+Kinagabihan, habang mahimbing na natutulog sina nanay at kuya, ay umiiyak pa rin ako. Walang patid ang pagtulo ng aking mga luha dahil sa sobrang kalungkutan na aking nararamdaman. Hindi ako dinadalaw ng antok.
"Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Baka sa mga oras na ito ay hinahanap na niya ako. Marahil malungkot siya ngayon, pwede ring galit siya sa akin dahil bigla na lang ako umalis." ang tanong ko sa aking sarili patungkol kay Kuya Carlo. "Hindi pa nagtatagal, namimiss ko na siya." Napapabuntung hininga na lang ako habang nag-iisip.
At dahil sa hindi ako makatulog ay minabuti ko na lang na sariwain ang aming mga alaala ni Kuya Carlo. Tinignan ko ang mga kuha naming larawan kasama si Angel sa pamamagitan ng kanyang niregalo sa akin na iphone. Naroon ang mga bonding moments namin tulad ng pamamasyal sa malls, parke at mayroon din sa bahay. Siyempre meron din kaming pribadong mga kuha ni Kuya Carlo tulad ng isang kuha niya na nakahubot hubad na may pagflex ng kanyang mga muscles at ang aming paghahalikan. Kahit papaano ay nagagawa pa rin akong pangitiin ng mga alaala naming ito.
______
Alas-sais ng umaga nang akoy magising. Medyo masakit ang ulo ko marahil sa kakulangan ko sa tulog ngunit tiniis ko ito. Maghahanda pa kasi kaming pamilya para sa flight namin mamayang hapon.
Habang nag-aagahan ay nag-usap muli kami ng aking kapatid. Si Kuya Arthur ang unang nagsalita. "Ilang oras na lang ang natitira Rico, talaga bang hindi desidido ka na sa desisyon mong umalis ng bansa?"
Napatingin naman ako sa aking kapatid. "Kuya alam kong tutol ka sa aking pasya. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman mo eh. Saka gusto ko ring humingi ng paumanhin sa abala ko sa iyo. Napilitan ka pang magresign sa pagtuturo mo para lang sa akin"
"Hindi naman, at huwag kang mag-alala sa akin. Siyempre kapatid kita kaya susuportahan kita." ang nakangiti niyang sagot sa akin. "At saka madali namang makahanap ng trabaho"
Medyo gumaan naman ang dibdib ko sa mga pahayag ni Kuya. Kaya ngumiti na rin ako.Matapos mag-agahan ay nag-umpisa na kamisa pag-eempake ng mga gamit. Habang abala sina nanay at kuya sa pag-aayos ng kanila ay napagpasiyahan kong dumako sa terrace ng aming tinutuluyan. Ngayon ko lang narealize ang kagandahan ng view ng Maynila kapag naroon ka sa isang mataas na gusali. Dahil sa hindi ako makapag-gym ay nagpasiya na lang akong mag ehersisyo sa pamamagitan ng pagpush-ups at pag-iinat ng mga braso.
Tanghali na nang lisanin namin ang tinutuluyan naming hotel para pumunta na sa airport. Habang nasa biyahe ay hindi ko pa rin maiwsan ang maiyak. Inaalo na lang ako ni nanay.
At nang marating namin ang airport saktong isang oras bago ang schedule ng aming flight, matapos macheck ang aming mga passport ay naghintay na lang kami sa waiting area.
"Anak, may pupuntahan lang kami saglit ng kapatid mo" ang biglang paalam sa akin ni nanay.
Medyo nagtaka naman ako sa sinabing iyon ni nanay. "Saan pa kayo pupunta? malapit na ang oras ng flight natin ah"
"Ah...eh... pupunta kasi ng CR ang kuya mo kaya sasabay na rin ako"
"Ganun ba, teka sasabay na rin ako" ang sagot ko. Ngunit nang akmang tatayo na ako ay pinigilan ako ni kuya. "Dito ka na lang. Wala kayang magbabantay ng mga gamit natin" ang sabi niya sa akin.
Hindi na ako umimik pa. Tama rin naman sila kaya hinayaan ko na silang umalis.
Saktong kalahating-oras na lang bago ang flight ay hindi pa rin bumabalik sina nanay at kuya. Medyo nakaramdam na ako ng pagkainis. Baka maiwan kami ng eroplano. Kaya nagpasiya akong tawagan na silang dalawa. Habang pinipindot ko na ang numero ng cellphone ni Kuya ay bigla kong naramdaman na may tumabi sa akin.
