Wednesday, August 28, 2013

TRUE LOVE 9

Hindi nakaligtas kay Dr. Luis ang kakaibang sigla ng anak niyang si Bryan habang naglalakad sa hallway palabas ng ospital kasama sina Andrew at ang kakadischarge nitong ina. Sa sobrang kasiyahan nito ay siya na ang nagprisintang magbuhat ng lahat ng gamit ng mag-ina.

Pero sa kabilang banda ay nag-aalala siya sa mga susunod na mangyayari. Alam niyang mahal na mahal ni Bryan si Andrew subalit iniisip niya ang kahihinatnan kapag nalaman ni Sarah ang mga ginagawang ito ng kanyang anak. Tiyak na magiging kumplikado ang sitwasyon lalo na't may sariling anak na si Bryan sa kanya. Nagbalik sa kanyang isipan ang unang pag-uusap nilang mag-ama tungkol sa gagawing tulong kay Andrew.
"I need help Dad?" ang agarang bungad ni Bryan sa kanya pagpasok sa loob ng clinic. Halatang nagmamadali talaga ito dahil nakapangtrabaho pa ang suot nito.
"Oh anak, biglaan naman yata yan, ano ba yun?"
"Remember what I told you last time, yung tungkol kay Andrew, alam ko na kung saan siya makikita Dad."
"Thats good news."
"Pero yung mother niya kasi inatake sa puso, pakiusap ko lang sana kung pwede ikaw na ang magsagawa ng operation sa kanya. I know you can do it Dad."
"Yun lang pala. Sige anak." ang agad niyang pagsang-ayon. 
"Thanks Dad." ang natutuwa nitong sagot sabay yakap sa ama. 
Sa puntong iyon ay napangiti na rin siya. Para sa kanya, masarap sa pakiramdam na nakapagbigay siya ng kaligayahan sa anak.

Nakarating na silang apat sa parking lot kung saan naroon ang kotse ni Bryan na sasakyan nila papunta sa bahay nito.
"Tulungan na kita." ang pag-alok ni Andrew sa kanya matapos buksan ang compartment para ipasok ang mga bagahe.
"Huwag na kaya ko na to. Wala ka bang bilib sa mga muscles ko?" ang nakangiti nitong sagot

Natawa silang tatlo sagot na iyon.
"So, mag-iingat kayo. Dont forget na balitaan ako son."
"Yes Dad."
"And sayo Andrew, pakiusap ko lang na sana ay alagaan mo rin ang anak ko. I know na hindi ka naman mahihirapan na pakisamahan siya dahil matagal na kayong magkakilala."
"Sige po Dok."
"Ikaw naman, huwag masyadong magpapagod. Bawal ang stress. Yung mga bilin ko sayo tungkol sa pagkain, huwag kakalimutan." ang baling naman nito sa ina ni Andrew.
"Opo Doc. Salamat ulit.
"Good. At sa iyo son, be responsible to your actions. Pero alam ko naman na kaya mong pangatawanan ang mga ginagawa mo. May tiwala ako sayo." ang makahulugang bilin naman ng doctor sa anak.
"I know Dad."
___________
Sa harap ng kotse umupo si Andrew base na rin sa kagustuhan ni Bryan at sa likod naman ang kanyang ina. Kaya naman ay madaling napansin ni Andrew ang panay na pagngiti nito.
"Kanina ko pa napapansin ah. Hindi ka ba nangangawit diyan sa ginagawa mong pagngiti?" ang tanong ni Andrew sa kanya.

Sumulyap saglit si Bryan sa kanya bago sumagot.
"Ewan ko ba, hindi ko talaga maiwasan eh. Napakasaya ko kasi!"
"Halata naman. Napakabigdeal pala talaga sayo ang pagpayag ko sa alok mo ano?"
"Siyempre naman! Matagal kong hinintay ang araw na ito, ang makasama ulit ang napakahalagang tao sa aking buhay. At sa tingin ko ay natupad ko na ang aking pinangako sayo noon na kapag nakatapos na ako at nakapagtrabaho ay tutulungan kita, kayo ni nanay."

Sa isip-isip ni Andrew ay hindi pa talaga kinakalimutan ni Bryan ang tungkol doon.Tinuloy pa rin niya iyon kahit pa na wala na silang relasyon. Masarap pakinggan ang mga sinabi nito ngunit hindi niya makuhang maging masaya o makaramdam ng kilig dahil sa ilang mga bagay na gumugulo sa kanyang isip.

Makalipas ang mahigit isang oras ay narating na nila ang tinutuluyan nito. Paghinto ng sasakyan ay bumungad sa mag-ina ang isang bahay na may dalawang palapag. Binuksan ni Bryan ang malaking gate para ipasok sa garahe ang kotse nito.

"Welcome to your new home." ang masayang pahayag ni Bryan matapos buksan ang pinto ng bahay.

Pagpasok sa loob ay agad na nilibot ng mag-ina ang kanilang mga mata para magmasid. Sa tingin ni Andrew ay may kalakihan ito kung siya lang ang nakatira kaya agad niyang inisip na kasama nga niya si Sarah at ang anak nito dito.
"Bago ko ipasok ang mga bagahe niyo ay itotour ko muna kayo sa buong bahay." ang pagpapatuloy ni Bryan. "Itong kinatatayuan natin ay ang sala. And nay, doon naman ang dining room at kitchen."

Sinamahan ni Bryan ang ina ni Andrew sa sinasabi nitong kusina at kainan. Sa kabilang banda naman ay iniisip ni Andrew na talagang malayo na ang narating nitong si Bryan. Ang lahat ng nakikita niyang ito kay Bryan ang mas lalong nagpatindi ng kanyang determinasyon na makatapos din at makahanap ng trabaho. Noon pa man ay pangarap na niya ang ganito ring buhay para sa kanilang mag-ina.

Nagpasiya pa siyang maglibot sa paligid. Sa kanyang paglalakad ay nasilip niya ang isang kwarto na sa tingin niya ang isang maliit na gym dahil sa iilang mga equipments at machines na nakita niya.
"Because of my job, nawawala na ako ng time na magpunta sa gym. So I decided na magtayo ng isang mini gym dito." ang sabi ni Bryan na nasa likuran na pala ni Andrew.
"Alam mo naman, health and body conscious ako. I want to maintain my good looks and to keep fit sa kabila ng dami ng trabaho." ang kanyang pagpapatuloy sabay lapit ng kanyang tenga kay Andrew.
"Gusto kong maging hot pa rin sa paningin mo Andrew."

Napatingin si Andrew sa kanya. Matatandaan na bago maging sila ay talagang may pagnanasa siya dito dahil sa angkin nitong kakisigan. May mga pagkakataon pa na nagpapakita ito ng mga mapanuksong galaw. Ewan lang ngayon, hindi pa naman niya gaanong nararamdaman pero kung mangyari na maghubad ito sa harap niya ay baka magbalik ito. Posibleng mangyari talaga iyon dahil sa iisang bahay sila tumuloy. Pero gaya nga ng binuo niyang prinsipyo ay hindi niya hahayaan na umabot pa sa ganoon.

"Since na dito kayo nakatira, you can use my facilities here. Youre in good-shape at mas madedefine pa ang muscles mo pag sinabayan ng work-out. After several months talagang gaganda na rin ang katawan mo. At kapag nangyari iyon... mas magiging bagay na tayong dalawa. I will be your personal trainer." ang pahayag pa rin ni Bryan sabay ngiti.
"Talagang umaasa ka pa ha?" ang sagot ni Andrew sa lahat ng sinabi ni Bryan.
"No, because this is our destiny. Ikaw para sa akin, at ako ay para sayo."

Kung wala sanang taong masasangkot ay paniniwalaan ito ni Andrew. Baka naglupasay pa siya sa sobrang tuwa at kilig. Pero iba ang sitwasyon ngayon. Kaya binalewala na lang niya ito kumbaga pasok sa isang tenga, labas sa kabila.
"Saan pala ang magiging kwarto namin?" ang pag-iiba niya ng usapan.
"Sa taas, naroon na rin si nanay, nag-aayos ng mga gamit niyo.

Sabay silang umakyat para puntahan ang sinasabing magiging kwarto nilang mag-ina.
"I will show you my room first." Pagkasabi nito ni Bryan ay binuksan niya ang pinto na nasa bandang kanan.

Tumambad kay Andrew ang isang kwarto na di gaano kalakihan. Sa itsura at ayos pa lang nito ay masasabing isang lalaki ang nagmamay-ari nito. May maliit na lamesa kung saan nakapatong ang isang laptop. Isang maliit na TV at home theater. Ang shelf naman ay may mga larawan gaya ng kanilang family picture na minsang nakita na rin niya noon, mga bonding moments kasama sina Troy at Michael. pero ang nakakuha ng kanyang pansin ay yung nasa gitna na kung saan ay siya ang tampok. Matagal na ito, kung di siya nagkakamali ay nakunan pa ito nung panahon ng unang taon niya sa unibersidad na pinag-aralan nilang dalawa.
"Youre very cute on that pic." ang sabi ni Bryan nang makita niyang nakatingin si Andrew sa larawan."Pinakunan kita ng mga stolen shots noon, ang this is my favorite because of your smile."

Tumango lang si Andrew na parang wala lang sa kanya ang kanyang mga narinig.  Umupo siya sa isang napakalambot na kama.

"This is my bed. As you can see na dalawa ang taong pwedeng humiga dito. I wish na sana magkatabi ulit tayong dalawa sa pagtulog."
"Malabo yang gusto mong mangyari." ang tugon ni Andrew.
"Kaya nga wish lang di ba. Pero kung mangyayari iyon, ay mas magiging masaya ako." si Bryan uli sabay higa sa kanyang kama. "At parati kong gagawing special ang bawat gabing magkatabi tayo." ang dugtong niya sabay ngiti.

Alam ni Andrew ang tinutukoy nito Hindi niya tuloy maiwasan na maalala ang isang eksena na kung saan ay magkasama sila sa kwarto sa dati nilang tinitirahan isang gabi.
"Wala ka na bang boxer shorts?" ang tanong niya dito.
"Ayaw ko magsuot mainit eh." ang sagot nito sabay higa sa tabi ni |Andrew. Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa sumunod na ginawa nito.

Pinasok nito ang isa niyang kamay sa loob ng kanyang suot na brief.

"Ito na naman siya." ang nasabi ni Andrew sa kanyang sarili sa ginagawang panunukso ni Bryan. Napansin niya ang unti-unting paglaki ng bukol sa suot nito. Muli ay nakaramdam siya ng kung anong init sa katawan. Para hindi mahalata ay tumagilid na lang siya ng higa patalikod sa kanya. Pinipigilan pa rin niya ang kanyang sarili.

"Matutulog ka na agad. Ano ba naman yan?" ang pahayag nito na may tonong pagkadismaya.

Nahalata na ni Andrew ang ibig nitong ipahiwatig ngunit hindi pa siya handang gawin ang bagay na iyon.
  
