Monday, November 29, 2010

PANTASYA Part 12

Binati ko siya ng maayos. "Hello po Sir, bakit po kayo nandito?"
"Ikaw bakit ka umalis nang hindi nagpapaalam, di ba pinagsabihan kita kanina?" medyo naiinis niyang tanong sa akin.
"Wala po kayo kanina at saka hindi na rin ako pwedeng maghintay ng matagal. Kailangan ko po kasing makauwi nang maaga dahil sa kondisyon ni nanay.
Magsasalita sana ulit siya nang marinig ko ang boses ni nanay. Nasa likod ko na pala siya nang hindi ko napapansin. "Carlo, ikaw ba yan, aba! ang laki na rin ng pinagbago mo, binatang-binata ka na. Matagal na kitang hinihintay na pumunta dito para makapagpasalamat sa tulong mo sa akin, halika pasok ka muna sa loob." ang derederetsong sabi ni nanay.
Halos natameme kaming dalawa ni Kuya Carlo at walang nagawa kundi ang sumunod.

Nang makaupo sa sofa, "Carlo, maraming-maraming salamat talaga sa mga tulong mo sa akin pati na rin sa pagtanggap as anak ko sa kompanya, malaking tulong iyon para mabayaran ang mga pagkakautang namin. Kasama na rin ang mga gastusin dito sa bahay. Naiintindihan mo naman siguro na hindi na ako pwedeng maghanap-buhay pa. Tapos yung panganay ko ay hindi pa agad makakapagpadala ng pera dahil mag-uumpisa pa lang siya sa pagtuturo sa Maynila. Huwag kang mag-alala, ung pera na pinangbayad sa ospital pati yung mga biniling gamot nung nandun pa ako ay babayaran namin nang paunti-unti sa magiging sweldo ni Rico." si nanay.
"Walang anuman po Tita. Hindi na po kayo iba sa akin, parang kapamilya na rin ang turing ko sa inyo." ang narinig kong sagot ni Kuya Carlo at hinawakan ang mga kamay ni nanay.
"Ang bait mo talagang bata ka, maganda ang pagpapalaki sa iyo ng mama mo. Oo nga pala tutal nandito ka na rin e  ikuwento mo naman sa akin ang mga nangyari sa iyo nung nangibang bansa ka, alam mo naman ang mama mo hindi gaano nagkukuwento sa akin"

"Emergency po yung pag-alis namin ng bansa, namatay na kasi ang totoo kong tatay. Kaya lahat-lahat ng mga pag-aari at negosyo niya ay ipinamana sa akin. Medyo bagsak pa ang kompanya nang ako ang namahala. Pero pinagsikapan ko talaga upang ibangon ulit ito."

"Carlo, anong masasabi mo ngayong nakita mo na ulit  itong si Rico" ang sunod na tanong ni nanay sa kanya  Napatingin na lang ako kay Kuya Carlo na parang nag-aabang sa isasagot niya. Tumingin din siya sa akin na nakangiti at nagsalita.
"Masaya po ako ngayon Tita. Kung nagustuhan ko ang pagkachubby niya noon, mas dumoble na ito ngayon. Ang laki nang ipinagbago sa itsura ng anak niyo, sana lang hindi kasama ang ugali."
Naging palaisipan sa akin ang mga sinagot ng taong ito."Sus ikaw nga ang biglang nagbago ang ugali sa akin e", ang bulong ko sa aking sarili.
"Narinig mo ba yun Rico, kaya dapat pakisamahan mo siya ng maayos" sabi sa akin ni nanay.
Sasabihin ko sana na noon pa man ay maayos na ang pakikitungo ko sa kanya nang magsalita si Kuya Carlo.
"Tita, madali lang naman pakisamahan si Rico e, at alam kong magiging maayos ang ugnayan naming dalawa. Gagamitan ko lang siya ng aking charisma." Tinignan niya ako at kinindatan.
"Ang yabang naman nito, charisma daw at anong pinagsasasabi mong ugnayan natin?" sagot ko sa sinabi niya. Pero deep-inside kinikilig na ako. Siyempre hindi ko ito pinahalata sa kanya baka lumaki ang ulo niya.
"Umayos ka nga Rico, kaunting respeto naman sa boss mo" si nanay na pinagsabihan ako.
Napakamot na lang ako sa ulong sumagot sa kanya "Opo nay".

Makalipas ang ilang minuto, nagpaalam na si nanay na magpapahinga kaya kaming dalawa na lang ni Kuya Carlo ang naiwan. Tahimik lang na nagsusulyapan kaming dalawa. Naghihintay kung sino ang unang magsasalita at ma-oopen ng pag-uusapan. Medyo naiilang na ako sa sitwasyon namin kaya isang paraan ang naisip ko.
"Hindi ka pa ba uuwi sir, masyado nang gabi"  una kong sinabisa kanya.
"No,no,no ayoko pang umalis. Mag-usap muna tayong dalawa." ang pailing-iling niyang sagot. Bigla siyang tumayo at umupo sa tabi ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko sa pagdidikit ng aming mga balat.
" Kailangan ko nang matulog sir, baka ma late ako bukas niyan e papagalitan mo na naman ako" ang pagtanggi ko sa alok niya.
"Dont worry, kung malate ka bukas kung ako naman ang dahilan. Siyempre excuse ka doon"ang nakangiting wika niya.
"Inaantok na rin ako sir, gusto ko nang matulog e" ang pagtanggi ko pa rin. Kunwari akong naghihikab.
Ang nakangiting mukha niya  ay biglang nagbago sa sinabi ko. "Inaantok ka ba talaga o umiiwas ka lang sa akin."
Medyo nabigla naman ako sa sinabi niya, parang nahulaan niya yata ang nasa utak ko.
"Hindi naman po sa ganoon Sir Carlo, bukas na lang po tayo mag-usap" ang nasabi ko na lang sa kanya baka sakaling makalusot.
Pero hindi niya ito kinagat. "Hindi ka naman ganyan kapag kasama mo si Jerome. Bakit ang lamig mo sa akin?"
"Kaibigan ko lang po si Jerome" katwiran ko sa kanya.

Isang ring mula sa cellphone ni Kuya Carlo ang nagpatigil sa kung anumang sasabihin niya sa akin. Tumayo siya at nagtungo malapit sa bintana para sagutin ito na hindi naman kalayuan sa kinauupuan ko.
"Sige baby uuwi na ako" ang narinig kong huling sinabi niya bago ibulsa ang phone.

Halos manlambot ang buo kong katawan sa mga narinig ko sa kanya. Ang lungkot at sakit na nararamdaman ko noon pa ay lalong nadagdagan. Ewan ko ba parang mas malala pa ngayon. Si Kuya Carlo na pinagpapantasiyahan at minamahal ko ay may anak na. "Baby" rin ang tawag niya dito tulad ng sinasabi niya sa akin noong bata pa ako. Meron na siyang sariling pamilya, hindi man lang pinaalam ni Tita Mely. Kasalanan ko naman kasi, umaasa lang ako sa wala. Pinipigilan ko ang sarili kong lumuha para hindi niya mapansin.

"Alis muna ako may importante lang akong aasikasuhin. See you at the office tomorrow." ang paalam niya sa akin. Ngumiti siya pero hindi ko ito nagawang suklian dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
"Ihatid mo naman akosa labas tulad ng ginagawa mo kay Jerome." dugtong niya. Hindi ko na nagawang patulan pa ang mga binanggit niya dahil sa dami ng mga iniisip ko.Wala ako sa sariling sinamahan siya sa labas.
Nang makaalis na siya, agad akong bumalik sa loob at dumeretso sa kwarto. Doon parang tanga kong kinakausap at kinukumbinse ang aking sarili."Ano ka ba Rico, bakit masyado ka namang affected, dapat ipakita mong matatag ka. Ito na ang tamang panahon para tuluyang makapag move-on. Tanggapin mo na lang ang katotohanang hindi na kayo pwedeng magkatuluyan ni Kuya Carlo."

Itutuloy..........

Sunday, November 28, 2010

PANTASYA Part 11

"Pasensiya na po sir" ang nakayukong paghingi ko ng tawad sa kanya. Kita ko ang pag iling-iling niya sa sinabi ko. Ang galit sa mukha niya ay parang napalitan ng kung anong lungkot.Tinakpan niya ng dalawang kamay ang mukha at nagsalita.
"Ayoko nang mauulit pa ito ha, at sa susunod ipapaalam mo sa akin ang mga lakad mo" ang mahinahon na niyang sabi sa akin. Kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag.
"Nginitian ko siya at nagpasalamat. "Salamat po sir, promise ko po na hindi ko na uulitin.
"Sige maaari ka nang lumabas" sabi niya habang tinatakpan ang mukha ng dalawang kamay.

Pagkabalik sa mesa, itinuloy ko na ang pagrereview sa mga files ng kompanya sa computer maging sa mga documents na nasa ibabaw ng aking mesa. Ilang minuto ang lumipas nang biglang lumapit sa akin si Suzie.

"Sir Rico, ano na po ang nangyari?" ang tanong niya.
"Ok na Suzie, sinigawan lang naman niya ako pero ayos na ang lahat basta hindi ko na uulitin ang ginawa ko sa susunod." sagot ko sa kanya.
Parang nabigla siya sa sinabi ko kaya tinanong ko siya. "Bakit ganyan ang reaksyon mo?"
"Nagtataka lang po ako kay Sir Carlo, kasi kapag may ganyang empleyado siyang nagkamali, agad niyang sinesesante pero ikaw pinagbigyan ka pa. Ang swerte mo naman Sir Rico" sagot ni Suzie.
"Siyempre first day ko pa lang" ang nasabi ko na lang kahit medyo naintriga ako sa sinabi niya.
"Sir may chika ako sa inyo kanina nga pala nung wala ka, dumating si Sir Carlo, may dala siyang lunch galing pizza hut tapos hinanap ka niya sa amin. May nagsabing isang employee dito na nakita ka daw niya sa KFC kaya agad siyang sumunod doon. Pero nakapagtatakang bumalik siya dito na galit na galit tapos pinatapos langs sa diyanitor yung binili niyang pizza. Grabe nakakatakot ang mukha niya kanina" ang mahabang pahayag ni Suzie.

Medyo ikinatuwa ko naman ang mga narinig ko sa kanya. Kahit papano pala ay inaalala pala ako ni Kuya Carlo, sayang naman at hindi ko siya nakasabay sa lunch.
"Sige salamat Suzie bumalik ka na sa trabaho mo baka abutan ka ni Sir Carlo e kung ano pa isipin nun sayo" ang paalala ko sa kanya.

Halos 10 minuto lang buhat ng umalis si Zuzie nang lumabas si Kuya Carlo at lumapit sa akin. "Ahm Rico, pasensiya ka na kung nasigawan ulit kita kanina"
Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Biruin ba naman siya pa ang nagsorry sa akin."Sir hindi niyo po kailangang gawin yan, ako naman po talaga ang may kasalanan, dapat ako pa ang dapat nagpapakumbabang mag sorry sa inyo" ang nahihiya kong pahayag.
Nahalata ko sa mukha na medyo namula ito. Pero hindi niya ito pinahalata sa akin at nagpakaformal. "Ok, lalabas muna ako saglit" sabi niya.

Kahit nagtataka ako sa ginawa niya ay hindi ko na lang ito binigyang-pansin at itinuloy ko na lang ang ginagawa.

Sumapit na ang oras ng uwian, nang hindi pa nakakabalik si Kuya Carlo kaya hindi ako makapagpaalam sa kanya. Nagpasiya akong hindi na siya hintayin at umuwi na. Maiintindihan naman niya siguro ang aking pagmamadali dahil sa kondisyon ni nanay.

Nang matapos sa pag-aayos ng mga gamit, bumaba na ako sa lobby. Papalabas na ako nang lapitan ako ni Jerome, halatang inaabangan niya ako.
"Mag-isa ka lang ba uuwi Rico?" ang nakangiting si Jerome. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.
"Ganun ba, tutal mag-isa rin ako e pwede naman sigurong sabayan kita." ang walang kahiya-hiyang pahayag niya. Pumayag na rin ako sa gusto niya. Kita ko ang mga tilian ng mga empleyado doon pero hinayaan ko lang sila at nginitian.

Habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep, "Kita mo na kung paano ka pagpantasiyahan ng mga kasamahan natin doon" si Jerome.
"Sanay na rin ako diyan pati rin sa amin ganoon ang mga tao" sagot ko sa kanya.
"Hindi na piggy boy ang itatawag ko sa iyo kundi hunky boy" ang natatawang sabi niya.
"Ano ka ba meron bang ganun word?" natatawa na rin kong tanong.

"Ah eh Rico, bago sana tayo umuwi e magmeryenda muna tayo" si Jerome.
"Pasensya ka na, kailangan ko na talagang makauwi e, alam mo naman siguro ang konsisyon ng nanay ko." ang pagtanggi ko sa offer niya.
"Ok, ganito na lang mag take-out na lang tayo ng pagkain sa KFC at ihahatid kita sa bahay niyo para doon na lang tayo kumain"
"Sa KFC na naman, baka maubos na ang pera mo niyan, nakakahiya naman sa iyo"
Umiiling siya na sumagot."Basta ako ang bahala, hindi naman ako nanghihinayang na maubos ang pera ko basta kasama kita"
Halos mamula na rin ang mukha ko  at hindi makatingin sa sinabi niya pero hindi ko ito pinahalata. "Ang drama mo naman, sige na nga bumili na tayo, bilisan lang natin" ang pagpayag ko sa alok niya.

Agad kaming bumalik sa KFC. Ganun pa rin ang inorder niya, katulad ng mga kinain namin kanina pero dinagdagan pa niya ito para kay nanay. Pagkatapos ay dumeretso na papuntang sakayan. Nang makarating, umupo muna kami sa isang waiting shed habang naghihintay ng masasakyan jeep. Para hindi mainip nag-kwentuhan  muna kaming dalawa.

Nasa kasagsagan kami ng masayang pag-uusap ng mapansin ko ulit ang magandang kotse na nakapark sa isang tabi sa kabilang bahagi ng kalsada. Pero hindi ko na ito binigyang pansin, marami naman kasing taong magkakaparehas ang sasakyan. Makalipas ang halos dalawang minuto, nakasakay na rin kaming dalawa.

Halos magdidilim na nang makauwi ako ng bahay. Dahil kasama ko si Jerome, niyaya ko siyang pumasok sa loob.

