Wednesday, December 22, 2010

TUKSO Part 16

Napagpasiyahan kong lumuwas muna ng Maynila at pansamantalang makituloy sa bahay ni Bea. Hinatid ako doon ni Allan. Nang makarating ay nagpaalam siyang uuwi muna at nangakong pupuntahan ako kinabukasan.

"Im not surprised anymore Ricardo" ang agad niyang sagot matapos kong ikwento ang lahat ng mga nangyari.
"Ikaw naman Bea, parang wala ka naman pakialam sa akin." ang malungkot kong pahayag sa kanya.
"Aba, nagtampo ba daw sa akin. Alam mo, hindi na kasi yan bago sa akin. Bilangin mo nga kung ilang beses mo na sinasabi sa akin ang lahat ng mga kabiguan mo sa pag-ibig." si Bea ulit.
"Tama ka friend ewan ko ba, parang kakambal ko na talaga ang malas e. Siguro panahon na para baguhin ko na ang sarili ko"
" Hay naku ilang beses ko na narinig sa iyo yan.
"Hindi Bea, seryoso na ako. Sobrang nadala na kaya ako sa mga nangyari."
"So ano na ang mga plano mo ngayon ha?"
"Ang magsimula, ang ibangon ulit ang aking sarili. Gamit ang mga natitira kong pera ay magtatayo ulit ako ng negosyo."
"Ganun, pero teka nga balik tayo sa kwento mo, binigyan mo ba siya ng pagkakataong magpaliwanag. Baka naman kasi ay may ibang dahilan siya o di kaya'y mali lang ang naging interpretation mo sa mga nakita mo. Sa pagkakakilala ko kasi kay Mike, di siya ganoong tao."
"Hindi ko na alam friend, naguguluhan na rin ako. Sapat na yung nakita kong pagkasweet nilang dalawa para tuluyan na akong hiwalayan siya."

Sasagot pa sana si Bea nang biglang maudlot ng isang tawag mula sa kanyang cellphone.Nang sagutin niya ito ay tumingin siya sa akin. Doon ko nalaman na si Mike ang tumawag. Sinadya niyang i loud speaker ang phone para marinig ko ang kanyang mga sasabihin.Sinabihan ko siyang wag ipapaalam kung nasaan ako.

"Bea, nandiyan ba si Ric. Kanina ko pa siya hindi ma contact e?" ang unang pagtatanong ni Mike.
"Wala dito Mike, bakit mo siya hinahanap?  May problema ba kayong dalawa?" si Bea.
"Alam kong alam mo kung nasaan siya pero naiintindihan ko naman kung ayaw mong sabihin e. Kaya pakisabi na lang sa kanya na sana bigyan niya ako ng chance na magpaliwanag. Bea, hindi ko magagawang saktan siya. Mahal na mahal ko siya e. Sana matulungan mo naman ako."

Ramdam kong naiiyak na siya habang nagsasalita base sa tono ng kanyang boses kaya hindi ko na rin maiwasang maluha muli.
"Hayaan mo Mike, susubukan ko siyang kausapin. Sige Mike, marami pa akong gagawin."
"Salamat Bea" ang huling sinabi niya.

"Ano na ang gagawin mo friend, parang sincere naman siyasa mga sinasabi niya?" ang tanong niya sa akin matapos ang kanilang pag-uusap sa cellphone.
"Hindi pa ako handang harapin siya, siguro kailangan ko lang ng kaunting panahon" ang sagot ko sa kanya.
"Sige ikaw ang bahala. Pwede ba tumigil ka na nga sa kakaemote mo diyan. Malapit na ang Christmas dapat masaya ka. Ah alam ko na, tatawagan ko si Nica at Althea, mag- inuman tayo.

Pumayag na rin ako para naman mabawasan ang bigat ng aking nararamdaman. Napagdesisyunan naming mag Malate.

"Ricardo, wag ka ngang magmukmok diyan halika, sayawan tayo, let's party" si Althea.
"Sige kayo na lang, wala ako sa mood"
"Hayaan mo na nga siya, heartbroken na naman siya kaya tayo na lang tara!" si Bea.

Sa sobrang sama ng loob ko ay napadami ang aking inom. Sa tantya ko ay  naka 3 malalaking bote ng wine ang aking naubos. Dahil sa sobrang kalasingan ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Tuluyan na akong nakatulog.

Isang mukha ng lalaki na nakamasid sa akin ang agad kong nasilayan ng magising ako kinabukasan. Nang suotin ko ang aking salamin ay agad kong napagtanto kung sino ito, si Allan.

"Good Afternoon Ric" ang masayang bati niya sa akin.
"Ang aga mo naman" ang sagot ko sa kanya sabay bangon mula sa pagkakahiga.
"8am na kaya. Oh ano kamusta  ka na?"
"Eto, malungkot pa rin, mahapdi pa rin ang sugat sa nangyari kagabi"
"Ang lalim naman nun, halika mamasyal tayo." ang yaya niya sa akin.
"Hindi maganda ang pakiramdam ko Ric saka na lang siguro" ang pagtanggi ko sa kanya.
"Sayang naman itong binili ko" sabi niya sabay labas ng dalawang ticket mula sa kanyang bulsa.
"Enchanted Kingdom!" sabi ko nang makita ang inilabas niya.
"Oo, Christmas season na e kaya Tara na!"
Wala na akong nagawa kundi pumayag tutal makakatulong din naman ito para kahit papaano makapag-enjoy  ako.

Dalawa lang kaming bumiyahe papuntang Laguna. Nang makarating sa aming destinasyon, nabigla ako as sobrang dami ng tao. Ganito pala dito kapag magpapasko.

