Kinaumagahan, naramdaman na lang ni Andrew ang pagkawala ng katabi sa kama kaya agad siyang bumangon.
Pupungas-punas at naghihikab siyang naglakad palabas ng kanyang silid. At sa pagbukas niya ng pinto ay napahinto siya nang marinig ang boses ng kanyang ina at si Bryan. Nagtago muna siya sa gilid para alamin kung ano ang pinag-uusapan nila.
"Hindi ako tututol kung anuman ang gusto mong gawin. Alam ko naman na mabait kang tao."
"Salamat po nay, hayaan niyo po na hindi ko kayo bibiguin." si Bryan.
"O sige iho, maiwan ko na muna kayo ni Andrew at pupunta lang ako ng Quiapo."
"Magsisimba po ba kayo?"
"Oo iho, isasama ko sana si Andrew, pero hindi na muna ngayon kasi nandito ka."
"Ganoon po ba? Sasama na rin po kami sa inyo ni Andrew."
"Aba e mas maganda kung ganoon. Sige iho gisingin mo na si Andrew."
Nacurious naman si Andrew kung ano yung pinagsasabi ni Bryan na agarang sinang-ayunan ng kanyang ina. Minabuti niyang tanungin na lang ito mamaya.
Agad siyang nagpakita sa kanilang dalawa. "Gising na ako. Tama ba yung narinig kong sasama ka sa amin ni nanay na magsimba?" ang tanong ni Andrew.
"Oo naman."
"Talaga lang, baka masunog ka pagpasok mo ng simbahan."
"Grabe ka naman Andrew, parang sinasabi mong masama akong tao."
"Ikaw ang nagsabi niyan ha."
"Itigil niyo na yan, mabuti pa at bilisan niyo na para hindi tayo tanghaliin." ang pagputol ng nanay ni Andrew sa usapan ng dalawa.
______
"Doon ka na sa likod bahay maligo, ako sa banyo para mabilis." ang sabi ni Andrew matapos ibigay ang twalyang gagamitin ni Bryan.
"Ako pa talaga ang maliligo sa labas?" si Bryan.
"Oo. Punta-punta dito tapos aangal ka jan."
"Hindi naman. Nag-aalala lang kasi ako."
"Ano yung inaalala mo?"
"Na may ibang taong manilip sa akin.Mabuti sana kung ikaw boboso ok lang, hihilain pa kita papasok sa loob." ang sagot nito sabay hagikgik.
"Siraulo ka talaga Bryan. Hindi naman ako bastos tulad mo."
"E di sabay na lang tayo maligo."
Sa sinabing iyon ni Bryan ay may naramdaman bigla si Andrew na kakaibang init. Aminado naman siyang pabor sa kanya iyon dahil makikita na rin niya ang kabuuan ng katawan nito na nagpapatuliro ng kanyang isipan.Ngunit pinili pa rin niyang magpigil.
"Ayoko. Hindi ako sanay maligo nang may kasama." ang pagtanggi niya para hindi mahalata na naapektuhan siya sa sinabi nito.
"Sayang naman. Sige na doon na lang ako sa likod-bahay."
Matapos maligo ay nagbihis na si Andrew.
"Iyan lang ang suot mo?" ang tanong ni Bryan nang mapansin nito ang bihis ni Andrew na medyo nangingitim nang puting t-shirt, maong na short at tsinelas.
"Ito talaga ang ginagamit ko pag nagsisimba."
"Ganoon ba e sobrang luma na niyan. Tapos hindi ka pa nakasapatos."
"Wala akong sapatos pang-alis. Sige lalabas na ako para makapagbihis ka na doon muna ako sa sala."
"Hintayin mo na ako dito." ang pagpigil ni Bryan sa kanya habang kinukuha ang kanyang damit na susuotin sa dala niyang bag kagabi. Nang makuha ay lumingon siya kay Andrew. Napansin naman niya ang pag-iwas ng tingin nito sa kanya. Tumalikod kasi ito at tumayo na tinungo ang bintana ng silid.
"Ikaw naman Andrew, ano pa bang ikinahihiya mo, pareho naman tayong lalaki."
