Thursday, November 4, 2010

HALIK NG PAG-IBIG Part 21

"Hello honey" ang agad na salubong ng bisita.
"Cathy, ano ginagawa mo dito?" si Jake na umupo  rin sa sofa.

"Nandito ako para sabihin ang isang magandang balita" si Cathy na sobrang excited. Bigla naman ako kinabahan sa sasabihin ng babaeng ito.Napatingin naman ako kina Tito at Tita. Nakangiti lang sila pero kita sa mata nila ang pag-aalala.

"Jake, positive, magiging tatay ka na!" si Cathy ulit. Nabigla naman ako sa aking narinig. Nakaramdam ulit ako ng sakit lungkot pero this time mas lumala na ito. Napatingin naman sa akin si Jake. Alam kong nag-aalala siya sa akin.
"Jake, kailangan mong panagutan ang bata. Magpapakasal kayo sa lalong madaling panahon." si Tito Eddie.
Kitang-kita ko sa mukha ni Jake ang pagtanggi niya sa sinabi ng ama, pero wala na siyang magagawa pa. Ako naman lalong bumibigat ang damdamin ko sa aking mga naririnig kaya ako na mismo ang unang umalis.
"Tita, akyat po muna ako para magpahinga." pagpapaalam ko.
"Teka Dave," si Jake na balak ring sundan ako pero bigla siyang pinigilan ni Cathy.
"Honey, dito ka muna marami pa tayong pag-uusapan tungkol sa magiging baby natin" si Cathy. Paakyat na ako ng hagdan nang biglang nagsalita si Jake.
"Cathy, ayokong magpakasal sa iyo pero handa akong suportahan ang bata. Hindi ako ang karapat-dapat sa iyo dahil may mahal na akong iba" ang deretsahang sabi niya kay Cathy.

"Jake, kailangan niyong magpakasal para na rin sa kumpanya natin." si Tito Eddie.
"A...a....ano ang ibig niyong sabihin Pa? si Jake na halatang nagtaka sa sinabi ng ama.
"Anak, ang ama ni Cathy ang major investor at supporter sa kumpanya ng tatay mo.Kaya kapag tumanggi ka babagsak ang kumpanya" si Tita Edna. Mistulang bomba sa utak ko ang lahat ng mga narinig kong usapan nila. Doon na nagsimulang tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha. Nagmadali na akong pumasok ng kwarto at tuluyang nagmukmok.Lahat ng emosyon ko inilabas ko na sa pag-iyak.
"Bakit ganito ang nangyari, wala na ba akong karapatang maging maligaya? Ang sakit-sakit kasi e. Tuluyan nang mawawala ang taong nagbibigay ng kasiyahan sa akin. Pakiramdam ko lalo na akong nanghihina." ang mga nasabi ko sa aking sarili. Halos isang oras na akong nag-iiyak nang maisipan kong tawagan si Erika dahil wala pa si Itay.



"Hello friend, nasaan ka, kailangan ko nang kausap e" ang naiiyak ko nang sabi.
"Dave, ano problema, alam kong umiiyak ka. Sige mag-usap tayo, pupunta ako ngayon diyan sa inyo." si Erika na nag-aalala sa akin. Nagpapasalamat ako at binigyan ako ng isang kaibigan na tulad niya.
"Huwag dito friend medyo kumplikado ang sitwasyon e. abangan mo na lang ako sa labas ng gate dun na lang tayo mag-usap sa inyo." sagot ko.
"Ok sige hihintayin kita, sunduin kita diyan in five minutes." si Erika.



Nagpalit naman ako ng damit at nagsuot ng jacket. Pagkatapos ay lumabas ng kwarto. Sa hagdan nagkasalubong kami ni Jake.



"Dave, saan ka pupunta? ang mahinahong tanong niya sa akin nang makitang nakapang-alis ako.
"Jake, pwede ba huwag na tayong mag-usap at saka wala kang pakialam na kung saan ako magpunta" ang nautal kong sagot sa kanya dahil nag-umpisa na naman akong maluha.
"Dave please, pag-usapan natin ito. Alam kong may nangyari sa amin  aaminin ko nung hindi pa ako umuuwi dito. Pero di ko siya mahal maniwala ka" si Jake na humawak sa kamay ko pero agad akong bumitaw at dumeretso pababa.
"Dave, Dave, Dave pakinggan mo naman ako oh, mahal kita" ang naiiyak na niyang tawag sa akin habang sinusundan ako palabas ng gate.

Hindi ko na siya nilingon pa at  tuluyan nang sumakay sa kotse ni Erika na dumating naman sa tamang tiyempo. "Tara na friend, alis na tayo" ang utos ko sa kanya.
Papaandarin na sana ni Erika ang kotse nang biglang lumapit si Jake at pinapalo ang salamin.
"Dave, please, naman wag kang umalis, mag-usap tayo.si Jake na umiiyak pa rin.
"Erika paandarin mo na" utos ko ulit.

Nang paandarin na niya, Hinabol kami ni Jake. Nang medyo malayo na kami sa kanya, sinilip ko siya sa likod. kitang kita ko ang paglumpasay niya sa gitna ng kalsada habang sinisigaw ang aking pangalan.

DAVE!!!!!!!


Nang makarating na kami sa bahay nila, sinimulan ko nang ikwento ang lahat.


"Dave , inom ka muna ng tubig" alok ni Erika at tinabihan ako sa sofa.
"Friend, ang sakit-sakit parang hindi ko na to kakayanin e" napayakap na ako sa kanya na umiiyak.
"Dave, siguro panahon na para tanggapin mo ang katotohanan at magmove-on." si Erika na hinahaplos ako sa likod.

"Siguro nga, tanggap ko na wala talaga laban ang mga katulad ko sa babae pagdating sa pag-ibig."
"Tama, pwede bang tigilan mo na ang pag-eemote mo diyan, at may good news pala ako sa iyo." si Erika.
"Good news? wala ako sa mood para dyan"ang nasabi kong pagkawalang interes sa kung anuman ang sasabihin niya.

"Ano ka ba matutuwa ka, dapat nga sorpresa niya ito sa iyo pero dahil sa kalungkutan mo ngayon sasabihin ko na. Nagkausap kami ni Pat nung isang araw at babalik na siya ng Pilipinas!" si Erika.
"Alam ko kaya iyon malapit na kasi ang sembreak" sabi kong walang kaemo-emosyon.
"Hindi lang siya magbabakasyon, he will be staying here for good. Dito na niya pagpapatuloy ang pag-aaral niya. Sa susunod na linggo na kaya ang flight niya"
"Talaga friend kaya pala ang dalang na niya ako i-chat. Kahit papaano sumaya na ako." ang nangingiti ko nang sagot sa kanya.


Itutuloy............

1 comment:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete