Wednesday, November 30, 2011

CAMPUS TRIO Part 17

"Anong gusto mong kainin?" ang tanong ni Bryan kay Andrew nang marating nila ang lugar.
"Kahit ano na lang. Hindi naman ako mapili sa pagkain."
"Sige ako na bahala. Hanap ka na ng mauupuan natin." ang utos nito sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Bryan dala ang isang tray ng pagkain.
"Here's the food." ang sabi nito pagkalapag sa mesa. "Kain na tayo!" ang yaya pa nito.

"Salamat sayo Bryan, ang totoo niyan ngayon lang ulit ako nakakain sa ganitong lugar. At unang pagkakataon kong mabilhan ng mga bagong damit." ang pahayag ni Andrew habang kumakain sila. Hindi na niya naitago pa ang kasiyahang nadarama sa kabaitang pinapakita sa kanya ni Bryan.
"Ang gusto ko lang naman ay sumaya ka Andrew dahil special ka sa akin." ang sagot nito.
"Sa totoo lang, naisip kong ikaw na ang hulog ng langit sa akin. Simula nang magkakilala tayo, kahit hindi naging maganda ang unang pagtatagpo ng landas natin ay dumating na sa amin ni nanay ang swerte."
"Talaga. E di parang guardian angel niyo na pala ako." ang may biro nitong sagot.

Natawa si Andrew sa narinig na sagot. "Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maalis ang pagtataka na paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari, ilang buwan pa lang tayo nagkakakilala pero tinatrato mo na ako ng tulad sa isang matagal mo nang kaibigan."
"Hmmm... nagkakamali ka diyan."
"Bakit?"
Alam mo naman ang dahilan di ba?" ang tanong nito sa kanya.
"Na interesado ka sa akin ganun ba? Kay Troy ko kasi unang nalaman iyon."
"Oo pero noon iyon. Ngayon gusto na kita." ang deretsahang at seryosong sagot nito.

Napatingin si Andrew sa paligid dahil sa malakas ang boses ni Bryan nang sabihin iyon.
"Nakakahiya naman Bryan."
"Bakit naman? Sinasabi ko lang ang totoong nararamdaman ko." mas lalong lumakas ang boses nito. Napapansin na ni Andrew na pinagtitinginan sila ng mga taong kumakain din sa lugar na iyon.

"Hindi naman sa ganoon, siyempre ang weird naman na isang tulad mo ang nagsasabi niyan sa isang tulad ko na kaparehas mo ng kasarian."
"I dont care kung anuman ang sabihin ng iba sa akin."

Nabigla si Andrew sa sumunod na ginawa ni Bryan na nakaagaw-pansin sa mga taong naroroon.
"Sa mga naririto ngayon gusto ko pong sabihin sa inyo na ang taong kasama ko ngayon ay mahal ko." ang kanyang pagsigaw sabay tingin kay Andrew.

"Bryan naman tumigil ka na para kang tanga." ang nahihiyang reaksyon ni Andrew.
"Gusto mong tumigil ako, pero sa isang kondisyon." ang malakas pa ring boses ni Bryan.
"Sige na kahit ano pa yan gagawin ko."
"Sabihin mo na mahal mo rin ako."
"Bryan naman, ano kuwan..." Nalilito na si Andrew sa kaba at hiya. 
Hindi pa ba sapat sa iyo ang pagsigaw ko dito ng nararamdaman ko sa iyo para aminin mo na rin ang totoong feelings mo sa akin?"

Hindi inaasahan ni Andrew na magiging ganun kadesperado si Bryan sa kanya. Habang nag-iisip ng kanyang gagawin ay naririnig niya ang mga sinasabi ng ibang tao na naroroon.
"Ang swerte mo boy, ang gwapo ng jowa mo!"
"Kung ako sa iyo di ko na siya papakawalan pa."
"Wag ka nang mag-isip, sagutin mo na siya!"
"Kakainggit naman kayo!"

Tumingin siya kay Bryan na naghihintay sa kanyang isasagot. Lumingon din siya sa paligid at nakita niya na sa kanila nakapokus ang mga tao na naroroon na naghihintay rin sa mangyayari sa kanilang dalawa. Mistulang isang shooting ng pelikula ang eksena nilang dalawa.
"Sige sasabihin ko na." Bununtong-hininga si Andrew bago magpatuloy. "Gu... gusto rin kita."
"Hindi yan ang gusto kong marinig!"
"A...ano ba gusto mong sabihin ko?
Nilapit naman ng kaunti ni Bryan ang mukha niya kay Andrew."
"Na mahal mo rin ako."