Isang oras nang nakapikit si Andrew ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hindi niya maintindihan ang sarili. May kung anong pwersang nag-uudyok sa kanya na sumulyap sa katabi para alamin kung ano na ang ginagawa nito. At ang dahilan ay ang panunukso nito sa kanya na lubusang nakaapekto sa kanyang isip.

Pinakiramdaman muna niya ito ng ilang minuto. 
Wala nang suot na brief si Bryan at tumambad sa kanya ang isang bagay na lalong nagbigay ng init sa kanyang sarili. Sa pamamagitan ng kakarampot na liwanag mula sa labas ng bintana ng silid ay kitang-kita ang paghimas ng mga kamay nito sa mahaba at may katabaang alaga.

"Ang bastos mo Bryan." ang sambit ni Andrew.
"Sinabi ko bang tumingin ka?" ang sagot nito. Patuloy pa rin siya sa paghimas. "Pero ok lang naman iyon sa akin, sige na gawin mo na ang gusto mo oh." ang may panunukso nitong dagdag.

Sa mga pang-aakit na ginagawa ni Bryan sa kanya noon ay masasabi na niyang may pagkamalibog ito kaya nasanay na siya ngunit sa mga oras na iyon ay parang hindi na niya kayang magpigil. Gusto na niyang patulan ang sinabi nito dahil tumitindi na rin ang nararamdaman niya na kung tawagin ay "libog". Nagsisimula na ring tumigas ang kanyang sariling alaga.  Pero pinilit pa rin niyang magpigil. Agad siyang bumalik sa dating posisyon patalikod sa katabi.

Pero hindi pa rin tumigil si Bryan. Yumakap ito sa kanya at nararamdaman niya ang pagtusok ng alaga nito sa kanyang pwetan. Gayumpaman ay hindi pa rin siya nagpatinag.

At sa mga sumunod na nangyari ay wala nang nagawa si Andrew. Kinuha ni Bryan ang kamay nito at pinahimas sa kanyang alagang matigas pa rin. Taas-baba lang ang ginawa niya rito habang nakatalikod pa rin hanggang sa makaramdam siya ng likidong lumabas mula dito.

"Success!" ang sambit ni Bryan na mistulang nakaraos mula sa mahabang pagkatigang. 

Napatayo si Andrew at lumabas ng kwarto upang maghugas ng kamay. Naririnig pa niya ang mahinang pagtawa nito.
Para kay Andrew na posibleng mangyari pa ulit ang kahiya-hiyang bagay na iyon.

"I know what youre thinking Andrew at gusto kong sabihin na Im always welcome na gawin ulit iyon, pero siyempre dapat mas humigit na doon."



Nagulat naman si Andrew sa pagkabasa ni Bryan sa kanyang iniisip.
"Tumigil ka nga diyan. Ikaw talaga ang libog mo pa rin." ang nasabi lang niya sabay tayo sa kama. Dumako siya sa bintana at doon niiya napansin ang isang maliit na swimming pool.

"Every night at minsan sa umaga ay lumalangoy ako as part of my exercise. Para na rin makapagrelax at pangtanggal stress sa trabaho." ang pahayag ni Bryan nang makita niya kung saan nakatingin si Andrew. Tumayo siya sa kama at nilapitan ito. "Alam kong naalala mo pa rin ang nangyari sating dalawa sa pool nung nasa Baguio tayo."

Tandang-tanda pa ni Andrew ang tinutukoy ni Bryan. Ito yung araw na biglaan siyang dinala nito sa resthouse nila sa Baguio. Katatapos lang nilang kumain noon at nainis siya dahil sa ginawa nitong pagdala sa kanya doon lalo nat hindi pa siya inuuwi nito sa Manila.
"Ikaw ha sumosobra ka na. Gumagawa ka ng sarili mong desisyon ni hindi mo muna ako konsultahin kung papayag ako!"

Tumayo rin si Bryan bago sumagot. "Nagagalit ka ba sa akin? Dapat magpasalamat ka pa sa mga kabaitang pinapakita ko sa iyo."
"At bakit ko naman gagawin iyon. Hindi ko naman hinihingi na maging mabait ka sa akin, na tratuhin mo ako ng ganito."

Hindi na sinundan pa ni Bryan ang pahayag na iyon ni Andrew sa halip ay iniba na niya ang usapan. Ang sumunod na ginawa ni Bryan ay mistulang nagpawala ng inis ni Andrew sa kanya.

Hinubad ni Bryan ang suot nitong shorts.Halos manlaki ang mga mata niya sa nasilayan niyang umbok ng pagkalalaki nito pati na rin ang maumbok na pwet nito at malalaking mga hita. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang nakaawang na balahibo sa bandang itaas ng suot nitong puting brief.

Sa isip-isip ni Andrew, "Teka bakit niya ginawa ito sa harap ko. Parang wala siyang kahihiyan."
"Ano ba tong nararamdaman ko. Hindi pwede ito. Wala akong pagnanasa sa kanya. Tinutukso lang ako ng taong ito." ang pangungumbinse niya sa kanyang sarili.

"Tigilan na natin ang walang kwentang usapang ito. Ligo lang ang katapat ng init ng ulo mo tol." ang sabi ni Bryan na nagpabalik sa katinuan ni Andrew. "Tara swimming tayo."
"Swimming? Ayaw ko nga. Sa banyo na lang ako maliligo." ang pagtanggi ni Andrew.
"Bakit? Ayaw mo bang sumabay sa akin o nahihiya ka lang."

"Parang ganun na nga." ang sagot ni Andrew sa kanyang sarili. Nakakahiya namang maghubad din siya, alam naman niya na walang ibubuga ang katawan niya kung ikukumpara sa kanya. At isa pa ay hindi siya marunong lumangoy mahirap na baka gumawa ito ng kalokohan na lunurin siya.
"Hindi lang ako sanay." ang nasabi na lang niya sa kausap.
 "Eh di sasanayin na kita."

Wala nang nagawa si Andrew kundi ang maging sunud-sunuran kay Bryan. Hinila nito ang kanyang braso papunta sa dako ng bahay kung saan naroon ang pool. Nabigla na lang siya nang itulak siya nito.

"Bryan!!!" ang napasigaw na si Andrew.
"Huwag kang mag-alala, mababaw lang sa parte na iyan kaya hindi ka malulunod." ang sabi ni Bryan at lumusong na rin ito sa pool.

Akmang aahon si Andrew dahil sa naramdaman niyang ginaw nang pigilan siya ni Bryan sa pamamagitan ng pagyakap sa kanya. Hindi na nagawang magpumiglas ni Andrew dahil sa naramdaman niyang laman na nakadikit sa kanyang likuran na sa tantya niya ay may kahabaan ito. Mistulang kinuryente ang buo niyang pagkatao.

Maya-maya lang ay kumalas na ito sa pagkakayakap at sinabuyan siya ng tubig sa mukha.
"Pwe!" ang reaksyon ni Andrew gawa ng nakainom siya ng tubig. "Ikaw talaga Bryan!"

Balak gumanti ni Andrew sa kanya ngunit hindi niya ito magawa dahil sa paglangoy ni Bryan. Nakita pa niya na tatawa-tawa ito.

"Ikaw talaga Bryaaaannnnn!!!!" ang pagsigaw na ni Andrew. 

 "Hmmm...." ang tanging reaksyon ni Andrew matapos sariwain ang alaalang iyon.
 "Gusto kong ibalik ang dating closeness natin para mas dumami pa ang masasaya nating moments gaya niyan." ang sabi naman ni Bryan na nakatingin pa rin kay Andrew.

Sa pamamagitan ng tingin niyang iyon ay inaalam ni Bryan kung ano na ang iniisip ni Andrew sa lahat ng mga pagpapahiwatig niya. At nakaramdam siya ng pagkadismaya ng makita na parang wala lang dito ang lahat ng sinabi niya. Gayumpaman ay hindi pa rin siya susuko, umaasang sa huli ay papabor sa kanya ang lahat.

"Puntahan ko na si nanay sa kabila para matulungan ko siya sa pag-aayos ng aming mga gamit." ang pahayag ni Andrew na nagpahinto sa pag-iisip ni Bryan.
"Ah... oo sige." ang simpleng sagot nito.
__________
Lumipas ang halos isang oras nang matapos ng mag-ina na ayusin ang kanilang mga gamit.
"Andrew anak, naisip kong ipagluto si Bryan mamayang gabi." ang sabi ng kanyang ina. "Di ba paborito niya ang sinigang tulad ni Troy?"

Akmang sasagot si Andrew nang biglang sumingit si Bryan na nakatayo sa pinto ng kanilang kwarto.
"Opo nay. Namimiss ko na nga po talaga ang mga luto niyo, lalo na po yung...." saglit na nag-isip si Bryan. "yung.... sardinas saka yung dahon na adobong kangkong."

Natawa naman ang ina ni Andrew sa narinig. "Wow naalala mo pa talaga iyon ha."
"Siyempre naman, at gusto kong kumain ulit nito."

Sa puntong iyon ay napangiti na si Andrew lalo na ng maalala niya ulit ang isa pang eksena na kung saan ay biglaang dumalaw si Bryan sa dati nilang tirahan. Ito ang isang bagay na nagpabilib sa kanya.
"Ano po ito nay?" ang tanong niya sa ina ni Andrew.
"Adobong kangkong iho."
"Ah ito po"
"Sardinas na ginisa."
"Ganoon po ba"
Agad namang sumabat si Andrew. "Tignan niyo nay hindi niya talaga gusto yan, kaya hanggang tanong na lang siya."
"Anong hindi ko gusto? Masarap kaya ito."
"Talaga lang ha."
"Oo naman Andrew. Kahit ano kinakain ko."
At nagulat na lang si Andrew sa sunod na ginawa nito. Nagsandok na ito ng kanin at ulam at nagsimulang kumain.
Pinagmamasdan naman siya ni Andrew habang kumakain. Hindi niya inaasahan na gaganahan ito sa ganoong klaseng mga pagkain.
"Mabuti naman at nagustuhan mo iho kahit alam kong malayo ito sa mga kinakain ng mga tulad niyong mayayaman."
"Opo nay masarap pala."
"Salamat iho."

Ang ngiting iyon ni Andrew ay agad na napansin ni Bryan. Nakaramdam naman siya ng tuwa dahil pakiramdam niya na nakapuntos siya kay Andrew. 
  
Magdidilim na ng araw na iyon nang umalis sina Andrew upang mamili para sa kanilang hapunan. Gamit ang kotse ay sinamahan na sila ni Bryan dahil hindi pa nila alam kung saan ang pinakamalapit na palengke.
___________
Habang naghihintay na maluto ang kanilang hapunan ay nanood si Bryan ng basketball sa TV sa sala habang si Andrew naman ay tumutulong sa kanyang ina sa pagluluto. At makalipas ng kalahating oras ay naluto na ang ulam na nirequest ni Bryan. 

