Thursday, July 28, 2011

CAMPUS TRIO Part 2

"Parang ang tahimik mo ngayon ah." ang puna ni Troy, ang isa sa campus trio sa kasama niyang si Bryan na nakaupo lang habang nagpupunas ng pawis. Kasalukuyan silang nasa locker room at nagpapahinga matapos ang kanilang basketball game. 
"I guess yung boy kanina ang iniisip niya. Tama ba Bry" ang pangangantsaw naman ni Michael. "Honestly napabilib ako ng taong iyon." ang sunod niyang sinabi na sinamahan ng panginsultong tawa. "First time in the history na nangyari ito."
  
"Tama. Ngayon lang naman siya nagkaganito eh. First time kayang may pumatol sa kanya." si Troy.
"At siguro kaya tahimik siya ngayon ay nag-iisip siya sa nasira niyang image." si Michael. 
"Shut up!" ang inis na tugon ni Bryan sa kanila. "Dinadagdagan niyo pa ang problema ko."
"Aha. So big deal pala sa iyo ang ginawa ng boy na iyon kanina. Kung sa bagay eh nasanay ka nang walang pumapatol sa iyo." si Troy.
"At hindi siya talaga natakot kay Bryan." si Michael.

Sa sarili ni Bryan ay may punto ang kanyang mga kaibigan. Lubos niyang ikinabigla ang nangyari. Hindi inaasahan na may babangga sa kanya ng ganoon. Pero hindi siya papatalo at pinangako sa sarili na babawian niya ang taong ito.
"Hindi talaga dahil nagpapapansin lang siya sa akin." ang sabi ni Bryan at bahagyang natawa. "Siya ang unang nagparinig so ibig sabihin gusto niyang pansinin ko siya. Naguguwapuhan lang kasi siya sa akin." ang nasabi na lang niya.
"Kung ganoon nga ano na ang plano mo?" si Troy.
"Sa ngayon, gusto ko siyang kilalanin. Kayong dalawa, kunin niyo ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya." ang utos ni Bryan sa dalawa.

Sina Troy, Michael at ang leader na si Bryan Anthony, silang tatlo ang bumubuo sa grupo ng Campus Trio na sikat sa unibersidad na pinapasukan nila.  Matagal nang magkakaibigan ang tatlo simula pagkabata at magkakakilala ang pamilya. Si Bryan ang pinakamayaman sa kanila at ang kanyang ina ay ang major sponsor ng school. Kaya ganoon na lang kalaki ang kanyang impluwensya sa buong campus.

Hindi lang sa yaman kilala ang tatlo dahil pagdating sa itsura ay hindi sila pahuhuli. Halos hindi magkamayaw ang mga babae at bading pati na rin ng mga lalaki kapag nakikita sila dahil sa ankin nilang kaguwapuhan. Pawang matatangkad din at maganda ang pangngatawan dahil sa kanilang pagkaathletic.
______
"Mano po nay" si Andrew na kakarating pa lang. Ang kanyang ina ay abala sa pagsasaing.
"Oh kamusta na ang unang pasok mo anak?" ang tanong ng matanda sa kanya.
"Ayos lang po nay" ang sagot lang ni Andrew na hindi na binanggit pa ang nangyari sa kanila ni Bryan. Ayaw niyang mag-alala pa sa kanya ang ina.
"Siyanga pala nay, sa susunod na linggo na pala ako magsisimula ang duty ko sa library kaya medyo gagabihin na ako ng uwi." ang kanyang pagpapatuloy habang nagtatanggal ng kanyang medyas at sapatos.
"Ganoon ba anak, sige. Hayaan mo, palagi kitang ipagluluto ng mga paborito mong pagkain para makakain ka ng husto pag-uwi mo. Sigurado akong mapapagod ka niyan sa maghapon."

"Salamat po nay" si Andrew at yumakap sa ina.
Napangiti ang kanyang ina sa ginawang ito ng anak. "Ikaw talaga nang lalambing ka na naman" ang sabi nito na sinamahan ng isang ngiti.
"I love you nay." ang sabi lang ni Andrew na may ngiti sa labi.
"Ilove you too anak ko." ang tugon ng kanyang ina.
 _______
Alas-singko pa lang ng umaga ay gumising na si Andrew para sa kanyang pangangalakal. Matapos ang halos tatlong oras na pangongolekta at pagbebenta ay kumita siya ng sixty pesos. Pagkabalik sa kanila ay agad niyang hinanda ang kanyang babaunin sa pagpasok.

"Bakit ka pa nagbabaon anak?" ang nagtatakang tanong ng kanyang ina nang mapansin ang pagsandok ng kanin ni Andrew sa isang tupperware.
"Para po makatipid nay. Ang mamahal po kasi ng mga pagkain sa canteen."
"Ganoon ba anak. Hayaan mo gagawa ako ng paraan para madagdagan ang pera mo sa susunod."
"Hindi na nay. Ayos lang po sa akin ito. Pandagdag niyo na lang po yan sa mga gastusin dito sa bahay."
Matapos sa pagsandok ng kanin ay binalot niya sa isang plastic ang natirang adobong sitaw na hinapunan nilang mag-ina kagabi.
_______
"Buti dumating ka na Andrew." ang salubong sa kanya ni Dina pagkapasok niya ng silid.
"Bakit may problema ba?" ang tugon naman nito habang nilalapag ang kanyang bag sa silya.
"Tara baba tayo may ipapakita ako sa iyo." si Dina.

Halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin kay Andrew nang marating nila ang kinaroroonan ng nasabing board. Hindi na niya binigyan pa ng pansin iyon.  Bahagyang nagulat si Andrew sa pinakita sa kanya ni Dina na nakadikit doon, ang larawan na pagkuwelyo sa kanya ni Bryan at magkatapat ang kanilang mukha.

"Alam mo bang pinag-uusapan ka sa buong campus. Ikaw daw kasi ang kauna-unahang bumangga sa trio." si Dina.
"Tsk.tsk.tsk. Eh ano naman ngayon. Hindi naman dapat binibigyan pa ng issue yan." ang tila hindi interesadong  reaksyon ni Andrew sa narinig. Bagamat naiinis pa rin siya sa taong nakaalitan niya kahapon.
"May narinig ako kanina na maghanda ka daw dahil sa mga susunod na araw ay reresbakan ka nila lalo na si Bryan."

Sa halip na kabahan ay mas lalong nairita sa Andrew sa kanyang narinig. Ni hindi man lang siya nakadama ng kung anong takot.
"Wala akong pakialam. Ipabubugbog ba nila ako, ipapapatay? Sige gawin nila. Papanindigan ko ang aking ginawa. Pumanig lang naman ako sa tama." ang matigas niyang pahayag.

Halos mapanganga si Dina sa mga narinig niya kay Andrew. Napabilib siya ni Andrew sa pinapakitang tapang at paninindigan nito. Hindi nga siya nagkamali ng pagkakilala dito.

"Ang lakas ng loob mo boy. Tignan mo lang kung makakatagal ka pa dito." ang hindi nakaligtas sa pandinig ni Andrew na pahayag ng isang estudyanteng naroroon na may kasama pang tawa na sa tingin niya ay pang-insulto. Hindi na lang niya ulit binigyan pa ng pansin ito.

"Tara bumalik na tayo sa room, hayaan na lang natin yan." ang pagbabalewala nito sa larawan.

At sa  kanilang paglalakad pabalik ay hindi nakaligtas kay Andrew ang ilang mga bulungan. Ngunit sa pagkakataong iyon ay puro papuri naman sa kanyang ginawa ang kanyang narinig.
"Tapang mo naman idol!"
"Tama lang ang ginawa mo boy para mahinto na sila sa kanilang mga kalokohan." ang ilan sa mga pahayag na kanyang narinig.
______
"Tol, nakita mo ba yung nasa board kanina. Hanep ang biglaang pagsikat ng taong iyon." si Michael habang nasa silid silang tatlo at nag-aabang ng kanilang propesor.

Hindi narinig ni Bryan ang sinabi nito dahil sa suot nitong headset habang nakikinig ng music sa kanyang ipod. Tila nag-eenjoy naman ito dahil sa pagyugyog ng kanyang ulo.
"Speaking of that person, Andrew del Rosario pala ang pangalan niya. Freshman at nasa college of engineering din. Isa siyang full scholar." si Troy na iniabot kay Bryan ang isang papel ng pagkakakilanlan ni Andrew.

Nang lingunin niya ang inabot sa kanya ay tinanggal niya ang suot na headset at kinuha ito upang basahin.  At doon niya napagtanto na isa pala ito sa mga scholar ng kanyang mommy. Agad siyang napangiti ng maisip na may alas na pala siya. Ito ang gagamitin niya upang makaganti siya sa ginawang pagbangga nito sa kanya.

Lingid sa kaalaman ni Bryan na taliwas pala ang iniisip ng isa sa kanyang mga kasama.
______
Oras ulit iyon ng breaktime. Habang kumakain ay may lumapit na dalawang babae sa pwesto nina Andrew at Dina.

"Hi!" ang bati kay Andrew ng isa.

