Monday, June 27, 2011

MAHAL KITA Part 22

"Paano ba ako magsisimula?" ang pabulong kong tanong sa aking sarili. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sumambulat sa akin na rebelasyon.

"O ano sagot na dali" si Lalaine na halatang naiinip na sa paghihintay.
"Oh eto na sasabihin ko na excited" ang aking tugon.

At inumpisahan ko na ang pagkukuwento. Habang nagsasalita ay nakayuko lang ako, ayaw ko kasing makita ang magiging reaksyon ng dalawa.
"Ganito iyon, Si Tonton kasi, parang.... may..... gusto.... siya... sa.....sa.....sa...kin" ang paputol-putol kong pahayag.
"Ano!" napatayong reaksyon ni Lalaine. "Oh my gosh!"
"Kaya pala siguro ganoon na lang ang pag-aalaga niya sa iyo. Walang hiya ka friend ikaw pala ang dahilan kung bakit hindi kami nagkatuluyan" ang sabi naman ni Trisha.
"Kung makapagreact ka naman Lalaine, kakahiya sa mga tao." ang sagot ko habang nananatiling nakayuko.
"Ako rin naman eh nabigla. Wala kasi sa personalidad ni Tonton ang magkagusto sa isang tulad ko." ang dagdag kong pahayag.
"Grabe ka Josh, hinawaan mo na si Tonton" si Lalaine ulit. Alam ko na ang kanyang tinutukoy.
"Hindi naman siguro"
"Pero infairness hindi halata kay Tonton ah. Napakabrusko kasing kumilos ng taong iyon tapos may itsura at matalino." si Lalaine ulit. "So bale ikaw talaga friend ang kanyang special someone."
"Tama na nga yan Im hurt na oh" si Trisha. Marahil totoo nga itong sinabi niya dahil sa may gusto siya kay Tonton.
"Oh sige maiba na tayo. Paaano na yan ngayong alam mo na ang lahat, ano na ang gagawin mo ngayon?" ang tanong ni Lalaine na nagpaisip sa akin.
"Hindi ko pa alam. Hindi na kasi kami nagkakausap di ba. Umiiwas na siya sa akin eh. Sana nga magkabati na kami, kahit yung pagkakaibigan lang namin ang maibalik ayos na iyon."
"Ok sige tutulungan ka namin ni Trish. So mag-iisip tayo ng mga paraan. Sa ngayon subukan mo muna siyang kausapin."
"Mukhang malabo pero sige I will try." ang nasabi ko na lang.
______
At tulad ng kanilang sinabi, sinubukan kong kausapin si Tonton.Pagsapit ng oras ng uwian ay dali-dali kong tinungo ang kanylang bahay. Sakto namang nakita ko siya na nakaupo lang sa isang upuang bato sa kanilang bakuran at napansin ko na nakatingin lang siya sa langit na tila may malalim na iniisip. Tinabihan ko siya ng upo.
"Tonton, bakit hindi ka pumasok?" ang malumanay kong tanong sa kanya. Pero wala akong nakuhang sagot. Nanatuli pa rin siyang nakatingin sa kalangitan.
"Ito pala yung mga notes natin. Saka may assignment tayo sa math. Pwede bang turuan mo ako" ang sabi ko pa sa kanya habang nilalabas ko sa dala kong bag ang aking mga notebooks.

Imbes na sagutin ang aking sunod na sinabi ay tumayo siya at dere-deretsong pumasok ng bahay. Sa pagkakataong iyon ay nanlambot ako. Pinahid ng aking mga kamay ay mga luhang dumadaloy mula sa aking mga mata. Masakit kasi ang hindi niya pagpansin sa akin. Nanatili pa ako roon ng ilang minuto hanggang sa sumapit ang dilim.

Habang naglalakad pauwi ng bahay ay patuloy pa rin ako sa pag-iyak.Wala na akong pakialam pa kung may makakakita sa akin dahil mas nangingibabaw sa akin ang kalungkutan kay Tonton. At pagkarating sa bahay ay agad kong kinausap ang kanyang ina.

"Hindi po ako pinansin ni Tonton nay, sinubukan ko po siyang kausapin kanina." ang unang sagot ko sa kanya matapos niya akong tanungin. Tulad ni Tonton nanay na rin ang tawag ko sa kanya base na rin sa mungkahi niya nung huling pag-uusap namin.
"Sana maintindihan mo iho ang nararamdaman ng anak ko. Siguro hindi pa siya. Kahit ako ay hindi rin niya kinakausap kapag ikaw ang paksa." ang malumanay na pahayag ng kanyang ina.
"Alam ko po. Pero sana bigyan niya ako ng pagkakataon na sabihin sa kanya na alam ko na ang lahat..."
"At kahit maibalik lang ang inyong pagkakaibigan" ang dugtong naman ng kanyang ina.
"Opo."
"Hayaan mo iho, kilala ko ang aking anak. Isang araw ay magkakaayos rin kayong dalawa." ang huli niyang sinabi. Muli ay nagyakapan kaming dalawa.
______
Nagdaan pa ang mga araw na hindi pa rin ako pinapansin ni Tonton. Halos lahat na yata ng paraan ay ginawa ko na tulad ng pagtabi at pagsabay ko sa kanya kapag kumakain siya sa canteen ng mag-isa. Kahit nagsasalita ako ay hindi siya umiimik man lang. Hindi ko nga alam kung inaabsorb ng utak niya ang mga sinasabi ko. Sumasama rin ako sa kanya sa paglabas ng school pero hindi ko siya mapilit na sumabay sa akin pauwi.

Kaya nagtitiyaga na lang akong alamin at kamustahin sa kanyang ina ang mga ginagawa niya. Hindi ko rin kasi maikakaila sa aking sarili ang pag-aalala sa kanya lalo na sa mga sinasagot niya sa akin. Minsan nabanggit niya ang hindi agad pag-uwi nito ng bahay. Madalas ay ginagabi siya ng uwi ng lasing. Alam ko na tulad ko ay nag-aalala rin ang kanyang ina sa kanya kaya paulit-ulit akong humihingi ng paumanhin. Siyempre ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon.
______
Sumapit na ang  huling buwan namin bilang mga high school, kahit papaano ay nababawasan ang aking pag-aalala kay Tonton dahil nakikita ko naman na sa kabila ng mga nangyari sa amin ay hindi siya nagpapabaya sa kanyang pag-aaral. Magkagayunpaman ay napupuna ko pa rin ang bahagyang pagbaba ng kanyang mga grado.

Isang araw nag-usap kaming tatlo ni Trisha at Lalaine habang si Tonton naman natatanaw namin mula sa pintuan sa labas na nasa terrace lang sa corridor at nakatingin lang sa malayo.
"Sa susunod na linggo na ang ating final exams. Sa wakas makakagraduate na rin tayo" ang masayang pahayag ni Trisha.
"Ang bilis ng panahon ano di ba Josh" si Lalaine na tinanong ako. Pero hindi ako makasagot sa kanya dahil sa kawalan ko ng mood.
"Sad ka na naman friend. Kung sa bagay, kakalungkot nga naman. Magtatapos na nga tayo pero hindi pa rin kayo nagkakaayos ni Tonton. ang dagdag niya.

At sa mga oras na iyon ay naputol ang aming usapan nang lapitan kami ng grupo nina Tom. Matagal-tagal na rin ako tinigilan ng mga taong ito.
"Lovers Quarrel" ang pag-entra ni tom sa amin.
"Oo nga, napapansin niyo ba mga tol, hindi na nagpapansinan ang magjowa." si Richard.Nagtawanan silang lahat.
"Hoy magtigil na nga kayo diyan." si Trisha."Pinagtripan niyo na naman si Josh."
"Pagbigyan mo na kami Trish, ilang araw na lang kaya tayo nagkakasama." si Tom.
"Kaya kukutyain niyo na naman si Josh. At teka nga ano ba yang pinagsasasabi niyong lovers quarrel. Kayo talaga"
"Bakit hindi ba totoo? Huwag na kayong magkaila, alam na namin. Sa simula pa lang ay nagdududa na kami sa jowa nitong si Josh" ang sagot ni Tom na nakapukaw ng aking atensyon.
"Ano ibig niyong sabihin?" ang tanong ko sa kanya.
"Kinausap dati ng jowa mo si Tom nung minsan na nagkasabay sila sa CR at sinabihan siya na tigilan ka na namin. Alam mo ba ang ginawa niya nung sinabi ni Tom na ayaw niya, kinuwelyuhan ba naman siya. Tapos sinabi niya na mahalaga ka sa kanya kaya walang sinuman ang pwedeng mag-alipusta sa iyo. At ito pa ang nakakabigla mga tol sabihin mo nga Tom" ang mahabang pahayag ni Richard.
Medyo tatawa-tawa pa si Tom bago magsalita habang kami ang lahat ay nag-aabang sa kanyang sagot. "Mga tol, nung tinanong ko siya kung bakit niya ginagawa ito na may kasama pang tukso na baka may gusto siya kay Josh o magjowa sila, at deretsahan siyang nag oo sa akin at wala na raw akong pakialam doon at balewala lang sa kanya kung ipagkalat ko iyon sa lahat. Nung una hindi ako naniwala e pero nang mapansin ako ang pagkasweet nilang dalawa doon ko napatunayan na totoo iyon."

Isa pang nakakagulat na rebelasyon ang hindi ko inaasahang nalaman ko sa kanila. Pilit akong nagpipigil sa muling pagluha habang nililingon ko si Tonton sa labas. Doon ko napatunayan ang totoo niyang pagmamahal sa akin, na handa niya akong ipaglabas at ipagtanggol.

"Bakit ngayon niyo lang sinabi yan?" ang tanong ni Lalaine sa kanila.
"Siyempre, ayaw naming masaktan ang nag-iisang dyosa ng section natin." ang sagot ni Tom na patungkol kay Trisha.
"Kayo talaga mga ungas magsialis na nga myna kayo dito" ang utos ni Trisha sa kanila. Marahil ay napuna na niya ang aking nararamdaman.
"Oh alis na daw muna tayo sabing diyosa. Tara na mga tol" ang sagot ni Richard. Sabay-sabay silang lumabas sa room.
"Ayos ka lang Josh, sige ilabas mo yan nandito lang kami" ang pakikisimpatya ni trisha sa aking nararamdaman.
"Kakatouch naman si Tonton, napakabait niyang tao." si Lalaine. Napatingin na lang kami ni Trisha sa bigla niyang pagtayo sa kinauupuan.

"By hook or by crook dapat magbati na silang dalawa bago matapos ang linggong ito. May naisip na akong plano." ang pahayag ni Lalaine sabay tingin sa akin ng nakakaloko.

Tuesday, June 21, 2011

MAHAL KITA Part 21

"Kita ko kay Josh ang pagkadismaya niya sa pagpayag ko dahil sa pagpaunlak ko sa paanyaya ni Trisha. Sana maintindihan niya na walang masama sa ginawa ko. Akala niya nakalimutan ko na yung plano naming pagpunta sa Luneta pero hindi."

"Excited ako dahil ngayon na ang araw na mamasyal kami ni Josh sa Luneta. Kaya gagawin ko ang lahat para matuloy iyon. Mas mahalaga kaya siya sa akin kaysa sa ibang bagay."

"Ginawa ko anglahat ng paraan para makabalik agad. Sa katunayan kung anu-anong alibay ang sinabi ko kay Trisha eh. Napilitan na rin akong pumayag na pagpapicture kasama niya. Handa akong paliwanagan si Josh kung makita niya ang bagay na ito"

"Sa edad kong ito ay kailanman ay hindi pa ako nakapunta ng Luneta. Kaya napakasaya ko ng marating ito. Siyempre nagind doble ito dahil kasama ko si Josh. Pakiramdam ko ay lalong gumaan ang loob ko sa kanya at alam ko ganoon din siya sa akin. Nahihiya ako dahil siya pa ang nanlibre sa akin. Pero lingid sa kanyang kaalaman na parang nakakaramdam na ako ng kakaiba sa kanya. Pinangako ko sa aking sarili na gagantihan ko ang mga ginawa niyang ito sa akin."