"Hmmm.... amoy pa lang masarap na... First time ko talagang kakain ng hapunan dito sa bahay kasama kayo." ang masiglang sambit ni Bryan na nakahawak sa tiyan habang papalapit sa mesa.
"Sinarapan ko talaga yan para sayo." ang tugon naman ng ina ni Andrew habang naghahain.
"Mukhang masisisira na ang diet ko nito. Kailangang magconcetrate na talaga sa paggym."
"Dapat lang, dahil tataba ka talaga sa masasarap na lulutin ni nanay. Mawawala na yang abs mo at lalaki pa ang tyan mo" ang singit naman na kantsaw ni Andrew.
"No way. Baka hindi mo na ako magustuhan ulit niyan." ang pagsakay ni Bryan. "

Napapailing na lang si Andrew habang ang ina naman niya ay natatawa.

Itutuloy....

Thursday, August 22, 2013

TRUE LOVE 8

Lingid sa kaalaman ni Andrew na alam na ni Bryan ang dahilan ng kanyang pagkabigla sa nakita niyang suot nitong kwintas. At least kahit hindi man niya direktang sabihin ay naiparating nito sa kanya ang nararamdaman nito hanggang ngayon.

"Hanggang ngayon, suot pa rin niya ang kwintas, ibig sabihin ay may nararamdaman pa rin siya sa akin. Ito siguro ang dahilan kung bakit niya kami tinulungan ni nanay." ang nasabi ni Andrew sa kanyang sarili.

Sa kabila ng kanyang mga nalaman ay hindi pa rin niya magawang magdiwang dahil sa nabuo niyang prinsipyo na hindi na siya papasok sa isang imposible at komplikadong relasyon. Kahit paano ay may pagkalito pa rin sa kanyang isip at puso pero itinago na lang niya iyon sa taong kanyang kaharap ngayon.

"Bilisan na natin kumain para makabalik agad tayo sa ospital." ang kanyang sinabi matapos ang ilang minutong pag-iisip.
"Sige. Kailangan ko na ring bumalik ng opisina. Pero ihahatid muna kita papunta roon." ang tugon naman sa kanya ni Bryan.

Abala pa rin sila sa pagkain nang biglang maalala ni Bryan ang sinabi sa kanya ng kanyang dad tungkol sa napag-usapan nila ni Andrew.
"Ah Andrew, nabanggit pala sa akin ni Dad na wala pa pala kayong matutuluyan ni nanay mo pagna discharge na siya. Kung gusto mo, doon na kayo sa aking bahay tumuloy."ang pag-aalok nito sa kanya.

Napatingin si kanya si Andrew, nagulat sa biglaang pag-offer nito. Totoo namang pinoproblema niya ngayon ang magiging tirahan nila pero hindi siya agad maka oo dito. Una, alam na niya na may nararamdaman pa rin ito sa kanya, dahil sa iisang bahay sila tutuloy, ay posibleng bumalik sila sa dati na iniiwasan niyang mangyari. Pangalawa, ang pinaka komplikado sa lahat, kung papayag siya ay magkukrus muli ang landas nila ng mama nito pati na rin ng fiancee niyang si Sarah.

Naalala bigla ni Andrew ang sinabi sa kanya noon ni Troy nung huling dalaw nito sa kanila sa probinsya.
"Magkasama pa rin sila ngayon ni Sarah. Hindi pa sila kasal ngunit may anak na sila."
Isang bagay na natural lang  mangyari sa isang lalaki na siyempre masakit para sa isang tulad ni Andrew. In short, talunan talaga sila kapag involve na ang babae sa isang relasyon.

"Thanks for the offer, pero maghahanap na lang kami ng maliit na kwarto. Marami namang paupahan dito sa Manila di ba?" ang pagtanggi ni Andrew sa kanya.
"Nag-aalala lang naman ako sa inyo. Alam kong kaunti na lang ang natitira sa inyong pera baka hindi niyo kakayanin ang magiging renta."

Umiling si Andrew. "Kung noon nga nairaos namin ang buhay sa probinsya, siyempre makakayanan din namin ito ngayon ni nanay. Nahihiya na ako sa iyo Bryan sa dami ng naitulong mo sa amin. Ayoko namang abusuhin iyon. Hindi naman kami ganoon kainutil para di makatayo sa sarili namin"

"Kailanman ay hindi ako nag-isip ng ganyan. Ginawa ko ang lahat ng ito dahil bumabawi ako sa mga pagkakamali ko sayo noon. At patuloy ko pa rin itong gagawin."

Hindi sumagot si Andrew.
"I remember kung ano ang sinabi sa akin ni Dad. Na gagawin mo ang lahat para makabayad lang sa utang na loob. Honestly hindi talaga kami pabor sa gusto mo dahil kusang loob namin ang ginawa naming pagtulong but one day,  naisip ko na ang sinabi mong ito ang panghahawakan ko para makasama kita ulit." ang kanyang pagpapatuloy.

"Anong ibig mong sabihin Bryan?"
"Lahat gagawin mo di ba, pinangako mo yan kay Dad. So... wala ka nang choice kundi sumunod sa gusto ko. Isa na roon ang tumira kayo ni nanay sa akin. Simula ngayon, ako na ang responsible sa inyong dalawa."

Hindi naman ganoon ang pinag-usapan nina Andrew at Dr. Luis gaya ng sinasabi ni Bryan ngayon ngunit sa pagkakataong ito ay may punto siya. Sa isip-isip niya ay magaling pa rin talaga siyang magmanipula ng mga pangyayari.
"Ok. Tama ka. I admit na medyo mahihirapan kaming magsimula ulit ni nanay dahil nasa probinsya ang halos lahat ng kabuhayan namin. Gaya nga ng sabi mo no choice na ako kundi pumayag."

Sumilay ang isang matamis na ngiti sa mukha ni Bryan dahil sa pagtatagumpay ng kanyang plano.
"Kahit papaano, nakatulong ang pride mo sa akin ha. Pero salamat at pumayag ka. Napasaya mo talaga ako Andrew." ang pahayag niya sabay hawak sa isang kamay ni Andrew.

Agad namang kumalas si Andrew at sulyap sa paligid. "Tapos na ako tara na."

Gaya ng sinabi ni Bryan ay hinatid niya si Andrew pabalik ng ospital. Bago buksan ni Andrew ang pinto ay saglit siyang pinigilan nito.
"Nakuha ko na ang number mo kay Dante." ang sabi nito sabay pindot ng kanyang cellphone.
 Maya-maya lang ay tumunog naman ang cellphone ni Andrew sa bulsa.Nag miscall pala ito sa kanya.
"Yan! youre lucky dahil iilan lang ang binibigyan ko ng personal kong number. Kung alam mo lang na marami ang nagkakandarapa na hingiin ito sa office."

Napangiti na lang si Andrew sa sinabi nito.
______________
Hinahanda na ni Andrew ang mga gamit nilang mag-ina para sa paglabas nito ng ospital kinabukasan.
"Anak parang malalim ang iniisip mo ha." ang pagpuna sa kanya ng ina nito. "May problema ka ba?"
"Tungkol kasi kay Bryan. Inalok niya kasi ako na doon na tayo tumuloy sa kanya."
"Ganoon ba? Pumayag ka ba anak?"
"Sa ngayon po wala akong magagawa kundi pumayag. Unti-unti na kasing nauubos ang naitatabi kong pera. Tapos malapit na rin ang pasukan. Pero pansamantala lang iyon nay. Pag maayos na ang lahat, bubukod agad tayo."
"Halika muna dito anak." ang malambing na pagyaya nito. Agad naman siyang sumunod at umupo sa bandang gilid ng kanyang higaan.

Hinaplos ng kanyang ina ang ulo ni Andrew. "Kilala kita anak. Alam kong naguguluhan ka. Umamin ka sa akin, nung unang makita mo si Bryan ano ang naramdaman mo?"
"Sa totoo lang po, masaya ako sa muli naming pagkikita lalo nang malaman ko na siya ang tumulong sa atin."
"Iyon lang ba?"
"Opo nay."
"Mahal mo pa ba siya?"

Natigilan si Andrew sa hindi inaasahang tanong na iyon sa kanya ng ina. Matatandaan na masama ang loob nito kay Bryan sa ginawa sa kanya noon.
"Ikaw lang ang nakakaalam ng sagot anak. At ikaw lang din ang may kakayahan na magkontrol ng iyong buhay. Malaki ka na at alam mo na ang tama at maling bagay." ang pagpapatuloy nito.
"Hindi ko na po iniisip yan. Isang malaking kalokohan lang naman ang pagmamahal para sa isang tulad ko." ang tugon ni Andrew.

Napabuntung-hininga muna ang kanyang ina bago magsalita ulit. "Alam mo anak, nang malaman ko na si Bryan ang tumulong sa atin, naglaho na ang kinikimkim kong sama ng loob sa kanya. Naisip ko na maswerte ka anak at nakilala mo ang isang tulad niya. Kung di dahil sa kanya, baka nagkahiwalay na tayo ng tuluyan."

Hindi umimik si Andrew, hinihintay ang pagpapatuloy ng kanyang ina.
"Isipin mo na lang anak kung bakit niya ginagawa niya ito sa atin? At iyon ay dahil sa mahal  ka pa rin niya hanggang ngayon. At ang nararamdaman niyang iyon sayo ang nagbigay sa akin ng pangalawang buhay.  Tapos ito, patuloy ka pa rin niyang tinutulungan."

Walang naging pagtutol si Andrew sa mahabang pahayag ng kanyang ina. Napatunayan din niya ito nang makitang suot pa rin ni Bryan ang kwintas.

Tumayo siya, tinumbok ang isang malaking bag na naglalaman ng mga damit nilang mag-ina. At sa bulsa nito sa loob ay kinuha niya ang isa pang kwintas, na may pendant na initial ng kanyang pangalan.

Naalala niya ang sinabi ni Bryan na dalawang kwintas na suot nila ang simbolo ng kanilang pagmamahalan. At nang makipaghiwalay siya dito ay hindi na niya ito muli pang sinuot. At kahit pa ngayong alam niya na may pagmamahal pa rin sa kanya si Bryan ay hindi pa rin niya ito magawang suotin.

"Nasa iyo pa rin, ang binigay niya sayo. Kung wala ka na talagang nararamdaman sa kanya ay dapat na wala na sa iyo yan." ang pahayag ng kanyang ina patungkol sa kwintas.

"Gaya po ng sabi ko nay, hindi na po mahalaga kung ano ang nararamdaman ko." ang naisagot na lang ni Andrew dito.
_____________
"Good Morning po!" ang masiglang bati ni Bryan sa nakahigang ina ni Andrew kinabukasan.
"Ikaw pala iho, halika pasok ka." ang nakangiting tugon naman nito sa kanya. "Wala si Andrew umuwi saglit sa tinutuluyan niya nag-ayos na ng mga gamit niya.
"Ok lang po. Mamayang tanghali na daw kayo lalabas nay sabi ni Dad."
"Oo nga iho."
"Siyanga po pala, inalok ko si Andrew na sa akin na kayo tumuloy, alam ko kasing wala kayong matitirahan."
"Nagkausap na kami tungkol sa bagay na yan, at nagpapasalamat ako sayo. Pumayag na siya sa alok mo."