Nanlaki naman ang mga mata niya sa pinapagawa sa kanya ni Bryan. Ipit na siya sa sitwasyon sa mga oras na iyon kaya wala na siyang ibang choice kundi sabihin ang totoo niyang nararamdaman.

"Sige na, mahal din kita Bryan"
"Lakasan mo naman Andrew" si Bryan na nakangiti. Gusto kong marinig ng lahat ang sagot mo."
"Kailangan pa ba nun?"
"Oo."

Sa pagkakataong iyon ay tumayo na rin si Andrew. "I love you Bryan!" ang kanyang pagsigaw.

"Yahooo!!!!!"ang naging reaksyon ni Bryan.
Natawa naman si Andrew sa ginawang pagtatalon ni Bryan sa tuwa. Para siyang nanalo sa lotto sa kanyang ginawa.
"Yes!!! Narinig niyo iyon, sinagot na niya ako." ang sabi niya sa mga tao sa paligid.

At nabigla siya sa sumunod na ginawa nito sa kanya. Niyakap siya nito at binigyan ng isang mabilisang halik sa labi.

Nagpalakpakan ang mga taong naroroon. Kita ni Andrew sa kanila ang kilig at saya para sa kanila. At mayrooon ding napapataas ang kilay. Pero hindi na niya pinansin pa ang mga iyon. Dahil ang nasa isip niya ay ang ginawang paghalik sa kanya ni Bryan. Iyon ang kanyang first kiss. Masaya siya dahil nanggaling pa iyon sa taong gusto niya. Hindi lang niya inaasahan na gagawin nito ang paghalik sa harap ng maraming tao.

"Ang saya ko ngayon Andrew. Sa wakas! Ang tagal kong hinintay ang oras na ito." ang masaya pa ring pahayag ni Bryan.
"Oo na, teka hindi na ako makahinga." ang sabi ni Andrew sa higpit ng pagkakayakap sa kanya ni Bryan.

Sa nangyaring iyon ay mas lalong napabilib si Andrew. Dito niya napatunayan na seryoso talaga si Bryan sa kanya. Hindi siya nahiya bagkus ay pinagmalaki pa nito ang kanyang nararamdaman at walang pakialam sa magiging reaksyon ng ibang tao.
______
"Nandito na po kami nay." ang bati ni Andrew pagkarating nila ng bahay.
"Aba ang dami naman ng mga binili niyo." ang namamanghang tugon ng kanyang ina. "Naku nakakahiya naman sayo Bryan."
"Ok lang po sa akin nay. Sa susunod po kayo naman ang bibilhan ko ng mga bagong damit." ang sagot ni Bryan.
"Ganoon ba e ngayon pa lang magpapasalamat na ako sa iyo."
"Opo. Siyanga po pala nay may maganda kaming balita sa inyo ni Andrew."
"Sige, ano ba iyon anak?" ang tanong nito kay Andrew.
"Ano po nay, ahm.... kami na po...." ang pagsagot sana ni Andrew na agad dinugtungan ni Bryan.
"Napaamin ko na po ang anak niyo nay. At sinagot na niya ako."ang masayang-masaya sambit nito sabay akbay kay Andrew.
"Talaga paano iho?"

Agad namang sumagot si Andrew. "Napilitan lang akong gawin iyon dahil nahihiya ako eh nagmumukha na kaya siyang tanga sa mall kanina."
"Wala naman akong pagsisisi sa ginawa ko. Masaya pa nga ako dahil effective di ba?"
"Kasalanan mo naman yan eh.  Matagal na akong nagpapahiwatig, nagpapakabait at nang-aakit pero nagdedeny ka pa rin. Kung noon mo pa sinabing love mo ko eh hindi na hahantong sa ganoon."
"Aba at ako pa ang sinisi mo. Ngayon ko lang kaya nalaman ang feelings mo sa akin."
"Pero matagal nang sinabi ni Troy sa iyo na interesado ako sa iyo. Commonsense naman Andrew."
"Ikaw kaya ang lumagay sa katayuan ko. Siyempre mahihiya ka ring umamin ng nararamdaman mo sa taong lalaking-lalaki kumilos at pantasya ng buong campus lalo na kung hindi pa kayo matagal na magkakilala."