Nang lingunin niya ito ay saka lang niya sila namukhaan.
"Kayo yung mga babaeng binastos ng ungas na iyon." ang bulalas ni Andrew  sa kanila.
"Ah oo nga." ang sagot naman ng kanyang kasama.
"Ah eh, halika samahan niyo kaming kumain." ang alok sa kanila ni Dina.
"Hindi na. Narito lang kami para magpasalamat sa kanya sa ginawang pagtanggol sa amin."
"Ayos lang yun. Kahit kanino naman gagawin ko rin iyon. Gusto ko lang itama ang kanyang kamalian.
"Andrew pangalan mo di ba?" ang taong ng isa sa kanila.  "Gusto ka lang sana namin sabihan na mag-ingat ka. Balita namin ay gagantihan ka ni Bryan sa mga susunod na araw."
"Salamat sa paalala. Hayaan niyo, walang mangyayari sa aking masama." ang paniniguradong pahayag ni Andrew sa kanila.
_________
Ilang araw ang lumipas na naging maayos at normal naman ang naging takbo ng lahat kay Andrew Sa kabila ng pagbabanta daw sa kanya ni Bryan. at kahit na madalas pa rin siyang pagtinginan at pag-usapan ng mga estudyanteng naroroon.

Hanggang sa isang araw, pinatawag si Andrew sa opisina ng administrator ng school.
"Tatlong libo isang buwan ang magiging allowance mo. Remember you must maintain your grade para di ka matanggal sa pagiging scholar." ang nakangiting pahayag sa kanya ng admin ng school.
"Salamat po Mam." ang nakangiting tugon ni Andrew. Alam naman niya sa kanyang sarili na kakayanin niya para sa kanyang ina.
"And one more thing, alam mo naman siguro na kailangan mong magserve dito sa school di ba."
"I know mam. Yung pagduty po sa library di ba?"
"Oo. So ngayon ipapaalam ko ang magiging schedule mo. You will have 3 hours duty everyday after class."
"Yes Mam, I understand." ang nakangiti pa ring tugon ni Andrew.

At sa araw ring iyon matapos ang kanilang klase ay nagpunta na si Andrew sa library. Tinuro sa kanya ng librarian ang lahat ng mga ginagawa roon. Madali naman niyang natutunan lahat.
______
"Ano na ang ginagawa niya ngayon?" ang tanong ni Bryan sa kanyang mga kasama na abalang naglalaro ng billiard sa kanilang tambayan. Sa lahat ng estudyante na nag-aaral sa unibersidad na iyon ay sila lang tatlo ang may ganoong silid na kung saan ay nagagawa nila ang kanilang mga gusto.
"Sa pagkakaalam ko ay busy na siya sa pagduty sa library." ang sagot ni Michael. "Boom winner!" ang kanyang sambit ng maipasok niya ang huling billiard ball. "Paano yan ikaw ang manlilibre mamaya." ang kanyang pagpapatuloy.
"Ok as always." ang talunang sagot ni Troy.
"Wait. Aha mukhang nagiging interesado ka na sa kanya ah." ang pagpuna ni Michael sa tanong na iyon ni Bryan sa kanya.
"Hindi ah. Hinahanda ko lang ang mga  gagawin ko sa kanya" ang sagot nito sabay salampak ng higa sa sofa.
"Really, halos isang linggo na ang lumipas, wala pa rin nangyayari ah. Mukhang nahihirapan ka yata sa kanya." ang pangangantsaw ni Michael sa kanya.
"Basta maghintay na lang kayo" ang nakangisi niyang tugon.

"Pero honestly saludo ako sa batang iyon. Napabilib niya ako ng sobra." si Michael na umupo rin. "Sa tingin ko hindi talaga iyon papatalo"
"Paulit-ulit ka na lang." ang naiiritang pahayag ni Bryan kay Michael. Ilang beses na kasi niyang naririnig ito sa kanya.
"Tignan lang natin kung hanggang saan ang tapang niya." ang sunod na sinabi ni Bryan.

Ang hindi alam niya may isa sa kanyang mga kasama ang nag-aalala para kay Andrew sa gagawin ni nito sa kanya.
______
Dumeretso na si Andrew sa library matapos ang klase para sa kanyang trabaho. Pagdating ay agad niyang sinunod ang mga inuutos sa kanya ng librarian.

Habang abala sa pagsalansan ng mga hiniram na libro sa shelves ay hindi napansin ni Andrew ang paglapit sa kanya ng isang lalaki. 
"Nice ang sipag ah" ang sabi ng boses na narinig ni Andrew. Medyo nabigla siya sa pagsulpot ng isang mukha na nakatapat sa kanya. Tumigil muna siya sa kanyang ginagawa at nilingon ang taong nagsalita
"Good afternoon po, ano po ang kailangan niyo?" ang magalang na tugon ni Andrew. Pero sa kaloob-looban niya ay naiinis pa rin siya para dito nang maalala niya ang ginawa ng grupo nila sa court noon. 
"Magresearch lang ako para sa assignment namin."
"Ok po. Gamitin niyo na alng ang card catalog para sa paghahanap po ng inyong reference."

Nagpatuloy na si Andrew sa pag-aayos ng mga libro ngunit napansin niya na hindi pa rin ito umaalis  sa kanyang pwesto. Nilingon niya ulit ito.
"Ano pa po ang kailangan niyo?" ang tanong niya.

Kahit pa na narinig niya ang tanong na ito ni Andrew ay patuloy lang siya sa pagtitig sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang itsura ni Andrew na sa hindi niya malaman na dahilan ay nagugustuhan niya ang kanyang nakikita. Ang magaganda nitong mga mata na may mahahabang pilik mata, ang matangos na ilong at mapupulang mga labi. 

"Bakit ganyan ka kung makatingin?"ang sunod na tanong ni Andrew nang mapansing nakatitig pa rin ito sa kanya. Agad na nagbalik ang ulirat nito.
"Ah wala lang."
"Wala daw" ang bulong niya sa kanyang sarili. "Baka naman pagtitripan mo ako. Hindi na bago sa akin ang mga ganito dahil madalas ko na tong napapanood sa tv."
"At teka lang sa pagkakaalam ko ay gagantihan mo ako sa ginawa ko sa inyo sa court." ang kanyang pagpapatuloy nang maalala niya ang usap-usapan sa buong campus tungkol sa kaniya.
Hindi pa rin nagsasalita si Bryan nakatingin lang sa kanya.  

"Naghihintay lang ako Bryan." ang matapang niyang pahayag na napansin Bryan. 

"Ano yung pinagsasasabi mo?" ang tanong nito sa kanya.
"Nagmamaang- maangan ka pa. Kunwari nice ka sa akin. Alam ko naman na asar ka pa rin hanggang ngayon. Kung anuman yang secret agenda mo hindi yan magtatagumpay."
"Hays nagsasayang lang ako ng oras dito marami pa akong gagawin. Mas mabuti pang kausapin ko na lang sarili ko kaysa sa mga taong may kayabangan."
"Magmumukha ka namang baliw niyan."
"Nang-iinis ka ba?" ang medyo napalakas na tono ng boses ni Andrew na naging dahilan para magtinginan ang mga tao sa kanila. At nahiya siya nang mapansin niyang ang kanilang mga malisyosong mga tingin.
"Ikaw pa ang ganyan ah. Dapat nga ako pa nga ang mainis sa iyo dahil sa ginawa mo sa akin nung isang linggo."
"Hindi ka pa pala nakakapagmove-on sa nangyaring iyon. At tulad ng sabi ko kanina na kung gagantihan mo na ako ay hindi kita uurungan."
"Wow tapang ah."
"Pinaglalaban ko lang ang sa tingin ko ay tama. Kaya kung wala ka talagang gagawin dito pwede ba umalis ka na, marami pa akong ginagawa."
"I like your attitude dude." ang nasabi nito na sinamahan pa ng ngiti at kindat na hindi nakaligtas kay Andrew. 
"Sige tapusin mo na yan. See you later" ang huling sinabi ni Bryan. Bago siya lumabas ay humarap siya sa kanya.

"See you later daw. Nagpapacute ba siya? Sinasabi ko na nga ba wala naman talagang gagawin ang taong iyon dito hays." ang nasabi na lang ni Andrew sa kanyang sarili sa ginawa nito.


Itutuloy....

Wednesday, July 27, 2011

CAMPUS TRIO Part 1

"Bale 52 pesos lahat" ang pagsusuma ng may-ari ng mga kalakal na binenta ni Andrew sa kanyang junkshop. Pagkatapos noon ay binigay na sa kanya ang perang kinita niya sa umagang iyon.

Sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos ay palaging ganito ang routine ni Andrew. Dose anyos pa lang simula nang mamatay ang kanyang ama ay kumakayod na siya para lang may pambaon sa pagpasok sa school. 

Hindi na rin regular na nakakapaghanap-buhay ang kanyang ina dahil sa karamdaman nito. Bago siya pumasok ay nag-iikot muna siya sa mga karatig bahay dala ang isang de tulak na kariton para mangolekta ng mga bagay na maaaring ibenta tulad ng dyaryo, bote, plastik karton at lata.

Sa isang maliit na bahay lang sa Tondo nakatira silang mag-ina. Maaaring masabing salat sa buhay ang sinumang makakita ng itsura ng kanilang tirahan dahil sa may kalumaan na ang karamihan sa mga kasangkapan dito. 

"Nay kain na po tayo" ang sabi niya sa kanyang ina pagkarating nito sa kanilang bahay dala ang pagkaing binili niya na magiging almusal nilang mag-ina. Dumeretso siya sa kanilang mesa at nilagay sa isang plato ang binili niyang mainit-init na pansit. 
"Sige mauna ka na anak, bilisan mo at baka ma late ka sa school. Naku unang araw pa naman ng pasukan." ang sagot naman ng ina na nakahiga pa rin sa kama nilang kahoy.
"Opo nay. Medyo maaga pa naman kaya sabay na tayo habang mainit pa ito." ang nakangiting turan ni Andrew sabay lapit sa kanyang ina upang alalayang tumayo.
"Sabi ko naman sa iyo anak na itigil mo na yang pangangalakal. Magkakaroon ka na rin naman ng allowance sa scholarship mo." ang kanyang ina habang naglalakad papunta sa hapag kainan.
"Nay naman. Sayang din ang kikitain ko at isa pa makakatulong din ito para may panggastos tayo sa bahay" si Andrew. Nilapitan nito ang ina at inalalayan sa paglalakad papunta sa hapag.