Halos hindi magkamayaw sa tuwa ang naramdaman ni Bryan sa kanyang narinig. Malaking bagay kasi ito para mapalapit ulit siya kay Andrew.
"Mabuti naman po at pumayag na siya." ang nakangiti nitong pahayag.

"Ah Bryan, nandito ka na rin lang, ay kakausapin na rin kita ng masinsinan."
"Sige nay, ano po ang sasabihin niyo?"
"Malaki ang nagawa mong tulong at nagastos sa amin. At alam kong ginawa mo iyon dahil sa pagpapahalaga mo sa aking anak."
"Totoo po yan nay."
"Mahal mo pa rin siya hanggang ngayon di ba?"

Walang pag-aalinlangang tumango si Bryan bilang pagtugon sa tanong nito.
"Sabi ko na."
"Ngayong alam niyo na po ang nararamdaman ko sa anak niyo, matatanggap niyo pa ba ako para sa kanya?" ang di niya maiwasang itanong. Naalala kasi niya ang pagtataboy nito sa kanya bago ang huling pag-uusap nila ni Andrew noon.
"Ito lang ang masasabi ko sayo, kung anuman ang magiging desisyon ng aking anak ay susuportahan ko. Gaya nga ng sinabi ko sa kanya kagabi, siya na ang nakakaalam ng makakabuti sa kanya."

Doon nakumpirma ni Bryan na wala nang galit sa kanya ang ina ni Andrew.
"Salamat po nay. Kung mangyaring magkalapit ulit kaming dalawa ay hindi na pala kayo tutol." ang nakangiting pahayag nito."
___________
Habang nag-eempake si Andrew ay tinawagan siya ni Troy. Saglit siyang humito para kausapin ito.
"Hey Andrew whats up?" ang agad na tanong nito sa kanya.
"Ito, naghahanda sa paglipat namin sa bahay ni Bryan. Kayo naman ni Maribel kamusta na."
"Eto busy pa rin sa business, alam mo namang kami na lang ang inaasahan ni grandma di ba?.... So pumayag ka pala sa inalok niya sayo."
"Napilitan lang ako no choice eh. Ilang araw na lang tatagal itong perang tinatago ko."
"Bago pa man niyang sabihin sayo yan ay binanggit na niya sa akin ang tungkol dyan. At ngayon pa lang alam kong masayang-masaya na ang bestfriend ko."
"Mabuti naman at wala na kayong tampuhang dalawa."
"After ng vacation namin sa inyong province ay nag-usap kami. At doon kami nagkaayos." ang simpleng tugon nito. Hindi na niya dinetalye pa ang kanilang pinag-usapan.
"Pero Andrew, naalala mo di ba yung sinabi ko sayo noon tungkol sa kanya, na nagsasama na sila at may anak na." ang pagpapatuloy ni Troy.
"Oo naman. Actually yan ang isa sa pinakadahilan ko kung bakit nagdadalawang isip ako na tanggapin ang offer niya sa akin."
"May itatama lang kasi ako tungkol diyan. Totoong may anak na sila but hindi sila nagsasama."
"No need to say that. Wala na akong pakialam pa sa kung ano ang meron sila ni Sarah. Actually Troy naisip ko na rn ang posibilidad na magkrus muli ang landas namin ni Sarah at lalo na ng Mama niya, at pinaghandaan ko na iyon. Hindi rin naman kami magtatagal doon."
"Ok. So goodluck na lang sayo diyan. If anything happens just call me. Dont worry sasagot na ako nun."
"Sige salamat Troy."
____________
"Mommy nandito na po sina Tita Sarah." ang tila excited na sigaw ng batang si Billy na kasalukuyang naglalaro sa garden sa kanyang mama nang makita ang kotse nito.

Agad namang lumabas sa loob ang ina nito, hinihintay ang paglabas ni Sarah sa loob ng kotse.
"Good Morning po Mommy." ang masiglang bati nito sa kanya.
"Good morning din, at sayo rin Carl." ang tugon naman nito sabay kiss sa pisngi sa karga nitong bata. "Miss na miss ko na ang aking apo!" ang naibulalas niya sabay kuha nito kay Sarah para kargahin. Nilapitan din ito ni Billy at kinukurot ang pisngi.
"So kamusta na pala ang preparations niyo ni Bryan para sa 1st birthday ng aking apo." ang tanong nito sa kanya.
"Hindi pa namin gaano napapag-usapan yan Tita, masyado po kasi siyang busy."
"Ganoon ba. Hayaan mo kung wala siyang time, ako na lang ang tutulong sayo sa paghahanda."
 "Mommy dito po ba sa bahay magcecelebrate si baby Carl ng birthday." ang pagsingit naman ni Billy.
"What do you think Sarah?"
"Its ok kung dito gaganapin."
"Yes! ang masayang sambit ng bata."I will invite all of my classmates and friends."
Nagkatawanan silang dalawa.

"By the way Mommy, kaya po pala ako naparito para itanong kung may idea kayo kung saan maaaring pumunta si Bryan. Galing kasi ako sa kanilang unit at walang tao doon, hindi ko rin siya macontact sa kanyang cellphone."
"Baka naman maaga umalis, alam mo naman ang trabaho ng isang engineer."
"Tinawagan ko rin po siya sa opisina, at sabi nila ay wala pa siya doon. Actually may napapansin na akong may kakaiba sa kanya nitong mga nakaraang araw."
"Kung ganoon agad akong gagawa ng paraan kung sakaling may ginagawa siyang kalokohan. Hindi katwiran sa akin ang pagiging independent, he is still my son." ang makahulugang pahayag nito.

Itutuloy....





Wednesday, August 21, 2013

TRUE LOVE 7

(Bryan POV)

"Hello Bryan, sasabihin ko na sayo kung nasaan si Andrew."

Ito ang bungad na tawag sa akin ni Dante, kaibigan ng isang taong matagal ko nang hinahanap. Mahigit dalawang taon na ang nakalipas, sa kabila ng lahat ng magandang pagbabago sa aking buhay ay hindi ko pa rin siya nakakalimutan.

Ako si Bryan Luis Sebastian, isang engineer, nagtatrabaho ngayon sa isang telecommunications company. Hindi naman sa nagyayabang ako pero, masasabi ko sa aking sarili na nasa akin na ang lahat gaya ng good looks at sex-appeal. Certified independent na rin ako mula sa aking pamilya dahil sa aking trabaho. Mayroon akong sariling bahay at sasakyan na patuloy ko pa ring hinuhulugan hanggang ngayon mula sa aking sweldo. 

Ang lahat ng ito ay pinagsikapan ko dahil sa isang pangako sa taong hanggang ngayon ay special pa rin sa aking puso, si Andrew. Sinabi ko sa kanya noon na kapag nakatapos na ako at nagkaroon ng magandang trabaho, ay ako na ang tutulong at susuporta sa kanila ng kanyang ina.

Biglaan man ang tawag na iyon sa akin ni Dante pero lubos kong ikinatuwa iyon dahil sa wakas ay makikita ko na ulit si Andrew. Matagal na akong nangungulit sa kanya na sabihin ang kanyang kinaroroonan.

"Talaga, dali sabihin mo na!" ang excited kong naibulalas sa kanya.
"Sa totoo lang napilitan lang talaga ako pero wala na akong maisip pang tao na hihingian ng tulong." ang kanyang sagot na ipinagtaka ko.
"Bakit ano nangyari sa kanya?" napatayo ako sa aking kinauupuan sa aking narinig.
"Hindi siya yung nanay niya. Nasa ospital siya ngayon dahil inatake sa puso."
"Ha! Teka, kamusta na ang lagay niya." ang kaba kong nararamdaman ay napalitan na ng pag-aalala sa kanyang ina kahit na alam ko na may sama ng loob sa akin sa nangyari kay Andrew noon.
"Iyon na nga. Kaya nga kita tinawagan para matulungan mo sila. Kailangan nang maoperahan ng nanay niya sa lalong madaling panahon.
"Oh sige ganito, punta ka dito ngayon at pag-usapan natin ito."

Sa puntong ito ay hindi na ako nagdalawang-isip pa, gaya ng pinangako ko sa kanya noon na tutulong ako sa kanila sa abot ng aking makakaya.

At sa pagdating ni Dante ay pinag-usapan namin ang lahat ng gagawin. Napagdesisyunan ko na siya na lang ang papuntahin ko ng kanilang probinsya imbes na ako para sunduin sila papunta dito sa Maynila kung saan gaganapin ang operasyon. Naisip ko kasi ang magiging reaksyon niya kung malalaman niya agad na ako ang magbibigay ng tulong sa kanya.

Mula sa aking sariling pera ay pinabayaran ko sa kanya ang lahat ng naging gastusin nila sa ospital doon. Siyempre hindi ko naman kakayanin ang magiging operasyon ng kanyang ina dito sa Maynila kaya agad kong kinausap si Dad na isa ring specialista sa puso.

Matagal nang hiwalay ang aking mga magulang, dahil sa isang seryosong issue. Kaya doon kami nanatili ng aking kapatid na si Billy sa side ng aming ina. Kung paghahambingin ang relasyon sa pagitan namin, mas close ako kay Dad. Magkasundo kami sa lahat ng bagay, mabait, maunawain at higit sa lahat, tanggap niya ang aking nararamdaman para kay Andrew.

Hindi naman ako nabigo sa paghingi ng tulong sa kanya na operahan ng libre ang ina ni Andrew. Masaya pa nga siya para sa akin dahil sa pamamagitan daw nito para sa kanya, ay magkakalapit ulit kaming dalawa gaya ng matagal ko nang inaasam na mangyari.

Nang makarating na silang mag-ina dito sa Maynila ay panay ang pagpunta ko ng ospital para kamustahin ang kalagayan ng kanyang ina. At laking tuwa ko nang malaman kong succesful ang naging operasyon sa kanya.

Akala ko nung unang makausap ni Andrew ang doktor ay agad niyang malalaman na ako ang tumulong sa kanya sa pangalan ni Dad na kaparehas ko. Pero naisip ko na tama sigurong gawing surprise na lang ito sa kanya.

At sa pagdating ng araw na aking pinakahihintay, ay magkakaharap na ulit kami ng taong matagal ko nang na miss.

May kaunting pinag-usapan kami ni Dad ng maputol iyon sa isang katok sa pinto. At sa pagbukas nito ay bumungad sa aking harapan ang espsyal na taong matagal ko nang gustong makita.

Doon ko nga napansin ang ilang pagbabago sa kanyang pisikal na itsura. Tama ang ginawang paglalarawan sa kanya ni Dante. Medyo umitim ang kanyang balat marahil sa naging trabaho nila sa probinsta. Tumangkad at nagkaroon na ng korte ang kanyang katawan at braso. Bagamat nagmature ng kaunti ang kanyang mukha ay naroon pa rin ang kanyang cute na mukha, ang mata, dimples at mapulang labi.