Bumalik na si Andrew sa kama at umupo. Nang makita niyang nagtatanggal ng tapis si Bryan para suotin ang brief ay napatakip siya ng kanyang mukha. Pagkakataon na niya ito para makatsansing ngunit pinilit niyang pigilan ang sarili. Naririnig pa niya ang mahinang pagtawa nito.
Nanatili siya sa ganoong posisyon hanggang sabihin ni Bryan na tapos na siyang isuot ang damit. Hindi na naiwasan pang pagmasdan ni Andrew ang bihis nito na nag-aayos ng kanyang buhok. Naka puting polo shirt ito na hapit sa kanyang katawan at maong na pantalon.
"Kahit ano yatang ipasuot sa taong ito bagay sa kanya." sa isip ni Andrew.
At mas lalo siyang namangha sa nakita nang matapos ito sa pagbibihis. Mistulang isang modelo ang nasa harapan niya dahil sa tindig at porma nito. Mula sa out of bed style ng buhok hanggang sa suot na sapatos. Nakadagdag as kanyang kagwapuhan ang suot nitong shades. Amoy din niya ang mamahalin nitong pabango.
"Uy gising ka pa ba?" ang tanong ni Bryan na nagpabalik sa kanyang ulirat. Nasiyahan naman siya, dahil nakadagdag na naman siya ng pogi points kay Andrew.
"Obvious ba tignan mo dilat ang mata ko."
"Oo nga naman dilat na nakatitig sa akin. Ayaw mo pa kasing umamin na pinagpapantasyahan mo ako eh."
"Kapal mo talaga." ang nasabi na lang ni Andrew. Pilit pa rin ang pagtanggi niya kahit huli na sa akto.
Natawa na lang si Bryan sa kanya.
______
Matapos ang misa ay naunang umuwi ang ina ni Andrew. Si Bryan naman ay niyaya si Andrew na mamasyal sa mall. Pagkakataon na iyon para sa kanya na makapag "date" silang dalawa.
"Saang mall mo gusto pumunta?" ang tanong ni Bryan sa kanya habang naglalakad papunta sa sakayan.
"Hindi ko alam. Bahala ka na" ang sagot ni Andrew.
"Bakit hindi ka pa ba nakakapunta ng mall?"
"Sa tingin mo ba may oras pa akong gawin ang mamasyal sa ganoong lugar, sa estado ng buhay namin? Para sa aming mahihirap mas priority namin kung paano mapupunan ang kumakalam naming sikmura."
"Wow ang lalim yata nun ah. But I agree with you." Ang may pagkabilib na tugon ni Bryan sa pahayag ng kausap.
."At ngayon maswerte ka dahil mararanasan mo na ulit ang maglibang lalo na at kasama mo ako."
"Oo na. Salamat sayo ha." ang may ngiting sagot ni Andrew.
"Buti naman at ngumiti ka na ulit sa akin. Ang sarap sa pakiramdam na nginingitian ka rin ng taong gusto mo."
"Ganoon sige sisimangot na lang ako ulit." ang pagbibiro naman ni Andrew.
"Wag naman. Ang sakit sa damdamin nun."
"Biro lang." ang natatawa nang tugon ni Andrew.
Nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad.
"Maiba ako, matao pala ang lugar na ito ano."
"Oo naman, dahil maraming mga tindahan at bangketa dito at siyempre malapit sa simbahan. Gusto mo bago tayo pumunta ng mall, libutin muna natin ang buong lugar?"
"Mainit na Andrew oh, pero sige para sa iyo magpapaaraw ako."
"Tama yan para umitim ka naman."
"Ok lang sayo? Baka ma turn-off ka na sa akin niyan pag nangitim na ako."
"Ewan ko sayo Bryan."
Habang naglalakad ay panay ang tanong ni Bryan sa mga nakikita niya doon na sinasagot naman ni Andrew. Nagtagal sila ng halos kalahating oras.
"Nakakapagod pala. Gutom ka na ba Andrew." si Bryan.
"Medyo."
"Sige tara alis na tayo. Ay teka."ang sambit ni Bryan nang mapansin niya ang mga matatandang nakaupo sa gilid ng simbahan. Tinanong niya si Andrew kung ano ang ginagawa nila.
"Mga manghuhula ang mga yan. Sila ang mga taong nagsasabi ng kapalaran ng isang tao sa hinaharap."