"Ang akala ko ay magtutuloy-tuloy na ang magandang pakikitungo niya sa akin. Pero nitong mga nagdaang araw, nagbalik na namn siya sa dati. Kita ko sa kanya na hindi niya nagugustuhan na magkasama kami ni Trisha. Kahit may problema siya sa akin ay hindi niya ito masabi-sabi. Napakamalihim niyang tao. Naiintindihan ko naman siya, kaya kung anu-anong pagpaparamdam na ang ginagawa ko sa kanya para lanmg mag-open siya sa akin."

"Nakumpirma ko sa aking sarili base sa mga ginagawa ni Josh, na pinaglalapit niya kami ni Trisha. Ewan ko pero nakakaramdam ako ng inis hindi sa kanya kundi sa mga actions niya. Ang hirap kasi sa kanya, kahit alam niyang masasaktan siya ay ginagawa pa rin niya ito. Hindi niya alam na ayaw ko rin ng mga ginagawa niya."

"Ang lungkot ko, dumidistansya na kasi sa akin si Josh para kay Trisha. Pinagtabi pa talaga niya kami ng upuan. Ayaw ko ng ginagawa niyang ito. Kaya isang araw nang magkaroon ng pagkakataon, kinausap ko si Trisha at sinabi kong wala akong nararamdaman sa kanya pero pwede naman kaming bilang matalik na magkaibigan. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko iyon pero isa lang ang nasa isip ko, na mas pinahahalagahan ko si Josh."

"Nagalit si Josh sa ginawa ko kay Trisha, marahil naaawa lang siya sa tao pero sana isipin naman niya ang nararamdamamn ko. Hindi naman ako masaya sa ginagawa niya eh tulad ng kanyang dinadahilan. Mas piunapanigan niya si Trisha kaysa sa akin. Hindi ko talaga siya tinigilan para lang mahingi ang kanyang sorry. Talagang hinintay ko pa siya hanggang gabi para lang makipag-usap siya sa akin."

"Unang pagkakataon kong matulog kami ni Josh sa iisang kwarto. Grabe ang sarap sa pakiramdam na katabi mo ang taong special para sa iyo. Sobrang gaan sa pakiramdam. At sa hindi ko inaasahan na may ginawa siya sa akin. Hindi pa naman malalim ang tulog ko para hindi ko maramdaman iyon. Sa totoo lang gusto ko ang ginagawa niya. Usually maiilang ang isang lalaki kapag ginagawa sa kanya ang ganoon pero sa akin, hindi. Parang bukal sa loob ko na magpaubaya. Kaya nakumpirma ko na kung bakit ganoon na lang siya katitig sa akin. Kasalanan ko bang ipanganak na ganito kagwapo, hehehehehe!"

"Bigla na lang siya tumigil sa kalagitnaan ng akng kasarapan. Marahan kong dinilat ang aking mata at nakita kong pumasok siya sa banyo, alam ko na doon na lang niya pinagpatuloy. Kung hihilingin lang sa akin na gusto niyang may mangyari sa amin papayag ako bakit hindi."

"Sa wakas nagkaayos na muli kami ni Josh. Tanggap na rin ni Trisha ang lahat. Naging mabuti ang samahan naming lahat. Madalas na kaming matulog na magkatabi. Pero patuloy pa rin siyang naglilihim sa akin. Ano kaya ang gagawin ko para makumbinse siya?"

"Nagulat ako sa isang taong nag-add sa akin sa FB. Kadalasan kasi ako ang gumagawa noon. Pero sa tingin ko ay mabait naman siya kaya inaccept ko. Ayun nagchat kami. Magaan naman ang loob ko sa kanya kaya nakapag-open ako sa kanya. Nang tanungin niya ako kung may girlfriend ako o someone special, inamin ko sa kanya na meron at sinabi kong magkaiba iyon. Hindi ko lang masabi sa kanya nang deretsahan na ang totoo kong mahal ay ang aking special someone, katabi ko kasi si Josh. Siyempre siya ang tinutukoy ko nun."

"Mahal ko na si Josh, ito na ang aking nararamdaman sa paglipas na mga buwan. Unang pagkakataon kong umibig ng totoo, kakatuwa nga dahil sa isang lalaki pa sa kabila ng pagiging chickboy ko sa aming bayan. Ngayon alam ko na kung ano ang tunay kong pagkatao kaya ganoon na lang kaluwag sa akin ang tanggapin si Josh. Wish ko lang na sana ganoon din ang nararamdaman niya sa akin."

"Alam kong hindi tanggap sa lipunan ang ganitong klaseng relasyon, kaya sinikap kong gumawa ng paraan. Kinausap ko muna si nanay tungkol sa bagay na ito. Nung una nabigla siya dahil hindi halata sa akin ang pagiging silahis ko. Pero ano ba naman ang magagawa niya kundi ang magpaubaya para sa ikaliligaya ko."

"Sa huling pagcontact sa akin ng mga magulang ni Josh, matapos kamustahin ang kanyang pag-aaral, natuwa sila, kahit papaano kasi ay nag-iimprove na si Josh. Ang laki ng pasasalamat nila sa akin. Sobrang saya ko. Kaya I grab the opportunity upang ipagtapat sa kanila ang lahat. Tulad ni nanay ay nagulat silang dalawa. Pero sinabi ko naman sa kanila na hindi ko pa iyon sinasabi kay Josh dahil alam kong wala pa kami sa wastong edad at isa pa ay nag-aaral kami. Ayaw ko namang maapektuhan ang aming pag-aaral. Pinangako ko sa kanila na kapag nagtapos kami ay sisikapin kong maghanap-buhay para buhayin ko siya at makapagsarili kami. Sinabi ko iyon para patunayan sa aking sarili na maganda ang hangarin ko para sa kanilang anak dahil tunay ang pagmamahal ko sa kanya."

"Naging masaya pa ako nitong mga nakalipas na araw. Pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Halos gumuho ang mundo ko, ang aking mga pangarap sa sarili at sa kanya nang marinig ko mismo sa kanyang bibig na hindi niya ako gusto, na hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin. Pakiramdam ko ay pinababa niya ang pagkatao ko sa mga pinahayag niyang katangian sa isang taong magugustuhan niya. Kung sa itsura may laban ako doon pero sa sinabi niyang mayaman. Pinamukha niya sa akin ang estado ng buhay namin ni nanay. Akala ko mahal niya ako dahil sa mga pagtitig niya sa akin pero nagkamali ako. Ako lang pala ang nagmahal sa kabila ng effort kong pinakita sa kanya."

"Ang sakit grabe, ngayon lang ako nabusted ng ganito. Unang pagkakataon kong magmahal pero nasawi agad. Hindi ko siya kayang harapin, ayaw ko munang magpakita sa kanya hanggat hindi pa naghihilom ang sugat na idinulot niya sa aking puso. Wala akong lakas ng loob na sabihin kay Margarette ang lahat sa aming huling pagchat dahil hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ako. Naging karamay ko lang nanay sa aking kalungkutan."

"MAHAL KITA, ito ang gusto kong ipaalam sa iyo noon pa ngunit malabo na masabi ko pa ito dahil sa mga nangyari. Siguro dapat sanayin ko na ang aking sarili na mag move-on."

Mistulang isang bomba na nagpasabog sa aking puso ang mga rebelasyon aking nalaman sa nabasa. Ngayon ko nalaman ang lahat ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat. parang gripo ang pag-agos ng aking mga luha sa mga oras na iyon na walang tigil. Matagal na pala akong mahal ni Tonton. Ako pala ang tinutukoy niyang special someone. Ngayon ko lang napagtanto ang kanyang mga pahiwatig sa akin na manhid daw ako, na hindi ko inaalala ang kanyang nararamdaman ang pagpapakita niya ng kabaitan at pagkasweet sa akin.

Pinatong ko sa mesa ang kanyang journal, sinulyapan ko siyang muli at kinausap habang mahimbing pa rin na natutulog. "Tonton, hindi ko akalain na sa kabila ng lahat, sa hindi ko naman kgwapuhan ay magugustuhan mo ako at mamahalin. Kung alam mo lang na noon pa ay minahal na rin kita pero natatakot akong sabihin sa iyo na baka magbago ang turing mo sa akin o kaya mawala ang ating pagkakaibigan pero nagkamali ako. Dahil sa maling akala ko na may iba kang mahal ay doon pala magtatapos ang ating pagkakaibigan. Patawarin mo ako sa mga nasabi ko sa iyo. Totoo, nagdeny lang ako, itinanggi ang totoo kong nararamdaman. Kung maibabalik ko lang ang oras, pipilitin kong ituwid ang lahat."
______
"Alam mo na pala ang lahat" sabi ng nanay ni Tonton nang mag-usap kami pagkauwi ko sa bahay.
"Hindi ko po akalain eh. Ako rin po mahal na mahal ko po si Tonton." sagot ko naman na naiiyak pa rin."Kaya pala ganoon na lang ang pag-iwas niya sa akin nitong mga nakaraan"
"Iho, nang ikwento sa akin ng anak ko yan, umiiyak din siya tulad mo. Nabigla kasi siya sa mga sinabi mo eh.Kung alam mo lang ang mga plano niya sa iyo kung magkatuluyan kayo."
"Pakiramdam ko hindi ko kayang harapin siya, dahil masakit din sa akin ang ipakita niya ang kanyang galit."
"Sir Josh, gusto mo bang kausapin ko siya para sa iyo?"
"Ganoon po Tita, salamat po." hindi ko napigilang yakapin ang kanyang ina sa kauna-unahang pagkakataon.
"Noon pa man na dumating kami ni Tonton sa pamilya niyo, itinuring na kitang anak." medyo nauutal niyang pahayag marahil sa naiiyak na rin siya.
"Ngayon ko lang po nalaman na napakabuti niyong tao ni Tonton. Sana patawarin po ninyo ako sa mga inasal ko sa inyo"
______
"Josh, ano nangyayari sa iyo, parang wala ka sa sarili mo ah" si Lalaine. "At teka, wala pa rin si Tonton"
"Oo nga, nakakapagtaka, first time niyang mag-absent." si Trisha.
"Sa palagay ko hindi siya papasok. Pagkaalis ko kina Lalaine kagabi ay dumeretso ako sa bahay nila. Naglasing siya kagabi" ang walang kagana-gana kong sagot sa kanila.
"Lasing! Umiinom pala siya, hindi halata sa personality niya ah" si Trisha.
"Oo, alam ko dahil sa sama ng loob niya sa akin iyon. Kaawa-awa nga ang nakita kong itsura niya. Kung makikita niyo lang siya talagang maninibago kayo."
"Talaga, bakit kaya nagkaganoon siya?" si Trisha.
Napabuntong-hininga muna ako bago sumagot. "Alam ko na ang lahat" ang sabi ko sa kanila. "Habang natutulog siya kagabi nabasa ko ang kanyang journal"
"Hala, mali yan friend, privacy ng ibang tao yan pinakialaman mo" si Lalaine.
"Hindi ko na inisip pa iyon dahil sa mga bumabagabag sa akin. Halos masiraan nga ako ng ulo sa mga nabasa ko doon eh"
"Bakit ano ba ang mga nakasulat doon?"

Tumingin lang ako sa kanilang dalawa na naghihintay ng aking sagot. Pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

Itutuloy...

Sunday, June 19, 2011

MAHAL KITA Part 20

Dalawang buwan pa ang lumipas na naging ganoon ang set-up namin ni Tonton. At sa haba ng panahon ding iyon ay naghihintay kami sa muling pakikipagchat ni Tonton. Sumagi na sa isip ko ang kawalan ng pag-asa, na malaman ang totoo niyang saloobin kung bakit naging ganito siya kalamig sa akin.

Isang araw habang ako ay nagmumuni-muni sa aking kwarto, "Ang bilis naman ng araw, kailan lang ay pasukan ngayon last grading na at rarlong buwan na lang ay graduation na." ang nasabi ko sa aking sarili. "Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakaayos ni Tonton."

Naalimpungatan na lang ako sa isang tawag sa aking phone.
"Friend punta ka dito sa amin dali! Magchat na kami ni Tonton. Bilisan mo habang hindi pa siya online. Nandito na rin si Trisha" ang tila excited na niyang pahayag.

