(Andrew POV)
Tulad ng aming palagi naming ginagawa,
madaling araw pa lang ay tumungo na kami ni nanay sa dagat kasama sina
Troy at ang asawa niyang si Maribel.
"Maganda talaga
ang lugar na ito Tita." ang naibulalas ni Maribel habang pinagmamasdan ang
paligid. Kasalukyan kaming naglalakad papunta sa dagat.
"Mabuti naman at nagustuhan mo dito sa aming lugar iha." ang tugon naman ni nanay.
"Oo
nga po. Akala ko parang Maynila lang dito pero hindi pala. Malinis ang
paligid at sariwa ang hangin. Nakakarelax! Kapag akoy nakapanganak,
babalik kami dito."
"Tama yan iha. Makakabuti para sa inyong anak ang sariwang hangin dito."
Habang
naglalakad kami ay pasimple ko siyang sinusulyapan. Halata sa kanya ang
kasiyahan habang nag-uusap sila ni nanay. Ang kanyang ngiti ang mas
lalong nagpadagdag sa angkin niyang ganda. At sa tingin ko ay mabait
siya. Masaya ako para kay Troy dahil sa wakas ay natagpuan na niya ang
babaeng kukumpleto sa kanyang pagkatao, ang makapagbibigay ng anak na
bubuo ng kanyang sariling pamilya.
Sa ngayon alam kong
maayos na ang lahat sa pagitan namin ni Troy. Hindi na ako mag-aalala pa
para sa kanya. Nandyan na si Maribel na aagapay, mag-aalaga at
pagbibigay ng panibagong saya sa kanya.
Pagkarating
kami sa dagat ay sinimulan na namin ang aming gawain. Habang abala sa
pamimili ng isdang paninda ay naroon lang ang mag-asawa para kami ay
panoorin. Siyempre may mga ilang katanungan sila na sinasagot naman
namin ni nanay. At sa palengke naman ay tinutulungan nila kami ni nanay
sa pagtitinda.
Marahil ay swerte sila dahil marami-rami
ang naging benta namin sa umagang iyon. Wala pang tanghali ay kakaunti
na lang ang aming paninda.
"Sino sila mare?" ang curious na tanong ng isa naming suki nang mapansin nito ang aming kasama.
"Mga kaibigan sila ni Andrew." ang tugon ni nanay habang abala sa pagtanggal ng bituka at hasang ng binibili nitong isda.
"Aba kay pogi at ganda naman nila at mukhang mayayaman ah!" ang sabi nito. Natawa lang sina Troy at Maribel.
"Taga Maynila kayo di ba?" ang sunod na tanong nito sa kanila.
"Ah opo." ang magiliw namang tugon ni Maribel.
"Ganoon ba, maligayang pagdating dito sa aming lugar."
"Salamat po."
Marami
pang mga bumibili ang nakapansin sa kanilang dalawa isamana diya ang
ibang taong dumadaan lang na napapatingin sa kanila. Hindi na rin ako
nagtataka pa dahil sa itsura pa lang nila at pananamit ay nakakagaw-
atensyon talaga. \
Nang magtanghali ay bumalik muna
kami sa bahay upang kumain. Pagkatapos ay saglit na umiglip si Troy.
Doon kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap at makilala ng
kanyang asawa na si Maribel. Agad akong nagpasalamat sa kanya sa
pagiging mabuting asawa niya kay Troy.
"Mabait si Troy, kaya hindi siya mahirap mahalin Andrew." ang kanyang tugon sa akin.
"Masaya
ako, sa wakas ay gumaan na rin ang pakiramdam ko. Nung mga panahon kasi
na umalis kami ni nanay sa kanila ay nag-aalala ako para sa kanya."
"Alam
ko Andrew. Sinabi na ni Troy sa akin ang lahat pati ang naramdaman niya
para sayo. I admit nung una ay hindi ako makapaniwala at hindi ko siya
matanggap. Ngunit unti-unting nagbago iyon nang magpakita siya ng
efforts sa akin lalo na nung magpropose siya sa akin sa harap ng aking
mga magulang. Doon ko siya sinagot at hindi ko naman iyon pinagsisihan."
"Magiging
maayos at matibay ang isang relasyon kung ang magkasintahan o mag-asawa
ay tapat sa isat-isa, walang tinatagong sikreto. Iyon ang pananaw ni
Troy kaya inamin na niya sa iyo ang lahat."
"Tama ka Andrew. Kaya magpapasalamat na rin ako. Malaki ang naitulong mo sa pagbabago ni Troy. Dahil sayo ay nakilala ko siya."
"Walang anuman Maribel. Goodluck pala sa magiging anak ninyo."
"Oo naman ninong."
Natawa naman ako sa sinagot niyang iyon. Pero agad na nawala iyon sa sunod niyang tanong na nagpabigla sa akin.
"Ikaw naman Andrew. Hindi mo pa ba nakikita ang iyong special someone. Para naman maging masaya ka?"
Ang
tanong na iyon ay hindi nalalayo sa palaging sinasabi sa akin ng aking
mga kaibigan at kaklase. Kung tutuusin ay tama sila at napatunayan ko
naman iyon sa aking nakikita sa kanila kapag kasama nila ang kanilang
kasintahan. Ngunit iba ang aking sitwasyon. Masyadong kumplikado at
naiiba na hindi tanggap ng lipunan.
"Salamat. Concern
ka rin sa akin gaya ng iba kong mga kaibigan. Pero alam mo naman siguro
diba, naikwento na rin sayo ni Troy ang mga nangyari sa akin noon. Kaya
wala na akong balak pang hanapin ang imposibleng makita. Tulad ng palagi
kong sinasabi, walang patutunguhan ang ganoong relasyon." ang aking
pagtugon sa kanya.