"O siya tama na yan mga iho." ang pagputol ng nanay sa sagutan nila ni Bryan.
"Ito lang ang masasabi ko. Bryan, yung usapan natin kanina huwag mong kalilimutan lalo na yung mga pinangako mo. Sa iyo naman Andrew anak, hindi ako tutol sa relasyon ninyong dalawa dahil ang importante sa akin ay ang maging masaya ka."

Tumango ang dalawa sa mensahe ng ina.
______
Sa araw na iyon ay hindi na muna nagtutor si Andrew. Gusto ni Bryan na masulit nila ang unang araw nilang dalawa bilang magkarelasyon. Nagpalipas na lang sila maghapon sa kwarto.

"Andrew pikit ka." ang utos ni Bryan kay Andrew. Kasalukuyan silang nakahiga magkatabi sa matigas na kama kinagabihan.
"Bakit?"
"May surprise ako sa iyo."
"Ano naman iyon?"
"Kapag sinabi ko hindi na surprise. Bilis pikit na."
"Sige na nga." Pinikit na ni Andrew ang kanyang mga mata.
"Upo ka." ang dagdag pang utos ni Bryan. Sumunod ulit si Andrew sa kanya.

Maya-maya lang ay naramdaman ni Andrew na may sinusuot si Bryan sa kanyang leeg.
"Pwede ka nang dumilat."
At nang tignan ni Andrew ang bagay na iyon ay lubos ang kanyang pagkamangha.

"Sinadya ko talaga yang bilhin para sa iyo. Ang "A" sa pendant ay ang unang letra ng iyong pangalan."ang pahayag ni Bryan. Maya-maya lang ay may dinukot pa siya sa kanyang bulsa na isa pang kwintas.
"Ito naman ang para sa akin." ang dagdag nito habang sinusuot ang kaparehong kwintas na letrang B naman ang pendant.

Naalala ni Andrew na ito yung mga  kwintas na binili ni Bryan nung araw na nagpunta sila ng Baguio. Hindi niya akalain na para sa kanya pala ang isa nito.
"Hindi ka ba masaya?" ang tanong nito sa sinabi ni Andrew.
"Masaya pero hindi naman kailangan na ng mga ganitong bagay e."
"Sabi ko sa aking sarili na kapag naging tayo na saka ko ibibigay ang kwintas na ito. Para sa akin kailangan yan dahil ang mga ito ang sumisimbolo ng pagmamahalan nating dalawa kaya palagi mo dapat isuot yan ha. Lagot ka sa akin kapag hindi ko nakita sa iyo o mawala mo yan."
"Oo na iingatan ko ito." ang masaya pa ring sambit ni Andrew. "Salamat..."
"Good!"

"Maiba naman ako Bryan. Ano pala yung pinag-usapan niyo ni nanay kanina?"ang sunod na tanong ni Andrew nang maalala ang usapan nilang dalawa ng kanyang ina.
"Yun ba, maaga kasi akong nagising kanina kaya nagkaroon kami ng pagkakataon ni nanay na makapagkwentuhan. Nagpasalamat siya ulit sa akin sa mga naitulong ko sa iyo, nagtataka nga siya kung bakit ganoon ako kabait. Kaya pinagtapat ko na ang totoo kong feelings sa iyo. Nangako ako sa kanya na aalagaan kita. Kinuwento niya sa akin ang tungkol sa pagkamatay ng iyong tatay. At  nalaman ko na may lahi pala kayong Amerikano."