Habang bumibiyahe ako papunta sa kanila ay pinagdarasal ko na sana maging maayos at maganda ang  magiging resulta ng kanilang pag-uusap.

Pagkarating ay agad na binuksan ni Lalaine ang account na Margarette. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago mag online si Tonton.
"Hi Margarette long time no see" si Tonton ang unang nagbigay ng message.
"Hi Ton, mukhang busy ka ah, ang tagal mo ring hindi nakapagonline"
"Sorry, wala kasi akong computer, but everyday naman akong nag-oopen, nagtitiyaga lang ako sa phone ko. Matagal ko na rin nabasa ang post mo sa wall, pero ngayon lang ako sinipag na magrent."
"Ah. So ibig sabihin nakikigamit ka lang ng computer noon?"
"Oo, sa isa kong kaibigan. Nagkaroon kasi kami ng problema kaya hindi ako pumupunta sa kanila."

Mas lalong napukaw ang aking interes sa reply niyang iyon.
"Tanungin mo na siya kung ano iyon" ang utos ko kay Lalaine.
"Easy lang huwag kang hot. Masyadong excited" ang sagot niya sa akin.

At nagpatuloy na silang dalawa.
"I see. Mukhang mayroon kayong hindi pagkakaunawaan, right?"
"Tama ka. Mayroon kasi siyang sinabi sa akin na hindi ko nagustuhan eh"
"Sorry to hear that"
"Ok lang. Nagpapasalamat nga ako sa iyo eh kahit papaano ay may makakausap ako"
"Yeah. We are friends right. Kaya pwede mong sabihin sa akin ang mga problems mo kahit malayo tayong dalawa. I will try my best para matulungan kita"
"Thanks talaga. This will be a big help for me. Kung alam mo lang kung gaano na kabigat ang dibdib ko ngayon. Wala akong malabasan ng aking sama ng loob. Kaya siguro ang gaan ng loob ko sa iyo, hindi ako nagkamali na kaibiganin ka kahit hindi pa tayo nagkkikita ng personal."
"Ok. So ano ba yang mga problema mo?"
"Natatandaan mo ba yung una kong binanggit sa iyo na special someone ko."
"Yes I still remember. Bakit mo naman naitanong? May kinalaman ba siya dito"
"Oo."
"I guess, may nasabi siyang hindi maganda tungkol sa special someone mo. Right?"
"Hindi eh. Malayo yang iniisip mo. Alam mo ang sakit pala kapag nareject ka ng taong mahal mo"
"So ibig sabihin nireject ka na ng iyong special someone?"
"Oo, hanggang ngayon hindi ako makapagmove-on. Bago kasi sa akin ang ganitong pakiramdam. Unang beses akong nagmahal ng totoo sa isang tao pero na busted agad"
"So sad. Hayaan mo na iyon. Balang araw makakahanap ka rin ng taong nararapat sa pagmamahal mo"
"Parang matagal pa siguro yun"
"Alam mo, I cant believe na sa gandang lalaki mong iyan ay marereject ka lang"
"Oo, at saka ginawa ko naman ang lahat. Tulad na lang sa pagtanggi ko sa isang babaeng may gusto rin sa akin"

Napatingin kaming dalawa kay Trisha dahil alam naming siya ang tinutukoy niya.
"Bakit hindi ka magtry na sabihin sa kanya ang totoo, baka sakaling magbago siya"
"Wala na ring saysay, ayaw nga niya sa akin eh."

"Lalaine tanungin mo na siya" ang sabi ko ulit sa kanya.

"Sa bagay may punto ka diyan. Teka nasabi mo pala kanina na may problema kayong dalawa ng kaibigan mo. Ano naman ang kinalaman niya sa special someone mo?"

Hindi kaagad nakapagreply si Tonton sa tanong na iyon. Halos sampung minuto na kami naghihintay sa kanyang sagot pero wala pa rin.
"Wala na siyang sagot" ang sabi ko sa kanila. Ang laki talaga ng galit niya sa akin. Mukhang wala siyang balak sabihin sayang"
"Pero naka online pa siya" si Lalaine.
"Baka pinag-iisipan niya ang kanyang isasagot" si Trisha.
"Sige maghintay pa tayo ng ilang minuto.

Lahat kami ay nakatutok lang sa laptop na naghihitay sa reply ni Tonton. At hindi kami nabigo nang lumitaw na ang kanyang message sa screen matapos ang halos kalahating oras.

"Sorry kung pinaghintay kita."
"Ok lang."
"Nag-aalinlangan kasi ako. Baka magbago bigla ang tingin mo sa akin o kaya ay husgahan mo ako agad"
"Huwag kang mag-alala, hindi ako ganoong tao gaya ng iniisip mo. Pero kung talagang nagdadalawang-isip ka eh pwede mo namang hindi na lang sabihin. Baka masyado na yang personal. Hindi na kita pipilitin."
"Hindi pa kasi ako handa, next time na lang siguro."
"Ok I understand. Basta tatandaan mo na kapag kailangan mo ng kausap, anytime, pwede tayong magchat."

Medyo nadismaya ako sa naging pag-uusap nila dahil hindi pa rin  naging malinaw sa akin ang lahat.
"Walang nangyari. Akala ko pa naman..." ang naging komento ko matapos nilang magchat.
"Siguro Josh, its time na para kausapin mo na siya. Sa tingin ko ay mas madali siyang mag-open sa isang taong kilala niya nang personal" si Lalaine.
"Paano ko naman gagawin iyon?"
"Ikaw ang pumunta sa kaniya."
"Ayaw ko nga"
"Bahala ka diyan, para sa iyon rin naman yan."
______
Habang nasa taxi ako pauwi ng bahay ay iniisip ko ang mga huling sinabi sa akin ni Lalaine. Ewan ko parang nadedesperado na kasi ako, yun bang feeling na hindi ka mapakali hanggat may inaalala ka na gusto mong malaman pero hindi magawa. Kaya sa mga oras na iyon napagdesisyunan ko nang tuldukan iyon. Personal ko na siyang haharapin at kausapin tulad ng minungkahi sa akin ni Lalaine.

"Sa tabi na lang po" ang agad kong sinabi sa driver nang masilayan ko ang bahay namin na tinitirahan nina Tonton at ng kanyang nanay..

Pagkapasok ko sa bakuran ay natanaw ko ang bukas na pintuan kaya naisip kong naroon siya sa loob.
"Tonton" ang pagtawag ko sa kanya mula sa pintuan. Sinilip ko ang sala, wala siya roon. Dumako naman ako sa kusina. At tumambad sa aking harapan si Tonton na natutulog nang nakaupo. Nakita ko naman ang dalawang bote ng beer sa mesa. Nakumpirma kong naglasing siya.

Ako na ang nagligpit ng kanyang mga pinag-inuman sa mesa. Pagkatapos ay nag-isip ako ng paraan kung paano ko siya maihihiga, hindi ko naman kasi siya kayang buhatin, di hamak na mas malaki ang katawan niya sa akin. At ang ginawa ko na lang ay pinagtabi-tabi ko ang mga silya. Inayos ko na ang kanyang paghiga.

Sasabihin ko na sana sa kanyang nanay ang tungkol sa kanyang kalagayan pero hindi ko na nagawa pa. Inalipin na kasi ako ng awa para sa kanya. Unang pagkakataon kong nakita siyang naglasing ng ganito. Marahil ay talagang mabigat ang dinadala niyang saloobin.

Kumuha pa ako ng isang silya at umupo mapalit sa kanya. Pinagmamasdan ko ang kanyang itsura habang mahimbing na natutulog. Talgang hindi ako nagsasawang titigan siya dahil sa angkin niyang kagwapuhan. Naalala ko tuloy ang unang araw nang dumating siya sa aming pamilya, ang unti-unting paglalapit naming dalawa bilang magkaibigan at ang sobrang pag-aalaga at kabaitan na pinakita niya sa akin. Kaya sa mga oras na iyon ay hindi ko na naiwasang maluha dahil sa isiping dito na nagtapos ang aming pagkakaibigan.


Kinausap ko siya habang natutulog.
"Alam ko na galit ka sa akin dahil sa mga nalaman mo kay Lalaine. Sana mapatawad mo ako gusto ko sana na bumalik na tayo sa dati. Kakatuwa nga dahil ako na ang humihingi sa iyo ng ganoon. Ngayon alam ko na kung ano ang pakiramdam ng isang kaibigang may sama ng loob sa iyo. Kaya pala ganoon na lang ang pagpupursige mong suyuin ako. Kalimutan mo na lang yung mga sinabi sa iyo ni Lalaine. Hindi na mahalaga pa ang nararamdaman ko para sa iyo. Wala namang pag-asa na mamahalin mo rin ako ng higit pa sa isang kaibigan e.". Tuluyan na akong napahagulgol.

Napahinto na lang ako nang may maramdaman akong naapakang kung anumang bagay sa ilalim ng mesa. Pinulot ko roon ang isang mamahaling notebook na ginawang journal. Mali man na basahin ko ang pribadong gamit ng iba ngunit hindi ko na naisip pa iyon.

Pagbuklat ko sa unang pahina ay nakasulat ang ganito.
"Masaya ako dahil makakapunta na rin kami ng Maynila. Salamat sa kaibigan ng namatay kong ama, hindi kami pinabayaan ni nanay."

"Kinabahan ako sa una kong pagpasok sa  kanilang bahay. Sobrang yaman pala ng kanilang pamilya. Hiyang-hiya ako dahil pakiramdam ko ay para kaming pulubi. Pero masaya ako at naging maganda ang pakikitungo sa aming mag-ina. Sa araw ring iyon ay nakilala ko ang kanilang anak na si Josh. Unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko na ang kanyang pagkatao. Pakiramdam ko na magaan ang loob ko sa kanya. Sa totoo lang ay may pagka-cute siya."

"May pagkachildish pala si Josh at pagkamasungit lalo na sa akin. Alam kong ayaw niya sa akin. Pero hindi ako susuko hanggat hindi ko nakukuha ang loob niya."


"Masayang-masaya ako sa mga sinabi nina Tito at Tita, bukod sa pag-aaralin nila ulit, ako rin ang inatasang mag-alaga kay Josh. Grabe, pakiramdam ko na nagkaroon ako ng isang nakababatang kapatid."

"Wew, natupad din ang wish ko, na maging magkaklase kami ni Josh. Ngayon mas madalas na kaming magsasama."

"Pasukan na naman, sabay kaming papasok ni Josh. Sa totoo lang, ako ang nakiusap sa mga magulang niya na isang motor na lang ang gagamitin namin. Para mas maging malapit siya sa akin. Mabuti at pinagbigyan nila ako, hihihi."

"Ngayon ko lang nalaman na mahiyain pala si Josh sa school. Dahil na rin sa pangungutya ng kanyang mga kaklase. Kaya rin siguro natuto siyang magbulakbol dahil na rin sa impluwensiya nila. Gagawin ko ang lahat para magbago siya. Sisikapin kong ipagtanggol siya sa sinumang aapi sa kanya."

"Magkatabi kami ng upuan, ang saya-saya ko! Tapos nararamdaman kong bumubuti na ang pakikitungo niya sa akin. Kaya yayayain ko siyang mamasyal kami sa Luneta."

Ganito pala ang mga saloobin niya noon mga unang buwan na magkasama kami. Ngayon ko nalaman ang halaga ko sa kanya. Unang pahina pa lang pero nakakaramdam na ako ng kilig. Hindi ko nga maiwasang mapangiti.

At sa aking pagpapatuloy, hindi ko inaasahan ang mga susunod kong mababasa. Doon sasambulat sa akin ang kanyang lihim.

Itutuloy...

Friday, June 17, 2011

MAHAL KITA Part 19

"May gusto sa iyo si Josh." ang sunod na sinabi ni Lalaine na hindi ko napigilan.

Parang sasabog na ang dibdib ko sa mga oras na iyon dala ng matinding kahihiyan. Nanatili na lang ako sa pagkakayuko dahil  hindi ako makatingin sa kanila lalo na kay Tonton.

