Sa mga oras na iyon ay gusto nang hatakin ni Bryan si Andrew sa labas ng kainan upang tanungin kung bakit siya nakakapagsalita siya ng ganoong klaseng bagay. At sa nakikita niya sa mukha nito na parang masaya pa siya sa kanyang pinagagawa sa kanila.
"May problema ba...Bryan?" ang tanong ulit ni Andrew sa kanya.
"Dapat ako ang nagtatanong niyan sayo." ang sabi niya sa kanyang sarili. Naguguluhan na siya sa mga oras na iyon.
__________
Sa totoo lang ay may bahagi sa isip ni Andrew na hindi nito gagawin ang kanyang pinapakiusap. Umaasa siyang tatanggi ito at sasabihin na hindi niya ito kaya dahil siya ang tunay na mahal nito.
"May problema ba...Bryan?" ang tanong ulit ni Andrew sa kanya.
"Dapat ako ang nagtatanong niyan sayo." ang sabi niya sa kanyang sarili. Naguguluhan na siya sa mga oras na iyon.
__________
Sa totoo lang ay may bahagi sa isip ni Andrew na hindi nito gagawin ang kanyang pinapakiusap. Umaasa siyang tatanggi ito at sasabihin na hindi niya ito kaya dahil siya ang tunay na mahal nito.
Ngunit kabaliktaran ang nangyari. Hindi man pinahalata pero
sobra siyang nasaktan sa kanyang nakita. Sa harap nilang dalawa ni Troy kasama
nang iba pang mga tao na naroroon ay naging saksi kung paano hinalikan ni Bryan
ang kanyang fiancee.
“Its over Andrew.” Ang sabi niya sa kanyang sarili. Ito na
ang hudyat para tuluyan na siyang kumalas gaya ng kanyang naunang desisyon.
__________
Nagmamaneho ngunit tila wala sa sarili. Ito ang nakikita
ngayon ni Sarah sa kanyang fiancee na si Bryan. Matapos ang naging usapan
nilang apat ni Troy at Andrew ay mas naging kakaiba na ang kinikilos nito. Ni
hindi na niya makausap pa ng maayos o ngumingiti man lang sa kanya.
Noon pa man ay napapansin na niya ang tila malamig na
pakikitungo sa kanya ni Bryan. Alam naman niya ang dahilan nito kaya sinisikap
niya na ibalik ang dating Bryan na kababata niya gaya na rin ng pinakiusap sa
kanya ng ina nito.
Matapos ang naging usapan nila ay agad na itong nagyaya na
umuwi at ihatid siya sa kanilang bahay kahit pa gusto pa niyang mamasyal sila.
Wala na rin siyang magagawa pa. Naisip niya kasi na nakakawalang gana naman
kapag ang isa mong kasama ay tila nagpapakita ng kawalang interes sa inyong
ginagawa.
Gayunpaman ay
sinubukan pa rin niya na kausapin ito.
“Babe, wala pa naman tayong pasok bukas diba, what if kung
ipasyal mo ako dun sa resthouse niyo sa Baguio” ang kanyang sinabi. Gusto na
niyang makita ulit ang lugar na iyon.
“May gagawin ako bukas.” Ang simple nitong pagsagot na hindi
man lang nililingon ang kausap.
“Hmmm... Ok, maybe kapag may free time ka na.”
Wala na siyang narinig pang pagtugon mula dito.
Samantala, patuloy pa rin si Bryan sa kakaisip nang
tungkol kay Andrew at sa mga nangyari ng
paghaharap nilang apat ni Sarah at Troy. Hindi siya mapalagay, nagtataka sa mga
pinakita ni Andrew. At siyempre hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niyang
selos sa kanyang kaibigan na si Troy.
Pagkatapos nilang mag-usap ay niyaya na niya agad na iuwi si
Sarah. Nang sa gayon ay makagawa siya ng paraan para makausap niya ng sarilinan
si Andrew. Parang sasabog na kasi ang utak niya sa sobrang dami ng kanyang
iniisip.
Ilang saglit pa ay narating na nila ang tirahan ng dalaga.
Saglit siyang tumuloy sa loob ng bahay na iyon. May mga sinasabi pa si Sarah sa kanya ngunit tila nabingi na siya dahil sa dami ng mga iniisip niya. Pagkatapos ay agad na
siyang nagtungo sa bahay ni Troy. Wala na siyang pakialam pa kung malaman ito
ng kanyang ina.
Sa kanyang pagbuzzer ay bumungad sa kaniya ang ina ni Andrew
na nagbukas ng gate.
“Magandang hapon po nay.” Ang nakangiti at magalang niyang
pagbati.
Pero isang seryosong tingin ang pinukol nito sa kanya bago
sumagot. Ibang-iba ang itsura nito ngayon kung ikukumpara sa mga pinakita nito
sa kanya nung mga panahon na dinadalaw niya si Andrew sa dating tirahan ng
mag-ina.
“Magandang hapon din sayo iho. Wala pa ang anak ko, namasyal sila ni
Troy.”
