Friday, May 27, 2011

PANTASYA Part 27

Kasabay ng pagkagulat kong iyon ay ang sobrang kagalakan na makita ko siyang muli. Sa ilang buwang magkalayo kami ay walang nagbago sa kanyang itsura. Napakagwapo pa rin niya. Ewan ko ba marahil sa sobrang saya ay hindi na ako nakapagsalita at natulala na lang sa kanya.

"Happy birthday baby boy" ang bungad mong bati sa akin na talagang namiss ko. Pakiramdam ko ay nagbalik ako sa pagkabata. Naiyak muli ako pero sa mga oras na iyon ay tears of joy na.

Ngumiti ka sa akin ng pagkatamis-tamis na isa sa mga dahilan ng pagkahumaling ko sa iyo.
"Ganito na lang ba tayo magtititigan, hindi mo man lang ba ako papapasukin sa iyong silid?" ang tanong mo sa akin ngunit hindi kaagad ito rumehistro sa aking isip. Parang bumagal na rin ang pag-andar ng aking kautakan.

"Ok fine" ang sunod mong sinabi. Bigla naman akong nagbalik sa katinuan sa sunod mong ginawa. Pumasok ka sa aking kuwarto at nilock ang pinto.

Niyakap mo ako ng mahigpit at pagkatapos ay nagdikit ang ating mga labi. Wala akong magawa kundi ang magpaubaya. Hindi ko maikakaila sa aking sarili na talagang namiss ko siya. Ramdam ko sa kanya ang magkahalong init at pagmamahal sa kanyang mga halik. Ilang segundo rin tumagal ito hanggang sa siya ang unang kumalas.

Tinitigan niya ako. Ako naman ay ganoon pa rin, hindi makapagsalita. Pagkatapos noon ay itinulak mo ako pahiga sa kama. Pumaibabaw ka sa akin. Muli ay naghinang ang aming mga labi.

Sa mga oras na iyon ay binalot na ng aking utak at puso ang matinding init at pagnanasa sa kanya. Habang naghahalikan ay tinatanggal namin ang aming mga suot na damit hanggang sa mahubo't hubad.

At tuluyan na naming inilabas ang nag-aalab naming mga damdamin.
______
"Kuya Carlo" tawag ko sa kanya matapos ang makamundo naming pagtatalik. Magkatabi pa rin kami sa kama na kapwa nakahubad. Nakapatong ang aking ulo sa kanyang matipunong dibdib habang hinahaplos niya ng kanyang mga daliri ang aking buhok na tila nilalaro ito.
"Bakit baby boy?"
"Gusto ko lang sabihing masaya ako dahil nagkasama tayong muli. Sobra kitang namiss."
"Parehas lang tayo. Kung alam mo lang ang mga ginagawa ko nitong mga nagdaang buwan na wala ka."

Bigla na naman akong kinabahan sa pahayag niyang iyon. Naalala ko kasi yung kinuwento niya sa akin dati tungkol sa ginawa niya noong nasa ibang bansa siya. 
"Huwag mong sabihin na nambabae ka na naman. Baka may nadale ka na naman ah" ang sabi ko sa kanya.
"Alam mo Rico, noon pa man pinangako ko na sa sarili ko na pagbalik ko dito sa Pilipinas ay hindi ko na uulitin pa ang gawaing iyon. Kaya wag ka nang mag-isip ng ganoon tungkol sa akin ha" ang sagot niya.
"Mabuti naman kung ganoon kasi baka hindi ko na kayanin pa kung mauulit pang may sumulpot na babae na nabuntis mo at yayayain ka ng kasal tulad ng ginawa ni Marianne."

"Itinaas niya ng kanyang isang kamay na tila nanunumpa. "Promise cross my heart. Hindi na mauulit pa iyon. Kuntento na ako sa kung anong meron sa akin ngayon, si Angel."

"Ok so ano ba talaga yung ginawa mo habang wala ako?" ang tanong ko sa kanya.
"Simpe lang ang pagtiyagaan tignan ang iyong mga larawan. Halos lahat yata ng magazine na ikaw ang cover binili ko na. Sa laptop at phone ko ay ikaw ang wallpaper. At siyempre pinapanood kita sa mga event"

Nagulat naman ako sa mga sinabi niyang iyon. Lalo na sa huli niyang sinabi. "Ikaw talaga ah pinagpapantasyahan mo ako" ang biro ko sa kanya.
"Parehas lang tayo" ang sagot niya. Nagkarawanan kami saglit. Maya-maya pa ay naging seryoso muli ang usapan.

"Rico, patawarin mo sana ako sa mga ginawa kong kasalanan sa iyo"
"Hindi mo na kailangang sabihin pa iyan at saka pinatawad na kita. Kung tutuusin ay ako pa dapat ang humingi ng paumanhin sa iyo. Naawa kasi ako sa mga nangyari sa iyo."
"Naawa?"
"Oo, alam ko na lahat kuya Carlo. Sinabi sa akin ng mga empleyado mo sa kompanya ang lahat."
"Ganoon ba, hayaan mo na iyon ang impotante ay magkasama na tayong muli. Tadhana na talaga nating magkatuluyan dahil sa mga nangyari sa akin."
"Salamat Kuya Carlo"
"Tama na nga muna ang drama. Tara lumabas na tayo at harapin ang mga bisita." ang sabi niya sa akin.
______
Sabay kaming nagtungo sa garden kung saan ginaganap ang aking party. At doon ay sinalubong kami ni Jerome.
"Congrats sa inyong dalawa sir" ang sabi ni Jerome kay Kuya Carlo.
"Salamat sa lahat ng tulong mo Jerome." sagot niya at nagkamayan silang dalawa.
"Anong ibig sabihin nito?" ang nagtataka kong tanong matapos marinig ang kaniyang mga sinabi.
"Mahabang kuwento. Mamaya ko na lang sasabihin sa iyo." ang nakangiti niyang sagot sa akin.
"Oo nga tol, kaya mabuti pa at sulitin na natin ang kasiyahan ngayong gabi." ang sabi naman ni Jerome sa akin.