"Josh, ok ka lang? Totoo naman yun di ba? Halata na sa mga kinikilos mo" ang pagpapatuloy ni Lalaine.

Kahit nakatitig ako sa sahig ay iniisip ko ang naging reaksyon ni Tonton. Marahil ay hindi niya nagustuhan ang kanyang narinig dahil sa hindi niya pag-imik. Kaya agad akong nag-isip ng mga sasabihin.

"Grabe ka naman kung makapagsalita. Kahit ganito ako, hindi naman  madaling mahulog ang loob ko sa isang tao. Wala akong gusto kay Tonton ano, never mangyari iyon dahil hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya" ang aking pagdedeny.  Dinugtungan ko rin ito ng isang biro para mawala na ang namumuong tensyon sa amin. "At kung magmamahal ako, doon na sa isang taong perpekto, yung gwapo, matalino, mayaman, malambing, yung kayang pasayahin at ipaglaban ako at higit sa lahat ay tapat sa akin."

"Hmmm... talagang bumigay na si Josh, masaya ako dahil alam mo na ang gusto mo sa buhay. Pero hindi mo ba nakita ang mga sinabi mong qualities kay Tonton." si Lalaine ulit.
"Puro ka naman Tonton, sabi ko nga di ba na hindi ko siya gusto. So commonsense na lang yan friend" ang sagot ko sa kanya.

"Ah Lalaine mauna na ako bumalik sa room, ang biglang pagsasalita ni Tonton. Sa puntong iyon ay tumingin na ako sa kanya. Hindi ko naman nakita ang kanyang mukha dahil sa mabilis niyang pagtayo at pagtalikod. Dere-deretsong lumabas lang siya ng canteen nang hindi man lang pinakinggan ang saglot ni Lalaine at magpaalam sa amin,"
"Ano nangyari doon Trisha?" ang patanong na reaksyon ni Lalaine nang makalabas na si Tonton.
"Aba, I dont know. Dapat nga ikaw ang tanungin ko diya dahil sa mga pinagsasasabi mo" ang sagot naman ni Trisha.
"Ikaw kasi friend sinabi mo pa yan sa kanya. Ito na yung pinangangambahan ko eh, na magbago na ang turing niya sa akin at magkaroon na ng malisya dahil diyan"
At least nalaman niya di ba. Pero teka bilib din naman ako sa iyo friend, nakuha mo pang magdeny. Parang wala kang alam sa society natin. Mahirap maghanap ng karelasyon lalo na kung itoy kapwa mong lalaki. Alam mo naman siguro ang kasabihan na ang lalaki ay para sa babae." si Lalaine.
"Nasabi ko lang naman yun para hindi siya maniwala. Ngunit sa tingin ko hindi naging effective eh, dahil bigla na lang siyang umalis. Ano na ang gagawin ko friend, wala na akong mukhang ihahahrap sa kanya. Tapos baka malaman pa ng mga magulang ko ang bagay na ito, tiyak na magagalit sila sa akin."
"Alam mo Josh, sa tingin ko lang ha, tama rin yung ginawa ni Lalaine dahil doon masusukat ang inyong pagkakaibigan. Kung talagang tunay ka niyang kaibigan ay mauunawaan niya ang sitwasyon mo" si Trisha.
"Tama" ang pag-sang-ayon ni Lalaine. "Wala ka naman kasalanan kung tumibok ang puso mo sa kanya. Naiintindihan namin ang nararamdaman mo. At saka hindi kataka-takang kung may magkagusto sa kanya eh sa itsura pa nga lang."

Hindi ko naman tinutulan ang mga ipinahayag ng dalawa bagkus ay lubos kong sinang-ayunan ito. At kahit papaano ay pinasalamatan ko pa rin si Lalaine. Sa ginawa niya kasi nalaman ko kung ano talagang klaseng kaibigan si Tonton.

"Paano ko kaya babawiin yung mga sinabi ko sa kanya?" ang tanong ko sa dalawa. "Kinakabahan kasi ako sa mangyayari eh"
"Ang magagawa mo na lang sa ngayon ay tanggapin kung anuman ang mga mangyayari sa inyong dalawa." si Trisha. "Dapat maging handa ka na sa magiging kahihinatnan ng inyong pagkakaibigan."
______
Matapos kumain ay bumalik na kami sa room. Pagkapasok ay nakita namin si Tonton na abala sa pagbabasa ng isang aklat. Umupo na ako sa tabi niya. Pero nanatili pa rin siyang nakatingin sa kanyang binabasa parang hindi niya napansin ang aking presensya.

Sa ilang minutong paghihintay  namin sa pagdating ng aming guro ay namayani ang katahimikan sa amin. Ewan ko ba pero nararamdaman ko na may mamumuong tensyon sa aming dalawa. Hindi naman ako makapagsalita o kausapin siya. Sa tingin ko kasi ay galit siya sa akin base sa kanyang seryosong mukha.

Ganoon pa rin siya sa akin hanggang sa umuwi kami ng bahay.
"Dumating na pala kayo mga iho, magmeryenda muna kayo" ang salubong na bati sa amin ng kanyang nanay.
"Busog pa po ako nay, sige nay uuwi muna ako sa atin" ang sabi ni Tonton.
"Bakit naman? Kumain ka kahit kaunti lang"
"Hindi na po, gusto ko rin kasi magpahinga, medyo hindi maganda ang pakiramdam ko"
"Sige anak umuwi ka muna baka lumala pa yan" ang may pag-aalalang sagot ng kanyang nanay.

Habang kumakain ako ng meryenda ay iniisip ko ang ginawa niyang pag-uwi sa kanila. Unang pagkakataon niya kasi gawin ang ganoong bagay. Parati kasi na sinasabayan niya ako pagkatapos ay masaya kaming nagkukuwentuhang dalawa.

Kinagabihan, sinimulan ko nang gawin ang aming mga assignments. Nasagutan ko naman ang iba dahil may reference naman sa internet. Ngunit nagkaproblema ako sa math. Sinubukan kong magsolve ngunit talagang hindi ko makuha ang sagot.
"Kung nandito lang sana si Tonton ay matuturuan niya ako kaso wala. Hindi rin siya sumabay sa amin ng hapunan.Siguro ay iniiwasan na niya ako, baka malisya na sa kanya ang aming pagkakaibigan." ang nasabi ko sa aking sarili. Nakaramdam naman ako ng lungkot.

Kaya nagdesisyon na lang akong tawagan si Trisha. Buko kasi kay Tonton ay isa rin siyang matalino at nangunguna sa aming klase.
"Bakit ka napatawag Josh?"
"Gusto ko lang sana magpatulong sa assignment natin sa math. Wala kasi si Tonton eh, nadoon sa kanila kanina pang hindi pumupunta dito"
"Ganoon ba, bakit di mo puntahan?"
"Parang ayoko friend baka kung ano lang ang sasabihin nun sa akin masaktan lang ako"
"Ok, sige tutulungan kita."

Nang matapos kami ay humiga na ako para matulog. Ngunit mag-iisang oras na hindi ako dalawin ng antok. Sumasagi kasi sa aking isip si Tonton. Ewan ko ba parang nanibago ako. Nasanay na kasi akong katabi ko siya sa kama. At doon ko nakumpirma na hinahanap-hanap ko siya.
"Paano kaya ito, kasalanan ko kasi eh, pesteng puso ito sa kanya pa tumibok. Ayan, lumayo na sa akin." ang sabi ko ulit sa aking sarili.

______
Nagising ako kinabukasan sa isang kalabit sa aking braso. At nang idilat ko ang aking mga mata ay nanibago ako dahil ang nanay na niya ang gumising sa akin. Medyo nadismaya ako dahil hindi si Tonton ang gumawa ng bagay na iyon sa akin.

"Nasaan po si Tonton" ang tanong ko sa kanyang nanay. Napansin ko kasing pang-isahang tao lang ang inihanda niyang almusal.
"Nauna na pumasok Sir Josh. Hindi nga kumain ng alusal yun tapos nagmamadaling umalis. Hindi nga niya ginamit ang motor."
"Ok po." ang sagot ko.
"Galit na talaga siya sa akin. Nakakalungkot naman. Ano kaya ang gagawin ko?" ang nasabi ko sa aking sarili. "Parang di ko kaya yung mga ginagawa niyang pag-iiwas sa akin"

Ngunit sa kabilang banda, tulad ng pinayo sa akin ni Lalaine na dapat kong tanggapin ang mangyayari sa aming pagkakaibigan dahil lang sa nararamdaman ko sa kanya. Kahit alam niya ang aking tunay na pagkatao hindi niya siguro inaasahan na magkakagusto ako sa kanya. Siyempre hindi naman niya kayang tapatan ang nararamdaman ko dahil straight siya at naghahanap ng isang babae. Expected ko na rin na kahit magkaibigan pa rin kami ay magiging mailap na siya sa akin dahil ayaw niyang magkaroon ng issue ang kanyang pagkatao.

Dapat sanayin ko na ang aking sarili sa mga pagbabagong ito sa aking buhay.
______
Kahit magkatabi kami sa upuan ni Tonton, habang abala sa pagkukuwentuhan ang iba naming mga kaklase ay kapansin-pansin ang kanyang pananahimik. Seryoso ang kanyang mukha at tila may malalim na iniisip. Hindi ko naman siya makakausap kaya dumako muna ako sa kinauupuan ni Lalaine at Trisha.

"Kahapon pa siya ganyan, hindi na nga siya nagpupunta sa bahay namin eh. Hindi ko talaga siya magawang kausapin" ang sabi ko sa kanilang dalawa.
"Siguro nga masyado siyang naapektuhan sa mga nalaman niya kahapon." si Trisha.
"Ano kaya ang nasa isip niya ngayon?" ang naitanong ko sa kanilang dalawa.
"Madali lang naman yan." si Lalaine.
"Paano naman?" tanong ko ulit.
"Yung facebook." ang sagot niya. Tama nga naman,pwede niyang ichat si Tonton.
"At Josh doon ka sa bahay para makita mo yung mga sasabihin niya" ang dagdag pa ni Lalaine.
"Pero paano naman natin gagawin iyon, eh sa laptop ko lang siya nagbubukas ng FB account niya, eh hindi naman siya pupunta nga ng bahay namin?" ang sabi ko ulit. 
"Ano ba ang ginagawa ng cellphone niya? Siguro naman makakapagload siya para makapag-open dahil nga sa hindi siya pumupunta sa inyo. Magpopost ako sa kanyang wall na gusto ko ulit siyang makachat, at kapag nakita na niya ito sure ako na magrerenta siya sa computer shop para makipagchat sa akin."
"Posibleng mangyari iyon pero mukhang matagal. Sana nga mangyari yang sinasabi mo at sana rin may maganda itong resulta." ang nasabi ko na lang.
"Tama, mamaya magpopost na ako sa wall niya. Ang magagawa na lang natin pagkatapos noon ay maghintay." si Lalaine.

Itutuloy...

Sunday, June 12, 2011

MAHAL KITA Part 18

"Bakit ginabi ka, saan ka nanggaling?" ang agad na salubong sa akin ni Tonton pagkapasok pa lang ng bahay. Nakahubad siya nang pangitaas na nakaupo sa sofa.
"Nagpunta lang ako kay Lalaine. Nandoon din si Trisha, nagbonding lang kami" ang sagot ko sa kanya.
"Ok mabuti naman kung ganoon." ang sagot niya. Kita ko sa kanya ang pagkalaho ng kanyang pag-aalala sa aking sinabi. "Tara maghapunan na tayo. Nakapagluto na si nanay" ang yaya niya sa akin habang nakangiti.

Habang naghahapunan ay napapansin ko ang panay na pagsulyap sa akin ni Tonton at nakakapagtaka ang pinapakita niyang pagngiti sa akin.
Dahil sa naiilang ako sa ginagawa niya lalot pa kasama namin ang kanyang ina ay tinanong ko siya. "Bakit pangiti-ngiti ka?"
"Masaya ako Josh. Basta napakasaya ko ngayon." ang sagot niya.
"Talaga, kung anuman niyan eh congrats sa iyo." ang sabi ko lang na nakatuon lang ang aking atensyon sa pagkain.
"Ganyan lang talaga ang anak ko sir Josh. Ako rin ay masaya para sa kanya. Kung anuman ang gusto niya sa buhay nandito lang ako para suportahan siya." ang sabi naman ng kanyang ina.