Hinawakan ni Maribel ang aking kamay.
"Bilib
ako sayo Andrew dahil nagagawa mong magpakatatag sa kabila ng mga
pagsubok na dumating sa iyong buhay. Pero ang sa akin lang ha, lahat ng
tao ay may karapatang sumaya. Darating ang panahon na matatagpuan mo ang
taong nakalaan para sayo. Sana bigyan mo ng isa pang pagkakataon ang
sarili mo na magmahal ulit."
Napangiti na lang ako sa
kanyang ibinigay na payo sa akin. May punto siya doon at aaminin ko na
may kaunting porsyento sa aking isip na gustong gawin iyon. Pero
nangingibabaw pa rin ang aking naging desisyon.
_____________
Dalawang linggo ang lumipas mula ng bumalik sina Troy at ang kanyang
asawa na si Maribel sa kanilang tirahan sa Canada ay naging maayos naman
ang takbo ng pamumuhay namin ni nanay. Sa nakikita ko ay masaya na talaga si
Troy sa kanyang buhay ngayon, kasama si Maribel.
Di tulad noon na nakikita ko siyang malungkot. Naalala ko, isang araw bago ang nakatakda naming
pag-alis ni nanay sa kanilang bahay ay nag-usap kami. Deretsahan niyang
inamin sa akin ang kanyang nararamdaman. Sa totoo lang ay hindi ako
makapaniwala dahil wala naman sa personalidad niya ang magkagusto sa
isang tulad ko.
Kung natuturuan ko lang sana ang aking
puso na siya na lang sana ang aking mahalin. He also got the looks tulad
ng taong una kong minahal at higit sa lahat ay napakabait niya sa akin, pero hindi
talaga maaari.
Pinasalamatan ko siya sa pag-ibig na
ibinigay niya sa akin, sa mga naitulong nila sa amin ni nanay. Sinabi ko
rin sa kanya na hindi ko kayang ibigay sa kanya ang pagmamahal ng tulad
kay Bryan.
"Nadala na ako Troy. Sabi ko sa aking sarili na hindi
na ako kailanman na magmamahal ulit. Sa tingin ko, walang mangyayari
kung ako ang mamahalin mo. Kaya tulad din ng sinabi ko kay Bryan, na sa
iba mo na lang ilaan ang pag-ibig mo, sa isang babae na kukumpleto sa
iyong pagkatao, na makapagbibigay ng anak. Isang halimbawa na ang
nangyari sa amin na ang ganitong
klaseng relasyon ay imposible at kailanman ay hindi magtatagal. Ang
lalaki ay para sa babae. Sa mata ng Diyos at tao ay ito ang tama Troy."
ang sabi ko sa kanya noon.
"Tama ka at naiintidihan ko
Andrew. Sa aking pag-alis ng bansa ay susubukan kong sundin ang iyong
mga sinabi." ang kanyang malungkot na pagtugon.
Ngayon, kahit hindi man natuloy ang happy ending sa aming dalawa ay nananatili pa rin kaming matalik na magkaibigan.
__________
Naging
madalas ang pag-uusap namin nina Dina at Troy sa pamamagitan ng
cellphone. Nagagawa ko lang na sagutin sila kapag nasa bayan ako. Dahil
dito ay alam ko ang mga nangyayari sa kanila kahit pa na magkakalayo
kaming tatlo.
Nitong nakaraang linggo lang ay excited
na binalita sa akin ni Dina na naging sila na ni Elmer, ang lalaking
parati niyang binabanggit sa aming kamustahan.
"At
talagang tinuloy mo pa rin ang pagsama sa kanya ha. Sino pala yung unang
nanligaw sa inyong dalawa?" ang aking tanong sa kanya.
"Siyempre
siya. Ewan ko ba talagang kinikilig ako kapag nagpapakita siya ng
sweetness sa akin lalo na nung unang beses niya akong dalawin sa bahay
nila at ipaalam kay mom na mahal niya ako at nanghihingi ng permiso na
ligawan ako. Grabe!"
Sa sinabing iyon ni Dina ay may
mga pangyayaring nagbalik sa aking isipan. Naalala ko nung mga panahon
na binibisita ako ni Bryan sa dati naming tirahan at ang deretsahang
pag-amin niya kay nanay ng kanyang pagmamahal sa akin. Halos magkapareho
lang iyon ngunit ang ending... wala.
"Sa umpisa lang yan. Maniwala ka sa akin, sa bandang huli hihiwalayan ka rin niyan."
"Napaka negative mo naman Andrew."
"Im not. That is the reality."
"Tinutulad mo ako sayo eh. Hindi naman siguro lahat ng lalaki ganoon."
"Wake
up Dina. Narito tayo sa bansa na kung saan ay hindi tanggap ang ganyang
klaseng relasyon. At walang lalaki na kailanman na papatol sa mga tulad
natin. Kung meron man, iyon ay dahil sa may iba siyang motibo, sa huli
tayo pa rin ang kawawa.
"May point ka diyan friend. Pero may
karapatan naman ang mga tulad natin na maging masaya di ba at wala
namang masamang sumubok?"
"Hay Bahala ka. Basta ako nagbibigay lang ng payo sayo bilang kaibigan."
"Anyway
thanks for that advise friend, hindi ko naman binabalewala yung mga
sinasabi mo sa akin ano. Siyanga pala mamaya padala ko sayo yung mga
pictures namin ha."
Ilang segundo pa lang ang lumipas
mula ng matapos ang usapan naming iyon ay paisa-isa akong nakatanggap ng
mga picture messages mula sa kanya. Mahigit 15 ang lahat ng iyon na
kung saan ay magkasama sila ni Elmer. May magkayakap, kiss sa pisngi,
smack sa labi, magkahawak kamay at magkaakbay sa balikat na kinunan sa
parke, mall at sa isang bahay. Napansin ko na may itsura rin pala ang
taong ito at may kaya. Sweet sila kung titignan pero ewan ko ba parang
wala akong nararamdamang kilig sa aking mga nakikita. Ni hindi ko nga
makuhang ngumiti man lang.