 Maya-maya nagsilapitan ang mga empleyado ni Kuya Carlo.
"Uy! nagkabalikan na sila"
"Tignan niyo naman mga kasama, bumalik na ulit ang mga ngiti sa mukha ni Sir Carlo"
"Mabuti naman, at least hindi na kami kakabahang lumapit  at kausapin siya sa trabaho"
"Si Rico lang pala ang gamot sa nagdurugong puso ni Sir Carlo"
Nagkatawanan lang kaming dalawa ni Kuya Carlo.

Matapos noon ay nagpatuloy kami sa pagkukuwentuhan. Siyempre may kaunting inuman na rin. Naputol lang ito sa paglapit sa amin ni nanay at ng aking kapatid.

"Masaya ako para sa inyong dalawa." si nanay.
"Tol, wag na wag mo na ulit sasaktan ang kapatid ko kundi..." ang sabi naman ni kuya sabay patunog ng kanyang kamao na tila nagpapahiwatig na susuntukin siya. "makakatikim na nito. At kalimutan mo na kaibigan mo ako"
"Oo tol, pangako." ang sagot ni kuya Carlo.

Nagtapos ang aking party sa gabing iyon na masaya at maayos.
______
Kinabukasan, dumalaw ulit si Kuya Carlo sa aming bahay pero sa pgkakataong iyon ay kasama na niya si Angel.
"Hi Uncle Carlo." ang bati sa akin ni Angel.
"Hello Angel, halik ka nga kay Uncle, namiss kita ah. At ang laki mo na" ang sabi ko sa kanya na sinunod naman. Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Thank you uncle, masaya na ulit ang daddy ko"
"Wow Angel nakakapagtagalog ka na" ang gulat kong sambit.
"Tinuturuan na kasi siya ni Mama na magtagalog. Madali naman siya matuto" ang paliwanag ni Kuya Carlo.

Umupo ako sa sofa at kinandong ang bata. Hinaplos ko siya sa ulo. Maya-maya nagtanong siya sa akin na hindi ko inaasahan. "Uncle Carlo, Can I call you Dad?"
Napatingin ako kay Kuya Carlo at nakita kong nakangisi lang siya sa amin. Naisip kong tinuruan niya ang kanyang anak.
"Uncle is enough for me my dear" ang sagot ko sa bata.
"Sige na po Please." ang tila pagmamakaawa ng bata.
"Sige na pagbigyan mo na ang bata." si Kuya Carlo na kinukumbinsi ako.
"Wala na akong magagawa sige, you can call me Dad." ang pagpayag ko.

Kita ko ang kasiyahan sa mukha ni Angel. "Yehey dalawa na ang daddy ko." Tumayo siya at nagtatatalon. Nagkatawanan lang kami ni Kuya Carlo sa inasta ng bata.

Itutuloy....

11 comments:

  1. wow! daredevil da best ka tlaga! :))
    yan n po ba ung ending?...
    parang nkakabitin..
    wla man lang po bng comfrontation na nangyari between kuya carlo and rico?.. kung ano ang ngyari kay kuya carlo at marriane?.. hehe
    kakabitin.. :)

    ReplyDelete
  2. tama ka..
    prang minadali agad.. diretso kama agad..
    hayxxx.. bilis

    ReplyDelete
  3. Sa mga nagbabasa hindi pa ito ang ending. Abangan niyo po ang mga susunod pang mangyayari.

    Note: Naglalagay po ako ng LAST PART sa title ng post ko kapag yun na ang ending gaya ng nasa una kong mga stories.

    ReplyDelete
  4. i like it.....tama lng nmn ang story. d n kelangan maging very detailed s nangyari kina kuya carlo at marriane kc n.mention nmn dun s story eh. I like this blog n.

    ReplyDelete
  5. kelan po ipopost ang mahal kita part 13? excited n aq. thnx.

    ReplyDelete
  6. worth it ang paghihintay ... :))

    sana masundan na agad ... :))

    hehehe ... nice daredevil!!!

    ReplyDelete
  7. parang happy endin. sana masaktan ulit ni kuya carlo si rico para magalit iyong kuya ni rico. iyong tipong yung kuya na mismo ni rico ang magiging hadlang at talagang kailangan ni kuya carlo ng super effort to win rico back. na pati si rico ay sobrang nasaktan na at ayaw na talaga niya at si kuya carlo ang manliligaw ng todo todo kay rico.hehehehehehe. basta kung ano ilabas na plot ni boss daredevil masaya na ako. whehehehe. update na po boss. =)

    ReplyDelete
  8. anu kaya ang ending? :)) galing!!!tagal kong hinintay ito..almost 2 weeks na ata :))

    ReplyDelete
  9. next chapter na to plzzz ..i'm so excited...

    ReplyDelete
  10. natouch nmn ako s bata.., how i wish gnun din yung mga anak niya skin. :(

    ReplyDelete