Friday, October 8, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 3

Tulad ko, ganun din ang naging reaksyon ng taong nasa aking harapan.

Sa mga oras na iyon ay maraming bagay ang agad na pumasok saaking isipan. Masaya ako dahil araw-araw ko nang makikita ang aking ultimate crush. Pero agad ito napalitan ng lungkot dahil sa hindi niya magandang pakikitungo sa akin tulad na lang ng eksena sa canteen.. Ewan ko ba parang naiisip ko na ang mga di kanais-nais na mangyayari sa aming dalawa lalo na't nakatira kami sa iisang bahay.

Agad naman siyang pumasok, nilapag ang bag sa sofa at umupo na mistulang pagod. Kahit alam kong inis siya sa akin ay naglakas pa rin ako ng loob ng magpakilala sa kanya.

"Ah Jake, ako pala si David, pakilala ko sa kanya sabay ngiti.
 "Sinabi ko bang magpakilala ka? alam ko na ang lahat tungkol sa iyo kaya manahimik ka na lang.

Bigla naman ako napaisip sa sinagot niya. Kilala daw niya ako at alam niya lahat. Nakaramdam naman ako ng kilig, pakiramdam ko kasi stalker ko siya hehehehe. Para makasigurado tinanong ko pa siya.

"P..paano mo naman nalaman ang tungkol sa akin?"
"Masyado ka yatang madaldal, tanong ka ng tanong close ba tayo ha", sabi niya habang nagtatanggal ng sapatos at medyas.
"Alam mo naman na hindi ako sumasama o nakikipag-usap sa mga taong di ko ka level tulad mo. Siyempre kinikilala ko ang bawat isa para malaman kung kakaibiganin ko sila o hindi at kasama ka na dun." dugtong niya na seryoso pa rin ang mukha.

Nakaramdam naman ako ng inis sa pang-iinsulto niya sa akin ngunit naisip ko rin na pagpasensyahan na lang siya bilang pakikisama sa kanyang pamilya. Niyaya ko na lang siya na kumain na at sumunod naman siya. Habang nasa kainan, may sinabi si Tita Edna na kinabigla namin ni Jake.

"Jake anak dito na titira si Tito Mariano mo kasama ang anak niyang si Dave ah, kaya pakisamahan mo sila ng maayos. Ah siyanga pala naisip ko na ibigay yung kwarto ng kapatid mo kay Dave katabi nung sayo. Tutal naman matalino ka anak at parehas kayong nasa fourth year ay matutulungan mo siya sa pag-aaaral. Maging mapagbigay kayo sa isat-isa. At sabay kayong papasok at uuwi ng school ha tutal nasa iisang bahay lang naman kayo nakatira.

"Ma naman, pero......" pagprotesta sana ni Jake na pinutol agad ni Tito Eddie at nagsalita.
"Wala nang pero pero. Share mo naman ang mga blessings mo sa iba anak, at walang masama sa sinasabi ng mama mo, nakakahiya naman sa tatay niya oh."
"Wag mo na kami isipin pare, ayos na samin ung pinatira niyo kami dito." si Itay.

Hindi na nakaimik ni Jake sa sinabi ng mga magulang niya at tinuloy na lang ang pagkain. Halata sa mukha niya ang pagka asar. Nahihiya  ako sa narinig pero sa kabilang banda kinilig naman dahil araw-araw ko na makikita at makakasama ang crush ko.

Pagkatapos ng hapunan, pumunta na ako sa kwarto ko para magpahinga. Nakaramdam ako ng panglalagkit ng katawan dahil sa mga ginawa namin sa maghapon kaya naisipan ko na magshower. Pagpunta ko sa banyo, napansin kong may tao sa loob. Alam ko na si Jake iyon dahil nakita ko na may sariling banyo sa kuwarto ang mag-asawa pati ng tatay ko. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang naturete ang utak ko at nag-init ang katawan ko sa nakita kong imahe ng tao sa loob ng glass door. Sinadya kong hintayin ang paglabas niya para makita ko ang kanyang itsura kapag bagong paligo. Maya-maya bumukas na ang pinto ng banyo at lumitaw sa aking harapan ang isang adonis na naka tuwalya. Nakita ko for the first time ang kanyang maskuladong katawan, mala-anghel na mukha at ang bukol sa kanyang tuwalya na siguradong malaki. Tila napako ako sa aking kinatatayuan at napatunganga sa kanya. Bigla siyang nagsalita na nagpabalik sa aking sarili.