Agad ko siyang tinawagan ulit pagkatapos kong makita ang lahat ng mga larawan.
"Hello Dina, anong gusto mong palabasin sa...."
"Ooopss... Cool ka lang friend. gusto ko kasi makita mo kung gaano kami ka sweet ni Elmer."
"Hay nako ito na naman tayo Dina, kakasabi ko lang kanina di ba na..."
"Sa umpisa lang yan, dahil babae rin ang hahanapin niyan, walang nagtatagal sa ganitong relasyon. Alam ko na yun Andrew."
"Ok. O siya...sige goodluck na lang sa inyong dalawa." ang nasabi ko na lang sa kanya.
Hindi
naman lingid sa aking kaalaman na tulad ng mga sinabi ni Maribel, ginawa lang ito ni Dina para mabago
ang aking pananaw sa buhay. Siguro gusto din niya ako makitang masaya tulad nila.
Ngunit final na ang desisyon ko. Nakapag move-on na ako sa nakaraan at
masaya ako ngayon.
___________
Ilang linggo bago magpasukan
ay todo kayod na kami upang makapag-ipon para sa magiging gastusin sa
aking pag-aaral. Malaki ang pasasalamat ko sa iba pang nagtitinda sa
palengke dahil nakakapag sideline ako sa kanila. Hindi sa pagyayabang
pero ako na yata ang pinakamasipag doon ayon sa kanila. Halos lahat ng
tao kasi doon ay kilala na ako.
Kung gaano ako kasigla
na halos araw-araw kahit na maghapon akong nagtatrabaho ay malakas pa
rin ako ay kabaliktaran naman ng nakikita ko kay nanay. Nitong mga
nakaraang araw lang ay napapansin kong may kakaiba sa kanya. Kung
ikukumpara ko sa dati ay parang nanghihina siya. Agad ko siyang kinausap
tungkol dito.
"Nay magpahinga na po kayo sa bahay ako
na ang bahala dito." ang sabi ko sa kanya. Nasa palengke na kami ng mga
oras na iyon at nagtitinda.
"Ganoon ba. Mabuti naman anak para
makapagpahinga rin ako. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon,
siguro dahil na rin sa pagod."
"Oo nga po nay. Sige po matulog na lang muna kayo para bukas ay may lakas ka na ulit."
Pagkaalis ni nanay ay nagpatuloy lang ako sa pagtitinda. Kahit papaano ay marami-rami naman ang bumibili.
Habang
nasa kasagsagan ako ng pagtatanggal ng kaliskis ng isda nang marinig ko
ang isang boses na tumatawag sa aking pangalan. Nagmamadali ito at
papalapit sa aking kinaroroonan.
"Andrew! ang nanay mo nakitang walang malay sa loob ng bahay niyo!"
Singbilis
ng kidlat akong umalis sa aming pwesto, wala nang pakialam pa sa aming
mga paninda at sa bumibili. Nagtatakbo ako palabas ng palengke at agad
na sumakay ng tricycle. Nang makarating sa amin ay sinabi ng aming
kapitbahay na nasa ospital na ito.
Agad kong tinungo ang
sinabi nilang ospital. Hindi ko maintindihan ang aking mararamdaman.
Magkahalong pagkalito, takot, at lungkot. Mistulang nagbalik sa aking
alaala ang mga panahon ng pagkamatay ni tatay. Hindi ko kakayanin kung
mauulit pa ito sa aking ina.
Habang nakasilip ako sa salamin ng pinto ng emergency room
para tignan ang aking walang malay na ina habang sinusuri siya ng nars
at doktor ay naiiyak ako, humihiling na sana ay makaligtas siya sa
kapahamakan.
Makalipas sampung minuto ay lumabas na ang doktor.
"Ikaw ba ang kamag-anak ng pasente?" ang tanong niya sa akin.
"Ah opo dok. Kamusta na po ang nanay ko?"
"Based
on our findings. Mataas ang kanyang blood pressure. Pero hindi iyon ang
dahilan ng pagkawala ng malay niya. Inatake siya sa puso."
Halos
manlambot naman ako sa aking mga narinig Muli akong naiyak kasama ng
matinding kaba at lungkot. "Ano na po ang mang...yayari dok...?"
"Tatapatin
na kita iho. Hindi kaagad siya nasakloohan ng atakihin siya. Maybe
ilang minuto na ang lumipas nang may makakita sa kanya kaya hindi kaagad
naagapan. Kritikal ang kanyang lagay at kailangan niyang maoperahan sa
lalong madaling panahon."
Hindi ko akalain na aabot sa
ganito. Noon pa man nung naninirahan pa kami sa Maynila ay
kapansin-pansin na ang minsanang pagkahilo, pag-ubo at hirap sa paghinga
ni nanay kaya huminto siya sa paninilbihan sa isang maykayang pamilya
doon. Nang mamatay ang itay ay ako na ang dumiskarte sa pamamagitan ng
pangangalakal sa umaga mairaos lang ang mga pangangailangan ko sa
pag-aaral.
Nasundan pa ito. At mas napapadalas pa ng
magsimula kaming magtinda sa palengke. Ang sabi naman niya kapag
tinatanong ko siya ay ayos lang siya at nagpapatingin daw siya sa isang
health center sa bayan. Kaya ikinabigla ko talaga ang nangyari sa kanya
ngayon.
