Wednesday, November 30, 2011

CAMPUS TRIO Part 18

Wala nang suot na brief si Bryan at tumambad sa kanya ang isang bagay na lalong nagbigay ng init sa kanyang sarili. Sa pamamagitan ng kakarampot na liwanag mula sa labas ng bintana ng silid ay kitang-kita ang paghimas ng mga kamay nito sa mahaba at may katabaang alaga.

"Ang bastos mo Bryan." ang sambit ni Andrew.
"Sinabi ko bang tumingin ka?" ang sagot nito. Patuloy pa rin siya sa paghimas. "Pero ok lang naman iyon sa akin, sige na gawin mo na ang gusto mo oh." ang may panunukso nitong dagdag.

Sa mga pang-aakit na ginagawa ni Bryan sa kanya noon ay masasabi na niyang may pagkamalibog ito kaya nasanay na siya ngunit sa mga oras na iyon ay parang hindi na niya kayang magpigil. Gusto na niyang patulan ang sinabi nito dahil tumitindi na rin ang nararamdaman niya na kung tawagin ay "libog". Nagsisimula na ring tumigas ang kanyang sariling alaga.  Pero pinilit pa rin niyang magpigil. Agad siyang bumalik sa dating posisyon patalikod sa katabi.

Pero hindi pa rin tumigil si Bryan. Yumakap ito sa kanya at nararamdaman niya ang pagtusok ng alaga nito sa kanyang pwetan. Gayumpaman ay hindi pa rin siya nagpatinag.

At sa mga sumunod na nangyari ay wala nang nagawa si Andrew. Kinuha ni Bryan ang kamay nito at pinahimas sa kanyang alagang matigas pa rin. Taas-baba lang ang ginawa niya rito habang nakatalikod pa rin hanggang sa makaramdam siya ng likidong lumabas mula dito.

"Success!" ang sambit ni Bryan na mistulang nakaraos mula sa mahabang pagkatigang. 

Napatayo si Andrew at lumabas ng kwarto upang maghugas ng kamay. Naririnig pa niya ang mahinang pagtawa nito.

Sa lababo ay hindi pa niya magawang maghugas dahil tinitignan pa niya ang nasabing likido. Unang beses pa lang niya makahawak nito mula sa ibang tao kaya inamoy niya. Agad siyang nagtungo ng banyo at isang bagay ang di niya napigilang gawin sa sarili.

Matapos ng ilang minuto a y bumalik na siya sa kanyang silid. Naabutan pa rin niya si Bryan na nakahiga at nakatingin sa kanya na may malokong ngiti.

"Kamusta na ang papaparaos?" ang deretsahang tanong nito na nagpabigla kay Andrew.
"Ano ba yang pinagsasabi mo? Naghugas lang ako ng kamay." ang pagdeny naman nito.

Napansin ni Bryan ang pag-iwas ng tingin niya kay Andrew. Nahalata naman niya na hindi ito nagsasabi ng totoo. Pero hindi na niya kinompronta pa ito.

Sa totoo lang ay umasa siya na may mangyari na sa kanila sa gabing iyon. Kahit may pagkadismaya ay inunawa na lang niya si Andrew. Siguro ay hindi pa talaga ito handa na gawin ang bagay na nais niyang mangyari sa kanilang dalawa. Maghihintay na lang siya ng tamang panahon.

Inilingkis na lang niya ang kanyang mga braso sa nakatagilid na nakahigang si Andrew.
"I love you Andrew." ang mahinang bulong niya sa tenga na nakapagpangiti dito.
_________
Pagkababa pa lang ni Andrew ng jeep na sinakyan kinabukasan ay napansin na niya ang mga estudyante sa may gate na nakatingin sa kanya, hanggang sa makapasok na siya sa campus. At nang makarating siya sa lobby ay nakita niya ang kumpulan ng mga ito na nakatingin sa malaking bulletin board.

"Mga schoolmates nandito na siya!" ang pagsigaw ng isang babae. Clueless pa siya sa mga oras na iyon kaya wala siyang gaanong reaksyon.

At nalaman na lang niya na siya pala ang tinutukoy ng sumigaw nang magtinginan sa kanya ang mga estudyante.
"Ang kapal naman ng mukha mong agawin si Bryan." ang banat ng isang babaeng may katabaan ang itsura.

