Wednesday, October 13, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 10

" Bago ang lahat, congratulations sa ating lahat. Natapos na ang ating apat na taon paghihirap sa high school, tulad ng mga mahihirap na exams, quizzes, projects, assignments, at recitation. Maswerte dahil binigyan tayo ng pagkakataon para makagraduate samantalang mayroon naman tayong mga kaibigan na hindi pinalad ngayong taon. Alam naman natin na hindi tayo pare-pareho sa ilang mga bagay. Tulad ko, hindi sa pagyayabang pero masasabi ko at ayon na rin sa iba na pinagkaloob sa akin ang lahat. Ang aking itsura, talino at yaman na naging dahilan para maging popular ako sa paaralang ito. Aaminin ko na ang mga ito ang naging dahilan upang makasakit ng damdamin ng ibang tao. Alam ko na maraming gustong makipagkaibigan sa akin at walang naglalakas loob na lumapit man lang marahil ay natatakot, nahihiya o ayaw mapahiya sa mga maari kong sabihin sa kanila. Inisip ko kasi na dapat mga kaparehong level ko lang ang dapat kong samahan. Ang babaw ko di ba? (sabay ngiti). Sa loob ng tatlong taon lagi akong ganito. Narealize ko lang ang lahat ngayong 4th year na ako dahil sa isang tao. Nabago ang aking mga maling pananaw dahil sa kanya. Nung una ko siyang nakita naalala ko sa canteen, habang kumakain sila ng isa niyang kaklase, aaminin kong sa isip ko nahusgahan ko agad ang kanyang pagkatao at nang marinig ko ang pagkagusto niya sa akin, nakaramdam ako ng pagkailang, pandidiri at pagyayabang sa kanya kaya sa isa na namang pagkakataon, naging mapanghusga na naman ako. Alam ko, nasaktan ang damdamin niya di lang dahil sa akin kundi sa kahihiyan. Pagkaraan ng ilang linggo, naging mapagbiro ang tadhana sa akin kasi ang taong ito ay kasama ko sa iisang bahay hanggang sa kasalukuyan dahil sa isang di inaasahang pangyayari. Oo, nakatira kami sa iisang bubong. Dito, nag-iba ang ikot ng mundo ko. Sa una harap-harapang iniinsulto ko siya at kinakahiya. Masyado ko nang minaliit ang pagkatao niya. Alam kong masyado na siyang nasasaktan sa akin pero natitiis niya ito siguro dahil sa may nararamdaman siya sa akin. At dito ako naging bilib sa kanya. Minahal na rin siya ng aking mga magulang at tinuring na sariling anak. Hindi na lingid sa inyong kaalaman na nag-iisa akong anak dahil sa namatay ang aking kapatid. Siguro dahil sa nakikita nilang pagkailang ko sa kanya ay  naisip nila na pagtabihin kami ng kwarto, magsabay sa pagpasok at pag-uwi at tulungan sa kanyang pag-aaral. Napilitan lang ako sa totoo lang dahil sa mga parusang ipapataw sa akin. Tiniis ko itong lahat ang araw-araw na puyatan at kunsumisyon maturuan lang siya. Nagbunga naman ito ng maganda dahil nag-improve kahit papaano ang mga grades niya. Ewan ko, nakaramdam ako ng saya lalo na nang magpasalamat siya sa akin. Kita ko sa kanya yung kakaibang ngiti. Korni ano? heheheh, pero alam niyo dahil dito natutunan ko na sa halip na laitin, husgahan at maliitin ang ating kapwa, tulungan na lang natin sila sa ikauunlad ng kanilang mga kakayahan." si Jake na nagbibigay ng mensahe.

Nabigla ako sa kanyang binigay na mensahe kasi alam ko na ako ang tinutukoy niya. At mas lalo kong kinagulat nang......

"Bago ko tapusin ang aking talumpati, nais kong ipakilala ang taong tinutukoy ko na nagpabago sa aking pagkatao. Sa kahuli-hulihang araw bilang high school student nais kong malaman niyong lahat na ang taong ito ay si John David Rodriguez.(sabay turo sa direksyon kung saan ako nakaupo, ngumiti at kinindatan ako)Maraming salamat po at magandang umaga sa ating lahat." si Jake sabay baba ng stage.

Sa sinabing ito ni Jake, nakaramdam ako ng hiya dahil sa hiyawan at tinginan sa akin ng mga tao. Maraming nagsasabi na "Dave congrats", "Dave ang swerte mo naman", "Dave kakainggit ka" at kung anu-ano pa. Nang sipatin ko sina Tito,tita ,tatay at Erika nakatingin lang sila sa akin at kita ko sa kanila ang saya maliban lang kay Pat na nagtatanong ang mga titig.

Sa kabilang banda, di ko ineexpect na sasabihin niya ang lahat ng ito. Lalo na ang pagpapakilala niya sa akin. Minabuti kong mamaya ko na lang siya kausapin kung bakit niya ginawa ito.