Sa mga sinabi ng doktor ay naisip ko kaagad
ang mangyayari kung di maoperahan si nanay, maaaring lumala pa ang
kalagayan niya at humantong sa kanyang pagkawala na ayoko pang mangyari.
Agad kong naisip ang magiging gastusin sa sinasabing operasyon ng
doktor. Kahit pa na medyo nakakaraos na kami sa buhay ay kulang pa ito.
Habang nag-iisip ako ay nagsalita muli ang doktor.
"Iho,
Dapat maoperahan agad sana ang iyong nanay. But unfortunately kulang
ang mga facilities namin to do that. I will suggest to transfer her to
another hospital."
Hindi
ko na alam ang aking gagawin. Nalilito na ako. Parang nagpatung-patong
na ang aking pasanin. Si nanay na lang ang pamilya ko, paano na lang
kung mawala siya, hindi ko talaga kakayanin kung mangyari talaga iyon.
Iniisip
ko kung kanino ako lalapit para humingi ng tulong. At isang tao ang
agad
kong naisipang tawagan. Pero nang akmang pipindutin ko na ang kanyang
numero nang maalala kong wala pala siya sa Pilipinas dahil abala sila ni
Maribel sa kanilang negosyo doon. Syempre napakalaking halaga ang aking
kailangan, na baka hindi siya makapagpahiram. Kung sakaling
makapagbigay naman siya ay hindi ko naman kakayanin na mabayaran siya
agad. Gayumpaman ay sinubukan ko pa rin. Gamit ang ibinigay niyang
number ay tinawagan ko siya ngunit nabigo ako. Ewan ko ba parang
nanandya ang tandhana dahil sa oras na kailangan mo ang tulong ng isang
tao ay mahirap naman siyang kontakin.
Saglit akong nagtungo sa isang simbahan sa
bayan. At doon ko inilabas ang lahat ng aking mga saloobin sa mga
nangyayari sa aking buhay. Nanalangin ako para sa kaligtasan ni inay, na
bigyan pa ako ng lakas ng loob na harapin ang pagsubok na ito sa aking
buhay.
Pagbalik ko ng ospital ay sinalubong ako ng aking mga kaibigan at kaklase.
"Nanggaling
kami sa inyo at nalaman namin sa mga kapitbahay niyo na nandito kayo sa
ospital. Kamusta na si Tita?" ang agad na tanong sa akin ni Arthur.
Hindi
ko na naman napigilan ang mapahagulgol. Naramdaman ko naman ang
paghawak ni Rica, ang kanyang kasintahan sa aking mga kamay.
"Hindi
maganda ang lagay niya. Kailangan niyang maoperahan agad. Pero hindi ko
alam ang aking gagawin. Ayoko pang mawala sa akin si nanay, siya na
lang ang kasama ko sa buhay." ang aking malungkot na pahayag.
"Huwag
kang mag-alala Andrew. Tibayan mo lang ang loob mo, may awa ang Diyos.
Gagaling si Tita." ang sabi naman ni Bea, ang kasintahan ng isa ko pang
kaibigan na si Roy.
Tinungo namin ang silid kung saan naka confine si nanay.
"Inatake
siya sa puso. Sabi ng doktor na nasa kritikal siyang lakagayan ngayon."
ang pagsabi ko sa kanila ng kondisyon ni inay ngayon.
"So, Ano na ang balak mo ngayon Andrew?" ang tanong sa akin ni Arthur.
"Ito
nga nag-iisip pa ng paraan kung kanino ako lalapit upang humingi ng
tulong. Di biro ang halagang kakailanganin para sa operasyon. Ito pa at
kailangan niyang lumipat ng ibang mas malaking ospital na kumpleto sa
mga kagamitan."
"Paano yan guys, lets contribute na para sa pang-opera ni Tita." si Rica.
"Huwag na, salamat na lang sa inyo guys. Sapat na nandito kayo upang sumuporta at samahan ako dito."
Hindi
naman sa tinatanggihan ko sila ngunit alam ko rin naman ang mga
katayuan nila sa buhay. Kahit pa pagsama-samahin nila ang lahat ng
kanilang pera pati na rin ng iba pa naming mga kaklase kung saka-sakali
ay kukulangin pa rin ito. Gayumpaman ay nagpasalamat pa rin ako. Sila ay
talagang tunay na mga kaibigan.
Dahil sa kondisyon
ni nanay ay doon na ako natutulog pa sa ospital. Pinagpaliban ko na rin
muna ang iba pa naming mga pang-araw-araw na gawain upang mabantayan
siya at makapanghagilap ng maaaring pagkautangan.
At
sa paglipas ng mga araw ay mas lalong tumitindi ang aking pangamba at
kaba. Habang tumatagal kasi ay mas lalong lumiliit ang chance niya na
gumaling. Lahat ng naipon ko para sa aking pag-aaral sa darating na
pasukan ay naubos na. Halos lahat ng maaaring lapitan ay pinuntahan ko
na rin. Nakapagpautang naman sila sa akin ngunit malaki pa rin ang
kulang. Dahil
dito ay tinawagan ko na si Dina, nagbabakasakali na matulungan niya
ako.
Tatlong araw lang simula ng kontakin ko siya ay agad siyang dumating.
Tulad
ng ginawa ko sa iba ko pang kaibigan, hindi ko rin napigilan ang aking
sarili na humagulgol. Inilabas ko ang lahat ng aking mga hinanakit at
saloobin sa kanya.
Pagkatapos ay may sinabi sa akin si Dina na siyang nagbigay sa akin ng lakas ng loob at pag-asa.
"Huwag
ka nang mag-emote diyan friend dahil may good news ako sayo. May
espesyalista kaming relative na pinakiusapan ko. At pumayag siyang
operahan si Tita."