“Ahm, alam ko rin po yun nay. Nagkita po kami sa mall
kanina. “
“Sa tingin ko iho wala na kayong dapat pag-usapan ng aking
anak. At kung pwede sana ay tuluyan mo na siyang iwasan gaya ng ginagawa niya
ngayon.”
Nabigla naman si Bryan sa kanyang mga narinig. Salungat ito
sa nauna nitong sinabi sa kanya nung araw na pinagtapat niya ang kanyang
nararamdaman sa anak nito.
“Nay... magpapaliwanag po ako... Sa totoo po gusto ko ring
kausapin si Andrew para magkalinawan at maayos ang lahat.”
“Tama na iho. Tigilan mo na si Andrew. Masyado niyo siyang
nasaktan. At ikaw,
harap-harapan mong sinaktan at pinaglaruan ang kanyang damdamin sa mga ginawa mo nung
inimbitahan niyo siyang mag-ina sa iyong kaarawan. ”
“Mali po ang interpretasyon niyo nay...”sinusubukan niyang tumanggi sa kausap.
“Hindi ako maaaring magkamali Bryan. Bilang ina ay masakit
din para sa akin ang makita ang aking anak na malungkot at umiiyak.”
“Alam ko po ang nararamdaman niyo ni Andrew. Kaya nga po
narito ako para iayos ang lahat.”
“Para ano pa. Wala ka nang magagawa pa. Huli na ang lahat.
Kung plano mong ibalik ang dati niyong relasyon ng aking anak ay hindi na iyon
mangyayari pa. Lantaran ang pagtutol ng ina mo sa inyo kaya nga pinahinto siya
sa pagtutor diba at alam namin na inalis na niya ang scholarship nito.”
Naiintindihan naman ni Bryan kung bakit naging ganoon na
lang ang naging pananalita sa kanya ng ina ni Andrew. Pero sinubukan pa rin
niyang makumbinse ito.
“Patawarin po sana ninyo ako nay sa mga nagawa ko pati na
rin ni Mama kay Andrew. Sana po maniwala kayo na hindi ko kagustuhan ang lahat
ng nangyari. Mahal na mahal ko po si Andrew at gusto ko pong ayusin ang lahat.”
“Naikwento sa akin ni Troy ang mga nangyari nung kaarawan
mo. Pinakilala ng Mama mo sa mga tao ang magiging fiancee mo at pinatamaan siya
ng mga masasakit na salita. At nakita niya kung gaano ka kasaya at halata sa
iyo na namiss mo siya. Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa sinasabi mong mahal
mo si Andrew?”
“Totoo pong naging masaya ako sa pagbabalik ni Sarah dahil
matagal kaming nagkahiwalay. Ngunit ang pagkamiss ko po sa kanya ay bilang
kababata at kaibigan lang po. Aaminin ko pong nagkamali ako, sa mga oras na
iyon ay nakalimutan kong naroon din si Andrew. Kaya humihingi po ako ng
paumanhin sa inyo nay.”
“Alam mo Bryan, sa totoo lang kaya ako pumayag sa relasyon
ninyo ni Andrew at naniwala sa mga sinabi mong pagmamahal sa kanya ay dahil sa
kagustuhan kong mapasaya ang aking anak. Mahina na ako at bago man lang sana
ako mamatay ay nais kong makita ni Andrew na makamtan niya ang lahat ng mga
bagay na magpapaligaya sa kanya at maging maayos ang kanyang buhay. Nakita ko
kasi na isa ka sa mga taong makakapagbigay nito sa kanya. Pero nagkamali ako.
Naging miserable pa ang buhay niya.”
“Sana po nay, bigyan niyo pa po ako ng isang pagkakataon.
Gusto ko pong bumawi kay Andrew. Papatunayan ko po sa inyo na ako ay
karapat-dapat para sa kanya.”
“Hindi na talaga maaari pa. Mas mabuti siguro kung kayo na
lang ng aking anak ang mag-usap.” Ang huli nitong sinabi sa kanya.
Nagpasiya si Bryan na sa labas na lang ng bahay maghintay sa
pagdating ni Andrew. At makalipas ang halos isang oras ay nakita niya ang
paghinto ng kotse ni Troy sa tapat ng gate tanda ng kanilang pagdating.
__________
Nasa malayo pa lang ay naaninag na nina Andrew at Troy ang
nakahintong sasakyan at si Bryan na nakatayo at nakasandal dito.
“Ilang araw na rin niya akong kinausap para magpatulong na
makausap ka. At sa tingin ko ay hindi na rin siya nakatiis pa. Its time na
siguro para makapag-usap kayo ng masinsinan.”
“Tama ka Troy, para na rin magkaroon ng pormal na closure
ang kalokohang relasyon na ito.” Ang pagsang-ayon naman ni Andrew.”
Paglabas niya ng kotse ay agad niyang hinarap si Bryan.
“Alam ko ang pinunta mo dito at ito ay ang makausap ako.
Sige pagbibigyan kita pero huli na ito.” Ang una niyang sinabi.
Nagpasya si Troy na mauna nang pumasok sa loob para
makapag-usap sila ng sarilinan.