"Nay nandito na po ako" sabi ko sabay mano sa kanya habang nakaupo ito sa sofa.
"Mabuti naman iho at nakauwi ka na, teka sino ba itong kasama mo?" si nanay nang mapansin ang kasama ko.
Sasagutin ko sana nang biglang nagsalita si Jerome. Siya na ang nagpakilala sa kanyang sarili. "Ako posi Jerome kasama po sa trabaho ng anak ninyo" sabi niya at nagmano din.
"Ah, aba kagwapo ring bata ito at mukhang mabait. Natutuwa ako sa iyo anak dahil unang araw mo pa lang ay nagkaroon ka na agad ng kaibigan" natutuwang sabi ni nanay. Ngumiti lang kami.
"Tara kumain na muna tayo, habang mainit-init pa ang mga pagkain" yaya ko sa kanila.

Habang kumakain, kinuwento ko kay nanay na magkababata at magkaklase sila noon ni Jason.
"Iho, sa pagkakaalam ko e engineering ang kinuhang kurso ni Jason tapos ikaw ay head ng accounting sa trabaho. Paano nangyari iyon?" ang nagtatakang tanong ni nanay. Kahit ako rin hindi ko agad naisip iyon.
"Nung first year lang kami naging magkaklase. Nagshift lang po ako  ng accountancy dahil medyo nahihirapan ako sa engineering" ang paliwanag ni Jerome.
"Ah ganun pala" si nanay habang tumatango-tango ang ulo.
"Ikaw naman anak, kamusta na ang unang araw mo sa trabaho"tanong sa akin ni nanay.
"Ok naman po nanay, medyo nangangapa pa rin ako" ang sagot ko.
"Sa umpisa lang yan, masasanay ka rin. E kayo naman ni Carlo kamusta na kayo" ang sunod niyang tanong.
"Ok rin po" \sagot ko.
"Pwede bang ipaabot mo sa kanya ang pasasalamat ko sa naitulong niya sa akin pagpasok mo bukas. Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakikita ng personal e, sana maisipan naman niyang duaman dito kapag dinalaw niya ang Tita Mely mo kahit saglit lang" pakiusap ni nanay.
"Sige po" ang nasabi ko na lang. Napapangiti na lang ako sa mga oras na iyon.

Pagkatapos kumain, masaya pa kaming nagkuwentuhan ng kung anu-ano na umabot ng halos isang oras. Pasado 8pm na nang magpaalam siya para umuwi. Hinatid ko siya sa labas.
"Sige Rico, see you tomorrow na lang" si Jerome.
"Ingat ka ha at salamat sa lahat" ang nakangiti kong sagot sa kanya.

Nang pagbuksan ko siya ng gate para makalabas ay napansin ko ulit ang magandang kotse na nakapark ulit sa tapat ng bahay ni Tita Mely. Marahil ay napansin na ni Jerome ang pagtataka ko kaya nagsalita siya.
"Di ba ganyan din ang nakita mo kanina sa sakayan, ang gandang kotse ano, bagong model ang sasakyan na iyan."
"Huwag na nga nating intindihin yan, mabuti pa at umuwi ka na masyado nang gabi baka hindi ka na makapasok bukas" ang pag-iiba ko ng usapan.
"Sige alis na ako bye" ang nakangiting si Jerome."

Hinintay ko lang na makalayo ng husto si Jerome bago ako bumalik sa loob. Nang hindi ko na siya nakikita ay pumasok na ako. Akmang isasara ko na ang gate nang makita kong nagbukas ang pinto ng kotse. Nabigla ako sa taong lumabas dito lalo na sa kakaibang aura ng kanyang mukha. Naglakad siya papalapit sa akin.

Itutuloy.....

HALIK NG PAG-IBIG Last Part

Agad pinaharurot ni Pat ang kanyang sasakyan papunta sa sinasabing ospital ni tita. Ang nararamdaman kong pag-aalala ay lalong lumala. Tuluyan na akong umiyak. "Best, hindi ko kakayanin kapag mawala siya sa akin" ang naluluha kong pahayag kay Pat.
"Huwag kang mag-alala, alam kong makakaligtas si Jake." sagot niya. Alam kong sinabi lang niya iyon para pakalmahin ako.

Nang makarating, dali-dali kaming nagpunta sa emergency room pero hindi namin siya nakita kaya nilapitan namin ang isang nurse na nasa information.
"Excuse me po may dinala po bang pasyente dito na ang pangalan ay Jake Montecarlo." ang natataranta kong tanong.
"Ah meron po, nandun na po siya ngayon sa Rm. 404 sa fourth floor." ang sagot ng nurse.

Nagmadali kaming umakyat sa sinsabing kwartong pinagdalhan kay Jake. Buti na lang at natyempuhan namin ang elevator kaya mabilis kaming umakyat. Pagkadating sa fourth floor, agad naming nilibot ang mga aming mga mata sa mga pinto doon. Maya-maya nakita na namin ito. Kumpirmado, nakalagay ang pangalan ni Jake sa pinto na iyon. 

Hindi ko agad nagawang buksan ang pinto. Parang hindi ko kasi kakayanin ang makikita ko sa loob.Pero mas nanaig sa akin ang pag-aalala sa taong mahal ko kaya nilakasan ko na lang ang loob ko. Naiiyak pa rin akong pinihit ang doorknob.

Nang makapasok sa loob, isang kahabag-habag na Jake ang nakita ko. May benda ang kanyang ulo braso at binti habang naka dextrose. Nilapitan naman ako ng mga magulang ni Jake pati na rin ni tatay na naroroon rin.
"Nakita na lang siya ng mga taong nakahandusay sa daan na duguan. Sabi ng mga nakasaksi na nahagip siya ng isang sasakyan habang naglalakad ng lasing. Tinakbuhan lang siya ng driver." si Tita na umiiyak na rin.
"Kamusta na po ang lagay niya?" ang sunod kong tanong sa kanila.
"Kritikal ang lagay niya. Himala na lang kung magkamalay siya kaagad" sagot ni Tito Eddie.
"Kasalanan ko ito, kung noon pa lang ay bumalik na ako sa inyo, hindi na ito mangyayari pa sa kanya. Alam ko masyado na siyang nasaktan sa mga ginawa ko" ang nauutal kong sabi kay Tita habang umiiyak din.
Hinaplos naman ni tatay ang aking likod. "Anak, huwag mong sisihin ang sarili mo, hindi mo kagustuhan ang nangyari. Hindi mo rin naman kasi alam pa ang totoo noon"

Umiiyak pa rin akong nilapitan si Jake at humawak. "Jake, bakit nangyari sa iyo ito?  Patawarin mo ako kung sinaktan ko ang damdamin mo. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari sa iyo ito e. Sana naman ay magising ka na. Gusto na kitang makitang maging masaya ulit lalo na sa magandang balitang sasabihin ko sa iyo. Promise ko sa iyo na hindi na kita iiwan muli. I love you so much Jake." Pagkatapos noon ay niyakap ko na siya at tuluyan nang humagulgol, ang lahat ng aking emosyon ay inilabas ko na. Basang-basa na ang suot niyang puting damit sa mga luha ko.

Ilang segundo rin ako na nasa ganoong sitwasyon nang biglang may humaplos sa ulo ko at nagsalita. "Promise mo yan ha"

Sobrang nagulat ako nang lingunin ko kung sino ito. Si Jake na nakangiti sa akin. Maya-maya narinig ko na ang mga tawanan ng mga magulang niya pati ni tatay.

"Galing ng eksenang ito, para akong nanonood ng teleserye." si tita.
"Ibig sabihin nito wala talagang nangyari sa iyo" ang nagtataka ko nang tanong kay Jake.
"Oo naman, tignan mo pa ang buong katawan ko" sagot niya sabay tanggal ng lahat ng mga nakalagay at nakakabit sa katawan. 
"Ikaw talaga, niloloko mo lang ako ha. ang nasabi ko na lang sa kanya.
"Pati kayo pinagkaisahan ninyo ako" ang medyo tampo kong baling kina tatay, Tita Edna at Tito Eddie.
"Ako ang nakaisip nito at natutuwa ako dahil sobrang effective. Pero yung sinabi mo ha promise mo yan sa akin" si Jake.
Maya-maya umupo siya, nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at binigyan niya ako ng isang smack sa labi.
"I love you Dave" ang nakangiti niyang sabi pagkatapos noon.
Niyakap ko na lang siya na naluluha pa rin. Pero this time tears of joy na ito.
"Hay ang saya naman nila" ang masaya nang sabi ni Tita.
"Oo nga kaya bukas na bukas din magcecelebrate tayo."si Tito Eddie.
"At magluluto ako ng mga masasarap na pagkaing ihahanda" si Tatay.

Lumapit si Pat sa amin at nagsalita. "Pare, pangalawang pagkakataon mo na ito. Sana hindi na maulit pang masaktan ang bestfriend ko sa iyo"
"Pangako pare, aalagaan ko at mamahalin ng buong puso ang bestfriend mo" sagot ni Jake. Nagkamayan silang dalawa.

Sinabi na rin sa akin ni Jake na alam na rin niya ang totoo. Nag-usap na pala sila ni Cathy nang gabi ring iyon. Kaya pala hindi siya kasama nina Mark at ng kapatid niya. Agad niya akong pinuntahan sa tinitirhan namin para sabihin ang magandang balita. Nalaman niya kay tatay na nagpunta ako sa kanila kaya dali-dali siyang bumalik sa bahay nila. Doon ikinuwento ng mga magulang niya ang lahat ng pinag-usapan namin. Dahil sa alam na naming pareho ang totoo ng mga oras na iyon, ito ang naisip na plano ni Jake. Siguro para mailabas ko ang lahat ng saloobin ko sa kanya pati na rin ang malaman niya ang mararamdaman ko kung sakaling tuluyan na siyang mawala.

Kinabukasan, agad nagdaos ng isang party ang pamilya nina Jake. Habang busy ako sa pag-eentertain ng mga bisitang inimbita ni Tito Eddie, nilapitan  ako nina Erika, kasama si Pat, ang kanyang partner pati si Mark. Nag-usap kami sa isang mesa.

"Buti naman at nakarating kayo, ikaw Mark bakit hindi mo kasama ang kapatid mo at saka nasaan si Cathy?" tanong ko agad.
"Ah magkasama na sila ngayong dalawa. Hindi ko alam kung saan nagpunta e" ang nahihiyang sagot ni Mark.
"Ah ok, salamat sa pagdalo Mark." ang nakangiti kong pahayag.
"Wow naman ang saya mo na ngayon friend, natupad na rin sa wakas ang pangarap mo. Napasaiyo na campus heartrob na pinagpapantasyahan mo noon pa." si Erika.
"Tama ka, sobra na ang kaligayahan ko ngayon, wala na akong maihihiling pa" ang nakangiti kong sagot sa kanya.
"Kaya magdo double honeymoon tayo." ang biglang sabat ni Jake na nasa likod ko pala. Yumakap siya sa akin nang patalikod.
"Anong sinasabi mong double honeymoon?" ang tanong ko na nagtataka.
"Idea ito ng bestfriend mo, ang maghoneymoon tayo sa Hawaii." si Jake. Napalingon naman ako kay Pat at sa partner niya.
"Tama siya, para na rin makapagpahinga ang utak ninyo. Aalis tayo sa friday, mga tatlong araw lang tayo doon para hindi kayo makapag-absent." si Pat.

Sasagot sana ako nang may lumapit sa aming mga grupo ng kalalakihan. Namukhaan ko ang mga ito. Mga kaklase pala ito ni Jake noong high school.

"Wow pare, congrats sa inyong dalawa" sabi ng isa.
Tumayo na siya mula sa pagkakayakap sa akin at hinarap ang mga bagong dating."Salamat mga pare"
"Pero alam mo hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa iyo. Akalain mo ba namang kayo pa ang nagkatuluyan." sabi ng katabi niyang lalaki.
"Ewan ko ba mga tol, talagang tinamaan ako dito kay Dave e hindi ko maipaliwanag." ang nakangiting sagot ni Jake.
Maya-maya tinawag na kaming lahat ni Tita para kumain.

Gaya ng napagplanuhan, tinuloy namin ang double honeymoon sa Hawaii. Namasyal kami sa magagandang tanawin at beaches na naroroon. Siyempre hindi mawawala ang aming mga private moments tulad ng "sex" hehehe.

Sa bahay na ulit kami ng mga Montecarlo nakatira dahil sa pamimilit ni Jake. Tatlong taon ang lumipas, dahil sa pagpupursige sa pag-aaral sa tuling ng tutorial namin ni Jake, natapos ko na ang kursong nuirsing at kasalukuyang naghahanda para sa board exams. Si Jake naman ay tuloy pa rin, tatlong taon pa siya bago makapagtapos. ang kurso kasi niya na pagdodoktor ay pitong taon.

Hindi pa rin mawawala sa amin ang tampuhan. Pero agad namin pinag-uusapan ito para maayos agad. Minsan kapag alam niyang galit ako sa kanya, dinadaan niya ako sa pagkasweet niya. Nandiyan yung binibigyan niya ako ng chocolates, hinahalik-halikan at kinikiliti. siyempre ako naman bibigay agad dahil sa pag-ibig ko sa taong ito.

Pinangako namin sa isat isa na kahit anumang pagsubok ang darating sa amin ay lakas loob naming haharapin dahil ito ang susukat sa tatag ng aming pagsasamahan.  Pilit rin naming ipaglalaban ang aming pagmamahalan kahit mali ito sa pananaw ng lipunan. Ang mahalaga ay wala kaming nasasaktan o naaagrabayadong tao.

End of Series 1.

Friday, November 26, 2010

PANTASYA Part 10

Napalingon naman ako sa aking likuran para malaman kung sino ang kumakalabit sa akin. Isa pala itong lalaki nasa tingin ko ay empleyado rin dito base sa kanyang suot na ID.  May kagwapuhan siya at mas matangkad sa akin ng kaunti. Tulad ko ay may maganda rin siyang pangangatawan. Nagkangitian kaming dalawa.

"Hi, bago ka lang dito di ba?" sabi ng lalaki.
"Oo, kakasimula ko nga lang ngayon e" ang nakangiti kong tugon sa kanya.
"Ah, ikaw pala ang bagong pinasok ni Sir Carlo, usap-usapan ka kasi dito e. Alam mo maswerte ka nga dahil hindi na talaga nagtatanggap pa ng empleyado dito. By the way Im Jerome pala head ako ng accounting department dito sa company." sabi niya.
"Im Carlo." sagot ko at nagkamayan kaming dalawa.
"Matagal na kitang kilala. Parang mag-isa ka lang yata na kakain ng lunch, tara sabay na lang tayo" ang alok ni Jerome. Agad naman akong pumayag. Sino ba naman ang hindi makakatanggi sa alok ng isang gwapong nilalang tulad nito. Baka siya  rin ang daan upang magkaroon naman ako ng mga kaibigan dito.