Bigla namang ngumiti si Bryan na tila may pumasok na ideya sa kanyang utak. "May naisip ako, pahula rin tayo. Tara!" ang pagyaya nito.
"Huwag na, hindi naman totoo ang mga yan." ang kanyang pagtanggi. Hindi kasi siya naniniwala sa mga hula.
"Wala namang mawawala sa atin diba? kaya tara na."
Hinatak siya ni Bryan patungo sa isang manghuhula na kasalukuyang nag-aayos ng mga baraha.
"Magandang tanghali po manang. Mag papahula lang po kami ng kasama ko." ang malugod na pagbati ni Bryansa matanda.
"Sige maupo muna kayo diyan. Sino gusto mauna sa inyong dalawa?" ang tanong ng manghuhula.
Nagkatinginan silang dalawa. "Ako na lang po muna." ang tila excited na pahayag ni Bryan.
"Sige ikaw muna, iho tutal gwapo ka naman." ang nakangiting sagot ng matanda.
"Kita mo Andrew pati si Manang naguwapuhan sa akin haha." ang tila pagyayabang naman niya.
Nginitian lang siya ni Andrew.
At sinimulan na ang panghuhula. Isa-isang nilapag ng matanda ang kanyang mga baraha sa mesa. Maya-maya lang ay tinignan na nito ang kanyang hinuhulaan na si Bryan.
"May kasintahan ka na ba iho?" ang pambungad na tanong nito sa kanya.
Tinignan saglit ni Bryan ang katabi niyang si Andrew bago sumagot. "Sa ngayon po ay wala pa Manang."
"Ganoon ba iho. Ayon kasi sa aking baraha ay magkakaroon ka ng kakaibang pag-ibig."
"Anong ibig niyo pong sabihin?"
"Pwede po bang pakilinaw niyo manang?" ang pagsingit ni Andrew na curious na sa sinasabi ng manghuhula.
"Ang pag-ibig na ito ang siya pa ring mananaig sa huli. Iyan lang ang masasabi ko."
Nabitin naman si Bryan sa sinabing hula sa kanya.
"Mayroon lang ako kaunting paalala sayo iho." ang pagpapatuloy ng matanda.
Ano naman po yun?" si Bryan ulit.
"May matitinding pagsubok ang darating sa buhay mo pati ng mahal mo."
Naging seryoso ang mukha ng dalawa sa narinig.
"Ngunit nakikita kong malalampasan mo iyon iho, at magiging maligaya pa rin kayo sa huli."
"Wow, buti naman kung ganoon." si Bryan na nakangiti nang muli. "Yung kasama ko naman po manang."
Muli ay isa-isang nipalag ng matanda ang baraha sa mesa.
"May minamahal ka na ba ngayon iho?" ang paunang tanong naman nito kay Andrew na sa mga oras na iyon ay hindi agad nakasagot.
Samantalang si Bryan naman ay naghihintay lang sa sasabihin ni Andrew. Sa totoo lang ay umaasa siya na sana umamin si Andrew ng nararamdaman nito para sa kanya.
"Wa...wala pa po Manang." ang simpleng sagot ni Andrew.
Nadismaya naman si Bryan sa kanyang narinig dito.
"Pero may nagugustuhan ka na ngayon di ba?" ang sunod na tanong ng manghuhula. "At hindi mo lang masabi sa kanya na mahal mo siya dahil may bumabagabag sayo."
Sapul kay Andrew ang sunod na sinabi sa kanya ng manghuhula.
"Ayon sa aking baraha ang pag-ibig mo sa kanya ang makapagbabago ng buhay mo iho."
"Ganoon po ba? ang tanong ulit ni Andrew. Ngunit sa isip niya ay marami siyang katanungan sa hula.
"Meron pa. Darating ang matinding kalungkutan sa buhay mo."
Hindi nagustuhan ni Andrew ang sumunod na sinabi ng manghuhula.
"Pero huwag kang mag-alala iho, pag-ibig lang ang susi upang makamit ang kaligayahan."ang makahulugang pahayag pa nito.
"Pwede po bang ipaliwanag niyo?" ang tanong ni Andrew.
"Iyon lang ang masasabi ko iho."
______
"Naniniwala ka ba sa sinasabi ng manghuhula?" ang tanong ni Andrew kay Bryan habang nag-aabang sila ng masasakyan.
