lang ako ha. ang nasabi ko na lang sa kanya.
"Pati kayo pinagkaisahan ninyo ako" ang medyo tampo kong baling kina tatay, Tita Edna at Tito Eddie.
"Ako ang nakaisip nito at natutuwa ako dahil sobrang effective. Pero yung sinabi mo ha promise mo yan sa akin" si Jake.
Maya-maya umupo siya, nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at binigyan niya ako ng isang smack sa labi.
"I love you Dave" ang nakangiti niyang sabi pagkatapos noon.
Niyakap ko na lang siya na naluluha pa rin. Pero this time tears of joy na ito.
"Hay ang saya naman nila" ang masaya nang sabi ni Tita.
"Oo nga kaya bukas na bukas din magcecelebrate tayo."si Tito Eddie.
"At magluluto ako ng mga masasarap na pagkaing ihahanda" si Tatay.

Lumapit si Pat sa amin at nagsalita. "Pare, pangalawang pagkakataon mo na ito. Sana hindi na maulit pang masaktan ang bestfriend ko sa iyo"
"Pangako pare, aalagaan ko at mamahalin ng buong puso ang bestfriend mo" sagot ni Jake. Nagkamayan silang dalawa.

Sinabi na rin sa akin ni Jake na alam na rin niya ang totoo. Nag-usap na pala sila ni Cathy nang gabi ring iyon. Kaya pala hindi siya kasama nina Mark at ng kapatid niya. Agad niya akong pinuntahan sa tinitirhan namin para sabihin ang magandang balita. Nalaman niya kay tatay na nagpunta ako sa kanila kaya dali-dali siyang bumalik sa bahay nila. Doon ikinuwento ng mga magulang niya ang lahat ng pinag-usapan namin. Dahil sa alam na naming pareho ang totoo ng mga oras na iyon, ito ang naisip na plano ni Jake. Siguro para mailabas ko ang lahat ng saloobin ko sa kanya pati na rin ang malaman niya ang mararamdaman ko kung sakaling tuluyan na siyang mawala.

Kinabukasan, agad nagdaos ng isang party ang pamilya nina Jake. Habang busy ako sa pag-eentertain ng mga bisitang inimbita ni Tito Eddie, nilapitan  ako nina Erika, kasama si Pat, ang kanyang partner pati si Mark. Nag-usap kami sa isang mesa.

"Buti naman at nakarating kayo, ikaw Mark bakit hindi mo kasama ang kapatid mo at saka nasaan si Cathy?" tanong ko agad.
"Ah magkasama na sila ngayong dalawa. Hindi ko alam kung saan nagpunta e" ang nahihiyang sagot ni Mark.
"Ah ok, salamat sa pagdalo Mark." ang nakangiti kong pahayag.
"Wow naman ang saya mo na ngayon friend, natupad na rin sa wakas ang pangarap mo. Napasaiyo na campus heartrob na pinagpapantasyahan mo noon pa." si Erika.
"Tama ka, sobra na ang kaligayahan ko ngayon, wala na akong maihihiling pa" ang nakangiti kong sagot sa kanya.
"Kaya magdo double honeymoon tayo." ang biglang sabat ni Jake na nasa likod ko pala. Yumakap siya sa akin nang patalikod.
"Anong sinasabi mong double honeymoon?" ang tanong ko na nagtataka.
"Idea ito ng bestfriend mo, ang maghoneymoon tayo sa Hawaii." si Jake. Napalingon naman ako kay Pat at sa partner niya.
"Tama siya, para na rin makapagpahinga ang utak ninyo. Aalis tayo sa friday, mga tatlong araw lang tayo doon para hindi kayo makapag-absent." si Pat.

Sasagot sana ako nang may lumapit sa aming mga grupo ng kalalakihan. Namukhaan ko ang mga ito. Mga kaklase pala ito ni Jake noong high school.

"Wow pare, congrats sa inyong dalawa" sabi ng isa.
Tumayo na siya mula sa pagkakayakap sa akin at hinarap ang mga bagong dating."Salamat mga pare"
"Pero alam mo hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa iyo. Akalain mo ba namang kayo pa ang nagkatuluyan." sabi ng katabi niyang lalaki.
"Ewan ko ba mga tol, talagang tinamaan ako dito kay Dave e hindi ko maipaliwanag." ang nakangiting sagot ni Jake.
Maya-maya tinawag na kaming lahat ni Tita para kumain.

Gaya ng napagplanuhan, tinuloy namin ang double honeymoon sa Hawaii. Namasyal kami sa magagandang tanawin at beaches na naroroon. Siyempre hindi mawawala ang aming mga private moments tulad ng "sex" hehehe.

Sa bahay na ulit kami ng mga Montecarlo nakatira dahil sa pamimilit ni Jake. Tatlong taon ang lumipas, dahil sa pagpupursige sa pag-aaral sa tuling ng tutorial namin ni Jake, natapos ko na ang kursong nuirsing at kasalukuyang naghahanda para sa board exams. Si Jake naman ay tuloy pa rin, tatlong taon pa siya bago makapagtapos. ang kurso kasi niya na pagdodoktor ay pitong taon.

Hindi pa rin mawawala sa amin ang tampuhan. Pero agad namin pinag-uusapan ito para maayos agad. Minsan kapag alam niyang galit ako sa kanya, dinadaan niya ako sa pagkasweet niya. Nandiyan yung binibigyan niya ako ng chocolates, hinahalik-halikan at kinikiliti. siyempre ako naman bibigay agad dahil sa pag-ibig ko sa taong ito.

Pinangako namin sa isat isa na kahit anumang pagsubok ang darating sa amin ay lakas loob naming haharapin dahil ito ang susukat sa tatag ng aming pagsasamahan.  Pilit rin naming ipaglalaban ang aming pagmamahalan kahit mali ito sa pananaw ng lipunan. Ang mahalaga ay wala kaming nasasaktan o naaagrabayadong tao.

End of Series 1.