Nagsimula na silang kumain at nang matapos ay nagmadali siyang gumayak para sa pagpasok.

"Ito pala ang uniporme mo anak. Galing ito sa anak ni Mrs. Reyes na kakagraduate lang. Mabuti na lang at kahit papaano ay naibsan ang gastos natin." ang sabi ng kanyang ina habang inaabot ang nasabing uniporme kay Andrew. Nung mga panahon na malakas pa ang kanyang ina ay doon ito namamasukan bilang plantsadora at labandera.
"Salamat po" ang nakangiti niyang pagtugon. Hindi mahalaga sa kanya kung bago man ang kanyang mga gamit. Ang mahalaga ay may magagamit siya sa kanyang pagpasok.

Ngayong araw ang opisiyal na pagbubukas ng klase at ito rin ang unang araw ni Andrew na mag-aaral ng kolehiyo. Maswerte siya dahil nakapasok siya sa isang sikat at pribadong unibersidad sa Metro Manila bilang isang full scholar. Matalino siyang bata at dahil valedictorian siya sa pinagtapusan niyang higshschool ay madali niyang nakuha ang nasabing scholarship mula rin mismo sa kanyang papasukan. 

Pasado alas diyes na nang umaga nang makarating siya sa unibersidad. Saglit siyang huminto sa gate at nilibot ng kanyang mga mata upang masilayan ang kabuuan ng unibersidad. Medyo nakaramdam siya ng magkahalong hiya at kaba dahil sa mga nakikita niya sa paligid. Pakiramdam niya ay bumaba ang kanyang pagkatao kumpara sa mga estudyanteng nakikita niya na halatang namang may kaya at mayayaman, sa itsura at porma pa lang ng mga ito pati na rin sa mga hawak nilang mga latest gadgets.

Habang naglalakad ay patuloy pa rin siya sa pagmamasid sa lugar. Naiilang pa rin siya sa kanyang mga nakakasalubong na estudyante na napapansing nakatingin sa kanya. Sinimulan na niyang hanapin ang kanyang classroom na nakalagay sa kanyang registration card. Medyo nahirapan siya dahil sa hindi pa siya pamilyar sa lugar. Matapos ang halos sampung minuto ay nakita na rin niya ito.

Pumasok siya sa loob at umupo sa isang bakanteng upuan sa likuran. Habang naghihintay para sa pagdating ng kanilang propesor ay pinagmamasdan niya ang kanyang magiging mga kaklase. Tulad niya ay tahimik rin ang mga ito dahil sa hindi pa sila magkakakilala.
 
Biglang nabasag ang katahimikang bumabalot sa loob ng kanilang silid sa malalakas na paghiyaw ng mga estudyante sa labas. Agad silang sumilip sa bintana at ang iba naman ay lumabas sa corridor upang alamin ang dahilan ng mga paghiyaw na iyon.

"Nandito na sila!" ang malakas na pagsigaw ng isang babae. Halatang kinikilig ito base sa tono ng kanyang boses.
"Ang Campus Trio!" ang sabi naman ng iba.
"Bigyan niyo sila ng daan"
"Campus Trio, ano iyon?" ang nagtatakang tanong ni Andrew sa kanyang sarili nang marinig iyon.

Nagdesisyon siyang mag-abang sa labas para alamin kung sino ba yung mga sinasabi nilang Campus Trio. At sa ilang saglit lang ay mas lalong lumakas ang pagtili at paghiyaw ng mga tao tanda na papalapit na sa lugar nila ang nasabing grupo. Hanggang sa dumating na sila.

Tatlong lalaki ang sabay-sabay na naglalakad na naka shades ang kanyang nakita na  sa tantya niya ay nasa fourth year na. Hindi lang yan kapansin-pansin din ang kanilang kaibahan sa ibang mga estudyante roon. Kahit nasa likod lang siya ng mga estudyanteng nag-aabang ay kita pa rin niya ang mga ito dahil sa kanilang tangkad. Napuna rin niya kaagad ang kaibahan ng kanilang mga itsura. Ang style at kulay ng kanilang buhok na moderno ang dating, ang kanilang tindig at magandang pangangatawan.
"Kaya pala ganito na lang kung makatili ang mga babae dito." ang nasabi na lang niya sa kanyang sarili.

Hindi nakaligtas sa kanya ang isa sa kanila na nasa gitna. Unang kita palang niya dito ay agad niyang naisip na may kasungitan ito dahil hindi man lang niya nilingon ang mga nakapaligid sa kanya at batiin man lang kung ikukumpara sa dalawa niyang kasama na paminsan minsang ngumingiti sa kanila.

"Ang guguwapo di ba?" ang sabi sa kanya ng isang lalaki na katabi niyang nakatayo. Tinignan niya ito at napagtanto agad ang sekswalidad nito dahil sa kanyang ayos. Alam naman ni Andrew na pareho lang sila nito ngunit hindi niya trip na magbihis at umarte bilang babae.
"Alam mo bang sila ang pinakasikat dito kaya binansagan silang campus trio. Malakas ang impluwensiya nila dito sa university" ang kanyang pagpapatuloy.
"Ganoon ba?"
"Oo. Ah by the way pala Im Dante pero tawagin mo na lang ako Dina. Magkaklase tayo." ang pagpapakilala niya kay Andrew.
"Oo. Im Andrew" ang sagot naman niya. At nagkamayan silang dalawa. Kahit papaano ay natuwa siya dahil agad siyang nagkaroon ng kakilala sa kanilang section.
Nang makalagpas na ang nasabing campus trio ay bumalik na sina Andrew sa loob ng silid.

"Dito ka na maupo" ang alok sa kanya ni Dina nang akmang paupo na siya sa bandang likuran. Agad naman siyang sumunod para na rin kahit papaano ay may makakausap siya.

"Hays kung araw-araw ko ba naman sila makikita talagang hindi ako mag absent nito." ang naibulalas ni Dina. " Alam mo ba Andrew, sila ang dahilan kung bakit ako pumasok dito."
"Ganoon ba?" ang tugon ni Andrew dito habang naglalabas ng isang notebook at ballpen.
"Yung kapatid ko kasi, dito rin nagtapos at palagi niyang kinukwento sa akin ang tungkol sa kanila. Totoo nga ang sabi niya, na ang guguwapo nila" ang kanyang pagpapatuloy na may halong kilig. Natatawa at napapailing lang si Andrew sa mga sinabi niya.

"Eh ikaw bakit dito ka nag-aral?" ang sunod na tanong sa kanya ni Dina.
"Ako, actually hindi naman dapat ako makakapasok dito kung di ako scholar." ang sagot nito sa kanya.
"Wow, matalino ka pala. Eh di magtatrabaho ka rin pala dito sa school bilang student assistant." ang medyo may pagkamangha niyang pahayag.
"Oo. Ganun nga ang patakaran nila. Sa susunod na linggo nga, magsisimula na ang duty ko sa library."
"Buti naman at nagkaroon agad ako ng matalinong kaklase para may mapagtanungan naman ako minsan. O kaya naman may makopyahan ako pag may exams haha."
Napangiti si Andrew sa narinig.

Nahinto ang aming pag-uusap sa pagdating ng aming propesor.

Tulad ng nakagawian tuwing unang araw ng klase ay puro pagpapakilala lang sa sarili ang kanilang ginawa. At sa araw ring iyon ay nagbigay ng introduction sa bawat subjec tang kanilang mga professors.
______
Sumapit ang oras ng kanilang breaktime. Nasa canteen ngayon si Andrew upang bumili ng makakain. Ngunit laking gulat niya ng makita ang mga presyo ng mga pagkain na mabibili roon.
"Dapat pala nagbabaon na ako nito" ang sabi ni Andrew sa kanyang sarili. 

Sa mga oras na iyon ay napagdesisyunan ni Andrew na lumabas na lang ng school para humanap ng isang bakery na makakabili ng tinapay. Nasa pinto na siya palabas ng makasalubong niya si Dina.

"Saan ka pupunta Andrew?"
"Lalabas lang ako para bumili ng tinapay."
"Bakit doon ka pa bibili meron naman dito."
"Kulang kasi ang pera ko." ang nahihiyang sagot ni Andrew.
"Yun lang pala. Tara." ang yaya niya dito sabay hila sa braso nito.

Hindi na magawang tumutol pa ni Andrew sa mga biniling pagkain sa kanya ni Dina. Dahil sa nahihiya siya ay binigay na lang niya dito ang pambili sana niya ng tinapay. Nung una ay ayaw pa nitong tanggapin ang pera.

"Saan ka pala nakatira?" ang tanong ni Dina kay Andrew habang sila ay kumakain. 
"Taga Tondo ako."
"Ah malapit-lapit lang pala dito."
"Mga isang sakay lang tapos kaunting lakad." 
"Ah Ako naman sa Quezon City. Sayang hindi tayo magsasabay sa biyahe."
"Hayaan mo araw-araw naman tayong magkakasama" ang sagot ni Andrew sa kanya.

Marami pa silang napag-usapan sa oras na iyon. At doon nalaman ni Andrew ang estado ng pamumuhay ni Dina. Mayaman ang kanilang pamilya. Manager sa isang bangko ang daddy nito.