Nagtaka naman siya sa mga sinasabi nila kaya tinignan niya ang board. At tumambad sa kanya ang mga larawang magkasama sila ni Bryan sa mall. Sa isip niya, isang espiya ang kumuha ng mga ito dahil detalyado talaga ang pagkakakuha. At ang nakakuha ng kanyang pansin ay ang litrato na kung saan ay nagkiss silang dalawa habang nakayakap ito sa kaniya. Ginuhitan siya ng sungay sa ulo gamit ang marker.

"User ka! Bakla!" ang patutsada pa ng isa pang babae.
At nagsimula nang magsigawan ang mga estudyante. Sa sobrang pagkagulat ni Andrew sa hindi inaasahang ginawa ng mga ito ay napaluha na lang siya. Sobrang masakit sa kanya ang mga salitang panlalait na lumalabas sa bibig ng mga ito.

Maya-maya lang ay naramdaman niya ang isang braso na humahaplos sa kanyang likuran. Nang lingunin niya kung sino iyon, nalaman niyang si Dina pala.
"Tama na Andrew, tara na sa room." ang bulong nito sa kanya.

"Aba kaya naman pala, tignan mo ang kaibigan niya isa ring bakla." ang biglang pagsingit ng isa pang babae.
"Ang sasama ninyo." ang sagot ni Dina sa kanila.
"Huwag mo na silang patulan. Tara na" ang sabi ni Andrew.

Akmang lalakad na sila papunta sa kanilang classroom nang harangan sila ng mga babaeng estudyante. "Ano ba ang gusto niyong mangyari ha?" ang medyo napapataas na boses na ni Dina.
"Huwag kang makialam dito bakla, yung kaibigan mo lang ang kailangan namin." sagot ulit ng matabang babae.
"Nakita niyo namang umiiyak na, please lang tigilan niyo na siya." si Dina ulit.
"Ayos lang ako Dina." si Andrew.
"Freshman ka pa lang ganyan na asal mo. Ang galing mo namang mang gayuma." ang patutsada pa ng isa sa kanila.
"Inggit lang kayo." ang nang-iinsultong sambit ni Dina.
"Sumasabat ka pang bakla ka ha, sige boys alam niyo na ang gagawin niyo."

Nakita na lang ni Dina ang papalapit na mga matatangkad na lalaki sa kanila. Si Andrew naman ay natulala na lang sa sumunod na eksena.
Kinuwelyuhan ng isa sa kanila si Dina at tinulak papalayo kay Andrew. Sa lakas nito ay tumilapon siya sa halamanan. Ang isa naman ay lumapit sa kanya.
"Ikaw bata dapat kang bigyan ng leksyon." ang galit na sabi nito.

Akmang susuntukin  na siya nito nang biglang matigil sa pagkarinig ng isang boses.
"Anong gagawin mo sa kanya?" ang tanong ng isang lalaki. Agad nabosesan ni Andrew iyon. Nagtinginan ang lahat ng mga estudyanteng naroroon sa kaniya. Ang campus trio.

Tumigil naman sila at nang makalapit ay agad silang nagsalita.
"Dapat silang bigyan ng leksyon, masyado niyang sinaktan ang damdamin ng mga babae dito sa campus." ang pangangatwiran ng isa sa mga lalaking bubuhat sana kay Andrew.
"Bakit naman?" ang tanong ni Bryan.

Tinuro ng mga ito ang mga larawan na nakapaskil sa board. Hindi na rin siya nagtaka pa na kunan siya ng larawan nang palihim.

Napatakip na lang ng bibig at natameme ang mga babaeng estudyante sa sumunod na ginawa ni Bryan. Kinuwelyuhan niya ang lalaking nagsalita tulad ng ginawa ng kasama niya kay Dina.
"Anong sinaktan? Wala akong ginagawa sa kanila. At saka wala akong pakialam sa nararamdaman nila!" ang pagalit niyang pahayag sabay bitaw patulak.
"Binago ko na ang sarili dahil na rin sa kagustuhan ni Andrew.  At huwag niyo akong pilitin na ibalik ako sa dati."
"Lahat kayo, simula sa araw na ito, ang sinumang manakit kay Andrew ay malalagot sa akin, naiintidihan niyo ba?" ang dagdag niyang pagbabanta sa kanila.