"Mukhang may kakaiba rito sa mag-inang ito ah" ang sabi ko sa aking sarili. Napapansin ko kasing may tinatago ang dalawang ito sAa akin. Magkagayunpaman ay hindi ko na binigyan pa ng pansin iyon.
______
Muli sa kwarto ko natulog si Tonton. Hindi na rin ako makatanggi dahil sadyang makulit ang taong ito.

"Alam mo Josh, unti-unti ko nang nakukuha ang mga gusto ko." si Tonton habang nakahiga kaming magkatabi sa kama. Bigla siyang tumagilid paharap sa akin. "Masaya ako ngunit hindi pa lubusan kasi may isang bahay pa akong inaalala."
"Tungkol saan naman yan" ang sabi ko sa kanya. Hindi siya kaagad sumagot pero nakatingin lang sa akin.
"Ok lang kung ayaw mong sabihin karapatan mo rin yan" ang sabi ko na lang sa kanya gawa ng wala akong nakuhang sagot. Naiintindihan ko naman siya dahil gawain ko rin ang maglihim.

"Ang sarap pala sa pakiramdam ang magmahal." ang bigla niyang sambit na nakapukaw ng aking atensyon.
"Bakit mo naman nasabi yan?" ang tanong ko sa kanya. "Parang sa sinabi mo eh first time mo pa lang" dugtong ko pa.
"Kung sasabihin ko sa iyo na oo, maniniwala ka?" ang pabalik na tanong niya sa akin.
"Honestly, hindi. Imposible naman yun. Sa sinabi pa lang ng nanay mo na marami kang naging babae sa probinsya niyo sa edad mong yan"
"Totoo naman yung sinabi ni nanay. Hindi sa pagyayabang pero kilala ako as aming lugar dahil sa gwapo ako. At marami na akong nakarelasyon."
"At ang natira na lang siguro sa iyo ay ang girlfriend mo" ang bigla kong sambit. Naalala ko kasi ang naging chat nila ni Lalaine.
"Oo. Alam mo siya ang pinakamaganda at pinakamabait sa lahat ng nakarelasyon ko."
"Kaya ba hanggang ngayon ay hindi mo pa rin siya magawang iwanan kahit pa malayo kayo sa isat-isa."
"Hindi ko basta-basta kayang bitiwan ang aming pagkakaibigan."
"Kaibigan?"
"Oo kahit ganoon siya kabuting tao ay kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya, parang si Trisha. Tulad niya ay sinabi ko na rin iyon sa kanya na hindi ko siya pwedeng mahalin bilang kasintahan."

"Ano bang mga pinagsasasabi ng taong ito?" ang tanong ko sa aking sarili. Hindi niya mahal si Trisha, hindi rin niya alam ang sinasabi niyang girlfriend na nasa probinsya. Bigla ko namang naisip ang kanyang someone special.

"Bakit natahimik ka?" ang tanong niya sa akin. Napansin niya ang aking seryosong pag-iisip.
"May naalala lang kasi ako, di ba may naikwento ka kay Margarette tungkol sa iyong special someone."
"Siya ang dahilan kung bakit di ko sila magawang mahalin" ang deretsong pahayag niya.
"Alam ko naman iyon, nasabi mo na rin sa chat. Kung sinoman siya, napakaswerte niya sa iyo" ang aking nasabi marahil na rin sa nakakaramdam ako ng inggit.
"Oo, dahil kaya kong ibigay ang lahat lumigaya lang siya. Pipilitin kong baguhin ang aking image para lang maging karapat-dapat sa kanya."

Sa sinabi niyang iyon, naihiling ko sa aking sarili na sana ako na lang iyon. Pero alam ko naman na malabo iyon mangyari dahil sa lalaki ako. Siymepre babae ang tinutukoy niyang special someone.
"Bakit di mo masabi pala sa kanya na gusto mo siya?" ang tanong ko sa kanya. Nabanggit rin niya kasi na kumplikado daw ang sitwasyon nilang dalawa.
"Hindi pa kasi napapanahon. Marami pang mga bagay na dapat ayusin. Una, wala pa kami sa wastong edad, pangalawa ay hindi pa kami nakakapagtapos ng pag-aaral at pangatlo ay ang pagtanggap ng kanyang pamilya kung sakali man maging kami."
"Tama ka, masyado pang maaga." ang nasabi ko. Pero naintriga naman ako sa kanyang huling pahayag. "Bakit mo naman inaalala ang pamilya niya?"
"Sa una lang iyon. Pero nakausap ko na rin ang mga magulang niya ng lingid sa kanyang kaalaman. At natuwa naman ako dahil sa hindi sila tututol sa amin kung sakaling magkakaroon kami ng relasyon. At pinangako ko sa kanila na magsisipag ako sa aking pag-aaral, nag sa gayon kapag nakatapos ako ay makakapaghanapbuhay ako. Makakaya ko na rin siyang buhayin mag-isa."
"Hanga ako sa paninindigan mo Tonton, kaya siguro nasabi mo rin na masaya ka ngayon."
"Oo, pero may isa pang bagay na gumugulo sa aking isipan eh. Napagdesisyunan ko rin kasi sa aking sarili na Magtatapat lang ako ng aking pag-ibig sa kanya kapag nasa wastong edad na siya. Pero ngangangamba lang ako sa kanyang nararamdaman sa akin"
"Bakit naman, wala ka bang nakikitang senyales na mahal ka rin niya?"
"Kapag magkasama kami ay nagpapahiwatig ako sa kanya.  Naglalambing na nga ako sa kanya eh at nagpapaubaya ako sa anumang ginagawa niya sa akin."
"Ganoon, ibig sabihin pala kung halimbawa na gusto niyang magpahalik sa iyo ay gagawin mo o kaya naman kapag hiniling niya na mag..." ang sasabihin ko pa lang sana nang putilin niya ito.
"Alam ko na yung sasabihin mo. Siyempre naman, mahal ko nga siya di ba kaya handa ko siyang pagbigyan. Ipagkakaloob ko sa kanya ang buo kong pagkatao."

Ewan ko ngunit bigla na lang akong naluha sa pag-uusap naming iyon. Marahil ay talagang tumagos sa aking puso ang lahat ng mga pinahayag niya sa akin.
"Umiiyak ka ba Josh?" ang tanong niya sa akin.
"Natouch lang ako. At saka di ko lang maiwasan kasi ikumpara ang sarili ko sa iyo. Alam mo sa edad kong ito, hindi pa talaga ako nakakaranas ng magmahal ng tunay. At least ikaw eh may patutunguhan ang buhay mo dahil nag-aabang lang ang iyong magandang kapalaran sa pag-ibig sa hinaharap, samantalang ako hindi ko alam kung may magmamahal din sa akin lalo nat isa akong bakla."

Naalimpungatan na lang ako sa sunod na ginawa ni Tonton. Hinaplos niya ang aking ulo pagkatapos ay pinahid ng kanyang mga palad ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. Nakatutok lang ang kanyang mga mata sa akin. Hindi ko alam ngunit biglang lumakas ang kabog ng aking puso.

"Huwag kang mag-alala Josh, nandito naman ako. Hindi naman kita iiwan at papabayaan" ang sinsero niyang pahayag. Hindi ko naman maintindihan kung bakit niya nasabi ang ganoon kahit pa nabanggit na rin niya ito minsan.
"Salamat Tonton, napakabait mo talaga sa akin. Kahit alam mong ganito ako ay hindi mo ako kinutya sa halip ay pingtanggol mo pa ako sa mga taong gumagawa sa akin"
"Hindi ako mapanghusgang tao Josh."

Pakiramdam ko, lalong tumitindi ang aking pagluha kaya agad ko nang iniba ang usapan. Sapat na sa akin ang malaman na hindi niya ako iiwan at papabayaan. Tatanggapin ko na lang siguro na kailanman ay hindi magiging kami.
"Tara na matulog na tayo. Masyado na tayong nagdadrama" ang sabi ko sabay ngiti sa kanya.
______
Nagdaan pa ang mga buwan na mas lalo kaming naging close ni Tonton. Panay na ang paggala naming dalawa kung saan-saang lugar, ang pamamasyal sa mga mall, ang pagstay niya palagi sa aking kwarto at pagtulog doon at ang pagsisilbi at pag-aalaga na ginagawa niya sa akin. May mga pagkakataong kapag magkasama kaming dalawa ay hindi naiiwasan ang aming paghaharutan at kulitan. Nandyan yung aakbayan niya ako, ginugulo ang buhok at pagpisil sa aking pisngi. Hanggang sa isang araw, nasa canteen kaming lahat habang nag-oorder ng kakainin namin si Tonton,

"Friend may kasalanan ka sa akin ha. Mayroon kang hindi sinasabi sa akin"
"Ako? Bakit mo naman nasabi yan, eh sa tuwing may problema ako ikaw ang una kong pinupuntahan" ang sagot ko sa kanya.
"Sa problema oo, pero sa lovelife wala."
"Ano ba yang mga iniisip mo Lalaine, at pwede ba alam mo naman na wala pa sa isip ko ang pag-ibig."
 "Sus nagdedeny ka pa. Eh ano yung ginagawa niyo ni Tonton. Baka hindi niyo alam, pinag-uusapan na kayo ng mga kaklase natin. Para daw kayong magjowa.
"Kami, magjowa?" ang nabigla kong reaksyon. "Hindi ah!"
"So you mean na wala kang gusto sa kanya?"
"Ah...eh..." hindi ako nakasagot sa tanong niyang iyon.
"Ok na!" ang sabi niya. "Matagal ko nang napapansin eh sa paraan pa lang ng pagtitig mo sa kanya."


Napabunting-hininga na lang ako ng mga oras na iyon. Hindi ko na nagawa pang magdeny dahil sa totoo naman iyon. Naputol ang aming pag-uusap sa pagdating ng dalawa.

Ang gutom kong nararamdaman ay biglang naglaho dahil sa bagay na iyon. Nawalan ako nang ganang kumain. Marami kasing bumabagabag sa isip ko ngayon. Una na lang sa mga kaklase namin, siyempre kukutyain na naman nila ang pagkatao ko. At isa pa papaano na lang kung malaman ni Tonton ang tunay kong nararamdaman sa kanya, baka magbago na ang tingin at turing niya sa akin o kaya ay mawala ang aming pagkakaibigan. Siyempre hindi ko gusto mangyari iyon.

"Josh bakit di mo pa ginagalaw yang pagkain mo?" si Tonton na nakatingin sa akin. "May sakit ka ba?"
Bago ako sumagot ay sinulyapan ko muna si Lalaine at nakita ko sa kanya ang isang mapanuring tingin.
"Wala akong sakit. Hindi ko lang gusto yung pagkain" ang pag-aalibi ko.
"Hindi mo gusto per yan ang pinaorder mo" si Lalaine.
"May problema ka ba Josh?" si Tonton ulit at hinahaplos na ako sa ulo.
"Ikaw ang problema niyan Tonton" si Lalaine ulit ang nagsalita. Nagulat naman ako sa sinabi niyang iyon.
"Alam ko naman iyon. Hindi ko nga alam sa taong ito kung bakit ayaw niyang ipaalam ang mga problema niya tungkol sa akin." ang sagot naman ni Tonton. Nahalata ko naman na may pagtatampo siya sa kanyang pagsasalita.
"Ako na ang sasagot para sa kanya" ang wala kagatul-gatol na sagot ni Lalaine. Nagsimula na akong kabahan at matakot ng mga oras na iyon.

 Itutuloy....

Thursday, June 9, 2011

PANTASYA Part 29

Nagdaan pa ang mga araw na naging normal ang takbo ng lahat sa amin. Ngunit sa kabila noon ay hindi ko pa rin maalis sa aking isipan ang naging pag-uusap namin ni Marianne. Nangangamba ako para sa kaligtasan ng aking mga mahal sa buhay base sa kanyang pagbabanta.