Agad kong niyakap si Dina sa matinding tuwang aking nararamdaman. Malaki talaga ang maitutulong nito sa ikagagaling ni nanay.
"Ang sarap mong kayakap." ang naibulalas niya. Sa sinabi niyang iyon ay napatawa ako.
Nang
kumalas ako sa kanya ay nagsalita siya ulit. "Hay ang saya ko at
natupad na ang aking pangarap na mayakap ka Andrew!" ang medyo kinikilig
niyang pahayag."
"Kaw talaga Dina, may boyfriend ka na ah!"
"Oo nga pero alam mo naman na bago ko pa siya makilala ay pinagpapantasyahan na kita ano"
"Ewan ko sayo, pero salamat Dina. Di mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon."
Napansin ko naman ang biglang pananahimik niya na tila may iniisip.
"May problema ba Dina?" ang tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Nahahabag lang siguro ako sa kondisyon ni Tita."
"Ah ok. So kailan ba maooperahan si nanay?" ang tila excited ko nang tanong.
"Bago mangyari yan Andrew, siyempre dadalhin natin siya sa Maynila ano?"
Natigilan
ako sa kanyang sinabi. Taga roon nga pala yung sinasabi niyang doktor.
Bigla naman akong nakaramdam ng akung anong kaba sa mangyayari ngunit
iniisip ko na lang na para sa kapakanan ni nanay ay iisantabi ko na lang
muna ang pansariling pangamba.
Sa araw ring iyon ay
inayos na ni Dina ang lahat ng mga bayarin namin sa ospital. Ako naman
ay inasikaso ang ilang mga bagay gaya ng aming negosyo. Dahil hindi pa
tiyak kung makakapaghanapbuhay pa si nanay ay napagdesisyunan kong
ibigay na sa iba ang aming pwesto sa palengke. Saka ko na iisipin kung
ano ang aking gagawin kapag magaling na siya. Nagpaalam na rin ako sa
iba ko pang amo kung saan ako nag sideline. Pinagbilin ko naman ang
bahay namin sa aming kapitbahay.
Sabi rin ni Dina na
darating ang isang special plane papuntang Manila kinabukasan. Sa loob
ko ay nagtataka ako na di ko mawari, na parang may mali. Ang bilis ng
preparations na nagawa lang niya mag-isa tapos yung sinasabi niyang
doktor, parang nahihiwagaan ako. Napakadali namang pumayag nito na
operahan ng libre si nanay. Ngunit isinantabi ko na lang mga bagay na
iyon. Agad na rin akong nag-empake ng aming mga gamit dahil alam kong
matatagalan kami roon.
At dumating na ang araw ng aming
pag-alis papuntang Maynila, baon ang pag-asang mabibigyan ng
pangalawang buhay ang aking pinakamamahal na ina.
Itutuloy....
Saturday, July 20, 2013
Wednesday, June 5, 2013
TRUE LOVE 1
Tilaok ng manok ang siyang nagsisilbing pampagising sa amin ni nanay sa araw-araw. Madilim pa lang ay tinutungo na namin ang dagat para bumili ng mga isda na aming ititinda sa bayan.
Ganito na palagi ang aming routine ni nanay, malayo sa aming nakasanayan nung mga panahon na naninirahan pa kami sa Maynila. Ngayong narito na kami sa probinsya kung saan lumaki ang aking ina ay talagang nag-adjust kami dahil ito lang ang paraan upang mabuhay kami mag-ina.
Ako si Andrew labingsiyam taong gulang. Tulad ng ibang mga kabataan ay may sarili rin akong pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral upang maiahon ko sa kahirapan ang aking ina.
Mahigit dalawang taon na ang lumipas, mula ng lisanin namin ang Maynila at manirahan dito sa Bicol ay marami nang nagbago sa aming buhay. Kung dati ay nangangalakal ako kung saan ay kinokolekta ko ang mga bagay na maaaring ibenta sa junkshop kapalit ng kaunting barya pambaon, ngayon ay nagtitinda na kami sa palengke dito sa bayan. Gamit ang naipon kong pera mula sa pagtutor ko noon ay napalago namin ito at ngayon ay may sarili na kaming pwesto.
Kada hapon pagkatapos ng aking klase ay agad akong dumederetso sa palengke upang tulungan si nanay sa pagtitinda. Hindi lang yan, may sideline din ako para makakuha pa ng extrang kita. Minsan ay tumutulong din ako sa bigasan ng isa pang tindero sa palengke.
Sa una ay nanibago talaga ako dahil sa bigat ng mga trabaho. Pero ngayon ay madali na lang sa akin ang lahat kumbaga sanayan lang. At dahil sa mga trabahong ito ay maraming nagbago sa akin tulad na lang ng aking pisikal na anyo. Mas nagkalaman na ako ngayon at tumangkad. Hindi sa pagyayabang, sabi ng iba ay mas gumwapo daw ako . Tuwing pinupuri nila ako ng ganoon ay natatawa na lang ako sa kanila.
Tungkol naman sa aking pag-aaral ay wala naman akong nagiging problema sa ngayon di tulad dati nung nagsisimula pa lang kami ay halos magkandarapa si inay ng aking pambaon. Nang makalipat kami ay agad kong nilakad ang pagpasok sa isang state university doon. Swerte naman na natanggap ako doon dahil sa matataas kong grades na nakuha sa eskwelahang pinasukan ko sa Maynila.
At dahil sa transferee ay naging third year irregular sudent na ako na kung saan ay pumapasok ako sa ibat-ibang klase depende sa subject. Kahit papaano ay nasasanay na rin ako.
Sa dami ng pinapasukan ko ay nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Sa loob ng dalawang taon ay wala silang ibang pinakita sa akin kundi kabaitan. Hindi ko tuloy maiwasan ihalintulad sila sa mga naging kaklase at schoolmates ko sa Maynila.