Batid ko rin sa kanya na kinikilatis din niya ako ngayon base sa kanyang mga tingin sa akin. Alam kong nabibighani pa rin siya sa aking kakisigan, dagdagan pa ng pagbabago sa aking itsura at buhay.

Sa puntong iyon ay napatunayan at naipakita ko sa kanya na nagbago na ako. Hindi na ako ang dating Bryan na kilala niya bilang siga sa campus at mayabang sa ibang mga estudyante. Laking pasalamat ko talaga na nakilala ko siya dahil sa kanya ko natuto na magseryoso sa buhay.

Pero sa kabila ng kanyang tingin sa akin at pinapakitang ngiti dala ng kasiyahan sa paggaling ng kanyang ina ay may nakikita ko pa rin akong lungkot sa kanyang mga mata. Alam ko na may dinaramdam siyang pagkainggit sa akin. Noon pa man kasi ay pangarap na rin talaga niyang makatapos ng pag-aaral at maging isang engineer ding tulad ko. Kaya nang sabihin sa akin ni Dad na maaaring mahinto na naman sa pag-aaral si Andrew ay agad akong gumawa ng paraan para hindi iyon mangyari. Personal akong tumungo sa kanilang probinsya sa tulong ni Dante para lakarin ang kanyang mga dokumento sa pagtransfer.

Sa aking pananatili doon ay nakilala ko ang ilang mga naging kaibigan ni Andrew na sa tingin ko ay mababait at mabuting impluwensya naman sila sa kanya.  Nung huling araw nga ng pagpunta ko roon ay kinausap nila ako. Habang naglalakad papunta sa registrar ay tinawag ako ng isang babae na Bea ang pangalan.

"Hello handsome." ang kanyang pambungad na pagbati sa akin habang kinikilatis ako mula ulo hanggang paa. "Sabi sa office na ikaw yung naglalakad ng papers ng aming kaibigan. Hindi man lang siya nagkwento sa amin tungkol sayo."

Nginitian ko sila. "Ah yes, doon na kasi siya mag-aaral sa Manila. By the way Im Bryan." ang pagpapakilala ko sabay abot ng pakikipagkamay kosa kanila. Sinabi naman nila ang kanilang pangalan.
"Magkwento ka naman tol kung ano na ang nangyari sa kaibigan namin. Masyado kasi kaming nag-alala sa kanya mula nang maospital ang nanay niya." ang pahayag naman ng nagngangalang Arthur.
"Her mother is ok now. Maybe pwede na siyang idischarge in the next few days. About your friend, masaya na siya ngayon."
"Mabuti naman kung ganoon. Laking pasasalamat talaga namin sa taong tumulong sa kanya."
"Wait, tell us naman kung paano kayo nagkakilala ng friend namin." ang tila kinilig pa rin na si Bea. 

Napangiti ulit ako sa kanyang sinabi sa akin. Hindi pa man ako nagsasalita ay inaalala ko na ang memorable moments naming dalawa ni Andrew.
"Actually hindi naging maganda ang first encounter namin. May pagkamasungit kasi si Andrew ng mga panahong iyon."
"Talaga? Nung unang nagkakilala kami ay hindi naman siya masungit sa amin tol. Mabait naman siya at masayahin. I guess, may something sayo na hindi niya nagustuhan." ang deretsong sabi nung Andy.
"Hmmm... Yes. Hindi kasi naging maganda ang pakikitungo ko sa kanya noon, I admit na siga ako noon ay mayabang sa aming university. Pero dahil sa kanya ay nagbago na ako."

Nagkatinginan lang silang lahat sa aking sinabi na tila may ibang iniisip.

Sa pagpapatuloy ng aming pag-uusap ay marami pa akong nalaman sa kanila. Noon pa man bago niya naging kaibigan ang mga ito ay pinagtapat na niya ang kanyang sexuality sa kanila at buong puso nila siyang tinanggap. Doon sumagi sa aking isip na itanong ang tungkol sa kanyang lovelife.

"Sa totoo lang tol, nalulungkot kami para kay Andrew, dahil sa aming lahat, siya na lang ang wala pang naging karelasyon, kapag tinatanong namin siya, sinasabi niyang wala sa isip niya ang ganoong bagay, dahil imposible naman ang seryosong relasyon sa mga gaya niya. Sa huli ay siya pa rin daw ang tao dahil babae pa rin ang hahanapin ng magiging partner niya." si Arthur.

Hindi ko maiwasang malungkot sa sinabing niyang iyon. Doon ko narealize na malaki pala ang naging epekto kay Andrew ng aking mga nagawa sa kanya noon. Masyado siyang nadala at natakot na masaktan ulit kaya umiiwas na siyang magmahal ulit. Marahil ay naging bato na ang kanyang puso.

Sa puntong iyon ay sinabi ko sa kanila ang lahat para na rin makahingi ng kaunting advice sa kanila.
"Im the reason kung bakit nagkaganoon siya." ang deretsahan kong pag-amin. "Nagkaroon kami ng relasyon noon at dahil sa nagawa ko sa kanya nagbago siya."

Pagkagulat ang nakita kong naging reaksyon nila.
"What, you mean ikaw ang unang boyfriend niya? Wow, he's lucky to have a hot boyfriend like you."
ang naibulalas naman ng isa pang babaeng nagngangalang Rica.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Hindi ko sinasadya na masaktan ang damdamin niya. Nadagdagan pa ng pagtutol ng Mom ko sa aming relasyon."





Natahimik silang lahat, marahil ay hindi makapaniwala sa kanilang nalaman sa akin.
"Kaya siya nagdesisyon na manirahan sa probinsya para mag move-on."

"Hula ko, maliban sa iyong Mom, babae ang naging away niyong dalawa." si Bea.
"Yes. Yung childhood friend ko special din sa akin. Na misinterpret ni Andrew yung nakita niyang reaksyon ko nang magkita kaming dalawa. Napakasaya ko kasi na makita ulit ang babaeng iyon."

"So you mean na may feelings ka talaga sa sinasabi mong girl, kasi sabi mo masaya ka at special siya sayo."
"I love her as a friend. Hindi na mawawala iyon dahil bata pa lang ay magkasama na kami."
"How about kay Andrew?"
"Noon pa man ay mahal ko na siya. Pero nung time na dumating yung girl ay medyo naconfuse ako to the point na hindi ko na siya inalala pa."

"Kaya pala nakapag-isip ng ganoon si Andrew at sinasabing hindi na siya mamamahal ulit. Para sa kanya, wala na talaga siyang laban kapag babae na ang karibal sa isang relasyon." si Arthur.

"But guys, now I realized kung ano talaga siya sa akin. Ito, tignan niyo." ang aking sabi sabay labas ng isang bagay na suot ko sa aking leeg. "Binigyan ko siya ng kwintas na gaya nito, na may pendant na initials ng aming pangalan at nangako kami sa isat-isa na susuotin namin iyon."

Ang tinutukoy kong kwintas ay suot ko pa rin hanggang sa araw ng aming muling pagkikita. Sa mismong araw ring iyon ay pinuntahan ko na rin ang ina ni Andrew para kamustahin. At base sa kanyang pakikipag-usap sa akin ay makikita ang kanyang kasiyahan. Alam kong hindi na siya galit sa akin. Masaya ako dahil nabawasan na rin ang aking problema at sana ay makatulong din siya sa akin para mapalapit ulit sa kanyang anak. 

Matapos ang naging pag-uusap namin ay ipinaalam ko sa kanya si Andrew na ilabas para kumain. Pagkakataon ko na rin iyon para makamusta pa siya ng mabuti at makausap. Agad naman itong pumayag, pero si Andrew ay parang nag-aalangan pa. Ngunit sa pangangantsaw ni Dante ay pumayag na rin ito.

Dinala ko siya sa aking paboritong restaurant na madalas kong pinupuntahan na malapit lang sa aking pinapasukan. Tulad ko ay nagustuhan rin niya ang ambiance ng lugar. Habang naghihintay ang aming mga order ay tinanong ko siya sa nagung buhay nila sa probinsya. Ganoon rin siya sa akin pero nang tanungin niya ako tungkol sa pinag-usapan namin ng kanyang mga kaibigan ay naisip kong hindi na sabihin pa.

At sa aming pag-uusap hanggang sa kami ay kumakain ay nappapangiti ako. Pakiramdam ko na nagbalik na ang dating Andrew, na masayang kausap, malayo sa pinakita nito sa akin nung huling pag-uusap namin dalawang taon ang nakalipas.

Abala pa rin kami sa pagkain at pag-uusap nang mapatayo sa malamig na tubig na bumuhos sa aking damit. Bagamat nagulat at pinagtinginan ng ibang mga taong kumakain din doon ay hindi ko magawang magalit lalo nang makita ko ang reaksyon ng waiter na humihingi ng tawad sa akin.

Dumating din ang kanyang manager. At sa tingin ko ay pagagalitan niya ito. Doon ko nalaman na trainee pa lang siya kaya naintindihan ko naman agad ang kanyang kalagayan. Kaya ako na ang nakiusap sa waiter na wag na itong pagalitan o tanggalin dahil lang sa simpleng pagkakamali na hindi ko naman ikinapahamak.

Hindi ko akalain na sa simpleng bagay na ginawa ko ay ikinatuwa ni Andrew. Marahil ay bago sa kanyang paningin ang aking ginawa, hindi makapaniwala na gagawin ko ang ganoong bagay gaya ng pagkakilala niya sa akin noon na kapag may ginawa sa aking mali ay pinagtitiripaan o sinusungitan ko. Nagkunwari lang akong hindi alam kaya tinanong ko siya.

At dahil hindi ako komportable sa damit kong nabasa ay hinubad ko ito. At nakita kong nagulat siya. Alam ko, nakita at natatandaan pa rin niya ang suot kong kwintas.

Itutuloy...








Wednesday, August 14, 2013

TRUE LOVE 6

(Andrew POV)

Bigla naman akong natauhan sa aking nagawa sa kanya kaya agad akong kumalas.

"Pasensya na Bryan, nadala lang ako." ang paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Naisip ko kasi na hindi tama ang ginawa ko sa kanya lalot na at kasama rin namin ang kanyang ama.

Sa sinabi kong iyon ay napansin ko na parang nag-iba ang kanyang reaksyon ngunit hindi ko na lang binigyan pa ng kahulugan iyon.