"Salamat naman at dumating na...." biglang naputol ang aking pagsasalita sa pagkabigla. "Bakit ka nandito?" ang aking naitanong sa taong katabi ko ngayon.
"Ikaw ang dapat kong tanungin. Bakit mo ginagawa ito?" ang sagot niya. Seryoso ang kanyang mukha.
Hindi agad ako nakapagsalita.
"Halika sumama ka sa akin" ang sunod niyang sinabi sabay hatak sa aking braso. Naging sunud-sunuran na lang ako sa kanya di alintana ang mga gamit naming naiwan.
Naalimpungatan na lang ako nang makita ang tinutumbok niyang direksyon. Palabas kami ng airport at deretso sa kanyang sasakyan.
"Pumasok ka" ang sabi niya na bakas ang authority sa tono nito.
Nang makapasok ay umupo na rin siya sa drivers sit.
"Ano na Rico, sumagot ka, bakit mo ginagawa sa akin ito?" ang pagtatanong niya ulit.
"Para sa ikabubuti ng lahat." sa wakas ay nakapagsaita na rin ako.
Tumingin siya sa akin. "Ang dali mo namang sumuko. Napakahina mo naman. Hindi mo man lang ipaglaban ang pagmamahalan natin."
"So wala kang pakialam sa mga taong nakapaligid sa atin, kung may mangyari sa kanilang masama"
"Wala akong sinasabing ganyan Rico. Ang hirap kasi sa iyo sinasarili mo ang problema. Naiintindihan kita Rico, ang iyong pagmamalasakit sa kanila. Pero paano na lang ang sarili mong kaligayahan? Paano na lang ako Rico?" ang kanyang pagsusumamo sa akin.
"Naisip ko lang naman ang kapakanan nila eh pati ng aking pamilya. Saka tama si Marianne, sinira ko ang buhay niya. Ayoko na rin na alipustahin niya ang pagkatao ko. Kaya napagpasiyahan kong lumayo."
Kita ko ang kanyang pag-iling sa aking sinabi. "Hindi pa ba sapat ang pinapakita kong loyalty sa iyo, ang tapat kong pagmamahal. Hindi ba dapat ang nagmamahalan ay nagtutulungan sa hirap at ginahawa, magdadamayan, sabay na haharapin ang mga pagsubok at problema. Sana sinabi mo sa akin ang tungkol kay Marianne."
"Natatakot kasi ako" ang aking sagot habang naiiyak na.
"Kaya nagpasiya kang iwan mo kami ni Angel. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Sobrang nag-alala ako sa iyo alam mo ba yon. Mabuti na lang at tinawagan ako ni nanay. Sinabi niya sa akin ang lahat. "
"Kung ganoon plano pala nila yung pag-iwan sa akin kanina para makapag-usap tayo." ang sagot kong may pagbubuntung hininga.
Hinawakan niya ang aking mga kamay at nagtitigan. "Gusto lang nila na maging masaya ka, at ito ay ang makasama ako. Kaya please lang huwag ka nang umalis." ang kanyang pakiusap sa akin. Kita ko sa mga mapupungay niyang mata ang sinseridad.
At sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilang mapayakap sa kanya at humagulgol. Gumanti siya sa akin.
"Tama na yan. Sige na uuwi na tayo" ang pag-aalo niya sa akin habang hinahaplos ang ulo.
Bigla naman akong kumalas sa kanya dahil naalala ko si Marianne. Akmang magsasalita sana ako nang takpan niya ng kanyang mga daliri ang aking labi.
"Ooops. Tama na yan. Alam kong nangangamba ka pa rin kay Marianne." ang sabi niya sabay ngiti.
"Nakakulong na si Marianne. Ang mga magulang na niya ang mismo na nagpahuli sa kanya nang malaman nilang pinapatay niya ang kanyang asawa. Ayon sa mga pulis ay nilason daw niya ito sa mismong bahay nila.
At sa rebelasyong iyon, tuluyang lumuwag ang aking dibdib. Nabura na ang lahat ng pangamba sa aking isipan kaya nagawa ko nang ngitian siya.
"Iyan, ang namiss ko." ang sabi niya. Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. At sa pagkakataong iyon ay naghinang muli ang aming mga labi. Para kaming hayok sa aming paghahalikan. Siya ang unang kumalas.