Natatandaan ko, unang araw ng pagpasok ako sa unibersidad na iyon. Nahihiya pa akong magpakilala. Dahil irregular, kada klase ay ginagawa ko iyon. Kahit nauutal at nabubulol ako ay hindi ko sila nakitang tumawa man lang bagkus ay sila pa ang lumapit sa akin. Kaunting kwentuhan hanggang sa nauwi sa pagkakaibigan.
Nung mga panahong iyon ay naisip ko na baka pag nalaman din nila ang tunay kong pagkatao ay magbago sila at laitin din ako, kaya agad kong sinabi sa kanila ito, at laking tuwa ko nang sabihin nila lalo na ng mga kaklase kong lalaki na ayos lang ito at wala naman silang problema sa third sex.
May mga pagkakataon na kapag nagbobonding kami sa bahay ay napag-uusapan namin ang tungkol sa mga syota, girlfriends at boyfriends. Karamihan sa kanila ay meron nang mga kasintahan kaya ako bilang isa sa mga wala pang karelasyon ang madalas nilang napapagtitripan.
"Ako na naman nakita niyo kayo talaga... Paulit-ulit ko na lang sinasabi na malabo mangyari yang mga sinasabi niyo." ang aking sinasabi sa kanila sa tuwing tinatanong nila sa akin kung bakit wala pa akong nagiging karelasyon sa edad kong ito.
"We want you to be happy like us." ang sagot ng isa kong kaklaseng lalaki sa calculus. "Ang sarap kaya sa pakiramdam ng magmahal at mahalin." ang kanyang pagpapatuloy sabay smack sa lips ng kanyang kasintahang babae na kaklase rin namin.
"Happy naman ako ah. Hindi ko na kailangan ng love na yan. Wala namang ganoon sa mga taong alanganing tulad ko." ang sagot ko sa kanila.
"Huwag ka naman ganyan Andrew. Buksan mo ulit ang iyong puso na magmahal." ang sabi naman ng isa kong kaklaseng babae.
"Sinong lalaki naman ang papatol sa akin? Wala. Siyempre mas hahangarin nila na magmahal ng babae dahil iyon ang tama. Ang relasyon ng parehong kasarian ay hindi nagtatagal yan."
Ang mga bagay na ito ang tinatak ko na sa aking puso at isipan. Matapos ng naging karanasan ko noon sa estado ng aking buhay-pagibig ay pinangako ko sa aking sarili na hindi na magmahal ulit.
__________
Sumapit na ang panahon ng bakasyon. At dahil walang pasok ay sumasama na ako kay nanay sa dagat para tumulong sa pagpili ng isda at tulungan siyang buhatin ang mga banyera na ititinda namin sa bayan.
Matapos ang pagbili namin ng mga paninda ay umuwi muna ako saglit upang kumain ng almusal. Malayo pa lang ay natatanaw ko na isang taong nakatayo sa labas ng bakuran ng aming bahay. At habang ako ay papalapit ay unti-unti ko siyang nakikilala. Dahil nakatalikod ay naisipan kong biruin ito sa pamamagitan ng pagsundot ng aking mga daliri sa tagiliran nito.
"AY!!!!!" ang malakas nitong pagtili na ikinatawa ko.
"Andrew naman eh." ang nasabi na lang niya. Natatawa pa rin ako sa kanya.
"Kamusta ka na Andrew?" ang sunod niyang tanong sa akin.
Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya dahil napansin ako ang pagtitig niya sa akin mula ulo hanggang paa.
"Ikaw ba yan Andrew? WOW! ang laki ng pinagbago mo ah. At.... mas tumangkad ka tapos.... macho ka na!" ang kanyang naibulalas sabay pisil sa aking mga braso.
"Ako pa rin to Dante" ang tugon ko sa kanya.
"Dante ka jan..."
"O siya Dina na po..."
Agad ko siyang niyayang pumasok sa loob ng aming bahay. Dahil umaga iyon ay sabay na kaming kumain ng agahan.
"Pasensya ka na kung ito lang ang pagkain namin ha." ang sabi ko sa kanya habang ibinibigay ang isang tasang kape at tinapay.
"Ok lang Andrew. Grabe ang layo pala talaga ng lugar niyo. Pero infairness hindi ako gaano nahirapang hanapin ang tirahan niyo halos kilala kayo ng lahat ng tao dito."
"Mabuti naman kung ganoon. So anong pumasok jan sa kukote mo at naisipan mo akong dalawin dito."
"Nagtext ako sayo kaso hindi mo sinasagot."
"Ganoon ba? Pasensya na medyo mahina kasi ang signal lalo na dito sa bahay. Natatanggap ko lang iyon kapag nasa bayan ako."
"Ok.So ito palang bahay, sa inyo ba ito?"
"Hindi pero mura lang naman ang upa namin dito dahil may kalumaan na ito."
"Oo nga. Pero mas maganda na ito, may sarili na kayong tirahan di tulad sa Maynila. Si Tita pala?"
"Nasa palengke na nagtitinda ng isda"
"Oh mabuti naman at nakakayanan pa niya" ang medyo may pag-aalala nitong pahayag.
"Kailangang kumayod para mabuhay."
"Kung sa bagay. Yung pag-aaral mo naman kamusta na?"
"Hmmm... ok lang. Medyo nahirapan sa una dahil irregular student ako. At laking pasalamat ko dahil mababait ang nagiging kaklase ko."
"Its good to hear na marami ka nang bagong kaibigan dito. Pero baka naman sa umpisa lang yan..."
"Sinabi ko na sa kanila. Mabuti nang malaman na nila ng maaga pa ang totoong ako.At masaya ako na tanggap nila ako."
"Ok kabaliktaran ng mga schoolmates natin sa Manila noon."