Nagtuloy-tuloy ito hanggang sa sumapit ang aking semsetral break. Kahit papaano ay nakakahinga na ako ng maluwag sa pag-iisip na baka tumigil na si Marianne sa kanyang mga gagawin.

Pero nagkamali ako. Isang araw, mag-isa lang ako sa aming bahay na nagpapahinga sa sofa dahil wala ang mag-ama, naalimpungatan ako sa isang doorbell. Agad kong sinilip sa bintana kung sino iyon pero wala naman akong nakitang tao. Bumalik ako sa aking pagkakahiga. Maya-maya lang ay may nagdoorbell ulit. Muli akong tumayo para sumilip at nadismaya ako dahil wala na namang tao. Kaya nagpasiya na akong lumabas.

Sa halip na tao ang aking makita, isang malaking kahon ang aking napansin. May nakadikit na maliit na sulat sa ibabaw nito. Kinuha ko ang nasabing kahon para usisain. Tinaggal ko ang balot nito at binuksan.

Nanlaki bigla ang aking mga mata sa pagkagulat at halos maihagis sa nakita kong laman nito na dalawang magkaibang sukat na bomba. Agad ko namang binasa ang mensahe na nasa sulat.

"Layuan mo ang pamilya ko, kung ayaw mong sabay kong pasabugin ang bahay ng nanay mo at ang kompanya."

Doon ko napagtanto kung bakit magkaiba ang laki ng mga bomba, ang isa ay para sa bahay kung saan nakatira ang aking pamilya at ang mas malaki roon ay sa mismong kompanya ni Kuya Carlo. Hindi ko akalain na ganito palang kasama si Marianne na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto niya kahit pa na may mapahamak siyang tao.

Sinimulan ko nang samsamin ang mga ito at tinapon, mahirap na baka makita iyon ni Kuya Carlo. Pumasok na ako sa loob na gulong-gulo at tuliro ang utak. Nag-iisip ng mga dapat kong gawin sa kinakaharap kong problemang ito.

"Kung magpapatuloy pa ako ay marami ang mapapahamak at ayokong mangyari iyon. Siguro panahon na para tumigil na ako para na rin sa ikabubuti ng lahat. Ipagpapasalamat ko na lang na binigyan ako ng pagkakataong maging masaya kahit sa sandaling panahon lamang." ang sabi ko sa aking sarili.

At isang desisyon ang nabuo sa aking isipan. Ang lumayo. Kahit papaano ay hindi na ito ganoon kabigat sa akin dahil nagawa ko na rin ito noong una ngunit di ko maitatago na masakit ito sa akin. Hahanap lang ako ng tyempo para maisakatuparan ang iyon.

Kung tutuusin ay maaari ko namang sabihin kay Kuya Carlo ang problemang ito pero naisip ko na hindi siya makakatulong bagkus baka lumala pa ang sitwasyon.

Sa araw ring iyon ay pinuntahan ko si nanay.
"Anak bigla ka naman napadalaw, akala ko sa Linggo pa kayo..."
Hindi ko na siya pinatapos pa dahil agad ko siyang niyakap at humagulgol dahil sa bigat ng aking kalooban.
"Rico, anak anong problema, nag-away ba kayo ni Carlo" si nanay na nag-aalala sa akin at hinahaplos ang aking likuran.

Umupo kami sa sala at sinimulang isalaysay sa kanya ang lahat.
"Napakasama talaga ng babaeng yan. Kaya noon pa man ay hindi na boto sa kanya ang Tita Mely mo. Ni hindi nga daw sila magkasundo ng babaeng yan" ang inis na reaksyon ni Mama.
"Wala na tayong magagawa nay. Ewan ko ba parang gusto ko nang isuko si Kuya Carlo sa kanya."
"Alam na ba ito ni Carlo? Ano na ang binabalak mo ngayon anak?"
"Hindi ko pa sinasabi sa kanya at wala na rin akong balak pang gawin iyon. Kaya nga ako pumunta dito nay para sabihin na gusto ko nang lumayo ulit tayo."
"Ha, paano na lang si Carlo, hindi mo man lang ba iniisip ang mararamdaman niya?"
"Mas inaalala ko nay ang kaligtasan niyo nay pati na ng mga tao sa kompanya. Ayoko rin  namang maglaho ng parang bula ang lahat ng pinaghirapan ni Kuya Carlo."
"Sana may iba pang paraan pero kung iyang ang gusto mo sige susuportahan kita diyan. Sasabihan ko na rin ang kuya Arthur mo tungkol sa bagay na yan"
_____
"Daddy Rico!" ang masayang salubong sa akin ni Angel nang umuwi sila kinagabihan.
"Wow, ang dami mo namang toys ah"
"Binili ito ni Daddy sa akin kasi matataas daw ang grades ko. Ikaw Daddy Rico, ano ang gift mo sa akin."
Bahagya naman akong natawa sa tanong na iyon ng bata. "Ako, hmm... basta surprise"
"Daddy Rico naman eh. Sige na sabihin mo na po please" amg tila nagmamaktol na pakiusap ng bata.
"Halika nga sa daddy" ang sagot ko sa bata. Nang lumapit siya ay kinarga ko at hinalikan sa pisngi. Alam mo Angel kapag sinabi ko sa iyo yun ay hindi na siya surprise. Basta promise ko sa iyo na bibilhan kita at magugustuhan mo rin iyon"
"Sige na nga." ang nasabi na lang ng bata.
 Maya-maya lang ay pumasok na si Kuya Carlo galing sa garahe. May dala siyang dalawang box ng pizza. "Tara kain na tayo" ang masayang pahayag ni Kuya Carlo.

Habang kumakain ay pinagmamasdan ko ang mag-ama. Kahit puno ng problema ang aking isip ay napapangiti ako sa kanila. Ang saya nilang tignan habang nag-uusap at nagkukulitan. At wala silang kaalam-alam sa aking binabalak na paglayo.
"Sana lang ay hindi sila magalit o magtampo sa aking gagawin. Para rin naman sa inyo ito" ang nasabi ko na lang sa aking sarili.
______
Lingid sa kaalaman ng mag-ama na nag-uumpisa na ako sa paghahanda. Sa katunayan ay hindi ito naging madali. Halos umabot nga ito ng isang linggo.

At sa pagsapit ng takdang araw na kung saan ay plantsado na lahat, madaling araw iyon habang mahimbing na natutulog si Kuya Carlo ay dahan-dahan akong bumangon. Ngunit bago ako tuluyang lumisan ng kwartong iyon ay pinagmasdan ko siyang muli. Ito na ang pinakahuling pagkakataon na masisilayan ko ang aking minamahal.Inukit ko sa aking isipan ang kanyang kabuuan. Hindi ko na naman napigilang maiyak. Pagkatapos ay dinampi ko ang aking mga labi sa kanya. Nag-uwan rin ako ng isang sulat na nilagay ko sa ibabaw ng drawer katabi ng kamang tinutulugan namin.

"Maraming salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagdating mo sa aking buhay. Sana patawarin mo ako sa gagawin kong ito, para sa akin mas mahalaga ang kapakanan ng gagawin kahit kapalit pa nito ang sarili kong kaligayahan. Paalam aking pantasya- Rico.

Hindi  na ako nakapagempake ng aking mga damit dahil kung gagawin ko iyon ay mahahalata niya ako. Kaya ang nadala ko na lang ay ang aking cellphone na naglalaman ng mga larawan ng aking alaala sa kanya kasama ni Angel.Sa paglabas ko ng bahay ay naghihintay na ang isang taxi. Sakay na roon ang aking kapatid at si nanay.

Napagdesisyunan ng aming pamilya na tumuloy muna sa isang hotel sa Maynila habang hinihintay ang aming ticket papuntang Amerika. Napakasakit man ngunit ito na rin ang tamang desisyon para na ring tuluyan nang maputol ang aming ugnayan ng aking minamahal.
______
Kinabukasan tumawag ulit sa akin si Marianne habang nagmumuni-muni ako sa terrace ng aming tinutuluyang kwarto.
"Mabuti naman Rico at sinunod mo ang gusto ko. Salamat ah"
"Napakasama mo talaga Marianne." ang nanggagalaiti kong tugon.
"Ako masama, tignan mo nga yang sarili mo. Sino ba sa atin ang mang-aagaw?"

Naiiyak na ako sa sobrang panggigigil sa taong ito.
"Oh umiiyak ka? Kawawa naman ang baby boy este baby gay pala. Salot!"
 Kahit napakasakit sa aking damdamin ang pahayag niyang iyon ay nakuha ko pa ring makasagot.
"Tandaan mo ito Marianne, kahit nasa iyo na si Kuya Carlo, hinding-hindi mo mapapasaiyo ang kanyang damdamin dahil hindi ka niya mahal."
"Ows, minamaliit mo ba ang kakahayan ko eh isang beses ko na nga siyang natikman. Alam ko na bibigay din siya sa aking alindog."
"Sana lang. Sa pagkakaalam ko... may asawa ka na di ba kaya hindi natuloy ang kasal niyo. Alam ba niya ang mga ginagawa mong kalokohan?"
"Bakit magsusumbong ka? Sige gawin mo. Hanapin mo siya kung makikita mo pa"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Di ba sinabi ko na sa iyo nung una pa na aalisin ko ang lahat ng humahadlang."
Napaisip ako saglit sa kanyang sinagot. At isang bagay ang agad na nabuo sa aking utak. "Pinatay mo ang asawa mo?"
"Very Good! Matalino ka rin pala." ang kanyang sagot. Naririnig ko ang kanyang paghalakhak.

Agad ko nang pinutol ang kanyang tawag dahil sumisikip na ang aking dibdib sa mga nalaman ko. Grabe na talaga ang kanyang kasamaan. Hindi siya nagbibiro sa kanyang mga pagbabanta, talagang ginagawa niya ito. Ngunit hindi na dapat ako matakot, sinunod ko na ang gusto niya kaya hindi na mapapahamak pa ang lahat.

Itutuloy...

Wednesday, June 8, 2011

MAHAL KITA Part 17

"Ano muna ang gusto mong una kong sagutin ung una o pangalawa?"  ang reply ni Tonton sa tanong ng kachat.
"Aha, you mean magkaibang tao pala ang girlfriend mo at someone special, ganoon ba iyon?"
"Yeah. They are different. Obvious naman ang nakalagay na status sa profile ko di ba"
"Its complicated? Ok. So yung girlfriend muna ang gusto kong malaman."
"Girlfriend, kung tatagalugin kasi ang salitang iyan ang ibig sabihin ay kaibigang babae di ba. Kaya ang sagot ko ay meron. Sa bayan namin sa probinsya siya nakatira."

Sa nabasa kong iyon ay bigla akong nakaramdam ng kung anong lungkot. Tama nga ang aking hinala na ito ang dahilan kung bakit ayaw niya kay Trisha, mahal niya kasi iyon at loyal siya sa kanya.

"Aw, ok. Sayang naman. Hindi naman nakakapagtaka dahil sa good looks mo. How about yung someone special?"
"Meron din."
"Sad naman ako niyan kasi wala na palang chance."
"But we can still become friends."
"Yeah sure. So lets go back to the topic. Can you tell something about that person yung someone special mo?
"Sige. Alam mo talagang napakaspecial talaga sa akin ng taong iyon. Hindi sa magpapayabang pero kilala akong chickboy sa probinsya namin dahil sa edad kong ito ay marami na akong naging babae. Hindi ko naman sila sineryoso lahat. Ngunit nang dahil sa taong iyon ay naiba ang aking pananaw. Siya ang nagturo sa akin kung paano ang magmahal."
"So ang ibig mong sabihin ay mahal mo siya?"
"Yeah. Mahal na mahal ko siya."
"Alam ba niya iyon, nasabi mo ba sa kanya?"
"Hindi eh. Ewan ko, wala rin kasi akong idea kung may nararamdaman din siya sa akin."
"Pero dapat sinubukan mo pa rin. Malay mo may gusto rin pala siya sa iyo."
"Matagal ko na ngang pinag-iisipan yan. Nagparamdam na ako sa kanya pero parang di effective eh. At saka nagdadalawang isip din ako. Malaki kasi ang agwat naming dalawa. At kung maging kami man, nararadmaman ko na magiging kumplikado ang sitwasyon namin."
"Talaga. So nasaan siya ngayon?"
"Secret."
 "Ay! grabe ka ha. Sige na, malay mo makatulog ako sa inyong dalawa"
"Siguro next time na lang kapag nagchat ulit tayo."
"Iwas topic ha. Ok sige ingat ka na lang. Log-out na ako, thanks for the time."
"Thanks din sa iyo. Hayaan mo ipapaalam ko na lang sa iyo one day, sana lang ay maging kami na"

Matapos noon ay naglog-out na si Tonton. Ngunit ako ay ganoon pa rin ang nararamdaman. Talagang nalulungkot kasi ako sa mga nalaman ko sa kanilang pag-uusap.

