Friday, March 9, 2012

CAMPUS TRIO Part 21

"Ayos yan Troy." ang tugon ni Bryan sa nais gawin ni Troy na tulong kay Andrew. "At least mas mababantayan at matutulungan mo pa siya."
"Thanks tol."

Bakas ni Bryan ang tuwa sa boses ni Troy na sa di maipaliwanag na dahilan ay nakakaramdam sia ng pangamba. Alam naman niya sa kanyang sarili na wala siyang magagawa dahil sa kaniyang sitwasyon ngayon kaya no choice siya kundi pumayag.

Makalipas ang isang linggo, nilisan na ng pamilya ni Andrew ang kanilang tahanan upang lumipat sa bahay ni Troy. Walang naging problema dahil naging mabait naman ang kanyang lola sa mag-ina.

"Naku ang laki nito Troy para sa amin ni nanay. Pwede naman kami  sa kwarto na lang ng dati niyong katulong." ang sambit ni Andrew nang ipakita sa kanya ni Troy ang magiging silid nilang mag-ina.
"Tsk. Huwag ka nang mahiya Andrew. At saka kahit magiging kasambahay si Tita dito, ituturing ka na namin ni lola bilang miyembro ng aming pamilya."

Naantig ang puso ni Andrew sa mga pahayag na iyon ni Troy. At dahil doon ay masasasabi niya na talagang napakabait niyang tao.
"Salamat talaga Troy. Isa ka talagang mabuting kaibigan. Noon pa man ang bait mo na sa akin, sa amin ni nanay. Hanggang sa mga panahon na pinahinto ako sa pagtutor, nariyan ka. At itong pagpapatira mo sa amin dito. Hayaan mo balang araw babawi ako sa lahat ng ginawa mo sa amin." ang maluha-luhang pahayag ni Andrew.
"Ui. Bawal ang iyakin dito sa bahay namin." ang sagot ni Troy na may halong biro sabay gulo ng buhok ni Andrew. "Ang mabuti pa ayusin niyo na ni Tita ang mga gamit niyo."
"Sige Troy salamat ulit."

_________
"I like them. Sa tingin ko magkakasundo kami ng kanyang ina." ang masayang komento ng lola ni Troy na katayo sa terrace ng kanilang bahay.
"Yes Grandma. Thank you sa pagpayag mo. Hayaan niyo po na hindi niyo ito pagsisisihan. Mababait po sila kaya sure akong walang kayong magiging problema sa kanila." ang sagot ni Troy at niyakap sa likod ang kausap. Ganoon ang paraan ng kanyang panlalambing sa taong nagpalaki sa kanya ng halos 10 taon matapos mamatay ang kanyang mga magulang mula sa isang aksidente.
"Pumayag ako dahil gusto kong pasayahin ang pinakamamahal kong apo. And besides maganda naman ang motibo mo kaya hindi na ako nagdalawang-isip."ang pahayag ng kanyang lola na sinabayan ng ngiti.

Ngiti rin ang isinukli ni Troy sa narinig.
"And of course para palagi na kayong magkasama. Aba eh halos araw-araw na siya ang bukang-bibig mo." ang pahabol ng kanyang lola. Palagi kasing nagkukuwento si Troy sa kanya ng mga bagay-bagay na nangyayari sa kanila ni Andrew sa tuwing magkasama sila nito.
"Huwag naman kayo maingay lola." si Troy.
"Bakit ayaw mo bang marinig niya? At wala ka bang balak sabihin sa kanya ang..." ang tanong ng lola na agad pinutol ni Troy.
"Hindi na po lola. Masaya na ako at kuntento sa ginagawa kong pagtulong sa kanila. Sapat na sa akin ang nakikita kong masaya si Andrew."

Matagal nang inamin ni Troy sa kanyang lola ang totoo niyang nararamdaman para kay Andrew. Sa una ay nagulat ang matanda at di makapaniwala sa rebelasyon nito, ngunit naiintindihan naman niya ito. Para sa kanya mas mahalaga ang kaligayahan ng kanyang kaisa-isang apo.

"Cute pala siyang bata ano, mabait at magalang bukod sa pagiging matalino at masipag. Now I know kung bakit mo siya nagustuhan. Im sure na kapag nag mature pa siya, magiging magandang lalaki rin siya tulad mo."

Natawa naman si Troy.
"Tama na nga yan lola. Oo nga pala, kailan po pala ang alis niyo papuntang London." ang pag-iiba niya ng usapan.
"Next week na iho, tutal may makakasama ka naman na dito."