Tulad ni Dina ay kinuwento rin niya dito ang kanilang buhay. At talagang nabilib ito sa kanyang mga nalaman.
"Maswerte ang mom mo na nagkaroon siya ng anak na gaya mo, bukod sa may itsura na, masipag matalino at determinadong umasenso."

Tama na sana ang lahat ng papuring narinig ni Andrew sa kausap pero nahaluan pa ng isa na para sa kanya ay hindi kapani-paniwala.
"Bakit may mali ba sa sinabi ko?" ang tanong nito nang mapansin si Andrew na pailing-iling.
"Inalis mo na sana yung salitang may "itsura."
"Bakit totoo naman ah? Look tama lang ang tangkad mo tapos maganda naman ang tindig mo. Yung katawan tama lang. May mapupungay kang mga mata at may matangos na ilong."

Natatawa lang si Andrew sa kanyang mga narinig.
"Ewan ko sayo. Mabuti pa at bilisan na lang natin kumain." ang nasabi na lang niya dito.
__________

Matapos ang klase ay sabay na naglakad sina Andrew at Dina palabas ng school.  Malapit na sila sa gate nang mapansin ni Andrew ang umpukan ng mga estudyante sa may basketball court.
"Teka lang Dina, parang ang daming tao roon oh" si Andrew sabay turo sa gawi ng umpukan.
"Oo, tara tignan muna natin." ang yaya ni Dina kay Andrew. Alam na agad nito kung sino ang pinag-uumpukan nila.

Nang makalapit sila sa court ay doon nalaman ni Andrew ang dahilan. Kasalukuyan palang naglalaro ng basketball ang ilang mga lalaking estudyante kabilang na ang sinasabing campus trio.

Nagulat si Andrew sa biglaang pagtili ni Dina.
"Grabe Andrew, ang hot talaga nila!" si Dina na hindi na napigilan ang sobrang paghanga sa kanila. Samantalang si Andrew ay nanonood lang.

Agad na humanga si Andrew sa galing sa paglalaro ng basketball ng Campus Trio. Parang mga beterano na kung gumalaw ang mga ito, tila mga manlalaro ng basketball sa NBA na napapanood niya sa TV.  Sa pagshoot, pag dunk at pagdribble ng bola. Sa bawat puntos na nagagawa nila ay panay ang pagcheer ng mga manonood. Talaga nga namang sikat sila sa buong campus.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nagpahinga ang mga naglalaro. Umupo sila sa isang mahabang bench.

Maya-maya'y isang sitwasyon ang nakapukaw sa atensyon ni Andrew. Habang nagpapahinga ay may lumapit na dalawang babae sa isa sa campus trio at nag-alok ng isang inumin sa kanya. Napansin niya ang pag snob lang niya sa kanila.
 
Agad na nakaramdam ng dalawa ng hiya matapos silang tratuhin ng ganoon ni Bryan na para bang hindi sila nito nakikita at patuloy lang sa pagpunas ng pawis. At ang sumunod na eksena ang tuluyang nakapagpabigla sa kanya.

"Hindi niyo ba nakikita, ito oh may inumin na ako. Hindi ko na kailangan niyan alis na!" ang pagsinghal nito sa kanila na tuluyang nagpahiya sa dalawang babae. 
Pinagtitinginan na sila ng ibang mga taong naroroon. Nang lingunin niya ulit ang grupo ay nakita niya na nakangisi lang ang isa mga ito. Samantalang deadma lang ang kanyang katabi. Doon nagsimulang umusbong ang inis niya sa kanila.

"Tama ba naman ang ginawa nila sa dalawang babae. Kalalaking tao pumapatol sa babae. Lalo na yung nasa gitna." ang kanyang komento sa kasamang si Dina na tumutukoy sa taong namahiya sa mga babae.
"Ganyan talaga si Bryan. Kaya masanay ka na sa kanya." si Dina.
"Napakasama nama nng ugali nya Hindi naman pwede yung ganoon ano."
"Hinaan mo boses mo baka marinig ka nila."
"Wala akong pakialam. Sino ba siya sa inaakala niya kung makaasta siya akala mo sa kanya itong school." ang tuloy-tuloy pa rin niyang pananalita at walang pakialam sa mga tumitingin nang tao sa kanya.
"Tumigil ka na kaya tignan mo oh tumayo na sila. Lagot baka narinig ka na nila" si Dina na kinakalabit na si Andrew.

Hindi nga nagkamali si Dina sa kanyang akala. Napatingin sa kanya ang ibang mga babaeng estudyate doon na halos lahat ay masasama ang tingin sa kanya.

"Oh bakit sakin kayo nagagalit. Dapat doon sa kanila!" si Andrew na tinuro pa talaga ang kinaroroonan ng campus trio."Bilang mga babae di ba kagaspangan  ng ugali ang ginawa niya sa kapwa niyo."

At sa sinabing iyon ni Andrew ay tumayo na ang isa sa tiro at nilapitan si Andrew. Agad naman sumunod ang dalawa niyang kasama.
"Ano yung sinasabi mo tungkol sa akin ha?" ang sabi niya kay Andrew na nasa harapan na niya. Lalaking lalaki ang boses nito. 

Kita sa mga taong nasa paligid lalo na kay Dina ang kaba ngunit si Andrew ay nananatiling lang na kalmado. Inisip niyang hindi siya dapat kabahan dahil sa wala naman siyang kasalanan sa kanila. Nginisian lang niya ito.

"Mukhang hindi natakot sa iyo tol" ang sabi ng kasama niyang lalaki nasa kanan ni Bryan.
"Boy., narinig namin ang mga sinabi mo kanina. Siguro bago ka lang dito sa school ano. Hindi sila ang may-ari pero ang pamilya ni Bryan ang major sponsor dito." ang pahayag naman ng nasa kaliwa niya.
Tumingalang nakatingin si Andrew sa kanila. Hanggang tenga lang kasi ni Bryan ang taas niya. "Dapat bang katakutan ang taong ito? At isa pa hindi boy ang pangalan ko. Eh ano ngayon kung siya ang sponsor dito, pwede na ba kayong maghari-harian dito? Ang gawing katawa-tawa at mamahiya ng inyong kapwa?"

Napahinto na lang siya sa sunod na ginawa ni Bryan sa kanya. Bigla siyang kinuwelyuhan nito.
"Ngayon pa lang kita nakita dito. I guess freshman ka pa lang pero ganyan ka na agad umasta sa mga nakakatanda sayo. Sino ka ba sa akala mo para pakialaman ang mga ginagawa ko?" si Bryan na nanlilisik ang mga matang nakatitig sa kanya.

"Ooooops. Easy lang tol. Hayaan mo na lang siya. Tara na magsisimula na ang game." ang awat ng isa sa mga kasama niyang lalaking nasa kanan.

Agad naman siyang binitawan at tinulak ni Bryan at umalis pabalik sa court.

"Tara na Dina. Ang yabang talaga ng Bryan na yan." Si Andrew na hindi man lang nasindak sa ginawa ni Bryan sa kanya. Inayos nia ang nagusot na uniporme.

"Hindi pa tayo tapos." ang nasabi na lang niya sa kanyang sarili habang naglalakad sila palabas ng gate.

Itutuloy...

Thursday, July 21, 2011

MAHAL KITA Last Part

Abala ako sa pagbabasa sa aking kwarto nang may marinig akong pagkatok sa pinto.
"Tonton, gabi na bakit nandito ka pa?" ang tanong ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto. Nakasando lang siya na puti at boxer short.
"Hmmm.... pwede papasukin mo muna ako bago ko sagutin yan" ang sabi niya sa akin.
"Ok pasok ka na"

"Nag-aaral ka pa pala" ang sabi niya nang mapansing nakalatag sa study table ang mga ginagamit kong libro sa school.
"Ah oo, alam mo naman na malapit na ang final exams. Ikaw bakit ka naman nagpunta dito?"
"Kung makapagtanong ka naman, parang hindi mo alam ang pakay ko." ang sagot niya sabay higa sa aking kama.
"Ah matutulog ka na naman dito. Sige mauna ka na, tatapusin ko muna itong binabasa ko"

Ilang minuto pa ang lumipas habang nagbabasa pa rin ako, hindi ko naiwasang mapasulyap kay Tonton. Nakatulog na pala ang mokong. At sa pagkakataong iyon tuluyan nang nawala ang aking konsentrasyon sa pagbabasa nang mapukaw ang aking atensyon sa kanya. Nakatihaya siyang natutulog.

Nilapitan ko siya at umupo sa kanyang tabi. Nagsimula na akong makaramdam nang kung anong init sa aking katawan nang mapansin ang kanyang kabuuuan. Tinignan ko siya mula sa mukha. Para siyang isang napakagwapong anghel na natutulog. Pagkatapos ay ang kanyang matipunong kanang brasong nakataas kung saan nakaunan ang kanyang ulo. Kita ko ang kanyang malalagong balahibo sa kanyang kilikili.

At ang lalong nagpainit sa akin ay ang halatang-halata na bukol sa kanyang suot na boxer short. Palibhasa manipis kaya hindi nito naitago ang kalakihan ng kanyang ari.

"Hanggang pagtitig lang ba gagawin mo?"
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig na nagpabalik ng aking ulirat nang marinig ko iyon. Sa aking pagkabigla at pagkataranta ay hindi ko alam ang aking sasabihin sa kanya.

"Ikaw talaga mahilig kang manantsing. Ok lang kung gagawin mo ulit ang ginawa mo sa akin noon." ang sabi niya.
Pakiramdam ko ay napahiya ako sa sinabi niya. "Ah eh, baka naistorbo kita, sige matulog ka na ulit."