"Josh, may problema ba?" ang agad niyang tanong sa akin marahil napansin niya ang kakaiba kong mood.
"Wala, may naalala lang ako" ang sagot ko sa kanya sabay pakita ng pilit na ngiti.
"Hindi ka na talaga nagbago Josh. Tatanungin nga kita  sana ay deretsuhin mo na ako. Sino ba ako sa buhay mo?" ang tila naiinis na niyang tanong. Kita ko sa kanyang mga mata na seryoso siya.
"Pabigila-bigla ka naman kung makapagtanong at saka alam mo na rin ang sagot sa tanong mong iyan"
"Gusto ko marinig mula mismo sa iyo."
"Saglit nga lang, bakit nagagalit ka sa akin?" 
"Ako nagagalit, hindi naiinis lang ako sa inaasal mo. Napapansin ko kasi na lagi ka na lang naglilihim sa akin."
"Wala akong nililihim sa iyo at kung meron man ay karapatan ko namang isarili iyon di ba?"
"Kahit... tungkol ito sa akin?"

Napatingin ako sa kanya na nagtataka sa huling pahayag niya. Pakiramdam ko kasing alam na niya ang lahat. Maya-maya lang ang inis sa mukha niya ay biglang naglaho at naging maamo ito.
"Pasensya ka na Josh, nabigla lang ako. Kasi naman ikaw eh,masyado ka kasing malihim sa akin. Alam ko namang ako ang pinoproblema mo." ang mahinahon niyang pahayag.
"Huwag kang mag-alala, ayos lang sa akin iyon."
______
Kinabukasan araw ng Linggo, saktong umalis ang mag-ina para mamalengke kaya nakatiyempo akong umalis para puntahan si Lalaine para pag-usapan ang mga nangyari. Pinapunta rin namin doon si Trisha.Doon kaming lahat sa kanilang sala.

"Sabi ko na nga ba hindi ako nagkamali, may girlfriend talaga yang si Tonton." ang bungad ni Trisha.
"Alam mo mabait talaga si Tonton ano, kung ibang lalaki lang yan baka na two timer kayo niyan. At least may paninindigan siya di ba at hindi nananakit ng damdamin ng iba" si Lalaine.

"Hindi daw nananakit eh ano itong ginawa niya sa akin." ang sabi ko sa aking sarili. Pero alam ko naman na walang namamagitan sa amin kaya pinilit kong burahin sa aking isipan ang ganoon.
"Oo nga" ang nasabi ko na lang sa kanila. "Teka Lalaine ang galing mo talagang gumawa ng account ha, parang makatotohanan ah."
"Siyempre naman. Yung mga picture doon ay hiniram ko lang sa pinsan ni Trisha" 
"Kaya pala maganda rin siya tulad niya" ang sabi ko ulit.
"At kaya madaling mapalagay ang loob ni Tonton." si Lalaine. "Pero Josh, parang may something sa kanya eh. Hindi ko lang masabi ewan naguguluhan ako."
"Ano ang ibig mo sabihin?" ang tanong ko sa kanya.
"Alam mo naman yung mga pinag-usapan namin sa chat di ba. Napansin ko kasing maingat siya sa mga sagot niya."
"So you mean, ayaw niya pa talagang sabihin ang lahat, ang totoo" si Trisha.
"Siguro..baka ganoon. Opinion ko lang to mga friend ah, sa pag-aanalyze ko, hindi alam ng kung sinumang special someone niya ang nararamdaman niya. Kaya niya hindi niya masabi ito pati na rin sa pagchachat namin ay masyado itong kumplikado lalo na kapag naging sila." si Lalaine.
"Natotorpe rin siguro" si Trisha.
"Oo at mas mahal niya ang special someone na iyon sa sinasabing girlfriend niya." si Lalaine ulit.
"Ah pwede ba napakaimposible ng mga sinasabi niyo. Nanay na nga niya ang nagsabi na babaero siya. Kaya yung sinasabi niyang special someone ay pakulo lang niya. Ang totoo ay marami sila"
"Ewan ko sa iyo Josh, napakatanga mo mag-isip. Kung tutuusin dapat ikaw nga ang nakakaalam ng lahat ng tungkol sa kanya dahil kayo palagi ang magkasama." si Lalaine.
"Tama siya Josh. Siguro naman kapag nag-uusap kayo ay may nababanggit siya sa iyong ilang bagay, na maaaring magbigay ng clue sa mga tanong mo"
"Ahm...... wala naman. Naiinis pa nga ako sa kanya eh lagi na lang ako kinukulit ng taong iyan. Kapag nag-aaway kami hindi siya tumitigil ng kakasuyo sa akin para makipagbati ako sa kanya. Malungkot siya kapag galit ako sa kanya."
"Aha!" si Lalaine na napasigaw at napatayo sa kanyang kinauupuan.

Nagulat kami ni Trisha sa ginawa niyang iyon.
"Bago ko sabihin ang aking conclusion eh maghahanap pa ako ng mga proofs. Josh magkwento ka pa nga ng mga ginagawa niya sa iyo" ang tila excited na tanong niya sa akin.
"Ano pa ba ang ikukuwento ko sa iyo eh halos nasabi ko na lahat, yung madalas na pagtabi niya sa akin sa pagtulog, yung pagsisilbi niya sa akin ng pagkain sa umaga, yung pagpasyal namin sa Luneta."
"Teka Josh totoo ba lahat yan? ang hindi makapaniwalang tanong ni Trisha sa akin.
"Oo friend. Matagal na rin niyang kinuwento sa akin ang mga bagay na yan" si Lalaine.
"Eh siya naman ang nagkukusang gawin ang mga bagay na iyon." ang nasabi ko na lang.

"Tama nga ang iniisip ko. Tapos na ang ating problema. Alam ko na ang sagot sa katanungan mo Josh"
"Ano iyon?"
Sa halip na sumagot ay nginitian lang niya ako.

Itutuloy....

Sunday, June 5, 2011

MAHAL KITA Part 16

Sa loob ko ay naeexcite akong muli sa kanyang sinabi, dahil humihingi ng permiso ang iyong mahal na makatabi ka sa kama. Ngunit nang maalala ko ang mga pangyayari noong unang beses siyang matulog dito ay nagpasiya akong pigilan na nalng siya. Ewan ko pero sa tingin ko ay yun ang tama para na rin makaiwas ako sa anumang tukso o kaya naman ay maymangyaring hindi maganda na makakasira lang sa aming samahan.

"Hindi na pwede!" ang agad kong sagot sa kanya.
"Bakit hindi?" ang tanong niyang nakatingin lang sa akin na naka indian sit sa aking kama.
"Nasasanay ka na. May bahay ka naman ah"
"Sige na Josh please, masarap ka kasing katabi"
"Ah basta, hindi pwede." ang may paninindigan kong sagot.

Nagulat naman ako sa muli niyang pagtusok sa aking tagiliran. "Sus ikaw pa, alam kong gusto mo rin ako makatabi. Nagdedeny ka lang."
"Ano ba? Tumigil ka na nga diyan nakikiliti na ako ha. At saka hindi ako nagdedeny."
"Hindi pala eh kung ganoon payag ka na pala so lets sleep!" ang sagot lang niya. Tumayo siya at naghubad ulit ng damit at itinira ang kanyang suot na brief.
"Magdamit ka nga!" ang sabi ko sa kanya.
"Bakit ngayon ka lang nagsasalita ng ganyan, nung una ay hinayaan mo lang ako?"
"Ha ah eh, nabigla lang ako nun at siyempre ay nainis lang ako sa iyo."ang nasabi ko na lang. Oo nga naman wala akong nasabi sa kanya noon, natulala lang kasi ako sa kanya eh.

Bago sumagot ay pinatay niya muna ang ilaw at binuksan lang ang lampshade. Pagkatapos ay humiga na siya. "Higa na!" ang sabi niya sa akin sabay hila sa aking braso. Tumingin ako sa kanya at nakita ko na nakapikit na ang kanyang mata.
______
Halos isang oras na akong hindi makatulog nang gabing iyon. Nang sipatin ko ang aking katabi ay natutulog na ito. Ang hindi ko lang alam ay kung malalim ito, baka sa kaunting galaw ko ay magising siya. Kaya sa pagkakataong ito ay minabuti ko na lang ang titigan siya. Muli kong pinagmasdan ang kanyang buong katawan mula ulo hanggang paa. Lumakas angkabog ng puso ko, lalo yatang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Ang kanyang maamong mukha, makapal na kilay, maninipis na bigote, mahabang pilik-mata, matangos na ilong, mapupulang labi na gusto kong matikman ngunit malabong mangyari,ang kanyang katawan at ang pinaka inaasam-asam kong makita ang kanyang pagkalalaki na naging dahilan ng aking pagdedeliryo.

Hanggang tingin na lang ang aking ginawa sa kanya. Hindi ko na siya magawang haplusin man lang marahil sa takot at hiya kong baka makahalata na siya.Kahit papaano ay masaya na ako at kuntento.

Maya-maya mula sa pwestong nakatihaya ay tumagilid siya paharap sa akin. Magkatapat na ang aming mga mukha. Nakapikit pa rin siya. Lalong tumindi ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Grabe na talaga itong nararamdaman ko kaya agad na akong tumagilid patalikod sa kanya.

Hindi ko alam kung naramdaman niya ang pag-iiba ko ng posisyon dahil sa sunod niyang ginawa. Dinantay niya ang kanyang mga hita sa akin at pinatong ang isang braso sa aking katawan. Ramdam ko ang kanyang paghinga sa aking leeg. Ang akala ko ay hanggang doon lang iyon  ngunit hindi pala. Lubos kong ikinabigla dahil hindi ko inaasahang isusuot niya sa ilalim ko ang isa pa niyang braso. Ginawa na akong tandayan ng taong ito. Yakap na yakap na talaga siya sa akin. Pabor sa akin ito at nagugustuhan ko rin naman kaya hinayaan ko na lang siya.
______
Lumipas pa ang ilang mga araw na naging maayos ang lahat. Siyempre ay may mga pagbabagong nangyari. Kabilang na namin si Trisha sa aming grupo. Magkakasama na kami nina Tonton at Lalaine sa school at minsan kapag may lakad o gimik.

Masaya ako dahil tapos na ang problema ko kay Trisha, kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naging sila ni Tonton. Ganoon rin ang aking nararamdaman kapag kami lang ni Tonton magkasama.

Ngunit may isang bagay pa ang gumugulo sa aking isipan na sa tingin ko ay mahihirapan akong hanapan ng kasagutan. At ito ang tungkol sa estado ng buhay pag-ibig ni Tonton na kahit si Trisha ay nais ding malaman . Habang tumatagal, lalo ako nagiging despaerado sa bagay na iyon.

Para matuldukan na ang palaisipang iyon tungkol sa kanya ay magsasagawa ako ng isang plano. At ito ang naisip kong gawin. Sa pamamagitan ng social networking site na facebook ay aalamin ko lahat tutal may account na rin siya doon. Hiningi ko ang tulong nina Trisha at Lalaine tungkol sa bagay na ito at pumayag silang tumulong.

Ito ang magiging sitwasyon. Gagawa kami ng isa pang account doon at kukuha ng isang magandang babae sa net para maging profile picture pagkatapos ay i-add niya doon si Tonton at kapag pumayag ay magchachat sila.