"By the way Andrew, kanina lang bago ka dumating ay napag-usapan ka namin. Were just wondering kung bakit hindi ka pa nagkaroon ng hint sa taong tumulong talaga sa inyo." ang pagsingit naman ng kanyang ama.
"Actually Doc, naisip ko na pamilyar po ang mukha niyo sa akin nung una ko pa lang kayo nakita. Pero hindi ko po talaga natandaan. Siguro dahil nakapokus lang ang isip ko kay nanay."
"Pero nung malaman mo ang buo kong pangalan wala ka bang naisip man lang?" ang pagtatanong ulit ng doktor.
"Ewan ko po ba." ang natatawa kong sagot. Naiisip ko kasi ang aking katangahan. "Marami naman taong parehas ang pangalan at apleyido di po ba?" ang dagdag kong biro.
"You have a point there." ang nangiti rin niyang pahayag. "So maiwan ko muna kayo diyan at may appointment akong pupuntahan. Ikaw na ang bahala sa kanya son."
"Sure Dad. I will take care of him." ang naging sagot nito. 

Simula nang umalis si Dr. Luis ay wala kaming naging imikan ni Bryan. Wala akong masabi dahil sa hindi naman siya nagtatanong. Tumagal iyon ng halos tatlong munuto hanggang sa tignan ko siya ulit.

Doon ko napansin na nakatingin lang pala siya sa akin habang nakangiti.
"Bakit ka nakangiti diyan?" ang tanong ko sa kanya ng may pagtataka. Nakaramdam ako bigla ng pagkailang sa mga oras na iyon.
"Nakakatuwa ka kasing pagmasdan....Hanggang ngayon kasi Andrew ang cute mo pa rin" ang tuwiran niyang isinagot ka ikinabigla ko.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" ang naitanong ko sa kanya. Mas lalo na akong nailang sa kanya.

Bigla naman niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin.
"Youre blushing!" ang naisambit niya.
 Sa pagkakataong iyon ay nablangko ang aking utak at walang nasabi.

Bumalik na siya sa kanyang kinauupuan.
"Nakakapanibago ka ha. Ngayon ka pa nahihiya sa akin. Matagal naman na tayo magkakilala."

Sa isip-isip ko, na nahiya talaga ako sa kanya. Hindi ko kasi inaasahan na siya pa talaga ang makakagawa ng ganoon kalaking tulong sa amin.
"Pasensya na Bryan. Hindi na kasi ako sanay, na tinitignan ng ganyan ng ibang tao.  "
"Ganoon ba pero hindi ko lang kasi maiwasan Andrew. Marami na kasing nagbago sayo. Look halos maaabutan mo na ako sa tangkad tapos lumaki na rin ng kaunti ang muscle mo. Pero ang dahilan talaga ng pagngiti ko ay ang iyong mukha na hanggang ngayon ay cute pa rin para sa akin tulad nang nasabi ko kanina."
"Tama na nga yang pambobola mo." ang nasabi ko na lang. "Ang mabuti pa ay balikan ko na si nanay. Pwede ka nang sumama para makausap ka rin niya.
_______________
Kasama ko si Bryan sa aking pagbalik sa kwarto ni nanay.

"Good Afternoon po, Kamusta na po kayo Tita?." ang magalang na pagbati ni Bryan na sinabayan ng pagmano.
"Mabuti na ako iho. Sabi ni Dante na ikaw ang tumulong sa amin. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa iyo, sa inyo ng iyong ama."
"Wala pong anuman iyon Tita. Masaya po ako at magaling na kayo. Sabi pala ni Dad na pwede na kayong ilabas sa susunod na linggo."
"Oo nga iho."
"Ah Andrew, ano naman ang magiging plano mo kapag lumabas na si Tita?" ang baling niya sa akin.

Sa totoo lang ay hindi ko pa talaga alam ang aking gagawin sa pagsapit ng araw na iyon. Biglaan kasi ang pagluwas namin dito dahil sa naging karamdaman ni nanay kaya hindi kami naging handa.

"Anak nasabi pala sa akin nitong si Dante kanina na may tinutuluyan ka ngayon."
"Opo nay pero pansamantala lang iyon hanggat narito pa kayo sa ospital. At ngayong malapit na kayo ma discharge ay magsisimula na akong maghanap ng matitirahan natin."
"Ganoon ba anak. Pero, paano naman ang pag-aaral mo, isang linggo na lang at magpapasukan na."

"Dont worry about that Tita. Inayos ko na ang lahat tungkol diyan. Matutuloy pa rin si Andrew sa pasukan at doon ulit siya mag-aaral sa unibersidad na pinasukan namin noon. Tungkol naman sa mga bayarin, ako na ang bahala." ang pagsingit naman ni Bryan.
"Narinig mo yun anak, makakapag-aral ka pa ulit." ang masayang sambit ni nanay.
"Hay... friend. Ang bait pa rin sayo ni Papa Bryan... Youre very lucky na may prince charming ka na katulad niya," ang kinikilig na bulalas naman ni Dina.

Tinignan ko si Bryan at nakita ko na nakangiti siya sa akin at sinabayan muli ng pagkindat. Parang lumaki yata ang ulo niya sa sinabi ni Dina.
"Magtigil ka nga diyan Dina." ang nasabi ko na lang sa kanya.
"Totoo naman friend. Nariyan siya to the rescue kapag kailangan mo. Tulad na lang sa nangyari kay Tita. Tapos handa pa siyang sumuporta sa iyo gaya na lang sa pag-aaral mo."
"Tama! Ang galing mo talaga Dina." ang masaya sambit ni Bryan.

"Tsk...Talagang magkasundo na kayo ngayon ha. Unbelievable." ang sabi kong may pagtataka. Naalala ko kasi yung mga panahon na magkaklase kami ni Dina.
"Siyempre naman. Dahil sa kanya ay nagkita na tayo ulit. Malaki ang utang na loob ko sa kaibigan mong ito." ang sagot ni Bryan.
"Alam mo ba friend, matagal na niya akong kinukulit tungkol sayo. Hindi ko naman talaga sinasabi.. Pero nung tumawag ka at humingi ng tulong ay doon ko na naisip na sabihin sa kanya ang lahat. Gaya nga ng sabi ko kanina, siya lang ang taong may kakahayan na tumulong sa inyo."
"Tama ka na naman diyan!" ang pagsingit ulit ni Bryan. "In face naging maganda naman ang resulta ng aming ginawa. Parehas kaming nakinabang. Sa panig ni Andrew, napagaling ni Dad si Tita. At sa panig ko naman ay masaya ako dahil nakita ko na siya ulit.

"Napakabait mo talaga sa aking anak Bryan." ang sabi ni nanay sa kanya.
"Andrew anak, tama si Dante. Mapalad ka na magkaroon ng isang mabuting kaibigan tulad ni Bryan."
"Tama po kayo nay." ang aking tugon.
"Bryan, nagpapasalamat ulit ako sayo. Ikaw ang dahilan kung bakit magkasama pa rin kami ng aking
anak hanggang ngayon. Tatanawin naming isang malaking utang na loob ito sa inyo ng iyong ama."

 Hinawakan ni Bryan ang mga kamay ni nanay.
"Mahalaga po sa akin ang inyong anak Tita kaya ko po ginawa ang lahat ng ito nang walang pagdadalawang-isip. Basta po para sa kanya ay gagawin ko ang lahat."

Sa aking narinig ay naisip ko na hindi na lang bigyan pa ng kahulugan ang kanyang sinabi. Ayaw kong masira ang aking mood sa mga oras na iyon.

"Hayaan mo Bryan, paglabas ko dito ay babawi kami sayo ng aking anak di ba Andrew."
"Ah... opo nay." ang aking tugon.
"Sige po Tita." ang nakangiting sagot naman ni Bryan.

Matapos niyang sabihin iyon ay nagkatinginan kami. Ayaw ko namang mag-assume sana pero parang napansin kong may iniisip siyang iba. Kung anuman iyon ay wala na akong pakialam.
"Siyanga po pala Tita, hihingi po sana ako ng permiso sa inyo na isama si Andrew saglit na lumabas." ang kanyang pagpaalam na nagpagulat sa akin.
"Sige lang. Para makapag-usap pa kayo at magkamustahan. Matagal din kayong hindi nagkita. ang agarang pagpayag ni nanay."
"Ayieeeee.... Nagyaya na si Papa Bryan ng date sayo. Ako na muna ang bahala dito kay Tita. Kaya go ka na friend."
"Kaw talaga Dina." ang nasabi ko na lang na napapailing.

Pumayag na rin ako sa gustong mangyari nitong si Bryan tutal ay wala namang magbabago. Pakunswelo ko na lang ito sa ginawa niya sa amin.
_____________
"Ano ba ang binabalak mo ngayon Bryan at sinama mo pa ako?" ang tanong ko sa kanya na kasalukuyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan.
"Gusto ko lang kumain kasama ka... at para narin makapag-usap pa tayo."

Hindi na muna ako kumibo, hinayaan na lang sya kung saan niya ako dadalhin.

At makalipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa gusto niyang puntahan. Narito kami ngayon sa isang first class at mamahaling restaurant .

Pagkaupo namin ay nilapitan kami ng isang waiter at inabot ang listahan ng kanilang mga pagkain.
"Just choose what you want, Ako ang bahala." ang sabi niya sa akin.

Bagamat hindi ako gaanong nagugutom sa mga oras na iyon ay tinuro ko pa rin sa waiter ang pagkain na aking gusto.

Habang naghihintay sa aming order ay tahimik lang ako. Wala naman kasi akong maisip na pwedeng itanong sa kanya. Marahil ay napansin niya ito kaya siya na rin ang bumasag ng aming katahimikan.
"Kamusta naman ang naging buhay niyo sa province Andrew?" ang kanyang panimulang tanong sa akin.
"Maayos naman."
"Balita ko na nagkaroon daw kayo ng sariling business doon and mayroon na kayong sariling bahay, right?
"Ah oo. Mas naging abala kami sa paghahanap-buhay doon kung ikukumpara nung nakatira pa kami dito sa Manila. Alam mo naman na kailangang magbanat ng buto roon para mabuhay."
"Yeah, tama ka. Siyanga pala Andrew, nung pumunta pala ako sa unibersidad na pinasukan mo roon para asikasuhin ang mga dokumento mo sa pagtransfer ay nakausap ko ang mga naging kaibigan mo doon."
"Nasabi nga nila sa akin yan nang tinawagan ko sila nung nakaraan.
"Sa tingin ko ay naman mababait sila at naging mabuting impluwensiya sayo. May pagkakwela rin pala sila lalo na yung dalawang babae."

Alam ko naman kung sino yung mga babaeng kanyang tinutukoy.
"Ganoon lang talaga sila."
"Actually marami kaming napag-usapan eh pero.... hindi ko na siguro ikukuwento pa sayo."
"Bakit?
"Basta. Kung gusto mong malaman, sila na lang ang tanungin mo."
"Sige. Ikaw naman Bryan, kamusta na ang buhay engineer?" ang tanong ko naman sa kanya. "Sa totoo lang naninibago rin Iako sa ayos mo ngayon, professional ka na talaga tignan ah."
"Ano naman ang palagay mo sa akin, katulad pa rin noon?" ang nakangisi niyang pagtugon.
"Medyo..."