Business-minded ang lola ni Troy. Sa kabila ng kanyang edad na 56, nagagawa pa rin niyang pamahalaan ang kanilang negosyo na paggawa ng tela. Nag-eexport na sila sa ibang bansa katunayan ng pag-unlad nito.
"Magtatagal na naman kayo doon" si Troy na medyo nagtatampo.
"Ito talagang apo ko. Nandito naman si Andrew di ba kaya dapat hindi ka na malungkot. At saka palagi naman tayong nag-uusap di ba sa internet. Hayaan mo sisikapin kong makabalik agad."
 "Ok." ang naisagot na lang ni Troy.
_______
Habang abala sa pagsasalansan ng mga damit ang mag-ina sa cabinet ay pinag-usapan nila ang mga nangyari.
"Mababait talaga ang mga nagiging kaibigan mo anak, si Bryan at ngayon si Troy naman. Maswerte ka sa kanila." ang sambit ng kanyang ina.
"Tama po kayo nay."
"At ang bait pa ng kanyang lola kabaliktaran ng ugali ni Mam Sebastian." ang may halong birong pahayag ng kanyang ina.
"Si nanay talaga. Mabait din naman po siya sa akin, kahit papaano at binigyan niya ako ng trabaho at siya pa ang nagpapaaral sa akin. Ginawa lang niya ang sa tingin niya ay makakabuti sa kanyang anak."
"Sa bagay tama ka anak. Mabuti naman at nauunawaan mo na ngayon."
"Ganoon po talaga nay. Hindi naman pwedeng habambuhay akong magpadala sa lungkot. Medyo tanggap ko na hindi kami ni Bryan ang para sa isat-isa.
"Ngunit kung ako lang ang papipiliin sa dalawa, kay Troy na ako anak."

Natawa lang si Andrew sa narinig sa ina.
_______
"Nakalipat na pala sina Andrew sa bahay ni Troy." ang sabi ni Michael kay Bryan. Abala silang dalawa ngayon  sa pagbubuhat sa gym.

Ibinaba ni Bryan ang hawak niyang bakal at nagpunas ng pawis. "Oo nga. Nagtext si Troy sa akin kagabi."
"Oh. Bakit parang hindi ka masaya. Ayaw mo ba nun, nasa pangangalaga na ni Troy ang mag-ina. Hindi ka na gaano mag-aalala sa kabuhayan nila at kaligtasan."
"Siyempre gusto." ang walang kaemo-emosyong sagot ni Bryan.

Napansin naman ni Michael na medyo may kakaiba sa kanyang kausap ngayon.
"Ito nga pala tol, pwede ba akong humingi ng pabor?" si Bryan.
"Sure. Tungkol ba yan kay Andrew."
"Oo.Kung pwede sana pag may time ka dalawin mo naman si Andrew dun."
"Bakit pa safe naman na siya doon?" ang nagtatakang tugon ni Michael.
"Gusto ko lang na kamustahin mo siya at malaman ang mga nangyayari sa kanya kapag nandoon siya."
"Hmmm... Ok. Sige mga once or twice a week ok na ba iyon?" ang agad na pagsang-ayon ni Michael.
"Pwede na iyon. Kapag pumunta ka, obserbahan mo silang dalawa ni Troy."
Tumango lang si Michael bilang pagsang-ayon kahit nagtataka pa rin siya sa pinapasuyo nito sa kanya.
_______
"Ang sarap talaga ng luto niyo Tita." ang masayang papuri ni Troy habang kumakain sila ng hapunan. Nagsimula na agad ang ina ni Andrew sa pagtatrabaho bilang kasambahay sa pagluto ng magiging hapunan nila.
"Halina kayo at sabayan niyo na kami ni lola." ang pag-anyaya sa kanila ni Troy.
"Hindi na po. Sabay na lang kami kakain ng anak ko sa kusina."
"Sige na sabayan niyo na kami. Dito kayo nakatira kaya kapamilya na rin namin kayo. Huwagt na kayong mahiya." ang nakangiting pahayag ng lola ni Troy.
"Salamat po mam." ang nahihiya pa ring tugon ng ina ni Andrew.

Sumabay na sila sa paghahapunan ng maglola.
"Mabuti naman at nagustuhan niyo po." ang pahayag ng ina ni Andrew.
"Opo Tita the best. Talagang tataba ako nito. Kailangan na talagang magbuhat araw-araw." si Troy ulit.

"Hinay-hinay lang apo baka di ka matunawan niyan." ang natatawang sabi ng kanyang lola.

Samantalang di maiwasan ni Andrew ang magbalik sa kanyang alaala ang gabing nakikain ng hapunan si Bryan sa dating bahay nila. Magkatulad kasi ang naging komento nila ni Troy sa luto ng kanyang ina at ang pagiging conscious ng mga ito sa kanilang katawan.
________
"Ahm, Andrew mamaya pagkatapos natin kumain doon tayo sa kwarto ko." ang yaya niya kay Andrew matapos nilang kumain. "Marami akong ipapakita at ituturo sa iyo."
"Sige."