Akmang patayo na ako ng bigla niyang hinawakan ang aking kaliwang braso. Maya-maya pa'y hinila niya ako pahiga. Sa bilis ng mga pangyayari namalayan ko na lang na ako na ang nakahiga ngayon habang siya ay nasa aking ibabaw.

Halos matulala na naman ako sa kanyang mukha. Habang siya naman ay pinagmamasdan lang ang aking pagtitig sa kanya. Pagkatapos ay unti-unti niyang nilalapit ang kanyang mukha sa akin. At muli naghinang ang aming mga labi.

Sa pagkakataong iyon naipadama namin ang pagmamahalan sa isat-isa sa pamamagitan ng aming paghahalikan. Hanggang sa may mangyari sa amin.

Hindi pa ako sanay dahil sa unang beses ko pa lang  ito kaya naman si Tonton ang siyang nagdadala ng aming ginagawa. Kita ko sa kanya na sanay na siya. Hindi ko akalain na isang probinsyanong tulad niya ay mulat na sa ganitong bagay.

Niromansa namin ang isat-isa hanggang sa umabot kami sa sukdulan. Hanggang sa kami ay mahimasmasan.

Magkatabi pa rin kaming dalawa na nakahiga sa kama. Ang ulo ko ay nakapatong sa kanyang matipunong dibdib samantalang ang isang kamay niya ay humahaplos sa aking buhok na tila nilalaro ito.
"Tonton may gusto sana akong itanong sa iyo?" ang tanong ko sa kanya.
"Sige ano iyon?" ang malumanay niyang sagot.
"Alam mo hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na mamahalin mo rin ako tulad ng nararamdaman ko sa iyo. Gusto ko sanang malaman kung bakit mo ako nagustuhan at minahal?"
"Tulad ng sinulat ko sa journal, nagkaroon agad ako ng atraksyon sa iyo nung unang araw na dumating kami ni nanay dito. Sobrang cute ka kasi eh basta hindi ko maipaliwanag. Noon pa man bata pa lang ako, tulad mo naguguluhan ako sa aking pagkatao. At ngayon ko napatunayan ang pagiging silahis ko."
"Masaya ako na marinig ko yan sa iyo. Pero hindi ko maiwasang mag-alala."
"Ha, ano ba yung iniisip mo?"
"Ang mangyayari sa hinaharap. Sa pagkakaalam ko kasi, na walang patutunguhan ang ganitong klaseng relasyon."
"Tama ka, walang nagtatagal sa ganitong relasyon. Sana huwag mong isipin na mangyayari iyon sa atin. Hindi ako nangangako pero sisikapin kong maging maayos at matibay ang ating pagsasama. Siyempre kailangan kasama ka doon. Dapat magtulungan tayo. Anumang problema o pagsubok ang darating sa atin ay sabay nating aayusin. Kung mayroon man tayong hindi pagkakaunawaan, daanin natin sa maayos na usapan."
"Ok, pero nag-aalinlangan pa rin ako eh."
"Hay naku Josh, ano pa ba iniisip mo?"
"Ikaw, baka magsawa ka sa akin, na maghanap ka ng ibang makarelasyon, isang babae tapos mababalitaan ko na lang na nabuntis mo na ito. Siyempre lalaki ka pa rin, na maghahangad na magkaroon ng isang pamilya."

Bahagyang natawa si Tonton sa aking sinabi.
"Hindi pa ba tayo isang pamilya, si nanay pati na rin ang mga magulang mo na hindi na tutol sa ating relasyon? Wala ka dapat ipag-alala. Sa iyo lang ang aking puso. Mahirap paniwalaan ang aking salita kaya ipapakita ko na lang ito sa gawa. Ikaw naman parang hindi mo nabasa ang journal ko."

Hindi ko naiwasang maiyak ulit pero sa pagkakataong ito ay dahil na ito sa kaligayahan.  At sa gabing iyon naulit muli ang aming pagniniig.
______
Sa mga sumunod na araw ay binigyang atensyon na namin ang nalalapit na final exams. Tinulungan na ako ni Tonton sa pagrereview, tinuruan sa mga asignatura na nahihirapan ako. Hanggang sa sumapit ang itinakdang araw. Laking tuwa ko nang maipasa ko ang lahat ng exams lalo na sa mga parts na kung saan nahihirapan ako.

Sa araw mismo ng aming graduation ay dumating ang aking mga magulang. Si Trisha ang aming naging valedictorian.

Pagkatapos ng seremonya ay nagkaroon kami ng kaunting salu-salo sa bahay. Imbitado ang ilan sa aming mga kaklase, pati na rin ang mga kaibigan ng aking mga magulang. Naging masaya naman ito.
______
"Ano na ang plano niyong dalawa?" ang tanong ni Papa sa amin ni Tonton isang araw.
"Oo nga mga iho, aba isang buwan na at magpapasukan na" ang sabi naman ni Mama.
"Ako po Tita desidido na po akong kumuha ng kursong abogasya."
"Maganda yan anak." ang sagot naman ng kanyang ina.
"Hindi madali ang kurso na yan Antonio" si Papa.
"Alam ko po iyon. Sisikapin ko pong makatapos dahil may gusto akong patunayan." si Tonton saka umakbay at tumingin sa akin. Wala na sa kanya ang pagkailang sa ginagawa niya kahit pa sa harap ng aking mga magulang. Proud pa siya para sa nararamdaman sa akin.
"Ano iyon anak?" ang tanong naman ng kanyang ina.
"Tulad po ng nasabi ko kina Tita, Gusto ko pong ipakita sa kanya na kaya ko. Kukuhanin ko ang kursong ito dahil nais kong ichallenge ang sarili ko. Kapag natapos ko ito at naging isang ganap na abogado na ako, mnakakaya ko nang buhayin si Josh."
"Ngayon pa lang pinabibilib mo na ako Antonio, may paninindigan ka at talagang mahal na mahal mo ang aking anak." si Papa.
"Opo Tito, sobra" si Tonton na nakangiti.

Isang buwan pa ang lumipas at sumapit na ang pasukan. Hindi kami parehas ni Tonton ng unibersidad, siya sa isang law school samantalang ako ay sa isang sikat na unibersidad sa Maynila. Kursong computer science pala ang kinuka ko dahil sa likas kong pagkahilig sa computer.  Kahit ganito ang nangyari, hindi naman ako nag-aalala dahil sa may tiwala ako sa kanya at mahal niya ako.

Ang anumang pagsubok o problemang darating sa aming buhay o sa relasyon namin ay magkasama naming haharapin at pagtutulungan na lutasin.

Simula ngayon hanggang sa hinaharap, isang kataga lang ang nakatatak sa aking isip na kailanman ay hindi mabubura ang...
"MAHAL KITA Tonton"

End of Series 4.

Saturday, July 16, 2011

PANTASYA Last Part

+Kinagabihan, habang mahimbing na natutulog sina nanay at kuya, ay umiiyak pa rin ako. Walang patid ang pagtulo ng aking mga luha dahil sa sobrang kalungkutan na aking nararamdaman. Hindi ako dinadalaw ng antok.

"Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Baka sa mga oras na ito ay hinahanap na niya ako. Marahil malungkot siya ngayon, pwede ring galit siya sa akin dahil bigla na lang ako umalis." ang tanong ko sa aking sarili patungkol kay Kuya Carlo. "Hindi pa nagtatagal, namimiss ko na siya." Napapabuntung hininga na lang ako habang nag-iisip.

At dahil sa hindi ako makatulog ay minabuti ko na lang na sariwain ang aming mga alaala ni Kuya Carlo. Tinignan ko ang mga kuha naming larawan kasama si Angel sa pamamagitan ng kanyang niregalo sa akin na iphone. Naroon ang mga bonding moments namin tulad ng pamamasyal sa malls, parke at mayroon din sa bahay. Siyempre meron din kaming pribadong mga kuha ni Kuya Carlo tulad ng isang kuha niya na nakahubot hubad na may pagflex ng kanyang mga muscles at ang aming paghahalikan. Kahit papaano ay nagagawa pa rin akong pangitiin ng mga alaala naming ito.
______
Alas-sais ng umaga nang akoy magising. Medyo masakit ang ulo ko marahil sa kakulangan ko sa tulog ngunit tiniis ko ito. Maghahanda pa kasi kaming pamilya para sa flight namin mamayang hapon.

Habang nag-aagahan ay nag-usap muli kami ng aking kapatid. Si Kuya Arthur ang unang nagsalita. "Ilang oras na lang ang natitira Rico, talaga bang hindi desidido ka na sa desisyon mong umalis ng bansa?"

Napatingin naman ako sa aking kapatid. "Kuya alam kong tutol ka sa aking pasya. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman mo eh. Saka gusto ko ring humingi ng paumanhin sa abala ko sa iyo. Napilitan ka pang magresign sa pagtuturo mo para lang sa akin"
"Hindi naman, at huwag kang mag-alala sa akin. Siyempre kapatid kita kaya susuportahan kita." ang nakangiti niyang sagot sa akin. "At saka madali namang makahanap ng trabaho"

Medyo gumaan naman ang dibdib ko sa mga pahayag ni Kuya. Kaya ngumiti na rin ako.Matapos mag-agahan ay nag-umpisa na kamisa pag-eempake ng mga gamit. Habang abala sina nanay at kuya sa pag-aayos ng kanila ay napagpasiyahan kong dumako sa terrace ng aming tinutuluyan. Ngayon ko lang narealize ang kagandahan ng view ng Maynila kapag naroon ka sa isang mataas na gusali. Dahil sa hindi ako makapag-gym ay nagpasiya na lang akong mag ehersisyo sa pamamagitan ng pagpush-ups at pag-iinat ng mga braso.