Tinulungan ni Troy si Dina na makatayo at si Bryan ay binaling ang atensyon kay Andrew.
"Ayos ka lang ba, walang masakit sa iyo?" ang may pag-aalalang tanong nito sa kanya.
Tumango lang ito bilang pagsagot.
"Sige na deretso na kayo sa room niyo late na kayo." si Michael.

Bago umalis ang dalawa ay may pahabol na sinabi si Bryan kay Andrew.
"Doon ka na sa tambayan namin maghintay mamaya sa akin." ang sabi nito.
______
Gaya ng pinag-usapan ay doon agad dumeretso si Andrew sa tambayan nung oras ng uwian. Sinama na rin niya si Dina. Habang hinihintay sina Bryan at Troy ay nagkaroon ng maikling pag-uusap silang tatlo ni Michael.

"Anong gusto niyong meryenda?" ang tanong ni Michael sa kanila.
"Huwag ka nang mag-abala, busog pa kami." ang sagot naman ni Andrew.
"Drinks?"
"Ayos lang kami."
"Ok. Maiba ako, nasabi sa akin ni Bryan na kayo na raw dalawa. At alam niyo ba na t uwang-tuwa ang loko. Honestly ngayon ko lang namin siya naita ni Troy na ganoong kasaya. Hindi lang ako makapaniwala sa napili niyang landas." ang medyo natatawang pahayag ni Michael. "Sa bagay noon pa man kapag nagpupunta kami sa club, napansin na namin ang lamig ng pakikitungo niya sa mga babaeng lumalapit sa kanya. Akala nga nmin nung una dahil lang ito kay..."

Agad napatigil si Michael sa kanyang pananalita na ikinataka ni Andrew.

"Ah talagang bumigay ka sa pang-aakit niya sa iyo ha." agad din nitong sinabi na tila bumabawi.
Bahagyang natawa si Dina sa sinabing iyon ni Michael.
"Hindi ko nga alam kung tama itong naging desisyon kong makipagrelasyon sa kanya. Parang naging miserable na kasi ang buhay ko simula nang makilala ko siya eh. Tulad na nga lang ng nangyari kanina." ang sabi naman ni Andrew.
"So nagsisisi ka ba?" si Michael. "Alam mo Andrew, hindi mo lang alam kung gaano kalaki ang pasasalamat namin sa iyo ni Troy. Simula nang dumating ka sa buhay niya, naging masaya na yan, bumait sa kapwa, at natutong tumulong sa iba. Naglaho na nga ang pagkamaangas niyan. Kaya nang malaman namin na gusto ka niya, hindi kami makapaniwala ni Troy. Pero napagdesisyunan namin na kahit ano pa ang kanyang sexual preference ay kaibigan pa rin namin siya kaya susuportahan namin siya."
"Alam mo Andrew, naiinggit nga ako sa iyo eh. Isipin mo na lang na bihira sa buhay ng mga tulad natin ang magkaroon ng true love. Ang swerte mo nga dahil isang tulad ni Papa Bryan ang nainlove sa iyo" ang pagsingit naman ni Dina. "At napatunayan niya iyon sa pagtatanggol sa iyo kanina. How sweet!"
"Tama ang kaibigan mo Andrew." ang pagsang-ayon ni Michael. "Siyanga pala ikwento mo naman sa amin yung mga nasa picture."

"Ah yun ba? Pinasyal lang naman niya ako." ang tugon ni Andrew.
"Hindi iyon, yung naghalikan kayo."
"Smack lang iyon. Wala pa ba siyang nasasabi sa iyo?" ang balik tanong ni Andrew kay Michael.
"Oo."
"Ganoon ba. Yung halik na iyon ay nangyari ng sabihin kong mahal ko siya."
"Friend inggit na talaga ako. Pero ano yung naramdaman mo matapos ka niyang halikan."si Dina. "Alam mo naman na yun ang pinapangarap ng lahat ng mga babaeng estudyante dito sa campus."
"Masaya ako, masarap yun. First kiss ko kasi iyon." ang pag-amin ni Andrew.
"Parehas lang kayo ni Bryan." si Michael.
"Ha! ibig bang saibihin na wala pa siyang naging past relationships?" si Dina.
"Hmmm... Ah...wa... wala pa. Marami nang nagpahiwatig sa kanya ngunit hindi niya pinatulan ang mga iyon."