Makalipas ang ilang minuto, dinala na ni Troy si Andrew sa kanyang silid. Nang makapasok, agad niyang nilibot ang kanyag mga mata sa paligid para mapagmasdan ang itsura nito. Lalaking-lalaki ang ayos nito. Maraming nakadikit na poster ng mga international player ng basketball at mga anime characters.
"Halika dito tayo sa kama ko." si Troy habang nagbubukas ng kanyang laptop.
"Anong gagawin natin diyan?" ang tanong ni Andrew.
"Dito? Siyempre mag-iinternet."
"Ah. Pasensiya na. Hindi pa kasi ako nakakagamit ng ganyan alam mo naman." si Andrew sabay upo sa kama.
"Tsk. Isang scholar hindi pa marunong gumamit ng computer. Sige tuturuan kitang gumamit nito. Pero bago muna yan marami akong ipapakita sa iyo."

Matamang nakatingin lang si Andrew sa screen ng laptop ni Troy. Nakita niya na nagbukas ito ng isang website na pamilyar na rin sa kanya dahil naririnig niya ito kay Dina at sa iba pa niyang mga kaklase.
"Ito ang aking facebook account." si Troy.

Pinakita ni Troy ang kanyang mga larawan. Hindi maiwasang mapahanga ni Andrew dahil sa ganda ng mga pagkakakuha ng mga iyon. May mga nakahubad at nakapang porma.
"Wow pwede ka talagang maging modelo o kaya naman photographer ah." ang sambit ni Andrew matapos makita ang lahat ng mga larawan. "At ang dami nagbibigay ng mga comments."
"Siyempre naman ako pa. Sa gwapo kong ito di ba." ang sagot ni Troy.

Pagkatapos ay pinakita naman ni Troy ang isa pang account.
"Si Bryan!" ang sambit ni Andrew. Medyo nakaramdam agad siya ng pagkamiss dito nang makita pa lang ang primary picture.
"Sa aming tatlo siya ang pinaka astig! Tignan mo naman kung ilang ang mga friends niya at subscribers nya.
Nabigla si Andrew sa bilang nga mga friends niya. Kaunti na lang at aabot na ito ng 5000. Samantalang mahigit 2000 na ang subscribers nito. 

Isa-isang pinakita ni Troy sa kanya ang mga pictures ni Bryan. Tulad ni Troy maganda ang pagkakakuha ng mga iyon. Hunk na hunk talaga siyang tignan. Naalala tuloy niya ang mga panahong natutulog ito sa dati nilang bahay at ang kapilyuhang pagpapakita nito ng kanyang katawan sa kanya bilang panunukso.

"At ito naman ang mga pictures namin." si Troy habang pinapakita kay Andrew ang bonding moments nilang tatlo. Kasama na rin ang mga larawan nila nung mga bata pa sila.

Sa pagkakakita ni Andrew ng mga larawan ni Bryan nung bata pa ay naalala niya ulit ang picture sa bahay nila nung una siyang nagpunta roon. 

"At ito naman ang lihim ni Bryan na hindi alam ng buong campus." si Troy.
Bahagyang natawa si Andrew nang makita ang isang picture ni Bryan na nakatayo sa ibabaw ng upuan na halos maiyak-iyak ang mukha.
"Grabe isang siga at astig sa campus takot sa isang ipis!" ang natatawang sambit ni Andrew.
"Oo nga e. Alam mo ba na kapag inaaway kami niyan, tinatakot talaga namin siya ng insekto na iyan."

Natigil sa pagtawa si Andrew nang mapansin ang isa pang picture ni Bryan. Nakaakbay siya sa isang batang babae.
"Sino yan?" ang tanong ni Andrew.
"Ah si Sarah yan. Kababata rin namin. Kapitbahay dati ni Bryan. Nasa Canada na siya ngayon."
"Ok."
"Alam mo ba na sobra ang pagkaclose nila sa isat-isa. Kapag binibiro nga namin siya, lagi siyang pinagtatanggol ni Bryan. Kaya sobra rin ang pagkalungkot niya ng umalis siya ng bansa."

Sa mga oras na iyon ay bahagyang naguluhan si Andrew sa kanyang mga nalaman. Naisip niya na baka ang Sarah na iyon ang naging first love ni Bryan. Sumagi din sa isip niya yung araw ng usapan nila ni Dina at Michael sa tambayan ng tiro habang hinihintay niya si Bryan. Naisip siya na baka isa ito sa dahilan ng kakaibang pagsagot ni Michaelsa kanyang mga tinatanong.