Sabay na kaming naglakad palabas ng building at dumeretso sa KFC dahil iyon lang ang fastfood chain malapit doon.

"Hanap ka na ng mauupuan natin sa taas, ako na ang oorder ng kakainin natin, ano ba ang gusto mo" si Jerome.
"Pwede na sa akin yung chicken with rice." ang sagot ko. Iyon lang kasi ang aabot sa dala kong pera. Sa totoo lang balak ko talagang sa isang karindeya lang ako kakain dahil mas mura. Dumukot ako ng pera sa bulsa at inabot sa kanya pero hindi niya ito tinanggap.
"Huwag na, ililibre na lang kita tutal ako naman ang nagdala sa iyo dito."
"Ano ka ba nakakahiya naman sige na idagdag mo na lang ito baka lumaki ang gastos mo" ang nahihiya kong sagot sa kanya sabay abot ng pera.
"Dont worry sige na simulan mo na lang ang paghahanap ng pwesto natin sa taas ok" ang nakangiting si Jerome. Napilitan na rin ako pumayag sa gusto niya. Ika nga sabi nila na ang grasya hindi tinatanggihan hehehe.

Nakahanap naman agad ako ng puwesto malapit sa may bintana. Umupo ako at hinintay na bumalik si Jerome. Makalipas ang halos 10 minuto, nakita ko na siyang papalapit sa akin. Nagulat ako dahil sa dami ng pagkaing inorder niya.

"Ang dami naman yan baka naubos na ang pera mo niyan" sabi ko pagkapalag niya ng mga pagkain sa mesa.
"Ok lang sa akin, sige na kumain ka na lang. O ito na yung chicken mo, tag-isa rin tayo ng krushers ha pati itong fries." si Jerome sabay abot sa akin ng mga pagkain. Napapangiti na lang ako sa hiya.

Habang kumakain kami naalala ko naman yung binanggit niya sa akin na matagal na niya akong kilala kaya tinanong ko siya. "Jerome paano mo ako nakilala, wala naman akong natatandaan na nagmeet tayo."
"Nakita na kita mga dalawang beses na nga e, hindi mo lang ako napapansin noon. Natatandaan mo ba nung araw na nagpustahan ng basketball, nandoon ako nun sa team ni Jason. Saka nung isang araw na pinagtripan ka niya, kasama ako dun" sagot niya habang umiinom ng krushers. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Matagal na pala niya akong kilala.

"E paano mo naman nakilala si Jason?" ang sunod kong tanong.
"Kaklase ko siya at kababata. Alam mo madalas ka niyang ikwento sa akin.Masaya nga siya kapag pinag-uusapan ka, kung alam mo lang na bata ka pa lang e may gusto na siya sa iyo. Dinadaan ka lang niya sa pangtitrip para mapansin mo  siya." si Jerome.
"Oo, mabait nga siya sa akin, sayang lang at nasa ibang bansa na siya, hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang mga naitulong niya sa akin" sabi ko sa kanya.
"Tama ka,  alam mo nung nakita ulit kita sa company, halos hindi ako makapaniwala sa laki ng pinagbago mo. Hindi mo lang alam kung gaano nagkakandarapa ang mga babaeng kasama ko sa department sa iyo." Napapangiti na lang ako sa sinasabi niya.
"Ako naman ang magtatanong sa iyo Rico, Paano ka naman napasok dito? nabalitaan ko kasi na matagal na kayong magkakilalang dalawa." tanong ni Jerome.
"Yung mama niya ang nagpasok sa akin. Sa totoo lang hindi ako makapaniwala na siya ang may-ari ng kompanya e kasi education naman ang kinuha niyang kurso sa college at magkaklase sila ng kuya ko. Magkapit bahay lang kaming dalawa noon." sagot ko sa kanya.
"Ganun pala, alam mo yung Daddy niya talaga ang nagmamay-ari nito. Pinamana lang ito sa kanya nang mamatay siya mga 5 years ago." Nagulat naman ako sa mga nalaman ko sa kanya. Ibig sabihin mayaman pala talaga ang pamilya nila. Hindi kasi halata sa kanila e. Kung sabagay wala naman akong naririnig kay Tita Mely tungkol sa tatay niya. Kaya pala siguro ay hindi niya itinuloy ang pagiging teacher.


Marami pa kaming napag-usapan ng mga oras na iyon. Kinuwento niya sa akin kung paano siya nakapasok doon pati na rin ang memorable moments nila ni Jason. Narealize ko na masaya pala itong si Jerome kausap. Dahil sa aliw ko sa kanya ay hindi ko namalayan ang oras.

"Naku Jerome kailangan na nating bumalik. Baka nandun na si Sir Carlo at abutan akong wala doon baka pagalitan ako nun. First day ko pa naman" ang sabi ko sa kanya.
"Oo nga, napasarap tayo ng kwentuhan sige bilisan na natin" ang sagot niya.

Binilisan na namin ang paglalakad pabalik ng kompanya. Pagkadating, nagpasalamat muna ako sa kanya bago kami maghiwalay.Nagbigayan din kami ng mga cellphone numbers. Masaya ako dahil nagkaroon  agad ako ng friend sa unang araw ko.

Nagmadali na akong sumakay ng elevator paakyat sa taas. Medyo kinakabahan na ako dahil lumampas na ako ng 10 minutes. Nang makarating, sinalubong ako ni Suzie.

"Naku Sir Rico, bakit ngayon lang kayo dumating, kanina pa kayo hinahanap ni Sir Carlo. Pumasok na po agad kayo sa office niya."
Bigla naman akong kinabahan ng mga oras na iyon, baka kasi nagalit siya dahil sa pagkalate ko. Pero tatanggapin ko na lang kung ano ang mangyayari. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa kanyang opisina. Pinaghandaan ko na ang magiging tensyon pagharap ko sa kanya.

Pagkapasok ko, nakita ko siyang nakaupo, nakatukod ang dalawang kamay sa mesa at ang masamang tingin niya sa akin.

"Anong oras na!!!!" ang pabulyaw na tanong niya sa akin.

Itutuloy......

Thursday, November 25, 2010

PANTASYA Part 9

May narinig akong boses ng isang tao na nagsasalita sa loob, sa palagay ko may kausap siya sa telepono. Medyo kinabahan ako dahil parang kilala ko ang pinanggagalingan ng boses na ito. Nagpasiya akong lumapit pa nang kaunti para pakinggan ito, at doon ko napagtanto kung kanino ito nanggaling. Hindi ako pwedeng magkamali.

Bigla akong nakaramdam ng pagkamiss sa kanya. Parang gusto ko na siyang lapitan at yakapin ng mga oras na iyon. Siguro dahil sa matagal niyang pagkawala ng halos 5 taon. Iniisip ko kung ano na ang itsura niya ngayon at nagtataka rin kung bakit siya naging businessman sa halip na maging teacher na kinuha nilang kurso ng kuya ko pati na rin ang dahilan ng kanyang pagbabalik.

Kahit naeexcite ako sa muli naming pagkikita, mas nanaig pa rin sa akin ang galit dahil sa hindi ko nakalimutang ginawa niya sa akin. Hindi ko na hahayaang mangyari ulit sa saktan niya ulit ang damdamin ko. Ipapakita ko sa kanya na iba na ako ngayon, hindi lang sa pisikal na itsura pati na rin sa pag-uugali. Hindi na rin ako magpapadala sa bugso ng damdamin. Nandito ako para magtrabaho.

Inayos ko muna ang aking sarili bago siya harapin. Ngayon pa lang naiisip ko ang magiging reaksyon niya kapag nakita ang bagong Rico sa harap niya. Nang matapos siya sa pakikipag-usap sa telepono ay saka akong lumapit sa kanya. Tumayo ako sa harap ng mesa niya.

"Good Morning po sir" ang nakangiti kong pagbati sa kanya. Halos magulat din ako sa kanyang itsura ngayon. Mas lalo siyang gumwapo. Kahit naka long sleeve din at kurbata, halata pa rin ang ganda ng katawan niya sa pagkakabakat pa lang ng suot niya. Makinis pa rin ang kanyang mukha kahit medyo nagmature na siya.

"Good mor..." ang itutugon niya pero naputol nang makita niya ako. Kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla rin sa aking bagong itsura. Ilang segundo rin niya akong tinignan mula ulo hanggang paa saka nagsalita muli.

"Ah eh Good morning, please take your sit" pagpapatuloy niya sabay turo sa akin ng isang upuan sa may mesa paharap sa kanya.

Pagkaupo, inilabas ko na ang aking dalang resume at inabot sa kanya. Pilit kong maging pormal at isinantabi ang nararamdaman ko sa kanya. Nagtaka ako dahil hindi man lang niya ito binasa. Ipinasok lang niya ito sa kanyang drawer.

"Hindi mo muna kailangang magtrabaho at huwag mo nang problemahin pang bayaran ang  utang sa ginastos sa ospital. Iyong pera na pinahiram sa inyo ni mama, sa akin nanggaling iyon. Nag- alala rin ako sa nanay mo kaya nung humingi ng tulong sa akin ang kuya mo, hindi na ko nagdalawang-isip pa." si Kuya Carlo na nakatingin sa akin.

Medyo nabigla naman ako sa mga sinabi niya. Ibig sabihin siya ang nagpapunta sa akin dito sa pamamagitan ni Tita Mely. Matagal na pala siyang nakabalik. Hindi 

"Personal decision ko po iyon Sir. Hindi lang naman po kayo ang pinagkakautangan namin. Saka kailangan ko rin po ang pera pambili ng mga gamot ni nanay lalo nat hindi na siya pwedeng magtrabaho. Si kuya naman. hindi pa siya kaagad makakapagbigay ng pera dahil mag-uumpisa pa lang siya sa pagtuturo sa Maynila. Kung magpapadala man, sakto lang iyon para sa gastusin sa bahay." ang mahaba kong paliwanag sa kanya.

Hinwakan niya ang kamay ko. "Rico, alam mo bilib ako sa pinapakita mo ngayon, matured ka na talaga mag-isip.  Tama nga si mama pati ang kuya mo. Naiintindihan ko ang mga saloobin mo.Nanghihinayang lang naman ako dahil hihinto ka sa pag-aaral. Sayang naman, isang taon na lang at gagraduate ka na. Hayaan mo sanang tulungan ko kayo. Ako na ang magpoprovide ng mga medical needs ng nanay mo pati na ang mga gastusin sa pag-aaral mo sa pasukan."

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya at sumagot. "Huwag na kayong mag-abala pa sa amin. Ayaw ko rin po na tumanaw ng utang na loob sa iyo."

"Iniisip mo pa rin ba ang pride mo, tumatanggi ka sa mga tulong ko. Bakit ganyan ka sa akin ha?" ang napataas na tonong pagtatanong niya sa akin.
"Gusto mong malaman ang totoo, sige sasabihin ko po sa inyo. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa mo sa akin sa party noon. Sobrang nasaktan ako doon alam mo ba. Bigla ka na lang nagbago sa akin" ang deretsahan kong sabi sa kanya, pilit pinipigilang lumuha.

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan, lumapit sa akin at humawak ulit sa mga kamay ko. "Naiintindihan kita Rico, inaamin ko na kasalanan ko ang lahat, Ito ako ngayon hindi pa rin nagbabago. Pero sana pakinggan mo naman ang mga paliwanag ko."

"Tama na po, tigilan na natin ito at kalimutan na ang nakaraan. Nandito po ako ngayon para mag-apply ng trabaho. Gusto ko po ang perang pinaghihirapan kaysa sa bigay lang ng iba." ang nakayuko kong tugon sa kanya.

Tumayo na siya at bumalik sa kanyang upuan. Huminga siya ng malalim saka nagsalita. "Kung iyan ang gusto mo sige, I will hire you as my personal assistant. Pwede ka nang magsimula bukas."

"Maraming salamat po sir sa pagtanggap. Hayaan niyo po na paghuhusayan ko po"
Pilit siyang ngumiti siya sa akin. "Ok you may go now, see you at 9am tomorrow."

Agad akong umuwi ng bahay para ibalita kay nanay na nagkaroon na ako ng trabaho.

Nang makarating, lumapit ako sa kanya na nakahiga sa kama. Nagmano ako sa kanya. "Nanay may trabaho na po ako magsisimula na ako bukas"
"Sa kompanya ni Carlo ba yan iho" ang sagot ni nanay.
"Napatingin naman ako kay nanay. "Paano po ninyo nalaman?"
"Nagpunta dito kanina ang Tita Mely mo, pinagtapat na niya sa akin ang lahat. Alam mo napakabait talaga ni Carlo kahit nung bata pa siya."
"Tama na nga yan nay, uminom na ba kayo ng gamot. Sabi ng doktor na kailangan nasa oras ang pag-inom." ang pag-iiba ko ng usapan.
"Oo anak, hindi ko naman yon makakalimutan." ang sagot ni nanay.
"Sige nay, sisimulan ko na ang mga gawaing-bahay. Bibili na rin ako ng pagkain natin." sabi ko sa kanya. Buong araw lang akong nasa bahay para bantayan si nanay.

Halos hindi ako makatulog nang gabing iyon. Iniisip ko ang mga nangyari kanina. Inaamin ko sa sarili na mahal ko pa rin si Kuya Carlo. Pero kailangan kong tanggapin na hanggang pantasya na mahalin niya rin ako. May sarili na siyang buhay ngayon. May asawa na siguro siya ngayon marahil yung babae na nakita ko sa party noon.

Kinabukasan, maaga akong gumising. Agad kong sinimulan ang aking mga daily routines at inasikaso si nanay. Nang matapos, agad na akong naghanda sa pagpasok sa trabaho. Nagsuot ako ng isang short sleeve white polo, itim na pantalon at bagong shine na leather shoes na fit sa akin. Siyempre gusto kong maging kaaya-aya akong tignan sa mata ng ibang tao. Nagmadali akong umalis ng bahay. Ayaw ko namang malate ako sa unang araw. Saktong 9am ako nakarating. Buti na lang wala pa si Kuya Carlo. Sinamahan ako ng babaeng nakausap ko sa telepono sa magiging mesa ko. Malapit lang pala ito sa pinto ng kanyang opisina. Nalaman ko rin sa kanya na ang kompanyang ito ay gumagawa ng mga damit at sapatos.