Tanghali na nang lisanin namin ang tinutuluyan naming hotel para pumunta na sa airport. Habang nasa biyahe ay hindi ko pa rin maiwsan ang maiyak.  Inaalo na lang ako ni nanay.

At nang marating namin ang airport saktong isang oras bago ang schedule ng aming flight, matapos macheck ang aming mga passport ay naghintay na lang kami sa waiting area.
"Anak, may pupuntahan lang kami saglit ng kapatid mo" ang biglang paalam sa akin ni nanay.

Medyo nagtaka naman ako sa sinabing iyon ni nanay. "Saan pa kayo pupunta? malapit na ang oras ng flight natin ah"

"Ah...eh... pupunta kasi ng CR ang kuya mo kaya sasabay na rin ako"
"Ganun ba, teka sasabay na rin ako" ang sagot ko. Ngunit nang akmang tatayo na ako ay pinigilan ako ni kuya. "Dito ka na lang. Wala kayang magbabantay ng mga gamit natin" ang sabi niya sa akin.

Hindi na ako umimik pa. Tama rin naman sila kaya hinayaan ko na silang umalis.

Saktong kalahating-oras na lang bago ang flight ay hindi pa rin bumabalik sina nanay at kuya. Medyo nakaramdam na ako ng pagkainis. Baka maiwan kami ng eroplano. Kaya nagpasiya akong tawagan na silang dalawa.  Habang pinipindot ko na ang numero ng cellphone ni Kuya ay bigla kong naramdaman na may tumabi sa akin.

"Salamat naman at dumating na...." biglang naputol ang aking pagsasalita sa pagkabigla. "Bakit ka nandito?" ang aking naitanong sa taong katabi ko ngayon.
"Ikaw ang dapat kong tanungin. Bakit mo ginagawa ito?" ang sagot niya. Seryoso ang kanyang mukha.

Hindi agad ako nakapagsalita.
"Halika sumama ka sa akin" ang sunod niyang sinabi sabay hatak sa aking braso. Naging sunud-sunuran na lang ako sa kanya di alintana ang mga gamit naming naiwan. 

Naalimpungatan na lang ako nang  makita ang tinutumbok niyang direksyon. Palabas kami ng airport at deretso sa kanyang sasakyan.
"Pumasok ka" ang sabi niya na bakas ang authority sa tono nito.

Nang makapasok ay umupo na rin siya sa drivers sit.
"Ano na Rico, sumagot ka, bakit mo ginagawa sa akin ito?" ang pagtatanong niya ulit.
"Para sa ikabubuti ng lahat." sa wakas ay nakapagsaita na rin ako.
Tumingin siya sa akin. "Ang dali mo namang sumuko. Napakahina mo naman. Hindi mo man lang ipaglaban ang pagmamahalan natin."
"So wala kang pakialam sa mga taong nakapaligid sa atin, kung may mangyari sa kanilang masama"
"Wala akong sinasabing ganyan Rico. Ang hirap kasi sa iyo sinasarili mo ang problema. Naiintindihan kita Rico, ang iyong pagmamalasakit sa kanila. Pero paano na lang ang sarili mong kaligayahan? Paano na lang ako Rico?" ang kanyang pagsusumamo sa akin.
"Naisip ko lang naman ang kapakanan nila eh pati ng aking pamilya. Saka tama si Marianne, sinira ko ang buhay niya. Ayoko na rin na alipustahin niya ang pagkatao ko. Kaya napagpasiyahan kong lumayo."

Kita ko ang kanyang pag-iling sa aking sinabi. "Hindi pa ba sapat ang pinapakita kong loyalty sa iyo, ang tapat kong pagmamahal. Hindi ba dapat ang nagmamahalan ay nagtutulungan sa hirap at ginahawa, magdadamayan, sabay na haharapin ang mga pagsubok at problema. Sana sinabi mo sa akin ang tungkol kay Marianne."
"Natatakot kasi ako" ang aking sagot habang naiiyak na.
"Kaya nagpasiya kang iwan mo kami ni Angel. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Sobrang nag-alala ako sa iyo alam mo ba yon. Mabuti na lang at tinawagan ako ni nanay. Sinabi niya sa akin ang lahat. "
"Kung ganoon plano pala nila yung pag-iwan sa akin kanina para makapag-usap tayo." ang sagot kong may pagbubuntung hininga.

Hinawakan niya ang aking mga kamay at nagtitigan. "Gusto lang nila na maging masaya ka, at ito ay ang makasama ako. Kaya please lang huwag ka nang umalis." ang kanyang pakiusap sa akin. Kita ko sa mga mapupungay niyang mata ang sinseridad.

At sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilang mapayakap sa kanya at humagulgol. Gumanti siya sa akin.
"Tama na yan. Sige na uuwi na tayo" ang pag-aalo niya sa akin habang hinahaplos ang ulo.

Bigla naman akong kumalas sa kanya dahil naalala ko si Marianne. Akmang magsasalita sana ako nang takpan niya ng kanyang mga daliri ang aking labi.
"Ooops. Tama na yan. Alam kong nangangamba ka pa rin kay Marianne." ang sabi niya sabay ngiti.
"Nakakulong na si Marianne. Ang mga magulang na niya ang mismo na nagpahuli sa kanya nang malaman nilang pinapatay niya ang kanyang asawa. Ayon sa mga pulis ay nilason daw niya ito sa mismong bahay nila.

At sa rebelasyong iyon, tuluyang lumuwag ang aking dibdib. Nabura na ang lahat ng pangamba sa aking isipan kaya nagawa ko nang ngitian siya.
"Iyan, ang namiss ko." ang sabi niya. Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. At sa pagkakataong iyon ay naghinang muli ang aming mga labi. Para kaming hayok sa aming paghahalikan. Siya ang unang kumalas.
"Uwi na tayo. Naghihintay na sila sa bahay" ang sabi niya sa akin. Medyo nadismaya naman ako.
"Nakasimangot ka na naman. Huwag kang mag-alala, mamayang gabi itutuloy natin" ang nakangisi niyang pahayag at kinurot ako sa pisngi. "Hmmpptt.. ang cute mo talaga baby boy!"

Napangiti na lang ako sa ginawa niya. At pinaandar na niya ang sasakyan.

"Welcome back!" ang masigla at sabay-sabay na bati sa akin nina nanay, kuya, Tita Mely at Angel pagkapasok namin ni Kuya Carlo sa bahay.
"Salamat" ang masaya kong sambit.
"So ano pa ang hinihintay natin, tara at kumain na tayo" si Tita Mely. Naghanda pala siya ng salo-salo para sa aking pagbabalik.

"Bago tayo magsimula, may nais sana akong sabihin sa inyong lahat. Una, gusto kong magpasalamat kay nanay sa pagsabi sa akin ng lahat. Wala akong kaalam-alam na may mabigat na problema ang aking baby boy tungkol kay Marianne. Kundi dahil sa kanya, baka tuluyan nang nawala ang aking pinakamamahal. Pangalawa ang tungkol kay Marianne. Tapos na ang aming problema sa kanya. Kasalukuyan na siyang nakakulong. Kaya sa mga oras na ito ay magdiwang at magsaya tayo!" ang pahayag ni Kuya Carlo nang makaupo kaming lahat sa hapag. Pagkatapos ng kanyang pananalita ay kumain na kami.

Matapos ang hapunan ay nagkaroon pa kami ng kaunting kasiyahan. Nag videoke pa kaming lahat. Madaling araw na nang umalis sina kuy, nanay at Tita Mely. Hinatid muna namin si Angel sa kanyang silid. Nang makatulog na siya ay saka kami tumuloy na sa aming kwarto.

"Game ka na ba baby boy?" ang agad tanong niya sa akin.
"Excited ha" ang naisagot ko lang sa kanya sabay higa sa kama. Agad naman siyang pumaibabaw sa akin.
"Hindi ba sabi ko kanina ngayon natin itutuloy, sige na nasasabik na ako oh" ang sabi niya sa akin na magkatapat ang aming mga mukha.

Dahil sa aming posisyon, nararamdaman ko na ang kanyang alagang nagsisimula nang manigas patunay lang na talagang sabik na siya sa akin. Kaya wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya. At muli nilasap namin ang sarap ng aming pagmamahalan.

Masasabi ko sa aking sarili na nakamtan ko na ang tunay na kaligayahan dahil  nalampasan ko na ang mga matitinding pagsubok sa aking buhay. Sa huli, naging kami pa rin ng aking pinakamamahal at pantasya ng aking buhay na si Kuya Carlo. 

End of Series 3.

Monday, July 11, 2011

MAHAL KITA Part 24

"Tonton, alam kong ikaw yan" ang pagkumpirma kong pahayag sa kanya.

Ngunit wala akong nakuhang sagot sa kanya. Hindi siya nagsasalita. Napaisip tuloy ako kung ano ang naging reaksyon niya, marahil nagulat din siya na magkasama kaming dalawa sa isang napakadilim na silid. Dahil doon, bigla akong nakaramdam ng pagkapahiya. Agad naman akong dumistansya sa kanya.

"Pasensya ka na." ang nasabi ko na lang sa kanya. Alam ko naman na galit siya sa akin kaya hindi siya sumasagot.