Napangiti lang siya sa narinig sa akin.
"Ok lang naman ako, medyo nakakaadjust na rin kahit papaano sa dami ng trabaho." ang sagot naman niya sa aking itinanong kanina. "Pero alam mo Andrew, nitong mga nakalipas na buwan ko lang narealize na masarap pala sa pakiramdam na humawak ng pera galing sa pinaghirapan mo."

Nagulat naman ako sa mga pahayag niyang iyon. Parang ibang Bryan ang kaharap ko ngayon.
"Hindi ako makapaniwala na nakakapagsalita ka ng ganyan."

Natawa lang siya sa aking sinabi.
"I already have stable job at sariling income. Lahat ng gusto kong gawin ay magagawa ko na. Ang ilang mga ginastos ko sa inyo tulad ng pagbayad sa ospital na pinagdalhan mo kay Tita sa probinsya hanggang sa pagluwas niyo dito ay galing sa sarili kong pera."

"Im happy for you, at natuto ka nang maging independent." ang pagpuri ko sa kanya.
"Thanks. Pero hindi naman mangyayari ang lahat ng ito sa aking buhay kundi dahil sayo."
"Talaga?"
"Oo naman."

Naputol saglit ang aming pag-uusap sa pagbalik ng waiter dala ang aming mga inorder. At nagsimula na kaming kumain.

"How's the food?" ang tanong niya habang abala sa pagkain.
"Masarap."
"Mabuti naman at nagustuhan mo. Alam mo bang ito ang paborito kong restaurant. Madalas ako dito lalo na kapag gabi."
"Sa bagay hindi na ako magtataka pa sa ganda ba naman ng ambiance dito kaya marami rin taong kumakain dito. Pero paano mo naman nalaman ang lugar na ito?"
"Nung mga araw na nagsisimula pa lang ako sa trabaho ay naghahanap ako ng lugar na pwede kong kainan. Ayon, nakita ko ito."
"Ibig mong sabihin na malapit na dito ang pinapasukan mo?"
"Medyo, mga kalahating kilometro mula dito."

Abala pa rin kami sa pag-uusap nang biglang mapatayo si Bryan sa kanyang kinauupuan na nakakuha rin ng atensyon ng iba pang taong kumakain doon.
"Sorry po boss." ang agad na paghingi ng paumanhin sa kanya ng waiter. Natapon pala ang tubig na kanyang dala at sakto namang bumuhos ito sa suot na polo ni Bryan.
"Ah ok lang next time mag-iingat ka." ang kanyang sagot. Hindi ko naman nahimigan ng pagkainis ang kanyang boses.

Gayunpaman ay nakikita ko pa rin sa waiter na iyon ang pagkataranta. Ilan saglit lang ay may dumating pang isang lalaki na sa tingin ko ay manager ng restaurant.
"Im very sorry Sir sa ginawa ng trainee namin." ang paghingi rin niya ng paumanhin.

Napansin ko naman ang matalim na titig ng manager sa sinasabi niyang trainee na napayuko na lang marahil sa kahihiyan. Parang nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya.

"Its ok Sir dont worry. Tubig lang naman ito. I understand na trainee pa lang siya kaya nakakagawa pa ng pagkakamali tulad nito. Ako na ang makikiusap sana kung maaari ay huwag niyo na lang muna siya paalisin at bigyan pa ng chance."

Lubusan naman akong nabilib sa sinabing niyang iyon sa manager. Napansin din pala niya ang kalagayan ng waiter.
"Sige po Sir." ang simpleng tugon ng manager. Umalis na silang dalawa.

"This is unbelievable! ang di ko napigilang sabihin kay Bryan matapos makita ang kanyang ginawa.
"Bakit naman?"
"Yung sinabi mo kanina."
"Parang iyon lang. Hindi naman sinasadya yun ng waiter. At sinabi naman nung manager na trainee pa lang siya kaya nag-aadjust pa yun. Nakakaawa naman kung tatanggalin siya agad dahil lang sa simpleng pagkakamali."

Sa puntong iyon ay masasabi ko sa aking sarili na sa paglipas ng mahigit dalawang taon ay malaki na talaga ang ipinagbago sa pag-uugali nitong si Bryan. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapangiti.
"Pangiti-ngiti ka diyan ha. Tama yan para mas lalong lumabas ang pagka cute mo!" ang sabi niya.

 Dahil sa basa ang kanyang suot na polo ay hinubad niya muna ito.

At sa ginawa niyang iyon ay  agad na nabura ang ngiti sa aking mukha at napalitan ng hindi maipaliwanag na emosyon nang makita ko ang suot niya sa leeg na isang bagay.


Itutuloy....





Tuesday, August 6, 2013

TRUE LOVE 5

(Andrew POV)

Tatlong beses akong sumubok na tawagan si Dina ngunit hindi niya sinasagot ang kanyang cellphone kaya itinigil ko na muna.  Bumalik na ako sa aking kinauupuan sa tabi ng kama ni nanay.

Habang nakatingin sa aking nakaratay na ina ay sinariwa kong muli sa aking isip ang lahat, simula nung araw ng atakihin si nanay sa puso hanggang sa kanyang pagkakaopera. Doon ko naisip na ang lahat pala ng mga nangyaring iyon ay naging pabor sa amin.  Inaamin ko sa aking sarili na talagang nasiyahan ako. Pero sa kabila nito ay may mga bagay na gumugulo pa rin sa aking isip.

Nasa kasagsagan ako ng aking pag-iisip nang biglang pumasok si Dr. Luis para sa check-up ni nanay.
"Ah doc. matatagalan pa po ba bago magising si nanay?" ang aking tanong sa kanya.
"One of these days ay magkakamalay na siya. Kaunting tiis lang iho." ang kanyang tugon habang abala sa pagsusuri kay nanay.
"Oo nga po. Excited na kasi akong makausap siyang muli. Marami na rin kasi akong sasabihin sa kanya."
"Naiintindihan kita."
"Alam niyo po doc, naisip ko na hulog kayo ng langit sa aming mga mahihirap." ang di ko naiwasing isambit dala ng aking kasiyahan.

Napatingin naman sa akin ang doktor na may kasamang ngiti.  "Bakit mo naman nasabi yan?"
"Kayo po ang nagligtas kay nanay sa kapahamakan. Kayo po ang naging susi para madugtungan pa ang kanyang buhay. Dahil sa inyo ay magkakasama pa ulit kaming dalawa."
"Kaw talagang bata ka...Ginagawa ko lang ang aking trabaho. Alam mo bang sa halos 20 taon ko na sa propesyong ito, ngayon lang ako nakarinig ng ganyan sa kamag-anak ng aking pasyente?" ang natutuwa niyang pahayag.
"Humahanga lang po ako sa inyo kasi magaling at mabait kayo." ang di ko naiwasang sabihin. Sa puntong iyon ay naramdaman ko na parang ang gaan ng loob ko sa kanya sa di maipaliwanag na dahilan.
"At laki talaga ng pasasalamat ko sa kaibigan kong si Dante, kung di dahil sa kanya ay hindi tayo magkakakilala at higit sa lahat baka natuluyan na talagang mawala sa akin si nanay." ang aking pagpapatuloy.
"Tama iho..."
"Ah doc... Paano po pala kayo napapayag ng kaibigan ko na mag-opera kay nanay?" ang bigla kong naitanong sa kanya.
"Sino, yung Dante ba? yung kaibigan mong pumupunta dito?"
"Opo doc..."

Nagtaka naman ako sa sagot niyang iyon na para bang hindi niya gaanong kilala si Dina.

"Actually iho mga dalawang beses ko pa lang siya nakakausap. Pinakilala lang siya sa akin ng anak kong lalaki. At iyon din yung araw na nagrequest ang anak kong iyon sa akin na ako na ang mag-opera sa iyong ina."

Lubusan ko namang ikinabigla ang mga nalaman ko sa kanya.
"So Doc, ibig sabihin na wala palang ibinayad sa inyo si Dante sa operasyon?" ang aking naitanong sa kanya.
"Oo naman."

Sa aking mga narinig ay nagkaroon na ako ng ideya kung bakit sinasabi nina Dina at Dr. Luis sa akin na hindi ko na kailangang bayaran pa sila.

"Maiba pala ako iho, galing kayo sa probinsya di ba?" ang sunod niyang tanong na nagputol sa aking pag-iisip.
"Ah opo sa Bicol."
"Pero dati na rin kayong tumira dito sa Manila...tama?"

"Actually, sa Tondo po talaga ako lumaki. Nung pinaalis kami doon 2 years ago ay nagpasya kami na manirahan na lang sa bayan ni nanay."
"Ah ok. Kamusta naman ang naging buhay niyo sa probinsya?"
"Maayos naman po. Nairaraos naman namin ang mga gastusin sa araw-araw. Katunayan nga niyan, mayroon kaming maliit na negosyo. Nagtitinda po si nanay ng isda sa palengke, samantalang ako ay may sideline bilang helper sa ibang mga nagtitinda doon."
"Mabuti kung ganoon. May balak pa ba kayong bumalik doon kapag magaling na ang iyong nanay?"
"Sa ngayon ay hindi na muna siguro dok. Sa kondisyon kasi ni nanay ay hindi na siya maaaring makapagtrabaho ulit tulad ng dati. Bale ako na lang ang maghahanap ng trabaho para sa amin. Parang magsisimula ulit kami."

Matapos kong sabihin iyon ay lumapit sa akin ang doktor at naramdaman ko ang pagpatong ng isa niyang kamay sa aking balikat.
"I admire you iho, Isa kang napakabuting anak, maaalalahanin sa magulang, napakabait at masipag. Hindi na ako magtataka pa kung bakit madaling mahalin ang isang tulad mo. And you deserve our help."

Napatingin ako sa kanya dahil sa aking narinig. Iniisip kung bakit siya nagsasalita ng mga ganito sa akin at kung ano ang ibig niyang ipakahulugan sa mga salitang kanyang sinabi. Isang ngiti lang ang nakita ko sa kanyang mukha.
__________
Nasa kasarapan ako ng aking pag-iglip sa tabi ni nanay nang may maramdaman akong may humahaplos sa aking ulo dahilan upang akoy magising.

At sa pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko ang nagkamalay kong ina.  Sa sobrang kasiyahan ko ay niyakap ko siya agad.

"Nay mabuti naman at nagising ka na. Ang tagal kong hinintay ang oras na ito." ang aking masayang sambit matapos siyang yakapin.

Nilibot niya ang kanyang mata sa paligid.
"Nasaan tayo anak?"
"Sa ospital po dito sa Manila."
"Teka lang anak, di ba ayaw mo na dito?"
"Wala na po akong choice nay."
"Pero... paano ako napunta dito? Saan ka nakakuha ng pera anak para ipagamot ko?"

Bigla kong naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Dr. Luis.
"Ah nay huwag niyo po munang isipan niyan. Ang mahalaga po ay ligtas na kayo. At ngayon po nay ay magaling na kayo. Magkakasama pa ulit tayo," ang nasabi ko na lang. Hanggang ngayon kasi ay naguguluhan pa rin ako tungkol sa bagay na ito.