"Wala namang mawawala kung papaniwalaan natin di ba. At least magiging guide natin iyon."
"Sa bagay tama ka. Pero nacurious ako sa hula sa iyo ha. Magiging kakaiba daw ang pag-ibig mo. Siguro iibig ka sa babaeng ubod ng pangit."
"Hindi yun ang nasa isip ko Andrew." ang sagot ni Bryan.
Napansin na lang ni Andrew na nakatingin sa kanya si Bryan sa mata. Lingid sa kaalaman ni Andrew na iniisip na ni Bryan na siya ang kakaiba niyang pag-ibig na di pangkaraniwan sa lipunan.
"Bakit ka nakatingin diyan?" ang tanong ni Andrew sa kanya.
"Wala. Yung hula naman sa iyo. May gusto ka na palang tao eh. Nililihim mo pa sa akin."
"Hula lang iyon Bryan."
"Alam kong totoo iyon. Bakit hindi mo na kasi sabihin sa kanya ang nararamdaman mo kung nakikita mo naman na gusto ka rin niya?" ang tanong ni Bryan. Nagpapahiwatig na siya sa mga oras na iyon.
"Sineryoso mo naman yung hula. Huwag na nating bigyan pa ng pansin yun." ang pag-aalibi na sagot ni Andrew.
"Pero yun daw ang makapagbabago ng buhay mo."
"Hindi naman ako naniniwala doon. Kuntento na ako sa buhay na meron ako ngayon. Pero sa totoo lang naisip ko yung isa pa niyang sinabi, na dadanas ako ng matinding kalungkutan. Sana hindi naman mangyari iyon ano."
"Kita mo e di naniwala ka rin." ang paghuli sa kanya ni Bryan. "Para sa akin lang ha, lahat naman ng tao ay darating sa punto na magiging malungkot sila. Siguro mga challenges iyon tungkol sa buhay pag-ibig mo"
"hmmm... Ewan ko ba."
"Pero bumawi naman ang manghuhula sa huli, magiging masaya ka ulit, siguro pag na overcome nyio ng mahal mo ang lahat ng challenges na iyon."
Nilapit naman ni Bryan ang kanyang bibig sa tenga ni Andrew. "Isipin mo na lang na ang pagmamahal mo sa akin ang magiging susi sa tunay na kaligayahan mo."
Natawa si Andrew sa narinig. "Assuming ka na naman diyan. Ikaw talaga."
"Pero hindi mo ba naisip na ako iyon? Eksaktong-eksakto kasi haha."
"Hay ewan ko sa iyo, tara na nga, oh ito na jeep."
"Taxi tayo ano?"
"Jeep na lang, mahihiluhin ako sa taxi eh."
"Bili muna tayo ng candy bago sumakay."
______
Nagdesisyon si Bryan na sa isang mall sa San Lazaro sila magpunta. Habang naglilibot sila ay napapansin ni Andrew ang mga taong nakatingin kay Bryan na ang karamihan ay mga estudyante na nakauniporme din marahil ay nag-aaral sa isang unibersidad din na malapit doon. Hindi na siya nagtaka pa, talaga namang agaw atensyon ito dahil sa itsura nitong artistahin.
Pumasok sila sa isang department store.
"Mamili ka na nang mga damit at pantalon na gusto mo." ang sabi ni Bryan sa kanila.
"Bibilihan mo ba ako, nakakahiya naman sa iyo."
"Oo naman, gusto ko kasing maging kaaya-aya ang itsura mo lalo na kapag kasama mo ako. At saka tigilan mo na nga yang hiya-hiya hindi bagay sa iyo."
"Hindi na kailangan Bryan." ang pagtanggi pa rin niya. Ayaw kasi niyang isipin nito na sinasamantala niya ang kabaitan na pinbapakita nito sa kanya.
"Kusang loob kong gagawin ito sa iyo. Please lang malulungkot ako kapag tumanggi ka pa. Sasakit na naman ang damdamin ko niyan." si Bryan sabay hawak sa dibdib na animoy nasaktan.
Napangiti naman si Andrew sa pag-arte nito. Ang cute kasi nitong tignan para sa kanya.
"Sige na nga. Salamat Bryan."
Si Bryan na pumili ng mga damit ni Andrew. Isa-isa niyang pinasukat sa kanya ang mga ito para alimin kung ano ang nababagay dito.