Napagdesisyunan kong subukang muli na manghingi ng tulong. Tinungo ko ang pintuan saka kinalampag ito ng malakas habang sumisigaw pero nabigo lang ulit ako. Wala na akong nagawa kundi ang umupo at maghintay sa sinumang magliligtas sa amin.

Sa ilang minuto naming paghihintay ay namayani sa amin ang katahimikan. Hindi ko lang alam kung ano ang mga iniisip at ginagawa niya dahil sa dilim ng silid. Ewan ko ngunit bigla ko nalang naisip na nagkataon lang ba ang pagkakakulong naming dalawa. Wala naman akong natatandaan na may kagalit kami na gagawa sa amin ng ganitong bagay.

Pero sa kabilang banda, napansin kong ito na ang tamang pagkakataon para magkasarilinan kaming dalawa, na makapag-usap ng masinsinan at linawin ang lahat ng bagay sa aming dalawa. Sa ilang beses kasi na pagsubok kong pakikipag-usap sa kanya ay lagi nalang niya ako tinatanggihan. Kaya hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon. Sasabihin ko na rin sa kanya ang aking mga saloobin. Bahala na kung ano ang kahihinatnan ng aming magiging pag-uusap.

"Kamusta ka na Tonton?" ang unang tanong ko sa kanya na para bang matagal kaming hindi nagkita. Wala lang ako maisip na panimula kaya iyon ang una kong naitanong.

Isang minuto akong naghintay ng kanyang tugon ngunit wala akong narinig sa kanya. Napabuntung-hininga muna ako bago magpatuloy.
"Hindi ka pa rin sumasagot. Siguro nga napakalaki ng iyong galit sa akin dahil sa ginawa ko sa iyo. Alam mo ba nitong mga nakalipas na araw ay nakakaramdam ako ng lungkot. Ewan ko pero naninibago ako eh, nasanay na kasi ako na nandyan ka."nag-umpisa na ulit akong maiyak.
"Nung araw na dumating kayo ni nanay sa amin, inaamin kong nagkaroon agad ako ng atraksyon sa iyo. Ang lakas kasi ng dating mo sa akin eh. Lahat ng katangian ng isang magandang lalaki ay nakita ko sa iyo. Pero pinilit kong labanan ang nararamdaman kong iyon kaya ganoon na lang ako kung magsungit sa iyo. Ang totoo niyan talagang tutol ako sa desisyon ng aking mga magulang na ibilin niya ako sa iyo. Una dahil hindi ko na magagawa ang mga gusto ko at pangalawa malalaman mo ang mga pangungutya sa akin ng mga kaklase ko. At sa hindi inaasahan, naging magkaklase pa tayo kaya ayun nalaman mo rin. Ngunit sa paglipas ng mga araw, nagawa mong baguhin ang aking pag-uugali, pinalambot mo ang puso ko sa iyo. Nagpursige ka talagang suyuin ako, at nakita ko sa iyo ang pagiging mabait mo. Ni minsan ay wala akong narinig na pangungutya sa iyo tulad ng ginagawa sa akin ng iba." ang dagdag ko pa. Pinapahid ko ang luha sa aking mga mata sa pamamagitan ng aking mga daliri.
"Sobrang saya ko dahil sa mga pinapakita mong pagpapahalaga sa akin. Gaya ng pagtupad mo sa iyong pangako. Naalala mo ba nung araw na mamasyal tayo sa Luneta. Akala ko hindi mo na itutuloy iyon dahil sa pagyaya sa iyo ni Trisha. Kaya bilang ganti ay ako na ang sumagot ng ating pagkain."
"Sa paglipas pa ng mga araw, mas naging close pa tayong dalawa. Aaminin ko na lalong nahulog ang loob ko sa iyo. Hanggang sa nalaman ko na may gusto sa iyo si Trisha. Siya mismo ang umamin ng kanyang nararamdaman sa akin at nagpatulong upang mapaglapit kayong dalawa. Siyempre pumayag naman ako kahit masakit sa akin. Naisip ko kasi na wala namang pag-asa na mahalin mo rin ako eh gaya ng nararamdaman ko sa iyo at isa pa ay bagay kayong dalawa. Kuntento na ako sa pagkakaibigan natin."

Habang nagsasalita ako, naramdaman ko na may humaplos sa aking ulo. Hindi ko namalayan ang paglapit ni Tonton sa kinaroroonan ko dahil sa dilim ng silid. Hindi ko na napigilan pang yakapin siya. Binuhos ko na ang lahat ng aking emosyon sa kanya.
"Kasalanan ko ang lanat ng ito kung bakit nangyari sa atin ang ganito. Kahit mahal kita ay pilit kong tinanggi iyon. Akala ko kasi na magbabago ang turing mo sa akin o magkaroon ng malisya ang ating pagkakaibigan kapag nalaman mo iyon ngunit nagkamali ako. Kaya pala tinaggihan mo si Trisha dahil sa akin. Ako pala ang iyong special someone."

Gumanti siya ng pagyakap sa akin. Hindi ko lang alam kung umiiyak na rin siya tulad ko at nagpatuloy ako.
Nakokonsensya talaga ako dahil ikaw, pinakita mo ang iyong tunay na pagmamahal sa akin. Tinanggihan mo si Trisha at yung lakas ng loob mong isiwalat sa aking mga magulang ng iyong totooong nararamdaman. Nang malaman ko nga iyon ay sobrang natouch ako. Kaya sana patawarin mo ako kung nasaktan ko ang damdamin mo. Mahal na mahal din kita Tonton, iyon ang totoo. Sana bumalik na tayo sa dati, kahit yung pagkakaibigan man lang sana natin.

"Hindi na"  sa wakas sa haba ng sinabi ko ay sumagot na siya. Ngunit bigla akong kinabahan ng marinig ko iyon. Parang natutumbok ko na ang ibig niyang sabihin.
"Ganoon ba." ang nasabi ko na lang. Pero sa isip-isip ko ay sobrang nalungkot ako dahil sa kawalan na ng pag-asa. At least nasabi ko man lang sa kanya ang aking mga saloobin. Parusa na rin siguro sa akin ito ng tadhana.
Napabuntung-hininga ako bago magsalita. "Wala na akong magagawa. Siguro ito na yung sinasabi nilang karma."
"Anong karma yang sinasabi mo?" ang agaran niyang tanong sa akin.
"Iyong mga nangyayari sa akin ngayon. Ang pagtanggi mo, at ang tuluyang paglayo mo sa akin."
"Grabe ka naman kung makapag-isip Josh. Wala naman sa isip ko ang mga bagay na iyan ano."

Nagulat naman ako sa mga huli niyang sinabi.
"Ano ang ibig mong sabihin?" ang nagtataka kong tanong sa kanya.
Naramdaman ko na lang ang pagpisil niya sa aking mga pisngi.
"Ikaw talaga Josh. Basta-basta ka na lang na nagbibigay ng conclusion, hindi mo muna ako patapusin.
"Ano ba dapat ang sasabihin mo?"
"Ang sabi ko hindi na.... hindi na ako papayag na maging friends lang tayo ulit. Hmmpppttttt!!!! nakakagigil ka talaga. Cute!"
"Eh ano ba dapat?"
"More than friends ang gusto ko, ay mali pala more than bestfriends tutal alam naman natin pareho ang ating nararamdaman para sa isat-isa."

Nagalak naman ang aking puso sa mga nanrinig kong iyon. Muli ay naiyak na naman ako.
"Oh wag ka nang umiyak. Hindi naman talaga ako nagalit sa iyo eh, nagtatampo lang ako. Alam ko naman na nahuhumaling ka na sa akin noon pa sa mga pagtitig mo pa lang."
"Bati na tayo?" ang tanong ko sa kanya.
"Para ka na namang bata. Sige bati na tayo pero sa isang kundisyon."
"Ano naman iyon?"
"Kiss mo muna ako"

Sa kondisyon niyang iyon ay nagulat ako. Kung saka-sakali siya ang magiging first kiss ko. Ayos lang naman dahil sa kanya pa mismo manggagaling iyon, sa taong mahal ko at mahal rin ako. Hindi pa ako nakakasagot ng bigla niyang hawakan ang aking mga pisngi ng kanyang mga palad at inilapit iyon sa kanyang mukha. Tuluyan nang naghinang ang aming mga labi. Hindi naging sagabal ang dilim ng silid para hindi namin maramdaman ang sarap ng aming paghahalikan.

Ilang segundo lang ito tumagal. Agad kaming tumigil sa biglaang pagbukas ng pinto ng silid. Isang babae ang pumasok.
"Aha at gagawa pa sila ng kahalayan dito ah. Itigil niyo muna yan. Makakalabas na kayo." ang sabi niya sa amin.  Bahagya kaming natawa sa aming narinig. Nakilala ko naman kaagad ang boses na iyon.
"Lalaine!"
_______
Sumabay si Lalaine sa amin umuwi ng bahay. Nang makarating ay pinag-usapan namin ang lahat.
"Effective ba Josh?" ang tanong niya.
"Oo, pero tinakot mo talaga ako ah"
"Ganoon talaga. Pero alam mo ba na mas madali ka palang dukutin kaysa kay Tonton. Tinakpan pa namin ang bibig niya ng panyong may pampatulog eh at take note pito pang kaklase natin ang sama-samang gumawa noon. Samantalang ikaw, nakayanan lang agad nina Tom at Richard. Tapos nahirapan pa akong kumbinsihin ang janitor na gamitin ang bodega ng school. Buti na lang napapayag ko siya dahil sa aking kagandahan." Natawa lang ako sa sinabi niya.
"Kaya nga sobrang maalaga ako sa taong ito eh. Kailangan talaga na nasa tabi niya ako lagi para maprotektahan siya. Ang biglang pagsingit ni Tonton. Umupo siya sa aking tabi at inakbayan niya ako. Pero nagpapasalamat ako sa iyo Lalaine."
"Ok lang. Para sa aking kaibigan na si Josh, handa ko siyang tulungan upang maging masaya siya. Sa totoo lang hindi ko naman ginusto gawin iyon eh kung noon pa lang..."
"Na nag-aminan na kami ng nararamdaman sa isat-isa" ang pagsingit ulit ni Tonton.
"Tama!"