Ang ibig sabihin nito para sa kanya na kung sakaling nandito pa rin ang babaeng iyon ay mabaliktada ang sitwasyon. Hindi siya nagpahalata kay Troy.

Marami pang mga larawan ang ipinakita ni Troy sa kanya ngunit hindi na niya nagawa pang pansinin ang mga iyon dahil sa mga bumabagabag sa kanya. May mga kinukuwento si Troy sa mga ito na hindi magawa pang pakinggan ni Andrew.
"Anong balak mo Andrew?" ang kanyang tanong na nagpabalik ng ulirat ni Andrew.
"Ah eh Bakit?"
"Ang sabi ko anong balak mo sa nalalapit na kaarawan ni Bryan?"
"Kaarawan?" si Andrew sabay tingin sa profile ni Bryan at nakita niya na malapit na ang kaarawan nito. "Sa susunod na linggo na pala ah at sakto pa sa Valentines Day. Pero wala siguro, alam mo naman ang sitwasyon namin di ba?"
"Oo. Ngunit may magagawa ka pa. Ang bigyan siya ng regalo. Kung alam mo lang kung gaano ka na niya ka miss. Halos araw-araw nga sa tambayan ikaw lagi ang kanyang bukambibig. At least sa paraang ito maipakita mo sa kanya na hindi mo pa siya nakakalimutan."
______
Nang gabing iyon habang nakahiga ay iniisip ulit ni Andrew ang lahat ng mga sinabi ni Troy sa kanya habang hawak ang kwintas na ibinigay sa kanya ni Bryan.
"Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ko nararamdaman ang ganito sa mga nalaman ko tungkol sa babaeng nagngangalang Sarah. Pero dapat ko pa rin siguro siyang bigyan ng regalo." ang sabi ni Andrew sa kanyang sarili.

Makalipas ng ilang minuto ay nakaisip na siya ng ibibigay niyang regalo kay Bryan.

Itutuloy...

17 comments:

  1. wow ang ganda talag ng story.. more update please

    ReplyDelete
  2. ty nasundan uli.. hehehe
    galing mo tlg daredevil...


    fresno

    ReplyDelete
  3. mas maganda ung regalo nya ay lumang underwear author hehe joke lang poh..ang ganda sana dalasan lang po..

    ReplyDelete
  4. wow lapit na bday ni bryan at feb...14 pa araw ng mga puso....dapat maganda ang regalo mo kay bryan andrew....malamang maganda naman ang boses mo kantahan mo na lang...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  5. NICE!
    2 days nalang bday na ni kuya Bryan ..
    excited na ko sa mga mangyayari :)

    di naman masyadong halata na nagseselos si Bryan? talagang pinabantayan niya kay Michael yung 2 at THRICE a week pa huh .. ahahaha! XD

    i think my big role dito ang Sarah na un .. i know that she will come back in just a matter of time and will do everything to get Bryan back to her ..

    Thanks kuya daredevil ~

    ReplyDelete
  6. haizt, at last may upd8t na din. araw araw akong visit d2 para matsek f may bago,. ganda kc ng flow ng story mo. hope palage na may update. again congratz and tnx!

    ReplyDelete
  7. sana maiwasan ni Andrew na mahulog ang loob niya kay Troy.

    Sana walang sulutan na magaganap.. Gusto ko kasi umabot sila sa point na yung pangako ni Bryan na after nitong makagraduate at makahanap ng trbaho ay siya na itong bubuhay kay andrew..

    Sana mkapag usap sila ( not for closure ha!) sa Vday/Bday ni Bryan.

    Kakaexcite talaga! ayyyyeeee! :)

    ReplyDelete
  8. excited sa next update :)

    -yuan

    ReplyDelete
  9. naiiba talaga,of all the story i could say that,pinag isipan talaga ang bawat serye,and bawat chapter mayrong direction ang kwento,the way writter use the word sa kwento is tama lang hinde sxa exag,isa ka talaga sa magaling na writter,KUDOS for that and keep up the good work.

    ReplyDelete
  10. wow! namiss ko ito :) sana ganito na kadalas ung pag-update palagi :)

    ReplyDelete
  11. wow sa wskas i love this... hehehe
    sunod na author...

    go go go angola...

    ReplyDelete
  12. Wala pa po ba ang kasunod? Eheh

    ReplyDelete
  13. Salamat po sa updated daredevil. Walang kupas ang iyong galing. Ingatz po lagi. Looking forward for the. Xt update. God bless

    ReplyDelete
  14. Boss . La pa po bang kasunod ? :D

    ReplyDelete
  15. ayaw talaga dumalaw ha. bka nga namn may espiya. e pwede nmn magusap s fb or ym. turuan lang sya ni troy. o diba? dami paraan.

    ReplyDelete