“Doon tayo.” Ang pagyaya nito kay Bryan sa isang bakanteng
sementadong upuan malapit doon.
Pagkaupo nila ay agad nagsalita si Bryan.
“Thanks for the gift Andrew. Sobra akong masaya sa binigay
mo. Alam mo bang gabi-gabi ko yun kayakap sa pagtulog?”
“Iyon lang ba? Kung walang kabuluhan lang ang sasabihin mo,
mabuti pa at itigil na natin ito. Nagsasayang lang tayo ng oras. ”
Nabigla naman siya sa pambabara nito sa kanya. At doon niya
napansin ang hindi nakasuot na kwintas sa leeg nito.
“Nasaan na ang kwintas?” ang tanong nito sa kanya.
“Naiwala ko. Hindi ko alam kung saan napunta.”
Hindi naniwala si Bryan sa naging sagot nito. Napapailing na
lang ito.
“Huwag ka nang magpaligoy pa.” Ang pagpapatuloy nito.
Napabuntung-hininga si Bryan at saglit na sinulyapan si
Andrew.
“Alam ko kung gaano katindi ang sama ng lob niyo ni nanay sa
akin. Kaya ako nandito ngayon para linawin ang lahat.
“Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag.” Ang pagsingit ni
Andrew. “Tama lang ang ginawa ni Mam Sebastian. Gusto lang niya na mapabuti ang
buhay mo.”
“Andrew...”
“Ibaling mo na lang sa iyong fiancée ang iyong atensyon.
Alam kong siya talaga ang mahal mo. Confused ka lang sa nararamdaman mo dahil
sa akin. Kaya nakapagdesisyon na ako, Puputulin ko na ang pakikipag-ugnayan ko
sayo. Nasabi na rin sayo ni Troy na aalis na kami ni nanay para makapagsimula
ulit.”
Gustuhin mang pigilan ni Bryan ang pinaplano nito dahil sa
hindi niya pangsang-ayon dito ay wala na siyang magagawa pa. Base sa tono ng
pananalita nito ay talagang desidido na ito at hindi na mababago pa.
At ang sumunod na sinabi nito ang tuluyang pumiga ng kanyang
puso.
“I admit na talagang pinagpantasyahan kita, dahil nasa iyo
na ang lahat ng katangian ng isang ideal man. Pero never kitang minahal. Siguro
naconfused din ako sa aking nararamdaman dahil sa mga pinakita mo kaya
napilitan kitang sagutin sa mall. At base na rin sa nakita ko sa inyo ni Sarah
kanina at sa pagsunod mo sa aking request ay masasabi ko na talagang bagay
kayong dalawa. Mahal ka ni Sarah at ganoon ka din sa kanya.”
Kahit nasasaktan ay hindi pa rin magawang paniwalaan ni
Bryan ang mga sinabi ni Andrew.
Nagpatuloy si Andrew. “Salamat, dahil sa iyo ay narealize ko
na imposible talaga ang ganitong relasyon, na hindi ito permanente. Maraming
tutol at mga humuhusga.”
“Kung ganoon ang desisyon mo, tatanggapin ko.” Ang naiiyak
nang pahayag ni Bryan. “Salamat sa lahat Andrew na kahit sa sandaling panahon
ay napasaya mo ako. Tulad mo ay marami rin akong natutunan. Narealize ko rin
ang lahat ng aking pagkakamali tulad ng pangbubully sa ibang mga estudyante.
Dahil sayo ay natuto akong makipagkaibigan at magpakumbaba.”
Sa mga oras na iyon ay namumuo na ang mga luha sa mata ni
Andrew pero pinipigilan lang niya ito upang hindi makita ng kausap na masyado
siyang naapektuhan at nalulungkot.
Tumayo na si Bryan sa kanyang kinauupuan.
“Sige Andrew aalis
na ako.” Ang pagpapaalam nito sa kanya.
Tumango siya bilang pagsang-ayon. “Sige ingat ka.”
Habang papalayo ang sinasakyan ni Bryan ay isa-isa nang
nagbabagsakan ang mga luha sa mata ni Andrew. At doon na siya tuluyang umiyak.
Kasabay ng kanyang paghihinagpis ang pagbagsak ng ulan. Tila
nakikisimpatya sa kanyang nararamdaman. Hinayaan na lang niya ang kanyang
sarili na mabasa nito.
Isa pa sa natutunan ni Andrew na hindi lahat ng love story
ay may happy ending tulad ng nababasa sa mga fairy tales lalo na’t kung hindi
pangkaraniwan at tanggap ng lipunan ang relasyon ng parehon kasarian.
Hindi man naging Masaya ang kanyang buhay pag-ibig ay hindi
pa rin iyon naging dahilan upang siya ay sumuko at ikulong ang sarili sa
kalungkutan.
“Move-on and start a new life.” Ang nabuo niyang motivation
sa sarili.
“Thanks for everything and Goodbye.” Ang sabi niya ulit sa
kanyang sarili patungkol sa kakalisan lang na si Bryan.
Wakas...
Wakas...