Muli ay nagtaka si Andrew sa paraan ng pagsagot ni Michael. Tila nag-isip muna ito ng sasabihin. Naisip tuloy niya na may tinatago ito."
"Paano ka naman niya napasagot? " ang kinikilig nang tanong ni |Dina sa kanya.
"No choice na ako, nagsisigaw na kaya siya sa harap ng maraming tao."
Natawa si Michael. "Desperado na talaga siya sa iyo. I cant believe na gagawin niya talaga ang suggestion namin Troy. Palagi na lang namin siya nakikitang nag-iisip na parang nasisiraan ng ulo at minsan naman dumadaing sa amin kung paano ka niya mapapaamin."

Hindi niya lubos maisip na ganoon na pala katindi ang nararamdaman ni Bryan sa kanya.
"Ok" ang naisagot na lang ni Andrew sa mga nalaman kay Michael.
______
Pagsapit ng weekend ay niyaya ulit ni Bryan si Andrew na bumalik ng Baguio.

"Isang araw lang tayo dito Bryan. Kailangan ko pang magreview sa exam namin bukas."
"Ayos lang sa akin..." teka wala pa pala tayong tawagang dalawa. Ano ba pwede?"
"Kahit wag na"
"Kailangan yun. Parang wala lang kasi tayo kapag nagtatawgan tayo sa mga pangalan natin. Aha kung honey kaya"
"Ang baduy mo naman."
"O sige pwede bang cutie pie, boyfie sweety pie, sweetheart..."
"Tae ka Bryan."

Nagkatawanan silang dalawa.
"Yung sinabi mo pala kanina... Ok sa akin iyon I understand. Ayoko namang bumaba ang grades mo. I dont want na mawala ka sa scholarship ni mommy dahil lang sa akin. Mamamasyal lang tayo doon tapos bibilihan ng pasalubong si nanay then babalik na tayo ng Maynila sa gabi."
"Salamat Bryan."
"Basta ikaw."

Nang marating ang resthouse ay buong pagmamalaking pinakilala ni Bryan si Andrew bilang kanyang kasintahan kina Aling Susan at sa ibang mga kasambahay.

"Sabi ko nga anak. Noon pa lang may kutob na ako sa inyong dalawa eh. Kami dito ay sumusuporta sa inyong dalawa. Payo ko lang sa inyong dalawa, hindi mawawala sa isang magkarelasyon ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan at mga pagsubok na titibay sa kanilang pagmamahalan. Sana ay hindi ito maging dahilan ng paghihiwalay ninyo. Nakikita ko kasi na masaya kayo sa isat-isa." ang mahabang pahayag ni Aling Susan sa kanila.

Inakbayan ni Bryan si Andrew." Thank you po sa payo niyo. Kahit anuman po ang mangyari ay hindi ko bibitiwan si Andrew."

Nakakataba naman ng puso ni Andrew ang narinig nito kay Bryan kaya hindi niya maiwasan ang mapangiti.
__________
Lumipas ang ilang araw na umabot ng isang buwan ay naging maayos ang relasyon ng dalawa. Sa mga panahong iyon ay mas napalapit sila sa isat-isa. May mga araw na nagpupunta pa sila sa ibat-ibang lugar para mag date.

Lingid sa kaalaman ng dalawa na alam na ng ina ni Bryan ang namamagitan sa kanila. Nagduda na kasi siya sa mga umuugong na balita sa school at napapansin rin nito ang sobrang pagiging close ng dalawa kaya nang magpa-imbestiga siya ay nalaman niya ang lahat. Hindi niya matatanggap na maging ganito ang magiging duture life ng kanyang panganay na anak. Dahil dito. isang desisyon ang kanyang gagawin.

Isang araw ay pinatawag si Andrew sa opisina ng administrators ng university. Pagkapasok ay nakita niya ang nanay ni Bryan.
"Good Afternoon po Mam Sebastian." ang magalang na pagbati ni Andrew sa kanya.
"Good Afternoon, please take your sit." ang sagot nito. "Pinatawag kita ngayon dahil may importante tayong pag-uusapan."
"Ano po iyon Mam?"
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa iho. Simula ngayon ay hihinto ka na sa pagtuturo mo kay Billy."
"Mam?" ang tanong niya na may pagkabigla.
"Basta...and one more thing, I want you to stay away from my son."
"B...bakit naman po?" ang nauutal nang tanong ni Andrew.
"Alam ko na ang relasyon niyo ng anak ko at bilang ina niya at administrator ng school ay hindi ko mapapayagan iyon. Ngayon pa lang ay usapan na kayo dito sa school and I dont want na masira ang image niya dito at reputasyon namin dito."
"Alam na po ba ito ni Bryan?"
"No need. Kilala ko ang anak ko at hindi iyon papayag dahil may katigasan ang kanyang ulo. alam ko namang maiintindihan mo kaya kita kinausap para ikaw na ang gumawa ng hakbang. So ano nagkakaintidihan ba tayo?"