"Sir ito po ang magiging mesa niyo"
"Ok salamat.....???" ang pagpapasalamat ko nang bigla siyang nagsalita.
"Suzie po" ang nakangiti niyang sabi.
Ah ok, salamat Suzie"
"Sige po bababa na ako. Good luck po sa first day of work" ang pagpapaalam niya.

Umupo na ako sa aking pwesto at naghintay sa pagdating ni Kuya Carlo. Saktong 10am na nang makita ko siyang parating. Grabe talaga, lahat yata ng features ng isang magandang lalaki ay pinagkaloob na sa kanya. Pero isinantabi ko ang paghanga at nagpakaformal na humarap sa kanya. Tumayo ako at nginitiang bumati sa kanya. "Good Morning po Sir"

"Good Morning din, sumunod ka sa akin sa loob" ang tugon niya. Pagkapasok umupo kaagad siya at humarap sa akin.

"Ipapaalam ko lang ang magiging trabaho mo ikaw ang magiging personal assistant ko. Kaya ang lahat ng mga iuutos ko sa iyo ay gagawin mo. Kapag may mga bisitang darating, ikaw muna ang kakausap sa kanila bago dumeretso sa akin kasama na ang mga tawag sa telepono. Ika rin ang magsasabi  sa akin ng mga schedules sa akin sa araw-araw. Sasama ka sa lahat ng mga lakad ko. Ikaw lang ang mag-aabot sa akin ng lahat ng mga dokumentong dapat kong basahin o pirmahan. Kapag wala ako, ikaw ang tatao sa akin dito sa opisina. Naiintindihan mo ba?"

"Yes sir, naiintindihan ko po" ang sagot ko.
"Ok you may go" 

Bumalik na ako sa aking mesa. Sinimulan ko nang pag-aralan ang mga files ng kompanya na nasa computer. Makalipas ang ilang minuto nakita ko siyang lumabas ng office na parang nagmamadali. Lumapit siya sa akin.
"Kapag may naghanap sa akin, sabihin mo nagpunta lang ako sa isang meeting ok" utos niya.
"Yes sir" ang nakangiti kong tugon.

Habang busy sa pagbabasa ng mga files, bigla naman akong nakaramdam ng gutom. Nang tignan ko ang oras, lunchbreak na nang hindi ko namamalayan. Ang bilis pala ng oras kapag abala. Hininto ko muna ang ginagawa.. Dahil sa wala pa naman akong gaanong kilala doon, nagpasiya akong kumain na lang sa labas nang mag-isa. Habang naglalakad ako sa lobby palabas ng building, biglang may kumalabit sa likod ko.

Sunday, November 21, 2010

PANTASYA Part 8

Nang matapos akong kumain, nagpasiya akong sumaglit sa bahay para makapagpalit ng damit. Naglalakad akong nag-iisip, kung paano nakakuha si kuya ng ganoong kalaking halaga. Kung sino man ang hiningian niya ng tulong, sigurado akong napakabait niya. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa kanya.

Nasa tapat na ako ng aming bahay nang may mapansin akong isang napakagandang kotse na nakaparada sa may gate ni Tita Mely. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita nang ganoon, marahil galing ito sa ibang bansa. Hindi ko na iyon inusisa pa at tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Agad akong dumeretso ng banyo para makapagshower, pagkatapos ay nagpalit na ng damit. Isang semi-fit na white shirt, checkered shorts at sapatos lang ang sinuot ko. Nang lumabas na ulit ako, nakita ko na nandun pa rin ang kotse. Naisip ko na lang na baka may mayamang bisita sina Tita Mely.

Pagkabalik ko ng ospital, agad kong tinungo ang ward kung nasaan naka confine si nanay. Pagkapasok ko, nakita ko siyang natutulog, kaya naisipan ko na lang na umiglip sa isang sofa sa gilid.

Kinabukasan, nagising na lang ako na may tumatawag sa pangalan ko. Alam ko si nanay iyon sa boses pa lang. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Nay, ano na pakiramdam niyo?" agad kong tanong sa kanya. Nang kumalas ako, hinawakan niya ang aking kamay.
"Ayos na ako anak,wag ka nang mag-alala." ang nakangiting tugon ni nanay.
"Salamat sa Diyos at ok na kayo, oo nga pala nay, wala na tayong poproblemahin sa gagastusin niyo dito, nakagawa si kuya ng paraan" sabi ko kay nanay.
"Kanino naman siya nanghingi ng tulong e kakapunta lang niya ng Maynila ah?" ang nagtatakang tanong ni nanay sa akin.
"Hindi ko nga alam e, pero nasabi ni kuya na dadalawin ka ngayon ng taong ito, mabuti pang hintayin na lang natin siya para makapagpasalamat tayo" sagot ko sa kanya.

Pasadong alas onse na ng umaga nang pumasok ang isang nurse.

"Magandang umaga po, may dalaw po kayo" sabi ng nurse. Naisip ko naman na siya na siguro ang taong tinutukoy ni kuya kaya sinabi kong papasukin na siya.

Pagkabukas ng pinto, isang babae ang agad na lumapit sa kama kung saan nakahiga si nanay.
"Mare, kamusta ka na?" ang agad na tanong ni Tita Mely kay nanay.
"Ok na ako mare, ikaw pala ang hiningian ng tulong ng panganay ko, maraming salamat sa iyo, hayaan mo babayaran kita ng paunti-unti paglabas ko dito." si nanay.
Hindi kaagad nakasagot si Tita Mely sa sinabi ni nanay at parang nag-iisip ng itutugon niya. Makalipas ang ilang segundo ay nagsalita na siya.
"Ano ka ba mare hehehehe, wag mo munang isipin yan, ang importante magpagaling ka muna. Tignan mo naospital ka pa, di ba sinabihan na kita noon, ang tigas kasi ng ulo mo e" si Tita Mely na medyo natatawa. Ngumiti lang si nanay. Nagpasiya naman akong iwanan muna silang dalawa para makapag-usap.

Umupo ako sa isang sementong upuan sa labas ng ospital na nag-iisip. May nararamdaman akong parang may hindi tama o kaya naman may isang sikreto. Pero isinantabi ko na lang ang mga ganoong bagay.

Sa kabilang banda, medyo nahihiya ako sa pagtulong ni Tita Mely. Hindi kasi biro ang malaking halagang pinahiram niya sa amin. Alam kong matatagalan pa bago gumaling ng tuluyan ang nanay. Kung makapagtrabaho man siya ulit, hindi kaagad niya ito mababayaran ng mabilisan, siyempre may mga gastusin rin kami sa bahay pati na rin sa pag-aaral ko. Kaya nagdecide akong kausapin si Tita Mely.

Makalipas ang halos isang oras, nakita ko ang paglabas ni Tita Mely. Agad ko siyang sinalubong.

"O iho, aalis na muna ako, balikan mo na ang nanay mo sa loob" si Tita Mely.
"Ah Tita, pwede po ba kayong makausap saglit". Kahit nagtataka pumayag naman siya. Doon kami nag-usap sa sementong inupuan ko.
"Tita, nagpapasalamat po ako pagtulong niyo sa amin, alam ko pong hindi kaagad maibabalik  ni nanay ang pinahiram niyo kaya naisip kong ako na lang ang gagawa ng paraan" ang pagsisimula ko ng aming usapan.
"Walang anuman iho, ano ka ba, wag mo munang isipin yan, intindihin mo ang pag-aaral mo" si Tita Mely sabay haplos sa ulo ko.
"Hindi rin po ako makakapag-aral ngayong pasukan, dahil walang magbabantay kay nanay, isa pa wala naman akong ipambabayad sa matrikula, dahil hindi agad siya makakapagtrabaho, yung sahod naman ni kuya ang pambayad din sa mga utang namin sa iba."
"Ah ganun ba, so ikaw muna ang maghahanap-buhay. Hay napakabait mo talagang bata. Kung yan ang gusto mo sige, pag-iisipan ko ang mga bagay na  iyan, sasabihan na lang kita." si Tita Mely. Natutuwa akong nagpasalamat sa kanya.

Agad naman akong bumalik sa ward upang sabihin kay nanay ang mga balak ko. Wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag kahit halata sa kanya ang pagtutol.

Limang araw  na ang lumipas nang ma discharge si nanay sa ospital.  Ako na ang nag-aalaga at nagbabantay sa kanya sa bahay.

Isang gabi, palabas ako ng bahay para bumili ng aming hapunan nang bigla akong tawagin ni Tita Mely. Naaalala ko ang mga pinag-usapan namin sa ospital kaya lumapit agad ako sa kanya.

"Rico, desidido ka na ba sa balak mo?" tanong niya nang makapalit ako.
"Opo Tita para na rin sa nanay ko" sagot ko sa kanya. Napansin kong may dinukot siyang papel  sa kanyang bulsa at inabot sa akin. Nang tignan ko, isa pala itong cellphone number.
"Tawagan mo ang number na yan, diyan mo malalaman kung saan ka magtatrabaho." si Tita Mely.
 "Ganun po ba, sige po maraming salamat"
"Walang anuman iho, sige balik na ako sa loob, ang dami ko pang gagawin" si Tita Mely.

Binulsa ko muna ang binmigay niyang papel at naglakad na papuntang karinderya para bumili ng hapunan. Pagkabalik ng bahay, pinaalam ko ito kaagad kay nanay.

"Mabuti pang tawagan mo na agad ang numerong iyan" si nanay habang kumakain kami ng hapunan.
"Sige po pero bukas na siguro, nakakahiya namang tumawag pa ako sa ganitong oras" sagot ko.

Kinabukasan, nang matapos ako sa aking pag-eehersisyo, pati na rin sa mga gawaing- bahay at pagpapainom ng gamot kay nanay, agad akong pumunta sa tindahan para magpaload. Nang pumasok na ang load sa aking cellphone, inumpisahan ko nang tawagan ang numero na nasa papel. Maya-maya isang babae ang sumagot.

"Hello, who's this?" tanong ng babae.
"Im Rico Garcia, pinatawag po ako sa number na ito ni Amelia Monteverde. Confirm ko lang po ung job na nirecommend niya sa akin." sagot ko sa babae.
"Ah so punta ka na lang po sa main office namin on Monday.. Magdala ka po ng iyong resume." sabi ng babae.
"Ok, saan po ba ang office niyo?" isinulat ko naman sa likod ng papel ang exact address na binigay ng babae. Agad na rin akong gumawa ng aking resumeayon na rin sa sinabi niya.


Nang sumapit ang araw ng Lunes, pinuntahan ko na ang binigay na address sa akin. Nagsuot ako ng isang long sleeve polo, black pants at leather shoes. Nang marating ko ang lugar, namangha ako dahil isa pala itong napakataas na building. Papasok na ako sa loob nang may mapansin akong babaeng naka uniporme. Nang makita, nilapitan niya ako.


"Kayo po ba si Mr. Rico Garcia?" tanong ng babae.
"Ako nga po miss" ang casual kong sagot sa kanya.
"Sir ako po yung kausap ninyo sa telepono kahapon, tara na po hinihintay na kayo ni manager sa taas" sabi ng babae. Sinamahan niya akong umakyat sa office nito. Sa 15th floor pala ito.


"Nandito na po tayo Sir Rico" sabi ng babae ng marating na namin ang pintuan ng office ng manager.

"Teka lang po Sir papaalam ko lang ang pagdating ninyo" paalam ng babae sa akin at  pumasok sa loob.



Makalipas ang ilang segundo, lumabas na ulit ang babae. "Sir pasok na daw po kayo. " Tumango lang ako.

Bigla naman akong kinabahan ng mga oras na iyon. Hindi  ko mawari kung bakit. Pero dahil sa pagkadesperado na ring magkatrabaho, lakas-loob na akong tumuloy sa kanyang office.


Nang makapasok, bigla akong napahinto.


Itutuloy...........

Saturday, November 20, 2010

TUKSO Part 12

"Ano ang ibig sabihin nito, bakit mo siya kasama at saan kayo nagpunta?" ang sunud-sunod na tanong ni Mike.
"Siya ang nagsundo sa akin sa opisina yun lang" ang casual kong sagot sa kanya.
"Kanina pa ba kayo magkasama kaya pala hindi mo sinasagot ang mga calls ko" si Mike.
"Halika na Allan, wala na akong balak pang magpaliwanag sa kanya." yaya ko kay Allan na pumasok sa aking tirahan. Aktong aakbayan na sana ako ni Allan papasok nang bigla siyang natumba sa semento. Tinulak pala siya ni Mike.
"Walang hiya ka, di ba nag-usap na tayo tungkol sa bagay na ito." galit na sabi ni Mike. Nilapitan pa siya nito at sinuntok ang mukha. Agad ko silang inawat.
"Pwede ba tumigil ka na Mike. Ano ba ang problema mo?"  sabi ko. Tinulungan ko naman si Allan na makatayo.
"Dapat ako ang magtanong sa iyo niyan, bigla ka na lang nag-iba ngayon" galit na sagot ni Mike.
"Siguro Mike, palipasin muna natin ito, pagod na ako, gusto ko nang magpahinga"

"Magpapahinga ka kasama mo ang gagong ito, hindi ako papayag" si Mike.
"Hindi ko naman sinabing kasama ko siya sa pagtulog, bisita ko lang siya ngayong gabi." paliwanag ko sa kanya.
"Tama siya tol, sa katunayan nga sabay lang namin kakainin itong binili ko sa kanyang Jollibee." si Allan sabay kuha sa loob ng kotse ng pagkain.
"Ah ganun pala ha, sige aalis muna ako babalik agad ako" si Mike at sumakay sa loob ng kanyang kotse.
"Tara na Allan, kainin na natin ito sa loob kanina pa ko nagugutom." Pagkapasok sa loob, agad kaming pumunta sa mesa. Habang kumakain, biglang nagtanong si Allan.


"Ayos ka lang ba Ric, ang lalom yata ng iniisip mo?" ang concern na si Allan.
"Ayos lang ako, masyado lang akong pagod. Bilisan na natin para makapagpahinga na ako marami pa akong gagawin sa office bukas" sagot ko sa kanya.Bigla kong naalala ng binanggit ni Mike kanina na pinag-usapan nila kaya tinanong ko kay Allan kung ano ito.