"Padadaanin mo ba ako o hindi" si Jake.
"Ah eh oo naman," sabay gilid ko para makadaan siya.

Habang naglalakad pabalik ng kwarto niya, nagparinig siya na ikinabigla ko.

"Alam ko yang pagtitig mo. May pagnanasa ka sa akin. Pero sorry ka na lang, di ako pumapatol sa mga bading. Kaya itigil mo na yang ilusyon mo."sabay pasok ng kuwarto niya.

Muli napahiya na naman ako sa kanya at dali-daling pumasok ng banyo. "Pasensya lang, nakikitira lang ako dito. Itigil mo na kasi ang ilusyon mo sa kanya malabong mamahalin ka niya" sabi ng utak ko.

Kinabukasan, maaga akong gumising para kumopya ng mga notes sa mga kaklase ko dahil sa pagliban ko kahapon. Tulad ng hapunan sabay-sabay kami nag-agahan.

"Jake sabay na kayo ni Dave sa pagpasok ha, di ko na muna papagamit ang sasakyan sa iyo para masanay ka na kasama mo siya." utos ni Tito Eddie.

"Pa naman ayo........pagtanggi sana ni Jake na pinutol ni Tita Edna.
"Oooops bawal tumanggi, papasok kayo at uuwi ng magco commute lang OK."

Wala nang nagawa si Jake kaya nagsabay na kami sa pagpasok. Nasiyahan naman ako sa nangyari ngunit nababahala naman sa magiging reaksyon ng mga estudyante na makita nila kaming magkasama lalo na si Pat.

" Kapag nasa school na, dapat maghiwalay agad para walang makaalam na magkasama tayo ha, naiintindihan mo?" sabi ni Jake habang naglalakad kami.
"At wala kang pagsasabihan tungkol dito kundi lagot ka talaga sakin" dagdag pa niya.
" Sure, walang problema, sabi ko sabay ngiti.
" Ooopsss!" parang masyado ka na malapit sa akin, dumistansya ka nga, mga dalawang metro" utos niya.
" Ayan na po, OK na ba?" tanong ko sabay paglayo sa kanya.
" Yan, good boy, ay mali.... di ka pala boy" sabay kuha ng cellphone niya at may tinext.

"Aba, nakakatatlo na to ah ay teka hindi apat na palang insulto ang pinukol niya sakin, konting pasensya pa", sabi ng isip ko. Tama nga naman siya, dapat hindi malaman ng iba ang estado naming dalawa para ligtas sa mga tinatawag na green minded baka pagkaguluhan pa kami niyan. After 25 minutes narating na namin ng school. Pagpasok pa lang ng gate dali-daling humiwalay agad siya sakin at pumunta na sa room niya. Tulad ng inaasahan laging nagtitilian ang mga malalanding babae at baklang  estudyante kapag napapadaan ang campus crush sa corridor ng room nila. Doon ko narealize na mapalad pala ako dahil sila sa school lang nila makikita si Jake samantalang ako araw-araw at nakatira pa ko sa malapalasyo nilang bahay. Ang saya di ba...

Nakarating na ako sa room namin, nakita ko nandun na rin si Erika at ang bestrfriend kong si Pat na seryosong nag-uusap. Bigla naman ako kinabahan lalo na ng makita kong parang galit ang titig niya sakin, Pero nginitian ko lang sila. Nang makaupo na ako sabay labas ng notebook, biglang tayo ni Pat at lumapit sakin.

"Dave may itatanong ako sayo?" tanong niya na nagpakaba sa akin.

Itutuloy.....................

No comments:

Post a Comment