Hindi agad makasagot si Andrew.
"Sana maintindihan mo iho, gusto ko lang na maging tuwid ang buhay ng anak ko, na magkaroon ng normal na buhay, ng asawa at anak na magdadala ng apleyido ng aming pamilya."
"Naiintindihan ko po mam." ang medyo naiiyak na niyang tugon.
"Alam ko ang nararamdaman mo iho, kung talagang mahal mo siya, gagawin mo ang lahat na maging tama ang landas na kanyang tatahakin di ba?"
"Sige po Mam, gagawin ko po." ang malungkot na tugon ni Andrew.
"Huwag kang mag-alala, pag-iisipan ko ang aking gagawin bilang kapalit sa paghinto mo sa pagtutor."

Hindi na inintindi pa ni Andrew ang huli nitong sinabi dahil sa nararamdaman niyang kalungkutan.
Pagkalabas ni Andrew ng opisina ay nakita niya si Bryan na nakatayo na nag-aabang sa kanya.

Itutuloy...

40 comments:

  1. d2 na pala magsisimula yung conflict ng story...

    ReplyDelete
  2. salamat po sa update, ano kaya magiging reaction ni bryan?

    -yuan

    ReplyDelete
  3. Olala..ayan na nga..ano kayang gagawin ni Andrew? Lalayo nga ba siya? Sasabihin niya kaya ito kay Bryan? Naku nakakaexcite na ang susunod.

    Aabangan ko ang susunod!

    ReplyDelete
  4. ang sakit nun andrew.... dapat tinago nyo muna... paano yan,,,andrew ano ang sasabihin mo kay bryan...baka nga tama ang hula sa inyo na dadaan kayo butas ng karayum... wahhhh ang saki sakit nun...be strong...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  5. Kawawa naman c andrew. :( tapus magagalit c bryan sa kanya dahil di maipagtapat ni andrew ung totoong dahilan ng pang iiwas nya. Magkaroon ng bago si bryan. Waahhh. Ayoko na... Si Troy to the rescue ba?

    ReplyDelete
  6. ouch!! kakasimula pa lang nila maging sila eh dadarating kagad ang problema :'( kawawa naman si Andrew. hay!!

    salamat po sa update!!! hahaah!!

    ReplyDelete
  7. katulad to ng meteor garden a. hehehehhe.

    update na author

    taga_cebu

    ReplyDelete
  8. ang oe ng mama nya huh..mukhang siya ang kontra bida dito..tingnan lang natin kung may aapi sa kanya kung malalaman nila na si andrew ay isang tagapagmana.



    oo tagapagmana sa bato ni DARNA...hehehe

    ReplyDelete
  9. that's really unfortunate.. boo..!!

    poor Andrew.. :(

    can't wait for the next one.. hehe

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  10. More please, exciting naman. sino talaga si andrew sa storing ito.... More power and Good Luck

    ReplyDelete
  11. ayan.!may update nah.heheh.!basa mode muna..

    ReplyDelete
  12. salamat po...astig!!!gling ni author

    ReplyDelete
  13. Tama si Russ...
    Ang mama ni Bryan ang magiging tinik sa buhay ni Andrew...
    Subalit may twist...

    Mukhang isang heredero si Andrew ng Bilyonaryo niyang Lolo...

    At si Andrew lang ang nag-iisang apong lalaki na magmamana ng kanilang kayamanan...hehehe.

    Love that idea...