Isang pagtungo na may kasamang matipid na ngiti ang isinagot niya sa akin kasabay ng haplos ng isa niyang kamay sa aking ulo.

Maya-maya lang ay pumasok na si Doc kasama ang isang nars. Muli nilang sinuri si nanay.
"Ah  nay siya nga po pala si Dr. Luis. Isa siya sa mga tumulong sa atin. Siya ang nagsagawa ng operasyon sa inyo." ang masaya kong pagpapakilala sa kanya sa doktor.
"Maraming salamat po sa pagtulong ninyo sa amin ng anak ko Doc."ang pahayag ni nanay dala ng kaligayahan.
"Walang anuman po iyon. Maswerte ka at nagkaroon ka ng isang mabait at mapagmahal na anak na tulad niya."
"Tama po kayo. Mabait na bata po talaga si Andrew."

Nagkatawanan kaming lahat.
"Wala namang problema. Lahat naman sa kanya ay normal kaya magaling na siya. Pwede na siyang makalabas next week." ang pahayag ng doktor matapos nila siyang suriin ng nars.

Natuwa kaming dalawa sa aming narinig.
"O siya maiwan ko muna kayong mag-ina diyan para makapagbonding kayo. Marami pa akong aasikasuhing pasyente."
"Sige po Dok. Maraming salamat po ulit." ang aking sinabi sa kanya.

Pagkaalis ng doktor ay tinawagan ko ang lahat ng aking mga kakilala. Ang aking mga kaibigan sa probinsya at si Troy. Lahat sila ay masaya para sa amin.

Ang huli kong tinawagan ay si Dina.
"Hello Dina. Gising na si nanay at pwede na siyang ilabas sa susunod na linggo!" ang masaya kong sambit sa kanya.
"Talaga? Mabuti naman kung ganoon. Sa wakas ay tapos na ang iyong problema. Im happy for you friend."
"Salamat ulit sa mga tulong mo sa aming mag-ina."
"Youre welcome... At ngayong maayos na si Tita, panahon na siguro para malaman mo ang lahat friend."
"Anong ibig mong sabihin?" ang agad kong tinanong sa kanya.
"Mamaya mo malalaman pagdalaw ko diyan."

Sa puntong iyon ay naalala ko ulit ang mga sinabi sa aking ni Dr. Luis at ng mga kaibigan ko sa probinsya. Naisip ko na ito na siguro ang kasagutan sa lahat ng mga bagay na gumugulo sa aking isipan noon pa.
__________
Habang naghihintay sa pagdalaw ni Dina ay nilahad ko kay nanay ang lahat simula nung araw na atakihin siya sa puso. Sinabi ko rin sa kanya ang aking ginawa sa aming negosyo at sa bahay namin sa probinsya. Napag-usapan din pala namin ang aming magiging plano sa mga susunod na araw paglabas niya ng ospital.

At makalipas ang dalawang oras ay dumating na ang taong aking hinihintay.

"Magandang hapon po Tita." ang magiliw na pagbati ni Dina kay nanay sabay mano bilang paggalang. "Masaya ako at ligtas na kayo."
"Oo nga Dante. Sabi ng aking anak na isa ka sa tumulong sa amin. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa iyo. Hayaan mo at kapag lubusan na akong magaling ay babawi ako sayo."

Napatingin bigla sa akin si Dina na ipinagtaka ko. Maya-maya ay nagsalita ulit siya.
"Ah Tita, nakilala niyo na po ba yung doktor na naggamot sa niyo?"
"Oo, kanina nandito siya para sa check-up ko. Nagpasalamat na rin ako sa mga naitulong niya sa amin."
"Ok. Ah Andrew..." sabay baling niya sa akin. "Nung unang makilala mo ang doktor, wala ka bang napansin sa kanya?"

"Napansin? Hmmm...." saglit akong nag-isip. "Wala naman pwera lang yung mukha niya na parang pamilyar sa akin. Hindi ko kasi matandaan kung saan ko siya nakita."
"Iyon lang?" bigla siyang natawa sa aking sinabi. "Sa buong pangalan naman niya wala ka bang napansin?"

Saglit akong nag-isip.
"Dr. Luis.... Dr. Luis Sebastian... wala naman."

Muling natawa si Dina. Nakaramdam naman ako ng pagkainis sa kanya.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan Dante!?"
"Relax ka lang friend. Tinawag mo na naman akong Dante. Alam mo naman na I hate that name."

Hindi ako kumibo.
"Sorry naman friend. Nagtataka lang naman ako kung bakit hindi mo pa napansin eh matalino ka naman."
"Ewan ko sayo Dina. Pwede bang deretsuhin mo na ako kung ano ang dapat kong malaman" ang medyo naiinis ko pa ring pahayag.
"O sige. Pero promise mo muna na hindi ka na magagalit sa akin."
"Oo na... oh ano ba kasi iyon?"
"Ooops.. Galit ka pa rin eh. Smile ka muna sa akin. i want to see your handsome face friend."

Hindi ko naiwasang matawa. "Ikaw talaga Dina, binobola mo na naman ako."
"Yan. Good at ngumiti ka na rin. O siya ito na."

"First of all Tita and Andrew, gusto ko lang po linawin na ang lahat ng natanggap niyong tulong ay hindi galing sa akin. Ang totoo po niyan ay nung araw na tawagan ako ni Andrew para humingi ng tulong ay agad kong kinausap ang isang tao na malapit talaga sayo Andrew at may kakayahang tumulong talaga sa inyo."

"Andrew, siya ang anak ni Dr. Luis Sebastian."

Isang nagtatakang tingin ang pinukol ko kay Dina kasabay ng pag-iisip kung sino ang tanong tinutukoy niya na talagang tumulong sa amin na anak ng doktor.

"Dr. Luis..... Sebastian...."
"Sebastian...."
"Luis...."

At doon na ako nakakuha ng idea kung sino ang taong sinasabi ni Dina.
"Alam ko na Dina kung sino..." ang aking nasabi matapos ang malalim na pag-iisip.

At doon ko napagtanto ang lahat. Kaya pala parang pamilyar sa akin ang doktor. Naalala ko na siya yung nakita ko sa family picture nung unang araw ng pagpunta ko sa kanilang bahay para sa part time na pagtutor at talagang magkamukha silang dalawa.

"Napakatanga ko naman talaga oh!" ang aking nasabi sa aking sarili.

"Gusto ko siyang makausap Dina." ang agad kong nasambit.
"Hmmm... sa tingin ko naroon na siya ngayon sa clinic ng kanyang dad. Pwede mo na siyang puntahan doon ako na muna bahala dito kay Tita." ang sagot sa akin ni Dina.

Mabilis ko namang tinungo ang silid ni Dr. Luis. Nasa pinto na ako at akmang kakatok na nang marinig ko ang pag-uusap ng dalawang tao sa loob. Sa puntong iyon ay may naramdaman akong kakaiba, parang pagkasabik na makikita ko na ulit siya pero hindi pa rin maalis sa akin ang lungkot at sakit sa nangyari sa amin noon.

Nagpatuloy pa rin ako sa pagkatok. At nang marinig ko ang tinig ni Dr. Luis ay tumuloy na ako. Sa pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa aking harapan ang mag-ama na masayang nag-uusap sa kanyang mesa.

Agad kong binaling ang aking tingin sa kanyang anak na nakaupo. Sa nakalipas na dalawang taon ay wala pa ring nagbago sa kanyang pisikal na anyo at itsura. Sa kanyang pagtayo ay naroon pa rin ang ganda ng kanyang tindig, tangkad at katawan. Makinis pa rin ang kanyang mukha. Clean cut na ang kanyang buhok. Ang pagngiti niya sa akin ang lalong nagpadagdag sa kanyang angking kagwapuhan.

Doon ko rin napansin ang kanyang ayos. Sa suot niyang polo na nakatupi hanggang siko na hapit sa kanyang katawan at itim na slacks na pantalon ay masasabi kong isa na siyang propesyunal, iba sa pagkakilala ko sa kanya noon sa school na siga at nangbubully ng mga estudyante.

"Hi Andrew." ang magiliw na bati niya sa akin na sinuklian ko ng isang matipid na ngiti.
"Oh Andrew iho, hindi ko na kailangan pang ipakilala sayo pa ang aking panganay na anak sa iyo tutal ay matagal na kayong magkakilala." ang pahayag naman ng doktor. "Upo ka iho."

Ang aking pakay lang naman sa talaga sa kanila ay ang magpasalamat lalo na kay Bryan pero ngayong kaharap ko na sila ay hindi na ako makapagsalita. Parang kinakabahan ako na ewan.

"Hindi mo ba ako babatiin man lang Andrew?" ang sabi niya ulit sa akin.

Agad ko nang inayos ang aking sarili.
"Ah Bryan, long time no see... Kamusta ka na?"
"Eto. Guwapo pa rin." ang kanyang nakangiting sagot sabay kindat. Isa pa sa hindi nagbago sa kanya ay ang kanyang over-confidence sa sarili.

"Sabi nitong anak ko na mag schoolmate daw kayo nung college at naging close kayong dalawa maliban kina Troy and Michael." ang pagsingit naman ng kanyang ama.
"Ah opo Dok."
"Alam mo ba akala ko na hindi na siya magbabago pa. Kaya nang mabalitaan ko na isa na siyang ganap ng engineer at nagtatrabaho na sa isang sikat na telecommunications company."

Sa aking narinig  ay nalaman ko na isa na palang engineer si Bryan kaya pala ganoon ang kanyang ayos. Hindi ko maiwasang malungkot dahil ganito na rin sana ako ngayon kung di lang ako nagkaroon ng problema.

Maya-maya lang ay naramdaman ko isang kamay na pumatong sa aking balikat.
"Dahil sayo ay natuto nang magseryoso sa buhay itong anak ko. Kaya thanks to you iho."

"I know kung ano ang nararamdaman mo Andrew. At syempre gusto ko ring mangyari sayo ang nararanasan ko ngayon. Nanghihinayang ako nang malaman kay Dad na maapektuhan na naman ang pag-aaral mo. Kaya... gumawa ako ng paraan para makapagpatuloy ka pa rin. Personal akong nagpunta sa inyong province para lakarin lahat para sa pagtransfer mo dito sa Manila. Sayang naman ang talino mo di ba? And doon ulit sa university na pinasukan natin noon ka pala mag-aaral sa darating na pasukan."

Sa sinabi niyang iyon ay nalaman ko na siya pala ang tinutukoy ng aking mga kaibigan na pumunta doon sa pinasukan kong unibersidad sa probinsya.

"I want to you to be successful also like me para sa iyong ina kaya ko ginawa ang lahat ng ito." ang kanyang pagpapatuloy.

Hindi ko na maitago pa ang kasiyahan at napayakap ako sa kanya dala ng matinding emosyon. Naramdaman ko ang pagsukli din niya ng yakap sa akin.

Itutuloy....