"Hindi ka naman mahirap pilian ng damit Andrew. May itsura ka rin naman kasi. Kung mag-aayos ka lang at magdagdag ng laman sa katawan mo tiyak magiging gwapo ka rin."
Lubos naman ikinatuwa ni Andrew ang pagpuri na ito ni Bryan sa kanya. Bukod kay Dina may ibang tao pa pala ang magsasabi sa kanya ng ganoon.
"At kapag nangyari iyon, tiyak mas magiging bagay tayong dalawa." ang paghirit pa ni Bryan.
Natawa si Andrew sa huli nitong sinabi. "Ikaw talaga Bryan."
Makalipas ang halos isang oras ay natapos na sila sa pamimili ng mga damit.
"Malaki na yata babayan mo niyan, pwede namang bawasan natin ito."si Andrew habang nakapila sila sa counter para magbayad.
"No, parang hindi mo naman ako kilala." ang pagtanggi ni Bryan. "Hindi naman mauubos pera ko nito dahil lang dito."
"Ay oo nga pala mayaman ka kasi."
"Kaya nga dapat umamin ka na gusto mo ako. Ano pa ba ang hahanapin mo, na sa akin na ang lahat. Gwapo, Macho, Mabait, Sweet at Mayaman."
"Aba lumakas yata ang aircon dito. Lumamig bigla. Tara bilisan na nga natin" ang pagbibiro naman ni Andrew sa kanya. Sa isip niya kasi ay may
katotohanan naman talaga ang mga sinabi niya. Kumbaga may karapatan
naman talaga siyang ipagyabang ang sarili nito.
"Andrew naman..." ang nasabi na lang ni Bryan na medyo natatawa.
Matapos bayaran ang lahat ay dumeretso ang dalawa sa foodcourt sa ibaba para kumain.
Itutuloy...
wow naka excite namang daredevil,, anu ibig sabihin ng manghuhula sa kanila.... more update please naka adik talaga.
ReplyDeleteexciting na talaga ang mga sumusunod na pangyayari, kakakilig silang dalawa. post na daredevil chapter 17 heheheh joke take your time. Ay sya nga pala daredevil movies naman.
ReplyDeleteexcited ako for the next chapter.......
ReplyDeletepaganda na ng paganda kc ang daloy ng kwento
Mukhang sila ang tinutukoy ng maghuhula..hehe
ReplyDeletethe exciting part was the fortune telling thingy.. hehehe
ReplyDeletenice one..
God bless.. -- Roan ^^,
Ay kelan sila ngpunta ng SM San Lazaro? Sayang nakita ko sana sila. :D
ReplyDeleteSuper excited sa upcoming chapters. Sana walang mamatay. Un ang naiisip ko.na matinding kalungkutan eh. At ung mga pagsubok, malamang tutol ang family ni bryan kay andrew or magiging mapangkutya ang mga tao. Hmmm. Da best ka daredevil. :)
ReplyDeleteKa-Kilig naman.. Sana di mamatay si Jey
ReplyDelete-icy-
weeeeeeeeeeee......... sarap basahin.. exciting talaga..
ReplyDeletebongang bonga...gusto ko to,,, hehehehehe
ReplyDeletewala png sunod???
ReplyDeletehehehehehehe
wala pa po ba yung next chapter nito .. can't wait to read it.
ReplyDeletewala pa pong update?
ReplyDeletearaw araw ko binubuksan site nato, kelan kaya ang updates?? hehhehehe pasensya na mr author kung demanding, maganda kasi.. hehhehe sana makatatlong chapter post mo para masaya.. hehhehehe
ReplyDeleteui daredevil
ReplyDelete:(
kailan po magkakaroon ng update ulit?
miss ko na po itong kwento na toh..
alam mo po ba na pati babaeng classmates ko napapabasa narin nito??..wala lang po share lang..
sana po mapabilis ang pag update ng cmpus trio.. kung ndi naman po kaya dahil busy ok lang po.. maghihintay po kami.. :)
ingat po daredevil..!
nice work!
God bless you po!
this is
: Adrian D. Cruz of Marikina City!
I salute you! :)
wala pa po bang update? nakaka-bitin po kasi eh...
ReplyDelete