    ReplyDelete
  14. Sana mamatay ang nanay ni Bryan. :P

    ReplyDelete
  15. wow ang tagal kong hinintay to...
    sana mabilis ang update hahahahaha...

    go go go author galing...

    wait ako sa sunod nito...
    simula na ang mga pagsubok...

    go go go angola

    ReplyDelete
  16. parang hana yuri dango,meteor garden,at boys over flower lang ahh..hahaha

    next na...ganda ng story

    ReplyDelete
  17. .ganda.sana 2loy 2loy na pgupdate

    ReplyDelete
  18. Kudos to the author!.. I love the story, and the flow.. I've read your previous stories, your potential and creativity is exceptional.. great job!

    ReplyDelete
  19. and the conflict starts here...

    tutol talaga ang pamilya kahit papanu meron at meron talgang hahadlang sa happy ending...

    ReplyDelete
  20. tagal po ng update =.=

    ~~~~~~~~~~
    pero ang ganda nya .. sna madugsungan pa =.=

    ReplyDelete
  21. Namiss ko po ito...haist...buti nalang....sinearch ko to at nakita ko ang blog niyo...wahahahhaha......next po please...and pa update naman po ung nasa bol... salamat po... :) im sure....marami na naghihintay ng updates nito...thank you po... :))

    ReplyDelete
  22. until now wala p ding update..., hayyyysssss....

    ReplyDelete
  23. pa follow po nang blog na to .. meron din pong m2m stories like here .. thanks .. :) recutosmind.blogspot.com

    ReplyDelete
  24. update please!!
    :)

    thanks.. ur stories were amazing!!
    more powers

    ReplyDelete
  25. wala pa po ba update??
    hehe.. happy holidays!

    ReplyDelete
  26. siguro nasa probinsya si admin at nagbabakasyon. intay-intay lang tayo.

    ReplyDelete
  27. LITSE! natapos na ang holiday season, wala pa ding update?

    ReplyDelete
  28. ba yan?!!!!!!!
    tagal na nito....wala pa rin karugtong...

    ReplyDelete
  29. admin! naputulan ka na ba ng internet connection? ano ba yan? super tagal ng kasunod ha!

    ReplyDelete
  30. ala na bang bagong movie? play BROD please!!!!

    ReplyDelete
  31. Nasan na ang next chapter? The story was really good. :) LOVE IT

    ReplyDelete
  32. Play the indie movie brod.. thanks!

    ReplyDelete
  33. yeah tama yung brod po pki post..

    ReplyDelete
  34. Waaahhh.. silent reader po ako.. pero ang tgal ko na pong inaabangan ung kasunod po.. ang tgal n tgal n po... kelan po kya ung sunod na part?

    ReplyDelete
  35. ay naku, ok na sana ang istorya. bakit hinaluan pa ng parang di kapani-paniwala. yung aawayin sya ng mga girls. ang cheap nmn ng mga babaeng yun. yung pagsigaw s mall posible nmn yun n mangyari. at bakit allowed magpost ng mga ganung picture. parang mali yata yun. unless n may salamin yun n nakapodlock na pwedeng isingit tulad ng ginagawa nmin nung nagaaral pako. kwento n nga lang e dipa ginandahan. pero maganda nmn ang takbo ng istorya. wag nlang hahaluan ng medyo sahog n di na kailangan pa.

    ReplyDelete
  36. To anonymous,

    Ang story na ito ay sariling version ko ng boys over flowers pero hindi ko ginaya ang exact story ng palabas na iyon.

    Wala naman akong sinabing true to life ito. This is only fiction kaya expected mo na may mga scenes na parang di kapani-paniwala. Kahit sa mga telenobela kung nanonood ka, may mga ilang eksena rin naman na di kapani-paniwala. Tapos sasabihin mo pang may pagkatanga ang writer o director nito.

    "kwento na nga lang e di pa GINANDAHAN, pero MAGANDA nmn ang takbo ng istorya."

    Naguluhan ako sa pahayag mong iyon ah. Im sorry kung nadisappoint ka sa story.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi lang ako ang naglalagay ng sinasabi mong di kapani-paniwala na mga eksena, marami rin pong ibang mga authors na nagsusulat ng mga ganitong klaseng kwento.

      FICTION nga po ito di ba, kaya isantabi mo sana ang realidad dito. Sana maintindihan mo na mayroon talagang pagkakataon na maglalagay ng mga ganitong di kapani-paniwalang scenes para mapaganda ang takbo ng storya.

      By the way, thanks for criticism. Ito lang po ang masasabi ko, kung hindi ok sayo ang story, huwag mo na po ipagpatuloy ang pagbabasa dito.

      Delete