"Allan, ano yung sinasabi ni Mike na pinag-usapan ninyo?" ang curious kong tanong sa kanya.
Bago siya sumagot ay kumain muna ng 2 pirasong french fries. " Yun ba sinabi niya sa akin na titigilan ko na ang panunuyo ko sa iyo. Nangako naman ako sa kanya na gagawin ko iyon pero hindi ko matiis e. Ang hirap kasing pigilan ang damdamin" si Allan habang ngumunguya."Ikaw naman ano ba ang problema sa inyo ni Mike?"
"Sa totoo lang naguguluhan ako ngayon. Maayos na sana ang relasyon namin ngunit may humahadlang. Yung major investor ko sa kompanya, ang ama niya, tutol siya sa amin. Alam mo naisip ko rin na isuko ko na lang siguro ang sarili kong kaligayahan, wag lang mawala ang lahat ng mga pinaghirapan ko pati na rin ang kapakanan ng aking mga empleyado. Kung aalisin ni Mr. Chua ang kanyuang suporta, sigurado akong marami sa kanila ang mawawalan ng trabaho, paano na lang ang pamilya nila di ba?" ang mahabang sagot ko kay Allan.
"Alam mo iyan talaga ang nagustuhan ko sa iyo, masyadong malawak ang pang-unawa mo kaya hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko" Si Allan na nakangiti.

Patuloy pa rin kami sa pagkain nang biglang may narinig akong pumasok ng pinto. Alam ko na agad na si Mike ito dahil siya lang ang taong malayang nakakapasok sa aking bahay. Hinihingal siya at dala-dalang pagkain galing sa Mc. Donalds.Dumeretso siya sa mesa kung saan kami kumakain, itinaboy ang mga kinakain namin at inilapag ang mga dala niya.


"Ano ginagawa mo kumakain kami?" ang tanong ko sa kawirduhang ginawa niya.

"E di kakain tayo, halika may dala akong spaghetti, chicken, cheeseburger at french fries.Sinamahan ko na rin ng sundae at coke folat para may dessert tayo. Tara kain na tayo" si Mike. Kinuha niya ang upuan at tinabi sa akin. Pagkatapos, nilayo sa akin ang kinakain kong chickenjoy at inihain ang mga dala niya. Sinubuan pa niya ako ng french fries. Napatingin naman ako kay Allan, kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya at pagtataka.


"Ano ka ba Mike, para kang bata sa mga ginagawa mo?" ang naiirita kong sabi sa kanya.
"Naiilang ka ba sa mga ginagawa ko sa iyo dahil nandito si Allan. Wala siyang pakialam dahil mag boyfriend tayo." si Mike na sinusuan pa ako ng hamburger.
"Baka naman maging babo na ako sa ginagawa mo" sabi ko sa kanya. Natawa lang siyang sumagot. "Mas maganda nga iyon para may lagi akong panggigigilan at malambot na mayayakap sa gabi."
"Tumigil ka nga diyan" Medyo napansin ko naman na parang na out of place si Allan. "Allan pasensiya ka na sa ungas na ito ha"
"Ok lang ako sige tutuloy na ako next time na lang ulit Ric" ang sagot ni Allan.
"Mabuti pang umalis ka na at anong pinagsasasabi mong next time, hindi na mangyayari iyon" si Mike. Bigla naman niya akong inakbayan habang pinapakain at patingin-tingin kay Allan na animoy nang-iinggit. Kita ko kay Allan ang pagpipigil ng kanyang emosyon.
"Sige Ric aalis na ako" si Allan. Tatayo sana ako para samahan siya palabas ng bigla akong niyakap ni Mike.
"Huwag mo na siyang ihatid, alam naman niya ang palabas dito. Kumain na lang tayo." ang nakangiti niyang sabi. Hindi ko na makuhang magmatigas.


Ewan ko ba dahil na rin siguro sa nararamdaman kong pagmamahal sa kanya ay hindi ko makuhang tanggihan at pigilan ang mga ginagawa niya. Pagkatapos namin kumain, niligpit na ni Mike ang mga kinainan. Ako naman ay nagpasiya nang pumunta sa kwarto. Paakyat na ako ng hagdan nang biglang sumabay sa akin si Mike sa hagdan at inakbayan muli papasok ng kwarto.


"Bakit hindi mo ako hinihintay, tabi tayong matutulog ngayon." si Mike.
Naalala ko naman ang mga sinabi ng ama niya kanina sa akin. "Hindi na pwede Mike"
"Anong hindi, lahat ng bagay sa akin pwede unless lang na ang reason mo ay valid." si Mike. Alam ko naman na hindi ako mananalo sa kanya kaya naisip kong tumakbo papasok at i-lock ang pinto. Pero useless din dahil naunahan niya akong makapasok sa kwarto na parang kuneho. Nakangiti siyang humiga ang kama na waring sumesnyas na humiga na rin ako sa tabi niya.
"Shower muna ako at saka sa sahig ako matutulog" pagtatanggi ko sa nais niyang mangyari.
"Ok, pero hindi ako papayag sa sahig ka. We will sleep together with his bed"  sabi niya na may ngiting parang nanunukso.Hindi ko na siya pinansin pa, kumuha na ako ng twalya at pumasok na sa CR.


Sa totoo lang nakakaramdam ako ng kilig sa mga ginagawa niya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit tuluyang nahulog ang damdamin ko, ang pagiging sweet niya. Paglabas ko, nakita ko siyang nakapikit ang mata. Nakatulog na siguro siya. Mabuti na rin iyon para hindi niya malaman na sa sahig ako matutulog.

Nagbihis na ako ng isang sando at boxer shorts. Pagkatapos nilatag ang isang kumot sa sahig. Ilalapag ko na sana ang unan nang bigla may humila sa akin papunta sa kama. Napahiga na lang ako at pumaibabaw siya sa akin. Si Mike pala ito na nakangiti sa akin.

"Akala mo tulog na ako ano, sabi ko sa iyo na dito ka matutulog katabi ko, bakit ang tigas ng ulo mo?" si Mike.Halos Hindi ako nakapagsalita dahil sa anghel na mukhang nakikita ko. Parang nahipnotismo na naman ako.
"Hindi ka na makapagsalita. Good boy." si Mike. Maya-maya bigla na niya akong hinalikan.


Tila nakalimutan ko na ang mga sinabi ni Mr. Chua kanina. Tuluyan nang may nangyari sa aming dalawa. Inilabas naming dalawa ang init ng katawan at bugso ng aming damdamin sa isat-isa. Magkatabi na kaming nakatulog ng gabing iyon na walang saplot.


Kinabukasan, nagising ako nang wala si Mike sa tabi ko. Bigla naman akong nakaamoy ng pagkain. Naisip ko na pinagluto ulit ako ni Mike ng almusal. Napakasweet talaga niya grabe.

Nagbihis na ulit ako at bumaba. Nakita ko si Mike na nakaupo na at kumakain.


"Tara na babes kain na tayo, ihahatid na rin kita sa office niyo." ang nakangiting si Mike. Pinaghainan niya ako ng sinangag at bacon.
Bigla ko ulit naalala ang mga paalala sa akin ng ama niya kahapon. "Mike hindi mo na ako pwedeng ihatid simula ngayon sana maintindihan mo"
"Bakit si Allan na ba ang maghahatid sa iyo?" si Mike na may halong selos sa tono ng boses.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, medyo kumplikado lang ang sitwasyon" sagot ko sa kanya. parang hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang totoo.
"Alam kong may mas malalim pang dahilan babes, please sabihin mo naman sa akin oh" si Mike na hinawakan ako sa kamay. Napilitan na rin akong sabihin sa kanya ang lahat tutal malalaman pa rin niya ito.
"Ganito kasi Mike, tumututol ang Dad mo sa relasyon natin. Kung hindi natin ititigil ito, aalisin niya ang suporta sa kumpanya. Ayaw ko namang mangyari iyon na mawala ang lahat sa akin." ang pagtatapat ko sa kanya. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mike.

"Iyon pala ang dahilan, hayaan mo babes, ako ang mag-aayos ng lahat basta ipangako mo sa akin na hindi ka bibitiw sa relasyon natin, kasi ako kahit anong mangyari, hindi ko isusuko ang pag-ibig ko sa iyo" si Mike.

Na touch ako sa mga sinabi niya. Siya kasi, may lakas siya ng loob na ipaglaban ang pagmamahal niya sa akin di tulad ko na halos isuko ko na ang sariling kaligayahan.


Hinatid pa rin ako ni Mike sa kompanya nang umagang iyon. Sabay kaming umakyat patungo sa aking opisina. Habang naglalakad, sinalubong kami ng aking sekretarya.


"Good Morning po Sir, kanina pa po kayong hinihintay ni Mr. Chua sa loob. May kasama nga po siyang isang babae." sabi ni Jean.


Nakita ni Mike na bigla akong kinabahan. "Huwag kang mag-alala ako ang bahala, tara pumasok na tayo at harapin sila, ipakita mo na matatag ka" si Mike.
"Oo Mike sige" ang naisagot ko na lang. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Mr. Chua kausap ang isang magandang babae. Nasa makita niya kami agad siyang tumayo at nagsalita.


"Mabuti at nakarating ka na Ricardo at kasama mo pala ang anak ko ha. Talaga yatang may pagkamatigas ang ulo mo." si Mr. Chua na halatang inis sa tono pa lang ng boses.
"Dad, tigilan niyo na si Ric. Payagan niyo na po ang relasyon namin, mahal na mahal ko siya." ang biglang pagsasalita ni Mike.
Sumagot si Mr. Chua ng ubod ng lakas na halos makabasag ng eardrums. "Nahihibang ka na ba Michael, hindi mo alam ang mga sinasabi mo, nakakahiya naman kay Cynthia."


Sa sinabing iyon ni Mr. Chua, nalaman ko na siya pala yung Cynthia na binabanggit niya. Halos hindi na ako makapagsalita ng mga oras na iyon.


"Alam ko ang sinasabi ko Dad, at paninindigan ko ito." si Mike.
"Nagmamatigas ka pa ha, sige tignan lang natin kung ano ang mangyayari sa taong ito." si Mr. Chua na nakatingin siya sa akin.


Halos sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Para kasing kakainin niya ako sa mga titig niya. kaya ako na ang nagpakumbaba. "Pasensya na po kayo, hayaan niyo po ako na lang ang didistansiya sa kanya."


"Ric, ano ba yang sinasabi mo, nangako ka sa akin na hindi mo ako isusuko." si Mike.

"Tumigil ka nga Michael, tama siya, kailangan niyo nang dumistansiya sa isat isa lalo na at nalalapit na ang kasal ninyong dalawa." si Mr. Chua.


Tila isang bomba sa aking pandinig ang mga sinabi niya. Kita ko rin kay Mike ang sobrang pagkabigla.


Itutuloy.............

Friday, November 19, 2010

HALIK NG PAG- IBIG Part 24

"Mark! bakit nandito ka, at sino yang kasama mo?" ang may pagtatakang tanong ko sa kanya. Tumingin sila sa akin. Doon ko napansin na magkahawig silang dalawa.

"Mga iho upo muna kayo, may sasabihin sila sa inyo." si Tito Eddie. pumwesto kami ni Pat sa isang sofa katapat ng inuupuan ni Mark.
"Ano kasi, may ipagtatapat sana ako sa iyo Dave. Matagal na rin kasi akong naaawa sa iyo lalo na't nakikita ko na nalulungkot ka at nasasaktan. Yu...yung anak ni Cathy, hindi si Jake ang totoong ama nito. Bago pa sila magkakilala, naging nagkarelasyon siya sa nitong nakatatanda kong kapatid.

"Ha!!!!!" ang pagkagulat kong reaksyon. "Paano naman kayo nakakasiguro?"
Nagsalita na ang kapatid niya. Inamin naman ni Cathy sa akin ang tungkol sa pagbubuntis niya. Kaya nga nagsumikap ako na magtrabaho para suportahan ang bata. Sa katunayan, nga nadestino ako sa saudi. Pero nang sabihin sa akin ng kapatid ko ang bagay na ito, ay agad akong bumalik dito sa Pilipinas. Hindi ko matatanggap ang ginawa ni Cathy na iako sa iba ang anak namin.


Halos maguluhan na ang isip ko sa mga nalaman kong rebelasyon ngayon. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon.


"Ayos ka lang ba best" si Pat sabay hagod sa likod ko.
"Oo best, medyo nagulat lang ako, huwag kang mag-alala," sagot ko sa kanya.
"Buti naman teka nga pala, nasaan na yung Cathy na iyon" tanong ni Pat sa dalawa.
"Wala na kayong dapat alalahain tungkol sa kanya, dapat kasama namin siya dito ngayon pero hindi pa siya handang humarap sa inyo. Naghahanap lang siya  ng tamang tiyempo.

"So wala na pala tayo dapat problemahin pa ayos na ang lahat, salamat na lang sa dalawang ito" ang natutuwang sabi ni Tito Eddie.
"Tama, at kapag nalaman ito ni Jake ay siguradong matutuwa iyon at magbabalik na rin siya sa dati." si Tita.
"Dave, mabuti sanang ikaw na ang  lahat kay Jake, alam ko kasing galit siya sa akin" si Mark.
"Sige kakausapin ko siya." Lahat ng lungkot ko at bigat ng damdamin ay nawala na. Ito na siguro ang daan upang magkabalikan kaming dalawa. 
"Tita, nasaan po ngayon si Jake" tanong ko kay Tita.
"Lumabas lang siya saglit, pero pabalik na siguro yon." sagot sa akin ni Tita.
"Ano pa ba ang hinihintay natin, dapat masaya tayo, tutal nakahanda na ang hapunan, tara sabay-sabay tayong kumain" yaya ni tito Eddie.
Bigla naman akong nagsalita "Hindi ba natin hihintayin muna na bumalik si Jake?" 
"Uuwi rin siya, baka nga masorpresa pa iyon pagdating niya dahil nandito ka." si Tita Edna.


Sinimulan na naming kumain ng hapunan, marami pa kaming napag-usapan ng gabing iyon. Nalaman kong mahigit 1 taon na ang relasyon nila Cathy at Bob, ang kapatid ni Mark. Kahit papaano naman ay napatawad ko na si Cathy sa mga ginawa niya. Sa kaso naman ng mga magulang ni Jake, kita ko rin ang kasiyahan sa kanila dahil hindi na maaakapektuhan ang kanilang negosyo.


Pasadong 10pm na nang umuwi ang magkapatid. Naiwan kami ni Pat para hintaying bumalik si Jake sa sala.