"Teka ako naman ang mangangamusta sayo." ang sabi ko sa kanya. "Ano na ang pinagkakaabalahan mo. Graduate ka na di ba?"
"Hmm... Oo tumutulong ako ngayon sa business ni Dad. At dahil diyan Andrew may ibabalita pa ako sayo." ang tila excited nitong sagot.
"Ano naman iyon?"
"Doon ko nakilala ang aking special someone."
"Lalaki?"
"Ofcourse. Alam mo naman na di ko masikmura ang makipagrelasyon sa babae di ba."
"Oo nga pala. Paano naman kayo nagkakilala?"
"Actually M.U. pa lang kami eh. Empleyado siya ni Dad."
Napangisi ako sa aking narinig.
"Naku Dina, kung ako sayo tigilan mo na yan. Baka pagsisihan mo yan sa huli."
"Hindi naman siguro."
"Buksan mo ang puso at isipan mo. Dapat mong marealize na imposibleng magtagal ang ganyang klaseng relasyon. Yung sinasabi mong special someone, sa umpisa lang yan pa sweet sayo, pero sa bandang huli babae pa rin ang hahanapin niyan."
"Salamat sa pagmamalasakit Andrew. Sige mag-iingat na lang ako. Sa ngayon enjoy ko muna yung bonding moments naming dalawa."
"Teka nga pala Andrew, kamusta na pala si Papa Troy?"
"Nasa Singapore na sila ngayon nakatira. Kung magtatagal ka dito ng isang linggo baka maabutan mo siya"
"So dadalaw rin pala siya dito. Sayang naman hindi ko na maabutan. Dalawang araw lang kasi ako dito. Alam mo naman na kailangan ako ni Dad doon."
Matapos ang aming usapan ay sumama siya sa akin sa pwesto ni nanay. Pinasyal ko rin siya sa buong bayan. Kinagabihan sila naman ni nanaya ang nagkamustahan habang kumakain kami ng hapunan.
Sa loob ng dalawang araw ay sinamahan niya kami sa aming paghahanap-buhay. Kita ko naman na nag-eenjoy siya sa kanyang ginagawa kahit pa natatawa ako sa ilan niyang mali. Tapos napapanganga pa siya sa lakas ko sa pagbubuhat ng mga sako ng bigas sa aking sideline. Humanga naman ako sa galing niya sa pagtitinda dahil magaling siya sa pambobola ng mga bumibili sa palengke.
At sumapit ang araw ng kanyang pag-alis.
"Salamat sa pagdalaw mo dito Dina."
"Nabitin nga ako Andrew. Hayaan mo sa susunod na pagbalik mas tatagalan ko na dito. Sobra kayang nag-enjoy ako."
"Ows, ni hindi mo nga mahawakan yung mga isda, parang nandidiri ka pa nga."
"Hindi ah... Nagugulat lang ako kasi gumagalaw pa ang mga iyon."
"Ok. Pero napahanga mo ako sa galing mo mag salestalk."
"Ako pa. Narealize ko kung gaano kahirap at kabigat pala ang hanap-buhay niyo ni nanay. Kaya tulad mo ay napahanga niyo rin ako lalo ka na. Kaya pala lumaki ang katawan mo, sa bigat ng mga binubuhat mo."
"Oo para na rin akong nag work-out nito."
"Pinagnanasaan na nga kita eh"
Natawa lang ako sa kanyang sinabi. "Ikaw talaga Dina. O siya bilisan mo na baka mahuli ka sa byahe."
__________
Isang linggo pa ang lumipas mula ng umalis si Dina, ay natanggap ko ang isang text message mula kay Troy.
Silang dalawa ni Dina ang naging bestfriend ko nung nag-aaral pa ako sa Maynila. Sa kabila ng popularidad niya sa campus ay naging mabait siya sa akin. Tinulungan ang aking pamilya sa abot ng kanyang makakaya.
Ayon sa kanya ay gabi siya makakarating kaya hapon pa lang ay nagluluto na siya ng kanyang specialty na sinigang na naging paborito ni Troy nung panahon na tumutuloy pa kami sa kanila.
Kinagabihan habang kumakain kami ay dumating na ang aming hinihintay.
Sa pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa aking harapan ang nakangiting si Troy. Kahit nakasalamin na ay hindi pa rin nawawala ang angkin nitong kagwapuhan.
"Magandang Gabi Andrew."
"Ganoon din sayo Troy. Tara pasok ka na para kumain, nagluto si nanay ng paborito mo" ang masayang pagyaya ko sa kanya.
"Sandali lang Andrew, pakilala ko lang sayo yung wife ko si Maribel."
Doon ko lang napansin na may kasama pala siya. At nang makita ko ito ay masasabi kong bagay talaga sila.
"Pasensya ka na Maribel, hindi kita nakita, madilim kasi. So tara tuloy na kayo."
"Aba kay gandang babae pala nito" ang naibulalas ni nanay ng makita niya ang kasama ni Troy.
"Siya yung palaging kinukwento ni Troy sa akin kapag nag-uusap kami sa cellphone nay."
"Ah. Halika, sabayan niyo na kaming dalawa ng anak ko. Alam mo Maribel, ito ang paboritong putahe ni Troy." si nanay habang naghahain ng pagkain sa kanilang dalawa.
"Oo nga po Tita, madalas niyang request yan sa akin." ang tugon ni Marie.
"Mabuti naman Troy na isinama mo ang asawa mo dito. Kamusta na pala ang negosyo niyo ng lola mo?"
"Ayos lang po. Gusto nga sanang sumama ni Grandma dito kaso busy pa siya."
"Sayang naman, kahit papaano makakapagrelax at makakapagpahinga sana siya."