At sinimulan na naming gawin iyon. Araw ng Sabado, gaya ng ginagawa namin kapag weekends ay naroon lang kaming dalawa sa kwarto para maglaro ng paborito naming online game.
"Yan nag level-up ka na. Tama na muna yan" ang sabi ko sa kanya.
"Ok. Mag-oopen na ako ng FB ko." ang sagot niya sa akin.
"Oo, teka CR muna ako" ang paalam ko sa kanya. Ngunit ang totoo ay itetext ko lang si Lalaine para mag online na siya. Siya ang magiging kausap ni Tonton.

Paglabas ko ng CR ay agad na akong bumalik sa kanyang tabi. Habang naghihintay ay pinagmamasdan ko lang ang kanyang ginagawa. Makaraan lang ng ilang minuto ay nag-appear na ang isang friend request sa kanyang account.

"Oh my nag-add sa iyo" ang sabi ko sa kanya. "Tignan mo bilis"
"Excited ka ah." ang sabi lang niya sa akin. At nag-appear na ang pangalan nito. Nakumpirma kong ito na iyon.
"Margarette Santos?" ang tila nagtataka niyan tanong. "Sino kaya ito?"

Sinimulan na niyang usisain ang mga kanyang profile. Kahanga-hanga pala itong si Lalaine dahil mukhang makatotohanan talaga ang profile na iyon. Nagtataka lang ako kung saan niya kinuha ang mga pictures na nakaupload doon.

Maya-maya lang ay naconfirm na niya ito. Ilang saglit lang ay nagmessage na ito sa kanya. At ito angnaging chatting nila.

"Hi"
"Hi din poh, thanks sa pag-add"
"Salamat din sa pagconfirm."
"Yeah, ikaw pa eh maganda ka pala. By the way paano mo nalaman ang account ko at wala ka pang friends ah"
"Sa totoo lang kagagawa ko lang ng account dito. By just searching names ay agad kong nakita ang name mo."
"Kung ganoon swerte ka dahil natsambahan mo ang isang gwapong tulad ko."
"Yeah, youre so handsome."
"Thanks. College ka na pala at tourism ang course mo. Matangkad ka siguro."
"Medyo, nasa lahi na kasi namin iyon"
"Wow nice. Youre so beautiful talaga."
"Mapagbiro ka pala^^"
"Im just saying the thruth."
"Ok. Graduating ka na pala ng high school."
"Oo, actually dapat college na rin ako tulad mo kaya lang nagkaproblema sa pamilya eh.
"Oh Im sorry to hear that."
"Ok lang. Alam mo kahit di pa tayo nagkikita personal, parang ang gaan na ng loob ko sa iyo."
"Talaga lang ah"
"Yup and I think we can become friends for real."
"Just...friends?"
"Yeah, why"
"Wala naman. Im just wondering. If you dont mind can I ask you something personal?"
"Sure why not"
"Ok. So Do you have already someone special, I mean a girlfriend"

Hindi kaagad nakareply si Tonton sa tanong na iyon. Kita ko ang kanyang pag-iisip. Maya-maya lang ay tumingin siya sa akin.


Itutuloy...

Friday, June 3, 2011

PANTASYA Part 28

Lumipas pa ang mga araw na umabot din ng mga buwan na naging masaya ang aming pagsasama ni Kuya Carlo. Pakiramdam ko ay nasa akin na ang lahat, pera, masayang pamilya at pag-ibig.

Bumili na kami ng aming dreamhouse kung saan kami titira. Napagpasiyahan kasi naming magbukod na at magsarili para na rin makapagsimula ulit. Simple lang ito na may dalawang kwarto, ang isa para kay Angel at ang isa ay para sa amin ni Kuya Carlo. Magkatabi na kaming dalawa sa pagtulog. Siyempre, hindi mawawala ang aming mga private moments. Halos gabi-gabi na lang kung mangalabit siya sa akin. Siyempre pumapayag ako para kahit papaano ay maibsan ang kanyang pagod sa maghapong pagtatrabaho sa kompanya.

At tulad ng aking napagpasiyahan noon ay pinagpatuloy ko na ang aking pag-aaral. Nag-enrol ako sa isang napakasikat na unibersidad sa Maynila. Sa unang pasok ko doon ay napapansin ko ang hindi magkamayaw na pagtili sa akin ng mga estudyanteng nag-aaral doon. Tanggap ko naman iyon dahil sa aking naging trabaho at isa pa ay sanay na rin ako. At umabot ito hanggang sa classroom.

Sa una ay naninibago ako, marahil siguro dahil sa tagal ng aking paghinto pero pilit akong nagpupursige para matapos ko ang aking kurso.Gusto ko kasing may ipagmalaki naman ako sa aking sarili, na may pinag-aralan ako at nakapagtapos.

Si Kuya Carlo ang naghahatid-sundo sa akin sa pagpasok at pag-uwi. Kakatuwa  siya dahil sa kanyang effort na hindi magpahuli sa oras kahit pa busy siya sa kanyang trabaho. May mga meeting nga siyang hindi dinadaluhan o pinopostpone niya sa ibang araw.

Dahil sa pagpupursige niyang ito ay naging strikto na siya sa akin. Pinapakita niyang siya ang haligi ng tahanan. Lagi niya akong binibilinan na walang lakwatsa, iwas sa barkada at dapat sa lahat ng aking gagawin ay may konsultasyon sa kanya. Puamapayag naman ako sa ganito dahil unang-una ay naiintindihan ko siya. Iniisip lang niya ang aking kapakanan.

Pero sa kabila noon ay pinapaintindi ko sa kanya ang ilang mga bagay. Sinasabi ko sa kanya na sana ay lawakan niya ang kanyang pang-unawa. Naging modelo ako at kilala kaya hindi maiwasang lapitan ako ng mga tao kaya sana ay hindi siya magkimkim o magpakita ng selos. Tiniyak ko naman sa kanya at pinangako na siya lang ang lama ng aking puso.

Tungkol naman kay Angel, nag-aaral na ito ng Grade 1 sa isang private school. Sabay kaming pinagsisilbihan ni Kuya Carlo sa umaga bago pumasok. Siya ang nagluluto ng almusal at naghahanda ng aming susuotin. Minsan nga ay naaawa na ako sa kanya. Alam kong pagod siya sa trabaho pero inaasikaso pa rin niya kami.

Isang umaga ay nauna akong magising sa kanya. Usual kasi na siya ang gumigising sa amin ni Angel. Tinignan ko siya, natutulog pa rin ng mahimbing. Kaya nagpasiya ako na ang kikilos at hayaan muna siyang magpahinga. Ginising ko na rin si Angel.

Habang naghihintay ang bata sa mesa ay nagluluto ako ng almusal. Sinangag ko lang ang natira naming kanin kagabi at nagluto ng stock naming hotdog at itlog sa ref. Maya-maya narinig ko na lang ang mga yabag ng paa pababa ng hagdan na tila nagmamadali at tinungo ang kusina.

"Naku pasensiya na, napasarap lang ako ng tulog. Baby boy bakit di mo naman ako ginising?" ang tanong niya sa akin.
Saglit ko siyang sinulyapan at kita ko ang itsura niyang bagong gising. Hindi pa rin nagbabago ang kanyang kagwapuhan.
"Nagpasiya akong hindi na kita gisingin para naman makapagpahinga ka pa. Gusto naman kitang tulungan."
"Sige na upo ka na dun sa mesa ako na ang magtutuloy niyan" ang sabi niya sa aking habang hinahalo ko ang sinangag.
"Huwag na kaya ko na ito, pagbigyan mo na ako Kuya Carlo" ang malambing kong pahayag.
"Ang bait  talaga ng baby boy ko. Pero pangako ko na hindi na ito mauulit. Palagi na akong giginsing nang maaga" ang sabi niya sa akin saka tinungo ang mesa.

Sa pagpasok ay una naming hinahatid si Angel dahil mas malapit lang ang kanyang school sa aming bahay. Nang makarating na kami sa aking pinapasukan...
"Baby boy Friday ngayon so 6pm ang labasan mo ha, dapat pagdating ko ay nandito ka na" ang bilin niya sa akin. Kahit paulit-ulit na lang siya ganito ay ok lang sa akin. Nasanay na rin kasi ako sa ginagawa niyang ito.

Oras na iyon ng aming breaktime ay agad akong dumederetso sa likod ng aming school building para mag-internet. Libangan ko na rin ito kapag nandito ako. Dala-dala ko palagi ang aking Macbook na regalo rin sa akin ni Kuya Carlo. Sa buong oras ng breaktime ay kachat ko lang sa facebook, siyempre ang aking pinakamamahal na si Kuya Carlo at paminsan-minsan ay natitiyempuhan ko rin si Jerome kapag online siya. Ngunit ang mas lalong madalang kong makausap ang isa sa aking kaibigan na di ko kailanman nakalimutan na si Jason. Nailahad ko na rin sa kanya ang lahat ng nangyari sa aking buhay hanggang sa kasalukuyan. Masaya naman siya para sa akin. Kinuwento rin niya ang kanyang sitwasyon doon. Talagang busy siya sa kanyang negosyo doon. Nakita ko rin sa ilang mga picture niya doon ang kanyang napangasawang foreigner at ang kanilang anak na lalaki. Masaya rin ako para sa kanya.

Kapag wala kaming pasok tulad ng araw ng Linggo ay lumalabas kaming tatlo para mamasyal at siyempre di namin malilimutan ang magsimba para na rin magpasalamat sa tinatamasa naming kaligayahan sa buhay. Kapag may pagkakataon ay dinadalaw namin sina nanay, kuya pati na rin si Tita Mely.

Isang gabi iyon ng Linggo, kakauwi lang naming tatlo galing sa maghapon na pamamasyal, nakahiga na ako sa aking kama habang hinihintay si Kuya Carlo na nasa banyo para magshower, nagring ang aking cellphone. Isang unregistered number ang aking nabasa sa screen nito. Kahit nagtataka ay sinagot ko na ito.

"Hello"
"Hi Rico, kamusta ka na" isang babae ang sumagot.
"Sino ka?" ang tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba ako naaalaala?" ang sagot ulit ng babae. Pilit ko naman siyang binobosesan. Hinayaan ko siyang magpatuloy. "Masaya ka na ba ngayon?"
"Sino ka ba talaga?"
"Kilalang-kilala mo ako Rico."

Dahil sa sagot niyang iyon ay nakilala ko na siya. Nakaramdam na ako ng kaba.
"Marianne"
"Good at naaalala mo na ako. Masaya ka na ba sa buhay mo ngayon, sa pang-aagaw mo sa pamilya ko!?"

"Marianne ano pa ba ang kailangan mo?"
"Gusto ko lang sabihin na babawiin ko sa iyo ang lahat ng dapat sa akin."
"A-a-anooong ibig mong sabihin?" medyo nauutal na ako dulot ng kaba.
"Layuan mo ang pamilya ko, kung ayaw mong mawala ang mga mahal mo. "

Lalo akong kinabahan at natakot sa mga pahayag niyang iyon. Hindi ko sukat akalain na magbabalik pa pala siya para maghiganti at guluhin ulit ang aking buhay.

"Ano ba talagaaaa ang gu-gus-too mo?"
"Sinira mo ang buhay ko, ang mga  pangarap ko. Kaya muli kong bubuuin iyon. Sa katunayan inumpisahan ko na nga eh sa pagdispatya sa mga sagabal. Ikaw na lang ang natitira Rico. Ikaw na pangunahing dahilan ng lahat ng kamalasang nangyari sa buhay ko, ang lumason sa utak ng aking pamilya!"

Agad ko nang pinutol ang kanyang tawag. Parang di ko na kakayanin pa kung hahayaan ko pa ang sariling pakinggan ang kanyang mga sasabihin. Sumisikip na ang dibdib ko.

Maya-maya, narinig ko ang tunog ng pagbukas ng pintuan ng banyo, senyales na lumabas na si Kuya Carlo. Inayos ko kaagad ang aking sarili at tinago ang aking emosyon. Nagbihis siya ng damit-pantulog at nakangiting tumabi sa akin.

"Lets sleep baby boy" ang masayang pahayag niya. Wala siyang kaalam-alam sa nagbabadyang masamang mangyayari sa amin.