"Gabi na bakit wala pa siya" ang may pag-aalala ko nang tanong kay Pat.


"Dont worry darating din siya just wait" sagot ng bestfriend ko.

Lumipas na ang isang oras ngunit wala pang Jake na dumating. Lalo akong nag-alala sa kanya. Maya-maya lumapit sa amin si Tita.


"Wala pa ba si Jake, naku ano na kaya ang nangyari sa kanya?" sabi ni tita.
"Mabuti pa siguro tawagan niyo po ang mga kaibigan niya baka alam nila kung nasaan siya" suggestion ni Pat.


"Isa-isang tinwagan ni Tita Edna ang mga alam niyang kaibigan ni Jake. Ni isa sa kanila walang nakakaalam kung nasaan siya. Bigla ko namang naalala ang isang pangyayari noon. Ang ginawang paglalasing niya sa isang Bar malapit sa school. Naisip kong puntahan siya doon. Sinamahan ako ni Pat.



Pagkarating doon, kumpirmado nagpunta nga si Jake doon. Kinabahan na ako na baka may masama nang nangyari sa kanya. Naisipan naming libutin ang buong lugar, nagbabakasakaling makita siya.


Sa kotse habang nagmamaneho si Pat, patuloy pa rin ako sa pag-iisip, nagdadasal na sana ay walang mangyaring masama sa kanya.


"Bestfriend, alam kong sobra na ang pag-aalala mo, wag kang mag-alala, hindi na tayo titigil sa paghahanapsa kanya." si Pat at hinawakan ako sa kamay. Napaiyak na akong tumugon sa kanya.
"Maraming salamat at nandiyan ka para sa akin" Ngumiti lang siya sa akin. Doon ko lalong nalaman ang kahalagahan ng isang kaibigan sa oras ng pangangailangan.


Maya-maya tumawag si Tita. Agad kong sinagot ito. "Tita ano na po balita kay Jake?"
Lalo akong kinabahan nang hindi agad sumagot si Tita.
"Tita, ano po?" ang napalakas ko nang tanong. Narinig kong umiyak si Tita.
"Dave, nandito kami ngayon sa ospital" pautal na sagot ni Tita Edna.
"ANOOOO?"


Itutuloy.......

Thursday, November 18, 2010

PANTASYA Part 7

Dumating na ang panahon ng long vacation, sa awa ng Diyos ay natapos ko ang ikatlong taon sa kolehiyo.  Halos limang buwan  na rin ang lumipas mula nang mangibang-bansa si Jason. Medyo nakakaramdam ako ng lungkot and at the same time ay naninibago dahil mag-isa na lang ako. Iniisip ko nga kung ano na ang ginagawa niya, kung maayos ang kalagayan niya at kung mayroon na siyang mga bagong kaibigan sa Canada. Pero kahit papaano ay sinasanay ko na ang sarili ko ngayon. Patuloy pa rin ako sa aking mga daily routines.

Ito rin ang panahon ng pag-alis ni kuya papuntang Maynila para ituloy ang pagtuturo. Kahit papaano kasi ay mas malaki ang sasahurin niya doon. Ngayon, ay kaming dalawa na lang ng nanay ang magkasama. Si nanay, ganun pa rin siya todo kayod para lang maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Sa totoo lang naaawa na ako. Nakikita ko kasi na medyo nahihirapan na siya dahil sa pagtanda. Kaya pinangako ko sa aking sarili na lalo akong magsusumikap sa aking pag-aaral.

Isang umaga, habang nagjojogging ako, bigla akong tinawag ni Tita Mely. Lumapit siya sa akin.

"Rico, pwede ka bang makausap saglit?" si Tita Mely.
"Ano po iyon"? sagt kojng patanong din.
"Ipapaalam ko lang sa iyo ang tungkol sa nanay mo, nung sabado kasi na nagtrabaho siya sa akin ay napapansin ko ang madalas niyang pag-ubo e. Parang nahihirapan kasi siya. Sinabihan ko nga siya na magpatingin na sa doktor pero mukhang ayaw niya, sana kuminsihin mo siya" sabi ni Tita Mely na nag-aalala.
"Sige po, ako na ang bahala Tita" ang nasabi ko na lang. Hindi na lingid sa akin sinabi sa akin ni Tita Mely. Iniisip ko na ordinaryong ubo lang ang sakit niya, kapag tinatanong ko kasi siya sasabihin niyang ok lang siya at huwag akong mag-alala.

Pagkapasok ko ng bahay, nakita ko si nanay na naghahanda na ng paninda niya sa palengke.

"Anak, mag-almusal ka na muna, nagluto na ako ng sinangag at daing. Pagkatapos, maglaba ka, tambak na ang mga damit sa labahan e." si nanay.
"Sige po, ah nay ano po kasi, nakausap ko si Tita Mely kanina lang, napapansin na rin niya ang madalas ninyong pag-ubo. Sana po magpatingin na kayo sa doktor, sasamahan ko kayo" nag-aalala ko nang sabi sa kanya.
"Ano ka ba anak, huwag kang mag-alala, ok lang ako, tignan mo ang lakas ko oh" si nanay.
"Sigurado po kayo ha?" sunod na tanong ko sa kanya.
"Oo naman, o sige alis na ako anak, yung mga binilin ko sa iyo ha?" si nanay sabay buhat ng paninda at tumungo sa pinto palabas.
"Opo nay, sige ingat kayo."

Agad kong kinain ang mga nakahaing almusal dahil na rin sa gutom ko sa ilang minutong jogging. Pagkatapos, nilinis ko ang buong bahay. Nang matapos na ay kinuha ko ang mga maruruming damit sa mga kwarto at dinala sa bakuran para labhan.

Medyo mainit na nang mga oras na iyon kaya nagpasiya akong hubarin na ang suot kong T-shirt. Sinimulan ko na ang pag-iigib ng tubig na gagamitin ko sa poso na malapit sa barangay hall. Habang nagbubuhat ng mga baldeng may tubig pabalik sa bakuran, napansin ko ang mga tingin ng mga tao sa akin. Alam ko na namamangha lang sila sakaya nginingitian ko lang sila. Agaw-eksena naman ang babaeng hinimatay dahil sa ginawa ko. Agad siyang inuwi ng mga kakilala sa kanila. Naririnig ko pa ang kanilang bulung-bulungan.

"Grabe ang babaeng ito, nahimatay, overacting" sabi ng isang babae sa katabi niya.
"E sino ba naman ang hindi, pamatay kasi talaga ang ngiti niya e. Saka tignan mo naman mula ulo hanggang paa, perfect." sagot ng kausap niya. Kakatuwa lang dahil puro papuri na ang mga lumalabas sa bibig ng mga taong nanglalait sa akin dati. Hinayaan ko na lang sila at tinuloy ko na ang aking ginagawa.

Nang makaipon na nang sapat na tubig, pinaghiwa-hiwalay ko na ang mga puti sa de-kolor. Sa di inaasahan may napansin akong bahid ng dugo sa mga panyo. Ang tuwa ko sa mga nangyari kanina lang ay napalitan ng kaba at pag-aalala. Alam ko kasi na si Nanay ang may-ari ng mga panyong ito. Kaya napag-desisyuan kong bilisan ang gawain.

Makaraan ng limang oras natapos na rin ako sa paglalaba. Sinampay ko na ang mga nilabhan, pagkatapos ay naligo at umalis para puntahan na si nanay sa palengke at kumpirmahin ang mga nakita ko. Habang papalapit ako nang naaaninag ko ang mga kumpol na tao na waring may tinitignan. Nang makalapit pa nang husto, kinabahan na ako dahil  naroon ang mga tao sa pwesto kung saan nagtitinda si nanay. Agad na akong tumakbo. Nang makita ko kung sino ang tinitignan nila, halos manigas ang katawan ko, si nanay nakahandusay sa lupa at walang malay.Naiiyak akong yumakap sa kanya. Doon ko napansin na medyo mainit siya at namumutla. Ayon sa mga kasama niyang tindera na lumapit sa akin ay bigla na lang daw itong hinimatay habang nag-uuubo. Dinala ko na siya sa ospital.

To the rescue ang mga doktor nang dumating ako doon at ipinasok siya sa emergency room. Halos hindi ako mapakali dahil sa pag-aalala sa kalagayan niya. Makalipas ang halos isang oras, lumabas na ang doktor at lumapit sa akin.

"Sir kayo ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ng doktor sa akin.
"O..o..opo dok, anak niya ako. Ano na po ang lagay ng nanay ko?" ang naiiyak kong tanong sa doktor.
"Ok na ang nanay mo, yung pagkahimatay niya kanina ay dahil sobrang pagod. Kailangan lang niya ng kaunting pahinga." sabi ng doktor.
"Salamat po, isa pa dok, yung tungkol naman po sa madalas niyang pag-ubo. Nag-aalala na ako dahil may lumalabas na dugo sa kanya e." ang sunod kong tanong.
"Huwang kang mabibigla iho, may tuberculosis ang nanay mo. Medyo malala na ito dahil hindi agad napatignan, pero may pag-asa pa naman siyang gumaling, mahaba nga lang ang gamutan, sige iho ppuntahan ko muna ang iba kong pasyente" sabi ng doktor.

Sa kapilya ng simbahan, doon ko nilabas ang lahat ng emosyon ko sa nangyari. Pinagdasal ko na sana bumilis ang pag galing ng nanay. Agad ko ring tinawagan si kuya sa Maynila.

"Kuya, ang inay nasa ospital siya ngayon" ang naluluha kong balita sa kanya.
"Bakit ano nangyari sa kanya?" ang napalakas na tono ng pagtatanong ng kuya ko.
"Hinimatay siya kanina, saka kuya, may TB siya, pero may pag-asa siyang gumaling. Inaalala ko lang kung saan kukunin ang pera para sa gamot niya pati ang mabayad sa ospital." sagot ko sa kanya.
"Ganun ba, sige gagawa agad ako ng paraan, basta diyan ka lang at bantayan mo si nanay ha" si kuya.

Halos apat na oras aqng lumipas nang magkamalay ang nanay.Agad akong yumakap sa kanya.

"Buti naman nay at nagkamalay na kayo, bakit niyo pa pinatagal ang sakit ninyo sana hindi na lumala pa yan?" sabi ko sa kanya.
"Anak, iniisip ko kasi ang mga gagastusin e, inilalaan ko kasi ang mga kinikita ko sa bahay pati sa pag-aaral mo." sagot niya.
"Nay naman, mas inaalala mo pa ako kaysa sa kalusugan mo, sige nay kailangan niyo nang magpahinga sabi ng doktor. Aalis muna ako" paalam ko sa kanya.

Pumunta ako sa baba ng ospital para alamin kung magkano ang magiging bill namin pati ang mga halaga ng gamot na nireseta ng doktor.Halos malula ako sa presyo.Halos twenty thousand ito kasama na ang mga gamot ni nanay. Tama naman kasi mahaba-haba ang magiging gamutan niya.  

Naglalakad ako palabas ng ospital nang nag-iisip, kung saan kami kukuha ng ganoon kalaking halaga. Medyo nakaramdam ako ng gutom kaya nagpasiya akong kumain sa isang karinderya malapit doon. Lugaw ang inorder ko. Habang kumakain, biglang nagring ang cellphone ko. Si kuya ang tumawag. Binalita ko sa kanya na nagkamay na ang nanay. Sinabi ko na rin ang halaga ng mga gagastusin sa ospital.

"Ah ok, salamat at ayos na siya. Huwag mo nang alalahanin ang mga gastos, may makukuhanan na ako ng pera." sabi ni kuya sa akin. Natuwa ako sa sinabi niya pero nacurious ako kung saan niya kinuha ang pera kaya tinanong ko siya.

"Kuya saan at kanino ka naman kumuha ng pera?" tanong ko sa kanya. Nagtataka lang ako kasi hindi pa naman nagtatagal si kuya sa Maynila kaya wala pa siyang pera.
"Basta, bukas malalaman mo rin. Dadalaw naman siya sa inyo dyan, o sige tawag na lang ulit ako bukas." si kuya.
"Teka kuya sino...." pahabol ko sanang tanong sa kanya nang mag end call siya.

Itutuloy...........

Tuesday, November 16, 2010

PANTASYA Part 6

Binago ko na ang  aking routine sa araw-araw. Paggising ko pa lang sa umaga, nagjojogging na ako.Iniikot ko ang buong barangay namin. Binabalewala ko lang ang mga taong nakatingin sa akin lalo na ang mga mapanghusgang mga tao na nang-aasar sa akin na baboy. Tuwing wala namang pasok, nagwowork-out ako sa gym sa isang mall malapit sa amin, minsan naman sinasamahan ako ni Jason. Sa simula medyo mahirap, pero kung pagsisikapan, talagang kakayanin.

Sinimulan ko na rin ang pagpapaganda ng aking balat base sa mungkahi ni Jason. Regular akong nagpupunta sa isang espesyalista. Hindi ko naman gaano pinoproblema ang gastos dahil tinutulungan naman ako ni Jason. Kahit busy ako sa mga ganitong bagay, hindi ko pa rin pinababayaan ang aking pag-aaral.

Nagbunga naman ang aking paghihirap, second year college na ako, isang taon buhat nang magsimula ako, nawala na ang aking pagkachubby. Isang Rico na ako ngayon na may magandang pangangatawan, may maputi  at makinis na balat. Napansin ko na rin ang aking pagtangkad.

"Wow anak, ang laki na talaga nang pinagbago ng itsura mo, binatang-binata ka na, naalala ko tuloy ang tatay mo" si Inay isang araw habang nag-aagahan kami.
"Oo nga tol, mas macho ka na sa akin" si Kuya.
"Ako na naman ang napansin niyo" sabi ko.
"Hindi lang kami pati na ang mga kapitbahay natin lalo na si Tita Mely mo sa tapat." si Inay.
"Health conscious lang po ako inay, siyanga pala kuya tuloy na ba talaga ang paglipat mo sa Maynila"nalaman ko kasi na nmadedestino si kuya na magturo sa isang eskwelahan doon.
"Oo, tatapusin ko na lang ang school year sayang lang at hindi ko na makakasabay si... ay wala hehehe" sagot ni kuya. Kahit pinutol niya ang kayang pahayag ay alam ko na ang taong tinutukoy niya, alam niya kasi na ayaw ko nang pag-usapang pa iyon. Magsasalita pa sana ako nang may kumatok sa gate namin. Si Jason pala ito nang buksan ko ang gate. Madalas na pala siyang sumasabay sa akin sa pagpasok at minsan sa pag-uwi galing school.