"Siyanga pala Tita, nagdadalang-tao po ngayon si Marie. Gusto sana namin na dito sa Pilipinas siya manganak. At iimbitahan namin kayo sa binyag. Kukunin ko po sanang ninong si Andrew."
"Sure." Ang agaran kong pagsang-ayon. Wala namang problema sa akin ang bagay na iyon.
"Pero maaga pa sigurong pag-usapan natin yan. Hindi pa nga gaano malaki ang tiyan niya" ang aking pagpapatuloy.
"Mabilis lang ang panahon Andrew haha" ang natatawang tugon ni Troy.
___________
Matapos kumain ay naisipan kong tumambay sa aming bakuran para magpahangin. Ilang minuto na rin akong nagmumuni-muni nang may kumalabit sa aking likuran.
"Ikaw pala Troy."
"Ang lalim ng iniisip mo ha. Kanina pa kita pinagmamasdan."
Umurong lang ako ng kaunti para bigyan siya ng mauupuan. Umupo nama nsiya sa aking tabi.
"Tama ka Troy mabilis talaga ang panahon. Ikaw, parang kailan lang nag-aaral ka pa, ngayon may sarili ka nang pamilya, magkakaroon ka na ng anak. Mabuti naman at sinunod mo ang payo ko sayo."
"Mabait si Maribel, mapag-alaga, mapagmahal na asawa. Halos lahat ng katangian ng mabuting asawa ay nasa kanya na."
"Mahal mo na talaga siya? Naalala ko nung unang dalaw mo sa akin ay nagdadalawang-isip ka pa."
"Sigurado na ako sa nararamdaman ko sa kanya. Gaya ng pagmamahal ko sayo." ang deretsahan niyang tugon.
Napatingin ako sa kanya.
"Hanggang ngayon Andrew, mahal pa rin kita kahit na alam kong hindi mo kayang tumbasan iyon."
ang kanyang pagpapatuloy.
"Ikaw talaga Troy." napangiti lang ako sa kanyang sinabi.
Ilang minuto kaming walang imikan. Pareho naming pinagmamasdan ang kalangitan. Dahil sa walang ulap ay kitang-kita namin ang mga bituin.
Gabi-gabi mo ba itong ginagawa?"
"Ang alin?"
"Ang magmuni dito at pagmasdan ang mga bituin."
"Hindi. Dahil minsan kaya umuulan dito. Siyempre wala kang makikitang bituin at di ako makakalabas ng bahay."
"Pilosopo."
Nagkatawanan kaming dalawa.
"Masaya ako Andrew dahil nakikita na kitang nakangiti ulit at tumatawa ng ganyan di tulad ng unang dalaw ko dito nung isang taon."
"Marami pa kaming problema ni nanay noon, May mga pagsubok na dumating sa aming buhay pero awa ng Diyos ay nalagpasan namin ito. Sipag, tyaga at lakas ng loob lang ang aking pinairal sa sarili. Kaya eto, masasabi kong umasenso na kami, nakakangiti na ako. Kahit papaano ay hindi na kami nagkakaron ng problema sa pinansyal."
"Its good to hear that. Pero may gusto sana akong itanong sayo kung ok lang?"
"Hmmm... Sure ano yon?"
"Gusto ko sanang kamustahin ang lovelife mo, sa kabila ng pagiging busy mo sa buhay, sa pag-aaral at pagtatrabaho."
"Hindi naman tanong yan. Pangangamusta."
"Namimilosopo ka na naman jan."
Natawa lang ako sa kanya.
"Wala na sa isip ko ang bagay na yan Troy. I'm contented sa buhay namin ngayon. Kay nanay ko na lang binubuhos ang aking atensyon."
"Tama ka jan. Pero huwag mo sanang masamain ang sasabihin ko. Alam mo naman siguro na hindi kayo habang-buhay na magkasama ni Tita. What if kung mawala na siya?"
"Kung mangyari lang yun ok lang. Tuloy pa rin ang buhay. Nagdesisyon na nga ako sa aking sarili na hindi na ako magmamahal ulit. Maliban sayo, wala namang taong totoong magmamahal sa isang gaya ko."
"Meron pa ah"
"Sino naman yun?"
"Si Bryan, di ba umamin din siya sayo noon na mahal ka niya."
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon nang marinig ko ang pangalan na iyon. Bahagyang lumakas ang kabog ng aking puso. Hindi agad ako nakasagot sa pahayag na iyon ni Troy.
"Oh bakit natahimik ka jan?"
"Ha?"
"Relax ka lang. Sa tingin ko hanggang ngayon mahal mo pa rin siya. Gusto mo sabihin ko sa iyo kung ano na ang nangyari sa kanya."
"Hindi ko siya minahal ano. Nahumaling lang ako sa kanya yun lang. Alam ko naman na may pamilya na rin siya, may anak na rin tulad mo at masaya silang magkasama ni Sarah sa iisang bubong gaya ng gustong mangyari ng mama niya.
"Saan mo naman nakuha ang impormasyon na yan?"
"Nasabi ko lang iyon pero totoo naman di ba, noon pa lang obvious na silang dalawa."
"Tama ka Andrew. Magkasama pa rin sila ngayon ni Sarah. Hindi pa sila kasal ngunit may anak na sila."
Parang may bombang sumabog sa aking utak ng marinig ko ang pahayag na iyon ni Troy. Aaminin ko na may parte sa puso ko na nasasaktan pa rin ako. Dahil dito ay tuluyan nang naglaho ang pag-asang maging kami ulit.
At dito ko lang napatunayan sa sarili na tama lang ang aking maging pananaw sa buhay. Talagang paninindigan ko na ang pangakong hindi na ako magmamahal pang muli kahit ano pang mangyari.
Itutuloy...

Subscribe to:
Posts (Atom)