Sandaling nahinto ang aming pag-uusap nang tawagin kami ni nanay para maghapunan. Habang kumakain ay masaya naming kinuwento sa kanya ang lahat ng nangyari sa amin.

Itutuloy....

Saturday, July 2, 2011

MAHAL KITA Part 23

Hindi sinabi ni Lalaine sa akin ang kung anumang binabalak niya sa amin ni Tonton kahit nagpumilit na ako. Sana lang ay magtagumpay ito.

Dalawang araw pa ang lumipas na wala pa ring nagbabago sa amin ni Tonton. At dahil nalalapit na ang aming exam kaya isinantabi ko muna ang mga bagay tungkol sa kanya sa halip ay itinuon ko ang aking atensyon sa pagrereview sa aming mga subjects.  Sa school kapag bakanteng oras o di kayay naghihintay sa pagdating ng aming guro ay binabasa ko ang mga past lectures namin. Ganoon din ang ginagawa ko pag-uwi ng bahay.

Pero hindi ito naging madali sa akin. May mga lessons kasi na nahihirapan ako tulad ng math. Alam ko na matutulungan ako ni Tonton ngunit dahil sa sitwasyon naming dalawa ay napakaimposible ito. Nakakahiya naman kung lalapitan ko si Trisha dahil tulad ko ay nagpupursige siya sa pagreview lalo na't running for honors siya. Hindi ko tuloy maiwasan  maalala ang masayang tutorial sessions naming dalawa ni Tonton sa kwarto ko.

Sa mga araw ring iyon ay ganoon din si Tonton base sa nakikita ko at sinasabi ng kanyang nanay. Parang mas subsob pa siya sa pag-aaral kaysa sa akin. Marahil itinutuon na lang niya ang atensyon doon kaysa naman na isipin niya ang kanyang problema sa akin. Maaring isa pang dahilan ay ang pagbawi niya sa mga araw na nagpabaya siya dahil pa rin sa akin.
______
"Grabe habang papalapit ang araw ng ating exams eh mas lalo natotorture ang aking utak." si Lalaine habang na tila hinihilot niya ng dalawang kamay ang kanyang magkabilang sentido. Nasa library kaming dalawa samantalang si Trisha ay nauna namng umuwi.
"Tama ka. Ako nga eh, hirap na hirap na dito sa math. Kaunti pa lang ang alam ko dito" ang pag-sang-ayon ko sa kanya.
"Siyangapala friend ano nanangyari sa plano mo?" ang tanong ko sa kanya. Napapansin ko kasi na parang wala siyang ginagawa.
"Nakuha mo pang itanong yan sa kabila ng pagkaabala natin para sa exam. Talagang ako na lang ang inaasahan mo. Pero huwag kang mag-alala matutuloy iyon, magbabati na kayo ni Tonton baho matapos ang linggong ito." ang sagot ni Lalaine.

Nang obserbahan ko siya habang nagsasalita ay nakikita kong kampante lang siya. Malaki siguro ang tiwala niya sa kanyang sarili na magtatagumpay ang kung anumang balak niya.

Maya-maya lang, bigla siyang nagpaalam sa akin. "Friend I have to go na. Favor naman ikaw na ang bahala sa mga kinuha nating libro siya shelf ha" sabi niya sabay tayo at nag-ayos ng kanyang mga libro.
"Sige." ang naisagot ko na lang pero nagtataka ako sa mga ikinikilos niya.

Marahil ay napansin niya ito kaya nagsalita siya ulit. "Mayroon lang kasin akong importanteng gagawin sa bahay.  Darating kasi ang mga relatives namin mamaya sa bahay."
"Ganoon ba. Huwagh kang mag-alala Ok lang ako. Sige ingat ka" ang sabi ko sa kanya.

Dumeretso na siya palabas ng library. Ako naman ay pinagpatuloy ko ang aking pagbabasa.

Lumipas pa ang ilang oras, napapansin ko na ang unti-unting pagkawala ng tao sa loob ng library. Natural lang iyon dahil hapon na. Tutal alas-siyete ng gabi pa naman nagsasara ito kaya nanatili pa ako roon ng ilang oras. Hanggang sa ako na lang ang natira doon.
"Hindi ka pa ba uuwi, gabi na ah" ang sabi sa akin ng isang boses. Nang tingalain ko ito ay ang babaeng librarian pala ang kumakausap sa akin.
"Tatapusin ko na lang po ang binabasa ko." ang sagot ko sa kanya.
"Sige iho. Sabihan mo na lang ako kung tapos ka na. Ako na ang magbabalik ng mga libro." ang sabi niya ulit sa akin. Nginitian ko lang siya at tumango.

Sumapit na ang oras ng pagsasara ng library kaya kahit hindi pa ako nakakatapos ay tumigil na ako. Tulad ng sinabi ng librarian ay nagpaalam ako sa kanya.
"Mam alis na po ako." ang aking pahayag sabay lapag sa kanyang mesa ang mga libro.
"Sige iho makakaalis ka na. Ako na ang bahala diyan." ang tugon niya sa akin habang abala siya sa pagmake-up ng kanyang mukha.

Lumabas na ako ng library. Wala nang akong nakikita pang mga estudyante dahil gabi na kaya mag-isa na lang akong tinungo ang parking lot kung saan nakaparada ang motor.

Ngunit habang naglalakad, hindi ko namalayan na may mga taong biglang sumulpot sa aking likod. Sadyang napakabilis ng mga pangyayari. Huli na para humingi ako ng tulong. Isa sa kanila ang agad nagtakip sa aking bibig gamit ang isang panyo. At doon unti-unti akong nakaramdam ng pagkahilo hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

Sa pagdilat ng aking mga mata, ewan ko na lang kung gaano katagal akong nakatulog nang bigla akong nakaramdam ng pagtataka at takot. Wala na ang aking dalang mga gamit, pati ang mga nasa bulsa ko kabilang ang aking cellphone. Nasa isang di pamilyar at napakadilim na lugar ako. Medyo nanghihina pa akong tumayo habang nakatukod ako sa dingding.

Dahil sa wala talaga akong makita, nagtiyaga akosa pagkapa, nagbabaka sakaling matumbok ko kung nasaan ang pintuan. Maya-maya lang ay nakapa ko ang isang dooknob. Obvious na iyon na ang pintuan kaya agad kong pinihit ito para buksan. Ngunit nadismaya ako nang hindi ko ito mabuksan kahit pa napihit ko ito. Doon ko nmapagtanto na nakalock pala ito mula sa labas. Ikinulong pala ako ng mga lalaking nagtakip sa aking bibig kanina.

"Tulong! Tulong!" ang ubod lakas na sigaw ko sa paghingi ng tulong habang niyuyugyog at pinapalo ang pinto.
"Tulungan ninyo ako, nandito ako sa loob!"
"Parang awa niyo na tulungan ninyo ako!"
 Ilang minuto na ang lumipas pero nabigo ako sa paghingi ng saklolo. Siguro nga ay walang nakakarinig sa akin o di kaya'y wala nang mga tao sa paligid. Wala na lang akong nagawa kundi ang umupo at maiyak.

Sa mga oras na iyon bigla kong naalaala si Tonton. Kung kasama ko lang sana siya ay hindi mangyayari ang ganito sa akin. Alam ko safe na safe ako sa kanya. Hindi niya hahayaan ang ganitong mga bagay sa akin.

Nasa kasagsagan ako ng aking paghagulgol nang bigla akong mapahinto.
"May ibang tao ba dito?" ang tanong ko sa aking sarili nang makarinig ako ng tila isang boses ng tao na umuungol.
"Sino ka?" ang medyo malakas kong tanong. Tumayo ako sa aking kinauupuan. At narinig ko uli ang boses ng taong iyon. At nakumpirma kong may ibang tao pala akong kasama sa misteryosong lugar na ito.

Lumuhod ako at naglakad habang kinakapa ko ang taong iyon. Maya-maya lang may naramdaman na ang aking mga kamay. Alam ko na buhok iyon ng isang tao. Marahan ko pang hinaplos ang kanyang ulo pababa sa kanyang mukha. Nalaman kong nakapiring pala ang kanyang mga mata. May panyo ring nakatakip sa kanyang bibig kaya siya umuungol. Nararamdaman ng aking binti ang mahinang pagpalo ng kanyang mga kamay doon na nagpapahiwatig na unahin kong tanggalin ang pagkakatali nito. At iyon ang inuna ko. Nang makalas ko na iyon ay siya na ang nagtanggal ng kanyang piring sa kanyang mata at panyo sa bibig.

"Salamat" ang kanyang matapos matanggal ang lahat. Pero sa narinig kong iyon ay nabigla ako. Napakapamilyar kasi sa akin ng boses na iyon.
"Dapat makaisip tayo ng paraan para makaalis agad dito" ang dugtong niya.
 At doon ko nakumpirma ang katauhan na nagmamay-ari ng boses na iyon. Hindi ako maaaring magkamali.

"Ikaw nga yan Tonton! Ako to si Josh"

Itutuloy...