"Good Morning Rico" si Jason. Nakakadala talaga ang mga ngiti niya.
"Ikaw pala, nag-agahan ka na ba? halika pasok ka muna" yaya ko sa kanya. Sa loob ng bahay,
"Oh iho, halika at kumain ka muna, pasensiya ka na kung ito lang ang ulam namin.
"Ok lang po tita, kumain na po ako sa amin kanina" sagot ni Jason.
"Ay naku, ayaw lang niya ng ulam natin, palibhasa mayaman" sabat ni Kuya.
"Ano ka ba kuya, busog lang yung tao" pangangatwiran ko. Ewan ko ba sa kuya ko, hanggang ngayon ay iba ang pakikitungo niya kay Jason. Pero hindi ko na lang ito binibigyan ng pansin.
"Rico, ayos lang ako" nahihiyang sagot ni Jason.

Nang matapos ang agahan, sabay kaming umalis ni Jason. Habang naglalakad,

"Rico, mamaya punta ka sa bahay namin, umuwi na kasi ang mommy ko galing Canada, may kaunting salu-salo." si Jason.
"Jason, may session ako sa gym mamaya baka hindi ako makasama sa iyo"
"Ano ka ba tol, minsan lang naman to, sige na?" si Jason ulit.
"Sige na nga" pagpayag ko. Marami na rin kasi siyang nagawa sa aking mabuti.
"Isa pa pala Rico, sa mga susunod na araw, hindi na tayo magcocommute at maglalakad, dahil magkakaroon na ako ng sariling kotse" 
"Wow, ang yaman niyo talaga" ang sabi ko sa kanya.
"Parang naiinggit ka sa tono ng boses mo, huwag kang mag-alala lagi kang makakasakay" si Jason sabay akbay sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya.

Nang matapos ang klase, sabay na kaming pumunta sa kanila. For the first time, nakita ko ang bahay nila. Malaki pala ito. Nasa isang exclusive na subdivision ito na para lang sa mga mayayaman. Medyo nahiya pa ako nang pumasok kami dahil sa dami ng mga tao dun, mga kamag-anak pala ng pamilya nila ang mga ito. Dumeretso kami sa kanilang malawak na hardin. Doon sinalubong kami ng isang may edad na babae.

"O Jason anak, buti naman at nakarating ka na, at teka siya ba ang sinasabi mong bestfriend mo?" sabi ng babae.
"Yes Mom, by the way he is Rico, And Rico, this is my mom, Carmencita Garcia." pagpapakilala sa amin ni Jason.
"Wow, he' so handsome, ah iho you can call me Tita Carmen na lang" sabi sa akin ng mommy ni Rico sabay nakipagkamay.
"Sige, maiwan muna namin kayo, aasikasuhin lang namin ang iba pa nating bisita" si Tita Carmen ulit. 

Inilibot ako ni Rico sa buong bahay nila at pinakilala pa niya ako sa iba nilang kamag-anak na naroroon. Kahit papaano, nawala na ang nararamdaman kong hiya dahil sa magiliw na pagtanggap nila sa akin. Maya-maya niyaya niyaya akong pumunta sa kanyang kwarto.

"Aba Jason, ang laki pala nito, parang pinagsamang kwarto na namin ito ng kuya ko." ang pagkamangha kong sabi sa kanya pagkapasok namin sa loob at umupo sa kama.
"Oo, pero alam mo bihira lang ako dito, madalas kasi akong matulog sa bahay ng mga katropa ko." si Jason sabay upo sa tabi ko.
"Ah yung mga ungas at walang kwentang kaibigan mo" sagot ko.
"Ayan ka na naman, may hinanakit ka pa ba sa kanila, mababait naman sila e saka hindi ka na nila aasarin pa ano, sa katawan mong iyan baka mainggit pa sila sa iyo." si Jason na nakangiti sa akin.
"Oo, kaya nagpapasalamat ako sa iyo sa mga tulong mo sa akin" sagot ko sa kanya.
"Ano ka ba wala iyon, teka pasok lang ako ng CR saglit, magbabawas lang." si Jason. Tumango lang ako bilang pagpayag.
Habang nasa banyo, inilibot ko naman ang mga mata ko sa kwarto niya. Meron siyang sariling TV, laptop, component, gitara, playstation, kotse at marami pang ibang bagay na wala sa aking kwarto. Napakaswerte naman ng taong ito, lahat ng luho nagugustuhan di tulad ko na kailanman ay hanggang pangarap na lang.

"Ano gusto mo sa mga iyan, ibibigay ko sa iyo?" si Jason na nakalabas na pala ng CR.
"Ah wala ano?" ang nahihiya kong pagtanggi sa kanya.
"Sure ka, nakikita ko naman sa iyo ang pagkainteres mo sa mga gamit ko dito. Sa totoo lang hindi ko naman ginagamit ang mga iyan, alam mo naman na lagi akong nasa labas" si Jason.
"Hindi ano, sige uwi na ako baka lalo akong gabihin may pasok pa bukas" ang pag-iiba ko nang usapan.
"Sige tara ihatid na kita sa sakayan" ang pag-aalok ni Jason.

Pasado alas 9:00 ng gabi nang makauwi na ako sa amin. Pagkapasok ko pa lang, nakita ko na agad ang kuya ko na nasa mesa, may sinusulat sa tingin ko ay lesson plan niya.Napatingin siya sa akin.

"Oh dumating ka na pala, kumain ka na ba?" tanong ng kuya ko habang patuloy sa pagsusulat.
"Oo, sa bahay ng isang kaibigan ko" ang casual kong sagot sa kanya habang naghuhubad ng sapatos at medyas.
"Kaibigan ba o kaIBIGan?" ang subod na tanong niya.
"Anong ibig mong sabihin? si Jason ba ang tinutukoy mo kuya?" ang sagot kong patanong din sa kanya.
"May relasyon ba kayo ng taong iyon?" si kuya.
"Wala kaming relasyon, bestfriends lang kami" ang sagot ko sa kanya.
"Ok, papaalalahanan lang kita, huwag mo siyang gawing panakip-butas" ang sagot ng kuya ko.
"Pwede ba kuya, ayoko nang pag-usapan ang mga ganyang bagay, magbabalik na naman tayo sa nakaraan e, please lang" pakiusap ko sa kanya. Hindi na siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagsusulat. Ako naman ay dumeretso na sa aking kwarto at nagpahinga.

Ilang buwan pa ang lumipas at third year student na ako. Masasabi ko nang na achieve ko na totally ang gusto kong maging image sa sarili ko. Marami na ring nagtitinginan sa akin na mga girls at pa-girls sa lugar namin pati sa school. Naisip ko na ganito pala ang pakiramdam ng pinagpapantasiyahan ka ng ibang tao, nagiging sikat ka. Nararamdaman ko na nakakaangat na ako sa iba.

Sa amin naman ni Jason, medyo madalang na kaming magkita dahil sa pagiging busy niya sa pag-aaral. Malapit na kasi siya grumaduate. Kahit ganito ang set-up namin, hindi kami nawawalan ng komunikasyon.

Sa totoo lang, ramdam ko naman sa mga kinikilos niya na may pagtingin siya sa akin, pero hindi ko ito kayang tumbasan, dahil hanggang ngayon ay nasa puso ko pa rin ang aking childhood love na si Kuya Carlo kahit masakit ang mga ginawa niya sa akin noon. Alam naman niya ito kaya siguro hindi siya umaamin sa akin ng nararamdaman niya at nagiging kuntento na siya sa pagkakaibigan namin.

Isang gabi ay nagtext siya sa akin.

"Rico, pwede bang mag-usap tayo, lumabas ka diyan, nandito ako sa tapat ng bahay niyo?" text ni Jason. Agad naman akong lumabas.
"Ano problema, gabi na ah tara pasok sa loob tayo" sabi ko sa kanya.
"Bigla namang lumungkot ang mukha niya saka nagsalita." Dito na lang tayo, sasabihin ko lang kasi sa iyo na pupunta na kami sa Canada dahil namatay na kasi ang dad ko at kami na ang magpapatuloy ng negosyong naiwan niya. Doon ko na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral ko." si Jason.
"Ha, biglaan naman. so kailan ang alis mo at may chance pa bang bumalik ng Pilipinas?" ang tanong kong pagkabigla sa kanya.
"Next week na kami aalis, inaasikaso lang kasi ang mga papeles ko. We will stay there for good na, kaya nga nalulungkot ako dahil magkakahiwalay na tayo"  Hindi ko namang maiwasan ang maluha sa mga narinig sa kanya. Kahit papano kasi ay mahabang panahon rin ang aming pinagsamahan. Pero kita ko sa kanyang mukha na mas malungkot siya sa akin kaya ako na ang nagpalakas ng loob niya.
"Basta tol,sasabihin ko sa iyo na kahit saan ka man magpunta ay di mawawala ang pagkakaibigan natin. Ano ka ba, pwede pa naman tayo mag-usap ha, nandiyan naman ang internet at cellphone. Kahit papaano ay makakapagrenta at makakapagload naman ako." ang sagot ko sa kanya sabay haplos sa kanyang likod.
"Tama ka tol, hayaan mo pipilitin kong makapag-usap tayo ng regular. Pangako" si Jason. Ngumiti lang ako sa kanya. Kita ko sa kanya na medyo naging ok na siya.

Isang araw bago siya umalis, pinapunta niya ako sa kanilang bahay. Siyempre hindi na ako tumanggi dahil last day na ito na magkakasama kaming dalawa. Sa may gate pa lang, sinalubong na niya ako at niyakap.

"Teka lang tol baka hindi na ako makahinga niyan" sabi ko habang nakayakap siya. Natatawa siyang kumalas sa akin.
"Pasensiya ka na, ito na kasi ang huling pagkakataon na mahahawakan at mayayakap kita, ano kumain ka na ba?" si Jason.
"Oo" sagot ko.
"Ah, halika pasok ka, doon tayo sa kwarto ko, ako lang mag-isa ngayon dito." yaya ni Jason sa akin.

Maghapon lang kami sa kwarto ni Jason. Buong araw kami nagsayang dalawa. Nanood ng movies sa TV, naglaro ng play-station, nagsurf ng net sa laptop niya, nagsoundtrip, foodtrip at nag-usap nang kung anu-ano.

Nang sumapit ang gabi, ang kasiyahan sa aming dalawa ay napalitan ng kalungkutan.

"Ilang oras na lang at aalis ka na" ang bigla kong nasabi sa kanya habang nakaupo sa kama.
"Oo, alam mo tol ngayon pa lang mamimiss na kita, hindi na tayo magsasabay sa pagpasok hindi na rin kita masasakay sa kotse ko. Ikaw ganun din ba?" si Jason. Tumabi siya sa akin.
"Siyempre naman, pero kailangan ba talagang sumama ka sa mommy mo doon?" ang tanong ko sa kanya.
"Wala naman akong magagawa e,saka ako lang kasi ang inaasahang magpapatuloy ng aming negosyo kung saka-sakaling may di magandang mangyari pa sa mom ko." sagot niya.
"Ganun, e di walang saysay pala ang kinuha mong kurso"
"Hindi naman, magagamit ko pa rin ito sa ibang bagay" sagot niya ng nakatingin sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. Ewan ko ba, parang nahipnotismo ako sa mga pagtitig niya. Bigla siyang nagsalita.

"Rico, may ipagtatapat sana ako sa iyo, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Bago man lang tayo magkalayo ay masabi ko na ang totoo kong nararamdaman sa iyo. I love you tol" si Jason sabay haplos sa aking mga pisngi. Hindi na rin ako nabigla pa sa mga sinabi niya dahil alam ko naman iyon noon pa, di naman ako manhid para di maramdaman iyon sa kanya.

Natulala na lang ako sa sunod niyang ginawa. Habang haplos pa ang mga pisngi ko, unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin hanggang sa magdikit ang aming mga labi. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Ewan ko ba, kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko siya mahal, maluwag sa loob kong tinanggap ang mga ginagawa niya sa akin. Siguro pagpapaubaya na lang ito dahil sa pag-alis niya.

Buong puso kong ginantihan ang kanyang paghalik. Pagkatapos, hinubad ang suot kong t-shirt at sinimulan na niya ang pagromansa sa akin. Napahiga na ako sa kama at umibabaw siya sa akin. Maya-maya, hinubad na niya ang pantalon ko at brief. Sinubo niya ang aking naninigas nang pagkalalaki.

Tuluyan na akong bumigay sa ginagawa niya. Parang narating ko na ang langit sa kasarapang nararamdaman ko sa ginagawa niya. Hinubad na rin niya ang lahat ng suot niya. Bigla siyang humiga sa tabi ko at sinabing" Tol pasukin mo ako, gusto lang kita maramdaman sa kahuli-hulihang pagkakataon"

Nabigla man sa sinabi niya pero pumayag na rin ako dahil na rin sa libog. Agad niyang inabot sa akin ang isang condom at lotion. Halatang pinaghandaan niya ang gabing ito. Isinuot ko na ang condom sa aking ari at pinahiran ng lotion ang butas ni Jason. Tinaas ko na ang mga binti niya sa aking balikat at tuluyan nang ipinasok ang ari ko.

Kita ko sa mukha niya na nasasaktan siya pero sinabi pa rin niya na ipagpatuloy ko lang. Kaya dahan dahan akong umulos. Aaminin ko sa aking sarili na talagang nasasarapan ako. Habang tumatagal, nakikita ko na sa mukha ni Jason na hindi na siya nasasaktan kaya binilisan ko na ang pag-ulos. Maya-maya nararamdaman ko na kasukdulan. Hindi ko na ito napigilan at tuluyan nang nagpalabas sa loob ng butas ni Jason.

Bilang ganti, ako naman ang nagromansa sa kanya. Isinubo ko na rin ang kanyang ari. Kita ko sa kanyang reaksyon ang sobrang kasarapan.  Maya-maya ay nilabasan na rin siya. Napahiga na lang kaming dalawa na walang saplot at pagod na pagod.

"Salamat tol at pinagbigyan mo ako, hinding-hindi ko ito makakalimutan. Alam mo ba na noon ko pa gustong mangyari ang bagay na ito." si Jason na nakahiga.
"Salamat din, alam mo first time ko ito at talagang na-enjoy ko pero" sasabihin ko sana nang bigla siyang humarap sa akin at nagsalita.
"Pero hindi mo ako mahal, tanggap ko naman iyon dahil alam ko na si Carlo pa rin ang nasa puso mo hanggang ngayon. Kuntento naman ako sa pagkakaibigan natin." si Jason. Ngumiti lang ako sa kanya.