Natapos ng maayos ang program. Sa labas ng auditorium ng school, halos dumugin ako ng mga tao para lang magpapicture. Kahit papaano pinagbigyan ko lang sila. Ganun din kay Jake. Maya-maya bigla na lang ako nakarinig ng mga request na magpapicture kami ni Jake, sabay hila sa akin ni Tita para lumapit sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa, akala ko di siya papayag pero kabaliktaran ang nangyari. Inakbayan niya ako palapit sa kanya at sinabing....

" Tara na papicture na tayo, nahihiya ka pa." si Jake habang nakangiti lang.

Nang matapos ang pagkuha ng picture agad kong hinanap si Pat, alam ko na marami akong dapat ipaliwanang sa kanya sa mga kakaibang nangyari ngayong araw. Pero di ko na siya nakita, sinabi na lang ni Erika na umalis agad ito dahil may aasikasuhing mahalaga.

Kinagabihan sa bahay, nagkaroon ng salu-salo ang pamilya. Tinutulungan ko si Tita sa pag entertain sa mga bisita nang di sinasadyang narinig ko ang pinag-uusapan nina Jake at kanyang barkada.

"Nice pare, ano bang ginayuma sa iyo ng baklang iyon para sabihin kanina ang mga bagay na iyon" sabi nung isa.
"Oo nga, hindi bagay sayo masyadong madrama, wag mong sabihing miyembro ka na ng pederasyon" sabi nung isa pa sabay tawanan.
"Asa tol hindi maaari iyon, sinabi ko lang naman kung ano ang totoo pero hanggang dun lang iyon. Wala akong nararamdaman sa kanya." si Jake habang umiinom.

May kirot ulit sa puso ko sa mga narinig kong sagot niya. Pero wala na akong magagawa kundi tanggapin ito. Narinig ko pa sa usapan nila na iba-iba pala sila ng pag-aaralang university kaya madalang na lang sila magbobonding. Naisipan ko nang bumalik sa loob nang biglang magring ang phone ko.

"O Best ikaw pala, bakit wala ka pa dito?" tanong ko sa tumawag.
"Hindi na ako makakadalo dyan. Ikaw na lang ang pumunta sa amin, may sasabihin akong mahalaga sayo." si Pat na halatang may problema sa tono ng boses.
"Ah sige ngayon na ba yan pupunta na ako." sagot ko.
"Oo ngayon na" si Pat sabay putol ng linya.

Nang makarating ako sa bahay nila, nakita ko agad si Pat sa labas pa lang ng gate nila na halatang hinihintay ako.

"Mayroon din pala kayong salo-salo sa inyo, teka bakit nandito ka." tanong ko.
"Halika dun tayo MOA sa may by the bay." yaya niya sa akin.

Hindi na ako nakatanggi dahil hinila niya agad ako sa loob ng sasakyan niyang nakaparada lang sa labas. Nang makarating na kami, umupo kami sa mga upuan doon at nagsimula na siyang magsalita.

"Best siguro panahon na para isuko ko na ang pagmamahal ko sa iyo. Alam mo sobra na akong nasasaktan sa mga nangyayari, di ko pa rin maiwasang magselos sa inyo ni Jake kahit pang sabihin niya na walang siyang nararamdaman sa iyo. Kaya napagdesisyunan ko nang lumayo muna. Doon ko na ipagpapatuloy sa America ang pag-aaral ko. Makakatulong iyon sa akin para makapag move-on." naiiyak na sabi ni Pat.
"Hindi mo to kailangang gawin, di ba magbestfriend tayo, bakit mo ako iiwan?" sabi kong naluluha na rin.
"Huwag kang mag-aalala regular pa naman tayong makakapag-usap sa pamamagitan ng internet." medyo nakangiti na niyang tugon ngunit halata pa rin ang lungkot niya.
"Hindi ko alam pero sobrang malulungkot ako, kailangan mo ba talagang gawin ito?" tanong ko ulit.
"Oo, kasi mas lalo pa akong masasaktan kung itutuloy ko pa ang ginagawa ko sa iyo e.Pero hindi naman ako totally na lalayo sa iyo, bestfriends pa rin naman tayo. Bibisita ako dito tuwing bakasyon at promise ko sa iyo na ikaw ang una kong dadalawin." si Pat.
"Kahit masakit sa loob ko, tatanggapin ko na lang ang desisyon mo ingat ka doon ha. Kailan nga pala ang alis mo?
"Sa makalawa na, nakahanda na kasi ang passport namin." sagot niya.
"Tutal aalis naman na ako pwede bang pagbigyan mo na ang request ko na mayakap kita?" dagdag niya.
"Sige gawin mo na ang gusto mo." pagpayag ko sa kauna-unahang pagkakataon nang bukal sa loob.

Niyakap niya ako ng mahigpit sabay naramdaman ko ang mainit na luha niya sa aking balikat. Buti na lang at di gaanong matao sa lugar na iyon. Sinabihan  niya ako na mag-ingat, goodluck sa college at pati na rin sa mga updates sa mangyayari sa amin ni Jake at pababantayan niya ako kay Erika. Kakalungkot talaga na humantong pa sa ganitong sitwasyon ang pagkakaibigan namin pero pipilitin kong maging masaya.

Itutuloy.....................

No comments:

Post a Comment