Medyo natagalan kami bago makasakay ng mga rides dahil sa haba ng pila kaya sa buong araw ay tatlong rides lang ang nasakyan namin. Ang roller skater, Anchors away at ang nakakalula at nakakahilong space shuttle. Bukod pa roon ay kumain din kami sa mga fastfood at stalls na naroon. Bumili muna kami ng Buko Pie bago umuwi.
"Mabuti naman at masaya ka na ulit" si Allan habang nagmamaneho ng kanyang kotse.
"Oo, maraming salamat sa iyo, sobrang nag-enjoy ako. Medyo nabawasan ang kalungkutan ko"
"Walang anuman basta ikaw, siyanga pala ano ang mga balak mo ngayong pasko?"
"Ako, ewan ko. Parang walang Pasko sa akin, alam mo namang nag-iisa lang kasi ako sa buhay." ang deretsahan kong sagot sa kanya na dinaan ko sa pagngiti. Pero sa loob-loob ko ay sobrang lungkot ang nararamdaman ko.
"Ahm, Ric kung pwede sana sa amin ka na lang mag Pasko, sumabay ka na sa aming pamilya sa noche buena. Gusto ka na kasi ulit makita ng pamilya ko"
"Salamat sa paanyaya pero, parang nakakahiya naman."
"Hindi ano, isipin mo na lang na bayad namin ito sa utang na loob na ginawa mong pagtulong sa pamilya ko noong naghihirap pa kami."
"Naaalala mo pa pala iyon. Pero natutuwa ako dahil ngayon lang ako nakakatanggap ng appreciation mula sa ibang tao."
"Kulang pa yan sa mga kabaitan mo sa amin" ang huling sinabi niya bago kami makarating sa bahay ni Bea kung saan ako pansamantalang tumutuloy.
"See you na lang sa christmas Eve." pahabol na pahayag pagkalabas ko ng kanyang kotse.
"Ok sige pasok na ko" paalam ko sa kanya.

Naging abala ako sa paglipas ng mga araw, dahil simbang-gabi, naisipan kong pansamantalang magtinda ng puto-bumbong sa isang simbahan malapit sa aking tinutuluyan. Tinutulungan naman ako ng aking mga kaibigan. Kahit papaano maykita ako kahit maliit lang.

At sumapit ang bisperas ng pasko. Tulad ni Allan ay niyaya rin ako ng aking mga kaibigan na magpasko sa kanila. Gusto ko man ay hindi ko sila napagbigyan dahil sa pangako ko kay Allan. Gaya ng napag-usapan namin ay sinundo niya ako.

Pagkarating ng Tagaytay, sinalubong agad kami ng kanyang ina.
"Ikaw na ba yan Sir Ricardo, naku parang walang nagbago sa iyo ah" ang masayang sabi ng kanyang ina nang makita ako.
"Wag niyo na po akong tawaging Sir, Ricardo na lang" ang sagot ko sa kanya.
O siya sige kung yan ang gusto mo. Halina kayo malapit nang mag alas dose.

Sabay-sabay kaming kumain ng noche buena, ako kasama at ang buong pamilya ni Allan. Nagkuwentuhan kami ng ilang mga masasayang bagay sa buhay nila.

"Alam mo Ricardo, kahit ganyan ang nangyari sa iyo na nawala ang lahat ng yaman mo, ang taas pa rin ng tingin namin sa iyo. Napakabait mo kasing tao. Ewan ko ba kung bakit nangyayari sa iyo ang mga ganoong bagay. Pero alam mo ikaw ang dahilan kung bakit naging matagumpay ang anak ko. Noon kasi, sunud-sunuran lang kami sa isa naming mayamang kamag-anak dahil sa laki ng pagkakautang namin sa kanila."
"Hindi naman po siguro. Nasa determinasyon lang po yan ni Allan."
"Totoo ang sinabi ni nanay. Hindi naman lingid sa aming kaalaman na may gusto sa iyo ang kapatid ko. Sabi nga niya sa amin na kapag nagkita kayo ulit ay hindi na niya hahayaang maghiwalay pa kayo." ang sabi naman ng kanyang kapatid na babae na ngayon ay dalagita na.

Napatingin naman ako kay Allan dahil sa aking mga nalaman. Nakangiti lang siya sa akin. Wala naman akong nasabi pa ng mga oras na iyon.

Pagkatapos kumain ay nagpasiya akong puntahan ang kanilang napakagandang hardin. Mas gumanda pa ito ngayon dahil nadagdagan ito ng ibat-ibang kulay ng ilaw galing sa mga chirstmas lights kasama na ang mga naggandahang mga dekorasyon. Abala ako sa pagmamasid ng paligid nang bigla lumapit sa akin si Allan.

"Merry Christmas" ang bati niya sa akin. Nginitian ko lang siya.
"Halika don tayo sa may mesa" ang yaya niya sa akin.
"Ricardo may ibibigay pala ako sa iyong regalo. Sana magustuhan mo ito" sabi nya nang makaupo kami sabay kuha ng isang maliit na kahon mula sa kanyang bulsa. Nabigla naman ako nang buksan ko ito. Isang mamahaling kwintas.
"Gusto ko isuot mo yan palagi."
"Salamat Allan, nagustuhan ko ito." ang masaya kong sinabi sabay suot nito sa aking leeg.

Maya-maya bigla naman akong nakaramdam ng pagkailang. Nakatitig kasi siya sa akin. Hindi ko mawari kung ano ang iniisip niya. Ilang minuto rin iyon nagtagal hanggang sa magsalita siya ulit.

"Ricardo mayroon pa sana akong sasabihin sa iyo eh"

Itutuloy............

1 comment:

  1. grabe kahit ilang ulit ko nang binabasa to kinikilig parin ako..:-)

    naiiyak minsan...

    good job daredevil!!
    more stories!!

    -adrian from marikina

    ReplyDelete