Muli, isang halik ang ginawad niya sa akin. Ito na ang kahuli-hulihang halik ng pagmamahal na mararanasan ko sa kanya.  Maya-maya, tuluyan na kaming nakatulog na wala pa ring saplot sa katawan.

Itutuloy................

Saturday, November 13, 2010

PANTASYA Part 5

Paakyat na ako ng hagdan papunta sa aming room sa 3rd floor nang bigla kong makita si Jason na bumababa ng hagdan kasama ang mga tropa niya. Para di niya komapansin, yumuko lang ako at binilisan ang paglalakad. Nakalampas na sana ako sa kanya nang bigla siyang bumalik at hinawakan ang braso ko. Pinagmamasdan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Rico, ikaw ba yan?" ang bigla niyang tanong. Hindi ako sumagot sa halip bumitaw ako sa pagkakahawak niya ngunit mas lalo pa niya hinigpitan.Bigla niyang tinanggal ang shades ko.
"Aba tol, si piggy boy pala oh, first time lang namin makakita ng baboy na nagsusuot ng shades." ang sabi ng isa niyang kasama at nagtawanan sila maliban kay Jason na nakatingin pa rin sa akin marahil napuna na niya ang maga kong mata.

"Bakit ganyan ang mata mo, may problema ka ba?" si Jason at hinaplos ako sa likuran. Nanibago naman ako sa inasta niya sa akin ngayon, nasanay na kasi akong inaasar ng ungas na ito kapag nagkikita kami.
"Concern ka ba? parang hindi bagay sa iyo iyan, unbelievable!" sabi ko.
"Ganyan ka ba talaga, ang hirap kasi sa iyo sa iisang tao ka lang nakatingin kaya di mo na napapansin ang ibang tao sa paligid mo na nag-aalala rin sa iyo."si Jayson. Nabigla naman ako  sa mga sinabi niya, for the first time in the history kasi, ngayon ko lang siya narinig na magsalita ng mga seryosong bagay tulad nito. Parang patama pa sa akin ang mga binitiwan niyang salita.
"Kung ganoon inaalala mo pala talaga ako, pasensya na ha, kasi naninibago lang ako sa iyo, sanay na kasi akong inaasar mo palagi e" sabi ko sa kanya.
"Buti alam mo na kaya ipaliwanag mo sa akin ang dahilan ng pamamaga ng mata mo." si Jason.
"Ah wala to sore eyes lang." palusot ko sa kanya. Kita ko sa reaksyon ng mukha niya na hindi siya naniniwala.
"Sige pumunta ka na sa klase mo baka ma late ka na, mamaya na lang ulit tayo mag-usap.Tara na guys" Umalis na si Jason kasama ang mga katropa niya. Nabatid ko na kahit gaano kasama ang isang tao ay meron rin pala siyang kabaitang tinatago. Isinuot ko na ulit ang shades at tumuloy na sa room.

Hindi ako maabsorb ang mga lectures ng aming teachers dahil sa kakaisip ng mga nangyari noong isang gabi. Hanggang ngayon kasi ramdam ko pa rin ang sakit. Natapos ang  klase sa araw na iyon na wala ako gaano natutunan.

Lumabas ako ng school na nakayuko, matamlay at wala sa sarili. Medyo natauhan lang ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Jason. Tumingin ako sa kanya, nakasandal sa gate ng school. Lumapit siya sa akin.

"Ayos ka lang ba, ang tamlay mo kasi e, akin na ang bag mo ako na ang bubuhat, ihahatid kita sa inyo." si Jason.
"Salamat" at ibinigay ko sa kanya ang bag. Habang naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep, tinanong ulit niya ako. Hindi talaga ako titigilan ng ungas na ito kaya sinabi ko na sa kanya ang totoo, tutal alam naman niya ang pagkagusto ko kay Kuya Carlo.
"Ikaw kasi, iniisip mo na parang sa kanya lang iikot ang mundo mo kaya nasasaktan ka ng ganyan. Pwede ba huwag mo na siyang isipin, sisirain mo ba ang buhay mo dahil sa isang taong tulad niya" si Jason. Sa pagkakataong ito, nagustuhan ko na ang mgta sinasabi niya. Tama nga naman kasi, bakit ba ako magpapakatanga sa isang taong hindi na ako pinahahalagahan.
"Salamat sa payo" sabi ko sa kanya.
"Iyan lang ba ang sasabihin mo puro salamat lang" si Jason. Napatingin ulit ako sa kanya.
"Ano ba ang gusto mong sabihin ko?"
"Na naapreciate mo ang mga ginagawa ko, na natutuwa ka sa akin" si Jason ulit.
"Ah, sige sasabihin ko, Jason salamat sa pag-aalala, sobra kong naapreciate at natutuwa sa mga ginagawa mo... pero kaunti lang" sagot ko sa kanya. Abot-tenga naman ang ngiti niya pero nang dugtungan ko ang mga sinabi ko biglang sumeryoso ulit siya.
"Bakit kaunti lang?" nagtatakang tanong niya.
"Alam ko kasi na ngayon lang iyan at bukas babalik ka na naman sa dati"
"Ganun pala ha, sige simula ngayon hindi na kita aasarin pa" si Jason.
"Sus, ikaw pa, kilala na kita, hindi mo ako kayang tiisin na di pagtripan ng isang araw"
"Hindi ko naman hinihingi ang pagpayag at paniniwala mo, papatunayan ko na lang ito sa gawa" si Jason na nakangiti na sa akin.
"Talaga lang ha"
"Oo promise." sabay taas ng isang kamay niya.

Sumakay kami ng jeep at siya na ang nagbayad ng aking pamasahe. Siyempre hindi na ko tumanggi, nakatipid kaya ako kahit papaano. Pagkababa, naglakad na kami papunta sa bahay namin.

Habang naglalakad, naaaliw ako sa mga ginagawa ni Jason sa akin. Doon ko nalaman ang ibang side ng kanyang pagkatao. May sense of humor siya, napapatawa ako kahit medyo korny ang jokes niya. Sa loob-loob ko nagpapasalamat ako dahil napapagaan niya ang kalungkutang nararamdaman ko.

 Papalapit na kami sa bahay nang makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa tapat ng gate namin. Nang makarating na mismo sa tapat ng gate, bumalik bigla sa akin ang lungkot at sakit  nang makita ko ang taong naging sanhi nito.

"Baby boy, buti dumating ka na, pwede ba tayong mag-usap?" si Kuya Carlo.
"Sa tingin ko wala na dapat kayong pag-usapan" ang biglang sabat ni Jason.
"Hindi kita kausap tol kaya huwag kang sumingit" si Kuya Carlo.
"Bakit tama naman ang mga sinasabi ko ah, tignan mo nga maigi ang mga mata niya, mahigit isang araw siya nag0iiiyak dahil sa mga ginagawa mo! si Jason.

"Tama na Jason, pasok na tayo" yaya ko kay Jason bago kami tumuloy sa loob hinarap ko muna si Kuya Carlo."Kuya, pwede bang huwag muna tayong mag-usap, hindi pa ako handa e, masyadong masakit sa akin ang mga nangyari, at saka itigil mo muna ang pagtawag sa akin ng baby boy" ang matigas kong sabi sa kanya pero sa loob-loob ko ay naiiyak na ulit ako.
"Please, pakinggan mo muna ang mga paliwanag ko, yan ang hirap sa iyo e, sinasarado mo na ang isip mo" si Kuya Carlo. Hindi ko na ito sinagot pa at dumeretso na kami papasok.

Nasa loob na kami ng bahay nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Kuya Carlo. Hindi ko naman mapigilang silipin siya sa bintana. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya pero nanaig pa rin sa akin ang paglayo sa kanya.

"Hayaan mo siya, kulang pa iyan sa ginawa niyang pagpapahiya sa iyo" si Jason.
"Oo, tama ka. siya ngapala dito ka na rin maghapunan, pauwi na kasi si Inay." ang pag-iiba ko ng usapan. Magsasalita sana ulit si Jason nang biglang lumabas ang kuya ko sa kwarto niya. Biglang nag-iba ang mood ng mukha niya nang makitang kasama ko si Jason.

"Bakit nandito siya?" si Kuya.
"Hinatid lang niya ako pauwi." casual kong sagot sa kanya.
"Ah, may bago ka na namang nilalandi ha" si kuya. Bigla namang nagpanting ang tenga ko sa mga sinbabi niya kaya sinagot ko siya.
"Wala akong ginagawa sa kanya." sagot ko.
"Tol, masyado ka namang masakit magsalita parang di mo kapatid ang sinasabihan mo" sabi ni Jason kay kuya. Pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang siya na pagsasalita sa akin.
"Rico, bago ka gumawa ng isang bagay, isipin mo muna kung may masasaktan kang tao sa paligid mo. At isa pa, sana man lang maging open ka sa lahat ng bagay." si kuya at lumabas ng bahay. Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya.

Nang dumating na ang inay, nagsimula na kaming kumain ng hapunan. Pagkatapos, hinatid ko na si Jason sa kanto.

"Salamat Rico sa hapunan pati sa pagpayag mong ihatid kita" si Jason.
"Dapat ako nga ang magpasalamat sa iyo dahil naging mabait ka na sa akin, sana lang magtuloy-tuloy ka na" sagot ko.
"Oo ba simula bukas, basta ipangako mo rin sa akin na hindi mo ko tatarayan at tuluyan mo nang iiwasan ang kuya Carlo mo" si Jason.
"Ok, sige umalis ka na masyado nang gabi."
"See you tomorrow" paalam niya sabay kaway.


Nang makasakay na siya, bumalik na ako ng bahay. Habang naglalakad ako pauwi, nahagip ng aking mata ang isang lalaki at babae na bumibili ng siopao. Nakilala ko lang sila nang magsideview ang mga mukha nito. Si Kuya Carlo pala kasama ang kanyang girlfriend. Masaya silang nag-uusap. Muli nakaramdam ako ng lungkot. Tuluyan na niya akong ipinagpalit sa babaeng iyon. Sa bagay, natural naman talagang magmahal ang lalaki sa isang babae. Naalala ko tuloy yung mga panahon na lagi niya akong inuuwian ng pasalubong na siopao. Nagsimula ulit tumulo ang aking mga luha.


Nagpasiya muna akong hindi umuwi sa amin. Naglakad-lakad ako kung saan-saan para makapagmuni-muni na rin. Hindi pa rin kasi ako maka recover sa mga nangyayari, nasasaktan pa rin ako. Naupo ako sa isang batong upuan. Iniisip kung ano ang dapat kong gawin. Naalala ko ang mga sinabi ni Jason kanina. Tama, dapat baguhin ko na ang sarili ko. Hindi na dapat ako magpakatanga sa isang tulad niya. Tuluyan na akong lalayo sa kanya dahil wala na talagang pag-asa na mabalik kami sa dati. Ifofocus ko na lang din ang sarili ko sa pag-aaral.

Pagkatapos ng mahigit kalahating oras ng pag-iisip, nagpasiya na akong umuwi. Pagkapasok ko sa loob, nakita ko si kuya na nakaupo sa sofa.


"Tol saan ka ba nanggaling, o ito siopao, dala ng Kuya Carlo mo, nandito siya kanina ka pa niya hinhintay." si Kuya sabay abot sa akin ng siopao. Napaisip ako kung bakit pa niya ako binilhan, ibig sabihin naaalala pa rin pala niya ako, pero hindi ko ito tinanggap.
"Ikaw na lang kumain niyan ,sige magpapahinga na ako." sabi ko sabay deretso sa kwarto. Habang naglalakad, narinig kong nagsalita pa si kuya.
"Ganyan ka na ba talaga kamanhid, wala na bang pag-asang mabuksan ang isip mo para maliwanagan ka. Sana hindi mo ito pagsisihan sa hinaharap" si Kuya. Hindi ko na ito gaano inintindi pa at tuluyan na akong natulog.


Kinabukasan, sinimulanko na ang pangako ko sa sariling pagbabago. Hindi ko na iniisip pa ang nakaraan.  Kahit naririnig ko pa kay Inay na magkasama na matulog si Kuya Carlo at ang babae niya sa iisang kwarto, hindi ko na lang ito dinamdam.




Lumipas ang ilang araw hanggang maging 4th year high school ako na tuluyan ko nang hindi kinakausap si Kuya Carlo. Hindi ko na siya inaabangan kapag umaga at hindi na sumasama kay Inay sa bahay nila kapag nagsisideline ito. Minsan nag-aatempt pa rin siya na kausapin ako kapag nagkukrus ang landas namin pero iniiwasan ko lang siya. Iniiba ko ang usapan kapag binabanggit siya ni kuya at inay sa akin. Sinara ko na nang tuluyan ang isip ko sa anumang paliwanag, para ano pa, masasaktan din naman ako.

Tungkol naman kay Jason, hindi na niya ako inaasar, naging mag bestfriends na kami. Natutuwa ako dahil lumabas na rin talaga ang totoong siya. Napakabait niya sa akin. Nakakasama na rin ako sa mga lakad ng kanilang tropa.


Dumating na ang araw ng aking graduation. Dahil na rin sa pangako ko sa sarili na magfofocus sa pag-aaral, naging valedictorian ako. Si kuya naman, nagtuturo na siya ngayon sa isang private school sa aming lugar matapos makagraduate dalawang taon na ang nakalilipas. Nalaman ko naman kay Jason na umalis na pala si Kuya Carlo sa bahay nila at nangibang bansa na. Ayon pa sa kanya, kasama niya ang kaniyang girlfriend. Naisip ko na siguro doon na sila magpapakasal at bubuo ng pamilya. Hindi na rin ako gaano naapektuhan doon, kahit papaano nakakapagmove-on na ako.


Pumasok na ako ng kolehiyo, tulad ng sabi ng inay, kinuha ko rin ang kursong Education tulad ni kuya samantalang si Jason ay third year college na sa kursong ECE. Ganoon pa rin kami ni Jason, parati kaming magkasamang dalawa palibhasa parehas kami ng university na pinapasukan. Kapag walang pasok, sumasama  na ako sa kanya pag-eehersisyo sa gym. Napagdesisyuan ko na rin kasing baguhin ang aking image. Ayoko na ng katawang mataba dahil magbabalik lang sa akin ang pait ng nakaraan.


Itutuloy..........