"Ah yung tatay ko. Half-American lang naman siya eh."
"Kaya pala medyo maputi ka, tapos may dimples ka pa at kulay blue ang mata. In short, ang cute mo. Kaya nga gustong-gusto kita makita palagi. Kulang na lang gawin kitang baby ko." si Bryan sabay kurot sa pisngi ni Andrew.
"Aray! Bolero ka talaga."
"Sensya na nanggigigil lang kasi ako sa iyo." si Bryan sabay pisil ulit sa magkabilang pisngi ni Andrew. "Kung hindi nga lang kita gaano kilala iisipin kong foreigner ka. Tapos nangangalakal ka pa. Hindi yun bagay sa itsura mo kaya gumawa ako ng paraan para tumigil ka na sa ganoong trabaho.
"Aray naman!" ang sambit niya dahil sa sobrang pagpisil ni Bryan.
"Sensya na ulit di ko kasi mapigilan, sobrang gigil ko lang sa iyo. Pero may tanong ako sa iyo. Nagtataka lang ako kung bakit kayo mahirap samantalang may ibang lahi ang iyong tatay."
"Ano yung itatanong mo?"
"Kung paano naging ganito ang buhay niyo. Hindi ko na kasi pinatuloy si nanay na magkwento dahil nakikita kong maiiyak na siya.  Naiintindihan ko naman siya sa kanyang nararamdaman."
"Kahit ako rin Bryan. Namimiss ko na rin si tatay. Sobrang bait niya at mapagmahal. Pinaglaban niya kami sa kabila ng pagtutol ng kaniyang mga magulang. Siyempre mahirap lang si nanay. Pitong taong gulang ako nang ipakilala kami ni nanay sa kanyang pamilya ngunit hindi nila kami tinanggap. At nang papiliin siya kung ang mana o kami ni nanay, mas pinili niya kami.  Dahil doon ay naghirap siya at tinaggalan ng mana. Kaya nagpursige siya sa pagtatrabaho para buhayin kami. Hanggang sa namatay siya dahil sa stroke." ang mahabang salaysay ni Andrew.

"So may mga kamag-anak pa pala kayo na mayaman."
"Oo pero hindi na namin alam kung nasaan sila.  At wala kaming balak na hanapin sila."
"Ah ok. Hayaan mo Andrew, isipin mo na lang na ako ang pumalit sa tatay mo. Handa ko kayong suportahan at tulungan ni nanay sa abot ng aking makakaya."
"Salamat Bryan." ang sambit ni Andrew. Nag-uumpisa na siyang maiyak dahil sa magkahalong kalungkutan sa kanyang ama at kasiyahan sa pinapakita ni Bryan sa kanya.
______
Kinagabihan, nagpasya si Bryan na doon ulit siya matutulog sa silid ni Andrew.

Habang nakahiga si Andrew ay napansin niya ang paghuhubad ni Bryan ng suot nitong shorts at underwear na lang ang tinira.

"Wala ka na bang boxer shorts?" ang tanong niya dito.
"Ayaw ko magsuot mainit eh." ang sagot nito sabay higa sa tabi ni |Andrew. Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa sumunod na ginawa nito.

Pinasok nito ang isa niyang kamay sa loob ng kanyang suot na brief.

"Ito na naman siya." ang nasabi ni Andrew sa kanyang sarili sa ginagawang panunukso ni Bryan. Napansin niya ang unti-unting paglaki ng bukol sa suot nito. Muli ay nakaramdam siya ng kung anong init sa katawan. Para hindi mahalata ay tumagilid na lang siya ng higa patalikod sa kanya. Pinipigilan pa rin niya ang kanyang sarili.

"Matutulog ka na agad. Ano ba naman yan?" ang pahayag nito na may tonong pagkadismaya.

Nahalata na ni Andrew ang ibig nitong ipahiwatig ngunit hindi pa siya handang gawin ang bagay na iyon.
  
Isang oras nang nakapikit si Andrew ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hindi niya maintindihan ang sarili. May kung anong pwersang nag-uudyok sa kanya na sumulyap sa katabi para alamin kung ano na ang ginagawa nito. At ang dahilan ay ang panunukso nito sa kanya na lubusang nakaapekto sa kanyang isip.

Pinakiramdaman muna niya ito ng ilang minuto. 

 Itutuloy...

6 comments:

  1. mukhang magkakaroon ng 'magandang kaganapan' sa next chapter ah...

    ReplyDelete
  2. wahhhh at last may up date na....yehey....naku andrew bf m na si bryan... mawala ang pag kavirgin m yan....hala...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  3. i'm waiting for any update of this series in BOL ..

    dito nlng pla pinopost ..

    anyway --
    at last ! magboyfriend na sila ..
    KAKAKILIG! yung gnawa ni Bryan aa .. Grabe ! i <3 u na kuya .

    kaso, hadlang mama ni kuya Bryan .. pano na yan .?.

    Thanks kuya daredevil ~

    ReplyDelete
  4. wow nice lalu ang daloy ng story. he he he. antagal me inantay ang update neto. . . hopefully mag tuloy tuloy na. tnx author and congratz na din.

    ReplyDelete
  5. wala pa bang part 19 to..tagal naman....daredevil post muna ang kasunod......

    ReplyDelete