"Uwi na tayo. Naghihintay na sila sa bahay" ang sabi niya sa akin. Medyo nadismaya naman ako.
"Nakasimangot ka na naman. Huwag kang mag-alala, mamayang gabi itutuloy natin" ang nakangisi niyang pahayag at kinurot ako sa pisngi. "Hmmpptt.. ang cute mo talaga baby boy!"
Napangiti na lang ako sa ginawa niya. At pinaandar na niya ang sasakyan.
"Welcome back!" ang masigla at sabay-sabay na bati sa akin nina nanay, kuya, Tita Mely at Angel pagkapasok namin ni Kuya Carlo sa bahay.
"Salamat" ang masaya kong sambit.
"So ano pa ang hinihintay natin, tara at kumain na tayo" si Tita Mely. Naghanda pala siya ng salo-salo para sa aking pagbabalik.
"Bago tayo magsimula, may nais sana akong sabihin sa inyong lahat. Una, gusto kong magpasalamat kay nanay sa pagsabi sa akin ng lahat. Wala akong kaalam-alam na may mabigat na problema ang aking baby boy tungkol kay Marianne. Kundi dahil sa kanya, baka tuluyan nang nawala ang aking pinakamamahal. Pangalawa ang tungkol kay Marianne. Tapos na ang aming problema sa kanya. Kasalukuyan na siyang nakakulong. Kaya sa mga oras na ito ay magdiwang at magsaya tayo!" ang pahayag ni Kuya Carlo nang makaupo kaming lahat sa hapag. Pagkatapos ng kanyang pananalita ay kumain na kami.
Matapos ang hapunan ay nagkaroon pa kami ng kaunting kasiyahan. Nag videoke pa kaming lahat. Madaling araw na nang umalis sina kuy, nanay at Tita Mely. Hinatid muna namin si Angel sa kanyang silid. Nang makatulog na siya ay saka kami tumuloy na sa aming kwarto.
"Game ka na ba baby boy?" ang agad tanong niya sa akin.
"Excited ha" ang naisagot ko lang sa kanya sabay higa sa kama. Agad naman siyang pumaibabaw sa akin.
"Hindi ba sabi ko kanina ngayon natin itutuloy, sige na nasasabik na ako oh" ang sabi niya sa akin na magkatapat ang aming mga mukha.
Dahil sa aming posisyon, nararamdaman ko na ang kanyang alagang nagsisimula nang manigas patunay lang na talagang sabik na siya sa akin. Kaya wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya. At muli nilasap namin ang sarap ng aming pagmamahalan.
Masasabi ko sa aking sarili na nakamtan ko na ang tunay na kaligayahan dahil nalampasan ko na ang mga matitinding pagsubok sa aking buhay. Sa huli, naging kami pa rin ng aking pinakamamahal at pantasya ng aking buhay na si Kuya Carlo.
End of Series 3.
ibig sabihin may series 4 pa!!! wow aabangan ko yan
ReplyDeletecongratulations talaga Daredevil for the good job
kudos to you daredevil!!!
ReplyDeleteganda ng story woot
@mcfrancis : i think ung Mahal Kita ung 4th series :)
ReplyDelete-- edi ibig sabihin may 1st and 2nd series yan saan naman po makikita at mababasa un pls... paki sabi nman po ? thanks po sa napakagandang story ..
ReplyDeleteWow. Sa wakas nagkatuluyan din si Rico at Kuya Carlo... Love it Daredevil. Super galing mo. Ang tunay na pag ibig... Naghahanap ng paraan... :))
ReplyDeletenice naman! basa basa muna ako ha.:)new follower here!
ReplyDeleteANG GANDA NG STORY! :"> nakakakilig. Nakaka-dala siya ng emotions and feelings. Ang ganda. Sana may continuation pa. Yung nangyari sa kanila after ng lahat. Ganun. Ang ganda lang talaga. :) good job, daredevil! :-bd great story! Pwede pang-movie. ;) thank you for sharing this story!
ReplyDeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeletecongrats daredevil :) ang ganda ng storya na ito @daredevil can't wait for series four paki lagay naman ung link nung series 1 and 2 thanks :)
ReplyDeleteyess grabeh ntapos ko ang 3 series ng 10 hours grabeh nkaka inlove ang kwentong cnlat mo darevil
ReplyDelete